꧁𝟏𝟓.𝟏𝟏⢾░▒
꧁ 𝐒𝐄𝐀𝐒𝐎𝐍 𝟐 ✢ 𝐌𝐚𝐲 𝐋𝐚𝐥𝐚𝐲𝐨; 𝐌𝐚𝐲 𝐋𝐚𝐥𝐚𝐩𝐢𝐭
III. Sa talaarawan ni Elena, kinikisay ng pangamba ang kaluluwa ng sinumang magbabasa! Matapos malupak sa kamao ng asawa, nakabibigwas na sigaw ang idinikta ng Pamilya Ravenita. Tunay ngang ang amoy ng kasamaan ay maliksing madarama.
Si Tempiros Virgilio na dati ay nanghihina, lilipad nang pataas na wari agila! Sapagkat intelehente sa alhebra at siyensiya, paglikha ng mas nakamamatay na elektronika ang hinasa!
Bawat molekula ay nagwala sa silungan niyang kuweba. Sa tuwing lalagpasan ang mga sulo at kandila, ang liwanag ng apoy ay agad na mamamayapa, indikasyong nakalulukob-kadiliman ang kaniyang presensiya.
Ano pa ang importansiya ng mga mata kung tintang itim lamang ang makikita? Nakahahabag na kaluluwa!
Binalot ang kontrabida ng kapang pula. Bilang paghahanda sa nakababantang pagpapakita, itinanggal niya ang talukbong na kumubli sa kalbo at namamagang pagmumukha!
Nang humakbang sa hagdanang hinulma sa i-scoria, nataranta ang lupa! Kasabay niyon ay ang pagdagundong ng atmospera sa pagbagsak ng kaniyang mga paa! Tagos ang bagsik ng kapangyarihan kahit wala ang kakumpentensiya . . . na si Amelia Jacintha!
Pagkalabas sa ilalim ay maluwag siyang nakahinga. Hindi naglaon ay tumingala. Alas sais y medya ng gabi na pala! Kaya naman ay ang nakadadambuhalang kabilugan ng buwan ang tumungo sa kaniya, nagpapakakumbaba sa kadilimang palamára.
Nagpakitang-alindog din ang mala-paraisong kapatagan ng Bukid Amara. Luntiang damo, kindat ng alitaptap, at puno ng Acacia ang magagandang likha ni Bathalang nagpaniniil sa kaniyang sistema! Sapat na ang optimistang planeta nang matabing ang kadiliman niyang dala.
Tumikhim siya kasabay ng pagkalam ng sikmura. Hindi na siya mag-aaksaya ng panahon bagkus ay tutuparin na lang ang sariling adhika. Gamit ang paang grasa, nadampian ng karumihan ang naapakang damuhan. Nahawa tuloy ng katampalasan ang luntiang halaman. Ang araw na magpapasinag doon kinabukasan, siguradong bibigyang katapusan ni Kadiliman!
"La oscuridad cubrirá la luz que ven.(Darkness will cover the light they see)"
𝐑𝐀𝐕𝐈𝐄𝐑 𝐒𝐀𝐋𝐀𝐙𝐀𝐑 𝐁𝐄𝐈𝐍𝐆 𝐍𝐀𝐎𝐌𝐈 𝐄𝐕𝐀𝐍𝐆𝐄𝐋𝐈𝐒𝐓𝐀 '𝐌𝐎𝐎𝐑𝐄' |꧂ "Faith Over Fear! Faith Over Fear! Faith Over Fear!" Despite caging myself inside the dressing room, our fans' deafening cheers still shuffled in my ears. "FoF! FoF!" With that noise of expectations, doubt trickled down my spine.
When butterflies wreathed my body, I would continuously blink, subsiding worry before the downfall of anxiety. But as I close my eyes, a sight of darkness would forever dwell. Its pure blackness scared me away every time I open my doors for meditation. In the corner of that room stood my existence, inhaling the air of taciturn from the buzzing cooler.
I crossed my arms, not minding a stack of equipment boxes blocking in the corner. The magic of silence lured me . . . to the point that I was abusing the minutes of resting. In our break time backstage, I should have sharpened my voice from soaring high or low instead of battling with my inner demons!
I had so many bashers after Bella tricked me! The tongue of these slanders unbelievably slouched my back as if I carried the baggage of insecurities!
Oh, she sucks! Huwag lang siyang magpapakita sa akin later on! Or else, I would crash her head with Jaxon's guitar! To detonate that anger, I shakily tightened and bent my fingers, mimicking a cat's claw. I breathed heavily when my mind whispered that my heart was losing its rights in beating normally.
As inhales and exhales resonated through serenity, a helping hand heated on my shoulder, relinquishing pain. I turned back to see him.
"What's wrong in you?" My guts almost tumbled in his new look! "Is these something 'BADering' you?"
Oh, it was him, wearing a white polo with a beige suspender! His outfit looked Wilson-like because he was also wearing beige trousers and leather shoes without the glasses. It was old-school-fashioned. And since his freckled face was bright as the morning, my gaze targeted his brunette hair. Make-up artists must have brushed that backward, then sprayed it with oil, giving him a dashing look.
My mouth did not even bother to move. Kahit sinisiko na siya ng dila ko ay parang ayaw pa ring kumibo! Sinapo ko ang aking baywang. Kairita! Ano na ang nangyari sa akin at para akong manikang tulala?
"Why you are looking? Why?"
Pero since nandoon naman siya at ch-in-ancing-an niya na ako sa shoulder, hindi na ako high blood at kabado. Ang mga ngiti niya talaga ay napakakalmado.
May daliring pumisil sa braso ko hanggang sa masatinig ang endearment na— "Char, 'ket ka ganiyan tumingin? Crush mo na naman ba ako?"
Nagising ang aking diwa. Parang may cutter na dumaan. Nanindig ang aking balahibo nang may sinabi siyang kakornihan.
Tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa. Samantalang siya, diretsong nakatingin sa aking mga mata, hindi kailanman dumapo ang tingin sa bandang bra. Pero since na-conscious, ibinaba ko ang aking tingin. Naka-fuchsia pink akong dress na abot-tuhod lang. Boots na pink din ang bumalot naman sa aking nasikipang paa. The way how it dazzled looked like glossy silk, complementing my wavy hair extending to the shoulder.
I looked down at the granite tiles, stepping back, but he grabbed my waist. "Y-You look handsome today." I smiled at him, then held his muscular arm. "No, we look dashing as always."
Binasa niya ang labi gamit ng dila pagkatapos ay ikinagat iyon. Para siyang napakatanyag na rebulto ni David, hindi maalis ang nakayeyelong tingin sa akin. Gayon din ako, nakatingala lang na nilalanghap ang mumurahin niyang pabango. Sa Johnson's baby cologne kuntento. Sa aming pagtitinginan, hinayaan kong iparinig sa kaniya ang pagtambol ng aking puso.
Para hindi maging awkward, ininspeksiyunan niya ang katawan kong nilamig. Ako naman ay sinilip ang hanay ng kulay-bahagharing mga damit sa malayo.
"Ano nangyayari sa 'yo kanina?" Concern siya. "Nakita kitang galit. Kulang na lang, e, kalmutin mo na 'yong dilaw na wallpaper do'n, o." Ngumuso siya sa aking likuran. Tumingin naman ako roon. May rektanggulong salaming nakaantabay, vertical. Pagkatapos, nabakas sa repleksiyon ang kaniyang pagsimangot, tinatanong kung ano ba ang problema ko.
Bumalik ang atensiyon ko sa kaniya at saka tumikhim, tumungo, isinasaayos ang katagang sasabihin. "Kinakabahan kasi ako kanina pa. Baka ako pumiyok." Tumingala ako. Tila inalay ko ang nanunubig kong mga mata sa naninilaw na trianggulong lampara. "At saka, si Bella." Umangat nang kaunti ang balikat niya, may bahid ng pagkagulat. "Kasi, hindi ba, b-in-ash niya ako to the point that it discouraged me? And . . . depressed because our judgemental society, no matter how we evolve a destiny, it will always have the same toxic and harsh humanity." Hilaw ang naipresenta kong ngiti sa kabiguan.
Pinanliitan niya ako ng mata. Mahigpit pa rin ang pagkakahawak sa aking mga braso, magbibigay-leksiyon. "Char." Bumaba ang kaniyang boses, isang tinig na nilalambing ang aking panlulumo. "Huwag mo nang dibdibin 'yong mga destruction criticisms na natatanggap mo. Kasi, naniniwala akong . . . mas karapat-dapat kang mahalin. Tulad na lang 'tong." Inalis niya ang suot niyang bracelet at ibinigay iyon sa akin. "Simbolo ng pagmamahalan natin," turan niya habang hinahaplos ang bracelet sa aking kamay.
On my palm, there laid a metal chain bracelet, nourishing my pale skin. I meticulously beheld at how well-crafted it was. From the jewelry's cable, it was frankly lustrous, as if a diamond kissed it!
There was a name emblazoned on its silver-plated token.
E. Paolo D. Delos ̶S̶a̶n̶t̶o̶s̶
My glance at Everette expressed gratitude and shimmering bliss.
"Huwag kang mag-alala. Bubunga rin ang lahat ng paghihirap mo dito sa mundo. Balang araw, makukuha mo rin 'yong mga karapat-dapat na salita na para sa 'yo lang."
I loved his suggestion. Some criticisms could be unfair. Unfair in a way, I deserved better words than that. But, setting aside that self-doubt, I learned to love myself and prioritize the people who appreciate my worth, just like Everette. Even though the entire world had forsaken me, there would be at least one person who would sit beside me at a bench. There would be someone that could join me watching the sunset and the waves in Manila Bay, saying that . . . 'that was just how life rolls.' We had to accept the reality no matter how we liked it or not. And that simple picture circled into an embrace because of my friend's warming support.
Sumapit na ang October twenty-nine, Sabado, sa kalendaryo. Kami ay sasalang na sa plinanong konsiyerto. Nauna na sina Wilson at Selena dumiretso para ang blockings ay maasikaso.
Dumako na kami sa entablado. Bumulong sa aming tainga ang reklamo ng mga tsismoso. Kanina pa raw sila pinaglaruan ng mga insekto sa ulo.
Bawat hiyaw ng suporta na may halong pag-boo ng ibang tao, tinanggap ko nang buong-puso. Pumagitna ako kina Jaxon at Paolo. Idinaklot ko na ang nakatadhana sa aking gintong mikropono.
Pero since nakabubulag ang mga stage light sa magkabilang gilid, ano, tila nanlabo ang paningin ko. Hindi ko kasi maaninag ang existence ng pamilya kong imbitado. Kaya silweta na lang ng kung sinu-sino ang napuna ko.
Pero since ako ang nasa sentro, nakalimutan kong huminga nang tatlong segundo. Tila huminto sa pagtibok ang aking puso, nilaktawan ang obligasyong i-pump ang aking dugo. Napabuntong-hininga ako. Lagi na lang akong nagpapatalo sa kabang nakaaapekto.
Napalagay ko tuloy na isa akong artista sa teatro, ngunit kabado. Sa Fort Bonifacio Amphitheatre naganap ang aming pagtatagpo. Maaliwalas dahil kaunti lang ang puno at halos sementado. Nakahahawi nga ng buhok ang ihip ng bugso. Habang ang musika ay pinauunlakan ng mga instrumento, lumingon ako sa aking mga kagrupo, sinusulit ang mga sandaling temporaryo.
May nagtanong sa nasasabik na himig, "Are you ready, Naomi?"
Ngumiting lumingon si Jaxon sa akin. Mistulang itinanghal niya ang kaputian ng kaniyang mga ngipin.
Hindi ako nagsalita, pero tumango ako, dahan-dahan. Para hindi ako magmukhang rude sa publiko, inangat ko ang kaliwa kong labi. Kahit papaano ay tinimplahan ko ng tamis iyon.
I still did not like you, though. Halos maniwala ka sa fake news ni Bella sa The Bar Restaurant. Por que't maganda rin! Hmp!
Si Everette naman, nakatayong malayo ang tingin sa kanan. Guitarist siya.
Hindi ko na nagawa pang igala ang aking paningin. Pero since ang piano ay sinimulan nang patugtugin, huminga akong malalim. Ang tanghalan ay dumilim. Kaya naman ang flashlight ng mga cellphone ay dapat nang pailawin. Pinokus ko na ang aking sarili sa kakantahin.
"Akala ko hindi na darating ang panahon,
Na liliwanag ang daang nasisilayan ko,
Sa libo-libong taong nangangarap,
Binigyan mo ako ng pagkakataon."
Bawat liriko ay aking binigyang-diin. Ang oportunidad na kumanta sa harap ng tagahanga ay sa puso ko babaunin. Ang aking hihimigin ay sumalamin din sa mga nais kong sabihin.
Tadhana, ang pagsasama namin ni Everette ay huwag mo agad bitinin. Hindi pa ako nakakaamin! Marami pa kaming pangarap na puwedeng tuparin!
"Dumaraan ang araw,
'Di mo namalayang naubusan ka ng oras,
Puwede bang humiling,
Isa pang araw na ikaw lang ang kasama."
Humagibis ang pag-asam sa aking damdamin. Kung si Everette ang makakasama ko panghabang-buhay, wala na akong dapat pang hilingin.
Bumaling ako sa kanan kong nang-i-strum ng gitara. It was Paolo! On his lifted pelvis, there rested his red guitar. His microphone was right there, making him lean backward in the mellow wind. Kagat-kagat niya ang kaniyang labi, naeengganyo at masasabing confident.
Napangiti ako roon bago ipagpatuloy ang pag-awit.
"Sa pagsikat ng araw, ikaw ang laging hanap." Ikinuyom ko ang aking kamao sa tindi ng aking galit. Padabog ko iyong ibinagsak sa ere! Muling nailarawan ng aking isipan ang pagsulpot ni Bella pagkababa namin sa stage.
Ibinanat ko ang aking mga kamay, parang balak ilamukos ang buwan. "Sa pagpalit ng buwan, sana ikaw pa rin ang tangan." May pilit akong idinaklot sa ere, ang pagkakataong makuha ang palayong si Everrette . . . at ang masampal itong maninirang si Bella!
Pumaroon na kami sa likod ng tanghalan. Bukod kay Bella'ng nakasuot ng pansibilyan, nakahalukipkip sa tabi ang aking angkan! Halos lumuwa ang aking mga matang pasan ang kalawakan ng katanungan! Ako ay muling binalutan ng kabagabagan! Nakapagtataka at bakit diyan nila ako naisipang puntahan!
Ano ang pakay ni Bella, ang dati kong kaibigan, at mukhang nagawa niyang makipag-agreement kina Tita Susan?
Tila nawalan ako ng karapatang huminga noong panahong iyan. I was uncertain, questioning what they were doing there.
Minasdan ako ni Bella mula ulo hanggang tiyan. Samantalang ako, inirapan lang ang T-shirt niyang Pikachu na binudburan ng white sequins. Ang pantalon naman ay ripped jeans to the point na—hindi ba bawal ang ganiyan sa concert? Napapalatak ako sa isipan!
Tumaas ang kanan kong kilay pagkarampa niya papalapit sa amin. Katabi ko kasi si Everette na nakatayo lang.
Siya na ang nag-umpisa ng tensiyon. "Good afternoon, Naomi."(Lutang! Gabi na!) She smiled as I placed my right arm on my waist, articulating how bitch she was! "Meet your family." Ikinumpas niya ang sariling palad papunta kina Ninang Odessa. . . sa Pamilya Delacruz! "And I would like you to meet this . . . uh . . . CCTV footage. Oh, wait, no! I videoed it with my own effort." At saka niya inilahad sa akin ang iPhone 14 niya.
I-pl-in-ay niya ang video na ipinagmalaki niya roon.
It was only a door . . . of a condominium?
Doon ako kinabahan! Mistulang piniga ang aking puso sa kaayawang mag-panic! Tila bumulalas ang enerhiya sa mga nagsisulputang ugat sa aking leeg. Hindi ko matiis! Ikinuyom ko ang aking kamao, hinihimasmasan ang napawisang katawan. Parang papalapit na nga ang kadiliman!
"Who is this, Naomi?" Pero since wala akong laban sa harap ng makapangyarihan kong angkan, tila nag-anyo akong maamong aso. Pilit kong ipinamulat sa aking mga mata ang mga kaganapan noong Oktubre dalawampu't dalawa. Napakamalas ko talaga!
It was a brown door, as if it was only meant to wait and stand forever. Pero hindi nagtagal, may nang-awang ng pintuan na t-in-arget-an ng camera. Lumabas ang isang lalaking puti ang pantalon, pati rin ang sweater.
Nanindig ang aking balahibo. Pamilyar! Bumaling ito sa kanan bago isara ang pintuan nang dahan-dahan. (Everette! Why did you leave me that early?) And as time motioned, a whispering voice of laughter irritated my senses. "Hindi niya knows na 'magkafit-vahay' lang kami!"
Bella plastered a grimace of victory. "Have you remembered what room number you have entered, Naomi?" she asked. Her mouth went into spasm, sarcastic at how I stumbled at my weakness.
Her head even went closer, pero umiwas ako, iniisip kung ano ang room number ni Everette. "Room six-five-four," I sighingly said with a gasp, but heck! Kinunutan ko siya ng noo. "W-What are you talking about? H-How did you—"
"Just wait and see, 'thing' nan natin if who went outside noong nine ng morning," aniya at saka kinagat ang labi, nasasabik sa pinapanood.
Pagkalipas ng alas-otso, lumabas sa unit ni Everette ang isa ngang babae! Paika-ika siyang naglakad. Kamot-kamot ang anit. Tila lasing na lasing na nagmamalimos ng sagot sa kaniyang katanungan. Iniwan siyang gising nang walang dahilan! Sa linaw ng camera'ng gamit ni Bella, kitang-kita ko ang ekspresyon nito kapag isu-zoom.
Ako ang Naomi'ng iyon! Buhaghag ang buhok at hapit ang pantalon! October twenty-three, two-thousand twenty-two; Sunday; nine o' three ante meridiem.
Gulantang! Napahangos ang aking bibig. Umurong paatras ang nasindak kong puso. Bumuluwak ang namumulang init sa aking ulo. Ang umangat ko namang dugo ay tila pinatitiwakal pabagsak ang mga luha ng dalamhati!
Isang pagsabog ng rebelasyon ang nagpagulo sa aking mga sentimyento. Gusto kong ibato . . . duruin ang mundo sa liit niyon! Hindi ko akalaing magkapit-bahay lang pala sina Bella at Everette! Kung gayon, nakatiyempo siyang maitulak ako pababa!
Namukaw ang kilabot sa aking kalamnan pagkasingit ni Mama Sofie, na tita ko sa alternatibong reyalidad. "Naomi slept with a guy?" tanong niya sa kalagitnaan ng paglakad.
Tumimpla pa nga ang asim at pandidiri pagkasabi niya ng 'guy'! Nakaitim siyang halter-dress na may cleavage! Kumatawan ang taglay niyang bagsik sa apat na sulok ng aking kadiliman.
"Talaga?" Napaigtad ang kulot na si Ninang Odessa, ang may bitbit ng Siberian Husky. "Natulog si Naomi kasama ang isang lalaki?" pang-uulit niya ngunit sa mas malalang pagkagulat.
No! They were wrong! No one would ever understand my story . . . and my identity! Ravi slept with a man dwelling in his heart, not a girl sleeping with a stranger!
Napamura ako pagkangiti ni Mama Sofie kay Bella. Sa kinang ng kaniyang mga mata, mababasa ang balak na magbigay-karangalan! Inakbayan niya pa ito nang marahan sa balikat, sinusuportahan kahit masakripisyo ang aking privacy!
Nangatog ang aking tuhod. Tila nabalian ako ng buto para bumigay na lamang. Napasabunot ako sa buhok at saka hinagod ang namawis na leeg. Para akong nabigo, natalo! Hindi ko alam ang gagawin! Ngunit nakalulukob-hiya ang mababang pagtingin ni Tito Victorico sa akin!
Nagsalita si Mama Sofie, humahanga sa sipsip na si Bella! "Thank goodness, Bella. Your help will indeed preserve the neat reputation of our company."
Kumirot ang aking puso pagkayakap niya rito. Isang pagyakap na matagal ko nang hinahangad mula sa totoo kong ina! Isang pahayag para maiparamdam na wala akong kuwenta!
Tumayo ako sa sarili kong mga paa. Manginig man akong nilalamig sa Antartika, alam kong walang taong tatayo para sa akin.
Nagsalita ako habang papalapit sa kaniya, nanlalaki ang mga mata. Hindi ko namalayang kumalat na ang mainit na likido roon. Tila nilamon ako ng hindi makapaniwala!
"M-Mama Sofie—"
Sinampal ako niya ako! Nanindig ang aking buhok sa lakas ng puwersa. Para akong namanhid sa nakakukuryenteng tensiyon.
Samantalang si Tita Susan, niyakap akong mahigpit sa likuran! Naipit ako sa kaniyang katabaan, nagbabaka-sakaling ako ay maprotektahan!
Humagulgol sa iyak ang kaniyang tono. "I am sorry, anak," bulong niya sa akin, hinihimas ang nanlamig kong braso. "We really have to pursue the arrange marriage between you and Jaxon, even we like it or not." Para akong sinaniban ng masamang espirito sa mariin niyang kumpirmasyon.
Kumapit ako sa nakakapit niyang palapulsuhan bago magsalita, "Whether we like it or not. But do you like it, Mom?" Lumingon ako sa kaniya, nakikiusap.
But she did not even offer a word. Kaya tumingin ako kay Mama o Tita Sofie nang matalim ang tingin. Kulang na lang ay gusto niya na akong hatiin!
"Kaya ayaw ko sa mga putanginang gagong Paolo-Paolo-Paolo-Paolo-Paolo na iyan, Naomi! Parang paoLOKO!" Kumalampag ang aking diwa sa kaniyang pagtutol! "Walang assurance kung bibigyan ka ng benepisyo mula sa mga ganiyang lalaki! Baka nga looks, talent, at pera lang ang nagpapaakit diyan lalo na't wala 'yang kompanyang maipagmamalaki!"
Tumungo ako, nagninilay, hanggang sa—
"Sofie!" asik ni Tita Susan sa likuran. "Sigurado ka bang sasaya ang anak ko sa desisyon mo? Mukha namang mabait na tao itong si Paolo raw? Para sa akin ay sapat naman nang—"
"You! Bella!" Napalingon ako kay Selena sa gilid. Idinuro niya si Bella, gusto rin sigurong patalsikin sa eksena. "Come out of there, idiot! Traitor!" Sa pangingitim ng kaniyang mga mata, pagtutuos ang aking nahinuha.
"Pero." Pilit kong magpumiglas, ngunit nagdahilan muli si Tita Susan.
Tulad ng kidlat, mabilis siyang bumulong, "I told you, anak, itutuloy na natin ang kasalan ninyo ni Jaxon." Lumunok siya, parang galing lang sa ilong ang pagbalita. "It has to be confirmed already before your debut—"
"But I do not love him anymore, Mama!" Ngumiti ako nang kita ang mga ngipin. Kasabay niyon ay ang namamangha kong pag-iling. "I realized . . . when I loved Jaxon, it is not really loving but infatuation. (he was the most attractive until I got to see his true colors) Temporary attraction. Pero please po." Humarap ako sa kaniya, tinitiyak na magiging okay lang ako sa anumang desisyon ko. Ipinagdaop ko ang sariling kamay sa kaniyang kamao. Pananampalataya, para sa pag-ibig. "Let me follow my heart. Freedom." Pagbitiw ng aming mga kamay, saka ako malayang tumakas palayo sa kanilaaa~
"Naomi, anak!"
Hindi na ako lumingon pa. Sa sobrang bilis ng aking pagtakbo, para akong ibon na malayang lumilipad. Masasabi kong mahal ako ng hangin sa pagsibol ng maginhawang damdamin. Bigyan n'yo muna kami ng panahon para magsama, Tita Susan . . . kahit sa huling pagkakataon. Dahil may mga bagay na hindi na mauulit pa.
Nang dahil sa malokong Tadhana, nagkandawarak-warak ang dating pagsasama. Nakapanghihinayang nga. Naramdaman ng aking instinto na patapos na!
Nakuntento ang kalooban ko sa pagsayaw ng kapayapaan at kasiyahan. Mistulang iginala ko ang munti naming paraiso. Ngunit mayamaya ay maglalahong parang bituin sa malayo. "Paolo?" tawag ko sa kaniya. Ipinagpantay ko pa nga ang dalawang kamay sa magkabilang gilid ng aking labi, baka um-echo para mas madinig niya.
Habang naghihintay, malalim akong huminga. Nakapapagod! Sinapo ko ang aking mga kamay sa magkabilang hita. Pagkatapos ay isinandal ko ang pawis na likod sa mga gulong na pinagtambak-tambak sa sulok.
Hindi ko akalaing dinala ako ng aking mga paa sa tagong parking lot. Nakamamangha ngang parang pinalawig ng kalayaan ang ruta papunta sa destinasyong iyon. Ang layo kasi ng tinakbo ko, kilometro!
Cheap ang nabisita kong lugar. Gawa sa yero at alambre lang iyong mga divider. Inabandona ang dilaw na nakaparadang tricycle. May isang streetlight lang na siyang mapagkukunan ng ilaw roon. Tahimik, pero nakabibingi ang tunog ng mga nagtatagong kuliglig(may palumpong kasi sa likuran ko). May makahiya naman sa aking tapat. Single. Nakatihaya iyong pinalibutan ng mga batong pira-piraso. Parang probinsiya.
"Char?" Ang mababa niyang boses ay parang kape, ginigising ang aking diwa! Ipinakita ko ang aking mukha, sinasalubong ang matipunong silweta. He was behind the bushes.
I limpingly approached him, holding my hands while looking at the pile of stones. "Uhm, hi," I said in a tired whisper, then smiled but not heartfelt. Alam niya naman na sigurong iyon na ang—"Huli nating pagkikita. Itinakda na kasi ako sa taong . . . minsan ko rin namang minahal." Isinipa ko ang pira-pirasong bato para naman ay maaliw ako.
Masyadong madilim, lalo na at dumiretso ako sa gilid ng lansangan para mahawakan siya. Malayo tuloy kami sa liwanag ng nag-iisang streetlight. Pero kahit ganoon, ang pagtungo niya ay nakalalanta ng kasiglahan.
"Bakit hindi mo ako pinaglaban?" Matapang na umangat ang tingin niya padiretso sa akin. "Ba't itinigil agad natin ito?" tanong niya pa sa naiipit na boses.
Tumikhim ako at pinaglaruan ang aking mga daliri. "Kasi . . . mahal kita." Ngumiti ako para naman ay masabing confident sa kung anumang mayroon kami. "Mamahalin pa lang kita . . . palalim na iyon, Paolo . . . muntik na . . . pero pinutol ko kaagad." Ipinatunog ko ang aking mga daliri, parang sinasabing tanggapin ko . . . niya . . . na lahat ay magkakalayo ng landas sa iisang iglap. "Kasi na-realize kong . . . magkaiba tayo ng iniikutang mundo. Magkaiba tayo ng . . . circle of friends. Sobrang distant ng mga bagay na nakatadhana natin. We are too opposite. To the point na medyo alanganin. To the point that our paths were asymptotic. Kaya pasensiya na, ha." Hinimas ng aking mga daliri ang kaniyang kamay, dinaramay ang dismayadong damdamin. Humangos ako sa katahimakan. "A-Am I hurting you?" Hinawakan ko naman ang naninigas niyang braso. "Please say something."
Nanatiling namayani ang malamig niyang ekspresyon. Samantalang ako, nangingiyak-ngiyak na sumamo ang mga nangintab na mata. Hindi ko ginustong hayaan na lamang palayagin at palubugin ang nabuo naming barko.
"Nasasaktan ako hindi dahil sa kasalanan mo. Pero nasasayangan lang ako kasi . . . nagmahalan tayo nang tama sa maling panahon." Ikinusot niya ang sariling mga mata gamit ng wrist.
"Oh." Napabitiw ako sa kaniyang braso at saka tumungo sa nakapirming daanan. Paano na kami magpapaalam sa isa't isa?
Hinawi ko ang aking buhok, hinigpitan ang ipinam-belt kong jacket bago siya kapitan. "H-Hawakan mo na lang itong kamay ko." Nanginig ako noong sandaling iyan, puro buntong-hininga. "Hangga't tumatagal pa itong minutong ito, ipangako mo sa akin na pagtalikod mo, hindi mo na ako babalingan pa." Bahagyang kumurba ang aking hita sa kalagitnaan ng pamamaos at panghihina.
Kumunot ang noo niya na aking ikinatulala. "Ipinagtutulakan mo na ba ako sa iba?"
Napamulagat ako sa pagpanting ng kaniyang tainga. Umurong siya paatras na parang may sinabi akong hindi kanais-nais.
Dumako ang aking tingin sa lumuwang na sintas ng kaniyang rubber shoes. Bumuka ang aking labi. Sa taranta ay abusadong ibinato ko kay Tadhana ang katanungang, kung bakit ba kami nagkakaganito!
"Hindi!" I waved off my hands in disagreement. "But, open your heart to many avenues. Huwag lang sa akin!" I was not worth it. You could live happily without me, so was I. You can dance in the sunset with your ate, so was I. Your purpose . . . your dreams were still the same without our love, so was I. "But as long as the last minute lives, I hope . . . we can still kiss hello, good luck, goodbye."
Susunggabin ko na sana ang labi niya ngunit nanlisik ang tingin niya sa akin!
Nanghina tuloy ang aking kalooban. Sinasanay niya na akong iwasan! Ang mga mata ko ay kusang nagsikibutan, minamasdan ang posteng nasinagan. Niyakap ko ang maputi kong braso pagkatapos ang buhaghag kong buhok ay aking sinulyapan. Tila nabawasan ang aking kagandahan sa pag-udlot ng mamumuong sumpaan. Tumingala na lang ako sa pinakamamahal kong kaibigan.
Nakahihinto-tingin pa rin ang tuwid niyang katayuan. "Hahalikan lang kita kapag iyong totoong ikaw ang nakikita ko. 'Yong totoo mong anyo mas gusto ko. Kailangan kong mahawakan 'yong mahal ko, hindi si Naomi," sabi niya nang hindi bumabaluktot ang tindig sa kabila ng pagbagyo ng siphayo. Maotoridad ang ipinahiwatig niyang tono, determinado.
"Pero, Everette,(you had to kiss me! it was our last!) we did not base our love on the face." Ipinagdampi ko ang malalambot kong labi.
I based it on our souls uniting as one. Yes, I had Naomi's organs. I might live in a different body, but this mercurial spirit was still the same as you were accustomed to perceiving. It was still the Ravier speaking loud of how much I loved you. You were the one who made me pursue my voice, not from Naomi's!
Kahit magmalimos man akong mahagkan siya, pagmamatigas pa rin ang tanging ibinalik niya. His decision was final, fixed! Malikot na bumulabog ang aking sistema sa pananabik! Bakit ba siya ganiyan? I wanted to slap him for not making the most of it!
"Kahit na." Muli akong natigilan sa boses niya! Like his physique, it was firm, like a man of his word! "Ayaw ko sa lahat 'yong pinaparamdam ko sa ibang katawan ang pagmamahal ko," he said.
Kung si Ravier pa rin sana ako. Kung hindi ko na lang sana binago ang aking katawan at kapalaran. Kung napag-isipan ko man lang sana ang aking kahilingan at ang kahihinatnan . . . lalo na at may nagbabadyang kadiliman. Baka si Paolo na lang ang aking nakatuluyan.
Pero kailangan kong gumising sa katotohanan! May buhay pa pala siyang babalikan sa mundo ng pantasya. Kailangan niya ring makahinga mula sa nakasasakal kong problema. Katulad ko noong una, agad ko siyang pinalaya. Freedom.
"Sa paglaya mo, makukulong naman ako sa bisig ng isang tao." Ang mga huling salita ko na lamang ay, "Kung ganoon, mag-ingat kayo ng dongsaeng mo." Not for me, but for yourselves. "Padayon," I mouthed that word as he walked away from me . . . without turning back to assume that he would miss me. That muscular silhouette was like smoke of air, slowly vanishing from the picture.
Sa kalagitnaan ng pagmumuni, may yumakap sa akin na ikinalala ng pighati. Hindi ko akalaing ako naman ang kaniyang pinili. Ay—sandali! Hindi niya pinili si Ravi, kundi si Naomi!
Saka niya lang ako hinagkan kung kailang ang pagmamahal ko sa kaniya ay napawi. Nang dahil sa mapait na katas ng pusong-sawi, ikinagat ko ang aking labi. Lumingon ako sa likuran dahil mayroong sinabi ang isang anghel na lalaki.
Nanlaki ang aking mata pagkakita sa maputi niyang kutis. "J-Jaxon! W-What are you doing—"
Nakalalaswang humipo sa aking leeg ang mainit niyang hininga. Ang lapit-lapit niya pa!
"I saw you with him, Naomi. I knew it," he grunted!
Nasakal ang aking tiyan sa pagkadesperado niyang makuha ako! Mahigpit, Jaxon! Masakit! "But." Tinampal ko ang braso niyang nanghigit ng aking katawan. "I have an acceptable reason why— .
"Yeah." Tumungo siya at ngumiti, confident! "And your beauty will forever be mine now."
At saka niya ako hinalikan nang nakadidiri sa labi! Para akong nginungudngod sa kanin-baboy! Napamura at napapikit ako. Wala akong laban sa lakas ng kaniyang pangangatawan!
I murmured, "J-Jaxon, hindi ako makahinga—"
"Wala ka nang kawala sa akin, Naomi." Napayakap ako sa kaniya pagkadaop ng sarili niyang kamay sa aking ulo at puwetan. Doon ako humagulgol, sa balikat niya. Parang ginawa ko siyang panakip-butas na imbakan ng mga patak ng luha.
Tumingala ako sa kalangitan, pinipilit tingalain ang mga bituin kung kaya ko ba silang abutin. Ibinanat ko ang aking kamay sa kawalan.
Sa entabladong aming inapakan, ang mga manonood ay masigabong nagpalakpakan. Umalingawngaw ang paghanga ng eskuwelahan. Sa tulong ng kapangyarihan ng kahilingan, naging parte ako ng Faith Over Fear, ang pinangarap kong salihan.
Pero since iyon na siguro ang katapusan, inawit ko ang huling litanyang nang-interpreta ng aking pinagdaanan.
"Kulang na kulang ang panahon. 'Di sapat ang meron tayo ngayon. Puwede bang . . . humiling. Isa pang . . . araw."
Bumaling ako sa kanan, kay Paolo'ng guitarist. Ibinuklat ko ang nakakuyom kong palad. Sumiksik sa aking mga daliri ang metal chain bracelet na ipinaubaya niya sa akin.
E. Paolo D. Delos ̶S̶a̶n̶t̶o̶s̶
Kung may isang lalayo, may dalawa namang lalapit.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top