Chapter 7: Ang Dakilang Pinsan
Chapter 7
"Ang Dakilang Pinsan"
Year: 2013, Metro Manila (Present)
Pinaharurot ni Nico ang kanyang kotse patungo sa condo ng kanyang pinsan. Tila bumabalentong sa mga lubak sa kalsada ang kanilang sinasakyan dahil sa inis ni Nico. Mahigpit ang kanyang pagkakahawak sa manibela at panay ang kanyang busina. Naka hazzard pa ang ilaw ng kanyang kotse na tila may emergency itong hinahabol.
"Tangina! Hindi ka ba magsasalita, Noah?" bulalas ni Nico. May mainit na usok na lumalabas sa kanyang ilong na nagpapahamog sa suot niyang salamin. Kagaya ng kumplikadong rutang tinatahak niya, ganoon din kagulo ang isip ni Nico dahil sa kanyang mga natukalasan. "Eve pa talaga ang napili mong pangalan! Ano, Adam and Eve? Buwiset!"
Mabilis niyang iniliko ang sasakyan. Kusang nahulog ang mga lamang tsitsirya ng compartment ng kanyang kotse patungo sa mga hita ni Noah. Agad na kinuha ni Noah ang isang balot ng popcorn. Patuloy lamang sa pagsermon ang kanyang pinsan habang sinisimulan niyang nguyain ang isang piraso.
"Putangina ka! Ano ako, palabas sa sine?" bulyaw ni Nico. Mabilis niyang inagaw ang kinakain ni Noah. Inihagis niya ito patungo sa likod ng kotse kasama ng iba pang pagkaing tira niya. Mga kalat na naiwan niya matapos ang isang linggong pagmamatyag sa tinutuluyan ni Adam.
Sa kabila ng mga bulyaw ni Nico, nanatiling walang imik si Noah. Ang mga mata nito ay tila nakatulala sa kawalan. Nakatingin lamang siya sa harapan ng kotse na tila wala nang pakialam sa kanilang patutunguhan. Panay naman ang pagragasa ng kanilang sasakyan papasok sa parking lot ng condominium. Tila isang professional driver kung iparada ni Nico ang kotse. Sa sobrang inis niya, mabilis niyang hinawakan ang dalawang balikat ni Noah at ipinaharap ito.
"And you know what I hate most about this? Wala kang reaksyon!" bulalas ni Nico.
Nakatitig ito sa mga mata ni Noah. Ang mga munting bituin na matagal na niyang hinahangaan ay tila naglaho ng parang sa bula sa mga mata ng kanyang paboritong pinsan. Saglit na napasimangot si Nico. Ang kanyang mga labi ay kumurba pababa. Maging ang kilay niyang kanina pa magkasalubong ay kusang pumatag dahil sa awa. Inalis niya ang kanyang salamin dahil lumalabo na ito mula init na isinisingaw ng kanyang mukha.
"You can always talk to me, Noah," pagmamakaawa ni Nico. Sinubukan niyang alugin ang mga balikat ng kanyang pinsan sa pagbabakasakaling bumalik ang dating katinuan nito. Ang masayahing Noah sa ilalim ng puno. Ang Noah na mas itinuring pa siyang kamag-anak kaisa sa sarili niyang mga kadugo. Ang Noah na madalas na punasan ang pisngi niyang puno ng natuyong sipon at luha. "Please, Kuya Noah."
Hindi na maalala ni Noah kung kailan ba siya huling tinawag nang ganito ng kanyang nakababatang pinsan. Ang pinsan niyang tampulan ng tukso. Ang pinsan niyang iyakin. Ang pinsan niyang tinaggap siya nang buo kahit hindi sila tunay na magkadugo.
Kinagat ni Noah ang kanyang mga labi. Pinilit niyang huwag igalaw ang kanyang mga kilay. Maging ang mga salitang nais na lumabas sa kanyang bunganga ay mabilis niyang nilunok. Nanatili siyang walang reaksyon.
Napatingala si Nico. Pinaurong niya ang mga butil ng luha sa gilid ng kanyang mga mata. Huminga siya nang malalim. Tiniis niyang singhutin ang mabahong amoy ng mga panis na pagkain sa kanyang kotse. Kinailangan niyang ipanatag ang sarili sa pagpipigil sa mga nais niyang gawin.
Ngunit hindi kinaya ni Nico. Halos lumipad pabukas ang pintuan ng kotse sa kanyang kaliwa. Para siyang nag-aamok na lumabas ng sasakyan. Matapos ibagsak ito ay naglakad siya patungo sa pintuan ni Noah. Maririnig sa buong parking lot ang bigat ng kanyang bawat hakbang. Agad niyang binuksan ang pintuan ni Noah at hinatak ito pababa.
Kinakaladkad ni Nico ang kanyang pinsan papasok ng condominium. Nakayuko lamang si Noah habang mahigpit ang pagkakahatak ni Nico sa suot niyang pulang hoodie. Nanginginig ang mga ipin ni Nico at nanlilisik ang kanyang mga tingin patungo sa elevator. Nakatitig sa kanila ang ilang mga tao. Sa itsura nilang dalawa, halatang magsasapakan na sila sa kung saang lugar man sila patungo.
"Sir, may problema po ba-" Hindi na natuloy ng isang guwardiya ang pagsita sa magpinsan dahil sa mabilis na paglingon sa kanya ni Nico. Pinasingkit pa ni Nico ang kanyang mga mata at pinalaki ang butas ng kanyang ilong. Tila handang makipagbardagulan ito sa kung sino mang kakausap sa kanya.
Marahang bumukas ang elevator. Agad na nilingon ni Nico ang mga tao sa loob. Nilakihan ng mata ni Nico ang mga ito sabay kagat sa itaas na labi niya. Sa kanyang nakakatakot na itsura ay mabilis na napayuko ang mga nakatitig sa kanya.
Hinila niya papasok ng elevator si Noah. Tinadtad ni Nico ng pindot ang numero ng palapag ng kanilang pupuntahan. Kahit pasarado na ang pintuan ng elevator, panay pa rin ang pagpindot ni Nico dahil sa sobrang inis.
"Pogi, baka masira-" Naputol ang sinasabi ng isang babae sa kanilang likod nang mabilis itong lingunin ni Nico.
"Hindi ako pogi!" sigaw ni Nico. Itinaas pa niya ang kanyang manggas at pinaluwagan ang itaas na butones ng kanyang suot. "Eh, kung mukha mo kaya ang sirain ko?"
Mabilis na natahimik ang babae. Napayuko ito at nagpanggap na abala sa kanyang cell phone. Nang marating nila ang palapag ng unit ni Noah ay kinalakad ito ni Nico sa pasilyo. Dumadagundong sa paligid ang kanyang mga yapak kahit na may carpet pa ang kanilang dinadaanan. Panay ang pabulong na pagmumura ni Nico habang hatak si Noah patungo sa pinto ng unit nito.
"Tap key," saad ni Nico. Pumapadyak pa ang kanyang paa. Hinihintay niyang iabot ni Noah ang susi ng unit nito ngunit hindi kumikilos ang kanyang pinsan. "Putangina, Noah. Ano ba?"
Kinapkapan ni Nico si Noah. Gaya sa kotse kanina, wala pa rin itong imik. Panay ang hawak ni Nico sa nakabakat sa katawan ng kanyang pinsan hanggang sa makuha nito ang kailangan niyang susi. Hinatak ni Nico si Noah papasok sa unit nito at agad na ikinandado ang pinto.
"Wait here!" bulalas ni Nico. Iniwan niya na nakaupo si Noah sa kama nito bago magtungo sa banyo.
Maririnig ang malakas na pag-ihi ni Nico sa inidoro na tila ba isang shower na malakas ang buga. Ilang minuto itong walang imik habang abala sa pag-ubos ng laman ng kanyang pantog na napuno na dahil sa sobrang kaba.
"Kanina pa ko nagpipigil sa mall. Finally!"
Matapos ang lahat ng emosyong iyon, binalikan ni Nico si Noah. May hawak pa si Nico na malinis na tuwalya na ipinampupunas sa bagong hugas niyang kamay. Inalis na rin niya ang suot niyang masikip uniporme sa klase bago muling pagtuunan ng pansin ang kanyang pinsan. Nakadantay pa sa lamesa ang kanyang baiwang habang nakahalukipkip ang kanyang kamay. Ang mukha niya ay bagong hilamos, malayong-malayo sa maangas na itsura niya kanina.
"So if you're not going to say anything. I'm gonna ask him myself," babala ni Nico. Nakataas na ang isa niyang kilay patungo sa kulot niyang buhok.
"Who?" pagtataka ni Noah.
"Adam."
"You don't have his number."
"Oh, dear cousin. You underestimate my stalking powers." Malademonyong tumawa si Nico. Nakataas pa ang kanyang mga kamay habang humahalakhak at nakatitig sa kisame. Hindi niya mapigilan ang tuwa nang maalala ang bunga ng isang linggo niyang pagmamatyag. Ang mga junk food na ginawa niyang hapunan. Maging ang mga date nila ni Sky na ipinagpaliban niya. "I know where he lives."
"No, you don't."
"634 Condor street-"
"Nico!" pagputol ni Noah. Muling nanumbalik ang ngiti sa mukha ni Nico nang sa wakas ay makakuha ito ng reaksyon sa binatang kausap niya.
Napahinga nang malalim si Noah. Hindi nito alam kung saan magsisimula. Ang planong matagal niyang iningatan ay nakabukangkang na sa harap ng kanyang pinsan. Marahang kinuha ni Noah ang kanyang cell phone at may pinaandar na video. Itinodo ni Noah ang volume. Itinaas niya ito paharap kay Nico upang mapanuod nang wasto.
"Wait is that-" nauutal na saad ni Nico. Sa video ay makikita si Adam na masayang naglalaro sa skating rink sa isang pamilyar na mall sa Maynila.
"Hello po Miss Eve. Ito po si Ark," saad ni Pauline sa video. Nakatutok pa rin kay Adam ang camera habang gumagawa ito ng maraming stunts sa ibabaw ng yelo.
"Wooh! Ang saya! Puwedeng-puwede na ako sa Olympics!" bulalas ni Adam. Umiikot ito sa yelo habang nakataas ang kanyang kamay. Pinagmasdan itong mabuti ni Nico. Ibang-iba ito sa maingat na Adam na kilala niya. Tila isa itong Adam na walang kinatatakutan kahit ilang beses dumulas sa yelo.
"He always wanted to be a professional figure skater. He loves skating at their lake in Finland," saad ni Noah. Nakangiti ito habang pinapakinggan ang malalakas na tawa ni Adam sa cell phone. "He can not do that before because of his, you know."
May isa pang pinakitang video si Noah. Marahang naglakad si Nico patungo sa puwesto ni Noah upang mas mapanood ang nasa cell phone nito. Sa pagkakataong ito ay magkatabi na sila ni Noah habang nakaupo sa kama. Sa video ay nakasuot si Adam, Pauline at Tristan ng mga lifevest habang nakasakay sa isang banana boat sa dagat.
"Apple, ang saya dito!" bulalas ni Adam kay Pauline na katabi nito sa video.
Napahawak si Nico sa kanyang bibig. Pinigilan niyang magsalita habang pinagmamasdang tawagin ni Adam ang babae ng palayaw na para kay Noah. Napatingin si Nico sa kanyang pinsan. Walang bakas ng pag-aalala sa mukha nito. Sa halip, patuloy lamang siya sa pagngiti habang pinapanood ang kanyang kasintahang mahulog sa dagat.
"Don't worry, Nico. He did not disappear," bigkas ni Noah. May mga butil ng luha sa kanyang mata habang inililipat ang kanilang pinapanood.
Muling napayuko si Nico susunod niyang narinig.
"Three, two, one-" bulyaw ni Adam sa video. Nasa gilid ito ng isang mataas na tulay. May tali ang kanyang paa. Nakatutok sa kanya ang camera bago siya mag bungee jump. Pinanood ni Nico kung gaano kasaya ang mukha ni Adam habang nahuhulog. Ang buhok nitong umaalon sa hangin. Ang katawan nitong nanginginig. Pinag masdang maiigi ni Nico ang balat nitong inaasahan niyang magiging transparent. Ngunit walang nangyari. Natapos ang video nang hindi naglalaho si Adam.
"And this one is when-" saad ni Noah.
"Tama na!" Naputol ang pagpapakita ni Noah ng iba pang video nang bigla siyang sawayin ni Nico. Nanlaki ang mga mata ni Nico sa kanyang nasaksihan.
Nanginginig pa ang mga labi ni Nico habang tinatahi ang mensahe na nais iparating ng kanyang pinsan.
"Why are you showing me this?"
"I think you already know why," nakangiting tugon ni Noah. Ang lumbay sa tinig nito ay parang malalim na dagat na nakakalunod.
"Ba-bakit siya hindi naglalaho?" nauutal na tanong ni Nico. Gulong-gulo ito habang sinasabunutan ang kanyang ulo.
"You don't wanna know," simpleng tugon ni Noah.
"Quota na ako sa mga nakakagulat na bagay today, Noah. Give it to me."
Napalunok ng laway si Noah. Napatingin ito sa labas ng bintana. Pinagmasdan niya ang araw na unti-unti nang lumulubog sa makasariling kanluran.
"Because I am the trigger," malambing niyang sagot. Hinayaan niyang lumipad ang mga malulungkot na salitang iyon patungo sa umuuwing araw. Kalungkutang araw-araw niyang ipinapadala sa lumulubog na araw ngunit muling bumabalik sa bawat pagsikat nito. Ang kanyang tono ay tila tinig ng isang taong tanggap na ang kanyang kapalaran. Isang taong wala nang nakikitang pag-asa sa mundo.
Inilabas muli ni Noah ang kanyang cell phone. Ipinakita niya ang mga datos na nakuha ni Sij at Dr. Cornwell sa pag-aaral nila kay Adam. Kung ano ang kinalaman ni Noah sa lahat ng paglaho ng kanyang kasintahan. Kung paano ito sumpungin sa tuwing magkausap sila sa telepono. Isang bagay na napatunayan ni Noah habang kasama niya si Adam sa Palawan. Ang gabi-gabing paglaho nito sa baryo Alitaptap. Gayundin ang paglaho nito dahil sa simpleng brown out habang magkasama sila sa taas ng Ferris Wheel sa peryahan.
Maiging nakikinig si Nico. Binabasa nito ang mukha ni Noah. Ang bibig ng kanyang pinsan ay tila bumawi sa buong araw na walang imik nito. Ipinaliwanag ni Noah ang lahat. Ngunit maliban sa mga impormasyon ay mas pinagtuunan ni Nico ang mga reaksyon sa mukha ni Noah. Ang sakit sa mga mata nito habang ibinabahagi ang mga nalaman niya.
Ang kalungkutang nangingibabaw sa mga mata nito habang ikinukuwento ang plinano niyang pagpapanggap.
"When did you start doing this?" usisa ni Nico. Nakapako pa rin ang kanyang tingin sa pinsang halatang pilit ang mga ngiti. "When did you start pretending as Eve?"
"Four months ago. When I saw him at the amusement park here in Manila," paliwanag ni Noah. Kumuha ito ng kalendaryo at ipinakita ang mga isinulat niyang numero rito. "I got their number from the ticket booth. I followed them home until I found out that Adam lost all his memories. Kinaibigan ko ang babaeng kasama nila. I got to know more about them. Palihim ko silang pinapadalhan ng tulong-"
Patuloy lamang sa pagkukuwento si Noah nang bigla itong yakapin ni Nico.
"Noah," saad ni Nico habang yakap ang pinsan niya.
"Nico, I'm oka-"
"It must have been hard being forgotten." Sinimulang kamutin ni Nico ang likod ni Noah. Lalo pa niyang hinigpitan ang yakap dito. Ilang segundo walang imik ang kanyang pinsan hanggang sa magsimulang humagulgol ito.
"Nico-" May pagnginig na sa tinig ni Noah. Nakangisi ito pinipilit na huwag patuluin ang kanyang mga luha. "He...He is safer with them."
"Noah."
"For the first time, he was able to do the things he loves." Ang lahat ng emosyong kanyang tinatago ay tila isang daluyong na bumagsak mula sa kanyang mga mata. Para siyang isang batang paslit na nagsimulang humagulgol. Ang pinakakaingatan niyang lumbay ay mabagsik na kumawala sa rehas ng kanyang puso.
"Shhh."
"Because, I'm no longer with him," patuloy na pagnanangis ni Noah.
Si Nico ay patuloy ang paghaplos sa kanyang likod. Ang balikat ni Nico ay basang-basa na ng luha at sipon. Ang pinsan niyang akala nilang masayang pumapasok sa trabaho araw-araw ay ilang buwan na palang lumulubog. Nahuhulog sa dagat ng kalungkutan. Lumulubog sa madilim na tubig mag-isa.
Matapos ang ilang minutong pagbuhos ng sama ng loob ay inayos na ni Noah ang kanyang sarili. Marahan niyang itinago ang kanyang cell phone. Hinawakan niya ang dalawang braso ni Nico at pinaharap ito. Klinaro ni Noah ang kanyang lalamunan bago magsalita.
"Nico, you have to promise me one thing," ani ni Noah. Basa pa ng mga natirang luha ang kanyang mga mata.
"Noah." Umiiling na si Nico dahil nahuhulaan na niya kung saan patungo ang sinasabi ng kanyang pinsan.
"Please, don't tell Adam about me. About us." May pagkabing sa tinig ni Noah at halata ang pagpipigil sa mga sinasabi niya.
"Pero-"
Hindi pa nakakatugon si Nico nang mabilis magring ang kanyang cell phone. Nakita niya ang pangalan ni Regina sa screen at agad niyang sinagot.
"Hello, ate?"
"Nico!" sigaw ni Regina sa kabilang linya. Ang kadalasan niyang mataray na boses ay nakabibingi na dahil sa sobrang lakas. Natigilan ito nang may marinig na humihikbi sa tabi ni Nico. Nabosesan ni Regina ang mahinang paghikbi ni Noah. "Wait, is that Noah? Put me on speaker! Dali!"
Agad namang sinunod ito ni Nico. Pareho silang nakakunot ng noo ni Noah habang nagtataka sa nais sabihin ni Regina. Maririnig sa kabilang dulo ng linya ang hingal ni Regina. Ang malalim niyang hininga na may kahalong kaba. Maging ang malakas na buga ng aircon ng kanyang kotse at ang makina ng sasakyan ay dumadagundong sa telepono.
"Noah! I found Adam!" bulyaw ni Regina. Nagtitili pa ito at abot tainga ang ngiti. Abala ito sa paglalagay ng lipstick at blush on. Nakapark siya sa labas ng tinutuluyan ni Adam at ng mga kasama nito. "Wait, palabas na siya ng bahay. Pupuntahan ko!"
Mabilis na ibinaba ni Regina ang telepono. Iniwan niya ito sa loob ng kotse bago humarurot palabas.
Agad na napatayo sina Noah at Nico at halos lumipad na palabas ng kuwarto. Pareho silang tumatakbo sa pasilyo ng condominium. Tila binabarena ang puso ni Noah kakaisip sa balak gawin ng dakila niyang pinsang si Regina.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top