꧁𝟏𝟓.𝟑⢾░▒
꧁𝐒𝐄𝐀𝐒𝐎𝐍 𝟐 ✢ 𝕾𝖚𝖗𝖕𝖗𝖎𝖘𝖊!
III. On the twenty-fifth of October eighteen-hundreds, one couple neglected a toddler. They sent the young man to one of the Overworld's orphanage that carried poor, trapped souls. When the child's feet stepped on its grounds, violence, melancholy, and sin influenced his innocence.
In the city of Baguio, there stood a freezing structure. Snow Queen's stalactites made their way to hang on its faded slates.
Secrets behind its snowy edifice dwelled the influence of alcohol, chopping off arms, scourging, swallowing of organs, and other bloody acts of violence staining the neat floor!
Grim reaper guards caged the innocent child in a dark room. Street posts outside were the only balls of light passed across the bars to enlighten his hopeless face. On a hospital bed, there seated a China doll. The mannequin was wearing a blue gown with a white apron upon it.
The young boy held his hands. "Hermosa!" he praised, walking to the beautifully dressed entity.
Its porcelain skin was reflecting despite being bounded by the shadows.
He pulled the figurine's hair that concealed its innocent face!
Behind an innocent mask could be the rumbling of wildness!
The freckled mannequin showed its eyeless face, smiling as it was piercing into the child's organs!
Beauty could deceive!
His pitchy scream reverberated through the darkness, frightened!
He was free when he aged. As he grew older, a prominent family raised him. Tempiros recklessly shattered his throne to escape—to avenge the souls who pushed him to the shadows of his weakness!
After reaching the depths of horror, darkness was his loyal friend, while the beauty of light was his enemy!
Because of light, mortals spotted rainbows!
Those colorful arches signified beauty!
Elena Ravenita was the goddess of the rainbow community.
In the next generations, an avalanche of darkness would soon surmount her shining light!
All rainbow members must prepare themselves for their impending downfall!
"Tempiros Virgilio, parang awa mo na! Si Nohemí Evanghelista na lamang ang tangi kong pag-asa! WOAA—"
"AH! I feel good 'tenenenenenenen', I knew that I would, now 'tenenenenenenen'. I feel good~"
𝐑𝐀𝐕𝐈𝐄𝐑 𝐒𝐀𝐋𝐀𝐙𝐀𝐑 𝐁𝐄𝐈𝐍𝐆 𝐍𝐀𝐎𝐌𝐈 𝐄𝐕𝐀𝐍𝐆𝐄𝐋𝐈𝐒𝐓𝐀 '𝐌𝐎𝐎𝐑𝐄' |꧂Nagising ang aking diwa. Pinalo ko ang pausog-usog na iPhone na umalarma sa kama. Ang sakit sa tainga! Huwebes, alas-nwebe na pala ng umaga! Walang pasok dahil kaarawan ng may-ari ng school na si Father Muezca. Since walong oras akong nakahilata, ipinuwersa ko ang aking abdominal muscles na nagpaikot sa aking mundo bigla!
"AH!" Napasigaw ako nang bumukas ang aking mga mata.
Ang plano sa akin ni Mama Sofie ang unang tumatak sa aking memorya! Siya ang aking dating inang naging tita ko na.
Mayroon daw siyang pasurpresa! Ano kaya ang regalo niya sa akin pagdating sa gusali ng Nondria?
May meeting ang buong Pamilya Delacruz, sabi niya. Ano kaya ang mga maihahaing paksa sa lamesa?
May sikat na pamilya rin siyang inimbita! Masyado naman akong maganda para makapag-attract pa ng bisita. Nakapagtataka!
Birthday ko na ba?
Hindi naman.
Lumipat ang aking tingin sa nakalambiting kalendaryo.
Pulang tinta ang bumilog sa September twenty-two, two-thousand twenty-two.
The moment of truth had finally landed on the urbanized land! I stretched my arms wide, cherishing the breeze of the two orbit fans. "Good morning, a whole new world!" I greeted, facing the rising sun.
May nag-doorbell saka nagkatok sa aking kuwarto.
"Who is there?" tanong ko sa maarte at ganadong tono. "Wait lang po, ha. Aayusin ko lang itong kama ko—"
"Nayumi? Aku na ang mag-aayus diyan ng kama mu." Umawang ang pinto at ang bumungad doon ay si Manang Sally, ang lula kung Pinay na masarap pakinggan ang aksint.
Chour! Ang sama ko na! Pero totoo naman, e! Her accent touched my happy heart because our language was growing. Dahil na rin iyon sa marami ang gumagamit at nagbabago ang pronunciation ng isang salita.
"Sabi ng mama mu, bumaba ka na raw dahil may bisita!" aniya at saka pinanlakihan ako ng mata.
Nagsalubong ang aking kilay pagkatapos ay pinamewangan ang tagaayos ng kamang si Manang. Why was she shocked? May problema kaya ang 'buwisita' namin?
Pero since top one ako, baka balak nila akong i-greet at regaluhan ng 'boyfie'!
Chour! Hindi pala 'boyfie', panty!
For my pussy! O hindi kaya, napking Charmee! Chour!
Ayaw ko siyang tanungin kung sino ang bisitang iyon. Gusto ko iyong may pa-thrill! Ayaw ko ng spoiler. Kaya nga surprise chapter in my life ko iyon, e!
Chour!
My feet jumped up and down for joy! I was so very filled with happiness that day!
Ngumiting malapad ako na tila pinasukan ng enthusiasm ang aking katawan. "Manang, since masyado akong masaya ngayon." Natawa ako. "Tulungan ko na po kayong mag-ayos ng kama," turan ko. Pagkatapos niyon ay ipinatong ko isa-isa ang mga malalambot na pink na unan.
Nag-thank you naman siya. "You are welcome." Itiniklop ko ang mga dapat tiklupin. Ang pagiging masipag ay dapat sulitin, hangga't hindi ko pa kaharap ang mga hugasin. Chour!
Pagkasara ko ng pintuan ng kuwarto ay binati ako ng limang yaya. Bawat isa ay may dala-dalang kahong galing pang Nondria.
"H-Hi po? K-Kumusta? Is there a problem?" untag ko sabay tawa nang mapakla.
Tagaluto sila! Ang suot nilang apron, chef hat, long socks, leather shoes at lolita dress ang una kong napuna. Walang bahid iyon na mantsa at saka amoy bagong laba!
Inangat ko ang labi kong mapula. Hindi pa kasi ako sanay na makipag-usap sa kanila! Napakagat-labi 'akesh' habang ibinabaluktot ang mga daliri ng paa sa hiya.
Sabay-sabay silang nagsalita, "Miss Naomi." Nag-bow sila. Masyadong magalang, aba! "Nandoon na po sina Madam Sofie at Madam Susan sa baba. Hinihintay na po nila kayo dahil may mga bisitang nakaupo na."
Gumuhit ang pilit na ngiti sa aking 'feslak' at saka tumango. Nawalan ako ng ganang kumain. Bibili ako mayamaya ng Appebon for teens para maka-regain muli ng appetite!
Makikita kong muli ang dati kong mama na pinalayas ako matapos masaktan!
Umangat ang dalawa kong kilay. "Sige po. Thank you." Tumaas-baba ang aking baba sa pagsang-ayon habang lumalapit sa dala-dala nilang kahon. "Puwede ko po bang tingnan iyong mga susuotin ko?" I questioned using my quivering, giggling voice.
Their fingers clustered on the five boxes' lid, taking it away to grasp my embedded dress.
My eyes dashed on the white box. Oh, my! Feelings of bewilderment aroused when I saw a V-neck-sequined white dress. Inside the second box, there sparkled a detachable white skirt.
I looked for the others. Dolce & Gabbana perfumes and golden jewelry loaded the boxes. My nostrils expanded when I inhaled its floral scent!
Kumulubot ang aking noo sa pagtataka. Ano kaya ang mayroon? "Gown? Para namang pang-wedding theme ito," puna ko nang hinimas ng aking daliri ang malambot na tela niyon.
I sighed. Here we go again! Pagagandahin ko na naman ang sarili!
Itinaas ko ang aking magkabilang kilay bago magsalita, "O, sige po. Ako na po ang magdadala niyang lima para makapagbihis na rin ako." Bumalik muli ako sa loob, nakahalukipkip. Hinayaan ko silang papasukin sa kuwarto para naman may katulong doon si Manang Sally.
I looked at my reflection. When I was Ravier, I thought I was a beautiful girl on the outside, but the frustrating truth was . . . I was an ugly boy in the eyes of others.
Kaya pala hindi ako iyong tipo ni Jaxon. Lalaki pala ako sa paningin niya!
My blue eyes conveyed sadness. It faced down the wooden ground like it would rain teardrops anytime. I puffed, breathing in the air as much as I could manage my sentiments!
I feel like a girl outside, but I had no plans to change my private parts. Hindi naman ako diri sa mga iyon. Tinanggap ko naman kung ano ang ibinigay sa akin ng kapalaran.
Pero why did I have to feel that way?
Tumingala ako, nalilito! Mag-isa lang ba akong nalito, lutang sa kalagitnaan ng pagdiskubre ng espisipikong kasarian ko?
Sa sobrang unique ko ay hindi ko na pala kilala nang buo ang aking sarili! Nangapa pa rin ako sa kung sino ba talaga ako!
Was that feeling still fitted into the definition of gay? Or was I non-binary? My inner voice asked, uncertain.
Did those genders matter a lot?
I focused on the mirror. My porcelain skin kissed the bright dress I wore while the maids kept braiding my hair into a fishtail. Since I was a newbie to that fashion, my sandals' heels had shaken my feet like earthquakes.
"Ang hirap," I whispered out of nowhere.
Nakapagbihis na ako. Habang naglalakad patungo sa engrandeng hagdanan, hindi ko maiwasang ma-overwhelm sa laki ng hallway.
My maids stood beside me. Besides the bulky white pillars, hot sunlight passed through the long windows that shone on our marbled tiles. The maid's steps and gossips were the only ones who form the most noise.
Royal wallpapers covered every ceramic wall that felt glossy when touched. My head held high, then beheld up. Gold gypsums in the ceiling complemented the twinkling lights and humming ceiling cassettes.
Umabot nang tatlong taon ang pagpapatayo ng aming mansiyon. Hayun daw ang pinakamahal na mansiyon sa Pilipinas dahil nagkakahalaga pa ng bilyon.
Isang libong empleyado ang naroon. Kaya naman ang pag-arkila sa mga staffs ay binonggahan. Kailangan ko na talagang mag-adjust sa panibagong kapaligiran.
Bawat daang maaapakan, may nakaantabay na mga bodyguards na hindi ko nagustuhan! Kung may galaan kasama ang kaibigan, hindi ko sila pinapayagan. Ang pagiging feeling protected ay hindi ko naman nakasanayan. Nakaiilang naman talaga kapag may nakatitig sa akin sa tuwing may katsismisan.
Bawat empleyadong aking nalapitan, may magsasambit ng aking pangalan.
"Good morning po, Miss Naomi," mga yaya ang tumuran. Tulad ng kinaugalian, sila ay nagyukuan bilang paggalang sa magiging tagapagmana ng mga mamahaling ari-arian.
Bumaba na ako papunta sa hapagkainan. As usual, hindi agad matutunawan ang aking tiyan!
Ang twenty-seater antique dining table ay dinesenyuhan ng prutas. Turkey, beef broccoli, mozzarella, and Japanese rice were my breakfast! Ihinanda na ni Manang Sally ang Conti's Mango Bravo bilang panghimagas!
Ang kaputian ng pintura at kintab ng mga appliances doon ay walang kupas! Napakapa ako sa suot kong alahas. Dumiretso ako sa gitnang silya para makainom ng mainit na gatas!
Sina Mama Sofie at Tita Susan ay nakaupo sa sala. Maraming sofa! Short white formal dress ang kanilang suot. White ang color-coding.
Napakunot-noo ako dahil may kausap sila! Sa pagkuwentuhan sila abala! Kaya pala l-um-evel up ang kanilang suot at postura! Akala ko ba ay magmi-meeting sila sa gusali ng Nondria?
Ipinatong ko ang gatas sa lamesa. Lumapit ako kay Mona Lisa na may katabing plorera para marinig ang kanilang paksa!
Mabagal na humakbang ang aking mga paa, para may segundo akong mailaan pampakalma.
Nagsalita si Tita Susan—ay este, mama ko na pala! "We are very thankful for the partnership between Nondria and Voyena!" Nangibabaw ang palakpakan sa atmospera.
Namilog ang aking mata!
Voyena? May naamoy akong hindi maganda! Alam ko kung sino ang mga miyembro ng ganoong kompanya!
Hindi ako nagpatumpik-tumpik pa! Nanghimasok ako sa meeting para magpakita sa kanila!
Pumagitna ako. "Para saan po ang mga ito, Mama?" hiyaw ko kay Mama Sofie. "Ay!" Napatakip ako ng bibig. "Tita, ano po ang sinasabi ninyong surpresa sa akin?" untag ko sa malakas na bolyum.
Tumayo si Tita Susan. "Oh, si Naomi pala." Nagpatuloy sa pagpalakpak ang mga empleyado nang ako ay pinakilala. "Naomi Evangelista, one of the notable successors of our companies." Inakbayan niya ako para talikuran ang madla.
"Nakakagulat naman, M-Mama," sabi ko sabay ngiwi. "Bakit dito pa sa bahay naisipan ninyong mag-meeting? Ang dami nila, o." Ngumuso ako sa mga around twenty na empleyado. Para silang mga lawyer na nakaupo sa supreme court.
"Anak, I held the meeting here in our house na lang. Very intimate and confidential ang meeting na ito at para hindi ka na rin mapagod kakalabas," bulong niya sa akin at saka ngumiti.
Lumiwanag ang aking mukha. Ang bait talaga ni Tita Susan!
Pabilog ang kanilang seating arrangement. Sinuri ko isa-isa ang mga kababaihang nakasuot ng puting dress, at ang mga kalalakihang nakadamit pam-polo o hindi kaya ay naka-suit.
Ngumiti nang malapad si Mama Sofie. "Maupo ka muna, Naomi." Inurong niya papalapit ang sofa sa isang binata. "Tabihan mo muna itong ka-ibigan mong si Jaxon."
Kaibigan?
Nagsalubong ang kilay ko, hindi makapag-isip. "Bakit nandito si Jaxon? Matutulog na lang ako." I mouthed that to Tita Susan, but she engaged herself by talking with the staff.
Impit namang sumigaw si Ninang Odessa sa sinabi ng katabi niya. "Sa guwapo at straight niyan, papalampasin mo pa ba, Naomi?" saad niya bago tingnan ang ex-crush ko!
I gasped, which made me stumble over words. "J-Jaxon?" That sighing voice was audible! Big lumps in my throat trembled when a bright smile plastered on a young man's face! He acted coolly by resting his muscles on the curved chesterfield!
Napahawak ako sa pisngi. Hindi ko akalaing nakita ko siya muli.
Bumilis ang tibok ng aking puso! Napakapamilyar ng pagdagundong niyon sa aking dibdib. Tumingin ako nang diretso sa kuminang niyang mga mata.
Tila bumagal ang ikot ng mundo para ma-appreciate ang kaniyang tindig!
Siya! Siya ang dati kong natipuhan! Mapapatawad ko ba siya matapos niya akong saktan? Kung mayroon naman siyang malinaw na dahilan? Ang maipaglaban niya si Selena, ang kaniyang naging kasintahan?
I walked towards him. I thought my eyes were crying, but it turned out that my temples were sweating, nervous!
Jaxon's remarkable features were unchanged: still the perfect jawline and that hot-looking tanned skin. The two dimples engraved on his cheeks showed bliss that was clearer in his almond eyes. His waxed charcoal hair shouted confidence that fluttered my heart!
Umawang ang pink niyang labi. "You looked beautiful, Naomi," bati niya sa akin pagkaupo ko.
Ginamit ko ang peripheral view. Lumingon lang ako nang slight pa-twenty-five degrees kasi nahiya ako, na-flatter. Kaya tainga na lang ang naiharap ko sa kaniya.
I looked beautiful, ha. Tinandaan ko iyang mga katagang binitiwan mo. Por que't naging diyosa na ako, saka mo lang ako hinangaan?
Hinawi ko ang fishtail kong buhok. Kung isda lang sana siya ay baka pinatay ko na siya gamit ang mala-fish rod kong buhok!
"Thank you." Tumawa ako nang pabebe. "'Hehe'" Ganoon! Awkward niyon, Ravi, pero that approach was my revenge to him! Itinaas ko ang aking kilay pagkaharap sa kaniya. "You looked cute, Jaxon." Cute lang dahil maraming mas pogi sa iyo. "Because you did something funny to me . . . in the past," sabi ko bago lumingon sa nagbasag ng kaingayan.
Kinalabit niya ako. "Hey, what do you mean—"
I shushed, then stretched my finger to my lips.
Pumalakpak si Mama—ay este, Tita Sofie, "Attention, please," panimula niya at saka tumayo.
Sinundan namin siya ng tingin hanggang sa makaapak sa pabilog na rainbow carpet.
She confronted us. "After discussing the salaries of our partnership, I am glad to tackle about Naomi's surprise! Ang surpresang ito ay bilang utang na loob na rin ng Voyena sa atin. This partnership will be the best!" Kumurba ang kaniyang labi.
Bakit kaya ang saya ng mga mata niya? Tila nasilaw sa pera!
Nakapaninindig-balahibo!
Masama ang kutob ko!
Pakiramdam ko ay hindi basta-bastang materyal na bagay ang kapalit na iyon!
Kahit kumapit ang kamay ni Jaxon sa aking pulsuhan, ipinagpatuloy ko pa rin ang pagtayo nang dahan-dahan. Ang aking paningin ay nanatili sa higanteng aranya.
Humugot ako ng malalim na hininga.
Ang paglipad ng mga paruparo sa aking sikmura!
Ang pagtipon ng mga butil ng pawis sa aking noo!
Ang pagkakakunot sa nakalilitong misteryo!
Ang pagsibol ng kaba sa sariling puso!
Parang aking inabuso!
Ano kaya ang pinag-usapang plano?
"Naomi." Tumikhim si Mama Sofie. "Dapat lagi kayong magkasabay ng katabi mo sa school para magka-develop-an na. We decided na ipag-arrange marriage namin kayo ni Jaxon Van Caleb Ramirez, ang isa sa mga tagapagmana ng partnership nating Voyena!"
Ang dugo ko ay kumulo bigla! Hayop sila! Hindi ko gusto ang ideya na kung saan ang relasyon ay idinikta!
Ang bukambibig ko noon ay puro mura! Kasabay niyon ay ang pamumula ng aking mukha! Ang namuong galit sa nakaigting kong panga ay nadama! Walanghiya ka pa rin talaga kahit kailan, Mama!
Pinanliitan ko sila ng mata. Lintik na surpresa! Akala ko ay maganda! Hayun pala ang bunga ng hiling ko kay Amelia!
Wrong timing! Kung kailang hindi ko na siya kinabaliwan!
Ayaw kong makasal sa lalaking ito!
Hindi ko na kayang mapigilan pa! Ang paglobo ng inis ay tuluyan nang kumawala! "Bakit ipag-a-arrange marriage ninyo ako sa lalaking hindi ko pa naman lubusang kilala? Bilang tagapagmana, nagsa-suggest po akong ibahin ninyo!" Naglakad ako sa gitna at itinaas ang nakakuyom kong kamao. "Kahit party na lang, okay na po sa amin! Tutol po ako sa arrange marriage na iyan—"
"Don't worry. Tentative pa naman daw iyon." Tinabihan ako ni Jaxon.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top