Chapter 24


Chapter 24

"Ragh, ano ba. . ." I giggled as I felt his arms around my waist. "Hindi naman ako mawawala sa paningin mo."

"I miss you," he sighed.

Nagtaas naman ako ng kilay sa pahayag n'ya. "Magkasama naman tayo ah?"

Ever since we admitted to each other that there was indeed an attraction between the both of us. Hinayaan ko na si Ragh na manligaw sa akin. Hindi ko pa nga lang ito nasasabi kay Coleen at Merculio dahil naghahanap pa ako ng paraan kung paano isisiwalat sa kanila.

I know that both of them would support our relationship. They were always pushing the idea to me. Palagi nilang suportado si Ragh pagdating sa akin. Baka nga kiligin silang dalawa kapag nalaman nilang may pagasa na talaga kaming dalawa ni Ragh.

Hindi ko na rin nakikita si Seraphina. Hindi ko alam kung dapat ba lalo akong kabahan dahil minsan na lang kung makita ko siya o dapat na akong mapanatag dahil unti-unti na siyang kumukupas. Her entire image is slowly becoming ashes and shadow. Hindi ko na rin siya masyadong nararamdaman.

"Babalik ka pa rin ba ng Manila?" tanong n'ya sa akin.

"Baka kunin ko na lang ang mga gamit ko," I confessed as a shy smile slipped on my lips. "Tatapusin ko na rin 'yong dalawang semester na natira bago ako lumipat dito."

The place was indeed a haven for me. I like the ocean and the calm atmosphere it provides, I also want to make the most of it. Ano naman kung di kami nagkatuluyan noon? We could always start anew. Chapters end for new ones to begin. Gano'n lang naman ang buhay.

"I'll wait for you," he said. Hinalikan n'ya ang tuktok ng ilong ko.

Hinayaan ko ang sarili ko na langhapin ang bawat memoryang mayroon kami. I always wanted to embrace him just like now. Pakiramdam ko ay tuluyan na akong pinagbigyan ng mundo. I was given the chance to redeem our lost moments.

"Gusto mo ba samahan na kita sa Manila? I could use a vacation too!" Ngumuso si Ragh habang tinutulungan akong mag-empake.

Umiling ako. "Sandali lang 'yon. I would visit here often, Ragh."

"Please, let me visit you too." malambing n'yang saad.

"P'wede naman, Ragh." I gently caressed his face. "Kahit kailan na p'wede ka pumunta, sasalubungin kita."

I'm not sure of the possible consequences but my rebelliousness says that this is the right thing to do. Kung sakaling masaktan ako, alam ko naman na sinubukan ko pa rin. Hindi na ako mabubuhay sa mga haka-haka.

Tumango na lamang siya at hinayaan na ako. Road Trip lang muli ang magiging biyahe namin ni Coleen. She was the happiest upon knowing that Ragh and I were close once again. Hindi ko pa nga sinasabi na may namamagitan na nga sa amin ay sobrang saya na n'ya.

Hindi ko lang inaasahan ang paglayo ni Merculio dahil sa pagiging malapit ko kay Ragh. At first, I thought that he was probably just busy but as days goes on. . .naramdaman ko ang pagiging malamig n'ya sa amin.

"Ingat kayo sa Manila," sabi ni Merculio habang nilalagay ang bag namin sa likod ng kotse ng pamilya ni Coleen. Nagpasundo na lang kami dahil na rin sa pagod.

I gulped and tried my best to smile. Hindi ako sanay sa pagiging maligamgam ng mga salita ni Merculio. He was cold but he made sure that it wouldn't be that obvious.

Naisip ko tuloy bigla kung totoo ba ang pinagtapat n'ya sa akin noon. Isn't it merely an act? Totoo ba talagang nagustuhan n'ya ako? Kung gano'n naman pala, bakit n'ya ako nirereto noon kay Ragh? He was one of those people who insisted that I should give Ragh a chance.

"Merculio," tawag ko sa atensyon n'ya.

He lifted his gaze and smiled at me. "Yeah?"

"Thank you. For everything."

"Wala 'yon. Wala ka namang dapat ipagpasalamat. I'm just glad na masaya na kayong dalawa ni Ragh. Deserve n'yo ang isa't isa." He lifted his thumb and widely grinned.

Okay naman pala siya. Pero pakiramdam ko sa likod ng kan'yang ngiti ay may gusto siyang sabihin. Hindi ko nga lang alam kung ano ito at bakit hindi n'ya magawang isatinig.

Our relationship was as lukewarm as it could be. It was calm and almost as serene as the waves when there's no storms. Sa tuwing may oras kaming dalawa ay nagtatagpo kami ni Raghnall sa gitna. He also often visits me when I have no classes.

"Hindi ko first time mag-mall, Cerene." Halakhak ni Ragh habang hawak-hawak ang kamay ko.

I leaped for a bit. "Oh C'Mon! Hayaan mo naman akong i-tour ka!"

"Sa mall?" he teased and my cheeks warmed because honestly I didn't know where to go! Marami namang magandang lugar sa Manila pero kahit ako mismo ay hindi pa nakakapunta roon.

Raghnall made me feel that even the small moments were my most cherished memories. Sa pagkabit ng kan'yang mga daliri sa akin ay lalo akong napapanatag na tama ang desisyon ko na subukan siyang mahalin mula. Wala pa namang masamang nangyayari sa aming dalawa.

He kissed my hand and it made me blush. Natawa naman si Ragh at pilit na kinubli ang isang ngiti. Madalas kahit kwentuhan lang tungkol sa mga nangyari sa nakaraang linggo na hindi kami magkasama ang ambag ko, he still listens attentively.

Nagulat nga ako no'ng isang beses na nilabas n'ya pa ang cellphone n'ya.

"What are you doing?"

"Taking notes."

"Of what?"

Lumingon siya sa akin at ngumiti. "Of your words, para kapag bumalik ako sa hotel ay maaalala ko pa rin ang mga sinasabi mo ngayon. Para rin sa susunod ay may mga dala ako na makakatulong sa pananatili mo rito."

He knew exactly the right words to make my knees weak. Umiwas ako ng tingin sa kan'ya at humugot ng isang malalim na hininga. Ragh was as smooth as ever, hindi pa rin ako sanay sa pagiging affectionate n'ya sa akin pero unti-unti namang bumubukas ang loob ko dahil sa mga nagiging effort n'ya para sa akin.

I no longer fear the unknown. The deep trenches didn't drown me anymore into nothingness.

The dates were constant and every time he went with me, I forgot every little detail about what happened in the past. Ni hindi na nga sumasagi sa isip ko na isa akong sirenang nangangarap sa kan'ya. We were clearly different from our past selves.

"Babalik ka roon pagkatapos mo makuha ang diploma mo? At doon ka na talaga magO-OJT?" tanong sa akin ni Coleen habang nasa isang fast food chain kami. Hinihintay ang order namin.

I folded a tissue because I was nervous. Alam ko naman na buhay ko ito at maiintindihan ni Coleen ang desisyon ko. I know that she'll probably even support me because she knows that Ragh isn't a bad person. Siya pa nga ang nagtutulak sa akin dito.

"Yeah," I nodded. "Alam ko naman na isa 'yon sa mga lugar kung saan tayo magO-OJT dahil malapit din sa dagat. Pagkatapos ko makuha ang diploma ko, baka sa isla na ako mag-trabaho para di ako masyadong malayo kay Ragh."

Hindi maipinta ang mukha ni Coleen. My nails dig into my fingers. Hindi ko alam kung bakit parang hindi siya suportado sa desisyon ko. I thought she'll cheer me on or probably even help me pack.

"Gusto mo ba talaga roon? Kasi sa pagkakatanda ko, gustong-gusto mo na umuwi noon," she teased.

"I want to be there because Ragh's there," giit ko.

Biglang lumamlam ang mga mata ni Coleen. I was a bit shocked when she held both of my hands and tightly squeezed them. Bigla akong hinaplos nang matinding kaba dahil seryoso ang kan'yang titig sa akin.

"Please tell me this is for you, this isn't for Ragh. I know I want you to be happy but not at the expense of forgetting what you really want."

"This is what I want."

She sighed. "Okay."

Hindi ko alam bakit nagiging balisa ako dahil sa mga inaakto nila. Para kasing binabawi nila ang suporta nila sa akin. Akala ko ba ito rin ang gusto nila?

Bago ako tuluyan bumalik sa isla kung nasaan nakatayo ang Crystal Hotel ay kinausap ko si Coleen upang mas maging klaro kung ano ba talaga ang nararamdaman n'ya sa relasyon namin ni Ragh.

"Ayaw mo ba kaming magkatuluyan ni Ragh?" I asked, probably out of context because Coleen frowned at me.

"What?! No! I mean, I love the both of you together!" giit n'ya ngunit iniwas n'ya ang kan'yang tingin.

My eyes lowered down. Alam ko naman 'yon. Pero pakiramdam ko ay may gusto siyang itanggi. May tinatago siya sa akin.

"Hey. . ." Coleen sighed before putting her hands on my shoulder.

Umangat naman ang tingin ko sa kan'ya. May isang ngiti na gumuhit sa kan'yang labi.

"I like you for Ragh. I like Ragh for you. Ayoko lang na gumagawa ka ng desisyon na hindi para sa 'yo kundi para sa kan'ya. Heaven knows how badly I want to attend your wedding in case you're not going to invite me. Pero paano kung hindi pala si Ragh ang para sa 'yo talaga? At buong buhay mo ay naka-pokus sa kan'ya? I don't want that to happen, Cerene."

"I'm sure about Ragh."

Coleen sadly smiled. "Is Ragh sure about you?"

Parang piniga na naman ang puso ko. Akala ko ay tuyo na ito ngunit nalulunod pa rin pala sa dagat ng walang kasiguraduhan.

Just like before. . .

Like how easily he replaced me.

Paano kung mangyari ulit 'yon?

Umiling-iling naman ako. That's impossible. Nakikita ko naman ang effort sa akin ni Ragh at ramdam ko naman na may pakialam talaga siya. Hindi naman mangyayari ang nangyari noon sa amin. Binigyan kami ng pangalawang pagkakataon para mabigyan ng tuldok ang namagitan sa amin noon.

Ragh:

Cerene ko, did you pack already? Nasa skyway na kami.
Wait mo ako haaa.

Love you.

Cerene:

Luv u 2

Ragh:

Ano baaa

HAHAHA

Cerene:

¿¿¿ bket k nt4wa

ndi k b ceruse s 4kin

Ragh:

Love you :)

Sobrang swerte ko sa 'yo.

Cerene:

T4m4

hwg m aque gwing t0tg4

I smiled after I sent the message to him. Hindi agad siya nakapagreply pero ang sunod n'yang mensahe ay pinawi ang ngiti ko. Nalaglag ang puso ko dahil sa litratong pinadala n'ya sa akin. Natutuliro ako habang pinagmamasdan ito.

Ragh:

Hatid ko lang new friends namin! :) Malapit na ako sa 'yo.

The picture consisted of four new faces. Okay lang naman sana kung may ihahatid pa siyang iba. Yet one of the people in the picture was too familiar to me. It made me feel nauseous seeing her beautiful pale face that is slightly similar to mine. Ang naiiba lang ay ang maikli n'yang buhok at ang namumula n'yang labi. She had a flirty smile on her lips while her hand showed a wave on the photo.

My upper teeth sank on my lower lip.

It was the princess from my first life. She also existed in this lifetime and she's with Ragh right now.

𖠵 キ 𖠳

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top