Chapter 1

Chapter 1

The azure sea was vast and very welcoming to all creatures. A bird can stay on one of our shiny rocks, a human can sail through our waves, and the creatures from the sea are as serene as my name when there are no storms. It becomes almost anticlimactic that I could describe it like a scripted line.

It is completely dull.

"Kinabahan kami sa 'yo!" hiyaw ni Azaria at hinila nang mahina ang aking buhok.

I yelped when she did that and immediately went towards Adelaida for protection. Azaria, when furious, is a scary sea creature. Her flame-colored fins turn fiery whenever she's mad.

I could only purse my lips and mumbled a quick apology because I did stay there a little too long than I have anticipated. Wala rin akong nadala na kahit anong bagay kaya naman sobra-sobra ang panghihinayang nila sa akin. I didn't bring any souvenirs but my memories were filled with countless joy.

The prince. A kiss. The land.

"Gusto kong bumalik. . ." I sighed as I raised my hand, imagining that I'm holding the land, the skies, the trees and everything! I plopped into the pile of sea plants used as our bed.

"P'wede naman na," Adelaida said. "Samahan pa kita kung gusto mo."

"P'wede sa lupa?!" I beamed. Nabatukan ako ni Adelaida nang wala sa oras. Some of our sisters who were also in our room hooted at me.

"Ano ka ba! Anong gagawin mo sa lupa? Hindi ka naman nakakapaglakad."

"Bawal ba lumangoy sa lupa? Diskriminasyon naman 'yon." Ngumuso ako at pinaglaruan ang aking buhok. Narinig ko ang kanilang mga halinghing dahil sa aking sinabi.

"Hindi ka nga makakapaglakad. At baka gawin kang ulam doon!" pananakot ni Isabela sa akin. Agad na nagkasalubong ang aking mga kilay, pinukaw ko siya ng isang tingin.

"Ulam?"

"Kumakain sila ng mga isda," dagdag ni Zefania na ngayon ay inaayusan ng buhok si Isabela. Pinalilibutan ito ng mga perlas na bigay ni Inay. We also had pieces of mirrors inside our room, courtesy of the sinking ships that had glasses on them.

I winced, feeling disgusted. "Kadiri naman! Pati isda? Naku! Kawawa naman pala sila! Hindi bale, sa susunod ay magdadala ako ng mga seaweeds para sa kanila! Maraming seaweeds!" galak kong saad.

"Baka hindi sila kumakain no'n!"

"Iba ang mundo natin sa mundo nila," binasag ni Azaria ang masayang kwentuhan nang pumasok siya ng kwarto. "Ang mga tao ay madalas tuso, madalas makasarili, at tunay talagang matatalino. Kung kaya't hindi rin talaga p'wedeng magsama ang ating uri."

I pay no heed to her claims. Hindi naman namin nakakasalamuha ang mga tao kaya hindi ko alam kung saan ito nakukuha ni Azaria. I feel like she's judging them base only on what she hears from others. At noon pa man ay mayroon na talaga siyang galit sa mga ito.

"Mukha naman silang mababait," daing ko. "At nararamdaman ko naman na talagang mapagmahal sila."

"Paano mo naman nasabi?"

"Kasi unang kita ko pa lang sa prinsipe ay mahal ko na siya," hagikgik ko. Umismid si Azaria at tuluyan na kaming nilisan. She probably heard enough of my reveries.

I could only sigh.

The prince was indeed beautiful. Ang kan'yang kakisigan ay hindi ko mahanap sa mga kapwa ko. There is a special spark in his eyes. Napabuntonghininga ulit ako dahil kailanman ay hindi ko makikita ang mukha n'ya rito sa ilalim ng karagatan. There are also beautiful boys in the sea. Most of them are kind. Most of them are strong. Most of them would be grateful to be loved by one of the sea princesses.

"Ang swerte naman n'ya na tao siya. . ." I mumbled through the waters as I buried my head further in the sea plants that serve as my cushion.

The sun as usual was reflecting some light in the deepest areas of the sea. I could only admire it from afar. Balak ko sanang umakyat muli ngunit bantay sarado nila ako ngayon dahil nga sa sobrang tagal ko no'ng kaarawan ko.

"Inay!"

"Cerene," Inay chuckled as she embraces me. "Kamusta ang iyong naging kaarawan?"

Umaliwalas ang aking mukha dahil sa kan'yang tanong. Inay has always been the one who I can share my adventures to. Madalas kasi nagagalit ang aking ama kapag masyado akong nagkukwento tungkol sa mga tao. He's not that interested while my sisters are often driven to boredom whenever I tell them about the olive grasses and the blazing sun. Halata na hindi rin naman sila interesado.

Tanging si Inay lamang ang nakikinig sa akin. She would even comb my hair using a seashell when I tell her about my stories of the human world.

Umupo ako sa tabi n'ya. "Masaya po! Nakilala ko ang isang prinsipe pero di n'ya 'yata ako kilala. . ."

Her eyes widened a fraction. "Hm? Prinsipe?"

"Opo! Ang gwapo nga po n'ya." Hagikgik ko. Inay only smiled at me and gradually shook her head.

"Hindi ka naman n'ya nakita? Ang buntot mo?" nagaalalang tanong ni Inay. Umiling ako at tinuro ang aking buntot.

"Tinago ko po," sagot ko. "Baka kasi magulat siya na may kulay ang buntot ko at sa kan'ya ay wala."

My tail was the prettiest among the tails in this sea. Bukod pa rito ang boses kong kinagigiliwan ng lahat. They would beg just to learn a note coming from my lips. I was blessed to be loved by many but my heart yearns for more.

"Cerene," Inay chuckled. Agad n'yang hinaplos ang aking buhok. "Wala silang buntot. Magugulat talaga siya dahil iba ka sa kan'ya at hindi rin naman talaga n'ya dapat malaman na may isang sirena na nagligtas sa kan'ya."

"Bakit?!" I pouted.

"Masyado ka pa talagang bata. Ah basta, huwag mo na siyang gambalain. Matuto ka na lamang na tingnan siya sa malayo at kung p'wede nga lang ay iwasan mo na lang siya. . ."

"Bakit ko siya iiwasan?" I glanced at her who was smiling at me, forlorn slicing on her lips.

"Hindi kakayanin ng puso ng isang sirena ang magmahal ng isang tao. Hindi sila tulad natin na kayang mabuhay ng mahigit tatlong daang taon."

"Madali ba silang mawala?" malungkot kong saad. Ang prinsipe ko? Mawawala agad?

"Hindi naman sa gano'n, sa katunayan nga ay mas matagal pa silang mabuhay sa atin. Sila ay may kaluluwa, Cerene. Kapag namatay sila ay muli nilang mararanasan mabuhay. Hindi tulad natin na. . ." Inay halted her sentence. Natigilan din siya sa paghaplos sa aking ulo.

"Ano po?"

"Wala tayong kaluluwa, Cerene. Pero kaya natin mabuhay ng maraming taon kumpara sa kanila. Kapag namatay tayo. . ." Inay smiled at me sadly. "Magiging bula na lamang tayo. Hindi tulad nila na maaaring maging tao muli sa susunod na buhay."

My hands felt cold as I feel another shiver because of what she spilled to me. Hindi ko alam kung dahil ba sa lumubog na ang araw kung kaya't malamig na ang tubig o dahil sa sinabi ni inay na magiging bula na lamang kami kapag namatay kami.

Death never scares me. I have never thought about death. Yet maybe it's because I'm aware that we have longer lifespans than most sea creatures.

"Ayoko maging bula, Inay. . ."

"Cerene," may pagbabanta sa boses ni Inay. "Mabubuhay naman tayo ng tatlong daang taon. Marami pang taon ang natitira sa 'yo. Hindi mo naman kailangan matakot."

"Paano ba maging tao, Inay?"

"Cerene!" saway ni Inay na nagpapitlag sa akin. Ang mata n'ya ay magmistulang isang globo na mukhang puputok na. "Walang paraan para maging tao ang mga tulad natin. Hindi tayo kailanman magiging tulad nila."

I refused to believe that. The following day, I waited for the crimson sky to shine into the translucent waters for me to check where he is now. Hindi ko alam kung nandito pa ba siya ngunit gusto ko siyang makita. I wanted to ask him about humans. I wanted to ask him if he eats seaweed. I wanted to know how the grass feels with their feets.

Napanguso naman ako habang winawagayway ang aking mga buntot. Sa bagay na ito ay magkaiba na talaga kami. Paano pa kaya sa iba pang mga bagay?

Pumunta ako sa dalampasigan. Nagtago sa naglalakihang bato at sinilip ang isang malaking bahay. It's a marvelous castle with a huge door. My mouth pulled apart upon seeing its design. The castles in the sea were good too however this one was simply different. It was made of big yellow rocks, gold gilding on its surrounding, and marble stairs to welcome the visitors.

Nilapitan ko ito at nakita na may dalawang taong nag-uusap malapit rito. My eyes widened upon seeing his familiar stance.

The prince. Kumakabog ang puso ko. The prince is here!

Nakita ko na may nilapag siyang isang bagay. My eyes were glued to it. Ilang minuto ko itong tinitigan bago damputin. Agad ako'ng bumalik sa ilalim ng dagat matapos makuha ang gamit n'ya.

Sa mga sumunod na araw, patuloy ko itong ginagawa. Kinukuha ko ang mga gamit na nilalapag n'ya kung saan-saan. Nakikita ko nga na minsan ay mukha na siyang nababagot dahil hindi n'ya ito mahanap.

Napahagikgik naman ako. Huwag ka magalala, Prinsipe! Tinago ko lang ito sa aking kwarto. Ligtas naman sila!

"Merculio! Akala mo naman kasi nakikipagbiruan ako sa 'yo e. Nasaan na 'yong salawal ko?!" namumulang saad ng Prinsipe.

"Mukha bang tataguan kita ng salawal?!" sigaw pabalik ng kaibigan n'ya na humahalakhak. "Hayaan mo na kasi ang mga labandera mo na maglinis ng mga gamit mo!"

"Ayoko nga na may gumagalaw ng gamit ko. At saka hindi ito ang unang beses, hindi ko talaga alam saan napupunta," nauurat na saad ni Ragh. He ruffled his own hair in frustration.

"Hindi mo naman kasi talaga makikita ang ayaw magpahanap."

"Ang tinutukoy mo ba ay ang mga gamit ko o 'yong babaing sinasabi ko sa iyo?" Ragh asked. Mas lumapit ako upang mapakinggan ang pinaguusapan nila sa may balkonahe.

Babae?

"Itigil mo na lang kaya, Ragh? Malabo na makita mo siyang muli," sabi ng kausap n'yang lalaki na nakapameywang na rin ngayon.

"Ayoko. Hahanapin ko siya. Kung kinakailangan na lumibot pa ako sa buong karagatan para makita siya. Gagawin ko para lang mahanap siya," Ragh, the prince, uttered with determination dancing in his eyes.

"Hindi mo nga kilala e," sabat ng kausap n'ya.

"Alam ko ang itsura n'ya. May buhok siya na nagiging pula kapag nasisinagan ng araw. May mga mata siyang kulay asul. Maliit lang ang mukha n'ya. . ." Ragh said, reminiscing. Agad na umurong ang mga buntot ko.

Napatili ako sa ilalim ng tubig. That's me! Ako 'yon! Hinahanap ako ni Ragh! Gusto n'ya rin ako makita!

Pagkabalik ko sa ilalim ng karagatan ay hindi ako mapakali. Hindi ko alam kung paano kami magkikita. Hindi ko naman siya p'wedeng gulatin na lamang. I couldn't also just pop out from the waters to greet him.

"Hay," I sighed.

Sinuot ko sa ulo ko ang kinuha kong gamit ni Ragh na tinawag n'yang salawal. Ngumuso ako dahil nakasilip lang ako sa butas nito. Para saan ba ito? Hindi ko naman nakikitang suot ito ni Ragh.

"Ano 'yan, Cerenia?" tanong ni Isabela sa akin na nakakunot ang noo nang pasukin ang kwarto namin.

"Salawal!" maliksing sagot ko. "Hindi kasya sa buntot ko kaya sinuot ko na lang sa aking ulo."

"Hindi 'yan d'yan, Cerene!" asik ni Azaria sa akin at hinablot ang salawal sa aking ulo. "Hindi tayo nagsusuot ng ganito dahil may buntot naman tayo!"

"Para saan pala 'yan?" tanong ko kay Azaria na biglaang namula. Binato n'ya ang salawal sa mga gamit ko.

"Pumupunta ka pa rin sa mga tao, Cerene?"

"Oo! Hinahanap nga ako ng isang tao e!" Hagikhik ko. Natigilan ang mga kapatid ko sa kanilang ingay. Si Azaria ay nanglilisik ang mga mata.

"Ano'ng ginawa mo?" marahas n'yang tanong. "Sumagot ka, Cerene! Ano'ng ginawa mo?!"

"Wala!"

"Bakit ka n'ya hinahanap?" Bartalema asked.

"Nagagandahan siya sa akin!" sagot ko. "Bakit ba? Maganda naman talaga ako!"

"Cerene," saad ni Adelaida. "Simula ngayon ay hindi ka na p'wedeng umakyat sa lupa nang walang kasama. Delikado na, hindi p'wedeng mahanap ka n'ya."

"Bakit ba?"

"Cerene, makinig ka na lang sa amin. Iba ang mga tao sa atin. Hindi nila tayo kapareho. Huwag mo na subukan pang ulitin 'yon kundi ay isusumbong ka na namin kay ama." Zefania warned, seryoso ang kan'yang tingin sa akin.

I bit my lower lip and can't help but feel the turmoil forming in my heart. Pricks of thorns slowly encircling my small body. Pakiramdam ko ay sinasakal nila ako sa ginagawa nila.

"Alam n'yo bang kapag namatay tayo ay magiging bula na lamang tayo? Ang mga tao ay hindi dahil may kaluluwa sila! Ayaw n'yo ba 'yon? Magkaroon ng kaluluwa?" pamimilit ko sa kanila. All of them looked like they wanted to disown me.

Si Azaria ay nakataas ang isang kilay. Adelaida and Bartalema only shook their heads. Zefania and Isabela stared at me with disappointed eyes.

Adelaida sighed, "Hindi nga tayo magiging tao, Cerene. Makuntento na tayo sa kung ano'ng mayroon tayo. Hindi rin naman puro lang saya ang mga tao. At ano naman kung wala tayong kaluluwa? Maraming taon tayong mabubuhay, Cerene. Hindi na natin kailangan 'yon."

Umiling-iling ako. Paulit-ulit dahil hindi ko tanggap na gusto nilang manatili na ganito na lamang. I want to experience the land, the trees, and to watch the sun with Raghnall.

"Hahanap ako ng paraan para magkaroon ng kaluluwa," determinadong saad ko at lumangoy na palayo sa kanila. Hindi pinakikinggan ang kanilang mga protesta.

Ragh, hintayin mo ako. Magkikita tayong muli.

𖠵 キ 𖠳

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top