Twenty Seven
Chapter 27: Welcome Back
"NAGLUTO ako ng paborito mong Kaldereta, anak. Pinalinis ko na rin ang kuwarto mo," wika ni nanay sa kabilang linya.
Nasa biyahe na ako pauwi sa San Sebastian dahil na-approve ang leave ko. Sa totoo lang ay sobrang excited ako dahil after seven years ay ngayon lang ako makakapag-stay ng matagal sa San Sebastian (kahit 5 days lang). Gustuhin ko man na makasama si Cooper sa bakasyong ito ay busy siya as an Engineer.
Excited na rin ako makita ang progress ng bahay dahil sinimulan na siya last week. Buti nga at pumayag sina Architect Carlo at Engineer Miguel na tanggapin ang project dahil nga liblib ang San Sebastian.
"'Nay, hindi ninyo naman na kailangang magluto,"
"Puwede ba 'yon? Ngayon lang uuwi ang maganda kong anak, eh. Kasama mo ba si Cooper? Naku, miss ko na rin ang batang iyon." Bakit mukhang mas excited pa sina Nanay kay Cooper kaysa sa akin? May favoritism.
"Busy sa work, 'nay." Nasagot ko na lamang. Nagkumustahan pa kaming dalawa bago ko in-end ang tawag.
Mayamaya lamang ay tumawag na maging si Cooper.
"Napatawag ka?" tanong ko sa kanya.
"Nasa San Sebastian ka na ba?" Tanong niya.
"Wala pa pero malapit na. Bakit?"
"'Yong mga bilin ko sa 'yo huwag mong kakalimutan. Huwag kang dikit nang dikit kay Carlo. One meter away dapat. May mga mata ako diyan, Xiamara,"
"Anong one meter away? Ang layo naman! May business kami noong tao tapos gagawa ka diyan ng rule mo."
"Eh mukhang malandi 'yong mahilig sa aso na 'yon, eh. Sa oras ba malaman ko na lumapit siya sa 'yo, ibabaon ko yung T-square sa bunbunan niya. 'Wag niya kamo akong subukan." Dinig na dinig ko ang pagbabanta sa boses niya kahit sa cellphone lang. Ewan ko ba sa lalaking 'to! Ilang buwan na ang nakakalipas pero selos na selos pa rin siya kay Architect Carlo. I mean, wala naman ginagawa yung tao para magselos siya.
"Makakasunod ka ba dito? Hinahanap ka nga pala ni Nanay." I informed him.
"Sabi ko sa'yo, ako ang anak eh. Ampon ka lang." napairap ako sa ere dahil sa pagiging childish ng buwisit kong jowa. "Nagda-drive ka ba? Baka nakatapat sa tainga mo 'yong phone?"
"Ginawa mo naman akong tanga, naka-connect sa speaker yung phone ko. Focus lang po ako sa pagda-drive."
"Very good. Pero baka sa weekend makapunta ako sa diyan, hopefully matapos ko na yung mga ginagawa rito at wala na sanang ipagawa yung demanding kong kliyente." He sounded that he really wants to go here. "Mag-iingat ka diyan. Enjoy mo lang yung time mo together with your family. Huwag yung bahay ang pagtuunan mo lagi ng pansin dahil na-miss ka panigurado ng mga tao diyan sa San Sebastian. I love you."
"I love you. Pero baka ayain ko sina Architect kumain sa amin mamaya. Madami yatang niluto si nanay. Ini-inform na kita agad dahil baka magselos ka na naman sa walang kabuluhan."
"Oo na, pero huwag kayo magtatabi ng upuan. Sa oras na may nakita akong post sa facebook o my day na magkatabi kayo... hahampasin ko kamo siya ng Hollow blocks. Pitong hollow blocks kamo para mas kabahan." Natawa naman ako sa banta ni Cooper. Akala mo talaga ay magagawa niya ang bagay na iyon, eh, saksakan ng malas 'tong lalaking 'to.
Noong nasa DRT pa lang ako ay hindi ko na maiwasan mapa-throwback kapag pinagmamasdan ang view. Ilang tao na ang lumipas pero thankful pa rin ako dahil hindi pa rin nagagalaw ang mapuno at mabundok na bahagi nito. Although, mas okay na 'yong kalsada which is a good improvement in our little town.
Pagkarating ko sa San Sebastian ay hindi ko maiwasang mapangiti. Galing na ako dito last two months (noong nagpaalam ako about sa paggawa ng bahay) pero iba ang excitement na nararamdaman ko ngayon. Sumasagi pa lang sa isip ko na makaka-bonding ko ang kapatid at sina Nanay for a couple of days ay natutuwa na ako.
Binuksan ko ang pinto ng kotse at sariwang-sariwa ang amoy ng lugar. "Hindi ka naman nagsabi na pupunta ka rito," si Carlo ang sumalubong sa akin, he is wearing a yellow helmet at mukhang architect na architect siya sa attire niya.
Malalim na ang hukay na nagawa nila at sabi sa akin ni Carlo ay sa mga susunod na araw ay uumpisahan na nila ang base nito. Ipinakilala niya ako sa mga trabahador pero karamihan dito ay kakilala ko na.
Ako kasi ang nag-request kanila tatay na mga taga-San Sebastian na lang din ang gagawa ng bahay ko. It will give them an opportunity na magkaroon ng work for the meantime, Manila rate din ang bayad ko kung kaya't malaking tulong ito para sa kanila.
"Mara!" Lakad-takbo ang ginawa ni Nanay noong makita ako. Hinalikan niya ang aking pisngi. "Mabuti naman at nakarating ka rito ng ligtas, anak."
Nagmano ako kay Nanay. "Si Tatay po?" tanong ko.
"Nasa loob at naghahain na," tumingin si Nanay kay Architect Carlo. "Sumabay ka na rin sa amin kumain, Architect, marami akong niluto."
Tumingin sa akin si Carlo. "Sumabay ka na, mapilit si Nanay at kukulitin ka lang niyan. Ayain mo na rin yung iba pati si Engineer Miguel,"
Grabe! Na-miss ko itong San Sebastian. May ilan akong ka-Baranggay na nagpa-picture sa akin na malugod ko naman tinanggap. May mga nakakilala sa akin at kinukumusta ko naman sila.
Saglit akong tumungo sa kuwarto ko para magbihis. Wala pa rin itong pinagbago. Eto pa rin ang kuwarto na iniwan ko seven years ago, sobrang worth it ang pagsugal ko sa Maynila kasi maganda na ang buhay namin ngayon. Ramdam na ramdam ko rin na proud na proud sina Nanay.
"Hindi mo yata kasama si Cooper?" tanong ni Carlo.
"Busy sa work. Alam mo naman, minsan Engineer, madalas tambay." Pagbibiro ko na ikinatawa nila Tatay.
"Ay kaya pala familiar sa akin si Cooper, minsan na siyang inalok ng boss namin to be part of our company. He didn't accept the job though." Carlo said while eating the Kaldereta. Mukhang sarap na sarap siya sa luto ni Nanay. Who doesn't? Wala ng mas sasarap pa sa lutong bahay, right?
"Gusto ni Cooper na nasa maliit na firm lang siya, tsaka may phobia 'yon sa malalaking firm. Badtrip agad 'yon kapag natatambakan ng trabaho." Kahit ngayon nga na isa lang ang project niya, badtrip pa din siya dahil daw napaka-demanding ng client niya ngayon.
Pero sabi niya rin gusto niyang nagtatrabaho sa maliit na firm kasi gusto niyang maging pioneer employee nito. Gusto niya rin makita ang growth ng isang company at makita kung ano ang magagawa niya para rito.
"Anak, dalawin mo sina Nanay Petring mo. Matutuwa iyon kapag nakita ka," sabi sa akin ni Nanay. Na-miss ko naman bigla sina Nanay Petring, parang lolo't lola ko na rin sila kahit hindi kami magkadugo, inalagaan nila ako na parang tunay nilang apo. Mabuti nga at nandito sina Tita Tanya para alagaan sina Nanay Petring.
Matapos naming kumain ay saglit akong nakipag-usap kanila Engineer Miguel sa kung paano ang magiging style nila sa pagbuo ng bahay. Kapag may hindi ako maintindihan ay tine-text ko si Cooper at siya ang nagpapaliwanag sa akin sa way na mas maiintindihan ko.
Dumalaw ako sa bahay nila Nanay Petring at nakita ko agad ang matanda na nakaupo sa wheelchair. "Lola!" Bati ko at yumakap sa kanya. "Ang ganda ninyo pa rin 'la,"
"Bolera ka pa ring bata ka. Hindi mo kasama si Cooper? Miss ko na ang apo kong iyon."
Kapag nakikita ako ng mga tao rito sa San Sebastian ay sunod nilang hahanapin si Cooper. Panigurado kasing naikuwento na ni Nanay ang tungkol sa amin ngayon ni Cooper. Marami rin siyang tsismosang friends dito sa aming lugar kung kaya't kumalat na ang balita.
"Nasa trabaho po pero baka sumunod po dito." I informed her na ikinatuwa ni lola. Sobrang napamahal sa kanya si Cooper.
Kinumusta ko sina tita Tanya at maging sila ay masaya na nandito ako ngayon. Grabe, nakaka-miss ang pagiging warm ng mga taga-San Sebastian. There's no place like home.
Pumunta ako sa bukid at maging sa manggahan na madalas namin tambayan. Nag-send nga ako ng picture kay Cooper, eh.
Xiamara:
Tingnan mo, wala pa ring pinagbago 'to.
Cooper:
Malamang, alangan namang maging puno ng Sampaloc yung puno ng mangga.
Xiamara:
Funny ka na niyan?
Cooper:
Joke lang. Labyu. Galet agad!?
Nag-e-enjoy ka naman ba diyan? Gusto ko nang mag-weekend :(((
Xiamara:
Yes, nakaka-miss din yung mga tao rito.
Cooper:
Goods 'yan, siguradong na-miss ka rin nila.
Sige na may work pa ako. Kung maka-chat ka sa akin akala mo parati akong may time.
Hindi po ako unemployed.
Xiamara:
I thought you are.
Cooper:
Gagu. Matanggal ka sana.
Natawa ako sa kanyang chat. Tawang-tawa talaga ako sa humor ni Cooper lalo kapag napipikon siya kasi ang dami niyang nonsense na sinasabi na sobrang nakakatawa.
Naglakad ako patungo sa kubo sa gitna ng bukid at hindi ko naman maiwasan na mapangiti dahil marami kaming alaala na dalawa dito ni Cooper. Dito kami parating tumatambay ni Cooper noon kapag tapos na kami sa lahat ng gawain sa bukid.
Nakaka-miss din pala.
Ngayon kasing adult na kami... ang dami na naming dapat isipin nandiyan ang bills, responsibilities, work. Noong field reporter pa ako ay kahit ang Saturday at Sunday ko ay sinasakripisyo ko para lang makapagbalita sa mga tao.
Matapos kong mag-ikot-ikt sa bukid ay nakita ko si Tita Tanya na nag-i-ihaw ng barbecue na mukhang ulam nila for that night.
"Tita, tulong na po ako." Hindi lang naman ang lalaki ang dapat magpa-goodshot.
"Sure ka?" Ang lumanay talaga magsalita ni Tita Tanya, malayong-malayo sa mabungangang si Cooper. "Dapat ay nagpapahinga ka lang ngayon, Mara, bakasyon mo pa naman." sabi niya sa akin.
"Okay lang po, nakapag-ikot-ikot naman na po ako sa lugar." Tumulong ako sa pagpaypay.
"Kumusta sina Cooper at Amethyst sa Maynila?" tanong ni tita Tanya sa akin. Paniguradong nami-miss niya rin ang dalawa niyang anak dahil malayo siya rito.
I smiled to her. "Okay naman po, maraming kalokohan si Cooper pero responsible naman po. May sarili siyang way para alagaan si Amethyst at sobrang close nilang magkapatid." Napangiti si tita na parang nakahinga ng maluwag. "Wala po kayong dapat ikatakot para kay Cooper, he is nuisance but he know how he will handle his things."
"Cooper really changed." The warm smile on Tita Anya's face doesn't fade. "Sobrang sutil ng batang 'yan noong binata pa 'yan, ilang beses kaming napapatawag sa school niya dahil lagi siyang may nakakaaway o kung kaya naman ay may ginawang kalokohan."
Tahimik lang akong nakikinig kay Tita. Hanggang ngayon naman ay maloko pa rin si Cooper pero hindi na katulad dati na napakaiksi ng kanyang pasensiya. Tingnan nga lang yata siya dati ng masama ay bubugbugin na niya, eh.
"You know why he changed?"
"For himself?" Hindi ko siguradong sagot.
"Isa rin 'yon pero nagbago din siya para sa 'yo, gusto niyang maging maayos ang buhay niya sa oras na magkrus ang landas ninyo muli. He wants to prove na hindi lang gulo ang dala niya. Um-attend pa nga dati ang batang iyon sa Anger management seminar para pang makontrol ang temper niya." Natawa ako sa kuwento ni tita.
"Sigurado pong proud na proud kayo kay Cooper ngayon." Inilagay ko sa pinggan ang mga lutong barbecue.
"Sobra. Kinabahan nga kami ni Levis na baka puro basketball na lang ang gawin ni Cooper pero tingnan mo naman, isa ng indemand na Engineer si Cooper."
Nagpatuloy ang kuwentuhan namin ni Tita Tanya at hindi ko na nga napansin ang oras sa dami niya ikinuwento tungkol kay Cooper. Sobrang aliw na aliw naman ako makinig lalo na kapg tungkol sa kalokohan ni Cooper.
Sumabay na ako kumain kanila Tatay Atoy dahil marami raw ang ulam na ginawa nila. And yeah, ang sarap sa feeling na sabay-sabay ulit kami kumakain. I just wish na nandito rin si Cooper ngayon.
***
KINAUMAGAHAN, maaga akong nagising dahil kinakailangan ko pang mag-igib para lang may pampaligo. Hanggang ngayon ay problema pa rin ang tubig dito sa San Sebastian, mabuti nga at buo pa rin ang posi na ginagamit namin, eh. Although luma na siya pero malinis pa rin naman ang inilalabas niyang tubig.
As soon as I opened the door of our house ay tumambad sa akin ang mukha ni Cooper na nakatayo. Itinaas-baba niya pa ang kilay niya at hindi nawawala ang ngiti sa kanyang labi. "Oh my God!"
"So saan tayo pupunta, mahal na prinsesa?" He asked. He is wearing a simple T-shirt at varsity short.
"Kailan ka pa dumating dito?! I missed you!" Yumakap ako kay Cooper at tumawa naman siya.
"Ang OA mo naman, kahapon lang ay magkausap tayo. Sabi ko na nga ba patay na patay ka sa akin, eh,"
"Hindi pa ako naliligo. Kagigising ko lang." I informed him.
"Ano naman? Tinapos ko na lahat ng trabaho ko kahapon para makasama sa 'yo dito." Paliwanag niya sa akin. Kaya pala hindi na siya masyadong nakaka-reply sa akin noong gabi.
"Na-miss ko yung ginagawa natin dati." I smiled to him and hold his hand habang naglalakad patungo sa poso.
"Okay. We will all do it again. Mamimitas tayo ng mangga, tutulong sa bukid, maglilinis ng kulungan ng mga hayop. Let's forget the toxic Manila for the meantime." He said and kissed my forehead. "We will have a blast day."
I nodded pero iniharap ako ni Cooper sa kanya. "May kasalanan ka sa akin." Sabi niya.
"Ano na naman 'yon?"
"Nakita ko yung My day ni Architect Bulldog. Bakit magkatabi kayo kumain, ha?"
"Cooper! Wala na kasing ibang upuan no'n." Dahilan ko. Heto na naman kami sa childish na pag-aaway namin.
"Walang upuan mo lelang mo. E'di sana sa labas mo siya pinakain kaysa sa tabi mo."
He is childish but I love this man very much. Nakakalimutan ko ang lahat ng problema ko kapag kasama ko siya.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top