4 Ang Matandang Balete sa Gitna ng Kamaynilaan
Ika-apat na Haraya
ᜁᜃ-ᜀᜉᜆ ᜈ ᜑᜇᜌ
Ang Matandang Balete
sa Gitna ng Kamaynilaan
ILANG beses na nilang binabanggit sa akin ang pangalan ng kanilang samahan, Klab Maharlika, na ang akala ko'y isa lamang maliit na klase ng school club. Ngunit paglabas ko ng clinic na 'yon, ay bumungad ang malaki at malawak nilang tanggulan.
Nanggaling kami sa pinakadulo ng isang tenement na may ilang daan sigurong kwarto at nasa tatlumpu ang palapag. Halos kamukha rin ito ng iba pang tenement na nakikita ko sa Kamaynilaan—iba-iba ang ayos at pagkakapintura kada kwarto at palapag, siguro depende sa nakatira. Nasa Maynila pa ba kami?
Kadalasan ay maingay at magulo sa ganitong lugar pero itong kinalulugaran namin ay kasintahimik ng sementeryo. Wala ako halos makitang ibang tao bukod sa amin ni Rome na naglalakad sa may gilid na hallway.
Makapal ang abuhing ulap sa langit na nagbabadya ng ulan na dumamay pa sa mapanglaw na atmospera ng lugar. Saka ko lamang napansin ang guhong bahagi ng pader na dinaanan namin, tila may malaking halimaw ang gumawa noon.
"Kagagaling lang ng himpilan na ito sa isang digmaan laban sa mga maligno," paliwanag ni Rome nang mapansing nakakunot ang noo ko. Pero nasaan ang mga miyembro ng Klab? Mga kaedadan lang din namin sila. 'Wag mong sabihing—
"Hindi 'yon sa gano'n," pagpapatuloy niya na parang naisip din ang nasasaisip ko. "Wala namang napaslang sa kanila. That's too dark." Napangiti siya. "Halos lahat ay nasa cluster meet ngayon. Isinasagawa iyon taon-taon kalahok ang lahat ng kapitulo ng Klab Maharlika. Bawat punong rehiyon ay may kaniya-kaniyang chapter. And here's Manila chapter."
May itatanong pa sana ko sa kaniya nang maagaw ang pansin ko ng higanteng puno sa gitna ng tenement. Malago ang mga dahong tumatakip na sa parte ng langit kaya mas lalo pang dumilim sa dakong iyon. Mahahaba at makakapal ang mga baging na umaabot mula sa tuktok ng tenement hanggang sa lupang nababalutan ng mga ugat ng puno ring iyon. Hindi ko matukoy kung ang maginhawang simoy ng hangin ay sinasala o nagmumula mismo sa punong mukhang may sariling buhay.
"At iyan ang matandang puno ng Balete," tukoy ni Rome. Hindi niya mapigilang mapatawa.
"Bakit?" tanong kong halos pabulong.
"I'm really sorry. May naalala lang ako." Nang hindi ako sumagot ay nagpatuloy siya. "Ganiyang-ganiyan din ang reaksiyon ko nung una kong dating dito which was just weeks ago. Manghang-mangha din ako sa nakita ko noon. Gwen was the one who pushed me to join the Klab. And you know what, she told me na ganiyan na ganyan din ang reaksiyon niya nung unang beses rin niyang nakatuntong dito."
Nakaramdam naman ako ng konting hiya at siniguradong nakasara ang bibig na kanina pa pala nakanganga sa pagkamangha.
"I guess it's just a cycle. Malungkot nga lang talaga ngayon kasi kami-kami lang muna ang ang naririto na naatasang magbantay habang hindi pa sila nakababalik mula sa cluster meet."
"Pero saang eksaktong lugar tayo naroroon?" usisa ko.
"We're still in Manila. In fact, kapag pumasok ka sa loob ng Balete tree, one of the places you can go is just inside our school. That's how we travel."
"Totoo?"
"Uhuh."
Hindi ko ma-imagine kung paano nangyari iyon. Siguro'y may katotohanan nga ang mga magical portal sa mga kuwentong nababasa ko.
"General Escudero National Institute is actually once part of a maligno sanctuary. Now that you're awaken, mas madali mo nang makikita ang tunay na anyo ng mga maligno."
Bigla namang nagtaasan ang mga balahibo ko doon.
"Don't worry, hindi dapat katakutan ang lahat ng maligno. That's what we've learned from the past few weeks. If you haven't noticed yet, Gwen and Simm are half-malignos. Gwen is a descendant of Oryol, a serpent demigodess from Bicol."
Kaya pala ganoon ang hitsura niya kapag nakikipaglaban. Parang anytime ay manunuklaw.
"Si Simm naman, may dugong-Sarimaw, a type of aswang. It's just that some malignos, like any normal society, are evil and vicious in nature. This actually helps." Hinawakan niya ang sumpit na kwintas at itinapat sa paningin ko. Tumataas-baba ang ilang bula ng malapot na likido no'n. "Aside from being a blowgun that can shoot magical herbs and seeds, the liquid inside here is a lana, detection oil. May certain temperature para malaman if there's a suspicious entity about 3 to 5 feet around me. Well, karamihan naman ay friendly. Like DM and Frank na I'm sure nakita mo na sa school. We're all schoolmates." Inayos niya ang suot na salamin sa mata.
Sigurado ba siya? Bakit parang wala namang pamilyar sa kanila? Or ganoon lang talaga ako hindi kainteresado mag-aral kaya ni seatmates ko ay 'di ko kilala.
Sa sobrang layo ng iniisip ko, 'di ko namalayang may mga tao pala sa pinakailalim ng punong pupuntahan namin. Nakaupo sa ugat si Simm habang nakapamulsa ang mga kamay. Katabi niya sina Gwen at Lily na sabay na ngumiti nang makita kami.
"Liam!" tawag ni Gwen at akma pang tatakbo palapit. Binilisan na namin ang paglalakad ni Rome at lumapit sa kanila.
Natagalan nga lang dahil ilang beses pa akong muntikan nang madapa dahil sa makakapal na ugat ng balete na nakausli mula sa madamong lupa.
"Ambilis niyo naman?" tanong ni Simm na medyo nabugnot 'ata kahihintay sa amin. Hindi ko alam kung tattoo rin ba o permanente na ang eyebags niya.
"Okay na ba ang pakiramdam mo?" salubong sa akin ni Lily.
Tumango lang ako bagamat nakararamdam pa ng kaunting kirot. Mapakla rin ang panlasa ko. "I'm really sorry kanina," bulalas ko nang maalalang nasigawan ko siya.
"Oh, okay lang 'yun. Kahit naman ako ay magugulat kapag nakita kong nasa ibang lugar na ako pagkagising." Ramdam ko sa kilos niya na mahiyain siyang tao pero pinipilit niyang magsalita para gumaan naman kahit paano ang pakiramdam ko. "Mas malala pa nga reaksyon ni Gwen nung unang dating niya rito." May kinang ang mga mata niya kapag ngumingiti na parang hindi siya madalas tumatawa noon.
"Oh, I remember that day," singit ni Simm sabay halumbaba at kagat ng labi sa kung anumang inaalala niya. "I remember how stubborn she was."
"Lily naman," maktol ni Gwen. "'Wag mo na ipaalala. Nakakahiya." Nginitian niya ako. "Welcome sa Klab! Lily here is the acting head habang wala pa si Ian, ang current leader. Sa amin muna hinabilin ang chapter. And if I'll be asked, mas tumahimik ang mundo namin."
"Anyway," basag ni Rome na nananatiling nakatayo, "I think we have to go na." Inayos niya ang benda sa braso. "I'm starving."
Saka ko lamang muling naramdaman ang kalam ng tiyan ko. Anong oras na nga ba?
Tumayo na si Simm at humarap sa malapad na katawan ng Balete. May uka sa gitna noon na mistulang pinto papunta sa kung saan.
"Are you sure you'll stay?" tanong ni Gwen at napasunod na rin ng lingon si Simm.
Si Lily pala ang tinutukoy niya. "Yes. Okay lang ako, 'wag kayong mag-alala." Pilit siyang ngumingiti kahit parang halos paluha na. "Sa akin ito inihabilin ng Punong Maharlika kaya nararapat lang na ako muna ang magbantay. Basta tandaan niyo, welcome na welcome kayo rito."
"Well, that's on him, not us," sabi ni Rome sabay turo sa akin. "Someday, you'll be recruited and invited sa Klab. But for now, we have a more immediate concern." Lumapit siya kay Lily at yumakap. "I'll be back soon. Basta, tawagan mo lang kami if there would be trouble, okay?" alo niya dito at itinuro pa ang sintido. "Remember our telephatic link. Medyo tiisin mo lang nang onti ang hapdi, 'di ko pa kasi gamay."
"Bye, Lily," pamamaalam ni Gwen na tinanguan naman ng kausap.
Naglakas-loob din akong lumapit kay Lily at nagsambit ng mabilisang "Thank you." Sa tingin ko'y naramdaman niyang sinsero ako sa pasasalamat dahil malawak na ngiti ang isinukli niya.
Niyaya na ako ni Rome na mas lumapit pa sa puno.
"Okay, guys. We're going to the Network," babala ni Simm. Buntonghininga niya'y tila naghuhudyat na seryoso ang aming susuungin. "Kapag pumasok na tayo sa balete, we could teleport to virtually anywhere. Masalimuot ang lagusan kaya makabubuting palaging tandaan ang lugar na ating patutunguhan."
"Yes, boss," sang-ayon ni Rome. Inalok niya sa akin ang kanang kamay niyang walang benda. "You don't know where we are going so better hold on."
"Trust us," sabi ni Gwen sa tabi ko at inalok rin ang kaniyang kamay.
Nag-ipon muna ako ng lakas na loob bago sila hawakan nang mahigpit. Dahan-dahan kaming pumasok sa lagusan ng balete at mabilis ring binalot ng dilim.
Tanging kaluskos lamang ng mga hakbang namin ang naririnig ko.
Naglalaro ang mga anino sa paligid nang bahagyang lumiwanag ang tabi ko. Nakataas ang isa pang kamay ni Gwen na naglabas ng berdeng apoy. Nasulyapan ko ang determinadong mukha ni Gwen habang nakangiti at nakatitig sa kawalan. Saka ko napansing nakalingon sa akin ang matatalim na tingin ng katabi niyang si Simm.
Iniwas ko agad ang titig at napalunok na lang ng laway. Ano ba ang meron sa dalawang ito?
Nakakailang hakbang pa lamang kami nang maramdamang nanlalamig ang kamay na hawak ko.
"Rome?" Nilingon ko siya pero natatakpan siya ng anino. Bigla siyang bumitaw sa pagkakahawak. Narinig ko na lang na tumatakbo siya palayo. "Sandali!" Sinundan ko siya. Saka ko na lang namalayang nakabitaw na rin ako kay Gwen. Mabilis na naglaho ang apoy niya.
Nang wala na akong naririnig sa paligid ay bigla akong kinilabutan. Parang may dumamping malamig na hamog sa batok ko. Nagtaasan ang mga balahibo ko't agad ring bumilis ang tibok ng puso ko. "Guys? Nasaan na kayo?" Sinubukan ko silang tawagin pero iba ang sumagot.
"Liam!" Mapanglaw ngunit may katinisan ang tinig. "'Wag kang palilinlang."
"Sino ka?" Hindi ko alam kung saang direksyon titingin dahil kadiliman lang ang nasa buong paligid. Para akong nakakulong sa kung saan.
Sa may bandang harapan ko, ilang dipa ang layo, ay nagningas ang malamlam na liwanag at nagpakitang muli ang lalaki sa kawayan. Nakapikit siya. Mas lalo kong nakilala ang boses niya. "Hindi lahat ng sinabi at sasabihin nila ay totoo. Hanapin mo ang kapatid mo. Nandito lang din siya sa lugaring ito. May sarili kang layunin at isa doon ay ang muling pagsasama-sama ng ating pamilya." Malungkot ang kaniyang mukha, may poot at lumbay.
"Ikaw ba talaga si Tatay?" tanong ko habang dahang-dahang lumalapit.
"Liam, nasasabik na akong makita kayong muli."
Nang makalapit nang husto ay tinignan ko lang muli ang mukha niya. Kahawig ko talaga. Kahit pa hindi ko na halos maalala ang itsura niya dahil masiyado pa akong bata nung nawalay kami, ramdam kong pamilyar siya sa akin.
"Ang agimat!" bulalas niya.
Napatingin ako sa kwintas kong nagliliwanag muli. Pumapaikot sa pangil ang kulay abong usok.
"Para saan ba talaga ang agimat na 'to?" Gustong-gusto ko nang malaman kung bakit nga ba sa akin pa ito ipinamana, at kung bakit sa pamilya pa namin ito nangyayari. Ngunit may kaunting pag-asa akong naramdaman na baka sakaling ito nga ang daan para magkasama-sama kaming muli.
Pero pag-angat ko ng ulo ay wala na ang pigura ni Tatay. Tanging mga talahib at malikot na anino ng mga puno ang nasa paligid. "'Tay?"
Kaluskos sa damuhan ang sumagot sa akin. Isang hayop na nanginginain ang tumambad sa harapan ko. Kumakaway ang maliit nitong buntot.
Lumapit ako para kahit papano'y may kasama ako sa dilim.
"Ulululululul!" Halos mapatalon ako sa ingay na inilabas ng hayop na sa itsura'y mukhang malaking kambing.
Dahan-dahang lumingon ang de-sungay niyang ulo at tumambad ang mukha ng isang matandang lalaking may balbas.
"Ahhhhh!" Agad akong nagtatakbo palayo. Ano'ng klaseng pagmumukha iyon?
"Ulululululul!" Sumusunod siya sa akin.
Hindi ko na nagawa pang lumingon dahil may maitim na aninong humarang sa daraanan ko. Naghulma sa paningin ko ang isang mabalahibong higante. Ni hindi ko maintindihan kung nasaan ang mukha niya. Sinimulan nitong ihakbang ang mabibigat na paa.
Nagsimula na rin akong magdasal. Nawa'y kinain na lang sana ako ng lupa.
Habang tumatakbo ay may malakas na kamay na biglang humablot sa damit ko. Umangat ako at inilapag sa likuran ng isang kabayo.
Ni hindi pa ako nakaka-recover sa mga nakita ko kanina.
"Liam, saan ka nanggaling?" Nawala lang ang kaba ko nang marinig ang boses ni Rome. Nasa harap ko lang pala siya. Lumingon siya sa akin. Sabay kaming umaalog dahil sa pagtakbo ng sinasakyan namin.
"S-sinong bumuhat sa akin?"
Sa harap ni Rome ay lumingon ang mukha ng isang magandang dilag. Mahaba ang buhok niyon na tumatakip sa katawan niyang walang saplot. May suot siyang mga alahas sa leeg at braso. Agad ko ring napansin ang maliit at kumikinang na sungay sa kaniyang noo.
"Magandang gabi, lakan," bati nito. Saka ko lamang napagtantong siya mismo ang sinasakyan namin ni Rome, isang matangkad na kalahating-tao kalahating-kabayo.
"Si Hiyas nga pala. She's a female centaur. Kabalan sa Bikol," pagpapakilala ni Rome. "Akala namin ay 'di ka na namin makikita. Bigla kang naglaho sa lagusan."
Aatakihin na 'ata ako sa puso sa mga nakikita ko. Baka dala lang ng pagod at gutom. Nahalata 'ata ni Hiyas ang takot sa mukha ko kaya nagwika siya,
"Nakasalubong mo siguro sina Lucky at Manang Hilaw. Bantay sila sa kakahuyang ito, tulad ko. Mababait silang maligno. Huwag kang mag-alala."
Nilunok ko na lang ang namuong takot sa lalamunan.
"Malapit na tayo sa headquarters para maghapunan," kalmadong sabi ni Rome.
Napakapit na lang ako nang mahigpit sa damit niya sa takot na malaglag sa sinasakyan namin.
Iba't-ibang klase ng mga nagtataasang punongkahoy ang nilagpasan namin. Sa 'di kalayuan ay naaninagan ko na ang isang malaking siga na nagbibigay liwanag sa ilang mga taong nakapalibot doon, o kung mga tao nga ba ang karamihan sa kanila.
Saan na naman ba kami napadpad?
***
NAGSIMULA nang sumikat ang buwan sa Silangan nang marating namin ni Rome ang malaking siga ng apoy habang sakay ni Hiyas, ang kalahating-tao kalahating-kabayong nilalang na tinawag ni Rome na kabalan. Mabilis ding umalis si Hiyas at nagpaalam na may susunduin lamang.
"Where have you been?" bati sa amin ni Gwen habang ninanamnam ang piraso ng inihaw na manok. Naamoy ko ang halimuyak ng mababang usok na nagmumula sa karneng pumapaikot ngayon sa apoy sa may kalagitnaan ng kumpulan na siyang nagbibigay rin ng panandaliang liwanag sa parte ng kakahuyan na iyon.
Nakaupo si Gwen sa isang malapad na troso katabi ni Simm na abala rin sa kaniyang pagkain at agad na napatigil nang makita kami ni Rome.
"Ay, pasensiya na. Nauna na kami, kagutom, eh. Kain na rin kayo dito," alok niya sa nakahaing pagkain sa may putol na katawan ng isang malaking puno. Nakapatong dito ang kaning bagong saing sa ibabaw ng dahon ng saging. Nasa hapag din ang ilan pang piraso ng bagong ihaw na manok, mga prutas tulad ng saging at dalandan, at ilang buko ng niyog sa tabi bilang inumin.
"Bagong kaibigan?" Napalingon ako sa pinanggalingan ng malakas at masayahing boses na iyon. Sa may gilid namin, natatabunan ng dilim ang isang lumang sasakyan, taxi kung hindi ako nagkakamali.
Umangat ang tingin ko sa payat na lalaking nakaupo sa bubungan ng sasakyan. Manipis ang buhok niya at naka-sando lamang kaya kitang-kita ang maputla niyang balat na halos kuminang sa liwanag ng buwan. Malalim ang eyebags niyang tila tumalo sa akin pagdating sa puyatan.
Ikinumpas niya ang kamay sa kwerdas ng hawak na ukelele. "Magandang gabi, lakan. Name's Damian, DM for short. Tell me, what's your blood type?" Lumabas ang maliit na pangil sa ngiti niya.
"Damian, maghunos-dili ka nga," paalala ni Rome habang kumukuha ng makakain sa hapag. "Don't bother him," bulong niya sa akin. "He's a danag, a type of vampire. Pero kahit kuting, 'di naman natatakot sa kaniya."
"Huh!" sigaw ng nagpakilalang DM. "Wala talagang matatakot sa ganito kagwapo at kamachong gandang-lalaki." Ipin-flex pa niya ang walang lamang braso bago ipinagpatuloy ang pagtugtog kahit hindi naman kagandahan ang inilalabas na tono.
"DM," tawag ni Gwen. "You're meant to cope with your anger issues through music, not to transfer them on us." Napatawa na lamang ang katabi niyang si Simm.
"Excuse me, I've managed it kahit pa itinakwil na ako ng sarili kong pamilya." Tumugtog siya ng malungkot at mababang tono sa dala niyang instrumento. "Lucky me, I found you. Akala ko ba, pamilya tayo dito? Bakit kasi iniwan niyo kami dito during your mission," maktol ng bampira. "Ni hindi niyo nga sinama si Lily, ma babes—" Bigla siyang nanginig at napadiretso ng upo. "Hindi na po, boss."
Nilingon ko ang tinutukoy niya. Nahuli ko ang matalim na tingin ni Simm bago nito ipinagpatuloy ang pagkain.
Hmm. Siguro'y protective lang talaga siya sa mga kababaihan nilang miyembro.
"By the way, that is Frank." Tinuro ni Gwen ang kaliwang bahagi ng kinapupuwestuhan ko. Saka ko lang napansing may tao pala roon. Naka-stripe siya na violet, magulo ang makapal na buhok na may mga tangkay pa 'ata ng halaman. Halos lumuwa na ang mata niyang nakatitig lang sa liwanag ng apoy. Humihinga pa ba ito?
"He's an amalanhig, zombie," paliwanag ni Rome na nagsimula na ring kumain. "Frank, say hi."
Dahan-dahang ipinihit ng katabi ko ang ulo niyang lumalagatok pa ang mga buto. Ako na ang naunang bumati. "Hi!" sabay lakad papunta sa hapag-kainan.
Kumuha lang ako ng ilang sandok ng kanin at piraso ng manok na ipinatong ko sa pinilas kong dahon ng saging.
"Liam," tawag ni Gwen. "Have a seat," inalok niya sa akin ang espasyo sa gilid niya. Pero mabilis na lumipat ng upo si Simm at ang tabi niya ang inalok.
Kamuntikan na siyang mabatukan ni Gwen na nasilayan ko pang magbago ang kulay ng mga mata, parang sa mata ng reptile. Tumahimik lang saglit si Simm at tumingin sa ibang direksyon.
Bakit nga ba ako napunta sa ganito kawirdong lugar.
"Ah, pagpasensyahan mo na sila," sabi ni Rome sa may kabilang troso sa kanan. "We're a bunch of weird friends." Nagdesisyon na akong doon sa tabi niya umupo.
Halos mabulunan ako habang kumakain. Ngayon lang ulit ako nakakain ng ganito mula kagabi sa hapunan namin ni Ninong. Naalala ko tuloy, ibinida pa niya sa akin ang bagong huling tilapia at bangus na minsan ay naliligaw mula sa lawa ng Laguna. Pagkatapos naming magsalo ay pinatulog na niya ako nang maaga habang siya'y nakabantay lang sa may bintana, nakatingin palagi sa malayo katabi ni Lobo. Kung alam ko lang na iyon na ang huling sandali na kami'y magkakasama.
Umihip ang malamig na hanging nagmumula sa Kanluran na halos magpatay ng sigang apoy. Sabay-sabay silang lumingon doon at tila may inaabangan.
Napatingin din ako. Binalot ng dilim ang lupang nasasaringan kanina ng liwanag ng apoy. Dahang-dahang lumitaw ang anino ng isang nilalang na naglalakad palapit sa amin. Kaluskos lamang ng kaniyang bawat hakbang ang aming naririnig. Napalunok ako bigla ng laway at napahawak sa kwintas ko.
( ͡°ᴥ ͡° ʋ)
[Heyy! Thanks for reading. ❤
I'm still on my writing slump so I decided na i-edit at i-upload na muna ang ready chapters. Baka sakaling magbalik si espiritu ng kasipagan. Hehe.]
I've cropped the next chapter's intro and added it here to balance the wordcount and add some suspense. Para sa mga nagre-reread from previous version..hehe.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top