Chapter 26


Chapter 26

Seraphina left after she said those words, sinubukan kong sundan siya gamit ng aking paningin pero naglaho lang siya sa mga dumadaang taon. I heaved a sigh, It lingered to me that after all this time, someone was suffering the same fate as me. Hindi lang pala ako ang nahihirapan sa ganitong sitwasyon. I thought I finally got everything now.

But I'm back at zero.

Siguro nga gano'n talaga ang mga tao. No one really knows everything. Palagi kang ibabalik sa simula para may matutunan kang muli. Everyone will always be a beginner, because we only learn when we begin at something.

"Hey," ani Ragh habang paunti-unting lumalapit sa aking pwesto. He sat once again on his seat with a frown planted on his face.

"Yeah?"

"You, okay?" nagaalalang tanong n'ya.

I abruptly nodded. "Of course, I am! B-bakit naman hindi?"

My lips trembled and I think Raghnall saw that. Kitang-kita siguro ang pagiging balisa ko ngayong mga nakaraang araw dahil ilang beses na akong tinatanong kung okay lang ba talaga ako.

"Tumawag sina Amanda," Raghnall gulped, it was visible on his face that he was nervous.

"Bakit daw?"

"Babalik daw sila rito agad. Nanghihingi lang ng free reservation, ang sabi ko naman ay wala talagang bayad ang reservation saka ako na bahala sa pagkain nila kung sa hotel sila mags-stay."

Kumunot naman ang noo ko. "Wait? Hindi ba may inuupahan sila rito?"

"They wanted to try the indoor pool, kaya naman magc-check in sila sa Crystal Hotel ngayong gabi."

If this was a normal person, I would have never minded the sudden appearance in Ragh's life. Anong mali sa pag-check in sa hotel? Pero ang bawat pahayag yata na dadagdagan lang ng Amanda ay nalulukot na agad ang puso ko at tila ba pinipiraso ito na parang papel.

I gathered the remaining logic that I have in my head. Dapat hindi ako masyadong mangamba. As long as Ragh and I are together, the princess or Amanda wouldn't think of pursuing Ragh. Hindi rin naman siguro pipiliin ni Ragh na masira ang relasyon namin para sa isang bagong babaeng nakilala n'ya.

Pero nagawa n'ya 'yon noon, Cerenia.

Pinilig ko ang ulo upang hindi na muling maisip ang mga bulong ng mga boses sa paligid ko. Hindi magmamahal ng iba si Ragh nang mahal n'ya pa ako. Kailangan ko lang maging matatag laban sa mga bulong ng hangin sa akin at sa tawag ng nakaraan.

I grabbed my plate and smiled. "Kukuha lang ako ng cheesecake, gusto mo rin ba?"

He smiled back. "I'm full."

Tumango ako at muling tiningnan ang platito upang pigilan ang sarili na maiyak. Why would I feel like this? Wala naman siyang ginagawang mali sa akin. Ang tanging kalaban ko ay ang sarili kong damdamin.

Dumating ang gabi pero di ako makatulog. Maligalig ako sa aking kama at nanatiling dilat na dilat. Even the fancy accommodation wasn't enough to make me feel at ease. Minabuti ko na lang na magpahangin muna kaya naman lumabas ako ng aking kwarto at pupuntahan sana si Ragh.

We were not in the same room. Pareho kaming nahihiya ni Ragh dahil magka-relasyon man kaming dalawa, we still haven't really speak about our intimacy. Inuunti-unti pa lang naming dalawa.  

Huminto ako sa harap ng kwarto n'ya, sa madilim na hallway ay sinikap kong tatagan ang loob ko na yayain si Ragh na maglibot ngayong madaling araw. I was about to knock when someone appeared on my left side.

"Ma'am?" An employee smiled at me. May dala-dala siyang cleaning materials kaya baka isa sa mga room attendant.

I gulped. "Ah, ano, gigisingin ko lang sana ang boyfriend ko."

That coming from me makes me feel fuzzy on the inside. The term feels surreal even if it is already months since we've been dating. Hindi lang talaga ako makapaniwala na sinubukan ko talagang labanan ang tadhana. It's not like something is happening bad too, sadyang masyado lang akong nababahala sa pagbabalik ni Amanda.

"Ma'am, wala po riyan si Sir e," Napakamot na saad ng room attendant.

"Po?"

"May sinundo raw po na grupo dahil nasiraan sa daan. Mga kaibigan po yata ni Sir saka 'yong napapalapit na babae sa kan'ya."

Natigalgal 'yong room attendant at agad na napapiksi dahil sa nasabi. I, on the other hand, was too numb to speak. My tongue was shoved down my throat because I was currently at a loss of words.

"Sorry, Ma'am. Hindi naman po 'yon pinapansin ni Sir Ragh pero nahahalata lang po namin na medyo dikit talaga silang dalawa."

"Ibig n'yo po bang sabihin na hindi ito ang unang beses na pagpunta nila sa hotel?"

Ang sabi sa akin ni Ragh ay gusto nila subukan ang indoor pool. I concluded that maybe they were more on the locals' side. I drew a deep breath to calm myself down. Masyado na naman akong nag-o-overthink sa mga ganitong klaseng bagay. I should let Ragh choose his friends without me thinking of the possibilities that one of them is connected to our past.

Hindi naman ibig sabihin na magkamukha si Amanda at 'yong prinsesa ay iisa na sila! Maybe they're just look alikes! I nibbled on my lower lip as I kept on deluding myself. This whole feeling is succumbing me to death. Unti-unti na akong nilalamon ng pagi-isip na baka iisa lang talaga sila.

At paano kung totoo nga?

And if she remembers that once in her past life time, she was wed with someone like Ragh? A prince-like person who will do anything for love?

Ang sabi ni Seraphina, bumabalik daw ang tao sa mundo kapag may hindi pa sila natatapos na misyon. When they still feel incomplete. . .she must be here for something or someone. Kung sakali ngang totoo, para naman saan o para kanino?

"Hindi po. Magmula pa no'ng umalis kayo ay madalas na sila rito. Alam naman po ni Ma'am Amanda na may girlfriend si Sir Ragh pero. . ." Nag-iwas ng tingin 'yong attendant.

My heart constricted.

How should I feel after hearing that? Na mukhang interesado nga si Amanda kay Ragh? At gumagawa siya ng paraan upang mapalapit dito.

Ano naman ang laban ko kahit ako ang nauna pero hindi ako ang nasa dulo?

"Thank you po," I said. "Sige, aalis na lang po ako. Pasensya na sa abala."

I was incoherent after that. Una, iniisip ko na magkasama si Ragh at Amanda. Pangalawa, bakit parang pinagtatagpo na naman sila ng tadhana? Is this the way of the fates to remind me of my place?

I don't get it.

I will never understand why someone would love anyone just for them to be apart. Bakit mo ibibigay ang puso mo sa isang tao na hindi naman magtatagal sa buhay mo?

Why did I have to fall for Ragh again if we won't end up with each other?

My eyes went misty and I can feel my tear glands acting upon my emotion. I wandered endlessly on the trail of the sand, hindi ko na nga namalayan na nasa labas na pala ako. The moon was solemnly sharing its light to me, siguro ay puno na ito ng awa dahil pakiramdam ko naglalakad ako mag-isa sa dilim kanina.

I got what I wanted—to live in the land. Bakit pa ba ako naghahangad ng mas higit pa roon? Dapat ay nakuntento na lang ako. Pinipigilan ko ang sarili ko na humikbi nang may maaninag akong kotse na pumarada sa gilid ng kalsada.

I gasped.

Malapit na pala ako sa pinakabungad ng dalampasigan na ito. The local shops were closed. Ang mga salbabida na paninda ay nilagyan ng mga net bilang panakip. I walked closer to the car. Isa itong red na van at may niluluwa na mga tao.

"Oh gosh! Ano 'yan?! Nabuhay pa 'yong statue ng sirena?" Halakhak ng isa sa mga kasama nila.

"Hoy! Anong oras na! Ang ingay mo, Lara!"

"Si Juds kasi! May nakikita raw na babae!" anang Lara habang dinuduro ang direksyon ko.

"Nasaan na ba si Amanda?" rinig ko na tanong nung Juds. "Kakabalik lang natin dito, nilalandi na agad 'yong anak ng may-ari ng Crystal Hotel!"

"Hayaan mo 'yon! At least free accomodation, 'di ba?" Lara giggled.

Hindi ko na sila pinuntahan. Tumalikod na lang ako upang bumalik sa hotel at itulog na lang ang dalamhating nararamdaman. Pero hindi nakatakas sa aking paningin ang bulto ng dalawang tao na malapit sa may dagat.

The man was painstakingly familiar to me. He was with someone as tall as me sporting a shorter hair and a tiny waist. Naka-dress ito na green at nakatanaw kay Ragh habang si Ragh naman ay nakatingin sa dagat.

From afar, they look good together. Ang tanging hadlang sa muling pagmamahalan nila ay ang pagmamahal ko kay Ragh. Even if this isn't one sided anymore, a part of me knows that maybe I'm the villain of this story. I just can't seem to let go of the what ifs. Alam ko naman ang kahahantungan pero sinubukan ko pa rin.

I walk near them, my steps were as damaging as my steps when I was a mermaid. As if small knives were stabbing my feet. Napasinghap ako nang hawakan ni Amanda si Ragh sa braso. My eyes widened when I saw her hugging him.

"Hindi ko talaga alam kung bakit pabalik-balik ka rito, Amanda. . ." Ragh sighed as he struggled to get out of her grip. "May mahal na ako na iba. . ."

"It's okay. . ." Amanda uttered as she slowly rested her head on his chest. "Bumabalik ako rito dahil kukunin ko ang dapat na akin. Ragh, I told you. . .sa akin pa rin ang bagsak mo. "

𖠵 キ 𖠳

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top