Six

Chapter: Getting used

Nakalipas ang ilang araw at unti-unti na akong nasanay dito sa buhay probinsya, well, nagrereklamo pa rin ako sa tuwing may ipapagawa sa akin si lolo na kakaiba para sa akin pero kapag nagagawa ko naman iyon ay parang malaking achievement. Last time ay tinuruan akong mag-gatas ni lolo ng mga kalabaw. It was weird experience pero mas masarap talaga ang fresh milk na authentic.

"Mukhang pagod ka na, ah." sabi ni Mara at inabutan ako ng tubig. Nandito ako sa manggahan at naglatag lang ako ng tela para maging sapin ko.

"Ikaw ba naman maglinis ng kulungan ng baboy, 'di ka ba mapapagod?" reklamo ko sa kanya at tinanggap ang tubig ng kanyang alok. I followed what Zoren told me the last time I chatted him. Sinubukan kong i-enjoy ang buhay dito sa probinsya, tangina, nakakapagod pero I think nagbabago na ang perspective ko pagdating sa lugar na ito.

"Hindi," pilosopo niyang sagot. Umupo siya sa aking tabi at hinayaan ko lang siya. Si Mara lang naman ang lagi kong kausap dito dahil siya lang naman ang bukod-tanging naglalakas loob na kausapin ako. "Nakakailang girlfriend ka na, Cooper?" tanong niya bigla.

Napabaling ang tingin ko sa kanya. "Bakit mo naman naitanong? Pipila ka ba?"

"Alam mo ang kapal mo." naiiling niyang sabi. "Natanong ko lang naman. Naisip ko kasi ay baka kaya uwing-uwi ka sa Maynila ay dahil may tao kang naiwan doon." she explained.

Napatigil ako nang ilang segundo at sumagi sa isip ko si Elisse, I clearly remembered what she texted me that night. Wala nang kami ng hindi ko man lang alam. Puta na-ghost ako ng wala sa oras.

"I already had 3 girlfriends," sabi ko sa kanya.

"Tatlo lang?"

"Oo. Sira ka ba? Anong tingin mo sa akin? Sobrang babaero?"

"Oo." Walang alinlangan niyang sagot. Tangina dapat pala 'di na ako nagtanong.

"Tatlo lang, baliw. Yung una ay noong highschool pa ako, puppy love lang... siguro ay tumagal lang kami nang apat na buwan. Tapos yung pangalawa ay highschool din, medyo nagtagal kami kasi umabot ng 9 months at yung pangatlo naman ay kaka-break lang yata namin, mahigit isang taon kami." kuwento ko sa kanya. "Eh ikaw? Nagkaroon ka na ba ng relasyon? Sumbong kita sa tatay mo kung mayroon. Minor ka pa."

"Wow, galing talaga sa taong dalawang beses nagka-girlfriend, highschool pa lang. Minor ka lang din noon." paliwanag niya sa akin at hindi ako nakailag. "I had boyfriend, tumagal kami ng more than two years." kuwento niya sa akin.

Dumapa ako at tumingin sa kanya. "Tangina tagal. Bakit naman kayo nag-break."

"Fall out of love?" she answered and my eyebrow crunched. "Alam mo 'yon, one day magigising ka na lang ay wala na yung feelings ninyo sa isa't isa. Tapos madalas na yung pag-aaway at hindi na kayo healthy para sa isa't isa. Nagdesisyon kaming dalawa na tapusin na lang ang lahat. Alam mo, naisip ko nga bigla na para talagang isang magic ang love... isang araw mararamdaman mo na lang tapos dadating sa punto na wala na, naubos na yung magic."

"Alam mo, gago lang yung lalaki na pinakawalan ka pa, pero sa bagay, bata ka pa naman." sabi ko at tumingin naman siya sa akin. Alam ninyo yung tingin niya sa akin? Yung parang joke time. "Tangina seryoso kasi ako. May sense ka naman din kasi kausap tapos ang understanding mo pa, tinutulungan mo rin ako. Suwerte ang mapapangasawa mo, gago."

"Maniniwala na sana ako kaso may mura," natawa siya sa kanyang sinabi at napakamot ako sa aking ulo. Well, nasanay kasi ako sa tropa ko sa Maynila na kung saan normal lang magsabi ng mga mura. "Magkaroon nga tayo ng pustahan, kapag hindi ka nagmura ngayong araw ipag-iigib kita bukas para mabawasan ang trabaho mo."

"Tangina, game."

Ngumiti siya sa akin. "Out ka na agad.

"Gago, 'di pa kasi start."

"Oh ngayon, start na." sabi niya sa akin. Easy lang 'to, ang hindi pag-iigib bukas is equals to mas mahabang tulog kung kaya't dapat manalo talaga ako.

Naputol ang pag-uusap namin noong tinawag kami ni tatay Arturo (isa sa mga magsasaka sa palayan nila lolo.) "Nandito lang pala kayong dalawa," nakangiti niyang sabi pagkalapit sa amin.

"Bakit po? May problema ba sa pag-a-araro ng bukid?" tanong ni Mara.

"Hindi, tapos na ang pag-a-araro, pinapapapunta na kayo ni Ka-Atoy sa bukid para tumulong sa pagtatanim." sabi niya sa amin. "Sumunod na kayo doon, Cooper, magsuot ka ng mahabang damit dahil magbababad ka sa initan at magdala ka rin ng salakot." paalala sa akin ni tatay Arturo kung kaya't napatango-tango ako. Tuluyan na siyang umalis at tiniklop ni Mara ang telang inilatag ko sa lapag.

"Ready na po ba manakit ang likod ninyo, mahal na prinsipe?" nag-bow siya ulit sa akin.

"Ga--" naputol ang aking sasabihin noong maalala ko na may pustahan kaming dalawa.

"Oy, magmumura ka." Pabiro niya pa akong itinuro.

Napailing ako. "Hindi ko naman naituloy."

Bago kami pumunta sa bukid ay sinunod ko ang sinabi ni tatay Arturo na magpalit ng damit. I am aware that farming is hard pero mas maganda nang maging handa ngayon. Kumuha ako ng long sleeve na damit, mahal ang bili ko rito pero bahala na. Nagtaka naman ako kung bakit may mga opisyal ng baranggay ang tumungo sa aming lugar.

"Lola, bakit sila nandito?" tanong ko habang nakadungaw sa bintana?

Tumigin din si lola sa labas. "Ah, baka magsasabit sila ng bandiritas apo. Malapit na ang pista sa ating lugar kung kaya't paniguradong naghahanda sila para rito." sabi ni lola. "Naalala ko lang bigla na kaarawan din pala ni Xiamara sa araw ng pista, magiging isang ganap na dalaga na ang batang iyon." Oh she will turn 18 this week.

"Wala siyang debut?" tanong ko. I mean, lahat ng kaibigan ko na babae ay nagkaroon ng party noong nag-legal age sila.

"Magkakaroon lang kami ng simpleng salo-salo. Hindi na kailangan ng magarbong selebrasyon." paliwanag ni lola at inabot sa akin ang salakot. "Heto, kakailanganin mo 'to para hindi ka masyadong mainitan sa bukid."

Tiningnan ko ang salakot at may pangalan na nakaukit dito.

Levis

"Kay dad 'to?" tanong ko. I mean, hindi ko inasahan na nagtrabaho din si dad sa bukid.

"Oo. Naalala ko tuloy noong kabataan ni Levis, kagayang-kagaya mo siya Cooper na panay ang reklamo sa trabahong bukid pero kalaunan ay nakasanayan niya rin. Na-miss ko bigla ang anak kong iyon." I smiled to lola.

Sana ay mabisita ni dad sila lolo, paniguradong matutuwa sila lola.

"Sasabihin ko 'yan kay dad pagkauwi ko." sabi ko kay lola.

Lumabas na ako ng bahay at tumungo sa bukid. I am wearing my school jogging pants (heto lang ang nadala ko at bibili na lang ako mg bago pagkauwi ko) at mamahaling long sleeves.

Tumungo ako sa bukid at nakita ko si Mara na kumukuha ng mga palay para gamitin sa pagtatanim. Noong nakita niya ako ay tumingin siya sa akin mula ulo hanggang paa. "Iba talaga kapag rich kids." sabi niya at nag-bow na naman kunwari.

Gustong-gusto lumabas ng mga mura sa aking bibig ngunit naalala ko bigla ang usapan naming dalawa. "Kung wala kang magandang sasabihin, magpa-araro ka na lang po." nakangiti kong sabi na kanyang ikinatawa.

Lumakad si Mara patungo sa aking direksyon. Inabutan niya ako ng mga palay. "Heto ang palay, simulan mo nang magtanim mula rito," itinuro niya ang bagong araro na lupa sa aming tapat. "Hanggang doon." sabi niya at itinuro ang dulo ng bukid.

"Seryoso ka!?" tanong ko dahil napakalaki ng lupang pagtataniman namin.

"Tatay Atoy, nagrereklamo si Cooper!" sigaw niya muli at nakuha nito ang atensyon ng lolo ko. Napaamba tuloy ako ng suntok sa kanya (Pero hindi ko naman gagawin) at dinilaan lang ako ni Mara.

Heto na naman ang sermon ni lolo in 5...4...3...2...

"Cooper! Sinabi ko naman sa'yo na kailangan mong tumulong sa bukid! Hindi ka pumunta rito apo para magbakasyon. Bumaba ka rito sa bukid at tumulong ka sa pagtatanim!" galit na sabi ni lolo. Sanay na rin naman akong mapagalitan ni lolo.

Ang pinakainiiwasan ko talagang gawin ay ang mapaaway muli dahil paniguradong paluluhurin na naman ako ni lolo sa munggo. Grabe! Sinasabi ko sa inyo na iyon na ang pinakamalupit na parusa na nagawa ko sa tanang-buhay ko. Natatandaan ko pa kung paano magpasa ang tuhod ko dahil sa nangyari.

"Tatayo ka na lang ba diyan?" tanong ni Mara at ibinabad na ang paa niya sa maputik na bukid.

Itinaas ko ang hanggang tuhod ang suot kong jogging pants at sumunod sa kanya. Napatigil ako noong mapansin kong pinagmamasdan pala ako ng ibang magsasaka dito. Yeah, this shit is weird for them. Siguro ay iniisip ng mga taong 'to na ang arte-arte ko, okay, tangina maarte talaga ako.

"Why are the looking at me?" tanong ko kay Mara. "Ang awkward gumalaw."

"Namamangha lang sila sa'yo," bulong sa akin si Mara. "I mean, ang laki nang pinagbago mo since the first day na pumunta ka rito. Nagrereklamo ka pa rin pero ginagawa mo na nang maayos ang task mo. Good job, master." Hindi ko alam kung pinupuri ako nitong babae na ito o binubuwisit ako.

"Sinungaling. Paano ba 'to?" tanong ko sa kanya.

"Secret." sagot niya.

"Parang tanga naman 'tong kausap." reklamo ko.

She laughed. "Lumapit ka rito, tutal ay malambot na ang lupa ay kukuha ka ng piraso ng palay," iniharap niya sa akin ito. "At ibabaon mo lang, pero siguraduhin mo na may sapat na distansya ang mga palay para hindi sila nag-a-agawan sa tubig sa irigasyon. Naiintindihan mo ba?" tanong niya sa akin.

"Like this?" Sinubukan kong magtanim ng ilang mga palay.

"Kaunting distansya pa," bilin niya na agad ko namang ginawa. "Very good, Tatang Atoy, may tagapagmana ka na pala ng bukid. Kayang-kaya na ni Cooper."

Tumawa si lolo.

"Naku, iba talaga 'yang apo ko na 'yan, malakas na tapos guwapo pa! Suwerte ang mapapangasawa niyan." Tingnan mo 'tong si lolo, parang kanina lang ay pinapagalitan niya ako tapos ay ngayon ay pinupuri niya ako. Pero nangiti na lang din ako dahil natuwa si lolo sa akin. I am glad na kahit papaano ay nagiging proud sa akin sina lolo.

"Pumapalakpak na naman ang tainga mo, mahal na prinsipe. Ituloy ninyo na po ang pagtatanim." sabi ni Mara sa akin.

Magkatabi kami ni Mara na nagtatanim noong bigla niya akong binato ng putik.

"Hala pu--"

"Uy magmumura na siya!" sabi niya habang tumatawa.

"Putek kako. Para kang tanga, bato ka nang bato ng putik. Alam mo bang mahal 'to?" sabi ko sabay turo sa aking longsleeve na damit.

"Hindi at wala akong pakialam." sabi niya sa akin.

Ilang oras na rin kaming nagtatanim at nananakit na talaga ang likod ko. Ngayon ay naiintindihan ko nang hindi biro ang pagtatanim at hindi madaling magkaroon ng bigas na makakakain ng mga tao.

"Malapit na pala ang piyesta rito, nakita ko ang mga taga-baranggay kanina na nagkakabit ng mga bandiritas." kuwento ko kay Mara.

"Ay oo nga! First time mong makaka-experience ng mga piyestang bayan?" tanong niya sa akin.

"Paano ba 'yon? Para ba siyang concert?"

"Baliw. Alam mo dapat sumali ka sa mga palaro, paniguradong mae-enjoy mo iyon!" sabi niya sa akin. "Kailangan ma-satisfy natin ang province experience mo. Excited na nga ako sa guest na artista ng baranggay natin." sabi niya.

"Sino ba?" tanong ko.

"Si Shane Dela Fuente." sagot niya at napatigil ako sa pagtatanim.

"Si Shane? Yung extra sa Sa akin lang ang pag-ibig mo?" tanong ko at tumango siya.

"Hoy kung maka-extra ka naman! Kaibigan siya nung bidang lalaki. Tsaka guwapo rin 'yon."

Sa dami-dami ng guest artist nila tropa ko pang mukhang kulangot. Artista kasi si Shane dito sa Pilipinas, well, dati sinasabi niya na sa amin na gusto niyang mag-artista kung sakaling magkaroon siya ng bagsak na subject, hindi ko naman inakala na seseryosohin ng kupal.

"Crush mo 'yon, kapag pinagtabi kaming dalawa ay masasabi mong mas pogi ako roon." pagmamayabang ko at nag-flex pa ako ng muscle.

"Yuck. Mandiri ka nga, Cooper."

Saglit akong nag-unat dahil sa pananakit ng aking likod. "Siya nga pala, malapit na rin ang birthday mo. Anong ganap?" Tanong ko.

"Ewan ko, hindi naman importante 'yon, e'di magiging 18 years old na ako tapos baka magkaroon lang ng kaunting kainan." sagot niya sa akin.

Bumalik ako sa pagtatanim. Noong una ay nandidiri ako sa mga putik na dumidikit sa katawan ko pero kalaunan ay nasanay na rin naman ako dahil mawawala rin naman 'to kapag naligo ako.

"Masaya ka nang ganoon lang?" tanong ko.

She smiled. "Kuntento na ako, wala naman kaming pera. Hindi kami katulad ninyo mahal na prinsipe na lahat ng hilingin ay nakukuha." sabi niya sa akin sa pabirong paraan.

"Pero yung tungkol sa gusto mong magpatuloy ng pag-aaral? Nasabi mo na?" sabi ko sa kanya. "I mean, you are big enough to stand with your decisions. If you want to pursue in going college, may paraan."

"Hindi ko pa nasasabi." tumingin siya sa direksyon ng kanyang tatay. "Hayaan mo na, bakit ba ako ang pinag-uusapan natin?"

"I feel like you are happy but you are not." sagot ko sa kanya. "I mean, kuntento ka pero alam mo sa sarili mo na hindi ito talaga ang makakapagpasaya sa'yo. If you want to pursue your journalism, go on, I am here. Ako ang unang susuporta sa'yo." sabi ko sa kanya.

Binato ko siya ng putik at gumanti naman siya sa akin.

Alas-cuatro na nang hapon noong natapos kaming magtanim at literal na sumakit ang likod at batok ko kakayuko. Pagkauwi namin sa bahay ay may malaking lamesa na nakahanda si lola at maraming ulam ang nakapatong sa dahon ng saging yata iyon.

Aware naman ako sa boodle fight dahil ginagawa namin iyon kapag swimming pero ngayon ko lang ito na-experience kasama ang ibang mga tao. I feel like I am now understanding things differently now.

Naalala ko yung sinabi ni lola kanina. Siguro naman ay hindi masama kung papapuntahin ko ang mga magulang ko rito sa araw ng piyesta? They should bond with our grandparents too.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top