꧁𝟏𝟓.𝟒⢾░▒

꧁ 𝐒𝐄𝐀𝐒𝐎𝐍 𝟐 ✢ 𝕯𝖎𝖆𝖑𝖔𝖌𝖚𝖊 𝖘𝖆 𝕴𝖑𝖔𝖌!


𝐑𝐀𝐕𝐈𝐄𝐑 𝐒𝐀𝐋𝐀𝐙𝐀𝐑 𝐁𝐄𝐈𝐍𝐆 𝐍𝐀𝐎𝐌𝐈 𝐄𝐕𝐀𝐍𝐆𝐄𝐋𝐈𝐒𝐓𝐀 '𝐌𝐎𝐎𝐑𝐄' |꧂ Nagtipon ang poot sa nakakuyom kong kamao! "Please, pakalmahin ninyo ako! Lord, please po!" Marahas akong tumingala sa puting kisame ng pasilyo. "Bakit nagtagpo na naman ang landas namin ng lalaking ito? Sa sobrang guwapo niya e nanghina tuloy ako!"

Sinuntok ko ang pinto habang nagngangalit ang mata, napapagod ang baga kahihinga! Kasabay niyon ay ang pag-angat-baba ng nakaumbok kong bra sa damit kong pula.

Nanatili muna ako kina Amelia. Paraan na rin iyon para ang i-stress ay mawala! Gusto kong mailabas sa aking kasa-kasama ang mga hinanakit sa pamilya. Ang dapat na masaya kong araw ay napakamalas pala! Kung ganoon ang ibinunga ng tadhana, talagang mas masigla pa sa manok ang aking pagtilaok sa umaga!

Inawang ni Amelia ang pintuan ng CR. "Aba-aba, timang! Heto! Heto, tubig! Pakisabi sa pamilya mo, 'pakyu' sila, gano'n!" Tumabi siya sa akin at inilahad ang isang basong tubig. "Usong mag-move-on! Akala ko ba ay magmu-move-on ka na sa Jaxo'ng 'yan e 'yon pala ay apektado ka pa rin!" Hinigop niya ang tubig na dapat ay sa akin. "Akala ko ba ay tentative lang daw ang plano? Kung makaasta ka e, parang magpapakamatay ka na!" Hinampas niya ang puwetan ko kung kailang kukuhanin ko na ang baso.

Sinamaan ko siya ng tingin bago umangal, "Ano ba! Hindi ganoong kadali iyon! What if kung confirmed na? Paano ko siya tatratuhin lalo na at sinaktan niya ako noon?"

Sinimangutan niya ako at saka itinabingi ang sariling ulo. "May annulment naman, e. Puwede ka namang sumuway. Ampunin ka namin, ganoon. Dapat kasi hindi ka nagdadalawang-isip na magsakripisyo! Pero sabagay, hindi ka pa naman exposed kaya pati pag-move-on, pag-inom lang dati sa wine glass, pag-ayos ng kama, at sa pagtawid, hindi mo pa alam kung pa'no." Tumalikod siya para ipagbuksan ng pinto ang kaniyang kuyang abala sa pag-Wild Rift. "O, si Oppa! Nandito na pala! Tulungan mo nga itong maka-gain ng experience sa labas para mai-handle niya iyong pagwawala niya! Binato kasi iyong isang vase doon sa chimney, e!"

Inupuan ni Paolo ang pink na kobre-kama. "Stop! Didn't be noisy! I'm busy in killing enemy." Tila nakadikit ang nakayeyelo niyang tingin sa nakabubulag na i-screen ng cellphone.

Namayani ang mala-instrumentong tunog doon na parang may tubig na nagspa-splash. "Retreat!" alingawngaw niyon.

Isinara naman ni Amelia ang pintuan bago ako kausapin, "Pasensiya na, timang, para sa kuya ko. Na-miss niya lang kasing mag-tournament sa akademya kaya ayan . . . puro Wild Rift—'yang mga may pa-shield-shield, patayan, at saka mga magic na labanan?" Napabuntong-hininga siya. "Ay, na 'ko! Adik!" Bumaling siya sa kumaluskos na fireplace na nagdala ng makapal na usok. "Pero aba-aba! Kumusta na? Long time no see. Ikuwento mo naman sa akin 'yong mga nangyari sa 'yo." Siniko niya ako na aking ikinangiti.

Magsasalita na sana ako ngunit nag-follow up na naman si Daldal. "Sina Bella at Selena, nakita mo na, 'di ba? Kung hindi lang ako nag-exist sa buhay n'yo, hindi babait ang isa. Ano naman ang reaksiyon mo ro'n lalo na at alam mo na ang katotohang ipinasampal ko sa 'yo? Na all those times ay plinastikan ka lang kasi pareho kayo ng gusto?"

Bumaba ang aking tingin sa puting tiles, nakahalukipkip. "Heto, frustrated. At saka, ayaw ko na rin munang pag-usapan iyon—"

Siniko niya muli ako. "Aba-aba, timang! Sa panahon ngayon, sa mundong inaapakan mo ngayon, hindi mo na kailangang ipagtago iyang nararamdaman mo." Nagsalubong ang kaniyang kilay, pasulyap-sulyap sa aking likuran. "Oo, siyempre . . . mas masakit pa sa mawalan ng boyfriend ang pagbe-break ng magkaibigan. Pero alam mo kung ano ang dapat mong pairalin . . . ang pagiging matapang. Independent. Dahil tayong tatlo na lang dito sa alternate reality ang magkakakilala . . . at magtutulungan."

Napangiti tuloy kami sa isa at isa.

That was what I learned from Amelia—to be a risk-taker. To be expressive!

"Pero kahit ganoon, maraming salamat, friend." Namasa ang aking mata sa ligaya. "Dahil hindi ko pinagsisihang kaibiganin kita. Kahit halos kamuhian man ako ng lahat, nandito pa rin kayo ni Paolo sa tabi ko." Lumingon ako kay Paolo na papalapit na sa akin—ay este, sa amin. "May magic ka man o wala, ikaw pa rin ang Rhea na bungangera at mabait sa akin. At saka, thank you rin kasi, kahit sa maikling panahon ay nakitaan ko rin ng kabaitan itong sina Bella at Selena." I chuckled.

"Aba-aba, timang! Grabe naman ang 'ratatatat' na bungangera. 'Yon lang ba ang naalala mo sa akin—"

She stopped barking when a tough hand wrapped around my porcelain shoulder. I looked to the left, then a freckled man stumbled. The smile that surfaced upon his face was the most captivating magic in the world!

I stared at his bluish iris. Those freezing stares poured into my tender heart with heat! His Johnson's baby cologne scent rapidly absorbed our senses that eager me!

Napapikit ako saglit. Nabuhayan ng saya ang aking kalooban nang makita siyang buhay, humihinga. I opened my eyes to grasp the world's beauty.

"Finally, I see you again. P-Pumogi ka." Napakalapad pala ng naipamalas kong ngiti! Sa sobrang paglobo ng aking karupukan ay hindi ko maiwasang tumili—

"Aba-aba-aba-aba, mga timang! Nandito pa ako, o!" Napabalik ako sa reyalidad sa palakpak ni Amelia. Oh, sorry. "Kung gusto n'yong magharutan nang walang naa-outcast, layas! Hindi ko kayo kailangan!" asik niya sabay turo sa pintuan. "Doon kayo mag-usap sa labas para may bonding kayo! Sige na! Ako na ang single! Iwanan n'yo na 'ko! P.I!" Sinamaan niya kami ng tingin at saka inagaw ang cellphone ng kapatid para makapag-Wild Rift.

"Okay," nakangiting turan ni Paolo bago ako harapin. "Ravi, mag-dialogue tayo sa ilog."

Nanliwanag ang 'feslak' ko sa sinabi niya. "Bakit naman sa ilog pa tayo magda-dialogue? E, puwede naman sa sala kasi masyadong delikado na rin sa labas. Lalo na at pahupa pa lang ang bilang ng mga may COVID," sabi ko nang papalabas na kami ng kuwarto ni Amelia.

Tumikhim siya saka itinaas ang kamao. "Didn't worry. We's going to use the face shield!" Natawa ako. Favorite mo talaga ang salitang shield. Palibhasa, magic power niya iyon, e. "Para na rin—'di ba sabi ni Amelia, hindi ka sanay sa labas? Okay nang makapunta ka na rin sa kalupaan. Lagi ka kasing nakalugmok sa dagat kaya ka sea turtle, e," biro niya.

"Ang korni mo!" Sinampal ko siya. "Sige na nga, gusto ko na ring makalabas. Huwag mo akong iwan doon, ha. Baka maligaw ako!" Lumabas na kami pagkatapos ay umapak sa gilid ng Bambang bridge.

Kalmadong umalon ang ilog. Nakasisilaw ang tanglaw ng mga kotseng bumusina at ng mga gusaling matatayog.

Maluwang ang tulay. Kaya puwede pang makapag-social distancing sa tuwing may kasabay. Mayroon nga kaming nakasalamuhang babaeng may batang akay. Sa kalsada ay umilaw ang dalawang kotseng makukulay.

Suot namin ang face mask sa gitna ng paglakbay. Bagay sa aking kasama ang pula niyang T-shirt na galing pang Taytay. Dumako ang aking tingin sa mga batang pasaway. Sa alanganing lugar pa kasi tumambay at nag-iingay!

Bumaba ang aking tingin sa mga mangingisdang nasa bangka at nakasakay. Kaway sila nang kaway sa kanilang kaagapay, nakangiting tagumpay dahil nakahuli ng isdang buhay. Since amoy malansa, ipinantakip ko na lang ng ilong ang aking pamaypay.

Kami ni Paolo ay hindi naghawak-kamay. Nakapapanibago dahil hindi ako sanay. Parang naging iwas siya sa akin kahit hindi naman kami magkaaway. Noong ako ay naging si Naomi, ang pag-awang ng aking labi sa pagtataka ay walang humpay.

Nilunok ko ang nakabara kong laway dahil hindi ako makapaghintay. "Ano ba ang gusto mong itawag ko sa 'yo." Tumawa ako nang 'pabebe'. "Ang dami mo kasing pangalan. Nalilito na ako kung ano ba ang dapat kong piliin. Paolo ba? Everette? Gilbert? Or Oppa?"

Lumawak ang ngiti ko, humalukipkip, at bumaling sa papalubog na araw. Since mahangin, ang maalon kong buhok ay nakain niya na yata pang-merienda. Chour!

Ano kaya ang pipiliin ko sa apat? Paolo, Everette, Gilbert, or Oppa?

Tumugon siya, "Ako na lang piliin mo." Kumurba ang maputla niyang labi.

Napangiti naman ako roon, pero pinalo ko muna siya, ano! "Do not be so cheesy to me, Paolo. Seryosong usapan ito, hoy!" Hinawi ko ang aking buhok na nahanginan. "Ano ngang ano . . . endearment ang gusto mong tawagin ko sa iyo?"

Nakapamulsa siyang sumagot, "Everette." Itinaas niya nang sabay ang pareho niyang kilay as if inasahan niyang ganoon ang aking tatanungin.

Ngumuso ako. "Bakit naman Everette, 'ateng'?"

"Kung pagsasamahin mo ang pangalan natin, ganito 'yon. Everette." Tumango ako. "Everette plus Ravier . . . equals . . . EveRavier!"

Napangiti ako roon. Nakawawala naman siya ng stress! "Ikaw, ha!" Dinuro ko siya. "Huwag mo akong ganiyanin. Ano ba!" Nakabibiyak ang aking padyak sa semento. "Hindi naman tayo magka-love-team para pagtambalin ang mga pangalan natin, e!"

Pero oo nga naman. Ipinagkibit-balikat ko na lang. Mas bagay ang pangalang Everette at Ravier kumpara sa iba.

Kinunutan ko ng noo ang mga kumislap na bituin para makapag-isip.

"Hindi kaya." Nagtama ang aming paningin, nagtataka. "EveRavier? Parang EveRavier battery naman iyan, e. Iyong pusang itim? Eveready battery," biro ko. "Joke lang!" Saka ako nag-piece sign para kumalma siya.

"Ayaw ko na ngang makipagbolahan sa 'yo. Hindi naman pala si Ravi nakikita ko, e." Pumamulsa siya at saka ako nilagpasan.

"Hoy!" Inalog ko ang maugat niyang braso. "Kahit na sabihin mong pang-Naomi man ako sa panlabas na anyo, mas matimbang pa rin kung ano ang nasa puso ko," sabi ko sa kaniya.

I used my sighing voice to seduce him. "Inside this body existed Ravier's soul, your friend that captured your heart." Since I was wild, I locked his hand slowly on my chest.

Agad niya naman akong pinakawalan, ayaw akong hawakan. "Sige na nga," nakangiwing saad niya at saka naunang maglakad. "Tanong lang. Bakit kasi iyong paraan mo ng pagsasalita . . . parang POV ng babae?"

Nagsalubong ang aking kilay pagkatapos ay nilapitan siya. "Ano ang ibig mong sabihing POV ng babae?" Ipinagtaasan ko siya ng kilay, tinanong kung ano ang gusto niyang iparating.

Umamo ang kaniyang ekspresyon. "Kasi, lahat ng mga baklang nakikita ko . . . masyadong energytic. Panay sila ng gamit ng mga gay lingo ba 'yon? Pero bakit ikaw, parang pambabae iyong paraan ng pananalita mo?"

Ano ba iyan? Mood swings! Noong una, nagalit ako. Pagkatapos niyon, nagpaka-sweet ako. And then, maiinis na naman ako hanggang sa magalit na naman!

Nanlisik ang aking mga mata sa kaniyang ikinumento. "Hoy!" Dinuro ko siya. "Alam mo, Mount Everette. There is a word called 'uniqueness' and 'human'. As a part of the rainbow community, I am still a human—a unique 'hooman'." I possessed a distinct voice, different personalities, and viewpoints that could separate me from others. "Kaya huwag mong sabihin sa aking bakit babae iyong way ng pagsasalita ko, at parang hindi katulad ng mga ibang bakla na palagamit ng gay lingo like girlalu or whatsoever. Mag-research ka muna, ha!" Ngumiti ako sa kaniya nang matamis.

Kaya, hey! Stop the stereotypes!

"O, sige na nga. Ikaw na," aniya at saka tumungo sa hiya.

What? That was it? Weak response to my argument. 'O, sige na nga. Ikaw na.'

Dinuro ko siya. "Do not you know what are you saying? That phrase is so 'smart shaming'!" Bumagsak ang aking balikat, naparolyo ng mata, pagkatapos ay pinaypayan ang sarili.

Yes, I saw more of Paolo's imperfections. But it did not mean that I should rebuke him, ano. Tao rin siya. He had so much to learn, but I had no choice but to teach him a lesson. At saka, ano na rin, e. He was from the other realm and mostly prioritized magical competitions, so he might lack time to know more about humanity.

"Ang sabi ko kasi, sige na nga." Itinuro niya ako. "Ikaw na—"

"Aba, inulit mo pa—"

"Patapusin mo muna kasi ako!" Umusok ang ilong ni Paolo.

Paolo. Pao-Pao, the carabao!

Sige na nga. Tahimik na me. Chour! Masaya na naman 'akesh'!

"Nami-'missinterpuwet' mo kasi ako," sabi niya.

Umabot sa bente ang aking tawa. "E, paano naman kita hindi mami-misapprehend kapag mali ang sinasabi natin? Sa susunod, ha. Tuturuan kita kung paano ang tamang syntax. O." Tinitigan ko ang mapekas niyang pagmumukha. "Ano ba kasi ang ibig mong sabihin doon?" tanong ko nang nakapamaywang.

"Sabi ko, sige na nga. Ikaw na. Ikaw na ang nagpa-realize sa 'kin na . . . toxic lang akong tao sa iyo." Tinalikuran niya ako at saka ibinaba ang tingin sa daungan.

Napatigil ako sa kangingiti.

Ang mga daliri ko ay nagtipon sa kaniyang broad shoulders. "Okay lang iyan, Everette." Lumapit ako sa tainga niya, bumulong, "Hindi masamang magkamali. Bilang kaibigan, tatanggapin at tatanggapin ka namin ni Amelia kahit ang opinyon mo ay iba sa amin." Tumungo rin ako para masdan ang nakalululang ilog. "We are friends, right?" Hinimas ko siya sa likuran na ikinatuwid niyon.

Ngumiti ako sa kaniyang reaksiyon. Kita pala sa ilog ang aming repleksiyon—gumiling dahil sa malikot na alon. Itinuro ko kay Everette iyon. Ngunit noong ipinagtuunan niya iyon ng atensiyon, saka na lang iyon nahadlangan ng mga dahon.

Sa alternate reality, kasinlinaw ng sa Boracay ang tubig ng Ilog Pasig. Ang pananalamin nga roon ng Ortigas skyline ay nakapupukaw-interes at nakaaawang ng labi.

"Ikaw, could you say something about yourself? Bakit mo ako naisipang kaibiganin?" I questioned as my crossed arms relied upon the fence with lamp posts guiding our vision.

In my peripheral view, his shadow looked at me. "Alam mo kung ano ang gusto ko?" Our gazes collided with eyes squinted. Ano? "Gusto ko sa mga bakla," sagot niya nang nakakunot-noo, hindi sigurado.

Nakaramdam ako ng kiliti sa tiyan na siyang nagpatawa sa akin. "Bakit naman bakla ang gusto mo?" tanong ko habang sinusuring mabuti ang namumula niyang mukha.

"Bakit ka natatawa?" Sumeryoso ang kaniyang pananalita. "Mahirap bang tanggapin kasi sayang kapogian ko?" Itinuro niya ang kaniyang sarili.

My aching head shook in disagreement. "N-No!" Five of my fingers pulled my messy hair. "No, it did not deteriorate your quality as a person. Yes, I was shocked kasi ngayon pa lang naman tayo nagka-get to know each other, e. Pero, curious lang. What are the roots of that feeling?"

To keep his serenity, he faced me by leaning his left arm against the fence. "I haved a bird." The radiances from the lamp posts enlivened my expression. "He is name is Luwaya. Bakla siyang ibon na mahilig magtsatsa-charot at papila-pilantik pa ng pakpak!"

Natawa ako noong ginaya niya ang malamyang paglipad ng kaniyang alaga. Pan-Donald Duck naman iyong ginawa niya, e. Chour!

"A, so sa kaniya ka pala naimpluwensiya? Sayang at sana sinamahan n'yo siya rito! Siguro mag-e-enjoy siyang makapang-i-stalk ng Ken kasama ang mga ka-Barbie niya." Chour! Hindi na talaga ako makapag-isip ng matinong joke kasi ang lutang ko noon!

"Huwag ka nga! Pasalubong pagkain lang naman ang habol niya sa 'min," paliwanag niya.

Nang tumatag ang katahimikan, hinarap ko siya. "Let us go. Baka nagpatawag na ng barangay itong si Amelia. Alam mo naman iyon," paalala ko nang may bahid ng pagtawa. Kami na lang pala ang naroon sa Bambang bridge. "Bilisan na natin. Baka may curfew." Then we brisk walked.

Umangat ang aking palapulsuhan para tingnan ang relo kong 'nagti-tiktok-tiktok'.

Seven forty-five na pala! Nilukob ng kaba ang aking damdamin. Kailangan na naming magmadali dahil hindi talaga ako sanay sa kadiliman!

"Don't you worried, Ravi. Maaga pa naman 'tsaka, kasama mo naman ako, e," singit ni Everette, pero hindi ako pumatol.

And speaking of darkness. "Everette," tawag ko sa kaniya. "Could you please explain more about that Tempiros guy? His presence way back then was distracting me . . . lalo na at kapag masyado akong nagiging negative sa buhay."

Sapagkat nakapokus kami sa isa at isa, bumagal ang aming paghakbang pababa sa arkong kalsada. "May sasabihin ako sa iyo," banta niya bago ako lapitan. "Huwag kang masyadong made-depress, dahil may mga bad spirits na aaligid talaga sa 'yo. Mararamdaman mo iyon kapag nakakita ka ng anino—tahimik na aninong nakalutang sa sumasayaw mong pulang kurtina!" Namilog ang aking mata sa kaniyang babala! "Pagkatapos n'on, tatabi siya sa iyo! Bubulungan ka! At sigurado akong wala ka nang bukas!"

Tamang-tama ang kaniyang kasabihan! Ganoon din ang aking naranasan!

Noong nakaraan, agad akong naghanap ng pagtataguan sa gitna ng kapighatian! Nang dahil sa mapanghusgang lipunan, ako ay napayakap sa nakatatakot na kadiliman! Marahil ay iyon lang ang nakitaan ko ng walang kapantay na kapangyarihan!

Tumuwid ang aking balahibo sa kabila ng mainit-init na kasuotan! Napaupo ako sa kinatayuan! Dahil mayroon akong malamig na likidong naramdaman!

Kusa iyong tumulo sa ibabang parte ng aking katawan!

Kinapitan ni Everette ang aking braso para ako ay alalayan! Bakit sa alanganing lugar pa ako tinamaan ng ganiyan? Doon pa malapit sa languyan?

Hinipo ko ang aking puwetan.

Duguan!

Binalot kami ng sandaling katahimikan.

Ang bughaw naming mata ay nagtitigan.

Ang naipon kong inis, galit, karupukan, katuwaan, katatakutan, napalitan ng kalituhan!

Hindi ko nakontrol ang pagkabog ng aking dibdib sapagkat sumibol ang kabiglaan!

Ang nanginig na lamang-loob sa bandang puson ay nagkirutan!

Ang aking pasador ay basta-bastang narumihan!

"E-Everette, m-mamamatay na yata ako. Call the hospital."


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top