Chapter 19
Chapter 19
Napanguso ako nang malaman na may fire exit pala. Na p'wede naman pala kaming hindi makulong doon at pinili lang ni Ragh na hindi sabihin.
I covered myself in the thick sheets of the hotel's mattress. Tinatawanan ako ni Coleen dahil daw mukha kaming basang sisiw ni Ragh sa mga larawan namin.
"Hindi mo man lang ako hinanap!" I shrieked.
Coleen shrugged. "Hinanap kita! Kaso nalasing ako, nakalimutan ko na may bff pala akong nasa pool pa. At saka, ang alam ko talaga ay kasama mo si Ragh kaya naman di na ako nagtaka kung di ka umuwi. Aba malay ko? Maraming kwarto sa hotel na ito 'no!"
"Hindi ako gano'n!" Namula agad ako sa bintang n'ya sa akin. Hindi naman ako sasama kay Ragh basta-basta! Sabi ko na nga ba at hindi rin talaga ako hahanapin nito ni Coleen kung alam n'yang kasama ko si Ragh.
"E si Merculio? Hindi rin kami hinanap?"
"Huh? Di ko rin talaga alam! Ang sabi ko nga ay lasing kaming pareho. Umalis siya nang sandali pero bumalik din at naglasing na rin! Kaya hindi ko alam kung hinanap n'ya rin kayo." aniya.
I sighed. May punto naman si Coleen. Bakit kami hahanapin ni Merculio? Alam naman n'yang nasa pool kami. At kung hinahanap man n'ya kami ay edi sana nabuksan n'ya ang pintuan kagabi. I was just wondering because he seems to be the kind of guy who worries over his friends. Maybe like Coleen, he knew that Ragh was with me.
Ragh:
Galit ka ba
Na-forget ko lang talaga 'yong fire exit. 😔
Cerenia:
0k lng. Na-f0rg3t n rin kta
Ragh:
Cerene, di kita maintindihan 😥
Cerenia:
L3ch3 k
I pouted after I sent him that text. Nakakainis lang na tiniis namin ang lamig ng gabi tapos alam naman n'ya kung paano makakaalis doon. Nagpalit ako ng damit. I wore a peach sleeveless shirt and partnered it with white shorts. Gutom na ako kaya bababa ako sa buffet area.
Nang makarating ako roon ay namutla ako sa malalaking crab at malulusog na hipon. Agad akong bumaling ng tingin sa iba. I might just eat somewhere else because all they have is seafood. Hindi ko naman sila masisisi dahil mas sagana rito ang ganitong klaseng pagkain.
"Cerene," may tumawag sa akin.
Ragh in his open-buttoned shirt and khaki pants graced the halls as he approached me. Agad na lumitaw ang isang ngiti sa kan'yang mukha. His features were alike with a prince or someone from a royal blood. Halata na kung isa siyang reincarnation, he came from the monarchy.
"Di na kita kilala."
"Huy, nakalimutan ko lang talaga!" Ngumuso si Ragh. "Sorry na. Masyado kasi akong na-distract sa kagandahan mo."
"I was half naked, Ragh."
"O edi sa ka-sexy-han mo pala?" Ragh grimaced.
I shot him a glare. "Ikaw kaya hubaran ko ngayon at basain?"
"Wild naman po," sumulpot si Merculio sa tabi ko kaya agad akong napaigtad. Napahawak ako sa puso ko at sinamaan siya ng tingin.
"Kaya crush kita, Cerene e." Ragh winked. "I like wild girls talaga."
Napangiwi naman ako. "Ayoko sa mga taong makakalimutin."
"Huy, hindi ako gano'n! Tandang-tanda ko pa kaya na naka-truce tayo."
Umiling lang ako kay Ragh na umaaktong parang bata. "Voided na. At saka, para malaman mo, mahilig ako sa mga lalaking alam 'yong fire exit at hindi nakakalimutan 'yon."
"Aray," Merculio acted hurt and laughed. "Bawi ka na lang sa next life, Ragh."
Natawa naman kaming tatlo. My shoulders relaxed upon hearing their laughter. I wonder, if I didn't have any connections with the past, ganito pa rin ba kami?
Would I risk getting hurt by Raghnall?
"Kumain ka na," Ragh said. "Kuha ba kita ng plate? Ano bang gusto mo? Ako ba?"
I snickered. "Tantanan mo nga ako, nilalandi mo na naman ako."
"Deserve mo naman landiin," Ragh smiled, showing a set of perfect teeth.
My heart fluttered. Agad akong namula dahil hindi ako sanay sa pagiging lantad n'ya sa kan'yang nararamdaman.
"Bolero ka talaga," sabi ko.
Tinulungan ako ni Ragh mamili ng mga pagkain na hindi seafood. Hindi ko alam kung paano siya nakakuha ng paraan upang mabigyan ako ng iba pang putahe. I ate some salad and leche flan for dessert.
"Saan magbabayad?" tanong ko nang matapos kumain. I just walked in without even thinking about the bill. May dala naman akong pera ngunit nasa kwarto.
Mula kahapon hanggang ngayon ay wala pa kaming binabayaran ni Coleen. Hindi naman sa kuripot ngunit kinakabahan ako dahil baka malaki na pala ang bill namin. Hindi ko rin kasi alam kung magkano ang libre para kay Ragh at Merculio. I don't want them spending their paychecks for us.
"Hm? Hindi na, bayad na 'yan." sagot ni Ragh.
Hindi ko mapigilan ang kunot sa aking noo. Paanong bayad na? Matagal ko siyang tinitigan, baka sakaling malaman ko kung saan galing ang pinangbayad.
"Babayaran na lang kita," I insisted.
"Di po ako bayaran."
"Seryoso kasi ako," I pouted.
Hindi naman sa mayabang o matapobre pero nanghihinayang kasi ako sa pagod nila tapos sa iba nila gagastusin. I know being a staff here is actually exhausting. Ayoko naman na sinayang nila ang pagod nila sa aming dalawa. I still have money left, p'wede ko naman ulit kitain pagbalik ko sa Maynila.
"Okay na nga, 'wag mo na isipin 'yon. You don't have to be worried about it, Cerene."
"But I am! Gusto ko lang sana na makabawi. Kahit ako na rin ang magbayad sa kinain n'yo. Kaya pakisabi na lang kung magkano para makakuha ako ng pera. . ." I urged him.
"Bayad na ito kasama sa kwarto n'yo."
"Wala rin kaming binayad sa kwarto, nahihiya na talaga ako. . ."
"Okay na nga. Saka sagot na kita, bayad na ito dahil di ko naalala 'yong fire exit."
Our gazes met and for a rapid period, I felt like we could have worked. My chest lurched a familiar tingle.
I wonder how it feels to love without thinking about the past. I wonder how to love risking getting hurt. And I wonder if Ragh is already for me in this life.
Para na ba kami sa isa't isa? O pinapaasa ko lang ang sarili ko?
"Ragh?"
Napalingon kami sa tumawag sa kan'ya. The lady was tanned and tall. Her slim figure makes her look young. Pero ang hula ko ay nasa kwarenta na ito o higit pa. Katabi n'ya ay isang lalaking may magandang pangangatawan at balbas na nagkakaroon na ng iilang puting hibla. The two of them looked shocked to see Ragh.
"Ma? Pa?" Ragh widened his eyes.
"Oh," Ragh's mother, to my surprised, doesn't look like the old queen. The old queen wasn't in favor of me before. Yet this woman didn't need a second to think to smile at me.
"Iba pala ang tinatrabaho mo, anak." His Papa chuckled.
Namutla naman si Ragh. "I'm taking care of the hotel! At ano, siya nga pala si Cerenia. . ."
"No need to introduce. Si Merculio mismo ang nagsabi sa amin tungkol kay Cerenia. Ang balita naman ay napapangiti mo na raw. Good job, anak." ani Papa ni Ragh.
"Pa naman!" Ragh groaned. Natawa ang mga magulang n'ya sa astang nagtatampo ni Raghnall.
"Hello, Cerenia. I'm Ragh's mother, Raya." Tita Raya extended her hand. Tinanggap ko naman ito.
"Tito Ryan na lang, hija." Ngumiti ang papa ni Raghnall sa akin.
"Kaya pala madalas na ang anak namin sa aming hotel ay dahil sa 'yo. We were wuite surprised that he looks forward to work here. Akala namin ay sa mga hotels sa siyudad na siya magtatrabaho."
"Ma at Pa naman. Ang sabi ko sa inyo ay pinagiisipan ko pa. Syempre naman iniisip ko rin ang Crystal Hotel sa mga papasukan ko balang araw. It's not like it's not part of the plan," depensa ni Ragh sa kan'yang sarili.
It gradually dawned on me. Hotel nila ito? Napalingon ako kay Ragh na mukhang nahihiya sa akin. They own this hotel?
"We would love to hear more from you, Cerenia. Kaya pala ganadong-ganado si Ragh kumuha ng mga shifts ngayon dahil sa iyo. It even looks like he doesn't want to go home." Tita Raya laughed.
I awkwardly went along. I never thought that Ragh was still part of the upper class even in this life. Hindi ko alam kung bakit lalong lumalim ang kaba na nararamdaman ko. This just makes sense, nagbago lang ang panahon ngunit ang tadhana namin ay gano'n pa rin.
Umiling-iling na lang ako.
Sa tuwing pakiramdam ko ay may pag-asa kaming dalawa. Palagi akong ginigising ng katotohanan.
Sinamahan namin ang mga magulang ni Ragh na maglibot sa dalampasigan. Apparently, they only visit here on occasions. Pero bumisita sila ngayon dahil namataan daw ang anak nilang may kasamang babae.
"I know Ragh can be perceived as a playboy, kahit kaming mga magulang n'ya ay hindi 'yon itatanggi. However, believe or not, ikaw pa lang ang babaing pinakilala n'ya sa amin kahit di ka pa namin kilala," kwento ni Tita Raya habang pinapanood naming maunang maglakad ang mag-ama.
"Baka po naninibago lang kayo."
"His eyes spark whenever he sees you. Kahit naman siguro ikaw ay nakikita 'yon."
I won't deny it. His eyes and even his expressions would show adoration whenever he was with me. Pero gano'n din naman siya noon. He even proposed to me. Yet in the end, he married another woman in a blink. Iniwan n'ya akong umaasa sa pag-ibig na pinangako n'ya.
I wiped my tears because of the sudden realization. Maybe if I was in love with someone else, Ragh would not confuse me anymore. Bakit ba ako nananatili rito kahit alam ko naman na wala siyang dulot kundi sakit? Why am I here in the first place?
"Cerenia. . ." ani Tita Raya. "I'm sorry. It's not like I'm pressuring you on my son. . ."
"Okay lang po, tita. Naiintindihan ko naman po. Uh, c-crush ko rin naman p-po siguro siya pero secret lang natin, tita."
Nagtawanan kaming dalawa. Her presence is comforting. Habang naglalakad kami pabalik sa hotel ay may natanaw ako. My eyes widened a fraction. Ang puso ko ay unti-unting bumilis ang tibok.
An angel-like appearance. A daughter of the air. Ang mga mala-yelo n'yang mata ay nagmamasid sa akin. Napalunok naman ako.
It was Seraphina.
Finally, it looks like I will get my answers. Kung bakit nakakaalala pa ako. Kung bakit pilit kaming pinagtatagpo ni Ragh. At kung bakit ang isang fairytale character na tulad ko ay nabuhay sa mundo ng mga tao.
𖠵 キ 𖠳
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top