Chapter 10



Chapter 10

Napahilig ako sa maduming sasakyan ni Coleen. The dust was still there, ang ilan pa nga ay kumapit sa aking damit. Napabuntonghininga na lang ako sa sobrang sama ng loob. Hindi ko alam kung sa langit, sa sitwasyon, o sa sarili ko.

What did I do wrong for me to experience this? Halos parehong-pareho sila, kahit pangalan ay hindi naging iba. Pakiramdam ko tuloy ay may ginawa o nagawa akong mali sa buong proseso ng pagkakaroon ko ng kaluluwa.

Lahat ba ng nagkakaroon ng kaluluwa ay ganito? Nakakaramdam sila ng matinding lungkot sa unang buhay nila sa pamamagitan ng pagalala sa naging nakaraan?

I searched for the near 7/11, inabot ako ng ilang kilometro dahil kailangan ko palang sumakay ng tricycle upang mas mapabilis ang pagdating doon. Ang kinalabasan tuloy ay matinding pagod sa akin.

Pagkauwi ko ay inayos na pala ni Coleen ang kwarto namin, kahit papaano ay pinahiram kami ng mga monoblock na upuan at lamesa. This was really an abrupt decision, halatang di namin pinag-isipan nang matagal. However the neighbors were natives who extended their help to us, mababait sila at hindi nagalinlangang tumulong.

"Mga estudyante pa ba kayo?" tanong ni Aling Nessa, one of the locals who helped us. Luminga-linga pa siya upang subukan hagilapin si Coleen. 

"Opo," mabilis na sagot ko. "Baka nga po dalawang buwan lang kami rito. Pero baka rin bumalik kami kung sakaling dito kami mag-OJT."

Aling Nessa smiled. She was so nice, may dalawa siyang anak na babae na tinulungan din kami sa paghahanap ng mga kakailangan namin sa pananatili namin. Nary helped with the furnitures we borrowed while Nika helped on our supplies.

"Si Coleen?" Aling Nessa asked, nilibot ang tingin. "Nandito lang kanina 'yon ah."

"Baka po naglibot."

"Kung gusto n'yo pa lang gumala, mamayang gabi ay may bonfire malapit sa dagat. Ginagawa 'yon tuwing sabado at linggo malapit sa Crystal Hotel, yayayain mo na lang din si Coleen."

"Sakto! May mga Hospitality students ang nasa Crystal Hotel ngayong linggo e." Hagikhik ni Nika. "Baka makahanap ka na ng jowa, Ate Nary!"

"Gaga? Mga med ba? Hospital?" ani Nary. Nabulunan ako sa sarili kong laway.

Marahan na umiling si Nika. "Hindi! Hospitality nga! Iba 'yon, Ate Nary naman!"

"Sige po, susubukan ko yayain si Coleen." I said just to finished it off.

Ang totoo n'yan ay hindi ko alam kung papayag si Coleen dahil alam ko na pagod pa siya sa biyahe. Kung ako naman ang tatanungin, I was still floored to see the reincarnation of my destruction in the same place.

I sighed mentally. Kahit dito ay minumulto n'ya ako. The same dark hair, expressive eyes and his tender lips that went agape when he saw me.

Does he remember me too?

Did what happened before. . . made him numb too? O ako lang? Sa akin lang napunta lahat ng sakit?

They say in order to know who loves more, you have to ask who gets hurt more often. The more you love someone, the more pain you get from the smallest thing that could possibly destroy the bond that you had.

Napapikit ako nang wala sa oras. Divert your thoughts, Cerene. Tao ka na at iba na ang sitwasyon ngayon. The pain of tiny knives in your feet are not even there anymore. . . but your broken heart is still caged inside you.

How pitiful.

Two months. I have to endure it for two months. P'wedeng-p'wede ako'ng umalis  ngayon pero magtataka si Coleen. I could fabricate a reason however she will see through me. Siya na nga lang ang close ko rito tapos gano'n pa ang mangyayari.

I will eventually meet them. Pero sana hinayaan man lang akong makalimot.

It is unfair.

I could remember every single little detail while they have completely forgotten everything from before. The bruises were still fresh on me but theirs have been healed like they didn't even experience the same pain as mine.

"Just please let me forget. . ." I closed my eyes in hopes that once I opened them, wala na sila sa mga memorya ko. It's even funny how I recall those memories as if they were my current ones and weren't from my past life.

"Huy Cerene," tawag sa akin ni Coleen mula sa labas. "Labas tayo? Bakit ka senti, gaga. Kung alam ko lang na iba ang ihip ng hangin sa dagat sa 'yo edi sana di na kita niyaya," biro n'ya.

What makes it more painful, hindi ko p'wedeng sabihin sa iba ang problema ko. Hindi naman kasi sila maniniwala. Someone who would remember their tragic past might be deemed as crazy because the probability of that happening is close to none. Sobrang bihira, madalas imposible.

Pumasok na siya sa loob kaya naman unti-unti akong napatayo.

"Sasali ba tayo sa bonfire?" tanong ko sa kan'ya. And she nodded. Tinuro pa ang orasan na kakakabit lang kanina.

"Mamayang alas otso 'yong bonfire party malapit sa Crystal Hotel. May mga nakausap ako na galing sa hotel na 'yon at hinayaan nilang kargo nila tayo. Iba raw kasi ang space para sa mga nasa hotel dahil sila talaga 'yong priority sa party."

"Iinom ba?" tanong ko. Hindi rin kasi ako pala-inom, baka ma-out of place lang ako kung sakaling gano'n nga ang ganap. I would rather stay here.

"Kaunti lang! P'wede rin naman na hindi, Cerene."

"Uuwi na lang ako kung malalasing ka ah," biro ko sa kan'ya bago tuluyang pumunta sa maleta ko. I choose a flowing summer dress, para presko at mamaya ay madali na lang palitan sakaling maliligo pa ako bago matulog.

"Ako pa ba?" Coleen laughed. "Dalian mo na, uy. Baka maubusan ako ng mga malalandi roon."

"Sa ganda mong 'yan?" I teased her and she only flipped her hair playfully.

"Daig ng malandi ang maganda, kaya kailangan both ako 'te!" Coleen said. She was wearing a white halter top and a denim short, showing of her curvy figure. 

I applied a layer of lip tint on my lips. Matapos nito ay nagpahatak na ako kay Coleen patungo sa bonfire party.

Sumalubong sa amin ang tilian at ang mga taong sumasayaw sa mga kanta ni Kolohe Kai. It had summer all over the melody and lyrics. Sa gabing malalim ay tila ba naging panghele at panggising ito sa mga tao. Hindi ko namalayan na may nahanap na agad si Coleen na isang lalaking inabutan siya ng alak.

"Cerene! Halika!" tawag n'ya sa akin. Lumapit naman ako. "Si Karlo nga pala, siya 'yong friend ko." She winked before giggling.

Ngumiti naman ako sa kanilang pareho. "Cerene nga pala."

Naglahad ako ng kamay at tinanggap ito ni Karlo. "Hi! Gusto mo rin?" tukoy n'ya sa beer, inangat n'ya ito.

Umiling ako. "Ah, hindi na. Manonood lang ako ng bonfire."

"Mamaya pa 'yon! Order ka na lang muna ng mango juice sa bar kung ayaw mo ng alak, the bill is on me. Sabihin mo lang pangalan ko," ani Karlo at inakbayan si Coleen.

Pakitang-gilas. I chewed my bottom lip to prevent myself from stating that.

"Okay," saad ko na lang. "Enjoy the night. Coleen, hintayin na lang kita."

Kumunot ang noo ni Karlo sa akin subalit hindi ko 'yon pinansin. Hindi ako uuwi nang hindi kasama si Coleen. Ako pa 'yong ginawa n'yang tanga. Malandi man si Coleen, hindi naman siya kaladkarin 'no.

Minabuti kong tumambay sa likod ng mga puno ng niyog. I watched the people closely and the bonfires being lit as the night deepens. Nakakatuwa lang dahil kalmado ang dagat tila ba nakikisama sa malamyos na kanta na pinatutugtog ngayon.

"Hoy! May nalulunod!" biglang may tumili. Napalingon ako rito. Lahat ay tila natameme at nagkaroon ng kaguluhan dahil dito.

"Si Ragh!" someone yelled. "Tulungan n'yo si Ragh!"

My feet halted as I felt my heart hammering against my chest. Hindi ko alam kung bakit pakiramdam ko ay mali kung sasagipin ko siya. I wasn't the same mermaid as before. Malalim 'yon at hindi na ako sanay lumangoy. Saka! Hindi kami magkakilala ngayon!

"Si Ragh!" a girl cried out. "Nalulunod na si Ragh!"

His dark hair floating in the water, his face slowly draining of color, and my attempt to save him when I could have just left him to die in our territory. Napapikit ako, you won't make the same mistake twice, right?

But saving him wasn't the mistake, it was falling for him when the odds weren't in our favor. I took a deep breath before finally running towards the ocean.

Lumangoy ako at sumisid sa tubig upang mapabilis ang aking pagpunta sa kan'ya. I didn't mind getting wet, I didn't even care about the strong waves against me. Nilangoy ko si Ragh na tila hindi na talaga makaangat mula sa tubig.

"Ragh!" I called and for some reason, he stopped moving. My heart clenched at that sight.

"Ragh!" tawag ko habang lumalangoy. I was even drinking some water because of my speed but I didn't mind!

This time, he completely titled his head to me. Tumigil na siya sa pagpipiglas sa tubig. Natigilan ako nang makitang hanggang dibdib lang n'ya 'yong tubig.

"Cut! Ate! Bakit ka nandiyan?! Nags-shooting kami para sa isang project! Ate naman!" a girl yelled from the land. She sounded frustrated and mad.

Ragh's all wet and his body has glistened water all over it. He ran his fingers through his soak hair before pursing his lips.

"Uulit ba?" tamad n'yang tanong sa babae na nasa dalampasigan.

Namumutla ako habang unti-unting rumirihistro ang katangahan. He wasn't drowning, nagmukha lang akong tanga.

Ragh turned to me, squinting his eyes in the process.

"Sino ka? Paano mo nalaman ang pangalan ko?" masungit n'yang tanong, halatang naiinis.

Napalunok ako, at that moment, I wanted to become a mermaid again and dived into the deepest part of the sea to hide myself.

𖠵 キ 𖠳

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top