KMS-5
A satisfied smile came into my face once I was done inspecting myself in front of the full length mirror. I was wearing a dark green one shoulder dress that is form hugging and has a high side slit that shows off one of my toned legs. I put on my black suede Manolo Blahniks to finish the look. I'm going out on a date.
I know, I know. Liam warned me against this guy. But when you're nearing your deadline--I wrinkled my nose in distaste. Tila ba naririnig ko nanaman ang boses ni Liam sa utak ko.
That fucking deadline is bullshit! You don't have to stress yourself, Ika! The right one will come at the right time, hindi mo siya kailangan hanapin at lalong hindi mo siya dapat habulin!
Nainis nanaman tuloy ako bigla. What does he know about things like these? Ni wala nga siyang naging seryosong karelasyon! Tapos ang lakas ng loob niyang lecturan ako sa lovelife ko?
My thirtieth birthday is coming up in two months. How am I supposed to get married at the age of thirty kung hanggang ngayon wala naman akong boyfriend? And we need to be at least dating for a year para naman maging katanggap tanggap ang pagaasawa ko. But how?
Minsan naiisip ko na ngang isuko ang timeline ko. Like Liam said, it was silly. But not for me! It's been almost thirty years and never once did I fail on meeting my timeline. Ngayon pa lang, kung sakali. And it would kill me. He also knew it would kill me.
Kaya naman kahit sangkatutak na pangdidiscourage ang ginawa niya sa akin ay narealize din naman niya na wala siyang magagawa. Isang defeated na, "Tawagan mo ako agad pag may ginawang masama sa'yo 'yang gago na' yan at nang matanggalan ng bayag." na lang ang nasabi niya.
I laughed it off. No one would dare do something nasty kung nasa isa kaming mataong restaurant. Besides, Monica vouched for this guy. I don't think he would pull a trick on me considering na kakilala niya ang pinsan ko.
The sound of a text message coming in interrupted my thoughts. Nang damputin ko ang telepono ko ay mensahe ni Daniel ang sumalubong sa akin.
'See u later, babe.
And although hindi ko naappreciate na nagtext siya sa akin instead of calling me and that he used a shortcut to the word you na tatatlong letra na nga lang ay hindi pa niya nagawang i-type nang buo, ay napangiti na rin ako. Kung gusto kong matupad ang plano ko sa buhay ay kailangan kong bawasan ang pagiging maarte ko. I typed a quick see you too before heading out of my condo unit.
Nang lumulan ako sa kulay orange kong Ford Mustang ay napangiti ako. Liam hated this car. For someone who likes ostentatious things, he surprisingly despise my new car. I bought it out of whim, tapos sa kanya ko unang ipinakita. The look of horror on his face when he saw its color was hilarious. Mukha daw akong takas sa preso. Tell it to his red Ferrari Italia na mukhang regla.
Ang sasakyan na ito ang isa sa mga bagay na ipinagmamalaki ko. My father and my brothers, Liam included all think that sometimes I can be too uptight--with all these planning and stuff. They think that I always see the world in a black and white color. At itong sasakyan na ito ang sampal ko sa mga mukha nila.
Dumating ako sa meeting place namin ni Dan ng eksakto sa oras. Thanks to the light traffic.
"He's still not here?" may kahalong inis na bulong ko sa sarili ko. What kind of man comes late on a first date?!
Okay, calm your tits, Ika. Baka naman na-traffic lang or something. Don't be too hard on the guy.
Mabuti na lamang at may nakahanda namang reservation si Dan para sa amin. Naupo ako sa mesa kung saan ako iginiya ng hostess. Malapit iyon sa terasa kung saan matatanaw mo ang mga tao mula sa itaas ng restaurant.
Mahamog at maginaw pero okay lang. Okay lang talaga.
Naghintay pa ako ng mahigit labinlimang minuto bago dumating ang date ko.
"Hi," magaan na bati niya sakin. "You must be Sarika?"
Yes! And you are.. Let me guess.. LATE!
Pinilit kong ngumiti sa kabila ng iritasyon ko. I really cannot tolerate tardiness. Si Liam, kahit siraulo yun, never akong pinaghintay tuwing may usapan kami. He could be late in several of his business appointments, but not with me. Never with me.
Umupo si Dan sa harap ko at kinumpas ang kamay para sa kukuha ng order namin. I wasn't able to hear the rest of his order because I was busy clenching my fists. My hearing suddenly became impaired when I realized he was kind of flirting with the waitress. This is a fucking disaster! Whatever wind up on my cousin's mind when she decided to hook me up with a blind date with this schmuck is beyond me. Siguro ay may lihim na galit sakin si Monica. I will strangle that woman!
Nang sa wakas ay ibaling ni Dan sa akin ang atensyon niya ay nakapagtipa na ako ng mabilis na I WILL KILL YOU at ipinadala iyon sa numero ng pinsan ko. Capslock para intense.
"So, I heard you're into medicine?"
Medicine? Not exactly. Our company is one of the biggest medical equipment manufacturer in our country. We are already planning of expanding our business outside the Philippines and I'm the one leading it. Kaya naman nitong mga nakaraang buwan ay madalas akong wala sa bansa. I actually met Manny in one of my business trips in Malaysia.
"Actually, medical equipment manufacturer ang company namin," umpisa ko. "Ever heard of EveXell?"
"I don't think so," Dan took a sip of his red wine.
"That's kind of our brand."
"Cool." he nodded and asked for a refill of his glass.
Is he trying to get drunk?
Inalok niya ako ng refill ngunit halos hindi ko pa naman nagalaw ang baso ko kaya umiling na lang ako. "So, how about you? What do you do?" ang sabi sakin ni Monica ay nag-mamay-ari daw ng isang fashion agency ang pamilya ni Dan. Baka nga kakilala pa ni Liam ang isang ito since may sariling brand ng clothing line naman ang pamilya ni Li.
"I'm basically just a bum,"
Napamaang ako kay Dan. Nagkibit balikat lamang ito sabay lagok nanaman ng red wine. Seriously, what the fuck?
"What do you mean?" I tried to give him the benefit of the doubt. Maybe he was just joking.
"My parents have money and I spend it." he shrugged his broad shoulders. "Hindi naman basta basta mauubos yon."
Oh, a man child. Great.
Daniel to be honest is a good looking guy. Kind of american surfer good looks with all these dirty blond hair and tan going on. But I'm looking for a potential husband, and not someone I'm supposed to take care of.
Natahimik na lamang ako matapos ang mga sinabi niyang iyon. We ate our dinner in silence and I prayed for that night to be over. Seriously. This date is a catastrophe. I can't wait to get home so that I can kill my cousin dead.
"So, tara?"
Tumaas ang dalawang kilay ko nang maglagay ng pera si Daniel sa lamesa at tumayo. Atubiling tinanggal ko ang napkin sa lap ko at ipinatong iyon sa lamesa.
"I'm sorry, where are we going?" tanong ko matapos kong uminom ng tubig at tumayo.
"To my hotel room, where else?"
Muntik kong maisuka ang mga kinain ko.
"Excuse me?"
"I said--"
Tinaas ko ang palad ko. "I heard you." tumirik ang mata ko. "What makes you think na sasama ako sa hotel mo?"
"Look, Sarika--"
"H'wag mo akong ma-look look Sarika, ha? Ano bang akala mo dito?"
"Monica said you're game."
"I'm game?!" malapit na yatang pumutok ang ulo ko sa sobrang inis. Mapapatay ko talaga ng wala sa oras ang pinsan ko.
"So, what are we waiting for?"
"You--"
"Ika?"
Handa na sana akong sikmatan ang taong bigla na lang umeksena samin dahil balak ko na talagang kalmutin ang mukha ni Dan. Pero nagulat ako nang tumambad sakin ang nagmumura sa pulang nguso ni Ava at biglang lumapat iyon sa labi ko mismo.
"Hi, baby," nakangising bati nito sa akin. "I didn't know you'd be here, too! Bakit naman iniwan mo ako sa condo?"
Umabrisyete siya sa akin at sa labis na gulat ko sa mga naganap ay hindi ako nakakibo agad.
Humarap si Ava kay Dan at ngumiti ng may halong pagbabanta. "I'm going to steal my girlfriend back, now. We just had an argument but we're still together. You can back off now."
Daniel looked visibly flustered as he scurried away from us. What a fucking douche! I really should've listened to Liam. I fought the urge to slap my forehead. Nang tuluyang mawala ang lalaki ay mabilis hinarap ko si Ava. "What the hell do you think you're doing?"
Ngumisi siya sakin at kumagat sa labi niya. "Ang lambot pala ng lips mo--"
"Ava!"
Ava is Caleb's cousin. Caleb is one of Liam's friends. Minsan na rin namin siyang nakasama sa paglabas labas namin. She's crazy.
Tumawa lang ito sabay kinawayan ang lalaking nasa bandang likuran namin. Isang matangkad na chinito ang lumapit sa amin." Si Jerome nga pala. Boyfriend ko, kaso ayaw niya."
Napamaang lang ako sa sinabi niya at kumunot naman ang noo ng lalaki.
"I am not your boyfriend, Ava."
"See? Choosy pa siya." muling umabrisiete sa akin si Ava na tila ba close na kami. Sabagay, nakalips to lips ko na siya. Siguro naman close na kami ngayon.
"What are you doing here?" usisa ko sa kanya habang palabas kami ng restau. Nakasunod parin samin ang lalaking pinakilala niyang Jerome. "At bakit mo ako hinalikan?"
"It looked like you needed some saving," mabilis na sagot nito. "and I needed a ride." she gestured towards Jerome. "He's ditching me--his girlfriend--for a meeting with his ex."
Inirapan ni Jerome si Ava. "You are not my girlfriend and I'm not meeting Gracie. I'm meeting with her father." sinipat nito ang relo nito bago bumaling sakin. "Can you please take this woman home? I will owe you big time, Miss..?"
"Sarika del Valle." nagkamay kaming dalawa bago ko sinabing ako na ang bahala kay Ava. Nagpaalam na sa amin ang lalaki matapos itong sapilitang halikan ni Ava sa labi. Like I said, this woman is nuts.
"Thank you so much, Miss del Valle," he gave Ava a piercing stare. "Go home, I'll see you tomorrow."
Pangisi ngisi si Ava nang sumakay sa sasakyan ko. Kunot noo ko lang siyang pinagmamasdan habang kinakawayan ang kotse ni Jerome. "Seriously, Ava? Who's that guy?"
"Boyfriend ko nga."
"But--"
"Sinasabi lang niya 'yon. Pero alam kong gusto rin niya na tinatawag ko siyang boyfriend. One of these days, bibigay din ang lalaking yan! Nagpapakipot lang," she put both of her feet up the dashboard which made me cringe. "Sa Remix tayo."
Ngumuso ako habang inistart ang kotse ko. "Akala ko ba uuwi ka na?"
"Hahanapan kita ng matinong lalaki!" pinandilatan niya ako. "Anyone who doesn't get turned on by two women kissing is not the guy for you! Stop dating pussies!"
"Anyone who gets turned on by that is a pervert!"
"Anong silbi ng jowa na hindi pervert ha?!"
Hindi ako mananalo sa babaeng ito.
JAM-PACKED ANG REMIX NANG DUMATING KAMI NI AVA. Figures because it's a friday. Mabuti na lang agad kaming nakahanap ng upuan sa harap mismo ng bar.
"What are you two doing here?" binigyan kami ni RD ng mapaghinalang tingin. Randall is also one of Liam's friends. Siya ang may-ari ng club na ito. Nagpalipat lipat ang tingin niya sa amin ni Ava.
"Sasamahan ko lang humanap ng boylet si ategurl, bakit ba?" nakairap na sagot ng kasama ko.
RD's eyes scrutinized me. "Alam ba ni Li yan?"
"Bakit? Boyfriend ba niya si Liam, ha? Ikaw nga, RD, tigilan mo si ategurl, kaya di makahanap ng jowa kasi ginagwardyahan n'yo nila Liam. Kala mo naman magdodonate kayo ng sperm pag tumandang dalaga yan."
Sasagot sana rito si RD pero inunahan ko na siya. "Pwede bang bigyan mo na lang kami ng drinks? Martini for me. Neat. Ikaw?" baling ko kay Ava.
"Jack and coke," nakaismid na sabi niya kay RD.
Nakadalawang shots na kami nang magsimulang magturo ng kung sino sino si Ava. A lot of men are dancing on the floor. Marami ring nakatayo lang sa sulok sulok at umiinom.
"How about that guy?" she gestured her drink towards a man who's sporting a man bun.
"I don't like messy guys."
"Sus! Ang dirty dirty ng best friend mo, maka-I don't like messy guys ka d'yan!"
Natawa na lang ako. It's my turn to jut my chin on a clean shaven guy wearing a sweatshirt.
"Gaaaay." tumirik ang mata niya.
"No he's not!"
"Gaaay! Di natin ka-talo yan." tinuro naman niya ang isang matangkad na kasuot ng tshirt na hakab sa katawan nito.
Parehas kaming napa-hmm.
"May six pack, teh." humakab na kasi sa katawan nito ang suot na damit. "pero wala nang ibang bumubukol. Talo tayo d'yan."
"Uhm, si Jerome ba may abs?" tanong ko nang nasa ikatlong shot na ako ng Martini.
Ngumisi si Ava. Halata namang sobra siyang infatuated sa boyfriend niya. "Oh yes! May anim na pandesal saka yung favorite nating palaman sa tinapay."
"Which is?"
"Footlong."
Nagkatawanan kaming dalawa. Later that night, two guys introduced themselves to us. Binigyan niya ako ng go signal habang si RD naman ay tinitigan kami ng masama. He warned us na isusumbong kami kay Liam at Caleb. What a snitch. We both gave him the dirty finger. As if naman takot kami sa dalawang 'yon.
Niyaya kami nina Kyle at Paul na sumayaw maya maya. I was already on my fifth shot. Tumanggi si Ava dahil loyal daw siya sa boyfriend niya kaya ako na lang ang sumama sa dalawa.
I'm a bit tipsy and it made me daring. And hot. I feel really hot. And horny, as well.
I danced with both guys. Both of them blatantly rubbing themselves on me but I don't care. Patuloy lang ako sa senswal kong pagsayaw sa saliw ng maharot na musika. Who knows? Maybe I'd get into some action tonight. With these two boys.
Man, I'm drunk. Ano ba itong iniisip ko?
Naramdaman kong hinapit ako sa bewang ng isa. Ganoon din ang ginawa ng kasama niya. Hindi ko na alam kung si Kyle ba o si Paul ang nasa harapan ko. Basta ang alam ko lang nag-iinit ang katawan ko.
"Damn, baby." narinig kong bulong ng isa sa mga kasayaw ko.
"What do you say we get out of here?"
Liyong liyo na ako sa alak at sa lakas ng tugtog. Pawis na pawis ako at hindi ko na malaman kung anong isinagot ko sa dalawa dahil naramdaman ko na lang na iginigiya nila ako palayo sa mga tao.
My knees felt week and my muscles felt like butter as they almost literally carried me away. My mind was too cloudy for me to think. Dapat ba akong sumama sa kanila? Dapat ba akong pumalag? O sumigaw man lang?
Saglit akong bumalik sa ulirat nang maramdaman kong may humila sa aking braso.
"Ano ba, pare? Find your own girl!" I heard someone say through my hazy brain.
"Hands off."
That voice sounded oh so familiar.
"We found her first!"
"Take your fucking hands off her!" naramdaman kong pumulupot ang braso ng lalaki sa bewang ko at kahit pa hilo at madilim sa club ay nakita kong itinulak niya ang isa sa mga lalaki.
"Ano bang problema mo, bro? Ang daming ibang babae d'yan--" hinagip muli ng isa sa mga lalaki ang braso ko.
"Fuck."
Nawala ang pagkakapulupot ng braso ni Liam sa bewang ko at naramdaman ko na lang na humampas ang katawan ko sa dingding ng club. Nagkagulo na ang mga tao sa paligid ko habang ako naman ay tuluyan nang napaupo sa sahig.
May ilang minuto rin siguro ako sa malamig na sahig bago ko naamoy si Liam sa malapit sakin. I can barely make out my surroundings due to extreme lightheadedness. But I can definitely smell my best friend's cologne. And then I felt him held my cheeks against his warm hands and whispered. "Ika ko?"
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top