Kissing Four
To all the affected areas of COVID. Ingat po tayong lahat and stay at home if needed. This time baka mabasa niyo na ang mga librong binili niyo at mga kwentong matagal ng nakasave sa lib niyo. Praying for everyone's safety.
Xoxo,
Yen🖤
KISSING 4
Pagod at habol hininga ako ng pabagsak na naupo matapos makabalik sa kwarto ko. Lumipat kasi ng ibang kwarto si Rica para daw hindi niya ako maistorbo. Ngayon gusto ko siyang katokin sa kwarto niya at hulabogin tungkol sa nangyari sa akin sa labas ng café. Habang sarap na sarap ako sa halik niya ay nakalimot na ako kung nasaan kami kaya pareho kaming nahulog sa hagdan. Sa sobrang kahihiyan ko agad akong bumangon at nagtatakbo palabilik dito sa hotel.
Napatingin ako sa kisame ng mahiga ako. "Nababaliw ka na, Vie... Tsk, nababaliw kana talaga!" Bulong ko habang nakahawak sa mga labi ko at inaalala ang nangyari kanina. Napapadyak nalang ako ng mga paa ko dahil sa mga katangahan ko nitong mga nakaraang araw.
Hindi ko maiwasang maalala ang kagagahan ko kanina talagang tumugon ako sa halik ano?! Ilang minuto ding tumagal ang halik niya kung hindi pa kami nahulog sa hagdan ay baka nacheck in na ako. Masarap ba, Vie? Mabuti nalang talaga naout of balance ako kaya nagkaroon ako ng pagkakataong makalayo sa kanya. Hindi ko na alam ang gagawin ko sa sarili ko tuluyan na yatang kinakain ang kakapirangot na katinuang meron ako.
"Nagkita ulit kayo?" Excited na bungad ni Nina ng sagutin ang tawag ko habang prenteng nakaupo sa gitna ng kama. Alas kwatro palang ng hapon pero bagot na bagot na ako. Hindi ako makalabas dahil baka magtapong muli ang landas naming dalawa.
"I think its fate," kunot noo ko siyang nilingon.
"I think its nightmare"
"Elle, you kissed him. Sabi mo siya rin ang lalaking bigla mo nalang hinalikan at sinabihan kang magnanakaw ng halik. You already said that you kissed him back the third time... God! Elle, there's no such thing as coincedence! Maybe its fate or...maybe its destiny."
Hindi ko mapigilang umikot ang mata ko sa naririnig ko mula dito. Para bang isang kwento sa fairytale o kung anomang drama ang iniimagine dahil kinikilig pa siya. Wala naman 'tong love life pero kung kiligin wagas. Sabagay halos lumuwa ang puso nito sa mga Oppa niya at sa mga lalaking nasa wattpad story na binabasa niya.
"And there's no such thing as destiny or fate, Nin's. Ang tanging salita lang na alam ko ay "utang na loob" kung hindi mo alam 'yon ipapakita ko sa'yo."
She tsked. "Wag ka ngang bitter. You deserve to be happy, Elle, everybody deserve that at isa ka dun alam ko."
Mapait akong napangiti sa sinabi niya. Siguro kung sa ibang buhay maniniwala akong deserve ko 'yon. Pero sa ngayon ang buong buhay at pagkatao ko ay nakatali na kay Dalton.
"Im actually not hoping for that to happen. First its impossible, second its still imposible. All that i wanted in life is to be free." I whispered bitterly. Tipid siyang ngumiti bago bumuntong-hininga. Alam kung gusto niya lang akong pasayahim at pagaanin ang nararamdaman ko. Pero ang malamang nandiyan lang sila para sa akin kahit gaano pa kawasak ang buhay ko, ay nagpapasalamat na ako.
I smiled. At least, even though God, gave me this kind of life, im still thankful that he gave me two people that I can rely on.
Pagkatapos kung makipag-usap kay Nina ay nagpasya akong muling lumabas. Gusto kung mapanood ang pagbaba ng araw. Gusto kung maramdaman ang mabuhay ng malaya.
Wala ng masyadong tao sa tabing-dagat. Meron man ay sa mga kainan lang di kalayoan, siguro ay balak din panoorin ang sunset. Sa di kalayoan ng aplaya ang isang grupo ng mga kabataang nagsasayawan. Gustong-gusto ko talaga kapag nasa dagat ako, nakakalimutan ko ang lahat. Nakakalimutan ko ang sitwasyon ko at kung ano pang naghihintay sa akin kinabukasan. Pakiramdam ko ay lahat magiging ayos lang kapag nandito ako sa tabi niya. Nagbibigay ito ng kakaibang kapayapaan sa utak kung walang tigil sa pagtatanong at pag-iisip.
Napayakap ako sa sarili ng biglang umihip ang hangin at napangiti sa dagat na parang kumakaway ang mga alon. Habang nakatayo doon ay parang tinatangay nito ang lahat ng gumgulo sa isip ko. Nilingon ko ang mga kabataang nagsisigawan na... mabuti pa sila walang problema, isip-isip ko. Habang pinapanood sila ay unti-unting napawi ang ngiti ko ng makita silang nagtatakbohan papunta sa direksyon ko. Sa sobrang dami nila at bilis ay hindi na ako nakaalis sa kinatatayoan ko, napapikit nalang ako habang yakap ang sarili.
"Sana'y naman na ako, kaya sasalohin ko nalang lahat" kumbinsi ko sa sarili ko habang naakapikit na nakatayo doon at dinadama ang ihip ng hanging tumatama sa balat ko.
"Kahit sana'y kana, hindi rason 'yon para hayaan mong masaktan ka."
Eleven words, one sentence... and its make my heart flutter.
Hindi ko pinansin ang mga salitang 'yon pero mulit itog umubo. Unti-unti akong dumilat at ang nakangiti niyang mukha ang bumungad sa akin. Nakatayo pa rin ako pero wala na sa pwestong kinatatayoan ko kanina. Hindi ko namalayang nahila niya na pala ako palayo doon. Para akong nabato-balani habang nakatingin sa kanya na nagsasalita pero walang naririnig kasabay ng pagalaw ng buhok niya sa ihip ng hangin.
Jusko, sinasapian na yata ako!
"Alam kung gwapo ako, pero hindi ko akalain na tatatak ako sa'yo at mahuhumaling ka ng ganito," mayabang niyang saad bago ngumisi.
Ilang beses akong kumurap-kurap para gisingin ang sarili ko. Ngumiti ulit siya... tang'nang mga mata 'yan! Naitulak ko siya bigla at inayos ang sarili ko. Pakiramdam ko ay naharass ako ng isip ko sa sobrang pagkalutang.
"Miss Snatcher, wala man lang "thank you" sigaw niya ng mag-umpisa akong maglakad palayo sa sobrang kahihiyan.
Huminto ako at nakakunot na lumingon, tinuro ang sarili ko. Nakangiti siyang tumango habang dahan-dahang naglalakad palapit sa akin. Ang dalawang kamay ay nakalagay sa bulsa ng shorts niya habang nililipad ng hangin ang polo niyang pinatungan ang suot niyang sando. Hindi ko maiwasang mapanganga habang pinapanood siyang maglakad palapit sa akin.
"Oh my god!" I whispered.
Napapiling ang ulo ko dahil nadadala na ako ng mga kilos niya. Para akong sirang manghang-mangha siyang pinapanood maglakad habang ako mismo ay isa namang modelo.
"Kailangan ko na talaga ng pahinga. Mababaliw na talaga ako!"
"Ako rin naman binabaliw mo," gulat akong napahawak sa bibig ko ng marinig ang sinabi niya. Gusto ko na talaga ilunod ang sarili ko sa dagat kanina pa 'to.
"Alam mo kahit kailan wala pa akong ninanakawang tao."
"So, nakalimutan mo na ako? Ang bilis naman yata... parang ilang linggo palang ang lumipas mula ng nakawan mo ako ng halik."
Nanlalaking mata akong napaatras sa narinig mula sa kanya. Hindi nga ako nakalimutan ng walang'ya. "Humingi naman ako sa'yo ng pasensya ah! Tsaka halik lang 'yon, what's the big deal? Virgin ka?" huli na ng marealize ko ang sinabi ko.
Napasinghap nalang ako ng kinabig niya ako palapit sa kanya at sinibasib ng halik. Halik na una palang ay mararamdaman mo ng mapaghanap at mapagparusa. Gusto ko siyang itulak palayo at pigilan. Pero ang nanlalaki kung mata ay kusang pumikit at ang nagpupumiglas kung mga kamay ay unti-unting nanlambot at namahinga sa dibdib niya. Gaya ng unang mga halik niya ay nakakalimot at muling tumutugon. Dahil mismong katawan ko na ang kusang sumusuway sa pagtanggi na gustong gawin ng utak ko.
Kasabay ng pag-baba ng araw, pag-ihip ng hangin at pag-hampas ng alon... pinagsalohan namin ang isang halik na hinding-hindi ko na makakalimutan.
Mga halik na madalas kung hanapin sa labi ni Dalton. Mga halik na ni minsan ay naibigay sa akin. Halik na kakaiba sa madalas kung matikman. Banayad, nakakapagpalimot at nakakapagbigay sa akin ng kakaibang tibok ng puso.
Isang daing ang kumawala sa akin ng mas lalo niya akong hapitin palapit sa kanya. "Ummm" bawat galaw ng labi niya ay napakabanayad at para bang ingat na ingat itong masaktan ako. Napakapit ako sa batok niya ng maramdaman ko ang dila niyang nag-uumpisa ng maging pamilyar doon.
Hindi ko alam pero habang tumutugon sa mga halik niya at pinapadama sa akin ang masarap na pakiramdam na iyon... ay bigla nalang tumulo ang mga luha ko. Mga luhang hindi ko alam kung para saan at kung bakit...
Ganito ba ang pakiramdam nila?
Ganito ba ang halik na hindi na inuobligang tumugon?
Ganito ba talaga siya humalik? O masyado lang akong inosente kaya nakakalimot ako?
Pero kung ganito siguro ang bawat halik na ibibigay sa akin... baka isang araw kusa nalang akong bumigay.
Wala akong pagkukumparahan ng mga halik niya dahil simula noon si Dalton lang ang nagmay-ari sa akin. Isang tao lang ang umangkin ng kainosentehan ko. Isang tao lang ang alam kung iniikotan ng mundo ko. Pero ngayon habang nasa bisig ng estrangherong ito nagbabago ang nararamdaman ko. Habang tumutugon sa mga halik niya ay nililipad ako sa lugar na ni sa hinagap ay hindi ko pa napuntahan.
Pakiramdam na kahit gaano ako kasaya sa piling niya ay hindi maramdaman.
"Can I claim what you stole from me?" he whispered in my ears while giving me small kisses.
Dizzy and light headed I silently nod on him.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top