Chapter 6: Anti-Hero


Chapter 6

"Anti-Hero"

Year: 2013, Metro Manila (Present)

"Ate, isang linggo na ako rito sa labas ng apartment nila," reklamo ni Nico sa telepono. Nasa loob siya ng kanyang kotse habang matiyagang nag-aabang sa labas ng tinutuluyan ng mga taong nakabangga nila sa labas ng bar. "Pero wala pa ring Adam na lumalabas."

Nakasuot si Nico ng pang-chef halatang kagagaling niya lang sa klase. Ang katabi niyang passenger's seat ay may mga lamang balat ng sitsirya at tsokolate na nilapang niya habang tatlong oras nang naghihintay. Nakabusangot na siya habang hindi inaalis ang tingin sa pintuang tila hindi gumagalaw.

"I told you for the nth time! Sabihin na natin kay Noah!" bulalas ni Regina. Nasa opisina ito habang nakayuko sa kanyang lamesa. Nakatitig siya sa mga empleyado habang ang kanyang isip ay tila ba nag-iimbistega rin kasama ni Nico.

"Hindi nga kasi puwede!" Nabilaukan si Nico matapos sumigaw. Agad itong kumuha ng tubig at agad na uminom. Nang makabuwelo ay muli niyang sinagot ang ate niyang nagmamataray sa kabilang linya. "Hindi tayo puwedeng mag padalos-dalos."

"Bakit naman?" usisa ni Regina. Bahagya siyang yumuko upang matakpan ng nakabukas niyang laptop ang kanyang mukha. Iginala niya ang kanyang paningin papunta kay Peter na may kakaibang kinikilos patungo sa opisina ni Gaile.

"We don't want to get his hopes up." Binuksan ni Nico ang isa pang balot ng pagkain at binanatan ang dalawang slice ng tiramisu cake. Ngumangata pa siya at puno pa ng laman ang kanyang bibig habag nagpapaliwanag sa kanyang ate.

"Who?" pagtataka ni Regina. Mabilis siyang napatingin sa kanyang cell phone upang mas mapagtuunan ang sinasabi ni Nico.

"Sino pa ba?" saad ni Nico. Napatitig siya sa dalawang kuwintas na pagmamayari ni Noah at ng kasintahan nito. Nakaramdam siya ng kaunting kirot sa dibdib habang iniisip ang masayang mukha ng kanyang pinsan sa mga panahong kasama pa nito si Adam. "Si Noah."

Walang imik si Regina. Hindi ito makasagot dahil may punto nga si Nico. Nangangati man siyang kalampagin ang opisina ni Noah upang balitaan ito. Madalas siyang nagdadalawang-isip dahil ayaw na rin niya ngang guluhin pa ito.

"May kakaiba talaga dito sa kuwintas nilang dalawa," saad ni Nico. Nakatitig na siya sa dalawang kuwintas na may orasang hugis kuwago.

"Ano na naman, Nico?"

"Kasi itong kay Adam, wala pangalan ni Noah dati. Ako lang ang nagpaukit," saad ni Nico. Napaalis saglit ang kanyang tingin sa pintuan na kanyang binabantayan habang pinagmamasdan ang mga pangalan nakaukit sa loob ng kuwintas.

"So?" pagmamataray ni Regina. Mula sa kanyang puwesto ay tinititigan niya sina Peter at Gaile na pabulong kung mag-usap. Kitang-kita niya ang ginagawa ng dalawa sa loob ng opisinang may pader na gawa salamin.

"Kasi, itong sirang kuwintas ni Noah, parang lumang version nitong kay Adam.May pangalan na nilang dalawa ito dati pa at sira pa rin, nakahinto sa 11:11." Napalunok ng laway si Nico. Marahan niyang itinaas ang isa pang kuwintas. "Ito namang kay Adam ay kakapabago ko lang. Ang weird, kasi hindi ko naman pinakita doon sa gumawa itong isa pa. Kuhang-kuha nila ang pagkakasulat ng pangalan ni Noah mula dito sa mas lumang kuwintas."

Itinaas ni Nico ang dalawang kuwintas sa kanyang harapan.

"Parehong-pareho ang pagkakalagay ng 'Adam Love Noah', oh" pagtataka ni Nico.

"Ang dami mong sinasabi! Pagtuunan mo nang pansin ang binabantayan mo," ani ni Regina. Naiirita na ito sa kapatid na mukhang hindi seryoso ang ginagawa nilang imbestigasyon.

"Oh, shit!" bulalas ni Nico. Mabilis nitong ibinaba ang mga kuwintas at pinaandar ang kanyang kotse

"Anong nangyayari?" usisa ni Regina.

"May babaeng lumabas. Mukhang may kausap sa cell phone. Pasakay na ng taxi!"

"Sundan mo, bilis!" utos ni Regina.

Gaya ni Nico, mabilis ring napatayo si Regina dahil mayroon siyang nasaksihan sa opisina. Biglang naagaw ang kanyang atensyon ni Gaile na lumabas ng opisna nito at may kausap sa telepono.

"Huwag mong aalisin ang mata mo sa babaeng iyan. May susundan lang din ako." Marahang lumabas ng opisina si Regina. Maingat itong naglakad palabas at siniguradong hindi siya mapapansin ng mga empleyado. Nilingon niya si Peter na abala sa pagbabasa ng mga magazine sa loob ng opisina ni Gaile.

Naunang bumaba ng elevator sa kanilang building si Gaile. Nakasuot ito ng malaking pulang jacket at maong na pantalon. Matiyaga niya itong sinundan hanggang sa parking lot.

"Nico," pabulong ni Regina habang may bluetooth headset sa kanyang tainga.

"Ano?" kinakabahang tugon ni Nico sa earphone niya.

"May sinusundan akong tao ilang buwan nang may kakaibang kinikilos!" Pinaandar ni Regina ang kanyang kotse at pasimpleng sinundan paalis ang nakakotseng si Gaile.

"Sino?"

"Si Gaile!"

"Bakit ngayon mo lang sa akin sinasabi iyan?" Naiihi na si Nico sa kaba dahil sa mga pinaggagawa niya. Marahan niyang sinundan ang Taxi na sinasakyan ni Pauline.

"Gusto ko kasing makasigurado. Narinig ko siya one time sa yosihan na kausap si Peter sa telepono tungkol sa isang plano," naiiritang tugon ni Regina. "Halos pagkasyahin ko na ang sexy kong katawan sa likod ng basurahan huwag niya lang akong mapansin."

"Anong plano?" Niliko ni Nico ang kanyang kotse bago pa maabutan ng pagpula ng traffic light masundan lamang ang taxi.

"Hindi ko rin alam, pero tingin ko talaga may kinalaman kay Adam."

"Ha?" Lalong tumagaktak ang pawis ni Nico. Napahinto siya sa traffic habang ilang metro lamang ang layo niya sa sasakyang kanyang sinusundan. Mabilis siyang uminom ng soft drinks bago umandar ang mga sasakyan.

"Basta! Oh, nasaan ka na?"

"Sa City Mall!" saad ni Nico.

"Puta!" sigaw ni Regina.

"Bakit?"

"Nandito rin kami sa City Mall ng sinusundan ko!" bulalas ni Regina. Nagsimula tumaas ang kanyang kilay papunta na halos sa kanyang anit. "Sabi sa iyo Nico, there is something fishy about this bitch."

Tatlong kotse ang pagitan nila ng sasakyan ni Gaile habang nakapila sa parking lot. Agad na nakakuha ng parking spot si Gaile samatalang naiwan naman sa pila si Regina. Mabilis na bumaba si Gaile at nagtungo papasok ng mall.

"Buwiset! Wala nang spot!" Napilitang manatili sa loob ng kotse si Regina at umikot sa Parking Lot makahanap lamang ng pupuwestuhan.

"Don't worry. Naglalakad na ko sa loob ng mall. Sinusundan ko na itong babaeng may kausap sa telepono," paliwanag ni Nico. Nakasuot ito ng facemask at sumbrero upang hindi mahalata ng kanyang imbestigahan.

"Saan ka nagpark?" usisa ng naiinis na si Regina

"Nag-hazard lang ako sa labas!" sagot ng kapatid niya. Hindi na mapakali si Nico dahil kanina pa ito kinakabahan.

"Nasaan na kayo, Nico?"

"Papasok siya sa sinehan, ate."

"May napansin ka ba na nakasuot ng pulang hoodie at maong na pantalon?" tanong ni Regina. Kumukulo na ang kanyang dugo dahil wala na siyang mahanap na bakanteng pagpaparadahan.

"Wala, eh. Baka kausap pa rin niya sa telepono."

Bumili si Pauline ng ticket na pasimple namang sinundan ni Nico. Panay lamang ang yuko ni Nico. Basang-basa na ng pawis ang kanyang face mask dahil sa sobrang kaba.

"Ate, ibababa ko na ang tawag. Walang signal sa loob ng sinehan," saad ni Nico.

Sa labas ng sinehan ay nakapaskil ang poster ng pelikulang Anti-Hero. Saglit na napatitig dito si Nico. Pinagmasdan niya ang itsura ng bida sa poster na nakatayo sa taas ng natutunaw na yelo. Sa paligid ay mga demonyong handang tugisin ang bida. Ang bida sa gitna ng poster ay nakayuko at may hawak na dalawang baril. Sa loob ng yelo na kanyang tinutungtungan ay isang munting sanggol.

"Alam ko ang kuwentong ito," bulong ni Nico. Minsan na niyang nabasa sa isang Japanese Mangga ang mga detalye ng istorya. Matapos mag-ani ng magagandang papuri ay na isapelikula rin. "Tungkol ito sa lalaking nagpanggap na kontrabida masagip lamang ang mahal niya."

"Next po!" sabi ng kumukuha ng ticket. Hindi namalayan ni Nico na siya na pala ang kasunod sa pila. Nang matauhan ay muli niyang sinundan si Pauline na abala pa rin sa kausap nito sa telepono. Ilang minuto pa ay natagpuan na niya ang kanyang sarili sa loob ng sinehan.

Hindi puno ang sinehan. Madilim na sa loob at nasa kalagitnaan na ang kuwento ng palabas. Mabilis na inayos ni Nico ang suot niyang sumbrero upang hindi siya mapansin ng kanyang sinusundan. Nakita niya si Pauline na umupo sa itaas ng sinehan na wala masyadong tao. Marahan niya itong sinundan at nagtago sa madilim na likod nito. Matiyagang naghihintay si Nico. Panay ang kanyang yuko upang hindi siya mapansin ni Pauline na kanina pa iginagala ang paningin.

Nakakalabing limang minuto nang nag-aabang si Nico ngunit wala pa rin ang Gaile na tinutukoy ng ate niya. Hindi na siya mapakali. Malakas ang buga ng airconditioner sa sinehan ngunit basang-basa na rin ang kilikili niya sa pawis. Tatayo na sana si Nico upang magbanyo dahil naiihi na rin siya sa sobrang kaba. Ngunit bago pa makaangat ang kanyang puwet mula sa upuan ay may silweta ng taong biglang dumating sa hilera ng inuupuan ni Pauline.

"Shit," bulong ni Nico. Bagamat madilim ay sapat na ang liwanag mula sa palabas upang makita niya ang kulay ng suot ng taong dumating. Nakakulay pulang hoodie ito at maong na pantalon kagaya ng pagkakalarawan ng Ate Regina niya. Pinanood niya si Pauline na nasa kanyang harapan habang nakatitig sa taong parating. Mabilis na yumuko siu Nico at nagpanggap na nagtatali ng kanyang sintas upang hindi mapansin ng kakatagpuin ni Pauline.

"Ikaw ba si Miss Eve?" tanong ni Pauline. May ngiti sa kanyang labi habang sinusubukang tignan ang anyo ng taong may takip ang mukha. Nakapandong ang malaki niyang pulang hoodie upang hindi rin makita ang kanyang mata. Gaya ni Nico, nakasuot rin ito ng facemask.

"Opo," sagot ni Miss Eve. Hindi ito mabosesan ni Nico dahil halatang nagpipilit nitong magtinig babae. "Kamusta po si Ark?"

Nanlaki ang mata ni Nico sa narinig niya. Habang nakayuko pa rin ay inurong niya pa kaunti ang kanyang ulo paharap upang mas lalong marinig ang pinag-uusapan ng dalawa.

"Ayos naman po. Kailan nyo po ba siya kukunin? Gustung-gusto na kasi niya umuwi," malungkot na tanong ni Pauline. May bakas ng awa sa boses nito para sa binatang natagpuan niya sa dalampasigan.

"Diyan po muna siguro siya sa inyo," tugon ni Miss Eve. Nakatitig lamang ito sa palabas halatang iniiwasan ang mga tingin ni Pauline. "Wala po ba kayong napapansing kakaiba sa kanya?"

"What do you mean, kakaiba?" usisa ni Pauline. Nagtataka na ito sa magalang na pakikitungo ng parokyano nila.

"Kahit anong kakaiba sa loob ng tatlong buwan. Gaya nang bigla siyang nawawala sa bahay o sa tabi ninyo."

Lalong kinilabutan si Nico. Mabilis nitong tinakpan ang kanyang bibig upang pigilan ang pagsigaw.

"Kung si Gaile nga ito, paano niya nalaman ang sikreto ni Adam?" bulong ni Nico. Tumatambol ang kanyang dibdib kasabay ng maiinit na eksena sa pelikula. Ang mga malalakas na hiyawaan ay tila pumupunit sa baga niyang hindi na makahinga sa sobrang kaba. "Mas malaking problema ito."

"Wala naman po," magalang na sagot ni Pauline. "So, itutuloy po ba namin ang planong pag-alis ng bansa?"

Hindi na tumugon muli si Miss Eve. Nag-abot na lamang ito ng isang malaking bag sa kausap bago marahang tumayo.

"Taika lang po," pagpigil ni Pauline sa kausap nito.

Napalunok ng laway si Nico. Nanginginig na siya habang patuloy pa rin sa pagtatago sa madilim na sahig.

"May kailangan ka pa po ba?" tugon ni Miss Eve habang nakatalikod.

"Salamat po sa pera. Pero bakit po ang bait-bait niyo sa amin ni Tristran? Sobrang galang kung kausapin niyo kami?"

Tanging malamig na hangin lamang ang nakuhang sagot ni Pauline. Mabilis na naglakad paalis ang kanyang kausap habang naiwan siyang nakapako sa kanyang kinauupuan.

"Heto na!" bulalas ni Nico. Mabilis itong napatayo at sinundan ang taong naka pulang hoodie.

Hinihingal pa ito habang naglalakad ng palihim. Nasa labas na sila ng sinehan at naglalakad sa lugar na walang masyadong tao.Ilang metro rin ang layo niya sa taong kanyang sinusundan. Agad niyang tinawagan ang kanyang kapatid.

"Hello, Ate Regina," bulong ni Nico. Tila bumalik ang kanyang ihi mula sa kanyang pantog paakyat sa kanyang mga bato dahil sa sobrang inis. Nagngigitngit ang kanyang ngipin dahil sa mga nalaman niya sa loob ng sinehan. "Nandito na ako sa likod ni Gaile na sinasabi mo. May kinalaman nga siya kay Adam."

"What are you talking about?" mataray na tugon ni Regina. Sa kabilang linya ay maririnig na humihigop ito ng kape habang may katawanan na babae.

"Si Gaile! Sigurado na akong siya si Miss Eve!" naiiritang tugon ni Nico. Patuloy pa rin siya sa pagsunod sa estranghero sa gitna ng mall.

"Sinong Miss Eve?" pagtataka ni Regina. Kinikindatan nito ang kanyang kausap sa loob ng coffee shop.

"Basta, siya ang kasabwat nung sinusundan kong babae na may hawak kay Adam," kinakabahang tugon ni Nico. "Mukhang alam ko na rin ang tungkol sa planong sinasabi mo."

"Oh no, Nico!" tumatawang tugon ni Regina. "We made a mistake, kaharap ko ngayon si Gaile. Ang planong sinasabi niya is dinner date ni Peter at Noah!"

"Ha?" pagtataka ni Nico.

Nilagay ni Regina sa speaker mode ang cell phone niya. Kaharap ni Regina si Gaile na abala rin sa pag-inom ng kape. "Hello, Nico pogi!"

"What?" Agad na pinatay ni Nico ang kanyang cell phone. Mabilis siyang naglakad patungo sa taong kanyang sinusundan. Tila umakyat ang lahat ng kanyang dugo mula talampakan papunta sa kanyang batok. Inabot niya ang balikat ng estranghero at mabilis na hinila ito. "Then, who the fuck are you!?"

Mabilis na napaharap sa kanya ang taong nakapulang hoodie at maong na pantalon. Natulala si Nico habang unti-unting nahuhulog ang hood na nakatakip sa ulo nito. Halos mabasa na niya ang kanyang salawal dahil sa ihing kanina pa niya pinipigilan. Para siyang binaril sa sintido nang malaman ang tunay na katauhan ng taong tumutulong sa pagtago kay Adam. Ipinikit muli ni Nico ang kanyang mga mata at baka sakaling siya ay nagkakamali. Sa muling pagmulat ay iyon pa rin ang taong hawak-hawak niya sa balikat. Ang kulay tsokolate nitong mata. Ang balat nitong kayumanggi. Ang buhok nitong kulay tanso.

"Nnn-" Nangininig pa ang mga labi ni Nico. Mabilis niyang nilunok ang kanyang laway. "Noah?"

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: #bl#bxb