One
Chapter One: The nuisance punishment
"... AND that is another point for College of Law!" sigaw noong announcer at malakas na nag-cheer ang mga estudyante sa kabilang bench. "Mukhang mahihirapan ang College of Engineering na makahabol sa game na ito. Ang score ay 56-65 at nasa COL ang lamang!"
"COL Falcon! COL falcon! Go! Go! Go!" malakas na sigaw noong mga estudyante nag-chi-cheer sa College of Law kaya mas lalo akong nainis.
Narinig ko ang pito ng referee at ipinasa ni Joseph sa akin ang bola. I dribbled the ball hanggang sa mapunta ako sa kabilang side ng court. A thunderous cheer is echoing in the whole court.
Si Jersey number 24 (I don't know his fucking name) ang nagbantay sa akin. He is the team captain of the opposite team. I looked into his eyes while I dribble the ball. He smirked to me, ang pangit ng gago.
"Your girlfriend is pretty hot last night." he said and I paused for a second. Tangina?!
Sa isang segundo na iyon, he managed to steal the ball away from me.
"At naagaw muli ni Bitangcol ang bola kay Cebrero! Nasa second quarter na tayo at mukhang Political Science ang mag-uuwi nang tagumpay!" sigaw noong announcer.
"Cooper, focus!" pumalakpak pa ang teammate kong si Stuart habang tumatakbo papunta sa kabilang side ng court.
"Tangina he fucking cheated!" I shouted while facig the announcer and the referee.
"Boo!" malakas na sigaw ng mga taga-COL pero hindi ko sila pinakinggan.
Naglakad ako papalapit sa referee. "He cheated!"
"Andrew steal the ball from you smoothly, Cooper. Be sports." sigaw noong referee sa akin.
"At two points na naman para sa College of Law!"
Galit akong naglakad tungo kay number 24. Nakakuyom ang aking kamao at masama siyang tinitingnan habang nakikipag-apir ang gago sa mga ka-team niya.
"Masarap pala, ha!" Inipon ko ang puwersa ko sa kanang kamao ko at malakas siyang sinuntok sa mukha. Malakas na napa-ooh lahat ng mga estudyante at iyon... doon na nagsimulang maging riot ang buong basketball court sa pagitan ng mga players.
***
NASA loob ang magulang ko habang kausap sila ni Guidance Councilor Jimenez. Hindi ito ang first time ng mga magulang ko na makapasok doon. Ito yata ang pangwalong pagpasok nila rito ngayong sem. Kasama ko ang tropa ko ngayon sa upuan malapit sa guidance office at ginagamot namin ang mga sugat ng isa't isa.
"Tangina ang solid nung suntok mo kay Andrew. Lipad ang gago, eh." sabi sa akin ni Zoren— tropa ko mula sa College of Science. Environmental science ang course at pakiramdam ko ay pangarap niyang maging isang damo.
Idiniin ko ang ice pouch sa aking pisngi. "Sabi ba naman ni gago ang hot daw ni Ellise last night. Tangina no'n." kuwento ko sa kanila.
"Anong bago? Malandi naman talaga 'yang si Ellise." sabi naman ni Grayson. Kaibigan ko mula sa College of Fine arts. "Hindi ko rin talaga alam sa 'yo, papatol ka na lang ay sa girlfriend pa ng bayan."
Pito ang bumubuo sa barkada namin at nagkakila-kilala kami noong freshmen orientation three years ago. Ako, si Zoren, Grayson, Shane, Theo, Denver, at ang nag-iisang babae sa amin na si Amanda.
"I love her, okay."
"You don't love her. You are just attracted to her. Galing mang-salestalk ng gaga." sagot naman ni Amanda habang nilalagyan ng bandage ang mga sugat ng mga kasama namin. "Basag ulo pa! Ano na lang mangyayari sa inyo kung wala ako?"
"Kaya sa 'yo ako, Amy, eh. I love you." sabi ni Grayson habang tumatawa.
"Mandiri ka sa idea mo." sagot ni Amy at inihagis ang bandaid kay Grayson. "Ayan, tapalan mo mag-isa 'yang sugat mo."
Bumukas ang pinto ng guidance office kaya napatahimik kami. My mom and dad looked towards my direction, kitang-kita ko sa mata nila ang disappointment. I sighed heavily, anong bago? Lahat naman ng gawin ko ay disappointed naman lagi sila.
"Cooper, follow me." Dad ordered me kung kaya't dali-dali kong isinukbit ang bag ko.
Nakipag-apir ako isa-isa sa mga mokong. "Kita-kita na lang tayo sa summer vacation." paalam ko sa kanila.
End of the semester na rin kasi at yung basketball match na iyon ay para sa foundation week namin which is held every end of the school year. Iyon na ang hinga namin after two fucking semester in a year.
"Sige, chat-chat na lang bro." sabi ni Zoren. "Hiwalayan mo na si Ellise, ha! Tangina mo malapit na kitang iuntog sa pader matauhan ka lang."
Sumunod ako kanila mom at dad papunta sa parking lot. Wala pa man din kami sa loob ng kotse ay puro sermon na ang naririnig ko kay dad.
"Cooper, hindi ko alam kung kailan ka magtitino na bata ka. For Pete's sake, you are now 20 years old! Nakikipag-away ka pa rin dahil lang sa basketball?!" Dad shouted.
"Hon, kalma." sabi ni mom sa kanya.
"Dad, mahalaga yung basketball match na iyon—"
"Mas mahalaga pa sa pag-aaral mo?" Pinindot ni dad ang car key at tumunog ito. Sumakay ako sa backseat at hindi pa rin tapos ang sermon ni dad. "Cooper, hindi ko na alam ang gagawin ko sa 'yong bata ka. Nagsasawa na akong mag-sorry kay sir Jimenez at pakiusapan na huwag kang i-kickout."
Mom looked at me. "Huwag mo na lang pakinggan ang daddy mo." she mouthed. I smiled.
"At anong nginingiti mo riyang bata ka? Cooper, you are a future engineer! Be responsible with your action!" He started the car engine at nagmaneho na palabas ng school.
Habang nasa biyahe palabas ng school ay napadaan kami sa College of Law. Nakita ko sina Bitangcol na nakaupo sa isang baitang ng hagdan. Ibinaba ko ang car window. "Fuck you." I raised both of my middle finger.
"Cooper!" suway ni Dad. "Alam mo kung bakit hindi ka matanggal ng Northford? Parte ka kasi ng University basketball team at matataas naman ang grades mo."
"Dad. I am excellent student." I boasted.
"You are smart. That's it. Lahat na yata ng gulo ay napasok mo ng bata ka. Nakakapagod ka pagalitan, lumalabas lang sa tainga mo." That's the point dad, nagsasayang ka lang ng laway dahil hindi naman ako nakikinig.
Pagkarating namin sa bahay ay dali-dali akong pumasok ng aking kuwarto. Nagpalit ako ng damit at humiga sa kama. I grabbed my phone and chatted Ellise.
Cooper:
Babe, how are you?
You didn't respond to my messages anymore.
Ang huling message na natanggap ko kay Ellise ay last three days ago pa. Ang sabi niya ay may tinatapos siyang special project dahil alanganin siya sa isang subject niya kung kaya't hinayaan ko muna siya.
Dumb squad
Amanda:
Cooper, buhay ka pa?
Cooper:
Oo tangina ninyo.
Grayson:
Excited na ako sa parusa ni tito sa iyo.
Zoren:
Hoy tuloy ba tayo, swimming? Naghahanap na ako ng magandang beach sa Batangas.
Amanda:
Batangas? Akala ko ba sa North tayo? Akala ko ba it's either Ilocos Norte or La Union?
Zoren:
Ako batas. Gawa ka ng sarili mong lakad.
Amanda:
Gago.
Shane:
@Zoren @Denver may NSTP orientation tayo sa friday. Um-attend tayo kung ayaw ninyong ma-INC.
Pinatay ko na ang cellphone ko at nagdesisyon na manuod na lang ng mga movies sa netflix. Pinanuod ko yung Now You See Me 1 and 2. Ganda pala no'n. Ang mind blowing noong mga magic tricks nila.
Naputol ang aking paghananap ng sunod na papanuorin noong kumatok si Amethyst sa pinto ng aking kuwarto. She's my younger sister. She's currently Grade 10 but still we treat her like a three years old in our family.
"Kuya, tawag ka ni mom at dad sa baba." sabi niya sa akin.
"Bakit daw?"
"They already decided kung ano ang parusa mo ngayon." she said at tumakbo na papasok sa kuwarto niya.
Ibinaba ko ang remote at napakamot ng aking ulo. Laging may punishment si dad at mom kapag nakakagawa kaming kasalanan ni Amethyst. They usually confiscate our gadgets, papatayan kami ng internet for a week, bawal kaming lumabas, or kukumpiskahin nila ang credit card namin. This is their way to discipline us at tingnan ninyo naman... walang nangyayari.
Bumaba ako at nakita ko si dad at mom na nakaupo sa dining table. "Here's my phone and my laptop dad." Naka-ready na ang gadgets ko. Buti na lang talaga ay bumili ako nng spare phone last month kung kaya't may magagamit pa rin ako.
Dad heavily breathed in. "We will not confiscate your gadget this time, Cooper."
"I am grounded? Hanggang kailan?" kumuha ako ng tubig sa fridge at kinuha ko yung brownies. "Mom do you want some brownies?"
"Hindi rin Cooper. And please huwag mo nang bigyan ng matamis ang nanay mo, tataas na naman blood sugar niyan." Dad reminded me. "At kung itatanong mo kung tatanggalan kita ng internet. Hindi rin."
Umupo ako sa tapat ni dad. "Eh ano?"
"You will spend your summer vacation sa bahay ng lola mo sa probinsya." Mom said and I paused for a couple of seconds.
"What?! Heck no. I already have summer plans. May plano pa nga kaming swimming nina Theo." kumagat ako ng brownies. Ano na naman bang masamang hangin ang pumasok sa ulo ng mga magulang ko?
"Then cancel all your plans." Dad said in a serious tone. "Your grandpa and grandma needs someone para tumulong sa bukid. They are old, Cooper. They want to see you." Ang huling punta ko sa Doña Remedios Trinidad ay noong six years old ako. And we just stayed there for four hours. Ang blurred na nga ng alaala ko sa lugar na iyon.
"Mom." kinuha ko ang wallet ko. "Here is my credit card. Here is my phone and laptop. Kahit yung TV sa kuwarto ay i-disconnect ninyo sa wifi." Damn! I can't stay there for my whole summer vacation! Anong gagawin ko doon? Magtatanim ng patatas? "Mom, pagsabihan mo naman si dad. Kung ano-anong parusa na ang pumapasok sa isip."
"It's my idea." Mom announced. "Cooper, you are 20 years old, you're upcoming fourth year student. You need to be more responsible and be mature enough. Hindi ka na pabata anak. I know that you enjoyed being with your squad pero kumpara sa kanila ay ikaw ang pinakasakit sa ulo, Cooper." I sighed.
"Mas masakit sa ulo si Denver. Bobo no'n, eh."
"I know that you grew up here in Manila but take this chance to spend your time with your grandparents, Cooper. They badly want to see you. Isipin mo na lang na hindi ito isang parusa. You will just have a vacation in DRT." Mom explained. "Kailangan mo rin huminga sa toxic na polusyon dito sa Maynila. You wil love DRT."
"Wow mom, exciting. Yey." Walang gana kong sabi.
"Our decision is final, Cooper." Dad said. "Pinag-isipan namin 'tong mabuti ni Hon. Naisip ko na baka kapag naranasan mo ang buhay sa probinsya ay magbago ang pananaw mo sa ilang bagay. You don't know how your grandfather discipline us back when we are child." banta ni Dad.
"Ihahatid kita sa Linggo sa probinsya. And please, huwag mog bigyan ng sakit ng ulo sina nanay at tatay." sabi ni mom.
***
NANDITO kami sa Cable Car sa Tomas Morato. This is the last time na makakasama ko ang barkada ko. This is all thanks sa mga paladesisyon kong magulang. Hindi naman din ako makahindi dahil ang dami na nang sakit ng ulo ang ibinigay ko sa kanila. And when my dad say that it's final... trust me, it's final.
"Paano 'yan? Hindi ka makakasama sa amin sa Ilocos Norte?" tanong ni Zoren.
"Ahh kawawa. Iwan ka na naman, video call ka na lang namin habang lumalangoy kami." Pang-aasar ni Theo. "Facebook live pa."
"Tanga. Hindi ka sanay lumangoy." sabi ko kay Theo. The last time na nag-swimming kami ay muntik ng malunod sa six feet ang gago.
"Hanggang kailan ka daw sa probinsya?" tanong ni Amy.
"Maiksi lang. buong summer vacation lang naman." inis kong sabi at uminom ng mojito.
"Bro, galingan mo na lang magtanim ng patatas." asar ni Denver at malakas silang tumawa lahat.
"Heto kayo." Pinakyuhan ko sila isa-isa. "Beerpong tayo." aya ko sa kanila.
Tumayo kami nina Amy, Zoren, at Grayson. Naiwan sa table sina Theo, Denver, at Shane. Mukhang may pinag-uusapan silang importanteng bagay kung kaya't hinayaan na lang namin. Kapag nasa bar naman kami ay walang pilitan.
Kung ayaw mong uminom, hindi ka namin pipilitin. If you just want to eat. Then eat. If you want to talk then talk.
We're all here to have fun, hindi para magkainisan dahil KJ ang isa.
Naglakad kami patungo sa beerpong area hanggang sa may mamataan akong pamilyar na mukha.
"Woah, I think we should go back—" sinubukan harangan ni Zoren ang view ngunit mabilis ko siyang naitulak.
"Is that Ellise?" Mahigpit na nakayakap siya sa isang lalaki. "Tanginang 'yan."
"Awatin ninyo gago." sabi ni Grayson ngunit huli na ang lahat. Nakalapit na ako sa lalaki at malakas ko itong sinuntok. Nagulat ang lahat ng tao sa bar.
Muli... nakipagbasag ulo na naman kami.
Ang ending? Na-kickout kami ng mga bouncer palabas ng bar. Nasa loob kami ng van ni Shane habang ginagamot ni Amy ang mga sugat namin.
"Tangina mo Cooper, lahat na lang. tiningnan ka ng masama, suntok. Kapag minura ka, suntok. Kapag lumalandi yung jowa mong linta, suntok." reklamo ni Amy sa amin. "Nakakapagod kayong kalingain lahat. Inom na inom pa naman ako, hindi ko man lang naubos yung Mojito na in-order ko."
"Hindi mo ba nakita? Nilalandi niya si Ellise." sabi ko.
"Tanga hindi mo ba nakita? Si Ellise yung lumalandi." reklamo ni Zoren. "Sabi ko naman sa 'yo, hiwalayan mo na 'yan. Huwag kang magpakatanga sa isang babae lang. There is many fishes in the sea, huwag kang mag-settle sa linta."
"Boom. Kaya sa 'yo ako Zoren, tanginamo." sabi ni Grayson.
Napatigil ako sa pagsali sa kuwentuhan noong makatanggap ako ng text mula kay Ellise.
From: Babe
Matagal nang walang tayo, Cooper. Stop bothering me.
"Bullshit!" mura ko.
"Bullshit ka rin." Sagot ni Theo.
Akmang bababa ako para sugurin ulit yung lalaki ngunit mabilis nila akong napigilan. "Shane, kumuha ka ng panyo, talian natin ang paa nitong si Cooper. Tangina, balak yata makipagbasag-ulo na naman." sabi ni Amanda at ang gagong si Shane ay ginawa naman.
"Alam mo, dude. Baka tama yung desisyon ng magulang mo na ipatapon ka muna sa probinsya." sabi ni Denver kung kaya't kunot-noo ko siyang tiningnan. "Hey don't get the wrong idea. What I mean is you need a break from everything. Take that time para kalimutan yung lintang iyon. Huminga ka muna from this toxic world of Maynila. Langhapin mo yung mga dahon-dahon sa probinsya tangina mo."
"Denver is right. Magtanim ka muna ng patatas." sabi naman ni Zoren.
"Alam ninyo, tangina ninyong lahat. Bakit ba naging kaibigan ko kayo?" tanong ko.
"Kami lang nagtiya-tiyaga sa ugali mo. Motherfucker." sabi ni Grayson.
"Lipat tayong bar?" tanong ni Shane at ini-start ang engine ng van niya.
"Tara!" sigaw ni Theo.
Maybe they are right. I need to have a break from everything.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top