꧁𝟏𝟓.𝟗⢾░▒
꧁ 𝐒𝐄𝐀𝐒𝐎𝐍 𝟐 ✢ 丅ᖇᗴᔕᒪᗩ ᗪᎥᐯᗩ
𝐑𝐀𝐕𝐈𝐄𝐑 𝐒𝐀𝐋𝐀𝐙𝐀𝐑 𝐁𝐄𝐈𝐍𝐆 𝐍𝐀𝐎𝐌𝐈 𝐄𝐕𝐀𝐍𝐆𝐄𝐋𝐈𝐒𝐓𝐀 '𝐌𝐎𝐎𝐑𝐄' |꧂Ang aming paningin ay kumanan nang dahan-dahan, minamasdan, nilalapitan ang mala-gayumang pagpupugay ng isang restawran. Sa tuwing iyon ay daraanan, titingnan agad kada sibilyan ang mga pulang laryo niyong nagpaparisan.
Kung titingnan naman ang karatulang naggagandahan, mapapansin ang nagsasayawang ilaw sa likuran. Dinatnan na kami ng buwan kaya dapat ilawan ang lansangan.
Sapagkat pinalamutian, mistulang ikinariton ng mga bloke ang mga pasong naglalaman ng ornamental na halaman.
Bumagal ang sasakyan. Sa kabila ng pagbubula ng katubigan sa aking tiyan, uminit ang aking puwetan sa matigas na foam ng upuan. Trapik kasi sa bandang simbahan kaya natagalan.
Kanina pa ako nilamigan. Katabi ko kasi sa ikod si Jaxo'ng aking pakakasalan. Kung aking hihinaan ang nakatungong aircon, e, nakahihiya naman. Guwapo kasi siya at madalas pagpawisan.
Noong oras na iyan, ako ay na-awkward-an. Inalalayan ng kaba ang tensiyong nagpakislot sa aking kalamnan.
Si Paolo kasi ay nakaupo sa pinakaharapan, minamaneho ang sariling van habang matalim kaming tinitingnan!
Dahil diyan, ako ay inulanan ng kabagabagan! Ang mga butil ng pawis sa sentido ay nagdausdusan, ipinanganak sa nagbabantang hidwaan. Hindi inalintana ng likidong iyon ang mababang temperaturang kinalagyan. Para hindi maging apektado ay agad ko iyong pinunasan.
Hinagod ng aking hinlalaki ang magaspang na palad ni Jaxon, inaakit ang kaniyang pagkamatipuno!
Pinanliitan ko iyon ng mata. Maraming linyang pakurba! Ano kaya ang kapalaran niya? "Beh," tawag ko sa kaniya, pinahahagkan sa kaniyang balat ang nakahihikayat kong hininga.
Since narupukan, ako ang kaniyang nginitian. Ang nangintab niyang ngipin ay tila nabuhayan sa kaligayahan. "Yes? Is there a problem, my fiancée?" At saka niya pinindot-pindot ang mala-unan sa lambot kong kamay, pinapatulan ang tamis ng aking paglalambing!
Tulad ng panakip-butas, ibinuhos ko sa kaniya si Balisang hindi maawat!"K-K-K-K-K-Kinaka-k-k-k-k-kab-b-b-bahan ako." Parang i-fr-in-eezer sa lamig ang nanginig kong boses! Ginaya niyon ang katawan ko ring naginaw na kulang na lang ay iyong init ng kaniyang yakap para naman ay may pan-jacket ako!
Dumaluhong ang malasakit sa umaliwalas niyang mata. "Why are nervous?" aniya bago kapain, suriin ang nagpapabagabag sa suot kong skater dress. "Malapit na nga tayo, e. Bakit kung kailang malapit na tayo saka lang nagreklamo katawan mo?" Sumimangot siya, hawak pa rin ang nanlamig kong kamay.
Tumuwid ang postura ko, pinatatahimik ang balisang namuno sa aking sistema. Bumaba ang aking tingin sa denim jacket niya. Nakabukas ang zipper niyon para maipagmalaki ang T-shirt na Faith Over Fear.
Pumalumbaba ako sa broad shoulders niya. "Okay na pala ako," sabi ko sa batang boses pagkatapos ay siraulong humagikgik.
Nanguwestiyon ang kaniyang mukha. "What! Are you silly—"
"Kinakabahan ako kasi kakanta ako sa harap ng maraming tao." Ngumuso ako na ikinatigil niya. "Pero since pawis na pawis ako, may handkerchief ka?" Sinilip ko muna ang bulsa ng maong niya bago siya yakaping parang teddy bear. Sana may panyo ka riyan!
"A!" Napatingala ako para makita ang nagitla niyang imahe. "Thank God I brought one," kaniyang turan saka idinampi sa aking noo ang panyo niyang may nakaburdang signatura.
Mas pinawisan naman ako sa ginawa niya. Ano ba iyan! Napakamot-anit ako deep-inside!
Mistulang signatura niya ang nangolekta ng mga butil ng aking pawis. Nang magawa niya iyon, pumalumbaba muli ako sa broad shoulders niya.
"Ih!" Impit akong sumigaw. "Thank you, ha. Love! Love!"
Nagtagumpay ang plano ko. Hindi naglaon, iprinesenta ng kilig ang pamumula ng aming mukha pero! Binalingan ko si Everette para ngisihan!
Mainggit ka!
Sa repleksiyon ng rear-view mirror, nanirahan ang pandidilim ng kaniyang paningin! Bakas ang panlilisik ng mata at igting ng panga! Mistulang ilog ng emosyong napupuno upang mawasak ang nakikita!
Na-i-stress! Maihahalintulad ang tinging iyon sa isang baril! Bala ng sandatang tatalbog muna patagos sa akin!
Umangat sa aking ulo sa pagsabog ng tensiyon!
Ayan na—
"AH!"
Biglang prumeno ang drayber!
Nang dahil sa lakas ng puwersa, napatili akong parang sirenang sinasakripisyo ang gagamitin niyang boses! Halos mabagok ako sa headrest ng katapat naming upuan. Bumaling ako sa salamin—nakaparada na sa parking lot! Umalingawngaw sa aking isipan ang nakahahawang kalutungan ng mura ni Jaxon.
Kinagat ko ang aking labi, pinipigilan ang sarili na mapamura.
Hinila ko ang ni-rebond kong buhok dahil napakahina kong nilalang!
Hayop! Panira ng trip! Kung dati ay si Jaxon ang bugnutin, e, pagkatapos niyon ay Paolo naman ang nainis! Affected masyado, so I flipped my hair back and forth.
Buti at ako lang ang singer. Kung siya ang kakanta, talagang lalakasan ko ang aking sigaw para mabingi siya!
Noong pinadulas sa kamay ni Lucas, kaibigan ni Jaxon, ang malapad na pinto ng van, ang kainitan ng basement ay labis akong hinagkan. Nang dahil sa bugso ng hanging nagbukluran, nasugapa ang panlalamig na una kong naramdaman. Naawa nga ako sa mga balahibo kong nagsitayuan, tila nabiktima ng bagyong itiniis ang damdaming makapangyarihan. Huminga muna ako nang malalim sapagkat natigilan, pinakikinggan ang pagkulog ng tambol na nagsihulugan.
Pagkalundag ng aking mga paa, ibinitbit ng aming kamiyembro ang mga instrumentong pangmusika! At naalala ko nga pala! Si Selena ang inimbita kong maging parte ng banda.
Tinulungan ko na rin sa pagkakarga ang kapatid ni Jaxo'ng si Sebastian Noah at ang mga nakaitim na T-shirt na hindi ko naman kilala.
Sa compartment ng Toyota, kukuhanin ko na sana ang cymbal na natira, ngunit may nakakuyom na kamaong nagpumigil sa akin bigla!
Dumagundong ang aking diwa nang nagkalapit ang aming mukha. Kung aking itatantiya, nasa dalawang pulgada na lang ang aming distansiya. Sa sobrang lapit sa isa at isa, kulang na lang ay maiuntog ko na ang binata.
Hindi makakilos ang aking mga paa, tila mas abala pa ang mga iyon sa pagpa-practice ng aking ikakanta. Sapagkat naduling ang aking mga mata, hindi ko na maaninag ang mapekas niyang pagmumukha. Masyado kasi akong nakapokus sa taglay niyang presensiya. Sinabayan pa niyon ang Johnson's Baby cologne niyang nakalalakas ng karisma. Bago pa man may makakita, agad akong lumayo sa kaniya.
Mabuti na lang at maraming itim na Toyota'ng nakaparada. Nasa lobby'ng entrada na ang iba. Abala ang lahat sa pagkakarga samantalang kami, e, napag-iwanan na.
Pinagpag ko ang aking palda. Kunwari acting lang na hindi na kailangang bigyang-malisya.
"Salamat at naisipan mo naman akong tulungan, Everette." Ngumiti ako sa kaniya, itinatago ang leeg gamit ang baba, nahihiya. Sinulyapan ko ang mag-isang cymbal na nagha-hi! sa compartment. "Uhm." Ipinagtagpo ko ang aking mga paa, nag-iisip ng puwedeng sabihin katulad na lamang ng—"Hindi mo naman kailangang tulungan ako. At saka, magaan lang naman ang cymbal so puwede ko na itong bitbitin nang mag-isa. Pero since hindi naman ako santo, sige bitbitin mo na. Nahiya ka pa. Sayang naman ang pagkukusa mo, hindi ba?" sabi ko at saka siya binangga sa balikat.
Iniwan ko roon si Paolo, nilagpasan na parang gasolinang oksiheno. Pumasok na kami sa antechamber na inilawan ng indigo, sumasabay sa sayaw ng bolang disko! Sa rikit ng atmospero, nagmistulan kaming dayuhan kung palibutan ng tingin ang nakalambiting ilaw na organiko.
Pero since bar nga iyon, ano, mala-bookshelf sa dami ang estante ng mga wine na Novellino! Naroon lang kami para magpasaya at hindi malulong sa bisyo. Kaya naman sa sahig na laminado ko na lang idinako ang tingin ko.
Mabibilang sa daliri ang dami ng tao. May mga bartender na nagbati ng, 'good morning po'. Pumasok nga sa aming ilong ang amoy at init ng menu nilang cappuccino. Napagkamalan ko pa nga iyong gatas at kape kaya masasabi kong mabango! Ihinatid ng ibang server ang alak sa mga barakong lasingerro, o hindi kaya ay ipinatong na lamang sa lamesang kasimbilog ng piso!
Si Wilson namang katabi ko, napanganga sa hanay ng mahahabang bangkito.
Isiniko niya naman ako. "Ganda lugar," puri niyang minasdan ang disco stage. Ang pag-ikot ng masisiglang effects doon ay ikinagalak ng aming imahinasyon!
Sapagkat nahilo sa silaw, itinuon ko ang pansin sa katabi. Well, hindi nakasalamin si Wilson that day. Bongga ang event, so dapat talaga pang-out of the comfort zone ang outfit, katulad na lamang ng pina-level up niyang diamond-checkered polo shirt!
Nag-follow-up si Baby, "Gusto ko punta likod stage kasi practice tayo ro'n. Kanta ka mamaya para dami crush sa 'yo tulad basa-asim kili-kili Paolo."
Iniluwa ko ang aking lamang loob sa sinabi niya!
"Are you kidding us, Wilson?" Pumamaywang na humarap si Selena rito, parang nanay na pinapalo ang sariling anak.
"Hindi ako biro." Nagpatuloy ito sa paglakad. As if namang simpleng 'one-plus-one-equals-two' lang ang sinabi nito. No way! That was disgusting as an assault! "Hindi ako biro kasi totoo naman. Mas kita ko lab sa kanila kasi kilig ako—"
"Balasubas! Quiet, huy!" Itinakpan ni Selena ang bunganga nito. "Please do not say that, especially if we are in the public eye . . ."
Ako naman ay napalingon sa likuran, kinakagat ang maligalig kong labi. Syete talaga! Baka marinig kasi ni Jaxon at kapag nangyari iyon, e, magtatangis talaga ang puso ko!
Pero noong makitang kausap niya ang limang kamiyembro sa bukana, napabuntong-hininga ako. What a doubting relief!
Marahas kong inakbayan itong si Wilson. Parang gusto ko na ngang itulak sa bangin, e. Chour! "Mahiyain ka pero bakit parang mas kinakabahan pa yata ako kaysa sa iyo?" tanong ko habang pinanliliitan siya ng mata.
"Well, of course, he is innocent," ani Selena sabay gulo sa bunot nitong hairstyle. "And by the way." She looked at me, sliding her red flip-flops on the textured floor. "You are the one who will soar high, so get ready not to crack."
Oh, yeah, yeah, yeah! I had to warm-up so that I could sing properly. Selena's captivating smile made me approach what was behind the red curtains—the dressing room. As my paces rushed, I was oblivious to tighten up my loose dress belt. Of course, butterflies of Mother Anxiety hovered in my gut!
When we arrived backstage, waves of black draping covered the dusty metals of the ceiling tiles. The cameraman in black attire came nearby, seizing the moments of that night. Besides the blinking flashes, my eyes pictured out a stack of equipment boxes concealed by the shades of dark fabric.
Ang telang iyon, tumerno sa malamig na aura ng aking itim na skater dress. Patuloy akong humakbang. Malutong na patunog-tunog na nga ang aking heels sa madulas na daanan.
▀▄▀▄▀▄▀▄▀▄▀▄▀▄▀
𝟓-𝐒𝐄𝐂𝐎𝐍𝐃 𝐀𝐃𝐕𝐄𝐑𝐓𝐈𝐒𝐄𝐌𝐄𝐍𝐓.
꧁ 𝕯𝖎𝖘𝖈𝖑𝖆𝖎𝖒𝖊𝖗: ꧂
▄▀▄▀▄▀▄▀▄▀▄▀▄▀▄
Tumabi sa likod sina Selena at Wilson noong may nagpakawala ng bating—"Good morning, Miss Naomi." Nilingunan ko sa kaliwa ang cameraman na balak akong interview-hin.
I smiled at him sassily and waved slightly. "Hi!" I jollied in an influential voice, umarte pa nang slight dahil i-t-in-ilt ko pa ang aking ulo. Ano ang pakay mo, iho?
"You're so beautiful tonight!" Th-in-ank you-han ko ang kasama ng interviewer, nagre-record gamit ng iPhone.
Bumaling ako sa unang nagbati sa akin. "As a business person." Itinapat niya sa akin ang mic ng kaniyang cellphone. "How are you feeling tonight lalo na't it's your first time to sing in the showbiz industry?"
Tiningnan ko muna ang nakalawit nilang ID bago sumagot, "It is exciting . . . but nervous at the same time kasi." I looked at my tapping shoes, thinking. "Because one song that I will sing is from Aerosmith, but I will sing the version of the Asia's Songbird." I nodded when my shared thoughts enlivened at the following sentence. "And that is challenging for me, lalo na at ngayon pa lang ako sasabak sa ganito."
They gasped, of course, since they were gay, lodi nila itong si Miss Regine na reyna ng kabaklaan.
Pero since I wanted to answer more, sensing that response lacked impact, my neck leaned approaching the mic. "And as a singer, it is an opportunity for me to share my hidden talent to satisfy myself. " I gave him a genuine smile, thankful for my heartfelt message. "Sharing God's beauty is something that we should be proud of."
I almost choked at that answer! Muntik ko na kasing maikuwento ang past life ko noong bakla pa ako, shemay! Walang makare-relate.
Napakapa ako sa aking kuwintas dahil na-flatter. "Wow! That's an excellent answer, Naomi. Pero hayun nga!" Tumaas ang kilay ko kung kailang nanlaki ang kanilang mga mata, na-e-excite! "It is your first time, but the singing industry is challenging you on your journey!" Why were they so anticipated about that? "Because meron kayong . . . you know? Rival." Then he smiled wickedly, testing me if I could eradicate the darkness I would face.
Kumunot-noo ako at saka tumagilid. "Rival? Well kung may rival man, trabaho lang iyon. Walang personalan," I said, keeping my head high.
Tumabi naman itong si Baby Wilson. "Kahit sabi niya trabaho lang, away pa rin off-cam. Masama nga away. Pero isip-bata kalaban. Away 'yan. Masama sila kay Selena sa 'min."
Napangiwi ako sa ka-cringy-han ni Wilson. O, come on! Bakit niya naman ibinuking? Pero at the second thought, totoo ang sinabi niya.
Hinila siya ni Selena sa aking likuran para mapagsabihan. "You could have just sugarcoated a bit? Wilson naman," bulong niya rito. "It is her first impression . . . "
Ngumiti na lang ako nang mapait bago thank-you-han ang mga naka-itim na T-shirt. Mula sa pagiging sabik, napalitan iyon ng seryosong ekspresyon.
Who was that TresLa Diva?
Tulad ng plano ko, humarap muna kaming tatlo sa pinto ng dressing room.
Subalit, naestatuwa ang aking paa sa malamig na sahig. May bituin kasi, bituing kumikinang na nakatapal sa pinto ng bihisan! Bihisang sinasabing hindi para sa amin . . . dahil TresLa Diva ang mismong nang-angkin!
Hindi ba dapat amin iyan? Iyon kasi ang sabi sa amin ng management, diyan dapat kami!
Napahangos ako pagkarampa ng tatlong babae sa gilid!
Nanlaki ang mata ko. Inspectioner silang nakatingin sa amin mula ulo hanggang paa.
Bilang ganti, ginawa ko rin iyon pero gaya-gaya sila, oh well! Pareho lang kami ng dress ng tatlo. Kung ako ay nakaitim na skater dress, naka-black din sila. Napangiwi ako sa kanilang hita. Oo, mas maigsi at manipis ang dress nila na napagkamalan kong lace panty'ng binili ko sa Shopee! Mang-aagaw!
Pero no! Kung madugo ang lipstick ko, sa kanila naman ay black. Pati kilay, c-in-olor-an ayon sa kaitiman ng kadiliman ni Satanas, kaloka!
Well, they were TresLa Diva! The showy divas of the night—our shrimp rival!
Ang tinukoy siguro ni Nirvana na grupong dapat salihan ni Selena nang perahan! Kung ganoon, kung sasali si Selena, hindi na sila Tres. Kuwatro litro na sila sa bigat nila! Chour!
"This is our room. Kita va n'yo?" Humalukipkip sina Bella, Yvonne, at Michaella.
Pero since the Delacruz Family had 'class' that runs in our blood, I would rather talk to the wall, Windows Firewall.
Tulad ng antuking pabagsak ang mga mata, blangko ko silang tiningnan. Boring! Next contestant, please?
Sumingit na naman itong si Bong Go—ay este, Wilson! "Sabi Bella kanina, kita ba n'yo. Ba n'yo. Ihi ka 'ata kaya layas amin 'to."
Kumibo ang balikat ni Selena. Kumanan siya. "Oh, Bella. Please do not be so hard-headed anymore and respect direc's decision." Inirolyo niya ang kaniyang mata pagkasabi niyon, nakuba sa pakikipagbangayan.
"Stop trying to be nice, Selena. The most important thing I know is that the three guests must have a place to wear, like ours." Pinasayaw ni Bella ang sariling daliri sa pinto ng dressing room (na dapat sa amin!).
Pinagmayabang pa nila ang nakadikit na star . . . na parang pinagawa pa sa Eastwood Walk of Fame . . . o i-pr-in-int lang at saka i-gl-in-itter for budget edition. Ka-cheap-an!
"E, saan kami?" Humalukipkip ako, kalmado. "Hindi ikaw ang batas, Bella." Hindi ko mapigilang magsalita, but those were sensible words she needed.
"E 'di, doon kayo sa CR! Ang arte-arte mo, Naomi. Mag-bee-bee-hes na nga lang kayo, may special room pa!"
"Ba't may kuwarto ikaw?" Ikinuyom ni Wilson ang pareho niyang kamao, naninigas ang braso. "Arte man namin pero 'di kakairita. Ikaw spoiled—"
"Quit it, Wilson!" ani Bella, at saka umatras para pantayan sina Yvonne at Michaella. "The entitled TresLa Diva is more of a first-class than yours—"
May dalawang lalaking sumingit, matuling naglakad, patapik-tapik ang nagmamadaling sapatos na tila supervisor!
Sino iyon? Ako ay lumingon. Mga kaibigan kong sina Everette at Jaxon ang magkasabay!
Tumikhim ang huli. "What are you—" Nanlaki ang mata niya, natigilan . . . kasi natagpuan ang aming kalaban. Nilapitan niya ang mga ito, pagagalitan!
Napasapo na lang ako sa noo. Oh come on!
Tumikhim siya. "Bella!" sigaw niya, nakalabas na ang mga ugat sa litid. "Kailan ko ba sasabihin sa 'yong tigilan mo na sina Naomi!" Nananakot niyang dinilatan ang mga asong babae.
Pero hindi na pala aso, monkey! Kasi . . . ang clingy, pashnea! Napanguso ako roon. Ayan, o. From bulldogs to mala-Dalagang Filipina kung makangiti! I smiled impishly with a touch of the raise of my thin eyebrows.
But, thankfully, it would not change the fact that Jaxon was raging against them.
"Hi, Jaxon," sabi nina Bella sa mayuming tono—oh no! Hindi mayumi, parang asong nag-e-exhale lang, tinatanong kung bad breath ba. Chour!
"Uhm." Tumungo si Bella sa makintab na sahig, tinitingkayad ang paa to the left and to the right. "We need to alis-alis na. We just greeted them lang naman kasi, we are . . . partners, right?" Nginisihan niya kami na ikinaigting ng panga ni Jaxon.
Si Lalaki, tinanggal ang bituing nakatapal! Tumunog iyon na parang hair removal wax! Inalis ang label! Pinunit-punit niya iyon sabay bato sa kanila! Kalat ng i-sticker tuloy ang kumawala! Pinaunlakan ng nakatagis niyang bagang ang gigil na nakasasama!
Bakas ang plema sa kaniyang pag—"Sige!" Sinipa niya ang pira-pirasong papel papalipad sa natatalong aso. "You gotta clean all of these!"
The TresLa Diva's knees trembled. Rambling tension gnarled their teeth, responding with a stumble, "B-But, J-Jaxon—"
Jaxon lifted his palm, shutting them up. "No 'buts', basta bilisan ninyo hangga't maaga pa!"
Hindi nagtagal, dumapo ang mabigat na kamay sa aking balikat. Tiningalaan ko ang lalaki kasabay ng pamumuo ng katanungan. Bakit niya ako inakbayan?
"Ano ba!" Pilit na pumiglas paikot ang aking balikat, tinatanggal ang nakakapit na kamay na nangingiliti ng aking balahibo.
Nagtama ang aming paningin, tumahimik.
"Nasa akin ang susi." Pinaglaruan niya iyon sa kaniyang daliri.
Nanlaki ang butas ng aking ilong, naiinis! "O, e 'di buksan mo. Hindi iyong pahawak-hawak ka pa diyan. Ako ba pintuan, ha?" Punye! Isa pa, a, at mauupakan ko na siya!
Binitiwan niya naman ako para umaksiyon. Pagkaawang pa lang ng puting pinto roon, kami ay sinalubong ng aparador ng pantalon. Nakatihaya na rin ang fuchsia pink fur jacket ko sa kahon samantalang namamahinga sa drawer ang mala-ahas na sinturon.
Pumasok na kami roon. Binuksan na nina Everette at Selena ang aircon. Marahil ang mga butil ng aming pawis ay sa noo nagsitipon.
Tulad ng sa Princess Diaries na napanood ko noon, isang pindot sa remote ng drawer ay magbubukas na iyon, maglalahad ng damit pambaon.
Hindi naglaon, ang aking puso ay nagmistulang garapon. Nanlalamong kaba marahil ang umipon doon. Tila nalango iyon sa mga paruparong lumipad buong maghapon. Kaya naman ang paninisi ay sa puso ko ibinunton! Sa karagatan ng balisa, kailangang makaahon bago pa man madaig ng alon.
Napasandal ako sa gilid ng aparador, nakatinging diretso sa katapat kong kalendaryo. Since kailangan ko ng tulong, napasabi ako ng—
"E-Everette?" tawag ko nang namamawis ang kamay.
Tumabi siya sa akin, nakasandal ang braso. "Yes, Char?" Sa aking peripheral, nangilid ang ulo niyang minasid ako, tinatanong kung okay lang ba ako.
Umiling ang aking ulo, parang batang nag-aayaw. "Hindi ako okay." I-br-in-ush ko pataas ang aking buhok sabay dampot sa fuchsia fur na jacket. "Kinakabahan ako kasi baka ako mapiyok. E, kalaban pa natin si Bella . . . baka ma-disappoint ko kayo kapag nangyari iyon." Sinuot ko ang jacket para hindi ako malamigan.
Inakbayan niya muli ako. That time, sinandal ko na lang ang sarili sa katawan niya. "Char." Hinawakan niya ang kamay kong nakapisil sa aking tiyan. Bumulong siya, "Kalaban ka man ng lahat basta, 'proprotektahan' ka naman namin." His triumphant words made me feel a winner somehow.
Hinarap ko siya saka tiningnan sa labi. "Bakit?"
Binasa niya ang maputlang labi. "Ikaw naman kasi iyong tipong taong hindi lumalaki ang ulo kahit maganda na physically." Hinagod niya ang rebonded kong buhok, pinakakalma ako. "At saka . . . simple ka. Hindi mo ugaling mag-make up nang makapal para lang magpaganda. Kasi iyong pagiging totoo mo iyong magpapanalo sa 'yo, e." Ngumiti siya nang matamis.
The flames of sweethearts kissed my cheeks, showing me a passionate blush! I averted my gaze from him to focus on Wilson. His weight pressed the cozy chair, playing with his Nintendo, while Selena behind window-shopped an array of rainbow dresses.
"Psst!" I formed a gossiping sound to draw their attention to us. "Halikayo rito," I said as my fingers beckoned.
Hinarap ko si Everette na ikinulong ko gamit ng braso. "Thank you for making me . . . better." Hindi ako ngumiti niyan, pero seryoso akong tumango, kunwari nagpapakatino.
Bago siya talikuran, nahaplos ko ang dede niyang matigas.
Tinitigan niya ako. "Hmm?" Medyo napamulat ang aking lalaki.
"Ay!" Napakagat-labi ako. "Sorry, napindot—ay!" Itinuon ko ang atensiyon sa marmol na sahig. "Nakulong pala kita gamit ng braso ko." Agad ko siyang iniwan doong natutunaw, nahihiyang masulyap ang kaniyang reaksiyon.
"Why are you calling us?" Lumapit si Selena sa akin pagkatayo ni Wilso'ng naglalaro pa rin.
"I am ready to sing." Ipinalipad ko ang pink fur jacket sa ere, parang nagmomodelo. "Ayusin n'yo na ang makeup ko." It was time to shine! Kaya naman ay—
Huminga akong malalim para hindi maging shaky ang boses ko. Kapag kakantahin ang mababang nota, it really had to be firm. Kailangang tutukan ng atensiyon nang bigyang emosyon.
"I could," I pronounced that as 'ah khud'. "Stay awake. Just to hear you." I stopped a while, but it was not an excuse to breathe again for only a word. "Breathing."
Tumingin ako sa manonood na nakatingala sa akin, pinakikinggan ang aking musika sa entablado.
"Watch ya smile." Then my mouth molded a shy smile. "While you are sleeping."
Kasabay ng paghinga, nagtipa ang pianista.
"While you're far away . . . and dreamin'."
Kahit drum, gitara, at piano lang, sapat na para sa rock song na iyon! Hindi na need ng orchestra.
I lowered my chin, deepening the voice for a while—"Where every moment"—until it ascends again. "Spent with you is a moment I treasure."
I stepped forward, then faced the microphone to my mouth, amplifying the chorus line.
"I don't wanna close my eyes."
Para mas dama ko talaga ang song, tumingin ako sa upper right, sa spotlight na nakatutok sa akin.
Indeed, I did not want to close my eyes. "I don't wanna fall asleep." My gaze turned to Everette, watching on the 'right' side because. "I miss you, babe. And I don't wanna miss a thing."
As long as my flesh was porcelain, bonding with the melody was liberty.
"Cause even when I dream of you."
Siyempre, noong binigkas ko iyong dream, kinulot ko nang kaunti . . . for it to be expressive! And since I said dream of 'you', talagang ikinumpas ko ang sariling kamay sa ere. Pinaramdam ko sa audience na sila talaga ang aking tinukoy.
Kailangan talaga ng gesture, e, para naman hindi ako nasi-stiff sa kaba!
"Cause even when I dream of you." The exact process in the first place. Kumbaga, may pag-slide or pag-glide ng note at pagkumpas ng kamay.
And after that, humigop ako ng hangin para diktahin ang— "The sweetest dreams I'd never do. I'd still miss you, babe, and I don't wanna miss a thing."
Sumilip ako sa kaliwa, kina Jaxon at Selena. Naka-thumbs-up ang una, samantalang may poise na pumalakpak ang huli.
I smiled at them despite our distance.
Hindi ko na binalingan ang lalaking nakamasid sa kanan, bagkus ay tumungo na lang ako sa hiya. Umangat na kasi ang kamay ng lahat para mapalakpakan ako! Ang alingayngay ng papuring iyon ay babaunin ko buong-puso.
Napangiti akong umiiling. That day was surreal, pero my feet shivered! Faith over Fear was unleashing the agility of their hands to form a sound. As their fingers ran playfully on the surface of their instrument, I should have prepared!
Dapat nagbi-build up na ako niyan! Bibirit na kasi ako or else, mapipiyok! Ibinanat ko ang aking bibig, nilulusaw ang kabang sumibol sa bilis ng aking pintig.
Palapit na ako sa bridge ng kanta! Ginewang ko ang aking ulo para mahawi ang nakatirintas na buhok. Pagkatapos niyon, hinigpitan ko ang aking mikropono! Mikroponong palalakasin ang tunog ng magdurugo kong lalamunan!
Si Wilson, pinadagundong ang tambol. Ang bolyum niyon ang nagpagising sa namahinga kong litid. "I don't wanna miss one smile. And I don't wanna miss one kiss." Mataas na iyon!
Pero since makulit ako dahil nagpadala na lang sa agos ng damdamin, nilingunan ko si Everette. Nakamasid pa rin siya sa kanan, naninilip sa kurtina.
Para hindi awkward, I gave him an assuring glance. "I just want to hold you close." My throat stumbled.
"I feel your heart so close to mine." Binuwelta ko ang salitang 'mine' nang nakabuka ang bibig. Kailangan talaga na O-shaped ang bibig ko. Paraan iyon para maihanda ko ang sarili para sa pagtaas ng nota. Pero hindi lang iyon, mas madali at mas magandang pakinggan kapag naka-O-shaped ang bibig sa tuwing kakantahin iyon.
Ayan na! Lumundag ang aking puso! Kumapit ka nang maigi sa mic, Ravier, ibirit mo na iyan!
"And just stay here in this moment." Huminga akong malalim. Kung gusto kong pahabain ang aking hininga, ibababa ko ang aking dila padikit sa panga para mas marami akong masagap na hangin sa diaphragm.
And the moment of truth was there. I breathed with my technique, exhausting the air as I go with the flow. One wrong belt and it would be history.
"For." I dictated that as 'fowor'. "The rest of taaaaa~" I sustained that sound until I soared it higher into a C5 note. "~aaaaAAA~." Kung mataas na, mas patataasin ko pa dahil iyon ang kaya ko. "AAAAA!"
Nang ma-establish ko ang pag-hit ng mas mataas na D5 note, mabagal ko iyong pinahina na may pakulot pa sa dulo, siyempre. Parang eroplanong dahan-dahang bababa sa paliparan ang peg. "~AAAaym."
Tumahimik ang paligid. Bumulong pagkatapos—parang sinasabing nagawa ko, may napatunayan ako.
Nangalap muli ang aking baga ng hanging puwedeng maibuga. "I don't wanna close my eyes, I don't wanna fall!" Para mas powerful na magre-resonate talaga sa bubong ng venue ang aking boses, nilakihan ko ang aking bibig pagkabigkas ng 'fall' or 'fal'. "Asleep. Cause I miss you, babe, and I don't wanna miss a thing."
"I don't wanna miss a thing. I don't wanna miss a thing." Ngumiti muna ako sa madla bago ibirit ang kanta. "And I don't wanna miss a teeeee~"
Tumutok sa akin ang apat na stage lights. Inunat ko ang aking braso at saka dahan-dahang inangat iyon patungo sa tuktok. I-b-in-end ko rin paatras ang aking likod, ginagaya si Pilita Corrales para maabot ang nota. "~eeeee~" Pumikit ako habang pinapakawalan ang nakaimbak na hangin.
Kung isasara ko ang aking mata, ibig sabihin niyon ay hirap ako o nakapokus sa kanta. Okay lang pumikit kasi birit naman iyon. Kung birit, nakaawang talaga ang labi at nakatatakot naman kung nakanganga akong nakadilat. Pero since maganda naman ako, it was never a problem for me. Chour!
Inilayo ko ang mic dahil hindi ko na na-maintain ang vibrato. Ang mga ilaw naman ay mistulang kisap-mata, kumukurap dahil patapos na. Nang humampas ang huling dagundong, palakpakan ang sumalubong.
"Thank you." At saka ako nag-curtsy, hiyang-hiyang inilabas ang ngiti. Tumalikod ako para makita ang instrumentalists. "Halika rito," I mouthed that word to Wilson, letting my co-members approach me.
Umakbay sa akin si Paolo samantalang si Jaxon ay pumalakpak papalapit sa akin. Tahimik ang lalaking mapekas habang pinupuri ako ng mapanga. "Nice job, Naomi." Ngumiti si Jaxon nang katabi si Selena. I bowed in reply.
Masigla ang tono ng bumungad! "Ladies and gentlemen, Miss Naomi Evangelista!" anang host na lalaking naka-suit. "Ang taas naman n'on!"
Hinandog ng mga crew member na naka-black T-shirt ang bouquet of roses na para sa akin. Waw! Para akong artistang binigyan ng mga iyon! Isang dosenang bulaklak, sanga, at dahon ang nagkaisa bilang bahagi ng aming partisipasyon!
Nginitian ko sila nang mapasalamatan. Pero since sumagabal ang mic na aking hinawakan, at sa palumpon ako nabigatan, si Everette na lang ang nagsalansan. Dahil sa kaniyang pagiging gentleman ay tila napahiran ako ng ka-sweet-an.
Niluwagan ni Everette ang aking daraanan sa gitna. "At heto na nga, Miss Naomi!" Napabaling kami sa pagtaas ng boses ng host sa kanan. "Sino ang mga gusto mong pasalamatan sa unang pagtapak mo sa industriyang ito?" Ipinasa sa akin ni Everette ang isang microphone.
Walang pagod kong ipinamalas ang saya sa aking ngiti. "Of course, itong." Inakbayan ko si Jaxon na kay tangkad. "Itong bandang FoF ang gusto kong pasalamatan. At siyempre, si God." Napaturo ako sa itaas. "Kaya nagpapasalamat po ako sa mga taong ito na patuloy akong sinusuportahan," tugon ko sa kalagitnaan ng pagmamasid ng nagtatagong si Wilson.
Nagpalit na lang kami ng puwesto. Ako ang nasa likod tapos siya ang nasa harap.
"Aside from your band group, how's your family? Inspirasyon mo pa rin ba sila sa singing career mo?"
Drumming heartbeats aided my nervousness. The world stopped once the host threw that question at me. Trembles of dread passed through the traces of my figure, stumbling over thoughts I wished to utter.
Tila tipak ng yelo ang bumukol sa aking ngalangala. "Uhm," sabi ko, pinalipat-lipat ang mic sa dalawa kong kamay. Kulang na nga lang ay magdya-juggling na ako sa pagdadalawang-isip!
"Uhm. In my layp, I." Natigilan ang nanlalaki kong mga mata, gulat na nakalantad sa palabas ng madla. "I endured." The pain because of them. "I endured so many . . . endurances, like muscular . . . endurance."
Bumulong si Everette, "Char, ano ba—"
Inangat ko ang aking kamay. "S-Sir," tawag ko sa host. Napakagat-labi ako na parang batang inosente. Sasagot na ako, wait. "Sa buhay kong ito, ang aking inspirasyon ay ang aking parents. My mother is a . . . one of the." Tumungo ako. "One of the people I know sa buhay kong ito, ang aking inspirasyon ay ang aking parents. My mother is one of the people I know sa buhay kong ito." Nagtago ang hiya sa kalooban ko nang tinamaan ng bulungan ang aking tainga. "S-Sa buhay kong ito, hindi pa naman ako patay—"
Humigpit na parang gripo ang pagkakaakbay sa akin ni Jaxon. "Hey, what's bothering you?" Hinimas-himas niya ang aking braso, pinupuksa ang nakayeyelong sensasyon.
Lumingon ako sa kanan kong katabi. "Ako na lang kaya ang sumagot?" Sumanggi ang mainit na balat ni Everette sa aking braso.
Umiling ako, pinatitibay ang aking resistensiya para makasagot ng— "Sa buhay kong ito, ang aking inspirasyon ay ang aking parents—"
"Well, well, well!"
Napahangos ang aking damdamin sa kung sino ang umentra!
Naka-leggings sila! Kaya naman ay hapit ang mga nakabalandrang taba.
"La, la, la! Diva, diva, diva! Uno, uno, uno! Dos, dos, dos! Tres, tres, tres! Uno, dos, TresLaDiva!" sigaw nina Bella sabay taas ng kamay.
Uh, okay? What were they doing there?
"Stamina-mina, e, e, kami ang TresLaDiva! Stamina-mina, stamina-mina, humanda si Shakira—" Binatukan ni Bella si Yvonne na gumiling.
Nagtaka naman itong napakamot-ulo. "Uy! Usapan nating may gano'n tayong grand entrance. Bakit hindi n'yo itinuloy?"
Pumamaywang si Michaella. "E, kasi nga, palpak ang biniling party popper—"
"Enough, girls! Let's go back to work . . . and finish the name of the selfish Delacruz family na walang ginawa 'kondi' umepal sa isang simple stage na for us lang dapat!" Lumapit si Bella sa amin na ikinaingay ng tao!
Para sa aking proteksiyon, itinago ako ni Everette sa kaniyang broad shoulders. Kumapit ako roon para silipin ang aming—
"Rival! They are the rival!" Agad na lumihis ang imahe ng host sa eksena. Dumiretso na lang muna siya sa backstage.
"She is getting insane, but, luckily, she saved Naomi from the mental block," sabi ni Selena'ng nakahalukipkip sa aking likuran. Kinindatan niya naman ako bago humupa ang katahimikan.
"Oh, Paolo, the wanna-be savior of Naomi." Ipinagtaasan kami ni Bella ng maotoridad niyang kilay. "Give me that mic!"
Nilagpasan niya si Wilson! Pagkasugod sa kumpulan, saka niya hinablot mula sa akin ang hawak kong gintong mikropono! Mistulang nawalan ako ng kapangyarihan! Napaurong ako sa biglaang pang-aagaw niyang iyon!
Umugong ang speaker pagkasalita niya pa lang ng—"Nice boys, Naomi. You already got three." Sinundan ko ang kaniyang titig kina Wilson, Jaxon, at Everette. Hindi naramdaman ng aking ulirat na napalibutan na ako ng mga ito! Oh, shems! I did not even dare to seduce Jaxon and Wilson, ey!
Bella's chuckles influenced the mic, dominating the gossips of the judging crowds throughout the entire hall.
Inirolyo niya ang makintab na mata bago humalumbaba. "Sometimes, Naomi, the truth slaps you down." Tila nag-alburuto sa inis ang nagsilabasang buto sa aking kamao. Si Wilso'ng may dalisay na puso, panay sapo sa noo, umiiling dahil gusto nang makalayo-layo. Ganoon din ako. Pati ang aking kilay ay gustong magkatagpo, kinagigigilan ang nangungutob na engkuwentro!
Sa kasamaang palad, may sinabi siyang ikinahagibis ng aking damdamin, "Don't you know that Naomi and Selena are two insecure people challenging us? The latter was even desperate to have me," pahayag niyang tumatango, siguradong-sigurado sa kaniyang itinatawag na katotohanan, ngunit gawa-gawa lamang na teoryang walang katuturan. "Besides Selena, Naomi is fixed marriage, but is not contented with the perfect boy she had . . . and the business she had, so she wanted to become a singing star. Singing is a direction to stay away from her family because she hates her business and does not like her fiancé. It just makes sense, right?"
At gumunaw nga ang mundo! Ang umalerto kong reaksiyon ay napalitan ng pagkaagresibo. Kasabay ng pagkulo ng aking dugo, nanggagalaiti iyong dumaloy sa nanginig kong ulo! Marahas na kumalabog ang prustasyon sa dibdib ko. Ang mga mata ko ay sumaklolo, nakikiusap na huwag munang maniwala sa maling info.
Ako ay napuno, nilalamukos ang mundong mapaglaro! Ang napahintong katawan ay gustong manakal at tumakbo . . . samantalang ang nakakunot kong noo ay iniiringan ang pagkautak-talangka ng demonyo!
"Is that true, Naomi?" Napalayo ako sa papadilim na aura ni Jaxon. "Kaya ba kanina mo pa pala ako nilalambing so it won't be obvious—"
"Why are you even saying that lalo na at kaaway natin siya? Hindi ko naman siya kapatid para malaman niya kung ano ba ang nangyayari sa buhay ko, hindi ba? The heck, Jaxon! Mabilis kang magpatukso!"
Nakumbinsi naman siya sa nakababasag kong galit, nakatatarak na ekspresyong masasabing ako ay lubos na nabubuwisit!
Umiling ako nang paulit-ulit. Bakit sa hindi-makataong lipunan ako nagpakasakit? Tadhana, bakit hindi sila mawala-wala sa iisang pikit? Nang dahil sa galit ay ako ay napasirit at ngumiting mapait! Tuluyan ngang kumupas ang aking bait.
Kung wala naman akong magandang sasabihin sa mga uto-utong manlalait, nagpakapipi ako habang binabanat ang aking damit.
"Ang talino ni Bella, ano? Tama nga sabi niya, makasarili ang Pamilya Delacruz!"
"Nasaksihan ko nga sa Pateros noon ang bibig nilang walang habas!"
"Mayayamang mataporeng magnanakaw na buwayang nakatataas!"
Tumatakbo ang oras, kaya walang panahon para magmakaawa nang wagas sa mga Hudas. Puro lang naman kasi silang pintas! Ang mga dila ng kasamaan ay para akong marahas na hinahampas. Pagkatapos kong ayusin ang aking sintas, napagdesisyunan kong tumakas. Makalabas! Makaiwas! Kumalas! Sumilong sa pag-ulan ng nakalalasong duro na parang sinasabing wala akong kuwenta! Kung sino ang natitirang taong maniniwala sa akin, ayon na iyon!
Instead of fighting back like a raging fire, I let them be like calm waters. What I did was not a sign of losing . . . but a symbol of class.
Kaya no choice, hinigit ko ang aking kamay mula sa aking fiancé.
"Naomi—"
Nangongontra ang aking paningin, tila apoy na nababaliw sa kaniyang pag-alab. "Huwag n'yo akong susundan!" Dinuro ko sila at umeskapo sa entablado.
Sa backstage, palukso-lukso akong tumakbo paparoon sa bintana, sa bintanang nakapaskil ang bughaw na kalangitan. Kalangitang kung puwede lang sana . . . kaulapan na kung saan puwedeng mamahinga muna.
"Naomi! What the heck are you doing? Just please—No!"
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top