Chapter 5


Chapter 5

Masarap naman si Ragh.

I chewed the insides of my cheeks to halt my disappointment. Hawak-hawak ni Ragh ang kan'yang pisngi habang nakakunot ang noo sa akin. His eyebrows were furrowed yet his gaze never left from watching me intently.

"Bakit mo ako kinagat?" tanong n'ya sa akin. Hinihimas-himas ang kan'yang pisngi.

Umiling ako. I crossed my arms across my chest. Iniwas ko ang tingin sa kan'ya.

"Nagtatampo ka ba? Dahil sa isda? Hindi ka kumakain ng isda?" malumanay n'yang tanong.

I gradually nodded.

"Ano'ng kinakain mo?"

Muli akong napailing. Hindi rin alam ang tamang isasagot sa kan'ya, I eat rare sea plants since I'm from the noble class of the sea creatures however I know that humans are not capable of having them. Nasa pinakadulo ito ng karagatan at pinakamalalim na parte. Hindi naman siguro ako magugutom nito.

"Tinapay? Kumakain ka ba ng tinapay?" Ragh looked at some of the servants. May mga lumapit sa akin at pinalitan ang nasa plato ko.

Ngayon ay may laman na itong malambot na pagkain. Ginamit ko ang aking kamay upang tingnan kung gaano ito kalambot—bumabaon ang aking daliri. I beamed and smell the delicious aroma from it. It's hot but my finger isn't burning.

Napangiti naman si Ragh sa naging reaksyon ko. Kinuha n'ya ang isang kubyertos at hinati ang tinapay sa dalawa. Nilapit n'ya sa aking bibig ang piraso ng tinapay.

I hesitated. Wala akong dila. It will be hard for me to eat it and also he might find me ugly because of what I lack. I didn't want to show him the flaw that I had because of wanting a pair of legs.

Yet, I saw the slight realization in his eyes. Babawiin na sana n'ya 'yong kamay n'ya nang isubo ko ang tinapay. I coughed because just like how I expected, it was hard to swallow without a tongue. Tinulungan naman ako ni Ragh gamit ng pag-abot sa akin ng isang baso na may laman na tubig upang maibsan ang pakiramdam ko.

"Siguro ay magpapaluto na lamang kami ng lugaw para sa 'yo," Ragh said. Hinagod-hagod n'ya ang aking likod. "Kumakain ka ba ng mga lugaw?"

Umangat ang tingin ko sa kan'ya, I met his dark gaze with pure intentions. He was very thoughtful. I like how Ragh would always ask for my opinion or if it's okay with me. Something that my father and Theseus can't do.

It was torture to walk with my new made legs. Hindi ako makahakbang nang hindi nadadapa. Ragh would always carry me to my destination because of how hard it is to walk. Pinahilot pa nila ito bago sinabi sa mga doktor kuno ngunit wala rin silang mahanap na mali. Maybe it really is the consequence of wanting legs when you have a tail.

Namimilipit ang aking puso dahil dito. It was already breaking because I'm slowly losing hope. It will take years before Ragh will realize his love for me.

Ragh and I gradually became close because of the situation. It was seemingly the silver lining of having a weak and frail body because he's always there to guide me. Tinutulungan ako kumain, namimili ng aking damit, at kinakarga ako tuwing hindi ko na kaya maglakad.

Ragh was someone I can depend on. My heart was slowly becoming his museum because it was filled with his images which I considered as priceless artworks. Naalala ko dahil pinasyal n'ya ako sa isang museum na pinagmamalaki ng kanilang kaharian.

"Wala ka pa ring pangalan hanggang ngayon." Ragh teased me as we watch the waves clash with the shore. Nasa isang espasyo kami na puno ng mga bato. "Wala ka ba talagang p'wedeng masabi na matatawag namin sa 'yo?"

I shook my head and pointed towards the sea. I want to hear him call me by Cerenia but I know that's impossible. I know it won't happen right here and there. Hindi pa sa ngayon lalo na at alam kong wala pa sa akin ang puso n'ya. He was caring, no doubt. Yet, I know that he can be caring to almost everyone. Hindi lang naman sa akin.

Napabuntonghininga ako. Tinuro ko kay Ragh ang malawak na karagatan, giving him a hint of what he could possibly call me.

"Karagatan?"

Umiling ako.

"Isda?"

Binatukan ko siya. Agad naman siyang ngumiwi at natawa dahil sa reaksyon ko. Napahawak siya sa parteng tumama ang mga kamao ko. Umirap ako sa kan'ya. Tawagin ba naman akong isda! Ang ganda ko naman para maging isang isda lamang!

"Sirena?"

My heart convulsed when he uttered those words. Pakiramdam ko ay nahuli n'ya ako sa akto. I was caught off guard when he looked at me directly, his eyes unwavering.

I nodded.

"Malapit sa sirena ang pangalan mo?" manghang tanong n'ya. "Akala ko ay mga kwento lamang sila noon. Matagal na akong pumapalaot sa karagatan ngunit wala pa akong nakikitang sirena."

Napalunok naman ako. You're talking to one now. Nakita ko ang paggalaw ng buhok ni Ragh dahil sa hangin. His face always plastered a serene look, a calm and contented being. Sumasabay sa hangin ang buhok n'ya pero nanatiling nasa malayo ang kan'yang tingin. I took my time to appreciate Ragh's whole face. Ang labi n'yang katamtaman lamang ang hugis, ang matangos na ilong, at ang mga mata n'yang palaging nangungusap kahit halos itim ang kulay nito.

Ragh, how loved you are to exist in the same lifetime as me. How lucky I am to witness your beauty. The fates must have been on my side to allow me to meet someone like you.

Napangiti naman ako.

Nauna si Ragh na umalis sa akin. May mga kausap pa kasi siya na mamamayan ng kanilang kaharian upang sa nalalapit na fiesta. Ragh took a quick gaze at me to assure me if I was alright, I smiled at his considerate heart and nodded. Tinuro ni Ragh ang mga banderitas na ginawa namin noong isang araw.

I giggled to myself upon remembering that the feast is coming. Masaya raw ito ayon sa mga nakausap ko tungkol dito. Kaya naman lahat sila ay abala upang maasikaso ito dahil may mga parating din daw na bisita.

"Cerenia. . ." a short gurgled made me alert. Napalingon ako rito at kitang-kita ko si Azaria na nakamasid sa akin.

My mouth parted. Lalong nanglaki ang mga mata n'ya nang makumpirma na ako nga ang kan'yang kapatid. Azaria didn't hesitate to swim towards me. Napapitlag ako nang hawakan n'ya ako sa kamay. She was too fast!

"Paano ka. . ." kitang-kita ko sa mga mata n'ya ang takot at lungkot. Bumabahid ito sa bawat pagdapo ng kan'yang tingin sa aking mga paa.

"Cerene. . ." pagak n'yang tawag. "Anong ginawa mo?"

I couldn't answer her. Hindi ko nga alam kung bakit ang lungkot ng mga mata n'ya.

Ayaw n'ya ba akong sumaya? Nakalayo na ako sa mapangabusong si Theseus! At nandito na ako kasama si Ragh. Hinawakan ko siya sa kan'yang mga kamay upang iparamdam ang init ng aking palad na nagpapahiwatig na masaya na ako rito.

"Hindi. . ." Azaria shook her head. "A-alam mo naman 'di ba? Hindi tayo pwede sa kanila? Cerenia, nakipagsundo ka ba sa mangkukulam ng karagatan?"

Unti-unti akong tumango. Natuod si Azaria sa kan'yang pwesto at hindi agad nakapagsalita. She only looked at me with a pained expression. Betrayal filled in her eyes.

"Cerenia, kaya mo ba siya paibigin? Alam mong mamamatay ka kapag hindi ka n'ya minahal pabalik 'di ba? Hindi ito ang unang beses na may nagtangkang maging tao, Cerenia. Marami akong kakilala at ni isa ay walang naging tao nang tuluyan." Napailing si Azaria, bumabatid ang lungkot sa kan'yang tono. It was like a symphony of a sad song.

We were gifted with beautiful voices and I choose to give mine over a human who's love for me is not even certain.

"Ang mga tao ay maikli lang ang buhay. Maaaring maikli lang din ang pagmamahal nila sa kanilang kabiyak."

A mortal's life does not last that long; it is fleeting just like how they love a person. That's what they used to tell me. 'Yan ang naging bilin nila sa akin.

Umiling din ako dahil di ako sumasangayon sa paratang n'ya. I could make him fall in love with me. I just know that I can. Mahirap dahil wala ako'ng boses pero kakayanin ko naman.

A mortal love means it does not last that long. Kinatatakutan ito ni Azaria sa akin pero alam ko naman na hindi gano'n si Ragh. He was thoughtful, caring and sweet.

"Hahanap ako ng paraan upang makabalik ka na rito. Ako na ang bahala kay ama at Theseus, bumalik ka lang sa amin. Parang awa mo na, Cerenia."

Napabuntonghininga si Azaria bago bumalik sa tubig. I watched her as she descended to the deep sea. Hindi ko alam bakit ako nakaramdam ng lungkot. I miss her and my sisters. Kahit si ama at si inay ay nanunumbalik din ang pagmamahal ko sa kanila. I just hope they could respect my wishes and what I want to do in this life.

Sinundo ako ni Ragh at kitang-kita ko ang problemado n'yang mukha. Pumunta kami sa isang gubat at doon siya nagsimulang magsalita.

"Masyado kang mabait, Sirena. Maganda ka rin. Wala ka ba talagang balak umalis sa kaharian na ito? Wala ka bang balak bumalik sa pinanggalingan mo?" sunud-sunod na tanong sa akin Ragh na mukhang dehado. Magmula kanina ay hindi na siya mapakali.

I shook my head. I choose you, Ragh. And I don't regret choosing you despite the constant and unwavering pain that I will have to go through.

"Sirena," tawag n'ya sa palayaw ko. "Umiiyak ka ba?"

Lumingon lang ako sa kan'ya. A mermaid is not capable of producing tears. We can feel emotions however tears are not coming out from our eyes. Hindi tulad ng mga tao. Ilang beses na ako'ng nakakita ng mga umiiyak na tao at hanggang ngayon ay pinagtataka ko kung paano ito.

If it's because they can feel the hollow and deep emotions—then why can't we cry too? Nakakaramdam din naman kami ng lungkot, saya, galit at kung anu-ano pang mga emosyon.

Umiling ako.

He smiled at me with sadness plastering on his face. "P'wede ba ako'ng umiyak sa 'yo?"

Hinayaan kong humiga si Ragh sa aking binti. He was crying silently. No noises. Just tears streaming down his face.

"Patawarin mo ako, Sirena." He sobbed like a clueless child who doesn't know what to do. "Alam kong tinatanggalan kita ng karapatan pero sana huwag mo ako'ng iwan. Nagmamakaawa ako."

Hinawakan ko siya sa kan'yang mga pisngi. Hindi kita iiwan. I wanted to tell him that. I wanted to assure him that I will not go anywhere without him.

"Ayokong ikasal kahit kanino," he confessed. My heart literally broke at that announcement.

He doesn't want to get married. I swallowed a huge lump on my throat. Does that mean I can't become a human forever? I cannot attain a soul. . .

Paano na kita masasamahan, Ragh?

"Hanggang dumating ka."

Napalingon ako kay Ragh. My heart was throbbing so hard that I was afraid it would burst. He was looking at me, eyes brimming with tears. A tender smile on his lips.

"Wala akong nakikitang papakasalan bukod sa babaing nagligtas sa akin ngunit hanggang ngayon ay hindi ko pa siya kilala. At ang piyesta na magaganap ay para sa pag-anunsyo ng taong papakasalan ko, Sirena."

"Alam kong ang sama ko para hilingin ang kamay mo sa ganitong paraan. . ." Ragh bit his lower lip. "Pero p'wede ka naman umayaw—"

I shook my head and I eagerly nodded. Napayakap pa ako sa kan'ya dahil sa sobrang tuwa.

Papakasalan n'ya ako.

Magkakaroon na ako ng kaluluwa.

Naramdaman ko ang malamyos n'ya pagyakap sa akin pabalik. Hinaplos n'ya ang aking buhok at napangiti siya sa akin.

"Salamat, Sirena." He kissed me on my cheeks. It ignited a passionate fire inside of me. "Aalagaan kita hanggang nabubuhay ako, pangako 'yan."

Ragh slept on my shoulders that day. Nasa gubat kami at pinapanood ko kung paano unti-unting nagbago ang kulay ng langit. It somehow caused a soporific effect on me and I found myself leaning on Ragh's head to have a blink of sleep too.

A peaceful life with Ragh and a soul as a human being, the fates have blessed me so much.

Until the king and queen had someone to meet Ragh. A girl from another land. A girl who looks a lot like me.

A girl who can speak.

𖠵 キ 𖠳

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top