Chapter 8: Somebody That I Used To Know

Chapter 8

"Somebody That I Used To Know"

Year: 2013, Metro Manila (Present)

Palabas ng bahay si Adam na may dalang malaking plastic ng basura. Naglalakad ito patungo sa bakod ng kanilang tinutuluyan upang ipasok ang malaking supot na hawak niya sa basurahan. Nakasuot siya ng puting polo at bughaw na pantalon. Ang kanyang kaliwang kamay ay may hawak na helmet. Nang maipasok na niya ang basura sa lalagyan ay agad niyang ibinaba ang malaking takip nito.

"Hi!"

Nagulat si Adam sa babaeng biglang sumulpot sa likod ng basurahan.

"Yuck, ang baho!" reklamo ni Regina. Maayos ang pagkakatali ng buhok nito at bagong lagay ang makeup sa kanyang mukha.

Sinimangutan siya ni Adam. Matapos ikandado ang basurahan ay napatingin ito sa kanyang relo at naalala ang isang mahalagang bagay.

"Shit! Uwian na niya. Kailangan ko nang sunduin!" bulalas nito. Ang kanyang buhok na kahit magulo ay napakaguwapo pa ring tignan. Ang kanyang mukhang walang hilamos at bagong gising ay tila isa pa ring modelo na lumabas sa mga magazine. "Galing pa sa Mall si Pauline bago dumiretso sa exam nya kanina."

"Wait!" sigaw ni Regina. Inayos niyang muli ang gusot ng kanyang damit at klinaro ang kanyang lalamunan. "How are you, childhood crush?"

"Miss, kung nagbebenta ka ng make-up, hindi kami interesado," saad ni Adam. Nakabusangot ito habang pinagmamasdan ang mga makapal na kulorete sa mukha ng babaeng kausap niya.

"Excuse me?" pagmamataray ni Regina. Nakabuka pa ang bibig nito at hindi makapaniwalang napagkamalang nagbebenta ng kulorete. "Hoy, Ad-"

"Ark!" sigaw ni Tristan mula sa pinto ng bahay. Mabilis itong bumaba at hinila si Adam palayo sa babaeng nakapamewang. "Hindi ba sabi namin sa iyo, huwag kang basta-basta kakausap ng kung sino."

"Relax! Wala na tayo sa Palawan," sagot ni Adam. Nakasingkit pa ang mata nito at panay ang tapik sa balikat ng kaibigan niyang masama na ang tingin kay Regina. "Hindi na kayo hahabulin ng mga kawal na sinasabi mo."

"Hello?" bulyaw ni Regina sa labas ng bakod. Panay ang ngawa nito samantalang abala naman ang dalawang lalaki sa pag-uusap. "Hindi mo man lang ba ako kakamustahin after all these years? My goodness."

"Oh, sige na. Baka naghihintay na iyon," saad ni Tristan kay Adam. Inabot nito ang isa pang helmet at ang susi ng motor. Nagmadaling pumunta si Adam sa likod ng bahay.

"Nyeta tong mga 'to. Inisnab ang beauty ko." Padabog na naglakad si Regina patungo sa gate. Gamit ang mataba niyang kamay, pinilit niyang sungkitin ang bukasan ng gate mula sa labas. Panay ang kanyang pihit maalis lamang ang pagkakandado nito.

"Hoy! Trespassing ka na!" bulyaw ni Tristan. Kumuha ito ng kinakalawang na pamalo at handang ihambalos sa kahina-hinalang babae.

"Ikaw! Kilala kita!" bulalas ni Regina. Mabilis na umasim ang mukha nito habang kinukuha ang paper spray niya sa bag. Agad niya itong itinutok kay Tristan. "Ikaw iyong naka cowboy costume sa party last week! Ikaw iyong bumanga sa akin!"

Nagpatuloy sila sa pagbabangayan hanggang sa mapansin ni Regina na lumabas sa kabilang gate si Adam sakay ng isang motor. Mabilis niyang itinago ang kanyang hawak at tumakbo papunta sa kanyang kotse.

"Panget! Hindi pa tayo tapos!" bulyaw ni Regina kay Tristan habang pinipilit buksan ang kanyang sasakyan.

"Ayan na siya, Nico," saad ni Noah. Nasa sasakyan sila ni Nico paparating na sa kinatatayuan ni Regina. Isang kanto na lamang ang layo nila nang biglang paharurutin ni Regina ang kanyang kotse.

"Saan pupunta iyon?" pagtataka ni Nico. Nakasuot lamang siya ng sando. Hindi na ito nakapagbihis pa dahil sa kanilang pagmamadali.

"Basta sundan mo," utos ni Noah. Hindi ito mapakali dahil halata sa mga kinikilos ni Regina na may nakita ito.

***

Bumaba si Adam gilid ng isang paaralan. Matiyaga siyang nagparada sa lugar na walang tao. Marahan niyang inangat ang suot niyang helmet. Nakadantay siya sa motor. Gaya ng inaasahan niya, ilang segundo pa lang ay pinagtitinginan na siya ng mga dalagang estudyante.

"Pambihira talaga. Ito na naman," reklamo ni Adam. Panay ang yuko nito at tanging sa espalto lamang tumitingin. Pilit niyang pinapanguso ang kanyang mga labi at nagpapanggap na may diperensya ang kanyang mukha. Sinubukan niyang iangat ang kanyang ulo ngunit pansin pa rin niya ang mga tilian ng ilang dalaga habang nakatitig sa kanyna. "Badtrip talaga."

"Sabi naman sa iyo, lagi kang mag helmet," natatawang suhestiyon ni Pauline. Nakatayo na ito sa kanyang likod at may dalang mga libro. Agad niyang isninalansan ang mga dala niya sa likod ng motor. Binuksan niya ang helmet at pinasuot kay Adam. "There, better."

Abot tainga ang ngiti ni Adam. Pinagmasdan nito ang pamilyar na mukha ng dalagang kaharap niya. Ang puso niya ang unti-unting bumibilis ang tibok habang hinahangin ang kulay tansong buhok ni Pauline. Panay ang ngiti nito habang inaayos ang suot na helmet ni Adam.

"Ang ganda mo talaga, Apple," bulong ni Adam. Panay ang ngiti nito habang nakatitig sa hinahangaang dalaga.

"Hindi nga ako iyon," saad ng kausap niya. Saglit itong napalingon sa mga gamit na kanyang dala. "Wait, nakalimutan ko ang lab gown ko. Nasa kabilang building pa naman. Taika at kukunin ko."

Mabilis na tumakbo si Pauline palayo sa motor. Pinagmasdan ito ni Adam habang humarurot patungo sa soccer field ng paaralan. Ilang segundo pa ay may narinig si Adam na hinihingal mula sa kanyang likuran.

"Naabutan rin kita!" bulalas ni Regina. Nakayuko pa ito habang sinusubukang abutin ang braso ni Adam.

"Miss, stalker ka ba?" Mabilis na iniwas ni Adam ang katawan niya. Nagsisimula na siyang magsuspetsa sa babaeng kanina pa sumusunod sa kanya.

"As if!" tugon ni Regina. Hinahabol niya ang kanyang hininga habang nakayuko. "Bakit ang layo ng paradahan ng kotse dito?"

"Ate!" sigaw ni Nico mula sa malayo. Kababa lamang nito ng kotse at tumatakbo papunta sa kapatid niya.

"Nico, look who I found!" pagmamayabang ni Regina. Panay ang pagpaypay ng kanyang pilik mata habang nakatitig sa napakaguwapong mukha ni Adam. "Nako handsome, namimiss ka na ni-"

Biglang tinakpan ni Nico ang bibig ni Regina. Napatitig si Adam sa lalaking kumakaladkad sa babaeng kausap niya.

"Pare, pasensya ka na," saad ni Nico. Tumatagaktak ang pawis nito. Pumuputok ang maganda niyang katawa sa suot niyang sando. "Napagkamalan ka lang sigurong kakilala ng ate ko."

"What the hell, Nico?" reklamo ni Regina. Nagpupumiglas ito habang hatak ni Nico ang leeg niya.

"Kilala ba kita?" saad ni Adam. Marahan nitong inalis ang suot niyang helmet habang nakatitig kay Nico. Ang pamilyar na mga kilos nito, maging ang madungis na mukha nito tila lagi niyang nakikita. "You look really familiar."

"Ah, eh." Mabilis na yumuko si Nico. Pinilit niyang huwag titigan si Adam. Agad niyang iniba ang kanyang boses upang hindi makilala nito. "Hindi kita kilala, bro. Ha-ha."

"Anong pinagsasa-" Naputol na naman ang sasabihin ni Regina nang biglang isupalpal ni Nico ang palad niya sa bibig nito. Pinipilit siyang hatakin ni Nico palayo. Ngunit malakas ang pagkakakapit ni Regina sa likod ng motor ni Adam.

Samantala, tahimik silang pinapanood ni Noah sa loob ng kotse. Panay ang pagkuyakoy nito habang hindi mapakali. Para nang nagwawalang babae na si Regina sa gitna ng campus. Ang itsura ng magkapatid ay parang kinikidnap ni Nico si Regina. Maging ang ilang estudyante ay nagsimula nang tumingin sa kanila.

"Paano ba ito?" bulong ni Noah. Huminga ito ng malalim at marahang binuksan ang pintuan ng sinasakyan. Nag-aalangan siyang lumabas. Ipinandong niya ang kanyang hood at ibinulsa ang kanyang mga kamay. Mabilis siyang nagtungo sa magkapatid na nagbabardagulan.

"Regina, tara na," saad ni Noah. Tinulungan nito si Nico. Nakayuko pa rin ito habang hinihila ang isang kamay ni Regina. Samantalang si Nico naman ay pinipigilan ang bawat salitang lalabas sa bibig ng ate niya.

"Anong bang nangyayari sa inyo?" bulalas ni Regina. Para na itong kawawang babae na pinagkakaisahan ng dalawang bruskong binata.

Si Adam na kanina pa sila pinapanood ay marahang lumapit. Nakaramdam ito ng kaunting awa para sa babaeng hinahatak ng dalawa.

"Teka lang tol, nasasaktan na ata siya," sabi ni Adam. Mabilis niyang hinawakan ang braso ng binatang nakapulang hood.

"Hindi bro. Kakilala namin ito," saad ni Noah. Mabilis niyang hinawi paalis ang kamay ni Adam. Nanatili siyang nakayuko upang hindi makita ang mukha niya sa loob ng pandong.

"Mali pa rin iyan, eh. Nasasaktan na ang babae," puna ni Adam. Muli niyang hinatak ang damit ni Noah.

"Ano ba!" bulyaw ni Noah. Sa dami ng nangyari ngayong araw ay hindi na siya nakapagpigil. Sa muling pagkakataon ay puwersahan niyang hinawi ang kamay ni Adam. Sa lakas ng kanyang pagkakaikot ay nahulog nang kusa ang suot niyang hood sa ulo.

"Lub dub"

Tumigil ang oras.

Ang mga mata nila ay nagkatitigan. May mahinang tibok sa kanilang dibdib na unti-unting bumibilis. Lumalakas. Humihingi ng saklolo sa isa't isa.

Natagpuan ng matang mas bughaw pa sa lahat ng dagat ang matang kasing tamis ng tsokolate. Wala silang parehong imik. Ang pagkakakunot sa noo ni Noah ay mabilis na naglaho habang nagliliwanag naman ang mukha ni Adam.

Ang magkapatid na nagbabardagulan ay mabilis na napahinto. Pinagmasdan nina Regina at Nico ang reaksyon ng dalawang binata habang binabasa ang mga labi ng bawat isa.

Matagal na nakatitig si Adam kay Noah. Ang pamilyar na itsura nito. Ang malambot nitong labi. Ang buhok nitong kulay tanso. Higit sa lahat, ang pamilyar na mga mata nitong tila madalas niyang makita. Iginala ni Adam ang kanyang paningin, sa isang kurap ay tila napalitan ang buong paligid. Ang campus ay naging talampas. Ang gusali sa kanilang gilid ay naging isang malaking puno. Pinagmasdang mabuti ni Adam ang binatang kaharap niya habang patuloy ang pagbagsak ng mga dilaw na talulot sa buong paligid.

Muli siyang kumurap at naging normal muli ang lahat ng nakapalibot sa kanya.

"Hindi ba ikaw iyong-" Nagtigilan si Adam sa kanyang sinasabi. Marahan niyang binitiwan si Noah at napahawak sa kanyang noo na unti-unti na namang sumasakit.

Nakatitig lamang sa kanya si Noah. Hindi nito alam kung ano ang gagawin niyang reaksyon. Matiyaga siyang nag-abang sa mga salitang pakakawalan ng taong kanyang sinisinta.

Nakatayo na nang maayos sina Nico at Regina. Maging sila ay panay ang lunok ng laway habang hinihintay ang sasabihin ni Adam.

Ang tandhanang malupit. Malimit ay isang halimaw. Madalas ay isang anghel. Minsan ay parang isang batang mapagbiro.

"Aha! Ikaw iyong Peter Pan sa Halloween Ball!" bulalas ni Adam. Abot tainga ang ngiti nito. Sinimulan niyang tapikin ang balikat ni Noah habang inaalala ang mga nangyari noong gabi na iyon. "Ano, nahanap mo ba si Mr. Ibarra na napagkamalan mong ako?"

"Eh." Pautal-utal lamang si Noah sa pagsagot. Panay ang kamot nito ng kanyang ulo at nagsimula na naman siyang yumuko. Pinilit niyang huwag titigan si Adam at baka makilala na siya talaga nito. "Hi, you."

"Huwaaat the fuck is going on!" Nagsimula nang magwala si Regina. Hindi na nito maunawaan ang nangyayari sa pinsan niya at sa kasintahan nitong matagal na niyang hinahanap. Sinimulan siyang pigilan ni Nico sa pag-aamok. Hinahawi ni Regina si Nico na binabalot ang mga galamay niya. Napansin ni Noah na malapit nang ibunyag ni Regina ang mga nalalaman nito.

Panay lamang ang pagyakap ni Nico sa kanyang ate habang ito ay nagpupumiglas. Pinuntahan ni Noah si Nico upang tumulong sa paggapos kay Regina.

"Taika lang!" bulalas ni Adam. Tatakbo na sana ito upang habulin si Noah nang biglang mahulog ang mga nakasalansang gamit sa likod ng kanyang motor.

Mabilis niyang pinulot ang ilan sa mga ito habang tinatangkang habulin ang dalawang lalaking pinipilit papasukin si Regina sa loob ng kotse.

"At least tell me your name!" sigaw ni Adam sa lalaking naka pulang hoodie.

Walang imik si Noah. Maging si Nico at tikom rin ang bibig. Inihagis nila si Regina sa loob ng kotse. Gamit ang buong puwersa ni Regina ay inilabas niya ang kanyang ulo sa kabilang bintana ng kotse. Mula sa naiwang lakas sa kanyang katawan na halos maubos na sa pakikipagbuno sa dalawang barako niyang kasama, pinakawalan niya ang malakas at matinis niyang boses.

"Noah! Noah Arroyo!" bulalas ni Regina bago siya hatakin ni Noah pabalik sa loob. Agad na isinarado ni Nico ang bintana ng kotse at pinaharurot ang sasakyan.

"Noah... Arroyo?" Naiwang nakatulala si Adam. Napaisip ito sa pangalang isinigaw sa kanya. Marahan siyang naglakad pabalik sa motor habang paulit-ulit na binabangit ang pangalan ng binatang hindi maalis sa kanyang isipan. Ang binatang nagdala sa kanya sa kakaibang lugar sa kanyang imahinasyon. "Noah? Saan ko nga ba huling narinig iyon?"

"Nahulog mo?" saad ni Pauline. Hinihingal pa ito nang biglang sumulpot sa tabi ni Adam. Sinimulan niyang pulutin ang mga nagkalat na libro at ibalik sa likod ng motor. "May nangyari ba rito?"

"Ewan ko, may baliw na babae na nagwawala at dalawang lalaki-"

"Ark?" Naputol sa pagsasalita si Adam nang tawagin siya ni Pauline. "Ayos ka lang?"

"Oo, naman," tugon ni Adam. "Bakit?"

"Bakit basang-basa ng luha iyang mga mata mo?"

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: #bl#bxb