Ten
Chapter 10: Typhoon
ILANG oras na kaming nandito ni Mara sa kubo at mukhang walang balak tumigil ang malakas na ulan na ito. May malalakas na pagkulog at pagkidlat ding nangyayari, kung hindi ito titigil ay may tiyansang malunod ang mga pananim dito sa bukid. (sana naman ay hindi mangyari dahil pinaghirapan namin ito)
"May bagyo ba?" tanong niya bigla sa akin. "Parang biglang sumaka na lang ang panahon, 'no?"
"Noong nakaraang araw nakanuod ako, ang sabi ay may paparating na bagyo daw sa Pilipinas. Baka ngayon nag-landfall." paliwanag ko sa kanya.
Una kong naisip ngayon sila lolo, siguro ay nag-aalala na sila sa akin lalo na't hindi naman ako nakapagpaalam kung saan ako mananatili. "Ang lala ng ulan ngayong araw." sabi ni Mara.
"Xiamara! Cooper!"
Habang nag-uusap kaming dalawa ay may narinig kaming sigaw, mahina lang ito pero sapat na iyon para marinig ko. "May naghahanap sa atin. Si Tito Joseph yata iyon." sabi ko kay Xiamara. Nasa gitna kasi ng bukid itong kubo.
"Nandito po kami!" malakas kong sigaw at may kasama itong palakpak para maging aware siya sa lokasyon namin. "Ilang oras na ba tayong nandito?" tanong ko.
"Apat na oras." sagot ni Mara. Damn, paniguradong nag-aalala na nga sina lola sa akin.
Naglakad sa direksyon namin si tito Joseph, may payong man siya ay basang-basa pa rin siya ng ulan. "Nandiyan lang pala kayong dalawa, kanina pa kayo hinayanap nina Tatang Atoy." bungad na sabi sa amin ni tito Joseph habang naghahabol nang paghinga dahil nagmadali siyang pumunta rito. "Huwag kayo ditong manatili, masyadong malakas ang ulan. Kakapanuod lang namin ng balita, super typhoon pala ang tumama sa atin. Mas lalakas pa ang ulan nito." bilin niya sa amin.
Dali-dali kaming lumabas ng kubo. Hindi na ako nakisukob sa kanila sa payong dahil wala rin naman, mababasa lang din naman ako. Naging mahirap ang ginawa naming pag-alis sa bukid dahil masyadong maputik na ang aming dinadaanan and damn, ilang beses din akong nadulas. Huwag lang talagang tatama ang kidlat sa kinaroroonan namin kung hindi ay magkakaroon ng mga tustadong tao rito.
Nakaalis kami ng bukid at pagkauwing-pagkauwi ko sa bahay ay sinalubong agad ako ni lola.
"Naku Diyos kong mahabagin, saan ka ba galing na bata ka," inabutan ako ni lola ng tuwalya at pinunasan niya ang ulo ko. "Kanina ka pa namin hinahanap na bata ka, saan ka ba nagsusuot, Cooper? Huwag kang lumalabas ng ganito kasama ang panahon." Bakas sa boses ni lola ang pag-alala, somehow, nakaramdam ako ng guilt. I made then worried.
"Okay lang po ako 'la, dinatnan lang po kami ni Mara ng bagyo sa kubo doon sa bukid. Sinuong na nga po namin ang malakas na ulan para makauwi." sabi ko. "Don't worry about me, I am okay po."
"Maligo ka nang bata ka para hindi ka magkasakit." bilin ni lola na siya naman aking ginawa.
Pagkalabas ko ng banyo ay nanunuod ng balita sina lolo't lola sa sala. Nasa signal# 3 pala ang Bulacan kung kaya grabe ang lakas ng ulan. Buti pa yung bagyo, may signal, yung cellphone ko nyeta hanggang ngayon wala.
Napasilip ako sa labas at nakita ko na hindi talaga tumitigil ang ulan, para ngang masisira ang bubong namin sa laki ng mga ulan na pumapatak sa bubong. Habang nakatanaw ako mula sa pinto ay nakita ko si Mara na nakatanaw mula sa kanilang bintana. Nakapangalumbaba siya at pinagmamasdan ang pagpatak ng ulan.
Hindi ko namalayan na imbes na nasa ulan ang atensyon ko ay na kay Mara na ito. Ang lambot ng ekspresyon ng kanyang mukha habang pinagmamasdan ang tubig, her facial expression makes me calm.
"Putangina!!" Nabigla ako noong biglang sumulpot si Kuya Larry sa tapat ng aming bahay. "Sorry kuya Larry, nagulat lang ako."
"Cooper kailangan ninyo nang lumikas, masyadong malakas ang hangin, nagtutumbahan na ang mga puno. Baka biglang mabagsakan ang bahay ninyo niyan, dalahin mo na lang sina ka Atoy sa covered court." sabi niya sa akin at naglilibot siya para balitaan ang iba pa naming kapitbahay.
Pansin ko nga rin ang lakas ng hangin, parang ano mang oras ay mabubunot ang mga ito sa kanilang ugat.
Pumasok muli ako sa loob ng bahay. "Lolo, Lola kailangan na nating lumikas." sabi ko sa kanila at pinagmamadali silang tumayo. "Delikado na ang lakas ng hangin, may tiyansa pang magka-landslide dahil malapit tayo sa bundok."
"Okay naman tayo rito sa loob ng bahay, apo." Sabi ni lola Petring sa akin.
"'La, delikado po. Super typhoon po iyan. Hindi natin alam ang puwedeng mangyari. We can go back here tomorrow kapag humina na ang ulan." sabi ko sa kanya. Humarap ako kay lolo. "Lolo, pumunta muna tayo sa covered court."
"Hindi. Dito lang tayo, apo. Hindi nain puwedeng iwan itog bahay natin." Bakit ba minsan ang kukulit na ng matatanda? Their safety is my top priority here.
"Lolo, makinig naman kayo sa akin this time. Isang araw lang, kapag gumanda na ang panahon bukas... babalik tayo." I smiled to him as a sign of assurance.
"Dito lang tayo. Nandito ang ikinabubuhay natin apo. Baka mamatay ang mga gulay na itinanim ko malapit sa bahay." sabi ni lolo. Argh, paniguradong lunod na ang mga halaman na itinanim niya dahil sa lakas ng ulan.
Naputol ang aming pag-uusap noong biglang kumatok si Mara sa pinto. Basang-basa siya ng ulan at nagmadaling pumunta rito. "Bakit nagpapabasa ka sa ulan?" tanong ko sa kanya.
"We need to leave, nagsisimula nang lumambot ang lupa sa bundok, nagka-landslide na sa 'di kalayuan. Buti na lang at walang bahay sa banda roon." Humahangos na sabi ni Mara sa amin.
"Lolo. Ako na ang bahala sa mga gulay, pumunta na kayo sa covered court." paalala ko sa kanya. Tumingin ako kay Mara para magpatulong sa kanya na mapilit sina lolo.
"Tatay Atong. Hindi na po maganda ang panahon. Halika na po." mahinahon niyang sabi.
"Paano sila Jojo? Yung mga alagang hayop natin? Hindi iyon puwedeng iwanan." paliwanag ni lolo.
"Ako na pong bahala." Kinuha ko ang maleta sa aking kuwarto at nagsilid ng ilang damit nina lolo't lola. "Babalikan ko po sina Jojo. Mara, magdala ka rin ng mga canned goods at tinapay para hindi magutom sina lolo." Bilin ko sa kanya.
"Hindi ka sasama, young master?"
"Kukuhanin ko lang saglit sina Jojo then pupunta na ako sa Covered court."
"Ang delikado na Cooper! Hindi mo ba naririnig yung kidlat! Paano kung tamaan ka bigla, tsaka masyado nang madulas ang daan." wika niya sa akin.
I smiled to her. "I'll be fine." Lumapit ako at vumulong. "Paniguradong hindi papayag si lolo na umalis nang hindi ligtas ang mga alaga niya. Mauna na kayo sa covered court. Susunod ako."
Inabot ko kay Mara ang maleta at ibinilin na sa kanya sina lolo't lola. Hindi man tumataas ang tubig dahil nasa mataas na lugar naman ang aming baranggay ngunit ang ikinakatakot ko ay ang mga punong hinahangin na anytime ay puwedeng tumumba. May mga puno pa naman malapit sa aming bahay. Isa rin ay ang landslide, matanda na sina lolo't lola at ayoko silang mapahamak.
Pinapunta ako ni mom dito para alagaan sina lolo kung kaya't hindi ko hahayaan na may mangyari sa kanilang masama.
"Mag-iingat ka," tumingin siya sa kanyang cellphone at tiningnan ang oras. "Kapag wala ka pa sa covered court ng alas-siete, magpapatulong na ako sa baranggay na hanapin ka." Bilin niya at tumango-tango ako.
"Sinasabi ko sa 'yo, Cooper. Huwag kang gumawa ng padalos-dalos na desisyon." Sabi pa ni Mara.
I chuckled. "I'll be fine, okay? Saglit lang ako."
Bago pa sila umalis ay humalik pa si lola sa aking noo. Dati ay naiirita ako kapag ginagawa iyon ni lola dahil feeling ki ay bine-baby niya pa rin ako hanggang ngayon pero ngayon ang sarap sa pakiramdam na may lola na nag-a-alala at nag-a-alaga sa 'yo.
Noong masigurado kong wala ng tao ay napatingin ako sa TV. Ang lala nga ng super typhoon Dodong na ito. Ilang oras pa lang siyang nananalasa ngunit baha na sa ibang lugar at kitang-kita sa TV kung gaano kalakas ang hangin na dulot nito.
"Tangina, Cooper kaya mo 'to." I motivated myself.
Tumungo ako sa Kamalig kung saan nandoon sina Jojo at iba pang alagang hayop ni lolo. Hindi ko alam kung mapapalabas ko sila ng kamalig na ito dahil sa lakas ng hangin at lakas ng ulan pero pipilitin ko pa rin.
Una kong kinuha ang dalawang kalabaw na sina Jojo at Georgia. Favorite 'to ni lolo, eh. Naglagay ako ng tali sa kanilang leeg at balak ko silang hatakin ng magkasama patungo sa Covered court. "Relax lang Jojo, huwag mo akong susuwagin. At ikaw naman, Georgia, huwag kang attitude ngayon. May bagyo." pagkakausap ko sa dalawang kalabaw.
Naglakad kami palabas ng Kamalig at noong una ay ayaw pa nilang lumabas na dalawa dahil sa sama ng panahon pero kalaunan ay sumunod din naman sa akin. Maputik man ang daan ay hatak-hatak ko ang dalawang kalabaw. Mayamaya pa ay nakarinig na lamang ako ng isang malakas na tunog ng kidlat sa 'di kalayuan at bumagsak ang isang puno at humarang sa aming dadaanan.
"Holy shit." mura ko. Tangina, kitang-kita ko yung kislap ng kidlat eh. Kayang-kaya ako pulbusin, eh.
Basang-basa man ako ng ulan ay kailangan kong maihatid ang dalawang kalabaw sa covered court. Nagdiretso kami sa paglalakad ngunit ang problema ko ngayon ay kung paano makakatawin ang dalawang kalabaw sa daang naharangan ng puno. I mean, hindi naman ganoon kakapalan ang katawan ng puno at puwedeng daanan pero itong si Jojo ay tamad tumalon samantalang si Georgia ay attitude na kalabaw.
"Hoy, tangina ninyo bilisan ninyong tumawin kung hindi mamamatay tayong tatlo rito," hinatak-hatak ko pa ang tali ng dalawang kalabaw para mapasunod. "Jojo, mauna ka na bilis para sumunod si Georgia."
Kumuha ako ng damo sa gilid ng daan at ginamit ko itong bitag para makatawid si Jojo. And guess what? "Putangina nakatalon ka! Gago natuto ka na ng jump!" Manghang-mangha kong sabi at hinimas ang ulo ng kalabaw. Tangina ni Jojo, naturuan ko ng bagong tricks. Astig na kalabaw na siya.
Noong makita ni Georgia na nakatawin si Jojo ay ilang minuto siyang nakatayo sa kabilang part bago nakatalon. Ayaw din maiwan niyang attitude na 'yan, eh.
Nagpatuloy ako sa paglalakad at tumungo sa covered court. Basang-basa ako ng ulan at pumasok kami nina Jojo at Georgia sa covered court.
"Cooper!" nabigla ako noong sumulpot si Mara at mahigpit akong niyakap. May luha sa kanyang mata. "Akala ko ay napaano ka na noong malakas nankumidlat! Sinabi ko naman sa 'yo huwag ka nang pumunta roon, eh! Nag-alala kami sa 'yo." wika niya at hindi pa rin tumigil sa pag-iyak.
I hugged her back. "Shhh. Don't cry. I am okay. Nakarating ako ng ligtas dito. Tahan na." Hinimas-himas ko pa ang kanyang ulo to give her assurance.
Lumapit din sa akin sina lolo't lola na pawang may hawak na rosaryo at laking tuwa nila noong makita ako. "Salamat at niligtas mo si Jojo at Georgia apo. Huwag ka ng bumalik sa kamalig, mas importante ka sa amin." sabi ni lolo and I hugged the old man tightly.
"Nakausap ko na yung mga tauhan ng baranggay kanina. Kilala nila si tatay Atoy at sabi nila ay sila na raw ang bahalang magligtas sa iba niyang alagang hayop." sabi ni Mara sa akin.
Nagmistulang evacuation center ang covered court na ito dahil sa dami ng tao, mabuti na lamang at lumikas kami dahil nagkaroon ng malalang landslide, hindi man damay ang aking bahay pero malapit na rin ito.
"Lugi tayo ngayon," sabi ni lolo at niyakap si lola. "Ang dami sa pananim natin ang nasira, ang mga bagong tanim na palay ay nalunod na rin." I felt that. Pinaghirapan namin ang pagtatanim na iyon pero sa isang malakas na bagyo lamang ay nasira ang lahat ng iyon.
Hinawakan ni lola ang pisngi ni lolo. "Ang mahalaga ay ligtas tayo at maging ang ating apo. Bawi na lang tayo sa susunod."
This typhoon ruined everything but made me realized that somebody really cares for me. Na kahit puro gulo at sakit ng ulo ang ibinibigay ko ay nag-aalala sa akin. Nandiyan sina lolo at lola... maging si Mara.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top