KMS-2

I tried to keep a smile plastered on my lips while watching my best friend, Liam, eat his heart out from across me at the dining table. Walang hinto ang mga kwento niya sa akin na alam kong paraan lang niya para i-distract ako. I got to give him credit, though. Talaga namang minsan ay nakakaaliw rin ang mga kalokohan niya.

But this time.. Ugh! I know I shouldn't be thinking about Manny, that fucking asswipe. Hindi ko maintindihan kung bakit sobrang sama ng loob ko sa nangyari sa aming dalawa. It's not that I loved the man. Sure, I was kind of attracted to him. He's goodlooking and he's sometimes funny.  And he's perfect--he was supposed to be perfect. But apparently, I'm wrong.

Hindi lang talaga kinakaya ng pride ko na basta na lang niya akong dinump. Hindi ko tuloy maiwasang isipin kung ako ba yung may problema? Pangit ba ako? May mabaho ba sa akin? Masama ba ang ugali ko?

Well, not like that I'm not aware of a slight problem with my personality coz hello? I'm sarcastic as fuck and I'm not known for taking shit from anyone. But this is me. Alam naman nila na bago pa nila ako ligawan na isa akong self absorbed na nilalang.

Ano yun? Tinesting lang nila ako? Trying to see if they could tame me tapos pag nalaman nilang hindi pala, bawian na? Gago lang?

"Sumisimangot ka nanaman!" puna ni Liam sa akin habang puno ang bibig ng pagkain. God! That is so unattractive. Ano bang nakita ng mga babae dito sa best friend ko at hibang na hibang sila?

Okay, given na gwapo nga siya. I hate to say this, pero usong uso kasi ang mukha ni Li ngayon. Matangkad, chinito, malinis tingnan (pag tiningnan lang, kasi sa totoo lang, he's a pig.) mabango, mayaman at maganda ang pangangatawan. Plus he had this boyish charm in him. Yung tipong parang ang sarap alagaan, ang sarap pulbohan tapos sakalin. Ugh! Everything is just skin deep. Kung alam lang siguro ng babae what kind of an ass her best friend is. Argh!

"Alam mo, Ika, kung pagnanasaan mo ako, at least do it discreetly ha?" he looked at me pointedly. "Kasi alam mo yun? Medyo nakakakilabot eh."

"Hoy! You wish ha!" kusa kong sinalinan ng tubig ang baso niya. "You are one of the most disgusting people I've ever met ba't kita pagnanasahan?"

He chuckled. "Sino pa yung ibang kalevel ko sa pagiging disgusting?"

"Si Ram at si Drae."

He giggled like a kid. Seriously, ew. "Sabihin ko yan sa kanila."

"Samahan pa kita." akala naman niya natatakot ako sa mga kaibigan niya.

Tumawa lang si Liam at ipinagpatuloy na ang pagkain. Minsan napapaisip din talaga ako kung paano kami naging magkaibigan ng lalaking ito. A lot of people would say we are an unlikely couple. Yung tandem namin parang tubig at langis. Scientifically speaking, the likes of us don't mix well together. But in our case, ewan, we defy laws of nature. Parang ganun.

Bata pa lang kami magkasundo na kami. We would play video games together, we watch the same TV shows together, and basically just do everything together. Yeah, we once took a bath together, too. Pero bata pa kami noon kaya di ko na rin matandaan ang itsura ng titi niya so don't ask me.

Inaanak siya ng daddy ko at inaanak naman ako ng daddy niya. When his parents got separated while we were in highschool, I became his source of strength. I was the one who cheered him on when every single thing in his life seemed to have crumbled altogether. And when my mother died, he became my wall. Sa kanya ako sumandal and he protected me from everything and everyone.

We closed off from the world but remained open to each other. We both saw each other during our weakest moments and we held on to each other during those times. Maybe that's why our bond was unbreakable and it will remain so until the end.

But although I have Liam, may parte parin ng buhay ko na parang hindi buo. There's still that emptiness inside of me that no matter what I do parang laging may kulang.

I'm a perfectionist. I want everything to happen according to my plans. Bata pa ako, naka-timeline na ang buhay ko. I wanted to graduate at the age of nineteen, so I made it happen. I wanted to have my own car at twenty two, so I saved all my money to have one on my twenty second birthday. I wanted my own house at the age of twenty five and so I bought a condo unit in Makati two days after my birthday. I wanted to get married at the age of thirty but fuck.. I don't know what I am supposed to do because I'm twenty nine now and I still don't have a steady relationship.

Kaya naman ngayon, tumataas ang anxiety level ko dahil may chance na baka hindi matupad ang gusto kong mangyari. I don't want to ruin my timeline. I'm supposed to get pregnant at the age of thirty one according to my plan!

Napatulala siguro ako ng matagal at nang matauhan ako ay napansin kong nakatitig si Liam sa akin.

"Ano nanaman?"

"Sigurado ka bang OK ka lang?"

Ngumiti ako ng alanganin. "Oo naman," sana convincing yung pagkakasabi ko kasi ayoko naman na mag-alala ang kumag na 'to sakin. "Gabi na, you should go home,"

"Pagkatapos mong sirain ang gabi ko, itataboy mo na lang ako ng ganyan? I-blowjob mo ako."

"As if hahayaan kong sumayad yang itlog mo sa bibig ko!"

"Eh di wag mo pasayarin yung itlog, pwede naman."

Hinablot ko mula sa panig ko ng kitchen isle ang ulo niya sabay sabunot. "You're such a pig, William Ryelle Sy!"

Nalukot ng husto ang mukha niya. If there's a thing that he really hates the most, it's me calling him by his whole name. Ewan ko ba sa kanya, para naman sa akin ay walang mali sa pangalan niya. But he hates it. Pangit na pangit siya. Kala mo kung sino namang gwapo.

"Pag ako nakalbo, Sarika!" banta niya.

"Maigi para tumigil ka na sa pambababae!"

"Ha-ha!" siya na mismo ang nagligpit ng pinagkainan niya. Sobrang at home na si gago sa bahay namin.

"Hindi ka ba uuwi sa condo mo?" tanong niya habang naghuhugas ng pinggan. Pinabayaan ko lang siya habang prente akong nakaupo sa stool.

"Ayoko umuwi."

"Ano naman gagawin mo dito? Magmumukmok?"

Kabisado na ako ni Liam. Alam niya na umuuwi lang ako sa villa kapag malungkot ako. Nandito lahat ang memories ni mama, kaya naman at peace ako dito. I feel like my mom's still around. When I was young, she used to tuck me and hug me until I fell asleep. Minsan ganoon parin ang pakiramdam ko pag nandito ako sa villa, kaya pag masama ang loob ko, umuuwi ako dito.

"Don't mind me, I'll be fine." hinila ko siya palabas ng front door matapos niyang maghugas. "Umuwi ka na at mag cold shower ka ha?"

Ngumuso si Liam. "Okay, kiss ko muna?"

"Manigas."

"Kanina matigas nga ito!" maktol niya. "Kaso may demonyong bigla na lang tumawag sakin kaya pag nabulok ang itlog ko, kasalanan mo."

"Maigi ngang mabulok at nang hindi kumalat ang lahi mo!" tinulak ko siya hanggang sa mapilitan siyang bumaba na sa front steps. "Tsupi!"

"Pagsisisihan mo yun balang araw, gago."

Kumaway ako sa kanya habang siya naman ay patungo na sa kotse niya. "RIP sa itlog mo!"

Tawa naman siya nang tawa. Wala naman makakarinig sa amin dahil malayo ang mga kapitbahay namin dito sa villa. Ang pinakamalapit naming kapitbahay ay si Linc Henares na bihira naman umuwi sa mansion niya. Dati ay katabi ng bahay namin ang kila Liam, pero nang maghiwalay ang mag-asawa ay ipinagiba ni ninong ang mansion nila.

I watched as Liam drove away from our house. Nang hindi ko na siya matanaw ay saka lang ako tumalikod at nagsara ng pinto. Tumambad sa akin ang malungkot at madilim na bahay. This place used to be warm and full of life. But since my mother died, it had been cold and empty. Kahit pa dito rin nakatira ang mga kuya ko at ang daddy ko, iba parin noong nandito si mommy.

I felt weak and tired when I reached my room. My brothers and I usually do not get along really well, mahilig kasi silang pagtulungan ako. Actually, no, scratch that. Si Red lang naman ang punyeta sa aming magkakapatid. Blue doesn't really care much. Pero I wish andito sila ngayon at wala sa Pampanga upang dalawin si daddy.

I smiled bitterly to myself when i finished my night rituals and was facing the mirror. Hindi naman ako pangit. Wala kaming lahing intsik kagaya nila Li pero singkit ang mata ko. Maputi sa karaniwan. Medyo nalalakihan lang ako sa lips ko pero sabi ni Liam ito naman daw iyong tipong kissable, perfect pa nga daw for blowjob, tangina talaga ng animal na yon. Siguro yung ugali ko talaga ang problema? Maybe I'm too intimidating? Maybe I have too high standards?

Nagkibit balikat na lang ako. Bakit ba iniisip kong sa akin may mali? Liam is right. Gago ako kung iisipin kong ako ang may diprensya. Having high standards in men is not a flaw.

Pero hanggang sa makahiga ako sa kama ay si Manny ang nasa isip ko. We could have been wonderful together. Maraming nagsasabi na cute kaming dalawa. Na bagay daw kami. Pero bakit inayawan parin niya ako? Gosh! I feel so alone. Para sa iba siguro baka mababaw ang nararamdaman ko pero ngayon, damang dama ko ang pagiisa ko.

Niyakap ko ng mahigpit ang malaking unan ko, but it didn't feel like my mom at all. It was just a cold pillow, no one will return my hug.

Noon bumukas ang pinto ng kwarto ko. The other side of my bed dipped and a warm arm wrapped around my torso. Hindi na ako nagulat. His scent was too familiar.

"Pano ka nakapasok?" tanong ko.

"Umakyat ako sa bintana sa kitchen." mahinang sagot ni Liam saka humigpit ang yakap niya sa akin. "Close your eyes, Ika, I'll hug you until you sleep."

"Just like the old times?"

"Just like the old times."

»»»

"Sa'n ba kasi tayo pupunta?"

"Manahimik ka kasi d'yan, hindi ko marinig si Waze!"

Pigil na pigil ang tawa ni Zeve at RD na kasama ko ngayon sa sasakyan. Kung bakit naman kasi napakabobo ko pagdating sa directions. Ewan ko ba, kahit saan ako pumunta eh kailangan ko pa si Waze. Kung hindi ko nga lang ilang libong beses nang tinatahak ang papunta sa bahay nila Ika, ay baka maligaw pa ako.

"Karapatan namin malaman kung saan tayo pupunta pagkatapos mo kaming kaladkarin!"

Hindi ako kumibo. Bahala sila sa buhay nila. Kailangan ko lang naman ng audience, na-inspire kasi ako sa ginawa ni Drae noon kay Scor. Saka kailangan ko ng pipigil sa akin sakaling masobrahan sa bugbog si Manny Lorenzo. Ang putanginang yon!

Lulumpuhin ko si gago dahil sa ginawa niyang pagpapaiyak sa best friend ko. Bah, di pwedeng ganun ganun na lang. Kagabi habang yakap yakap ko si Sarika, humahagulgol ng iyak iyong isa at sinabi sa aking basagin ko ang mukha ni Manny kung hindi ay siya raw ang sasapak dito.

Bago kasi kami matulog ay nag log in muna sa FB niya ang gaga at nakitang may iba na palang nilalandi ang ulupong na 'yon.

Hindi ko maatim na basta na lang panoorin si Ika na sinasaktan ng kung sinong lalaki. Iyong huling nakarelasyon niya, muntikan ko nang sagasaan kung hindi ako pinigilan ni Sarika. Magkasama kami nung nakita namin na may kaholding hands ang ex niya.

I will protect Ika from anything, kung pwede nga lang hindi ko palapitan sa ibang lalaki ang best friend ko, gagawin ko. Because all they do is hurt her. And she doesn't deserve it.

Pumarada ako sa harap ng isang mababang building kung saan nalaman kong nagtatrabaho si Manny. I cracked my knuckles.

"Uh-Oh," narinig kong palatak ni Zeve. "Liam, ano 'to ha?"

"May tuturuan lang ako ng leksyon,"

"Gago ka, kailangan ko umuwi sa asawa ko nang buo!"

Hindi ko siya pinansin. "This man made my best friend cry. Alam n'yong hindi basta umiiyak si Ika."

Sarisaring mura ang narinig ko mula sa mga kaibigan ko. Now they have an idea. Mabuti nga't hindi si Ram at Drae ang sinama ko. Those two both have younger sisters, alam nila ang pakiramdam kapag naagrabyado ang mga kapatid nila.

Nang mamataan kong lumabas na ng opisina niya ang tarantadong lalaki ay mabilis akong umibis ng sasakyan.

"Manny Lorenzo?" bungad ko nang makalapit sa kanya.

"Yes?"

"This is for making my Ika cry." sabay sapak.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top