Sinagtala

This very short story, aside from being my entry for #Halimaween2024 Day 5, will also be an official entry for the September writing challenge hosted by ArtByKarla (@Kimmie_66) with the prompt: 

The night the stars disappeared from the sky, one person discovers they hold the key to bringing them back.

And our #PhilippineMythology creature of the day is:

Day 5 – Kogang 

 Kogang is a buso, a type of harmful spirit believed in by the Bagobos. It is zoomorphic (taking the shape of various animals).

This story may have a big spoiler to #BaleteChronicles: Ikalawang Aklat and MAY or MAY NOT be canon. I'm not sure. Haha. So, read for your own enjoyment.

Sinagtala

isinulat ni
Bernard Christopher A. Catam

Blanko. Hungkag. Walang laman. Walang mararating. Wala nang nararamdaman si Luci matapos lumayas sa ika-labintatlong pagkakataon. Bakit kasi limang taon pa bago siya maging legal at malaya. Gustong-gusto na niyang humiwalay sa poder ng matabil niyang mga tiyahing walang katapusan ang utos at panlalait. Ni hindi niya nga alam kung naalala pa siya ng tatay niyang may sarili nang pamilya sa Bulacan o ng nanay niyang isang dekada nang nasa Japan at nagpapadala na lamang ng pera sa kanila.

Bakit ba hindi nila maintindihan na hindi lang materyal na bagay ang kailangan para mabuhay at maramdaman ang buhay?

Naninikip na naman ang kaniyang dibdib, hinahangin ang matabang na luhang tumutulo habang tinatakbo ang kalsada disoras ng gabi. Sigurado namang hahanapin muli siya ng mga pinsan kinabukasan para pauwiin. Pero ngayon, mas gusto niya'ng mapag-isa.

Talong linggo nang walang bituin sa langit. Hindi dahil natatakpan ng araw o nagbabadya ng ulan. Sadiyang wala nang nagpapakitang tala tuwing gabi sa 'di rin malamang dahilan. Kaya't ngayong wala ring buwan ay mas lalong dumidilim ang paligid sa paglubog ng araw, ngunit hindi iyon hadlang kay Luci.

Kabisado na niya ang kabahayan sa barangay na 'yon. Hinayaan niyang dalhin siya ng mga paa sa loteng tambakan ng mga bato't metal na mga materyales na nag-aabang para sa isang gusaling hindi naitatayo. Doon siya madalas umiyak—maliban ngayon.

Wala pang sampung segundo siyang nakatago sa likod ng mga bakal nang marinig niya ang mga ingay. Tanging naglalabang liwanag ang natanaw niya. Itinakip niya ang palad sa harap ng mga mata dahil sa nakasisilaw na ilaw. May dalawang tao sa lote, nagsisisigaw sa 'di maintindihang lengwahe: isang nilalang ng liwanag at isa ng kadiliman. Kung nakasisilaw ang dilim, ngayon niya lang nalaman.

Tatakbo sana siya palayo upang makaiwas sa komosyon ngunit matinis na tinig ang nagpahinto't napaluhod siya sa hapdi. Sigurado siya, libong bomba ang sabay-sabay na pinasabog sa loteng iyon na nagpatilapon sa kaniya palayo, dala ng malakas na hangin at mga basag na salamin.

Tumama ang balakang niya sa bunton ng hollow blocks. Hirap siyang huminga. Nang subukang umubo'y tila may nakabara sa lalamunan. Nakalunok ba siya ng basag na salamin kasabay ng pagsabog?

Sa pagwala ng liwanag ay malinaw niyang nakita ang gitna ng lote. Ang nilalang ng dilim ay palingo-lingon, may kasama itong mga kakaiba ring nilalang. Sa pagpiring niya'y agad silang naglaho.

Akala niya'y ligtas na siya ngunit may isa pang natira, umaamoy-amoy sa paligid. Mukha itong oso na may binting pang-tigre. Lumingon ang malalaki nitong matang dilaw. Nagtama ang kanilang tingin. Agad na tumakbo palapit ang halimaw.

Hindi na ininda ni Luci ang mga galos at sugat. Agad siyang tumayo't lumikas palayo. Halos mahubad niya ang suot na sandalyas. Hindi lumilingon. Takbo lang nang takbo. Tumalon sa mga bakod. Umiwas sa mga poste ng ilaw. Sumuot sa mga nagtataasang talahib. Naliligaw na siya. Sanay naman siyang maligaw sa buhay. Kahit hindi alam ang direksyion ay patuloy siya sa paglayo. Ang mahalaga'y may direksyon.

Rinig niya ang malalim na hingal ng nilalang na palait na sa puwesto niya.

Sinalubong siya ng mataas na pader. Wala nang takas. May nakita siyang sirang tubo sa gilid, kinuha niya't buong tapang na lumingon. Ang nilalang, nagpapalit-palit ng mukha—nagiging baboy-ramo, leon, at kabayo, ngunit nananatili ang titig ng dilaw na mata't mahahabang pangil.

"Luci..." tawag nito sa malalim na tinig. Boses iyon ng kaniyang tiyo. Hindi maaari. Nananaginip lang siya.

Kung panaginip nga lang ito, alam niyang kaya niyang iligtas ang sarili. Sumugod siya't buong lakas na itinarak ang bakal na tubo sa matabang leeg ng nilalang. Umungot ito sa aray. Hindi dugo kundi mumunting anino ang lumabas sa nagawa niyang sugat.

Nanginginig ang mga tuhod ni Luci. Napaupo siya sa pagkawala ng kaniyang lakas, tuluyang nawalan ng ulirat.

"I can't believe she did that. May lahi ba siyang Maginoo?" boses ng babae ang nagpagising sa kaniya.

"She's not even a maligno. I can't smell anything special on her except for the binhi," sagot ng kausap na lalaki.

Pinilit ni Luci na imulat ang mga mata. Wala pa ring bituin sa langit. Sa harap niya'y bumungad ang isang dalaga't isang binatang nagbubulungan.

"I'm Gwen. What's your name?" bati ng masayahing dilag. Nagliliwanag ng berde ang awra nito.

"We're not gonna hurt you," sabi ng lalaking madilim naman ang awra na nakaupong pinagmamasdan ang unti-unting naglalahong katawan ng halimaw na napaslang niya. "Gwen insists about consent. That's why we haven't bring you to HQ yet."

"Simm is right. We're here to help. You're hurt and you killed that kogang."

Sandalling nanumbalik ang ala-ala ni Luci. May ngalan pala ang nilalang na iyon. Teka, hindi ba iyon panaginip lang? At bakit nakikita niya ang awrang nakapalibot sa katawan ng mga taong ito.

"They're a menace. Sinundan ka hanggang sa area na 'to and we have to keep you safe." Lumuhod ang babaeng nagngangalang Gwen para siya'y lapitan.

"Si-Sino kayo?" tanging naitugon ng nauuhaw niyang bibig, ramdam pa rin ang baradong lalamunan. "Susunduin na ako ng mga tita ko." Takot siya. Natatakot siya.

Tumayo ang lalaking tila naiinip na't lumapit sa kanila. "Look, to be short, here's what happened. Tala is dead."

"S-Sino?"

"The goddess of stars. She's been killed near your area and her binhi, her essence we call Sinagtala, has been transferred to you... accidentally."

"A-ano'ng ibig niyong sabihin?"

Si Gwen ang nagtuloy. "Wala na ang mga bituin; nasa loob mo ang kaniyang binhi." Naalala ni Luci ang basag na salaming nalunok niya sa labanan. "Hindi rin namin alam kung paano mo nakayanang dalhin ang Sinagtala. Kailangan mong sumama sa amin. Nasa'yo ang lunas para maibalik ang mga bituin sa langit."

Hindi siya makatugon. Hindi niya alam kung paano mag-react sa mga narinig.

"What's your name?" tanong ni Gwen.

"L-Luci," nanginginig niyang sagot.

"Well, Luci," tawag ng lalaki. "You just been promoted as the next goddess of the stars."

Blanko. Hungkag. Walang laman. Walang mararating. Ngayo'y punong-puno ng kalituhan at pangamba ang utak ni Luci, ngunit ang puso'y tila kumukutitap sa kapalarang naghihintay sa kaniya.

Luci MAY return in future projects (if I still have time. Hahaha.)

********************************************************

*Cover from Canva

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top