Twenty Five
Chapter 25: House Design
"Xiamara Rodriguez, will you be my girlfriend?"
Napatakip ako sa aking bibig at walang tigil ang aking mata sa pagluha. Hindi ako malungkot. Sadyang nag-uumapaw lang ang saya na nararamdaman ko tapos kinikilig pa ako. Ah basta! Mixed emotion!
I nodded as an answer.
"Siraulo 'to, bakit tumango ka lang? Aso ka ba? Wala ka bang dila?" Umurong ang uhog ko sa pamimilosopo ni Cooper, nakatapat pa sa bibig niya 'yong mic kaya rinig na rinig ng lahat.
"Oo na nga!" Sagot ko sa kanya at nagpalakpakan ang lahat.
"Ay ayokong tanggapin, mukhang napilitan ka lang."
"Arte naman nito! Tayo na nga!" Pinahid ko ang luha ko at tumawa. Tumayo ako at mahigpit na yumakap kay Cooper.
"Ang saya-saya ko," bulong ko sa kanya.
I can't see his face since binaon ko sa kanyang dibdib ang aking mukha but I heard him chuckled. "Ako rin."
"Love birds, tapos na kayo?" Biglang nagsalita si Shane. "Gutom na ako."
Bumitaw ako sa pagkakayakap kay Cooper at naglakad kaming dalawa patungo sa table.
Tuwang-tuwa si Alyssa dahil ang dami agad ng views ng IG stories niya. "Alam mo bang sinadya ko talagang bagalan sa banyo kanina kasi hindi pa sila tapos mag-setup dito!" Natatawa niyang kuwento habang kumakain ng barbecue.
"Yes, ilang beses din pinractice ni Cooper yung kanta," sabi ni Zoren. "So what can you say about Cooper's voice, Xiamara?"
"Ang pangit." Honest kong sagot at napatigil si Cooper sa pagkain ng sisig.
Masama niya akong tiningnan. "Wow, ha. Salamat sa suporta. Na-appreciate ko, nakakataba ng puso." Inis niyang sabi na nakapagpatawa muli sa amin.
Umangkla ako sa kanyang braso. "Okay lang na pangit boses mo, kinilig naman ako. Huwag kang mag-alala."
"Tanginaaa! Get a room." Sabi ni Shane at nagpatuloy kami sa pagkain. Ang ganda ng ambiance sa paligid at nare-relax ako kapag tumitingin ako sa city lights sa paligid.
Bigla kong naalala si Zoren, kuwento sa akin ni Cooper na sa kanilang magbabarkada ay si Zoren ang pinakaunang ikinasal. Well, sa kanila naman talaga ay si Zoren ang nakikita kong may direksyon ang buhay noon pa man. He seems so responsible.
"Kumusta ang marriage life, Zoren?" tanong ko sa kanya.
"Under 'yan, eh." sabi ni Shane at siniko siya ni Zoren.
"Honestly it's hard but it's fun. Creative Director ang asawa ko sa isang sikat na clothing line dito sa Pinas. She have this strong personality and madalas kaming nagtatalo sa lahat ng bagay." Zoren explained.
"Kung mag-away 'tong si Zoren at ang asawa niya, ang lala! Tangina, parang anytime magpa-file sila ng divorce sa isa't isa." sabi naman ni Cooper. Shane nodded as he agreed on what Cooper stated.
"Buti hindi kayo naghihiwalay kung hindi kayo magkasundo sa maraming bagay?" sabat ni Alyssa at napatango-tango ako.
"Magkasundo kami sa maraming bagay, sadyang parehas lang kaming maraming opinyon. I love having debate with my wife," pinaikot niya ang wine sa kanyang baso habang hindi nawawala ang ngiti sa kanyang labi. Sobrang inlove niya siguro sa asawa niya. "At kapag naririnig ko ang opinyon ng asawa ko sa ibang bagay, I feel like I am able to look in a different side na hindi ko napapansin. She helps me a lot, honestly. Siya ang preno ko sa tuwing feeling ko ay makakagawa ako nang desisyon na pagsisisihan ko."
Natapos kami sa pagkain at si Zoren ang unang umalis kasama si Shane. Kay Cooper kami sumabay ni Alyssa pabalik sa Pioneer Woodlands.
Habang nasa kotse kami ay nagpatugtog lang ako ng jazz music (Para kay Alyssa ay nakakaantok ito pero para sa akin ay nakaka-relax ang ganitong klaseng tugtugan). Tahimik lang si Alyssa sa likod at mukhang lulong na naman siya sa mga social media accounts niya at pinabayaan ko na lang.
Naiintindihan ko naman din na sa creative side nagtatrabaho si Alyssa so isa sa mga kailangan niyang gawin ay makipag-interact lagi sa mga tao.
"Naalala ko nga pala, nasa amin pa 'yong grocery mo, gusto mong daanan sa unit?" tanong ko kay Cooper.
"Malamang, anong kakainin ko?" Hinampas ko ang kanyang braso.
"Alam mo, ang sarap putulin ng dila mo. Ang hilig mong mamilosopo."
"Ganito talaga ako, okay? Hindi ako pilosopo, I am just stating the obvious. Pero hanggang kailan yung leave mo?" tanong niya sa akin. Pasulyap-sulyap lang sa akin si Cooper dahil naka-focus ang kanyang mata sa daan.
Buti nga at smooth driver itong si Cooper at hindi kaskasero. Subukan niya lang talaga patakbuhin ito ng mabilis, hinding-hindi na ako sasakay sa kotse niya.
"Sa monday papasok na ako." I answered.
"Ang bilis naman?"
"Bored na ako sa unit, eh. Alam mo dati, sabi ko sa sarili ko na gusto kong mahaba-habang pahinga sa bahay. Ngayong nasa bahay lang ako, nabo-bored naman ako kasi wala akong ginagawa. Although, nagba-viber naman sila nang trabaho sa akin pero ang boring pa rin." paliwanag ko sa kanya.
"Workaholic ka yata."
"Hoy hindi ako workaholic! Gusto ko lang kahit papaano busy ako. Ikaw kasi ang dami mong time sa mundo."
"Busy din ako, time management lang."
"Kaya pala araw-araw kang nangungulit sa condo."
He smirked and looked at me. "I just know my priorities. Tangina hindi naman ako bibigyan ng jowa ng boss ko. Kailangan ko rin lumandi paminsan-minsan. " Natawa ako sa sinabi ni Cooper.
Narating na namin ang Pioneer Woodlands at umakyat kami sa aming unit. "Grabe nabusog ako! Yung sisig nila, the best!" sabi ni Alyssa sa akin.
"Yung Lechon Kawali din nila, masarap," sabi naman ni Cooper at um-agree ulit si Alyssa. "Kailangan kong bumawi ng workout nito. Puro putok-batok yung mga kinain natin." natawa ako sa sinabi niya.
"Magja-jog na lang ako bukas ng umaga." sabi ko sa kanilang dalawa.
"Sama ako." sabi naman ni Cooper.
"Pass," binuksan muli ni Alyssa ang laptop niya. "May kailangan pa akong i-edit na mga videos."
Kinuha ko ang plastic na nakapatong sa lamesa. Sa totoo lang ay mas marami pang pinamili sa akin itong si Cooper. She bought a lot of snacks na sabi niya ay para sa kapatid niya.
"Alyssa, dalahin lang namin 'tong mga pinamili ni Cooper sa unit niya," paalam ko sa aking kasama.
"Okay, basta Cooper use condom, pero kung gusto ninyo ng magka-baby go lang din." She answered while waving her hand na parang pinaaalis na kami.
"Baliw ka!" sigaw ko kay Alyssa at malakas siyang tumawa. "Huwag kang nakikinig diyan, Cooper." Sabi ko naman kay Cooper.
Actually it is my first time na makakarating sa unit ni Cooper. Siya kasi ang madalas mampeste sa unit namin tsaka hindi rin naman ako dumadaan sa Tower 1 dahil malayo-layo 'yon sa Tower 2.
Pagkapasok namin sa unit ni Cooper ay expected ko na maayos ang ayos ng bahay niya. Engineer kasi siya kaya akala ko ay ma-effort din siya sa pag-a-ayos ng unita niya but I was wrong.
"Kuya!" Amethyst greeted him. OMG! Ito na ba yung Amethyst na na-meet ko seven years ago? Ang ganda niya!
"Kumain ka na?" Tanong agad ni Cooper at inilapag sa lamesa ang grocery niya. "Oh by the way this is-"
"Ate Xiamara," she smiled to me. "It's nice to meet you again po."
Saglit kaming nag-usap ni Xiamara at kagaya ni Cooper, ang daldal niya. Matapos namin mag-usap ay pumasok na rin siya sa kuwarto niya dahil maaga pa ang pasok niya bukas ng umaga. Mas malaki ang unit ni Cooper kumpara sa unit namin ni Alyssa.
Tinulungan ko siyang maglagay ng mga pagkain sa cupboard. "Hindi mo pinapaayos 'tong unit mo? Mas maganda pa yung unit namin sa inyo ni Alyssa, eh,"
"Bakit? Hindi mo ba in-expect na ganito kasimple lang ang tinitirahan ng Architectural Engineer na gaya ko?" Tumango-tango ako bilang sagot. "Hindi ko rin alam kung bakit hindi ko maayos 'tong unit namin. Siguro dahil pagdidisenyo na ang trabaho ko and I am just tired of it?"
"Hoy kung gusto mo may paraan!" Sabi ko sa kanya. "Ayusan natin 'to sa linggo. Sabi mo pagod ka na sa pagde-design then I will be your interior designer!"
"Luh? Gago. Anong alam mo doon?" Hinampas ko ang kanyang braso.
"Bilis na kasi! Ako ang magiging designer mo. Promise! Pagagandahin natin 'tong unit mo!"
"Maisipan mo rin talaga, eh, 'no?" Sabi niya at tumingin si Cooper sa paligid. "Pero sige. I'll be your client."
***
ARAW nang sabado at parehas kaming walang pasok nasa Home Depot kami para mamili ng gagamitin for his house. Marami akong idea, honestly at marami akong gustong baguhin.
"Heto, we need this," kumuha ako ng light brown na pintura. "Heto pa... heto pa..."
"Siguro kailangan ko ng shoe rack malapit sa pinto," sabi ni Cooper habang hila-hila niya ang push cart.
"No! Masisira no'n yung design na nasa isip ko, Cooper!" reklamo ko.
"Punyeta, ikaw lang yata ang interior designer na kilala kong tumatanggi sa suggestion ng client niya," reklamo ni Cooper at napatawa ako.
Ako ang nasunod sa lahat ng disenyo mula sa pintura, sa mga isasabit sa dingding, ipapalit na bed sheet sa kama, paglalagay ng maliit na shelves malapit sa TV pati fake plants.
This is the first time na lumabas kaming dalawa na official na kami. May label na, hindi na lang basta landian. We took a lot of photos together tapos ang dami rin naming pinag-awayan na dalawa sa kung anong gagamitin sa living room pero ang ending ay ako pa rin naman ang nasunod.
Sabi niya ako ang Interior Designer, eh.
Habang nagbabayad kami sa cashier ay nakasimalmal si Cooper habang tinitingnan ang bill niya. "Alam mo, feeling ko pinagpa-practice-an mo lang ako sa pagde-design dahil nagpagawa kang bahay hayop ka."
"Wala kang proof,"
"Kain tayo, nagugutom na ako." sabi niya. "Saan mo gusto?"
"Kahit saan,"
"Ano bang gusto mong kainin?" tanong niya muli.
"Kahit ano." Totoo naman, hindi naman kasi ako choosy sa mga kakainin ko.
"Tanginang sagutan 'yan," Kahit cashier ay natawa sa sinabi ni Cooper. "Ate, anong nakakatawa doon?" tanong ni Cooper.
"Cooper para kang tanga!" natatawa kong sabi. "Bayaran mo na 'to."
Pagkatapos namin sa Cashier ay naghanap na kami ng kakainan. Magkahawak-kamay kaming naglalakad at maraming tao ang napapatingin sa aming direksyon. I mean, gabi-gabi akong nakikita ng mga tao sa TV kung kaya't paniguradong kilala nila ako.
"Ang gaspang ng kamay mo, Cooper," sabi ko sa kanya.
"Sabi nila kapag magaspang ang kamay ay mahilig mag..." ngumisi si Cooper.
"Hoy! Kung ano-ano 'yang sinasabi mo!" Pumasok kaming dalawa sa isang fastfood restaurant.
"Mahilig mag-work, Kaya magaspang 'yan dahil sa pagtatrabaho ko." Natatawa niyang sabi. "Ano bang naiisip ninyo? Hay, News anchor pa man din ang dumi ng isip."
"W-Wala, mag-work nga! Order na nga lang tayo, kanina pa ako nagugutom."
Sa totoo lang ay nakaka-enjoy ang araw na ito at noong sumunod na araw ay nagsimula na kami ni Cooper sa major makeover ng unit niya. Nakasuot lang ako ng itim na large black T-shirt at short.
Sabi ni Cooper ay wala ngayon dito si Amethyst dahil may project daw na gagawin kasama ang mga kaklase niya. Asar, gustong-gusto ko pa naman kausap si Amethyst dahil mas mature iyon kay Cooper.
"Unahin natin yung wall mo, Cooper," Inilabas ko ang light brown na pintura. "Para umaliwalas naman 'tong kuwarto ninyo! Bakit ba kasi itim itong wall ninyo?"
Kinuha ko ang brush at akmang pipinturahan ko na ito ngunit mabilis na pinigil ni Cooper ang aking kamay. "Hindi kukulay 'yan Mara, kailangan mo munang pinturahan ng puti yung wall bago mo kulayan niyang brown," paliwanag niya.
"Weh?"
"Ay parang tanga, engineer ka ba?"
"Hindi mo naman sinabi noong namili tayo kahapon! Wala tayong white paint ngayon," paliwanag ko sa kanya. Excited pa naman akong kulayan ng bagong pintura itong wall ni Cooper.
Naglakad siya patungo sa kanyang kuwarto at may nilabas na isang plastik. "I already did, lahat ng kulang mong pinamili kahapon... binili ko siya noong gabi. Ang dami mong kulang, white paint, turnilyo, hammer..." Inisa-isa niya yung mga bagay na nakalimutan ko.
"Bakit 'di ka nagsalita kahapon?"
"Nag-e-enjoy akong panoorin ka na natutuwa sa pagbili." he answered and smiled. Napayakap ako kay Cooper at yumakap din siya sa akin. "Tsaka ikaw 'tong nagmamarunong na ikaw ang interior designer this time... wala ngang nasunod sa gusto ko hayop ka."
"Sorry na," Peke akong sumimangot.
He just kissed my forehead.
"Start na natin 'to."
Alam ninyo, na-excite ako sa idea na i-renovate ang buong unit ni Cooper pero hindi ko naman naisip na nakakapagod ito. I mean, nagpipintura pa lang kami pero ilang oras din ang inabot namin, ang sakit pa sa ilong ng pintura kung kaya't kinailangan buksan ang balcony at mga bintana para sumingaw agad ang amoy nito.
Nakakatuwa kasi sobrang game lang si Cooper at wala akong naririnig na reklamo sa kanya.
Nabigla na lang ako noong sinawsaw niya sa puting pintura ang brish niya at winisik sa akin. "Oh my God!" reklamo ko.
"Oh my God." Cooper mimicked me while making expression.
"Ang hirap kaya tanggalin sa balat nitong pintura!" Reklamo ko sa kanya.
"Ah, okay." He chuckled.
"Buwisit ka!" Sinawsaw ko rin ang brush ko sa pintura at winisikan si Cooper.
We had a lot of fun although, dagdag trabaho iyon para sa amin dahil kinakailangan namin tanggalin ang pintura sa sahig. Buti na nga lang at tiles iyon kung kaya't hindi ganoon kahirap tanggalin.
Hahang pinapatuyo namin ang putig pintura sa wall ay sinimulan ni Cooper na i-assemble yung shelves na binili ko sa kanya. "Cooper ang tagal mo naman ayusin 'yan, kaya today?"
"Engineer po ako, hindi karpintero. Sa 'yo ko ipupukpok 'tong martilyo kapag nainis mo 'ko, eh."
Matapos niyang maayos ang shelves ay bumalik kami sa pagpipintura. Inabot kami nang maghapon para matapos ang pag-decorate sa sala nila. Ayaw papinturahan ni Cooper ang kuwarto niya kung kaya't pinalitan na lang namin ang bed sheet niya sa mas maaliwalas na kulay.
Umupo ako sa sofa ni Cooper matapos ang lahat at humiga siya sa hita ko. "'Diba? Mas maganda ngayon 'tong unit ninyo! Mas masarap sa mata."
"Yeah, just like how you paint the wall... you paint my world," after he seriously said that ay napatawa siya ng malakas. "Putangina kadiri! Hindi talaga ako sweet type na boyfriend sorry haha!"
Kahit ako ay natawa. Kinikabutan din ako sa sinabi niya dahil feeling ko hindi si Cooper iyon.
Our chit-chat was inyerrupted when Amethyst entered the unit. "Ang ganda ng bagong sala natin, ah," puri ni Amethyst pero tinatakpan niya ang kanyang ilong dahil may amoy pa rin ang pintura nito kahit papaano.
"Magaling yung Interior designer natin, eh. Idea niya lahat 'yan kahit condo natin 'to. 'Diba, ang kapal ng mukha." Hinampas ko ang braso ni Cooper na ikinatawa niya ulit.
"Gutom na kayo?" I asked them. "Order na lang tayo, sagot ko."
"Gusto ko ng chicken, ate Mara," sabi ni Amethyst at pumasok sa kanyang kuwarto para magbihis.
Bumaling ang tingin ko kay Cooper pero seryoso lang siyang nakatingin. "Ikaw, anong gusto mo?"
"Mara, thank you," sabi niya at napakunot ang koo ko sa pagtataka. Akala ko ay nagjo-joke na naman siya pero seryoso siya sa kanyang sinasabi. "Hindi mo alam kung gaano ako kasaya na kasama kita ngayon. Sinisigurado ko sa 'yo na hindi na ako mawawala sa 'yo."
"Promise 'yan?"
Instead of answering me, he just kissed me.
Oh God, I love this man.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top