Chapter 17


Chapter 17

Nagkagusto ka na ba sa isang tao na alam mong malayo sa tanaw mo? At dahil sa alam mong tila suntok sa buwan na magkagusto siya sa 'yo pabalik o di kaya'y maging seryoso siya sa 'yo ay pipiliin mo na lamang umiwas. It was like that for me and my blooming feelings for Ragh.

Matapos n'ya umalis sa aming paningin ay hindi na ako mapakali. Palinga-linga ako habang kumakain kami ni Merculio. I didn't want to be rude to him but Ragh was occupying my mind. Paano kung may mangyari sa kan'ya? Medyo dumidilim na rin at mahirap makita ang pagitan ng lupa at dagat.

"Okay ka lang ba, Cerenia?" tanong ni Merculio. Umangat ang tingin ko sa kan'ya at agad na pinilit ngumiti upang maibsan ang kaba.

"Oo naman. Sa tingin mo ba ay nakauwi na si Ragh?"

"Hm, hindi naman maaga umuuwi ang isang 'yon. He's probably just wandering around," aniya.

Napalunok naman agad ako. "Kahit gabi na?"

Tumango naman siya sa akin. "Oo kahit gabi na. Hindi naman mawawala 'yon si Ragh. Puwede naman natin hanapin kung talagang nagaalala ka sa kan'ya."

Marahan akong umiling. "No, please don't get the wrong idea. Hindi naman sa nagaalala ako, ano lang. . ." I ransacked my mind for an excuse but I couldn't find any.

Natawa na lang si Merculio sa akin.

"Crush mo lang siya?"

"Oo—huy!" Mabilis akong umiling. "Hindi 'no! Wala lang. Naisip ko lang na gabi na at baka maligaw siya."

Merculio raised an eyebrow. "Te, taga-rito 'yon."

Pinamulahan ako ng pisngi. Hindi na ako nakasagot pa dahil tama naman siya. Sadyang gusto ko lang sana makasigurado na ligtas si Ragh o di kaya'y hindi siya malungkot sa gabing ito.

I sighed to myself. Who am I kidding? Kahit yata ibaling ko sa iba ang pakiramdam ko, sa kan'ya pa rin ako bumabalik. Hindi ko kayang lumipat sa iba dahil hindi suwak. Hindi rin tama. Sa kan'ya lang sakto ang nawawalang piyesa ng isang larong palaisipan.

Raghnall might not be for everyone but he's for me. His playfulness and how he marveled himself made knots in my stomach.

Pagkatapos namin kumain ay sinamahan ako ni Merculio na lumibot pa kahit lumubog na ang araw. The feeling of solitude existed the moment I took a step on the white sand. Napabuntonghininga ako at humarap kay Merculio.

"Ilang taon na kayo rito?"

"Hindi kami taga-rito. Malapit lang ang naging tirahan namin kaya naman madalas kaming nandito sa mismong dalampasigan. Medyo kabisado lang talaga namin ang pasikot-sikot dahil nga pareho kaming gala ni Ragh."

"Matagal na kayong magkaibigan ni Ragh?"

"Oo," sagot n'ya. Bahagya siyang natawa tila ba may naalala. "Papareto ka ba?"

My cheeks burned because of his sudden question. Agad akong umiling sa kan'ya. "Hindi 'no! It's not like that, hindi gano'n ang ibig kong sabihin."

"Bagay kayo," he teased. "I-crush back mo na."

I waved my hand in the air to dismiss his malicious thought. Ang totoo n'yan ay duda talaga akong bagay kami. Kung totoo kasi 'yon, bakit hindi naging kami noon? Why did others have to reinvent our fairy tale ending? I know that it's supposed to make it seem like every fairy tale has a happy end for everyone except for the villain. Am I the villain of my own story? Kasi parang gano'n ang dating sa akin.

I was happy for him. And it was a happy ending for me. Maybe, happy endings are only for those who believe in them. The more that we believe that we are happy with our ending, the more people would be convinced that we did achieve a happy ending.

Kinabukasan ay hindi ko alam bakit tinubuan ako ng hiya. Likas naman talaga akong mahiyain kumpara kay Coleen ngunit hindi ko inakalang babalik sa akin ang mga sinabi ko kay Ragh.

I didn't know how to talk to someone I possibly offended. Kitang-kita ko ang malalim na kunot sa noo ni Ragh habang kausap si Coleen. Apparently, nagyayaya itong lumangoy na magkakasama kami.

"Huy! Sakto naman. Wala kaming gagawin ni Ragh sa Crystal Hotel ngayon." Ngumisi si Merculio.

"Bakit? Part timer ba kayo roon?" tanong ni Coleen, nagningning ang mga mata. "Baka naman may slot pa? I wanna try too!"

"Walang vacant slot para sa part timers sa ngayon e. Puro rin mga intern talaga ang nandoon, kadalasan din mga nagO-OJT na HRM o di kaya'y Hospitality students." ani Merculio.

Tahimik lang si Ragh. The guilt in my heart blossomed and even created a trail of garden flowering in doubt. Tiningnan ko siya ngunit hindi niya ito binabalik sa akin.

It shouldn't hurt but it actually does. Hays, toxic trait ko pa yata na ang hilig kong mangtulak ng tao ngunit hinihila ko naman pabalik. Hindi 'yon tama, I should be decisive when it comes to keeping relations.

"P'wede tayo makigamit ng pool doon," Merculio suggested. "Wala naman masyadong tao roon kapag gabi na. . ."

Napalingon siya kay Ragh. Parang naguusap sila gamit lamang ng mga paningin. Ragh sighed and gave a solid shrug.

"Yeah," seryosong saad n'ya. "Kung gusto n'yo na pumasok ay p'wede naman dahil ano. . ." Ragh said, vaguely. Hindi ko tuloy ma-gets kung ano ang gusto n'yang iparating.

That night, we planned on swimming in the indoor pool of the Crystal Hotel. Hindi mapakali si Coleen sa pagpili ng mga dadalhin naming gamit. She was the one who prepared our clothes, towel and other necessities.

"May kwarto naman tayo roon," sabi ko. Napalingon sa akin si Coleen na sinusukat ang isang two piece na swimwear.

"Talaga ba?"

"Oo, sinabi ni Merculio 'yon ah?"

Napabuntonghininga siya. "Sorry, I was too preoccupied. Pero okay na rin itong ready tayo 'di ba? Just in case, walang accommodation."

"Imposible 'yon. Kung gano'n ang mangyayari ay p'wede naman tayong umuwi na lang."

"Na basang-basa? Baka magkasakit pa tayo, Cerene! Hindi baleng maraming dala kaysa naman umuwi tayong basang sisiw at lagnatin pa tayo 'no."

Hindi ko na siya napigilan sa mga plano n'ya. Dumating tuloy kami roon na mukhang magh-hiking. Sa lobby pa lang ay sinalubong kami ni Ragh at Merculio. They didn't look like they're part of the staff in this hotel. Mas mukha pa nga silang may-ari dahil sa polo na suot nila.

"Tulungan na kita," bulong ni Ragh at kinuha mula sa akin ang dala-dala kong maleta.

Namula ako at agad na inagaw sa kan'ya ang bag ko. Our hands touched and I felt a sudden jolt of electricity being passed on me. Napaigtad ako at napatitig kay Ragh.

Our eyes met. The butterflies in my stomach bursted outside its cage. I inhaled a sharp breath before looking away.

No, Cerenia. Natatae ka lang kaya gan'yan ang pakiramdam mo. You can't lead this feeling into something else. Ikaw lang naman ang masasaktan kapag tinuloy mo siyang pagpantasyahan.

Because I've been there before, I have loved him in the way that I know—selfless and true. At sino ang nasaktan? Ako rin naman. Ako pa rin naman ang nahulog at walang sumalo.

"Kaya ko na," I snob him. Binuhat ko ang bag ko ngunit bumigay din ako nang mapagtantuan na nakakapagod pala ang ginawa naming paglalakad kanina.

"Cerene! Ako na riyan," Merculio offered. Ngumiti ako sa kan'ya at tinanggap ang tulong n'ya.

Kitang-kita ko ang bahagyang pagsulpot ng emosyon sa mga mata ni Ragh. A mixture of hurt and betrayal danced in his dark eyes. Iniwasan ko na lamang na magtama muli ang aming mga paningin.

Ragh helped Coleen instead. At sumunod kami sa kanilang dalawa habang papasok sa isang elevator. Tahimik lang kaming apat dahil mukhang kahit ang madaldal na si Coleen ay pagod din sa nilakad.

I plopped on the newly made bed and felt myself succumbing into the softness of the fabric. Napapikit na lamang ako.

Pumasok si Coleen ng kwarto habang kunot ang noo sa akin.

"Ano bang ginawa ni Ragh sa 'yo para tratuhin siya nang gano'n?" seryosong tanong ni Coleen sa akin.

Agad naman akong napabalikwas. "Anong ibig mong sabihin?"

"You treat him rudely, wala namang ginagawang mali 'yong tao. He even offered to help you. Kung ayaw mo sa kan'ya, you can still be nice to him."

What she said makes sense. Lalo akong kinakain ng guilt. I don't know how to tell her that I don't hate Ragh or I don't have anything against him. Ayoko lang din sana na mapalapit sa kan'ya at kung patuloy kaming magiging close sa isa't isa, maaaring maulit ang nangyari noon.

I was scared of falling in love without any assurance that my love will be returned. Hindi bale sana kung di ko natatandaan ang mga pangyayari noon e.

Coleen sighed. "Mag-sorry ka sa kan'ya ha. Mamaya sa swimming pool."

Tumango naman ako. I'll try to at least be civil. Totoo naman ang sinabi n'ya e. Wala namang alam si Ragh para madamay siya sa mga iniisip ko.

I fell asleep for a few hours. Pagkagising ko ay wala na si Coleen sa kwarto. There was a note on the side table stating that she'll go for a swim, kasama si Ragh at Merculio.

Kinuha ko ang isang bathrobe at kinuha ang pampalit ko. Namula ako dahil ang mga pinili pala ni Coleen na swimwear ay puro two piece. Kahit ang sa akin ay gano'n din. I suddenly felt shy and took a spare pair of shorts to be used.

Bumaba na ako sa indoor pool ng Crystal Hotel. I opened the glass door and the colorful LED lights welcomed me. Malawak ang swimming pool kaya napaawang ang labi ko. The roofing was transparent so we could see the clouds and moon above. Maganda ang interior design dahil minimalist lang ito.

"Cerenia!"

Napalingon ako sa tumawag sa akin. Bumungad si Coleen, Merculio at si Ragh na nakababad sa tubig. Ngumiti naman ako sa kanila.

"Halika ka na! Kanina ka pa namin hinihintay rito," Coleen said. Agad naman akong tumango at lumapit.

I took off my robe and meekly went inside the pool. Nakapag-shower naman na ako bago pa ako pumasok kaya naman okay lang kung dumiretso na ako rito.

"Akala namin ay tutulugan mo na lang kami e," Merculio laughed.

Hindi naman umimik si Ragh sa akin. Wala rin siyang ekspresyon nang dumating ako. Napalunok naman ako at hinayaan na lamang na gano'n.

We did a few laps and talked about the beach as the night emerged. Nagpaalam ako na magc-cr muna bago kamu tuluyang umahon at magpahinga na. I was shaking because the air was still cold despite being inside a room.

Pagkalabas ko ay si Ragh ang naghihintay sa akin. Seryoso lang ang ekspresyon n'ya kaya naman kinabahan ako. I hate confrontations because I tend to not know what to say.

"Pinapahintay ka sa akin. Umalis na rin kasi 'yong attendant at nagmamadali si Coleen sa bar. Merculio also left so. . . I waited for you." mahinag sambit n'ya.

Napangiti naman ako. "Thank you, Ragh." And sorry if I can't return your feelings.

Paalis na sana kami sa indoor pool kaso nang pinihit ko ang pintuan palabas ay ayaw nila mabuksan.

"Ragh. . ." I gulped. "Subukan mo ngang buksan. . ."

Ragh held on the doorknob but it won't open. Kita ko rin ang pamumutla n'ya.

Oh. I sighed deeply as I realized what our current situation is. Sarado na ang pinto at kaming dalawa na lang ang tao rito.

It looks like we'll have to spend the night here, stuck and together.

𖠵 キ 𖠳

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top