꧁𝟏𝟓.𝟏𝟎⢾░▒
𝕮𝖗𝖊𝖉𝖎𝖙𝖘 𝖙𝖔 @MizzyFantasia 𝖋𝖔𝖗 𝖒𝖆𝖐𝖎𝖓𝖌 𝖙𝖍𝖎𝖘 𝖜𝖔𝖓𝖉𝖊𝖗𝖋𝖚𝖑 𝖇𝖔𝖔𝖐 𝖈𝖔𝖛𝖊𝖗꧂
════════════════════════════════
꧁ 𝐒𝐄𝐀𝐒𝐎𝐍 𝟐 ✢ ᑕᑌᗪᗪᒪᗴ ᗯᎥ丅ᕼ ᗰƳ ᑕᕼᗩᖇ
𝐑𝐀𝐕𝐈𝐄𝐑 𝐒𝐀𝐋𝐀𝐙𝐀𝐑 𝐁𝐄𝐈𝐍𝐆 𝐍𝐀𝐎𝐌𝐈 𝐄𝐕𝐀𝐍𝐆𝐄𝐋𝐈𝐒𝐓𝐀 '𝐌𝐎𝐎𝐑𝐄' |꧂ I puffed at the window facing me. An exhale of relief rushed to the window glass of my dressing room, blurring nature. Swaying grasslands, dandelions, and the shrubs of the green forest were astounding to behold.
Heavenly skies were humble; they exhibited their floating clouds while illuminating the rawness of wildlife. The gentle wind at the landscape saluted me with a wavy dance. My arms relaxed their weights upon the window stool, revering the reign of silence.
While the window was drifting the moist leaves, I targeted my gaze sa aking cellphone. Bumalik ako sa bihisan sa tapat ng bintana, nag-iisip nang malalim na kasinlalim ng lawa, nagpapahingang mag-isa. Nakapapagod muling mapalibutan ng toxic na utak-talangka, katulad na lang ng panghihila pababa sa akin ni Bella. Panahon ko na iyon para magningning na parang tala . . . ngunit ibinasura ng matatabil na dila ng maninira.
Nang maitaboy ang tulala, itinanggal ko ang fuchsia pink jacket na bumalot dahil mainit na. Bilang pampayapa, hinimas ko ang aking balahibo sa brasong maputla.
Ako ay napasapo sa noo habang umiiling sa irita. Pati nga ang madla ay napaniwala agad sa ibinigkas lang na balita. Marahil ay pagkakataon na nila para mailabas ang hinanakit sa aking pamilya. Sa kasamaang palad, ako ang ibinunton ng kanilang sama, dahilan para madapa akong naluluha. Kahit ako ang pinakamaganda, binatuhan pa rin ang aming banda ng mga litanyang nakasusura!
Pero since gusto kong marinig ang hinaing ng mamamayan, nag-i-scroll ako sa cellphone kong may kabigatan. Kasimbigat niyon ang problemang pasan ng aking kalooban.
Ang idinaklot kong gadyet ay itim na pininturahan, kumakatawan sa kalupitan ng hindi mababagong lipunan. Sana ang kabataan pa rin ang pag-asa ng bayan.
YouTube: ENTERTAINMENT INDUSTRYPH CHANNEL
488K Subscribers
Uploaded Videos: NAOMI EVANGELISTA, BAGUHANG SINGER, NAPAHIYA?! PANOORIN!!!
I salute the Voyena company for being humble to Nondria to the Delacruzes. Kaso nga lang, itong si Naomi Evangelista? Maganda lang.
Nakita ko yan sa school. May kasamang lalaki. Tatlo! Isang nakasalamin, isang mapekas, tas isang maputi! Landi!
Lalaos yang SATANAS NA iyan! I am TELLING THE TRUTH!
Singer? PUTAngina? Sigaw lang ng sigaw! I dont wanna miss a teeeeeeeeeeeeeeeeengggg! Walang alam sa musika! NAGMAMARUNONG LANG!
Gayon din sa alternatibong reyalidad, maling panghuhusga ang sakit ng komunidad. Hindi ko akalaing may ganiyang tao kung makapag-isip! Sa utak, parang may bayrus nang nakakapit!
Mag english kanalang. Ang bobong magsagot sa pilipino. Kinahihiya kita!
2 replies
Tama, 'te! TUMPAKKL! Pede naman siyang mag english e. Pero kung mag i english naman siya ang arte nman. Parang bakla lang!
Sabihin niyo mag espanyol na lang siya! HAHAHAHAHAHAHAHAHA
Napakapa ako sa nakasukbit kong kuwintas, pinapakiramdaman ang hindi mapigilang banas. Napailing ako sa dagundong ng pusong nadanas. Naglapitan ang dalawa kong kilay bago ako umatras. Pero since masokista ako sa mga pintas, ang marahas na kumento ng keyboard warriors ay tahimik kong ibinigkas! Sige, kung diyan aasenso ang Pinas, I would continue reading it!
I prefer Bella's audacity. I like Naomi's performance too, but I dislike her attitude.
Tama nga si Bella. Justified! We are not even silly not to know what's inside Naomi's head. Who the hell even cares for confirming the obvious if we could just assume it easier?
'PLASTIK NA NGA, TOXIC PA!' anang isang netizen na letter 'L' ang profile pic.
Napailing ako na pawang walang katapusan. Nangaligkig ang aking tuhod, tila kampanang nangangatog sa nakadadagundong na pukpok ng martilyo. Kasabay ng paggising ng tensiyon, nanginginig na hinawakan ko ang wooden desk. Umulan doon ng butil ng pawis na nagtatago mula sa hibla ng makapal kong buhok.
Suminghot ako, nagpakakuba pero nagawa pa ring makatayo. Ang mahihigpit kong kamay na lang ang sumuporta sa bigat ng nanginig kong katawan. Inangat ko ang aking ulo. Sa drawer ng mga damit tumuon ang nakatutunaw kong paningin.
Nakalimutan naming tao kami, hindi perpekto! Wala sila sa paanan ko gayon din ako! Kaya naman ay napahinga akong malalim, pinadidingging ang mga negatibo ay huwag masyadong dibdibin.
Pero . . . ang sakit! Itinuro ko ang sarili, tinatambak sa akin ang sisi! "I am failure!" Napaigtad ako sa kung sino ang nagbukas ng pintuan. Pero since lumabo ang aking paningin, dinalaw ng malungkuting iyak, dinedma ko na lang! "Wala, e! Plastik daw ako sabi ng iba! Deserve ko ba iyon? Totoo ba? Bakit naman ganoon ang perspektibo sa akin ng kapuwa kong Pilipino? Hindi ko akalaing nag-e-exist sil—" Naputol ang paglikha ng ngawa dahil padabog-dabog kong ipinunas ang aking luha. "M-Mama! Kulang na lang ay patayin na nila ako—"
Bago pa man sumara ang aking mga mata, bago pa man ako mahimatay sa panghihina, sinalo ako ng isang anghel mula sa untog ng disgrasya!
At oo nga pala, hindi siya nag-iisa! Tatlo sila! Kasama niya sina Wilson at Selena'ng kinumusta kami sa pag-aalala. Bakas ang panunubig sa mata at pagkibot ng labi sa mukha nila.
Pero since sinalo nga ako ni Lalaki na parang ako ang nobya niya, itinuwid ko ang aking postura. Kunwari sleepwalking lang iyon na dapat ipagsawalang-bahala.
Pero since nataranta ang aking diwa, ako ay nagbuga ng hininga. "Woo-hoo! Muntikan na akong matumba roon, a!"
Sinulyapan ko silang namamangha sabay pagpag sa itim na palda. Pero since mistulang ibinura ng anghel na sumalo sa akin ang masasakit na salita sa social media, pinasalamatan at niyakap ko siya!
Hindi ko alam kung bakit ko iyon ginawa. Tulad ng una naming pagkikita, nakangiti siya habang nakapamulsa. Kaya naman ang masaya kong puso ay nahalina sa taglay niyang mahika!
"Everette." Napanguso ako. Ang dami kasing taong nam-bash sa akin! "I hope you make me feel better. May I have permission to sandal there?" Bago siya um-oo ay sumandal na ako sa kaniyang broad chest.
Pagkadampi ng mala-unan kong pisngi sa mala-pader niyang dibdib, tumikhim si Selena'ng naka-pink na coat dress. Katabi nito si Wilson, nakatungo, nilalaro ng daliri ang hawak na Nintendo.
"Uhm." Nginitian ni Selena ang magkahawak naming kamay ni Everette. Umalerto ang aking mga paa. Kaya naman ay paatras akong humakbang, pinadulas ang heels sa makintab na kahoy na sahig. "Take your time. Labas na muna kami ni Wilson," permiso niya.
Umawang ang labi ko, napasambit ng 'Owl!'. Hinabol ng aking paningin si Wilson para ngisihan na tila sinaniban ng malokong demonyo! "Ay!" Itinuro ko sila. "May balak din kayong dalawa, ano?"
Napataas ang balikat ni Selena sa biglaang pagsuspetya! "What? What are you talking about?" Napaurong siya. Ang mga nanigas na kamay, parang pusang mangangalmot dahil hindi makapaniwala!
Itinago ng aking palad ang sarili kong bibig, nagpipigil, inililihim ang paghagikgik. "I mean, dito na lang muna kayo." Napakamot-batok ako. Baka kasi may kung anong balak gawin si Selena kay Wilson, e. Inosente ito! "Yakapin ninyo ako kasi nakakahiya talaga iyong kanina, sorry!"
Ibinanat ko ang aking braso, inaambahan sila ng mala-kalasag kong yakap pampakonsuwelo. Nanindig ang aking balahibo sapagkat ang mainit na balat namin ay nagkabunggo. Nang kami ay nagbukluran ni Paolo, hinimas ni Selena ang likod ko. Sa kanila ako saludo. Kahit ang sikmura nila ni Wilson ay kumulo, ang gutom ay napagdesisyunan niya munang ihinto. Gusto niya kasing unahin ako para bigyang-payo.
Pero bago ang pagsusustento, nangilid sa paningin ang nakaakbay kong siko. Pagkaalis ko niyon sa braso ni Paolo, bumulaga ang nakapatong na cellphone na Oppo. Lumapit muna ako sa lamesa para ang gadyet ay maibato. Nakalipad iyong paikot-ikot sa hindi makitang alikabok hanggang sa mapalo ang semento. Um-echo ang paglagpak ng iskrin na nakasasakit sa puso. Ginawa ko iyon hangga't hindi pa ako napupuno!
Ayaw ko nang basahin ang kumento ng mga walang respetong tao! Hangin lang kasi ang nasa ulo! Sa mapagmahal na kaibigan ko na lang ibabahagi ang aking puso.
Selena spoke, "Do not worry, Naomi. We are not robots to please these bashers. Whatever happens." She gave me a pat on the shoulder. "We will always support you in any decision you make." Her pale lips flashed a captivating smile, firming the optimism shining in her black eyes.
Binalingan ko ang sunod na nagsalita. "Kung sa'n ka, do'n din kami." Umusad pasulong si Wilson para tapatan ang kaibigan. "Wala ka kailangan patunayan. Alam namin bait at galing ka kaya 'wag mo pansin wala sila sa 'yo." Napangiti naman ako roon pagkadapo ng aking palad sa stiff niyang balikat.
"Thank you, Wilson." Kahit papaano, I might not let all people love me. Still, I could prove myself to the people who appreciated me.
A hand landed on my waist, giving me a foreign sensation. The kissing smell of sweetness enveloped me until I turned to a man with a refined figure.
It was Everette! So, I embraced him like I wanted to own him!
Binasa ko naman ang aking labi. Pagkatapos, isinandal ko ang malambot kong pisngi sa kaniyang brasong mamasel. Kalmado ang aking paghinga; heaven! Napakasarap sa pakiramdam kapag dumampi ang malambot sa matigas.
"Ang opinyon na pamba-bash nila ay parang iskor lang sa videoke. They're don't define who are you but defines about the people bashing you," sabi niya.
Tumingala ako para masdan ang taas-noo niyang imahe, mistulang si Captain Barbell. Nakapamaywang ang kabila niyang kamay, parang sinasabing siya ang sasagip kung sinuman ang mananakit. I blushed. Nahulog na yata ang aking kalooban kaya naman ay itinuwid ko ang aking katawan. Pero ang pagkahawak niya sa baywang ko ay aking hinayaan. Sana palagi kaming ganiyang naglalambingan.
Chour lang naman!
"Yeah, just shrug that off, Naomi." Ipinagkibit-balikat na lang ni Selena ang mga namroblema sa amin. "There would be millions of these kinds of idiots. However, our hug worths more than any quantity out there." Nilanggam ako sa dami ng asukal na ibinato niya sa akin. Chour! Pero, bilang pasasalamat, sinama ko rin siya sa yakap namin ni Everette. Nang nilukob kami ng matinding init sa makapal naming suot-suot, ipinigil namin ang pagsabog ng ligaya.
Nauna si Selena'ng bumitiw. "Seems like your friend needs something for you." Habang pinapatunog niya ang sariling sandals ay bumaling ako sa aking katabi. "Well, we will just give you spare time to talk with each other." Wha—what the? Ngumiti siya sa amin at saka hinila ang kamay ni Wilso'ng naka-scarf.
"Gege," pagsang-ayon nito sa kalagitnaan ng pagpipindot sa Nintendo. "Gusto ko usap tahimik sina Naomi at basa asim kilikili Paolo para happy ending."
I almost made a screeching sound! Happy ending? Kasama ng malaki niyang salamin, tumingin ang bughaw niyang mga mata sa amin. Ang kahibangan ng kaniyang sinabi ay nakawa-war freak! Nakaaangat ng talukap! No, no, no, no way! Marahas akong umiling deep inside at napayakap sa bebe ko.
Ih, ano ba! Hinampas ko tuloy ang malapad na dibdib ni Everette na ikinangiti niya.
Napangiwi ako. Para kasing nagustuhan niya, e.
"Wilson, let us just go!" suway ni Selena rito. Sumugod—ay hindi, parang nag-ice skating sa madulas na sahig para maihatid si Wilson papalabas.
Hinablot niya ang kamay nito para makakilos. Naglakad na sila ngunit nagpaliwanag pa si Wilson, "Sabi ko lang . . . gusto ko happy ending na 'yong basa kilikili Paolo kasi asim. 'Di ko kaya tagal—"
Ibinalibag ni Selena ang pinto! Sa pagbomba ng ingay, halos na-shookt ang mga nakaawang na aparador sa tahimik nila. Gayon din ang mga baro at saya, nahihiyang itinagilid lang ng mga hanger.
Para akong ellipsis na natameme . . . hanggang sa magreklamo na naman itong si Everette. Ipinagtaasan ko siya ng kilay. "Nang dahil sa sinabi ng gagong iyon, nawalan ako ng condolence sa sarili ko!" Nakabibiyak-sahig ang nalikhang padyak ng kaniyang mga paa.
Samantalang ang alerto, sumalamin sa aking mga mata, nagtataka! Kinukuwestiyon kung bakit condolence ang sinabi niya.
Resulta ba iyon ng pamba-bash laban sa aming pamilya? May nangyari bang hindi maganda kina Lola?
Hala! Paano na!
Napahilamos ako sa aking mukha pagkatapos ay umatras na parang may sumiklab na trahedya! "Sino ang namatay?" Nanginig-ngisay ang nakukuryente kong hita. "Sino!" Naningkit ang mata kong namaga sa pangalawang paglagas ng mga luha!
Ipinagdaop ko ang aking mga kamay saka tumingala. Lord, huwag naman po sana—
Idinampot ni Everette sabay abot sa akin ang nahulog kong ulirat.
"Kabuwisit!"
Umatras ang luha ko sa sinabi niya. Itinuwid ko ang sariling katawan at saka pinanumbalik ang nagtataka kong aura. Kunwari walang nangyaring drama, so I flipped my hair back and forth.
"Aish! Tanga!" Nagkamot siya sa ulo, animo'y bad trip na tinataboy ang mga dandruff sa buhok. "ConFINEdence pala, 'di condolence! Parang 'self-estream', gano'n!" kaniyang dahilan sa prustrasyon, hirap na hirap sa sarili!
Napanganga ako. "Confidence kasi iyon, hindi condolence!" Akala ko naman may nagbarilan na! Kumuha ako ng tissue sa lamesa, paraan para makolekta ang mga likidong nagpalabo sa aking nakita.
"Turuan mo kasi ako minsan kung pa'no mag-English! Hindi 'yong naaapi na lang ako lagi sa sinasabi ng nerd na 'yon na basa asim ako!" Tulad ng sinabi niya, umasim ang kaniyang ekspresyon na ikinatawa ko. Lukot ang mukha! Naapi rin naman kasi ako noon kaya naka-relate ako.
"Actually." Tumungo ako sa kahoy na sahig. Pinaugoy ko sa ere ang kaliwa kong paa. "Ako rin naman. Nai-insecure din naman ako kaya hindi ka nag-iisa." Dumiretso ang titig ko sa mala-kape niyang buhok na malago. "Alam ko namang mabango ka, e, at hindi maasim kasi . . . I know you better." Ipinagdaop namin ang aming mga kamay, nilapitan ang kaniyang mabulaklaking bango ngunit umilag siya.
Nagtangka muling managapa ang aking mga kilay, nakasimangot! "O, bakit parang—"
"Galit ka pa rin ba sa akin? O ako lang 'yong inis sa 'yo?" Napasandal ako sa bricks na pader, sinasalubong ang paglapit ng seryoso niyang aura.
Napalunok ako, nagbabaka-sakaling matinag ang pangangamba sa aking kalamnan. "H-Ha?" Hayun lang ba ang pakay niya roon? "Uhm." Umiling ako nang nakatingin sa lamesa. "Hindi naman ako galit sa iyo sa pagkakataong ito. Bakit?" Sabay na tumaas ang dalawa kong kilay, nagtatanong, ngunit wala siyang ibinigay na tugon kundi blangkong ekspresyon. "O, baka ikaw ang galit sa akin kasi hindi agad kita pinatawad noong isang araw?"
Tumikhim siya pagkatapos ay nagsalita sa maotoridad na tono, "Naiinggit lang ako."
Lumapit ang ulo ko sa kaniya. Naiinggit kanino?
"H-Ha? Sino ang kinas-seselosan m-mo?" Yikes! Napangiwi ako sa sariling tanong.
Nilaro muli ng mga daliri ang malalambot na hibla ng kaniyang buhok, naguguluhan, nabubugnot sa kaniyang nararamdaman. Parang nilamukos na papel, sinabunutan niya ang kaniyang buhok bago marahas iyong bitiwan!
Bakas ang busangot sa kumibot niyang nguso. "Naiinggit ako sa inyo ni Jaxon. Mag-asawa na kasi kayo," pagdadabog niyang ikinaratay ng nasindak kong puso.
Pinanipis ko ang aking labi at nilibot ang tingin sa dressing room. Lintik! Kung may mahanap man akong tsinelas, gagawin ko talaga iyong panampal sa kaniya! Kaya no choice, tinadyak ko siya tuhod.
Siya naman ay napapikit. Parang bakang galit, nanlaki ang butas ng aking ilong na maliit, naglalabas ng gasolinang mainit! "Hoy! Mag-research ka muna, ha!" Dinuro ko siya, gayon din ang aking bunganga! "Mag-fiance lang kami. Ibig sabihin, mag-a-asawa pa lang! At saka, tentative pa naman iyon." Tita Susan wanted the best for me so that it would not be forced!
"Sige, pero kahit na." Tumunog ang pagkiskis sa pagkamot niya sa anit. "Naiinggit pa rin ako kasi you and Jaxon is all 'twogether'."
Hinarap ko ang lalaking mapekas bago siya kapitan sa biceps. "Paano ko mawawala ang selos na iyan?" Itinikwas ko ang sariling ulo sa kanan, nang-uusisa.
"E 'di ang makapiling ka." Humalukipkip siya sa kalagitnaan ng kaswal niyang pahayag.
Bumaba ang tingin ko . . . dahan-dahan . . . pababa sa suot kong kuwintas. Kinapa ko iyon, hinarap sa akin. Kung tatamaan ng sinag-araw, ang ganda ng pagkakinang, parang salaming sumasalamin sa ganda ng kutis kong mala-porselana! Tumingala ako kay Everette, nginitiang mapakla.
Dapat si Ravi, hindi si Naomi'ng diyosa!
"Paano kita makakapiling bilang si Ravi kung si Naomi naman ang nakakayakap mo?"
"E 'di mag-anyo kang Ravi. Hangga't 'di pa nangyayari 'yong ayaw kong mangyari, gusto kong iparamdam sa totoong ikaw 'yong totoong pagmamahal ko."
Dumugo ang utak ko noong panahong iyan. Para akong nagsunog ng kilay sa eskuwelahan! Sabagay, talagang pinursige ng isipan ang pagdedesisyon sa aking kahilingan. Sisiguraduhin kong para iyon sa kaligayahang hindi ko pagsisisihan. Kaya naman ay dumiretso ako sa kuwarto ni Amelia dahil iyon lang ang tanging paraan.
Puwedeng magkasya ang apat na sasakyan sa silid ng aking kaibigan. Sagana siya sa muwebles kaya masasabing mayaman! Binalot kami ng sandaling katahimikan. Ang bintanang katabi ng kama ay may kalakihan. Sa view na iyan, napa-wow ako sa mala-hagdanang gusaling pataas nang pataas patungong kalawakan. Bukod sa berde niyang higaan, mayroon siyang mini-lutuan . . . sa tabi ng pintuan! May gas range kasi sa kalagitnaan ng hugis-L na mga cabinet na hindi mabuksan.
Buti nga at hindi natuloy iyong pagluto niya ng gulaman. Kung ganiyan lang naman, ang pagbubukas ng aircon ay matatagalan! Ang saya nga kasi hindi ako nainitan, bagkus ay natuyo ang lalamunan!
Pero since si Amelia ay may taglay na kadaldalan, siya ang nagpatuloy ng usapan.
"Aba-aba, timang, bakit sa dami-dami ba naman ng kailangan mong hilingin ay 'yan pa talaga?" Pumamaywang siya bago sumulyap sa kornisa, nakatirik ang mga mata. "Oo!" Kinompronta niya ako, nilalapitan . . . pinagsasabihan ng nanunurok niyang tingin! "Sabihin nating simpleng wish-granter lang ako, pero may utak at puso ako, e, alam mo ba 'yon?" Napatungo akong nagmumuni sa epekto ng binitiwan niyang salita. "Bilang kaibigan, dapat alam ko pa rin kung ano ba ang the best para sa 'yo." Walang sawa niyang itinaas ang parehong kilay, pinipigilan ang desisyon kong biglaan! "Hindi naman kasi ako 'yong taong basta-basta lang tinatanggap ang mga hiling na ipapataw mo sa 'kin. Kritikal pa rin ako pagdating diyan."
"Uhm," sabi ko nang nanginginig. Muling nanaig sa kalamnan ang maemosyonal kong katangian, nangingiyak-ngiyak na nakikiusap! "A-Ano ang ibig mong sabihin, Amelia?" Kinagat ko ang namamait kong labi, nanlaki ang mga mata, at saka lakas-loob kong idiniin sa kaniyang pagmumukha ang aking panig! "This is my life, my freedom. Sa kapatid mo ako masaya. Kung ita-try kong buksan muli ang puso ko ay hindi naman masama. Kaya huwag mo akong diktahan—"
At huminto ang mundo! Naudlot ang pagtakas ng mga salita sa matabil kong dila dahil sa matinding pagkapalo! Mistulang napatikwas ang buhok kong may pagkaabo. Marahil ay hindi kanais-nais na puwersa ang natamo ko! Nakaukit ng linya ang aking noo kasabay ng pagtipon ng mga dugo. Isang ipo-ipo ng katanungan ang sumakop sa tumitibo tibok kong puso!
Dinampi ng daliri ang ngipin kong nangilo. Tila nahilo ang aking ulo sa liksi at alab ng tensiyong namuo.
Pinanlisikan ko siya ng mata kasi sinampal niya ako! Ang katanungang bakit niya iyon ginawa ay bakas na lumitrato sa aking sentido!
Kumunot ang aking noo. Bumaon sa atmospera ang pahagulgol kong tono. "Kaibigan ba talaga kita, Amelia? Why do not you know what is best for me—"
"Una pa lang, timang! Una pa lang . . . sa totoo lang, tutol ako sa relasyon ng Oppa ko at sa 'yo!"
Ano? Humangos ako sa ibinalandra niyang rebelasyon! Umurong man sa gulat ang aking dila, nagawa ko pa ring isatinig ang reaksiyong—"You just disappointed me—"
Tumambol sa palapag ang nagdarabog na asik! "Aba-aba, timang, let me explain!" Sa kagustuhan niyang sumabog, pinadyak niya na lang ang kaniyang mga paa. "Hindi mo ba naalalang sexual assault ang ginawa sa 'yo ni Kuya? 'Kala mo ba napakaromantiko n'on?" Binigyan niya ako ng tinging nalulula, nababaliw ang mga mata! "Kasi sa akin . . . hindi, e. Balikan mo naman ang reyalidad na kung saan kadiri ka niyang hinalikan sa noo nang walang permiso na galing sa 'yo! Dapat sana hindi natin nakakalimutan 'yon."
Napalunok ako. Oo nga pala, pero kahit na. Nangyari na iyon, e. At nagsisi naman na siya.
Tumuwid ang aking tindig, pinabubulag sa kaniya ang imakulada kong hitsura. "My love for him worths more than his mistakes, Amelia. Hindi por que't nagkamali siya, hindi ibig sabihin niyon ay hindi ko na siya patatawarin forever," turan ko sa blangko ngunit matatag na ekspresyon.
Many people rebuked me for even the littlest of my errors, so I would not let that happen to Everette. Lahat ay gagawin para sa ngalan ng pagmamahal at pagtatanggap!
Napabuntong-hininga si Amelia pagkatapos ay hinilamos ang mala-niyebeng mukha, parang frustrated. "Ang point ko kasi . . . hindi madali iyon, Ravi." Sa bugnot ay hindi niya mapigilang guluhin ang sariling buhok na abot-balikat. "I-redeem mo muna ang oppa ko nang wala ka. Hinayaan ko na siyang mahalikan ka kasi akala ko no'n tolerable na parang iyong ginawa kay Snow White, e." Nagkibit-balikat siya at ngumiwi. "Malay ko bang mali iyon, e, taga-bundok kami o sabihin nating, taga-kabilang mundo. Pantasya. Ang gusto ko lang kasing mangyari, bilang kaibigan . . ." Lumapit siya para akbayan akong nayayanig. "Ang ginawa naming mali ni Oppa ay sobra na. At ayaw ko nang dagdagan ang kasalanan namin sa 'yo, Ravier."
"Oh." Hinipo ko ang aking labi. Matamlay na kumurba ang aking likod dahil sa nakata-touch niyang concern para sa amin ni Everette.
Pero kahit ganoon, nagmatigas pa rin ang aking puso. Sabi niyon, parang naroon na rin iyong isang bilyong papremyo ko sa lotto; ike-claim ko na lang, so we could make the most of it while it was still there, ika nga ni Everette.
Tumagilid sa peripheral view ang ulo ni Amelia. Binalingan ko siya. Iyong mga mata niya kasi ay mistulang kinintaban ng luha.
Kinamot ko ang aking batok. Gagawin ko ang lahat para maging 'puwede' ang 'huwag muna'! Niyugyog ko ang nakahalukipkip niyang braso. Bihira lang naman! Kung makaasta ka, e, para kang si Mama na pinagbawalan akong makapag-practice sa bahay ni Classmate. Chour!
Hinimas ko ang kaniyang kamay—ay hindi, ni-lotion-an ng Cetaphil, moisturizing her mood. Chour! "Pero please, friend," boses-bata kong permiso. "Tatanggapin ko pa rin naman kayo kahit malala ang pagkukulang ninyo. Ang sa akin lang, trust us, friend. Disente naman kami ng kuya mo." Maguwanda naman kami, e, at loving pa. Kung mahal niya talaga ang kuya niya, dapat pagkatiwalaan niya, huwag pagdudahan, haler! "Promise, it will not happen again." Ipinagsalikop ko ang kaliwa kong kamay sa kanan niya, samantalang nag-cross fingers ang aking kabila.
Hindi nagtagal, sa wakas! Binunutan ako ng tinik ni Ginhawa! Lumuwag ang aking kalooban pagkabuntong-hininga ni Amelia. Hay, nakapapabor iyong pakinggan na gumapang sa aking leeg . . . paakyat . . . sa aking tainga! Papayag na siguro kasi . . . talo! Aha! Kinutusan ko siya nang palihim.
Tumango na siya—"Sige na nga"—pero ang irap ay nakanatili sa katapat niyang altar. "Pagkatapos ang lahat ng 'to, kung sakaling may mangyaring masama tulad ng rape, hindi ko na sagot 'yan." Pinanliitan niya ako ng mata, poker face, matibay na senyales na parang sinasabing ako na ang bahala sa buhay ko. "Dahil lagi naman ako ang nagsasakripisyo, sige, iwanan mo na 'ko. Magpakasaya ka sa kuya ko, pero baka temporary lang 'yan." At saka niya ako tinalikuran para lang sa gulaman.
Nang dahil sa kabubulong ng 'hala!', nakalimutan ko siyang pigilan! Hinayaan ko lang siyang dumako sa apat na sulok ng kaniyang tahanan! Oo nga naman, parang napaka-selfish ko kasi pinabayaan ko ang isa kong kaibigan. Ayaw ko naman siyang iwanang mag-isang luhaan! She deserved more of my attention because she was a passionate woman.
Kaya naman ay agad ko siyang sinundan sa kusina para samahan. Konsensiya ang mismong nagbuklod sa amin para mas maliwanagan sa kaniyang dahilan.
"Bakit ka iiyak?" Nilapitan ko ang nakaupo sa sahig.
Hinawi niya ang kaniyang buhok na mala-papel ang nipis. Tumingala siya sa akin. Pamugto-mugtong mga mata ang katumbas ng kaniyang sasabihin.
"Nakadalawang wish ka na sa 'kin, 'di ba? Tandaan, heto ang pangalawang hiling mo, timang, kung nakakalimutan mo. Isang wish mo na lang na galing sa akin ay matatapos na ang misyon namin ni Kuya rito sa buhay mo." Tumingin siya sa baba . . . sa puting tiles ng kaniyang kusina, sinusulit masdan ang kalupaan ng reyalidad niyang tinapakan. "Babalik na kami sa akademya. Hindi ka na namin makikita pa."
Tulad ng pinunit na litrato ng magkakaibigan, iisipin pa lang ang paghihiwalay namin ay nakawawarak na ng puso! Paglalarawan na nga lang ng paglayo ng aming mga kamay sa kawalan ay hindi ko kayang tanggapin! Masyado pang maaga! Mayroon pa namang paraan para mag-last forever ang isang ugnayan!
To lighten up the mood, I laughed in disbelief, pretending to be unaffected. "E, do not worry." Nag-squat ako nang mapantayan ang biyas niyang binihisan ng mahabang leather jeans. Pakuwento akong bumulong, "May pasabog ang third wish ko." Third wish ko na lang kinabukasan ay magkaroon ako ng fourth wish na galing sa kaniya. Then continuous na iyon para forever na! "O baka hindi na lang ako mag-wish. Lahat naman ng gusto may paraan, hindi ba?" I said, shoving the end-is-near thoughts.
Muling lumaki ang bunganga niyang parang dinuduro ako. "May pamilya pa akong babalikan, timang! Pero sige na nga, hangga't wala pa ang kadiliman." Tumayo siya, pinagpag ang pakupas nang jeans. "From Naomi, gagawin kitang baklang Ravier para sa mala-pantasya mong kinabukasan—"
𝐑𝐀𝐕𝐈𝐄𝐑 𝐒𝐀𝐋𝐀𝐙𝐀𝐑 |꧂Ako ay napatili na parang ibon. Nakagugulat na reaksiyon ay sa kalooban umipon. Hangos ng mangha at pagbilog ng mga mata ang tangi kong naitugon. Dala ng mahika ni Amelia'ng ibinaon sa karton, mala-ahas na sumirkula ang asul na usok sa aking katawan noon. Ako nga ay sinipon! Nakakukuryente ang lamig ng mga usok na tila ipinaglihi sa Atlantikong alon.
Sa pagtakbo ng panahon, kumupas na parang kaluluwa ang mga usok ng imahinasyon. Ang puso ko man ay may limitasyon, tibok-lundag-tibok-lundag pa rin ang vibration niyon, kaba ang hinahamon.
Nakatapak na kasi ako sa elevator ng condominium ni Everette nang maglaon.
Naghintay ako roon . . . nang limang daang taon. Pero chour lang iyon.
Pero since nainip ako katatalon, pero since sawa na ako sa kao-overthink sa consequences ng nagawa kong desisyon, sinulyapan ko na lang ang suot kong pantalon at ang T-shirt kong kulay crimson. Si Amelia nga, e, gusto na iyong itapon! Mabuti na lang at hindi kasi may maisusuot akong panlalaking pamasyal katulad na lang ng brown na sinturong binili pa sa Lebanon.
Pero since ako ay kinabahan sa nalalapit naming pag-i-interaksiyon, ang Absolute mineral water ay aking nilamon.
Tumapat ako sa basahang sinakop ng tsinelas na Islander; doon sa hallway. "Knock! Knock!" Kumatok ako nang tatlong beses sa pinto ng unit. Room six-five-five!
After niyon, umatras ako at saka nagpaka-demure ng aura. I engraved a daring grin, then centered my pouch bag on covering my tits.
Chour! Siyempre, dapat ang kamay ay halos magkadaop sa isa at isa! Kunwari magpapa-picture sa tapat ng peephole.
Nang tumagal, patampal na nagparinig sa dirty white tiles ang pagtapik ng aking sapatos. Sa inip nga, e, gusto nang makagora ang mga pawis ko mula sa aking noo. Kaya naman ay nag-doorbell ako at nangumusta ng, "Hello?"
Kumunot ang aking noo pagkatapos ay napasabunot. Ano kaya ang problema at ang tagal buksan ng pintuan? At saka, bakit walang kulay blue na ilaw roon sa doorbell niya? Napanguso ako.
Do not tell me na hindi niya binayaran ang Meralco para lang sa doorbell na iyan?
Balita ko, e, marami raw diyang babae sa unit niya. Katropa niya, laging kasama sa BGC ever since may pandemya.
Kini-kiss niya—chour!
Kuwento raw sa akin iyon ng isang bading na maseselosin!
Nakahinga ako nang maluwag pagkaawang ng kabilang pintuan. Room six-five-four.
Ngumiti ako sa lalaking nagbukas at mahinhing kinapa ang ibabang labi. Ay! Doon pala unit niya, hehe.
Binisita ko ang malawak niyang silid. Pagkapasok pa lang, sinalubong ako ng paglabas ng aircon sa lamig ng ihip ng hangin!
Tulad ng insektong papasok kaagad kapag bukas ang entrada, binaybay ko sa espasyo ang aking paningin. Tulad ng kay Amelia, kung nangingibabaw ang kaberdehan sa kuwarto nito, puti naman ang color coding ng kay Everette. Unang itinuon ng aking mga mata ang nakalambiting halamanang malapit sa kaniyang bintana.
Ang taray nga ng haybol niya, e! Nakabungad ang modern sofa set tapos may foam center table na lalagyanan ng mga candle ware! Halatang binili sa Mandaue dahil nangangamoy puno. Bagong bili ang ibig sabihin niyon!
Sa gilid ay may mataas na cabinet na koleksiyon ng mga espada. Siguro iyon ang mga ginamit niya sa mga tournament. Kaso nga lang, nakalawang. Matagal na sigurong nakatambak at hindi pa nakukumpuni.
Landi kasi ang inuna kaysa sa pakikipaglaban. Patay na patay kasi sa akin. Ayaw pa kasi akong tarakin gamit ng mga iyan. Chour!
Nginitian ko ang lalaking basang sisiw. Kaya pala ang tagal kasi naligo pala siya. Inangat ng braso ang relo kong nakaturo sa alas kuwatro. Sakto iyong timing!
Bago man may magsalita, siya ang aking inobserba. Nakatuwalya lang siya bilang pantapis sa kaniyang katawan. Wala siyang suot na tsinelas or anything.
Sana all tuwalya.
Ang buhok niya ay maihahalintulad ko kay Kim Taehyung na ma-bangs at kulot-kulot nang slight pero basa.
Bawat butil ng tubig ay dahan-dahang pumapatak . . . dumarousdos . . . tumutulo sa umaangat-baba niyang dibdib. Ang mga iba ay umabot na sa torso, tila ginuguhit ang kaniyang pagkamatipuno!
Hindi ko na d-in-escribe pa iyong abdominals niya, ano. For my eyes only.
Chour! Tunay na ang kaniyang 'built' ay isa sa mga hindi malilimutang scenery sa araw ng rebelasyon. Sa sobrang ganda ng scenery, e, para akong literal na sinisilip ang natatagong ganda sa 'kagubatan' ng Amazon.
"G-Ginawa mo talaga 'to?" (nautal ka naman) tanong niya na parang walang pakialam kahit makita ko ang kaniyang kabuuan.
"Oo, para sa iyo." Ngumiti ako at (tinangkang silipin ang tinatago niyang kagubatan) saka itinago sa malalaki kong kamay ang hawak na pouch bag.
Sinuklay niya paakyat ang malago niyang basang buhok, pinakikita ang mapekas pero matikas na aura. Pero since nakaangat ang braso niya, napasilip tuloy ako sa paepal niyang armpit.
"You really do these on me?" Binasa niya ang kaniyang labi. "'Ket? Crush mo na naman ba 'ko?" Napawi ang aking ngiti pagkasigla ng abot-tainga niyang ngisi.
"Ay." Pebebe akong tumawa, hinawakan ang batok, at tumingin sa left; sa kusina niyang walang ilaw! Doon sa galon ng Water Genesis na katabi ng mga kubyertos! Kailangan kong lumihis sa baduy niyang tanong.
Saan niya na naman nakuha iyong 'Ket? Crush mo na naman ako?
Mahihinang nilalang lang ang magsasabi niyan!
Dapat ganito. 'Ket? Mahal mo na ba ako?
"Nasaan ang tubig ninyo?" At bubuhusan kita ng mainit. "Nauuhaw ako." Sa pagmamahal mo. De joke, napaismid ako with that thought!
Pagkalapit niya pa-two inches sa akin, tumingin muli ako sa left. May hanger palang nakalambitin sa pader na kinasandalan ko! Kailangan niya yata ang puti na may pagka-yellow niyang grade eight PE T-shirt na . . . PCS.
Hinimas ko ang malambot at makapal niyong tela. "Uhm." Hinila ko iyon paalis sa hanger. "T-shirt mo ito? E, m-magbihis ka muna," sabi ko sa nagdadalawang-isip na tono. Nagduda nga ako kasi hindi naman original iyong mga iyon. Hindi naman kasi ganoon ang mga T-shirt na nakita ko sa . . . Paco Catholic School.
Pagkabigay ko niyon pasuntok sa dibdib niya, nakakikilabot na naman siyang ngumisi. "Ba't ang lawak ng ngiti mo ngayon?"
Pinaglaruan niya ako muli na parang bola! Mistulang nagsiksikan ang kaniyang mga ugat para panliitan ako ng tingin. Natigilan ang aking kaluluwa, naestatuwa sa panunuri ng yelo niyang mga mata.
Napalunok ako sa nakapanlalamig na kaba. Isip, Ravi! Isip! Marahas na humalungkat ang aking baga ng istatik na hanging molekula. "Siyempre kasi, masaya ako kasi nakita kita." Nang nakahubad. "Ang makita lang naman kita ay sapat na, e." Pero since hindi ako makuntento dahil hindi sapat ang nakita ko, bumaba ang aking tingin sa puting towel niyang pantapis.
Siguro umangat titi nito. Parang nakanood ang supot ng AlDub, a!
Chour! Ang saya talagang maging bakla ulit!
"Sorry kung naabutan mo akong basa . . . asim kilikili." Sa pag-ulan ng hiya ay namula siya sabay kamot sa batok.
Natawa naman ako sa sinabi niya bago siya makabalik sa CR.
Pero, in fairness, basa asim kilikili pero nag-shave!
Kinalbo! Deforestation! Illegal!
Bilang bakla, e, na-insecure ako sa armpit ko. Pasimple kong inangat iyong akin para silipin. Preserved ang gubat! Walang wildfire, so baka tinirhan na ng mga langaw ramo, chour!
Nagsalita ako. Puwede namang diyan ka na lang magbihis since bahay mo naman ito, chour! Cliché na palusot ng malalandi.
Heto na lang ang s-in-ubmit ko, "Okay lang iyan." I gave him an assuring yet soft smile. "Condo mo naman ito, e. It is your rules." Ninakawan ko ng tingin ang kaniyang broad shoulders.
Galing! Walang tattoo! Flawless! Minimum amount of nunal lang then pasa.
Para na nga akong nangongopya sa katabi kasisilip tuwing prelim, e, nag-aanyong giraffe iyong leeg, chour!
Pinindot ko ang switch ng ilaw. Ipinaliwanag ng nag-iisang bombilya ang kusinang may gas range at lababo sa tabi. Masikip, oo. Dahil na rin sinakop ng bar-style dining table ang espasyo. Pati ba naman doon ay amoy Johnson's baby cologne.
At siyempre, baby ko ang may-ari. Chour! Ang saya ko naman kapag kaakbay ako ng baby ko sa payatot kong baywang!
"Kumusta ka na? May masakit ba sa katawan mo matapos kang anuhin ni Dongsaeng?" Concern siya.
Ngumiti ako para harapin siya. "Wala naman. I really thank your ate for giving me . . . us a chance to unite again."
Inurong niya ang dalawang stool para makaupo kami. "Bago tayo mag-bonding." Ipinatong niya ang siko sa wooden table para magsandalan ang kaniyang kamao at panga. "Ano ang gusto mong pagkain, Char?" panlilibre niya sa akin.
"Uhm." Nagsalubong ang kilay ko pagkatingin sa sahig niyang laminated. "Kung ano iyong nasa ref ninyo malamang." Gr-in-ab ko ang maugat niyang kamay. "O kung gusto mong magpa-Grab, then go," utos ko na ikinagalak ng mga alon ng likido sa aking sikmura.
Pumamaywang siya nang makapagdesisyon. "Magluluto na lang ako ng manok."
Noong mailarawan sa isipan ang umuusok na golden-brown fried chicken ng Max, sumilay ang maliwanag na sigla sa kayumanggi kong kutis. "Sama naman ako sa pagluto mo bilang." Nanay, chour. "Kaibigan. Turuan mo naman akong magluto ng chicken na iyan." Nakabibilog-pisngi ang naibalandra kong ngiti.
Pagkatayo at pagkaurong ko ng stool pabalik sa dining table ay tumugon siya, "Bakit naman, char?" Nang-iinspeksiyon niya akong tiningnan; hindi natitinag ang pagpamaywang at kunot na gumatla sa kaniyang noo.
Sinuklay ko ang aking buhok para hindi awkward. "Para naman sa susunod, matapos mo akong turuan, ako naman ang magluluto ng dish para sa iyo. At siyempre." Kinumpas ko paikot ang aking kamay sa ere. Kumbaga, parang nanghahalo lang gamit ng wooden spoon. "Hahaluan ko siyempre ng mas obvious na pagmamahal." Tumingin ako sa right na kung saan naghintay ang mga nakalambiting kasangkapan sa pagluluto, along with the lababo.
Hindi nagtagal, sa refrigerator niyang Samsung na katabi ko, kumuha na kami ng apron.
Binuksan na ni Paolo ang refrigerator. Ang nakagiginaw niyong temperatura ay mistulang ilaw na tumama sa aking balat. "Nasaan ang manok?" untag ko pagka-squat ni Paolo para kuhanin ang manok. Ako naman ang pumamaywang doon, minamasdan ang laman ng kaniyang refrigerator na overpopulated sa bote ng Vitamilk.
Tiningnan ko naman ang isang buong manok ng Magnolia na hawak niya. "Paano mo ginawa iyan?" Kasi may mga patusok-tusok na seasoning akong nakita at bawang. Isang buong lemon pa ang isiniksik sa gitna.
Ngumuso siya paturo sa refrigerator at saka inilapag sa lamesa ang lagayan ng manok. "Sa freezer ko inimbak nang three days." Kumuha siya ng oven mitts at isinuot iyon. "Ta's nilabas ko ulit para matunaw iyong yelo sa tubig. Lalagyan ko kasi ng rosemary herbs, lemon, at bawang pampalasa. Pagkatapos n'on, pinalamig ko ulit siya sa ref pero hindi sa freezer."
"Ah." Tumango akong inosente since nalinawan. "So, ano na lang ang gagawin ko?" Lumapit ako para pumalumbaba sa kaniyang broad shoulders.
Nilingunan niya ako, slight. Sapat na para mahagilap ang matapang niyang tindig. "Char, buksan mo na 'yong gas range. Madali na lang 'yan." Bumalik ang tingin niya sa chicken, tina-truss iyon o tinatali. "Ako na magtutusok ng manok na 'to at magbubukas ng ihawan. Mahirap pa naman 'to."
Napasakamay na ni Paolo ang matalim at mahabang metal na pantusok sa manok. Ako naman ang naghanda ng mangkok. Naawa nga ako sa manok dahil kung buhay pa iyon ay talagang nakabibingi iyong titilaok! Lumingon ako kay Everette at saglit na napahawak sa batok, nagbabakasaling makontrol ang puso kong patibok-tibok.
Ang pagiging magaling sa pagluto ay isang pagsubok. Kapag nakakita ako ng guwapong marunong magluto ay talagang dadalawin ako ng antok! Ang nakaigting niyang panga at agresibong mga mata ay kumakatawan sa kaniyang pagiging mapusok. Kumakatok nga sa aking puso ang hotness niyang nakatatampok! Hindi ko na inalintana ang pagkagat sa akin ng lamok. Ang mamasel niya kasing braso at kamao ay nakaaakit at nakapanghihina na parang ako iyong sinusuntok!
Sa kusinang maalikabok, matapos tingalain ang hotness niyang nakahihibok, nakaamoy ako ng legit na usok! Nang mapagtantong matagal nang bukas ang LPG at nakatingin na pala siya sa akin ay natahimik akong parang tuldok.
Sumimangot siya sa akin, nagtataka at naiirita. "O, ano'ng tinitingnan mo diyan? Ihanda mo na, o. Ang bagal!" Itinuro niya ang napag-iwanang gas range gamit ng tinidor.
Ay, oo nga pala! Magluluto rin kami ng french fries!
Nag-pout ako kasi na-high blood siya sa akin. Galit na si Bebe.
Kaya naman ay kumuha na ako ng kawali para hindi na siya magalit. Para kumalma ang nagtagis niyang bagang, nagpakilos ako ng kuwestiyong, "Ano ang mga talent mo aside sa pagluluto?" At saka ko dahan-dahang i-t-in-urn paikot ang knob ng gas stove. "Are you really a singer?" follow-up kong kuwestiyon.
"Hindi." Kaunting pait ang tumimpla sa salitang iyon. "Hindi ako katulad ninyo ni Jaxon."
Pagkalitaw lalo ng itim na tinta ng kaniyang anino, saka ako lumingon sa paglapit niya. "E, ano ang talent mo?" sabi ko sa lalaking nambuhos ng mantika sa kawali.
"E 'di, ang maging pastry chef at saka, sumayaw." Nagtama ang aming paningin, nasasabik sa bubulagang reaksiyon.
So, gusto ni Paolo na maging pastry chef or dancer? I smiled at that thought. Suwerte ko naman.
"Kanino ka natutong sumayaw ng ako ay isang model?" Doon sa Ermita. Gabi-gabi sa disco, chour!
Humalukipkip siya na ikinaharap ko. "Basta nag-aano ako, 'di ba?" Nginisihan niya ako sabay taas ng isang kilay, nagpapa-cute. "Nagtu-tournament ako sa akademya kaya more on physical 'yon." Gamit ang malaking pangangatawan, siniko niya ang mapayat kong braso. "Kaya madali na lang sa 'kin ang gumalaw . . . sumayaw." Pinanlisikan ko siya ng mata sa kayabangan niya.
Pero at the same time, wow. Umasim ang mukha ko. Kung nagdo-dodge siya nang mabilis, siguro madali na lang sa kaniyang mai-master ang pagsayaw ng Pamparampampam. "Sige nga." Umatras ako bago bumulyaw, "Siguraduhin mong mai-insecure ako kapag nakita kitang sumayaw ng Lekong Lekong So Skidi, ha!" Halos ipinansapak ko na sa mukha niya ang hawak kong sandok.
"Sige." Hindi pa man siya sumasayaw ay tila pinaestatuwa niya na ako sa kakaiba niyang kilos. Nabigla ako sa nakakukuryenteng sensasyon. Sumabay pa sa pagbalot ng kaniyang presensiya ang paghagkan ng mainit niyang palad sa magkabila kong balikat. "Download mo 'ko Tiktok. Tapos doon tayo mag-duo," mariin niyang utos, diretso ang tingin sa aking mga mata, hindi inalintana ang isang pulgada naming distansiya.
Ngumiti ako. Pinagmasdan ko na lang ang pagmutawi ng mga susunod niyang sasabihin sa manipis niyang labi.
Matapos niyon, dahan-dahan naming pinaugoy ang aming mga baywang. Pahakbang to the left and to the right naman ang mga paa. Mahina muna, hanggang sa maliksing umindayog sa piping atmospera. Para ngang pareho kami ng utak, a. Kung ano iyong step niya, ganoon din ang aking ginawa. Sabay tawa, husky siyang humalaklak samantalang galing sa akin ang mapakla.
Sumayaw kasi na parang tanga! Walang musika, pero pinaunlakan ng masayang enerhiya sa mga mata. Ang importante lang naman ay kasama ko siya.
Pero, in fairness, I love the way he makes me smile; he makes me smurf. Yes, sa tangkad niya, e, talagang (tiningnan ko ang sarili mula kisame hanggang paa) mukha akong smurf sa height ko.
Well, actually, mas bet ko siyang sumayaw kay Jaxon. Wala lang, ang appealing niya kasi. Hindi lang siya nagpapa-impress—nagpe-flex kung gaano siya kalambot—pero nang-e-express . . . as if he wanted to claim something . . . like me.
Kumalas ako mula sa densidad ng aming kaligayahan. "Uhm." Tumingin ako sa likod; sa gas range. "Iyong fries natin . . . sunog na." At saka ko iyon ipinatay para maihanda na sa living room.
Habang bitbit niya ang pa-oblong na plato ng manok at fries, hinimas ko ang laylayan ng jacket niyang ibinurda sa telang polyester. Ang linis niya kasi sa light-colored outfit na iyon. Tapos ang cute pa kasi may gray dinosaur sa gitna kasama ang kuwintas niyang silver. Kaya naman ay naisipan kong magtanong ng, "Saan mo nabili iyang white sweater mo?"
"Sa SM Aura." Inilapag niya na sa center table ang plato kasama ang unli-rice. Lumingon siya sa akin, bahagyang nakabuka ang labi. "Bakit? Gusto mo sa 'yo na lang?" At saka niya ibinanat ang jacket patungo sa akin. Baka kasi gusto ko raw . . . angkinin . . . iyong pag-aari niya.
Kung kakapalan ko ang mukha ko, e,—"oo naman."—tumango ako. "At saka, gusto ko iyan kasi, I look clean in bright white outfits. Actually, we should wear 'both' and buy 'both' if we will perform 'both'."
Kakagatin ko na sana ang napitas kong fries pero umungot siya.
"Both? Parang boat lang. Ayaw ko."
Tinapunan ko ng lingon ang paa ng katabi kong nakadekuwatro. "Bakit naman?" Ano ang problema niya sa boat at both?
"Tingnan mo kasi. Kapag binaligtad mo 'yong boat, e 'di, magiging taob. At ayaw ko 'yong mangyari sa ship natin." Tumikwas ang aking ulo sa sinabi niya. "'Di ba, EveRavier?"
Since namula ang aking pisngi, tinampal ko ang kamay niyang nakaakbay. "Ang corny mo! Pero since para kang bata, what is your age naman pala?" Sumandal ako sa broad shoulders niya, pinanonood ang nakaumbok niyang voice box sa tuwing iinom.
Tumikhim siya. "Kapag nag-seventeen ka na, nineteen na 'ko." Pa-cool niyang itinaas ang kabilang palapulsuhan para gamiting panghiga sa ulo. "Tapos si Dongsaeng, eighteen na siya."
Oh. "So, parang two point five years ang agwat natin sa isa't isa? Samantalang si Amelia ay . . . five months something ang age gap namin?" usisa ko na ikinatango niya.
"Parang gano'n na nga. Basta gano'n. Two years."
At doon nagpatuloy ang aming pagkuwentuhan. Siyempre, ang pagdarasal sa Panginoon sa kainan ay hindi namin makakalimutan. Sa pag-angat ng buwan, ang wittiness ni Everette ay aking kinaaliwan.
Sa katunayan, ang galing ngang sumayaw ni Paolo sa Tiktok ng JRBITZ at marunong mag-transition sa ilan! Ring light, background na halaman, at basag na iPhone X lang ang kailangan!
Dinaplisan ako ng inis kasi napaka-unfair niya minsan!
Sa account niyang nangangalang PaoloNumbahWan, nahagilap ko ang isang video niyang paiba-iba ng larawan dedicated sa kung sinuman. Pa-compliment daw ang tawag diyan!
C-in-ompliment niya kasi ang malalapit niyang kaibigan, e, ako ay desperada siyang pinakiusapan! Sana ay naisipan niya man lang akong gawan tulad niyan!
Nakaseselos kaya no choice, sinipa ko siya sa paanan! Pero pilit niya pa ring tinanggihan ang aking kahilingan! Kahilingang kung puwede niya ba akong pag-compliment-an.
Nang mapakinggan ang kaniyang dahilan—na gusto niya ay siya lang ang makasaksi sa aking kagandahan—kami ay nagkabatian!
De joke lang. Ang totoo nga niyan, e, ang sagwa kong sumayaw kaya hindi niya in-upload.
Kakanta na nga lang ako.
Matapos ang bonding na may kasamang ka-sweet-an, kami ay nagharutan sa sofa'ng puwedeng higaan!
"Ano ka ba talaga, Paolo? Bakla? Silahis? Or ano . . . pansexual?" Kumapit ako sa kumot na bumalot sa amin. Matutulog na kami. "Ano ba kasi ang tawag sa straight guy na may gusto sa bakla?"
"'Di ko alam." Kinusot niya ang nakapikit niyang mga mata at saka ako niyakap na parang unan.
Nilingunan ko siya nang kaunti. "Kahit pansexual, hindi mo alam?"
Tumayo ang mga balahibo ko noong nginusuan niya ako. "O, tingnan mo, sinabi mo na naman! Pansexual? Pansexual? Pansexual? Puro pandesal ko nasa isip mo ngayon, a."
Kasabay ng pagngitngit ng mga ngipin, matining na tunog ang aking naimpit. Tinakpan ko ang aking labi gamit ng kaniyang unan. Para akong nanaginip nang manumbalik sa aking paningin ang basa niyang pangangatawan!
Tinampal ko siya sa pisngi. "Hoy! Hindi ako nagbibiro! Kulang ka talaga sa research!" Pansexual, hindi mo pa mapakinggan nang maayos! Tse!
Tinabunan niya ang sariling mukha sa mabuto kong likuran. "Hindi mo na kailangang alamin pa kung ano'ng preferrings or 'yong mga gender na pinili ko. Basta ang importante, nagmamahalan tayo nang totoo. Basta 'yong puso ko, nasa 'yo, gano'n. Ta's yong kaluluwa natin, parang magkaklase, soulMATE. Nagyayakapan." Rumupok ang kalooban ko noong mas uminit pa ang kaniyang pagkakayakap sa likuran. "Iyong pinili ko talagang mahalin ka. Tapos iyong nag-iisa tayo gano'n, basta. Iyong parang union. Basta." Ipinagsalikop niya ang aming mga kamay. Doon ko napansin ang bracelet niyang may kasamang scapular. "Hindi ko kasi ma-express gamit ng mga salita e. I'm too sorry, char."
Hinarap ko siya at pabebeng nginitian. May balak kasi ako.
"Kung ganoon, i-express mo na lang sa pamamagitan ng aksiyon," payo ko gamit ang nakalalambot na boses.
Kahit madilim ang kuwarto, buwan lang ang siyang liwanag, kumutitap ang katanungan sa kaniyang mga mata. "Paano ko maipapakita gamit ng actions?" Kinamot niya ang matangos niyang ilong na bahagyang binudburan ng pekas.
"Ano, mae-express mo ito sa pamamagitan ng paglambing sa akin." Kinapa ko ang kaniyang braso.
"Paano 'yon?" Ang bugso ng kaniyang hinga ay bumagtas sa natuyo kong balat. "Paano ko maipapadama sa 'yo ang pag-ibig ko?"
"Ano." Pero since gusto kong makaluwag-luwag sa kaniyang yakap, inakbayan ko siya. "Uhm." Pinantay ko ang mukha ko sa kaniya. Bumaba ang aking tingin sa manipis niyang labi. "Tingin ka muna sa labi ko." Bigla akong humingang malalim.
"O tapos?"
"Tsup-tsup-in mo ako."
Tahimik man, pero dinig na dinig ang sigaw ng nagtitigan naming mga mata.
"Ano ibig sabihin niyon?" tanong niya sa kalmadong ekspresyon, ignorante sa susunod kong gagawin.
"Ano." Ngumiti ako. "Uhm." Hinagod pataas ng aking palad ang batok at hita niya na ikinatigil ng aming mundo. "Halikan mo ako. Ganito, o." And then my lips naively gave him a smack that would forever mark on his cheek.
Parang batang napabalikwas mula sa lalim ng panaginip, agad siyang umatras, nilayuan ang posisyon kong nakagapang. "Bakit mo ginawa sa 'kin 'yon? 'D-Di pa 'ko nagtu-toothbrush! Wala pang pahintulot sa 'kin!"
Tumungo ako pagkaduro niya sa akin. Gayon din ang aking puso, nanlulumo sa hiya. Hindi ko alam ang gagawin dahil pinagsisihan ko ang padalos-dalos sa desisyon.
Pero isa lang ang tanging alam ko. Lumapit ako sa lalaking hindi mapalagay. Sumulpot na ang mga ugat sa kaniyang leeg habang ang mga mata ay napamulagat na lamang na tila nabangungot. Para umamo ang kaniyang ekspresyon, minasahe ko ang magaspang niyang kanang kamay. Dama ng bakas ng aking hinlalaki ang paninindig ng kaniyang mga balahibo. Nakahinga naman ako nang maluwag pagkaigting ng katahimikan.
Malalalim na hinga lang ang aking napakinggan. Hetong salita ng pangako ang aking itinuran, "Hindi ba, sabi mo sa akin, hangga't October twenty-two pa ng gabi, ipaparamdam natin sa isa't isa kung gaano mo ba ako . . . kita . . . pinapahalagahan . . . kung gaano ba natin nasesentro . . . ang appreciation natin sa isa't isa . . . na tayong dalawa lang. So, huwag na nating lagpasan itong gabing ito, Paolo Everette. Hindi naman tayo lalagpas sa linya kasi . . . matutulog lang naman tayo." Natawa ako sa sinabi ko.
Bagamat pagiging seryoso ang sumalamin sa kaniyang nakayeyelong mga mata, nilapitan niya pa rin ako . . . nang nakangiti. Kaso nga lang, hindi iyon abot-tainga. Hindi man iyon kasigla noong una, pero hinalikan niya na lang ako sa noo sa gitna ng mapayapang atmospera.
"Sumandal ka sa 'kin." Dinaklot niya na ang dilaw na kumot para hindi ako maginawan.
Tumingin ako sa nakabukas na bintana sa kaliwa. Bumungad ang asul na kalangitang animo'y idinibuho sa pag-asa. Itinuon ko ang aking atensiyon sa mailaw na BGC skyline. Hindi, tumingala na, nakamasid na pala sa buwan; sa mga bituing kumikinang din na mahirap abutin.
Bumulong ako, nangungumusta, "Thank you, Everette. Thank you that you have been watching me even I fought hard. Goodnight." And he would have a special place in my heart while the clouds move along as the clock ticks.
𝐑𝐀𝐕𝐈𝐄𝐑 𝐒𝐀𝐋𝐀𝐙𝐀𝐑 𝐁𝐄𝐈𝐍𝐆 𝐍𝐀𝐎𝐌𝐈 𝐄𝐕𝐀𝐍𝐆𝐄𝐋𝐈𝐒𝐓𝐀 '𝐌𝐎𝐎𝐑𝐄' |꧂Pagkagising, binuksan ko muli ang aking mga mata. Tumingin ako sa kanan at sa kaliwa.
Hindi ko matanggap dahil si Everette ay nawala na.
May kailangang asikasuhin muna yata kaya ako iniwan para kay Amelia.
Humarap ako sa isang salamin dahil nakakita ako ng kakaiba.
Napatampal ako sa aking mukha, nagtatakang tulala. Mula sa maputla, mahinhing bakla, at hindi nakalalaglag bra kong estruktura, kusang bumalik ako sa dati kong anyong si Naomi Evangelista!
Ako ay umiling at napatanong dahil bakit ako lang ang tao sa condo'ng iyon at paano nangyari iyon? Panaginip lang ba ang pagsasama namin ni Everette noong isang gabi? What the heck!
Lumunok ako sa kaba, pinapakiramdaman ang pagnginig ng kalamnan.
Kapag ang kahilingan ay hindi tumagal, mayroong kriminal!
Ang kriminal na iyon ay ang kadilimang nakasasakal!
Binibigyan na naman ni Tempiros, ang diyos ng kadiliman, si Amelia ng isang nakadududang aral!
Nagparamdam na nga ang nakababanta niyang papalapit! Kung kaysa sa dalawa na ang hiling ko kay Amelia, e, nag-back to one ulit! Kung kaysa sa makabalik na ako sa pagiging bakla panghabangbuhay, sa kamalasan ako nadawit!
Dahil ang kadilimang si Tempiros ay nanghuhuli ng tao para maudlot ang misyong alay sa kaniyang asawang pinatay niya!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top