Twenty Six


Chapter 26: Rumor

NAGLALAKAD ako sa set ng Balita Pilipinas at kataka-taka namang pinagtitinginan ako ng mga katrabaho ko. Well, dati pa man din ay binabati na nila ako tuwing dadating ako sa dtudio pero iba 'yong tingin nila sa akin ngayon.

"Congrats po, Miss Xiamara," an intern greeted me and my brows crunched because of confusion. Bakit nila ako binabati? Dahil nakaligtas ako sa pagtangkang pagbaril sa akin?

"Thanks." I said kahit hindi ko alam kung para saan.

Back to work na ako ngayong araw dahil super bored na talaga ako sa unit. At isa pa, busy na rin si Cooper sa kanyang trabaho. Mas kailangan na daw siya sa site kumpara sa mga nakaraang araw. Good thing iyon dahil hindi niya na ako mapepeste everyday, nakakasawa rin yung mukha ni Cooper, eh.

"'Te congrats!" Coleen greeted me as soon as she arrived. Magkatabi kami sa makeup area para mag-ayos mamaya sa live. "Ikakasal ka na pala!"

Napatigil ako sa pag-a-ayos ng foundation ko. "What? Saan mo naman nakuha 'yong tsismis na 'yan?" Understandable naman na news about showbiz ang kailangan niyang trabahuhin pero saan niya nakuha ang fake news na iyon?

"Huwag mo nang isikreto 'te! Kalat na kaya sa twitter,"

Sa lahat ng social media account ko ay ang twitter ang pinakamadalang kong buksan dahil napaka-toxic sa platform na iyon. Ang dami pang nagkalat na fake news.

"Anong sikreto?" I asked.

"That you and Engineer Cebrero are going married!" She shouted.

"Ha? Saan ninyo naman nakuha ang balita na 'yan?"

"Nakita kaya namin ang IG Stories ni Shane at ni Alyssa," oo nga pala, public influencer ang dalawang iyon at nag-video sila noong tinanong ako ni Cooper to be his girlfriend. Mga siraulo talaga, sabi nilang dalawa ay naka-close friends lang 'yong post nila sa IG! "Tapos may ilang videos din na nakita kayo ni Engineer na namimili ng gamit sa bahay. You are really moving together already!"

Malamang showbiz reporter siya, mabilis maniwala sa tsismis. Pero sana naman vinerify niya muna sa akin kung totoo, hello! Workmates kaya kami.

"He is my boyfriend pero hindi pa namin napag-uusapan yung tungkol sa kasal na 'yan. Malayo pa kami doon." Paliwanag ko sa kanya. She nodded pero mukhang hindi naniniwala sa akin ang gaga. "Wala ring proposal na naganap noong gabi na 'yon. Kung mayroon man, trust me, isa ka sa mga unang makakaalam."

"Pero boyfriend mo na siya?" nakatingin lang si Coleen sa salamin at inaayos ang kanyang eye liner.

"Hindi ko naman dine-deny ang bagay na iyon." Ayoko namang ikahiya si Cooper dahil lang public influencer ako at News Anchor ako. Nakakatuwa kayang ipagmalaki ang malas na iyon.

"Alam mo, I am so happy for you. Sabi ni boss ay kuhanan daw kita ng interview with your non-showbiz boyfriend pero tinanggihan ko," napalingon ako kay Coleen at inayos niya ang kanyang lipstick. "Sabi ko kay boss ay masyado ka nang open sa public, hindi naman din kako dapat pang tanungin si Xiamara dahil makikita naman ng publiko 'yong status nila. Hello! Hindi naman ShanDrea level yung gossip tungkol sa 'yo."

"Thank you." I said to Coleen. Tsismosa siya pero na-gets niya na gusto ko pa rin ng kaunting privacy para sa sarili ko.

"No problem, basta kung ikakasal ka, invited ako ha!" Nagbihis na kaming dalawa para sa Balita Pilipinas at malapit na kaming umere. "Ay nga pala, nag-file ka daw ng three days leave kay boss next month? May vacation agad  kayo ni Engineer?"

Nagpasa kasi ako ng leave kay boss thru email. Ang kinuha kong date ay August 5-7 (Monday to Friday) at wala naman kaming pasok tuwing weekends kaya bale 5 days vacation siya. Inipon ko talaga ang leave ko para paghandaan 'to 'no!

"Hindi, uuwi akong San Sebastian. Sisimulan na kasing gawin 'yong bahay ko. Eh gusto sana namin nila tatay ay nandoon kaming buong pamilya para makita man lang kahit ang simula. Tsaka ang tagal ko na rin hindi nakakauwi sa probinsya namin. Kumbaga, hinga lang muna from work." Paliwanag ko sa kanya. Sana nga ay ma-approve ni Boss 'yong leave ko. Naku! Kapag hindi talaga ay lilipat ako sa kabilang net— charot! Kung hindi pinayagan e 'di magta-try na lang ulit ako ng ibang date.

"Kasama mo si Engineer?"

Umiling ako. "Busy 'yon."

Araw-araw nga yatang nagrereklamo sa akin si Cooper na saksakan daw ng arte ng client niya ngayon at ibig niya ng saksakin ng T-square, eh. Commercial building lang naman daw ang pinagagawa pero kung maka-demand ay parang VIP client. Basta nakinig na lang ako sa reklamo ni Cooper, hindi ko naman din masyadong maintindihan ang mga sinasabi niya lalo na't hindi ako familiar sa engineering terms.

Ilang minuto na lamang bago ang live ay nakatanggap ako ng chat galing kay Cooper.

Cooper:
Uy malapit na 'yong Balita Pilipinas!

Mabulol ka sana.

Xiamara:
Epal.

Malasin ka sana.

Ay. Malas ka na nga pala.

Cooper::
Gago.

"Stand by!" When I heard the cue ay agad kong ibinulsa ang aking cellphone. Umayos ako ng tindig at humarap sa camera. "Ready! Action!"

Hindi ko alam kung nakakahawa ang kamalasan ni Cooper dahil bigla na lang akong nabulol sa pagbabalita kanina. Hindi naman ganoon ka-complicated yung mga words na sasabihin ko pero bigla akong nabulol! First time 'yon, live pa naman.

Tawang-tawa si Cooper noong sinundo niya ako dahil nanood pala siya ng news sa lobby ng GNTV kung saan niya ako hinintay. Nasa kotse kami ay wala siyang tigil sa pagtawa habang nagda-drive.

"Tumbog sa iginasawang... isinawagang... isiganawang," pag-uulit ni Cooper sa pagkakabulol ko. "Hay naku, ang meme material. Paniguradong may replay na 'to bukas, papanoorin ko ulit."

"Alam mo, epal ka! Kasalanan mo 'yon kung bakit ako nabulol, eh," hinampas ko ang kanyang braso pero imbes mas malakas lang na tumawa si Cooper.

"Nambintang ka pa. Dila ko ba 'yan?" Barumbado niyang sagot.

Napatigil kami sa pagtatalo na dalawa noong makarinig kami ng putok mula sa labas. I thought may umatake na naman sa amin but it turns out... pumutok ang gulong ni Cooper. Mabuti nga at mabagal magpatakbo si Cooper at agad niyang naipreno kung kaya't wala namang nangyaring masama sa amin.

"Ang malas nga naman, oo!" Napasabunot siya sa kanyang buhok.

"Cooper, wala talagang araw na hindi ka minamalas, 'no?" Tanong ko habang tinitignan ang gulong. Mabuti na lamang at malapit na kami sa Pioneer Woodlands noong nangyari iyon kung kaya't kinuha ko ang kotse ko sa parking. May spare akong gulong kung kaya't pinalitan niya na rin sa daan ang gulong ng kotse niya.

**

ARAW ng linggo at um-attend kaming dalawa ni Cooper sa kasal ni Jessica (Yung college friend kong na-meet sa mall last time). Napakaganda ng kasal niya at halatang pinag-ipunan.

Napakarami ko ng wedding na na-attend-an pero naiiyak lagi ako kapag ginagawa nila ang Wedding vow. Nakikita ko kasi sa mukha noong mga ikinakasal na sobrang saya nila at kung minsan ay naiiyak sila sa sobrang tuwa. "Palitan mo na kaya yung bride sa harap, mas malakas pa yung iyak mo kaysa sa kanya," sabi ni Cooper at napapahid ako ng aking luha.

Epal talaga kahit kailan.

"Nakakaiyak kaya!" Dahilan ko. "They are now entering a new stage of their lives."

Cooper looked at the couple. "Hindi rin ganoon kadali ang ikasal. Ibig sabihin noon ay mas ready ka na sa mas malaking responsibility." I nodded as I agree on what he said.

After the wedding vows, dumiretso na kami sa reception kung saan pinaka-excited si Cooper dahil kanina pa raw siya gutom. I introduced him sa mga friends kong reporters at ang sasarap pitikin noong mata ng iba dahil grabe sila makatingin kay Cooper.

"Alam mo bang natsismis tayo last time na nag-propose ka na raw sa akin," kuwento ko sa kanya habang kumukuha kaming dalawa ng pagkain.

"Dahil ba 'yon sa post ni Alyssa at Shane?" I nodded. "Ang OA naman kasi ng caption na nilalagay nila sa IG stories nila. Pero puwede namang totohanin natin,"

Biglang lumuhof si Cooper pero ngumisi din. "Uy umasa." sabi niya at hinampas ko ang kanyang braso. "Dadating din tayo doon, tsaka huwag ka ngang mainggit sa mga kaibigan mong kinakasal. May boyfriend kang yummy, mapera, guwapo, mabait, disiplinado..."

"Wow buhat na buhat ang sarili, ah. Tsaka guwapo? Saan banda?"

"Nagselos ka nga kanina noong pinakilala mo ako sa ibang News Reporter eh. Aminin mo,"

Umupo na kami sa table namin at hindi pa rin siya tapos sa pang-aasar. "Para kang tanga, Cooper, umayos ka na." Natawa lamang siya sa sinabi ko. Badtrip na jowa 'to, tuwang-tuwa kapag nabubuwisit ako.

"Ang bongga ng kasal nila 'no?" Sabi ko sa kanya.

"Hindi ka pa rin tapos? Nagpaparinig ka ba?"

"Hindi ah! Ang bongga lang talaga! Halatang pinag-ipunan."

"Kaya ako gusto ko kapag ikinasal na tayo financially ready na ako. I know malaki sinasahod ko as an Engineer pero siyempre iisipin ko din ang magiging buhay ng mga anak natin. Siguro baka mag-investment ako noon. Tapos balak ko rin magtayo ng small business para tuloy-tuloy lang ang pasok ng pera." Paliwanag niya sa akin.

"Ano namang business 'yan?" I asked.

"Milk tea, ewan ko. Na-observe ko lang na ang daming bumibili sa ganoong klaseng shop. Bibili ako ng maliit na puwesto tapos sasamahan ko ng desserts, sanay ka ba mag-bake?"

"Hindi."

"O manahimik ka, akin lang lahat ng pera no'n. Wala kang ambag."

"Ang sama-sama mo sa girlfriend mo," kunwari akong nagmalungkot na mukha pero tumawa lang si Cooper at hinalikan ang aking noo.

"Arte mo naman, kumain na lang tayo. Masarap yung spaghetti nila. Ilabas mo na yung tupperware na dala mo." Epal talaga, wala naman akong dalang tupperware. Nakakahiya tuloy sa mga ka-table namin.

Barumbado man ang mga sagutan ni Cooper pero seryoso siya sa buhay niya. Alam niya ang mga bagay na gusto niyang gawin at alam niya ang gusto niyang mangyari sa buhay niya.

***

NAKAUWI na kaming dalawa galing sa kasal at nasa unit ko si Cooper. Wala ngayon si Alyssa dahil nasa La Union, may vlog shoot daw sila together with her vlogger friends. Hindi naman din sko nangialam, nagpauwi na lang ako sa kanya ng Tshirt if ever.

Nanonood kami ng Netflix (season 1 ng Umbrella Academy). "Buti sanay si Amethyst mag-isa?" Tanong ko sa kanya.

"She's already teen. Hindi naman siya totally mag-isa kasi nandito ako. Hindi ko man siya oras-oras binabantayan pero ginagabayan ko naman 'yon," sagot niya sa akin. "Naisip ko kasi na baka kaya lumaki akong gago during my teen ay dahil sobrang higpit nila mom sa akin... the more rules ay the more rules na susuwayin."

"Tama naman, kahit sina tatay ay pinabayaan lang ako back when I was teen."

"Alam ni Amethyst ang tama't mali, maluwag ako sa kanya pero alam niya ang consequence kapag may mali siyang ginawa."

"Ay nga pala, uuwi ako sa San Sebastian next month,"

"Dahil sa bahay mo?" He asked and I nodded. "Sayang, hindi ako makakasama. Ang busy sa work. Mas kailangan ako sa site ngayon."

"Sipag naman po."

"Kapag ako nagka-salary increase, sampalin kita ng pera." Natawa ako sa kanyang sinabi.

"Alam mo, ang matapobre mo. Kapag sa ibang tao mo 'yan sinabi baka nabigwasan ka na." Natatawa kong paliwanag sa kanya.

"Pero seryoso, kung may tanong ka or hindi naintindihan sa sinabi ng Architect at Engineer mo. Huwag kang mahiya magtanong sa akin. Mag-consult ka sa akin. At sabihan mo yung mga trabahador na laliman yung hukay sa bahay para mas matibay." Paliwanag niya sa akin.

"Gaano kalalim?" Curious kong tanong.

"Yung makikita mo si Santanas sa Impyerno. Ganoon kalalim." Hinampas ko na naman siya sa pagoging barumbado niya. "Ikaw, nakakarami ka na. Kapag ako nagkapasa, ipagkakalat kong child abuse kang News Anchor ka. Magpo-post ako sa facebook ng may mahabang caption."

"I love you." Humiga ako sa kanyang balikat at tumutok sa pinanonood namin.

"I love you too." Humarap sa akin si Cooper at hinalikan ako.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top