Chapter 17: Right Here, Right Now (Finale)
08/30/2022
Author's note:
Today is a very special day for me here on Wattpad. It's my first year anniversary. Hindi ko talaga planong magtagal dito dahil busy na ako mula nang ma lift ang lock down. In respect to my readers, I decided to continue this story. This chapter is very special to me. It is composed of 5000 words. Ito na ata ang pinaka mahabang chapter na naisulat ko. Sana po ay magustuhan ninyo. Please comment and vote if you love it.
Disclaimer: No religious practice is meant to be offended in this chapter. There is also no religious or legal basis of whatever will transpire in this story. All events written are solely a product of fiction and nothing else implied.
Chapter 17
"Right Here, Right Now "
Year: 2013, Batanes (Present)
Noah's POV:
Tumahimik ang lahat. Maging ang malalakas na alon sa aming gilid ay tila nag-aabang sa mga susunod naming sasabihin. Ang hangin na kanina ay tila humahampas ay biglang lumumanay. Maging ang araw ay nagtago sa mga kalat-kalat na ulap. Tila ang lahat ng elemento ay naghihintay. Nakikisama sa dalawang pusong parehong nalulumbay.
"I am so sorry," panimula ko. Panay ang yuko ko. Nakatingin ako sa kanyang bibig dahil hindi ko siya magawang tignan sa mata. "Just like the sunset, I can only love you now from afar."
Iniling niya ang kanyang ulo. Bagamat may lata sa kanyang tainga, nagpanggap siyang hindi naririnig ang mga sinasabi ko.
"Kumusta ka na? Kumakain ka na ba ng maayos?" tanong ni Adam. Pilit ang mga ngiti niya. Rinig ko ang kanyang mga hagulgol sa kabilang linya habang kinakamusta ako.
"I am really sorry for the things I did," muli kong sambit.
"Sapat ba ang tulog mo, Noah? Miss na miss na kita."
"Sorry for everything, Adam." Nakayuko pa rin ako. Pilit kong iniiwasan ang mga paborito kong pares ng sapiro na mas bughaw pa sa lahat ng dagat na napuntahan ko. "Pasensya na sa mga ginawa ko. Ako na ang nagdesisyon para sa kinahantungan nating dalawa."
"Shhh!" marahan niyang bulong sa lata.
"Patawad sa mga ginawa ko. Sa pagpapanggap ko. Sa paglayo ko sa iyo. Sa halos pagbago ko sa katauhan nating-."
"Nauunawaan ko ang lahat Noah," pagputol ni Adam sa sinasabi ko. "Minsan padalos-dalos tayo sa mga ginagawa natin. Wala eh, pareho tayong lumaking halos mag-isa. You only had Tito Dan. I only had Uncle Claude. They are both busy, that's why we learned to be independent."
"That is where you are wrong," saad ko. May-isang bagay siyang nakaligtaan. Isang bagay na dahilan ng lahat ng ito. "I had you. The little Noah had you."
Hindi siya nakasagot. Ramdam ko na nag-iisip siya ng iba pang dahilan upang kumbinsihin ako. Rinig ko ang mga mahinang alon sa loob ng lata. Humahalo ang tunog ng payapang dagat sa malalalim niyang hininga.
"Anong nangyari sa batang Noah na punung-puno ng pag-asa?" pagnanagis ni Adam.
"Hindi ko rin alam. Naubos na ang lahat ng pag-asa sa puso ko nang malaman kong ako ang dahilan ng lahat ng ito, Ark." Inangat ko ang aking ulo. Klinaro ang aking lalamunan. Pinilit ko siyang titigan at hinayaang lumabas ang mga salitang minsan ko nang binitiwan. "Kung ang malayo sa iyo ang ikahahaba ng buhay mo ay gagawin ko."
"Noah!" sigaw ni Adam.
Wala na ang lata sa kanyang bibig. Sabay niyang hinagis sa buhangin ang mga hawak niya at kinakausap ako mula sa malayo. Mabilis siyang napatayo. Inalis niya ang kanyang pang-itaas at tumambad sa akin ang katawan niyang maskulado. Ang matipuno niyang dibdib. Ang katawan niyang tila hinulma sa bato.
"Pinapaikli mo lalo ang buhay ko dahil sa ginagawa mo!" bulyaw pa niya. Inangat niya ang kanyang kamay. Pumuputok ang kanyang braso. Sinimulan niyang kalampagin ang kanyang kaliwang dibdib. Dumadagundong dahil sa sobrang tigas nito. "Para mo na akong pinapatay dahil sa paglayo mo!"
Natulala ako sa ginawa niya. Nagsimula siyang humagulgol. Marahan siyang napaluhod na tipong nagmamakaawa sa akin mula sa malayo.
"Mas masakit pa ito kaysa sa nangyaring aksidente, Noah," dagdag ni Adam. Nakadantay ang kanyang mga kamay sa buhangin. Panay ang kanyang pagsapak sa lupa habang binubuhos ang lahat ng kanyang sama ng loob. "Hindi na ako makahinga dahil sa ginagawa mo! Mas malala pa kaysa sa tuwing nalulunod ako sa nagyeyelong lawa! Mas masakit pa sa tuwing mababanga ako ng kotse sa mga pagtalon ko. Mas mahapdi pa kaysa sa mga sugat na natatamo ko sa bawat pagpunta ko sa nakaraan!"
Hindi ako makagalaw. Binitiwan ko na ang mga lata upang saluhin ng aking mga palad ang bawat hagulgol ko. Awang-awa ako sa kanya. Ang nobyo kong nahihirapan. Nagdurusa mapalapit o mapalayo man ako sa kanyang piling.
Pinanood ko ang pag-agos ng kanyang emosyon. Panay ang panggigigil niya sa buhangin. Nagwawala siya habang kinakalampag ang walang labang alikabok. Sa tagal na panahon siya ay aking kapiling alam ko na ang patutunguhan ng lahat ng ito. Pinangunahan ako ng takot. Marahan akong tumayo. Humakbang ako patalikod.
Malamang hindi siya tuluyang maglaho kung sisimulan ko nang lumayo.
Mabilis niyang inangat ang kanyang ulo. Tila bumagal ang oras. Hindi ko maihakbang ang mga paa ko. Usad pagong ang lahat, ang mga ibon, ang mga alon, lalo na ang mga ulap.
Bumagal ang lahat maliban kay Adam. Matulin siyang tumayo. Humakbang patungo sa akin. Isang hakbang na naging dalawa. Naging tatlo hanggang sa dumami pa. Para siyang tumatakbo sa marathon sa ginawa niya. Ang mga luha sa kanyang mata ay naiiwan sa hangin na parang walang halong bigat.
"Adam, huwag," bulong ko.
Pinilit kong kumilos. Ngunit traydor ang aking mga tuhod. Inangat kong muli ang aking ulo. Pinagmasdan ko siyang maigi. Ang balat niyang nagiging transparent dahil sa lahat ng kanyang emosyon.
Mga namuong sakit.
Mga naipong hapdi.
Higit sa lahat, dahil sa presensya ko.
Sinukuan ko na ang katawan kong ayaw gumalaw. Ipinikit ko ang aking mga mata. Sa ganoong paraan ay huwag ko man lang masaksihan ang paglaho niya. Palayo sa akin. Patungo sa kung ano mang panganib na naghihintay sa kanya.
"I am the trigger," paalala ko sa aking sarili. Nakapikit pa ako upang hindi ko masaksihan ang kanyang pagtalon. "Hindi ko na kailangang tumakbo. Maglalaho ka naman na sa loob ng ilang segundo...
isa...
dalawa...
tatlo-"
"Sino ba ang nagsabi sa iyong ayaw kong maging time traveler?" bulalas ni Adam. Mabilis niya akong niyakap. Ang Adam na nagiging transparent kanina, hindi na tuluyang naglaho. Napahiga kaming dalawa sa malambot na buhangin. "Kung wala ang kakayahang ito ay matagal na sana akong patay!"
Sinalo niya ang ulo ko bago ito tumama sa alikabok. Minulat ko ang aking mga mata at tumabad sa 'kin ang mga mata niyang kasing ganda ng sapiro.
Basa.
Lumuluha.
Nagsusumamo.
"Anong ibig mong sabihin?" pagtataka ko. Nagsimulang tumulo ang mga luha niya sa aking pisngi.
"This effing ability saved me from that car accident when I was a baby," tugon ni Adam. "Mas maraming beses akong iniligtas nito kaysa mapahamak ng dahil dito."
"Siraulo ka ba?" bulalas ko. Sinimulan ko siyang pagalitan dahil sa mga sinasabi niya. "Why would you want that? May pagkakataon ka nang mabuhay nang normal mula nang mawala ang alaala mo! Hindi mo magagawa ang mga masasayang bagay kung mayroon ka ng kakayahang iyan!"
"Fuck it, Noah!" sigaw ni Adam sa mukha ko. Ipinikit niya ang kanyang mata. Ibinaba niya ang kanyang ulo at ipinatong sa aking dibdib. "Aanhin ko ang lahat ng iyon kung hindi kita kasama."
"Ark," malambing kong bulong. Nagsimulang basain ng kanyang mga luha ang aking balat. "You hated your ability. You hated time travel."
"That was before I met you, Noah," tugon ni Adam.
Mabilis niyang inangat muli ang kanyang mukha patungo sa ulo ko. Binigyan niya ako ng matamis na ngiti. Ang araw ay lumabas mula sa mga ulap. Tumama ang sinag patungo sa mga alon patalbog sa mga mata ni Adam.
"Iyong mga sinasabi ninyong pagtalon ko sa mga nakaraang taon tuwing magkausap tayo sa telepono? Tuwing nawawala ako. I was meeting the young you. I was guiding you. I was making you fall in love."
Natigilan ako sa sinabi niya. Mula sa kanyang mga mata ay nakita ko ang aking repleksyon. Ang mukha kong kanina pa lumuluha.
"I was writing our story, Apple," pagpapatuloy niya. Sinimulan niyang hawiin ang mga luha ko gamit ang magaspang niyang palad. "The young version of you needs me. The present me needs you. Please don't take that away from us."
Bigla niya akong hinalikan. Nakatitig pa rin kami sa isa't isa. Naghihintay siya sa magiging reaksyon ko. Ang mga mata niya ay nagmamakaawa. Humihingi ng saklolo. Marahan kong inangat ang aking mga kamay. Gusto ko siyang itulak. Gusto kong tumakbo. Gusto kong ibuhos ang aking buong puwersa upang lumayo sa kanya.
Subalit, sa kanyang mukha napadpad ang mga palad ko. Diniin ko lalo ang mga labi niya. Pareho kaming napapikit. Ginatihan ang mga halik ng bawat isa.
Oh, kailan ko huling nadama ang mga ulabing ito. Kasing kinis ng ubas. Kasing lambot ng niyebe.
"Pero, paano kung mapahamak ka ulit dahil sa akin? Dahil sa mga emosyon mo?" tanong ko. Napakalas ako sa aming halikan at tinitigan siya nang maigi.
"Nakita mo bang naglaho ako ngayon? Kaya ko nang kontrolin ang mga emosyon ko," nakangiti niyang sagot. Akmang hahalikan niya akong muli nang agad ko siyang pigilan.
"Ako ang trigger, Adam."
"Talagang ikaw!" bulalas niya. "Sabi ko nga, sa iyo na umikot ang mundo ko. Ikaw na ang kalawakan ko!"
"Pero-"
Hindi ko na natuloy pa ang mga sasabihin ko. Pinatahimik niya ako ng mapupusok na halik. Lumalaban. Naghihinagpis. Nang kinailangan niyang huminga ay agad siyang nagsalita.
"When we were in Saturnino High, you promised me something," saad niya.
"Ano?"
"Sabi mo-"
Kinagat ko ang aking mga labi. Sinalo ko ang sarili kong hagulgol. Pinaalala niya sa akin ang lahat ng sinabi ko ilang taon na ang nakakaraan. Hindi lang pala siya ang nakalimot. Naalala ko na ang lahat. Ang mga pangako ko sa kanya.
"Hindi ako papayag, ano. Hindi ako papayag na habang buhay kang mag-isa" minsan kong sinabi sa kanya sa pasilyo ng paaralan habang palabas ng Science Department.
"I am your walking diary. I exist to remind you not to worry too much. I-enjoy mo ang buhay mo, Ark," sambit ko sa kanya matapos namin manggaling sa isang ospital.
"Adam, I am here now. Hindi na kita iiwan. Please don't disappear," pangako ko sa J.S. Prom.
Bumalik ako sa kasalukuyan nang pumatak muli ang luha niya sa aking pisngi. Marahan niyang hinawi ang aking buhok at hinalikan ako sa noo.
"Kung puwede lang kitang isama sa nakaraan, ipapakita ko mismo sa iyo ang mga eksenang iyon, Noah," nakangiti niyang bigkas. "Naalala mo na ba ang mga pangako mo?"
Hindi ako makasagot. Marahan akong tumango. Para na rin akong tumalon sa nakaraan dahil sa mga ipinaalala niya. Iginapang ko ang aking mga palad upang punasan ang mga luha niyang hindi tumitigil sa pag-agos.
Ako ay sumuko na. Pagod na akong kalabanin ang puso ko. Isinuko ko ang lahat sa damdamin ko. Sa puso kong patuloy kong sinasaktan. Panahon na siguro upang ipaglaban ko siya.
Ipaglaban sa mapanghusgang langit.
Sa mabangis na mundo.
Sa malupit na tadhana.
"Patawad, Adam. Hindi ko na uulitin," saad ko. Hinila ko siyang pahiga sa akin. Ang kanyang mukha ay patong sa aking leeg. "Hindi na kita bibitawan."
"Talaga bang hindi mo na ako bibitawan?" tanong niya. Marahan niyang inangat ang kanyang ulo. Muli kong nakita ang nagniningning niyang mga mata. Panay pa ang singhot niya sa kanyang sipon kasabay ng mahina niyang tawa.
"Oo, hindi na," tugon ko. Inangat ko ang aking kamay upang haplusin ang kanyang pisngi.
"Then, here and now..." nakangiti niyang tugon. Nakatitig pa rin ako sa mga mata niyang tila muling natagpuan ang tahanan nito. Ang mga sumunod niyang binigkas ay hindi nakatala sa journal ko. Wala maging sa aking memorya na sinabi ng mga bersyon niya mula sa hinaharap. Tila tumigil ang pagtibok ng aking puso sa mga katagang pinakawalan niya sa malambing na hanging nakapalibot sa aming dalawa. "Right here. Right now. Marry me, Noah Arroyo."
Tila may tunog ng biyulin at piano na kasaliw ang mga katagang kanyang binitiwan. Ang mainit na dalampasigan ay tila naging ilalim ng puno. May mga dilaw na bulaklak na nahuhulog mula sa itaas. Ang buong paligid ay puno ng damo.
Maaliwalas.
Presko.
Marahuyo.
Natawa ako sa sinabi niya. Nakayakap pa rin siya sa akin. Tuluyan na niyang idinagan ang kanyang buong katawan. Ang alon ay unti-unti na namang lumalakas sa aming gilid.
"Abnuy!" natatawa kong sagot.
"God, I missed that," pabiro niyang tugon. "Say it again."
"Abnuy," malambing kong bulong. Pareho kaming natawa. He slowly lay down on the sand beside me. We're now both looking in the bright blue sky.
"I miss you and this magic---" he said while lifting his hand to the sky before I cut him off.
"Shhh Adam. Don't say that," pag-aalangan ko pa rin. Napatingin ako sa kanya habang siya naman ay pinagmamasdan kung tumatagos pa ba ang sinag ng araw sa kanyang kamay.
"I'm not talking about this magic in me, silly."
"Then what?"
He turned his face towards me. He put down his hand and slowly used it to touch my face. He started caressing my velvety cheek with his callused fingers.
"I'm talking about the magic in you... I miss you, Noah. Everything is magical when I'm with you."
Hindi agad ako nakasagot. I assumed he was just making sure he wasn't going to vanish. I thought he was talking about himself. He was referring to me all this time.
Bigla niyang pinagdikit ang mga noo namin. "Apple, I'm gonna make sure that this magic right here won't disappear anymore."
I heard my heart beat faster more than it should. Harder that the way I want it to. Beating stronger than destiny. Pounding louder than the number of challenges waiting for him. For both of us.
"Teka," aniko. May bigla akong naalala. "Sabi mo noon, 2019 pa tayo ikakasal sa malapit sa Parola."
"I can't wait that long," bulong niya. "And now is the perfect time."
"What do you mean?"
"Come with me," yaya ni Adam. Mabilis siyang napatayo. Agad niya akong hinila paangat. Ilang minuto pa lang ay tumatakbo na kami patungo sa mga pampas. Agad na hinawi ni Adam ang mga damo. "See!"
Nagulat ako sa aking nakita. Nakahilera silang lahat sa damuhan. Tila mga batang nakikipaglaro ng tagutaguan
"Hoy!" sigaw ko.
"Noah!" natatawang bulyaw ni Naldo.
"Sorry, hindi ko nasabing hindi lang pala si Ark ang kasama ko," paumanhin ni Pauline.
"Finally! No more sad wedding songs!" banat ni Kelvin.
"Kanina pa ako nangangati rito, my gosh! Ang tagal ninyo!" reklamo ni Regina.
Mabilis silang nagsitayuan. Umalis sa damuhan at pinagpag ang kanya-kanyang suot.
"Teeeeekaaaaaa lang!" sigaw ng pamilyar na boses mula sa malayo.
Napalingon silang lahat sa matataas na damo. Agad silang napatakbo papunta sa amin nila Adam nang may lumabas na kalabaw. Biglang sumulpot si Nico. Kumaripas ito ng takbo papunta sa direksyon ko.
"Tristan, Gian! Nasaan na ang tali ng kalabaw? Ihagis ninyo dali! Baka makatakas pa itong pinsan ko," bulalas ni Nico. Nanginginig pa ito sa kaba at hindi maalis ang pagkakayakap sa akin.
"Bubwit!" Bigla siyang binatukan ni Regina. "Okay na sila. Ang tagal ninyo kasi!"
"Talaga?" bulalas ni Nico. Agad niya akong nilingon. Kumikislap ang kanyang mga mata sa tuwa.
Sabay namin siyang tinanguan ni Adam. Itinaas namin pareho ang mga kamay namin na sobrang diin ang pagkakahawak sa isa't isa. Binigyan niya kami nang mahigpit na yakap.
"Actually-" saad ni Adam habang pinipiga kami ni Nico. "Makikiusap ako kay Father Kelvin kung puwede niya kaming ikasal ngayon."
Napakalas agad si Nico. Pumapalakpak ang tainga nito sa tuwa.
"Kasal agad? Wala man lang proposal?" reklamo ni Regina.
"Epal ka talaga!" mabilis siyang hinawi ni Nico patungo sa damuhan.
Muli kaming napalingon kay Kelvin. Hindi ito umiimik. Halatang nag-aalangan itong sumagot.
"Pero kung hindi puwede ay ayos lang," dagdag pa ni Adam.
Marahan akong napayuko. May mahinang kirot sa aking dibdib. Ramdam ko ang pagpisil ni Adam sa kamay ko. Mabilis ko siyang nilingon. Abot tainga pa rin ang kanyang mga ngiti.
"Hindi naman sa ganoon, Adam at Noah," ani ni Kelvin. Marahan nitong hinuhubad ang kanyang suot. "Hindi ko man kayo puwedeng ikasal bilang pari ay puwede ko naman kayong ikasal bilang kaibigan ninyo. Gagabayan ko lang kayo sa seremonya kung ayos lang?"
"Sapat na iyon!" bulyaw ko. "Sapat na sapat na."
Ginantihan ko ang mahigpit na hawak ni Adam. Kulang na lang ay yakapin niya ako sa sobrang tuwa.
"Teka lang! Hindi ako prepared! Ang dumi ng ayos ko!" reklamo ni Regina. Tatayo na sana ulit ito nang biglang inihagis ni Kelvin ang suot niya sa kanya.
"Pakihawak muna ang damit ko. Hindi ko sila puwedeng ikasal nang suot iyan," paliwanag ni Kelvin.
"But you don't have any wedding rings!" pangamba ni Nico. Panay ang hanap nito sa lupa ng kahit anong bagay na maari naming isuot sa daliri.
"Ito, oh." Lumapit sa amin si Naldo. "Tingin ko sinadya atang bilhin ko iyan para sa inyo."
May inabot siyang kahon. Nakalagay sa supot ang pangalan ng mall na pagmamay-ari niya. Binuksan ni Adam ang kahon. May dalawang singsing na kulay ginto at may nakaukit na dyamante sa bawat sulok. Kumikinang kagaya ng dagat sa aming likuran.
"Naldo, sobra naman ata ito," pagtanggi ko.
"Tss! Walang-wala pa iyan sa pagtulong mo sa akin noong kargador pa ako," pagpupumilit niya. Marahan niyang inalis ang mga singsing sa lalagyan. Kinuha ang mga palad namin ni Adam at pinilit na ikulong ang mga ito sa loob. "Ipagdarasal ko ang habang buhay ninyong kaligayahan."
Tanging mga ngiti ang isinukli namin sa kanya. Ang mga luha namin ay gusto na namang tumulo dahil sa mga ginagawa ng mga kaibigan ko.
"Siyempre, walang kasalan kung walang legal document, hindi ba?" bulalas muli ni Naldo. "Tamang-tama nandito si Mayor!"
"Mayor?" pagtataka ni Adam. Marahang lumapit si Gian sa amin. May hawak itong tali ng kalabaw. "Ikaw?"
"May problema ka ba, Adam?" natatawang biro ni Gian. Inangat niya ang hawak niya. "Sorry, masyado kasing biglaan ang mga gusto ninyo, Top 1. Wala tayong belo. Pero ito, tali ng kalabaw. Mas matibay pa sa kahit na anong chord na pangkasal. Paniguradong hindi na kayo maghihiwalay dahil dito."
Agad na kinuha ni Adam ang inabot ni Gian. Tila isa itong bata kung yakapin ang taling nakuha niya.
"Anything just to make sure we won't be apart!" bulyaw ni Adam. Natawa kaming lahat sa sinabi niya.
***
Walang magarbong dekorasyon. Walang upuan. Tanging mga buhangin, dagat, ulap at alapaap ang saksi namin. Sa tabing dagat ay naghihintay si Father Kelvin. Nakangiti sa mga bisitang nasa kanyang harapan.
Sa kanyang kaliwa ay nakatayo sina Gian at Naldo. Sa kanyang kanan ay mag-isa si Nico..
"Tangina ninyo, ang tagal kong hinintay ito," bulalas ni Nico. Panay ang pagluha nito. Nawala ang angas niya habang walang tigil sa pagpunas sa kanyang pisngi.Natawa silang lahat. Maging ako na nasa malayo ay napahalakhak sa sinabi niya.
Unang naglakad si Regina sa gitna. Nagpumilit siyang maging flower girl namin ni Adam. Gaya ng iba naming kasama, may hawak siyang pampas. Hindi niya alintana ang magulo niyang damit. Panay ang kaway niya sa mga tao na tila nasa kanya ang atensyon.
Maganda ang buong paligid. Naghahalo ang kulay bughaw sa kulay puti. Ang asul na dagat ay makikita sa palibot namin. Sa harap nito ay puting buhangin. May malawak na damuhan ng pampas sa aming likuran. Ang mga tao ay may hawak ding halamang kulay puti na mas maganda pa sa lahat ng bulaklak na nakita ko. Sa 'di kalayuan ay ang parola. Saksi ito sa gagawin kong sumpa sa iniirog ko.
"Ready ka na?" tanong sa akin ni Pauline. Dahil wala si Dad ay siya na ang nagprisintang tumayong magulang ko sa seremonya.
Sabay kaming naglakad sa gitna. May hawak akong pampas habang nakalingkis ako sa kanya. Tila hinahatid niya ako sa altar. Mabagal ang aking mga paghakbang. Sinusulit ang masasayang alaalang hatid ng paglalakad ko. Iginala ko ang aking tingin. Panay ang pag-iyak ni Nico at kinikilig naman sa tabi niya si Regina. Sa kabilang bahagi ay mga kaibigan kong abot tainga ang mga ngiti. Mga taong todo ang suporta maging noong ako ay bata pa.
Sa kabilang dulo ng dagat ay ang araw na malapit na sa kanluran. Ang langit na kanina'y nakakasilaw ay unti-unti nang nagiging kahel. Nilisan ako ni Pauline at nagtungo sa kanyang puwesto. Ilang hakbang pa ay natagpuan ko ang aking sarili sa tabi ni Father Kelvin.
Napalingon ako sa malayo. Biglang nagkutis kamatis ang aking pisngi. Ang binatang kay tagal kong hinintay ay naglalakad na patungo sa akin.
"Abnuy!" biro ko.
Nakita ko kung paano maglakad si Adam. Wala itong pang-itaas. Hinangin na sa dagat ang damit na hinubad niya kanina. May koronang gawa sa ligaw na bulaklak at pampas sa kanyang ulo kagaya ng sa akin. Dilaw na mga bulaklak na may kahalong puti. Bagay na bagay sa napakaguwapo niyang mukha, sa kulay kahoy niyang buhok at sa bughaw niyang mga mata. Parang isa siyang anghel na dumapo sa lupa. Nagmamadali ang kanyang mga hakbang. Tila gusto na niyang tumakbo patungo sa akin at simulan na agad ang lahat ng ito.
"Hoy, bagalan mo naman!" pagsaway sa kanya ni Tristan na nasa kanyang likod.
"Pare, masisisi mo ba ako? Ilang taon kong hinintay ito!"
Nagtawanan kaming lahat sa sinabi niya. Ilang segundo pa ay nasa harapan ko na siya. Hinihingal. Halatang kinakabahan.
"Oh, ayos ka lang?" tanong ko.
"Sobra! Ang tagal kong ipinagdasal ito, Noah," sagot niya.
Ilang saglit pa ay sinimulan na namin ang seremonya. Inumpisahan ni Kelvin. May mga binanggit itong kuwento. Kung paano nila ako nakilala at kung paano kami naging magkaibigan. Marami pa siyang ibinahagi. Mga bagay na naalala niya noong aming kabataan.
"Naala niyo ba Naldo at Gian, noong nagpunta tayo sa taniman ng mais?" saad ni Kelvin. "Sakay tayo ng kalabaw at may dala pang bag na puno ng damit itong si Noah."
Namula ako sa sinabi niya. Tinitigan ko si Adam. Halatang alam nito ang ikinukuwento ni Kelvin.
"Tapos may sinabi pa siyang pumunta siya sa Maynila dahil may hinahanap siyang tao. Sa tingin mo ba Adam, ikaw iyon?" biro pa ni Kelvin.
Natatawa na lang si Adam sa tanong nito. Panay lamang siya sa pagtaas ng kilay at piniling hindi tumugon.
Naglakad patungo sa amin sina Tristan at Pauline. Isinabit nila sa balikat namin ni Adam ang mabigat na taling dinala ni Gian. Natatawa silang lahat sa itsura namin. Ngunit nakangiti lamang kami sa lubid na nakasabit sa aming balikat. Nagdarasal ako na maging kasing tibay ng lubid na iyon ang aming pagsasama.
"And now, for the exchange of vows," saad ni Kelvin. Marahan itong humarap kay Adam.
"Ang tagal kong hinintay ito," panimula ng nobyo ko. May mahinang halakhakan sa paligid. "Hindi ko na malaman kung sino talaga sa atin ang unang nahulog. Kung sino ang unang umibig. Kung ano ba ang nakita mo sa akin at handa mong isakripisyo ang lahat. Ang dami kong hinandang quotable quotes, Noah. Nasabi ko na ata sa iyo ang lahat. "
Natawa ako sa kanyang mga sinasabi. Marahan akong napayuko. Inalala ang mga binitiwan niyang salita sa Palawan. Hinawakan niya ang baba ko at marahang inangat ang aking ulo.
"Ngunit uulitin ko, Noah. Napaka suwerte ko dahilsa dinamirami ng mga tala sa langit, nakita kita," dagdag ni Adam. "Aalagaan kita. Alam mo naman kung gaano ako kagaling mag-alaga. Hindi kita iiwan. Ipagluluto kita ng champorado. Ipaglalaba kita araw-araw. Tuturuan kita sa mga homework mo, sa quiz bee, lagi kitang bibisitahin sa ilalim ng punong-"
Natigilan siya sa kanyang sinasabi nang pisilin ko bigla ang kanyang mga kamay. Nanlaki ang mga mata ko at panay ang senyas sa kanya. Inilibot niya ang kanyang paningin at kitang-kita niya ang pagtataka sa mukha ng mga nakapalibot sa amin.
"Go lang, Adam!" bulyaw ni Nico, ang tanging taong nakakaunawa sa aming kuwento. May hawak pa itong tisyu na tila nanonood ng drama.
"Ah, eh," nauutal na dugtong ni Adam. Maging ako ay natatawa na sa pinagsasabi niya. "Pangako kong lagi akong uuwi sa iyo, kahit anong mangyari, Noah."
Nagtatalon sa tuwa si Nico. Maging ang mga kasama niya ay tumugon rin ng palakpak. Humarap sa akin si Kelvin. Senyales na ako naman ang kailangan maglatag ng mga pangako ko.
"Minahal kita hindi dahil sa itsura mo. Hindi ko na babangitin ang pisikal mong anyo dahil alam na naman ng lahat iyon," panimula ko.
Napayuko si Adam. Kinikilig ito sa tuwa. Kinuha ko ang isa kong kamay at marahang pinisil ang kanyang ilong.
"Minahal kita dahil sa kapanatagang hatid mo. Sa ligayang baon mo tuwing dumarating ka. Sa mga bagay na itinuro mo. Sa paggabay mo sa akin sa mahabang panahon. Ikaw ang una at huli kong mamahalin. Ikaw ang umpisa ng magandang kuwento na walang dulo. Pag-ibig na walang hanggan. Salamat sa paggamot mo sa akin sa una nating pagkikita sa ilalim ng puno. Sa hindi ko mabilang na panahong ako ay iyong iniligtas. Kung hindi mo ako nakita sa loob ng tent malamang---"
Agad niyang pinisil ang mga kamay ko. Nakalimutan kong may iba nga pa lang tao sa paligid.
"Sige lang, Noah!" bulalas muli ni Nico. Iwinawasiwas nito ang pampas sa ere. "Sabihin niyo lang ang gusto niyong sabihin."
"Utang ko sa iyo ang lahat," muli kong saad kay Adam. Huminga ako nang malalim. Natatawa na lang ako sa mga sinasabi ko. Hinayaan kong lumabas ang mga masasayang salita sa aking bibig na tila kaming dalawa lamang ang nasa pampang. "Pangako kong gagamutin ko lagi ang sugat mo. Palagi kitang susunduin kahit saan ka man manggaling. Ipaghahanda kita ng cucumber juice at barbecue araw-araw. Makikinig ako sa mga turo mo. Sa mga payo mo. Sa mga gabay mo. Mamahalin kita noon, ngayon at kailanman."
Sinuklian niya ako ng mahigpit na yakap. Masigadong palakpakan ang aking narinig. May mga tili ni Regina at hiyaw ni Nico ang umalingawngaw sa dagat.
Marahang lumapit si Nico. Nakataas ang kanyang palad na may dalang kahon. Marahan niya itong binuksan. Kinuha namin ang mga singsing na ibinigay ni Naldo. Agad na hinawakan ni Adam ang kaliwa kong kamay. Inangat ko ang aking ulo. Nakatitig sa akin ang mga matang mas bughaw pa sa lahat ng dagat na napuntahan ko.
"Kunin mo ang singsing na ito bilang tanda ng aking walang hanggang pag-ibig. Pag-ibig na walang dulo," saad ni Adam. Marahan niyang inilagay ang singsing sa aking daliri. Nagsimula siyang lumuha. Sinasariwa ang espesyal na oras namin. "Saksi ang tadhana sa pag-iisang dibdib natin. Ang pag-ibig ko sa iyo na mas malalim pa sa karagatan. Mas marami pa kaysa sa mga buhangin. Mas malawak pa kaysa sa kalawakan."
Nang matapos siya ay marahan kong inabot ang kanyang daliri.
"Tanggapin mo ang singsing na ito simbolo ng walang hanggang pag-ibig ko. Pagmamahal kong handang ialay sa iyo ang lahat, maging ang kalawakang nakatago sa alikabok na kagaya ko." Isinuot ko sa kanya ang singsing. May mga sugat pa sa kanyang daliri tanda ng kanyang mga pagtalon sa ibang panahon. "Saksi ang sanlibutan sa pag-ibig kong hindi matatawaran. Umaapaw higit pa sa dagat. Kumikinang higit pa sa mga tala. Tila isang alab na handang harapin ang kahit na anong unos na ibato sa atin ng kapalaran."
Muli kaming nagkatitigan. Ang mga mata niyang bughaw ay tumama sa mga mata kong kayumanggi. Nginitian niya ako kasabay ng pagkurba ng aking mga labi.
"Do you Adam Ambrossi," panimula ni Kelvin. "Take Noah Arroyo as your lawfully wedded husband, to live together in matrimony, to love him. Comfort him, honor and keep him, in sickness and in health. In sorrow and in joy, to have and to hold, from this day forward, as long as you both shall live?"
"I do!" malakas na sagot ni Adam. Kitang-kita ko ang ligaya sa kanyang mga ngiti.
"Ikaw, Noah Arroyo." Mabilis akong nilingon ni Kelvin. "Tinatanggap mo bang maging kaisang dibdib si Adam Ambrosi, na maging kabiyak ng iyong puso, sa habang buhay, sa hirap at ginhawa, sa sakit man o kalusugan, at mamahalin mo siya habang buhay?"
"Opo, Father," magalang kong tugon.
"I now pronounce you husband and husband, in heart and mind, in body and soul, in love and in life." Natigilan si Kelvin. Nakatitig lang siya sa amin ni Adam. "Oh, ano pang hinihintay ninyo? You may kiss each other."
Bigla akong sinunggaban ni Adam. Ngunit hindi mapusok ang paghalik niya. Nakadampi lamang ang kanyang mga labi sa akin. Ang kanyang mga kamay ay nakapisil sa aking mga pisngi. Napapikit ako habang dinadama ang malalambot niyang halik. Kasing tamis ng ubas. Kasing lambot ng niyebe. Ngunit kasing init ng lumilubog na araw sa buwan ng Marso. Sa mga oras na iyon ay tila bumalik kami sa ilalim ng puno ng Narra. May puno sa aming gilid. May damo sa aming paa. Umuulan ng dilaw na bulaklak.
"Congratulations!" bulyaw ni Nico.
Pagharap namin sa kanila ay tanging mga ngiti ang sumalubong sa amin. Isa-isa nila kaming nilapitan. May panay ang tapik sa aming balikat. Ang iba ay panay ang kamay sa akin at kay Adam.
"Oh, hindi ba sabi ko sa iyo mahahanap natin ang nobyo mo? Hindi lang pala nobyo, asawa na," saad ni Tristan. Panay ang kindat nito sa akin habang nakangiti. "Kaguwapo ni Noah, oh. Manang mana siguro sa ama."
Namula ang aking pisngi sa mga sinabi niya. Inilapit ni Adam ang kanyang bibig sa tainga ni Tristan at binulungan ito.
"Ikaw din. Galaw-galaw! Umamin ka na kay Pauline," banat ni Adam.
"Shhh!" suway ng kaibigan nito. "Baka marinig ka!"
Nagsalitan sila ng kantsawan habang panay ang bati sa amin ng iba pa naming kasama.
"Teka!" bulalas ni Adam. Agad itong napatingin sa kanyang relo. "Alas quatro na!"
"May problema ba?" usisa ko. Mabilis akong kinabahan dahil sa inaasal niya.
"Wala," saad niya. Agad niya akong hinatak. "Tara! May kailangan kang makita!"
"Saan kayo pupunta?" sigaw ni Nico.
"Sandali lang kami!" bulyaw ni Adam.
Tila naka-slow motion ang lahat. Bumabakas ang mga yapak namin sa buhangin habang tumatakbo. Hatak niya ang aking kamay. Tumatalon sa hangin ang maganda niyang buhok. Nilingon niya ako habang panay ang ngiti sa akin. Ngiti ng isang taong umiibig. Tila isang pusong muling natagpuan ang nawawalang kahati nito.
Dinala niya ako malapit sa parola. May apat na ibong nakadapo sa tuktok. Nagtungo kami malapit sa mga damo. May narinig akong kumakaluskos mula sa mga pampas. Nang siguraduhing walang nakatingin sa amin ay mabilis na hinawi ni Adam ang mga halaman.
"Bulaga!" sigaw ni Adam.
"Wait, is that?" pagtataka ko. Nanlaki ang aking mga mata. Tumambad sa akin ang isang bata. Nakayuko sa damuhan. Walang damit. Nagtatago. Kusang lumabas ang mga salita sa bibig ko. "Adam? What year are you from?"
"From 2006 po," magalang na tugon ng munting Adam. "Ipapasyal ako bukas ni Noah dito sa Batanes sakay ang motor niya."
Mabilis kong binitiwan ang katabi ko. Napayuko ako sa munting bersyon niya at ipinasuot ang aking polo.
"Ayos ka lang ba? May masakit ba sa iyo?" usisa ko.
Ramdam ko ang mahinang tawa ni Adam mula sa aking likod. Halatang natutuwa ito kung paano ko asikasuhin ang batang bersyon niya.
"Wala naman po. Pero totoo po ba lahat ng nasaksihan ko?" usisa ng batang si Adam. "Ikakasal kami ni Apple sa future?"
"Oo!" sigaw ng asawa ko. Humahalakhak ito sa aking likuran habang nakatingin sa sarili niya. "Sabihin mo ikakasal kayo ngayong taong 2019!"
"Yehey!" bulalas ng munting Adam. "Year 2019, got it!"
"Abnuy ka talaga!" sigaw ko sa likod ko.
Agad akong napatayo upang pagalitan ang lalaking kakasal lang sa akin. Natatawa kaming pareho dahil panay ang kurot ko sa kanya.
"Huwag kang makinig sa kanya, it's only year-" pagtatapat ko sana. Ngunit paglingon ko ay wala na ang bata sa damuhan. Tanging ang polo ko na lamang ang naiwan sa mga halaman. Muli kong nilingon ang pasaway kong asawa.
"Okay lang iyon," bulalas ni Adam. "It's not exciting if he knows exactly what's gonna happen."
"But Ark---"
Adam cut me off. He pulled me by my waist. "Noah, you would not hide here if you know what's coming for you this year. And I would not be able find you at all," he said with his eyes closed habang pinagdidikit ang mga noo namin.
Natatawa ako sa kanya. This dude is really a fucking time traveler and he knows how to manipulate fate.
I felt the cold wind brush through our hair as I slowly closed my eyes too. The warmth of the light coming from the sunset is both kissing us in the cheeks.
I was still giggling habang pumapadyak ang aking paa sa lupa dahil sa mga naganap sa araw na ito. Mabilis niyang pinisil ang mga pisngi ko. Pinipigilan kong humalakhak habang inaalala ang magiging reaksyon ng batang bersyon ko sa balitang hatid ng batang bersyon ni Adam.
"Humanda ka talaga sa akin mamaya," namumula kong sagot. Maliban sa inis ay umaapaw sa tuwa ang dibdib ko.
"Punish me later, Daddy Noah," tugon ni Adam. Panay ang halikhik ng asawa ko.
"Abnuy! Ano ba ang gagawin ko sa iyo?" natatawa kong sambit. "Mr. Adam Ambrosi-Arroyo, the time traveler!"
Pinanggigilan ko ang matangos niyang ilong. Pinagdikit niya ang aming mga noo. Hinila niya ang aking baiwang palapit sa kanya.
"You can choke me later!" bulalas ni Adam. "Mr. Noah Arroyo-Amborsi, the time traveler's husband."
The End of Book 4
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top