𝕮𝖍𝖆𝖕𝖙𝖊𝖗 𝟐𝟕
Kismet So Wreathed is now titled Kismet's Gamble. (Credits to plutointhestars for the book cover and banner)
●━━━━━━━━━━━━─╮
TITLE: PARTNERSHIP
╰─━━━━━━━━━━━━○
Unedited: Typos are exxpected..
Naomi Evangelista| Sa paglabo ng aking paningin, nanumbalik sa alaala ang rebelasyong ibinunyag sa akin ng birth certificate ko. Hinihingal akong umupo.
Pero noong mahawakan ko ang bakal ng hinigaan ko, napakunot ang aking noo. Nasaan ako?
Kumabog ang aking dibdib nang mapagtantong nasa ospital pala ako. Dahil sa sitwasyon kong iyan, umulan na parang baril ang mga katanungan sa aking isipan.
Bakit ako nasa stretcher at nakasuot nang pampasyente? Hindi ba si Papa ang dapat naka-confine doon? Kumusta na kaya siya?
Kinusot ko ang nagmuta kong mga mata para lubusang libutin ng tingin ang paligid. That flimsy hospital gown hung loosely in my exposed pale skin. I could not help but feel vulnerable because of its paper thin fabric. Dagdagan pang nakanginginig-sikmura ang lamig sa puting kuwartong iyon. Pakiramdam ko ay masusugatan ang sensitibong hita ko sa kung anumang dadaplis sa akin.
Nakapalibot sa akin na tila rehas ang mga wooden brown partition walls sa magkabilang gilid. Ano kaya mangyayari kapag binuksan ko ang harang na iyon? Mabubunyag kaya ang mabahong sikreto ng pamilya ko? Nagtiim ang aking bagang at rapidong huminga.
I suddenly sense an empowering surge of madness, ready to diminish someone. My best revenge is the cold treatment I would serve in their morning.
Kung kailang magbabalik-loob ako sa pamilya ko, saka isang masakit na katotohanan naman ang magpapalayo sa akin sa kanila. That time, hindi man ako pinalayas, ginawa naman akong uto-utong hindi ko dapat pinalampas!
Pinigtas ko ang daluyan ng dextrose para makaalpas sa nakayayamot na rehas. Ang mga dugo ko roon sa ugat ay tumakas, tila mga emosyon kong lumagaslas. Umaasngaw kong angas, hindi matotodas!
Pagkatapos ay doon ako nagpupuyos na bumalikwas. Kahit wala pa sa kondisyon, nanatili akong malakas. Kahit ang sugat ko sa pulsuhan ay may gasgas, nadaig naman iyon ng galit kong mapangahas. Kasimpirmi ng sandatahang lakas akong bumagtas palabas. Mabigat na pagdaranas, nagmatigas kong binigyang-wakas!
Pero kung ako naman ang minamalas, si Mama, kaniyang pangalan ay malamig kong ibinigkas.
"Pakialamero." Saka niya ako hinampas nang pagkalakas-lakas dahilan para ako ay mapaatras.
Bigla akong kumalma at natigilan. Mabagal kong hinawakan ang namanhid kong kapisngihan. Kinagat ko ang aking labi sabay pikit nang marahan nang damhin ang nag-alab na kapaitan. Once again, I realized how it felt to be a powerless human.
"Kung gamit ng iba, huwag mong pakikialaman!" tukoy niya sa birth certificate kong kinuha ko.
"Hindi iyon gamit ng iba, Mama. Dahil birth certificate ko 'yon, akin iyon! Karapatan kong malaman kung saang sinapupunan ako nanggaling." At ang putangina pa, hindi mo sinabing hindi sa tiyan mo ang nilabasan ko.
Pinaalingawngaw ko sa kaniyang tainga kung ano ba ang dapat niyang gawin bilang ina . . . kung ina ba talaga siya para sa akin.
Akala niya siguro ay gagantihan ko rin siya ng sampal. Kaya hinawakan niya agad ang duguan kong palapulsuhan. Nanginginig na nga ang mga kalamnan ko roon. Kaya ang daluyong ng inis ay pinarating ko sa mga salitang aking sasabihin.
With my clenched fist, I unknowingly hit my heavy chest while walking toward her, conveying how a large part of me had been broken. Didn't she feel sorry for me? Gulong-gulo na ako na tila gusto ko siyang isama sa gulong tinahak niyang iyon.
"For my seventeen years of living, I have been fooled by the idea that I am the child of one of the most influential people on Earth, which is you, Mama."
She did not deserve the title 'most influential,' as influence and love must coexist to make meaning. She might be high-ranking in that company, but her lack of compassion and empathy would never make her truly influential.
Namugto ang namanglaw kong mga mata at sinabing, "K-Kaya ba pinalayas mo ako two years ago sa bahay kasi hindi lang ako bakla, pero isa ako sa mga anak sa mundong napilitan lang kupkupin ng mga magulang dahil hindi nila kayang patayin ito."
Since hindi siya maka-react, hinigit ko ang aking kamay na hinawakan niya. Nakatulala lang siya habang nakanganga, kumikibot ang makapal na talukap, hanggang sa tumutok ang namilog niyang mga mata sa likuran ko.
"Ravier. Uhm."
Lumingon ako paglapit ng anino sa aking likuran. Nakayuko ang malapad niyang likuran at tila iniwang pahikbi-hikbing luhaan, nagmamakaawa dahil ako ang kaniyang pinabayaan.
Kasinlamig ng asul na yelo ko siyang tiningnan. Ekspresyon ng galit na may bahid ng kalungkutan ang aking inilarawan. Tita Susan, ikaw ang lagi kong hinahangaan, pero dahil sa ginawa mong iyan, hindi ko akalaing para akong pinagtaksilan! Giniba mo ang tiwala ko kaya dapat masadlak ka sa kaibiguan.
"R-Ravier, a-alam naming malaki ang nagawa naming kasalanan," halos mapiyok niyang bigkas habang nakatingin pa rin sa kailaliman. "Hindi mo ako mapatawad ngayon man. H-Hindi ko hinihingi iyon, pero okay lang sa akin na ako na lang ang pagbuntungan ng galit na iyong nararamdaman. Inaamin kong wala akong kuwentang ilaw ng tahanan, oo, pero hayaan mong aakuin ko ang kahihinatnan ng aking kakulangan."
Dahan-dahan ngunit pagewang-gewang siyang tumayo sa kaniyang kinaupuan. Hirap na hirap pa nga dala ng katabaan. Nakatingin sa akin nang diretso ang paga niyang mga mata na tila handang harapin ang karma na naglalaman ng matatalim na salita ng kapintasan.
I pinched my soft chin. Anumang lalabas sa bibig niya, any needless explanation would be laughable. "So, that was why, ha?" sarkastiko akong napangiti sa nabuo kong asumpsiyon. Pagkatapos ay marahas na hinawi ang tuyong buhok sa prustasyon. "Kaya pala I was been kept from the camera flashes of the media as Ravier, the son of Sophie Salazar, because they knew from the start na anak pala ako sa labas? Isang bastardo sa reputasyon nina Mama Sophie? Tama ba ako, 'Tita' Susan?" Na siyang tunay kong nanay pala.
Sa lahat ng nakatatanda, sina Tita Susan Moore at Tito Ryan Conrad Moore ang mga pinakamabait sa akin. Hindi nila kailanman pinuna ang kasarian ko para insultuhin ako. They must have been guilty so they were polite to not offend their delicate child.
Nandilim ang paningin ko bago untugin ang noo sa pader. "Bakit?" Parang hindi ako makahinga dahil sa labis nilang kasakiman. Hindi nila ako pinanindigan para lamang maprotektahan ang kanilang pangalan.
"Ang sarili mo ay huwag mong saktan."
May magaspang na palad na humaplos sa nanigas kong likuran. Boses niya pa lang, alam kong ang mga pabalang-balang ko ay hindi niya magugustuhan.
"A-Anak ko?"
Lumingon ako sa kaniya at pinanlisikan siya ng tingin. "Hindi ikaw ang Mama ko. Hindi ikaw. Mahirap gawing ikaw," pagdidiin ko na ikinaatras ng nasaktan niyang damdamin. "Gusto kong mapag-isa. Pabayaan mo akong mawalan muna ng magulang, Tita."
At saka ko tiningnan ang puwesto kung nasaan si Mama Sophie. Bumagsak ang matatamlay kong balikat dahil wala na pala siya roon. Wala si Mama. Iniwan niya ako na parang multo, pahiwatig na tapos na ang kaniyang responsibilidad bilang magulang sa akin.
I sighed hanggang sa mapasandal sa puting dingding at tuluyang napaupo. Halos walang lamang gamit ang kuwartong iyon. It looked hollow, as if it that scene was dramatizing my emptiness that even a smile could not even fill.
Tila nilamigan ako pagkalapit sa akin ng matabang babaeng dapat kong kamuhian. Nakaupo siya sa aking harapan. Hirap na ngumiti ang kulay rosas niyang labing makahulugan, ngunit hindi ko iyon sinuklian. Minantikaan na rin ng pawis ang mabibilog niyang kapisngihan, parang sinasabing hindi lang ako ang nahihirapan.
Naparolyo ako ng mata sa isipan. Napapikit, napatingala, at napakagat-labi ako pagpuslit ng kayamutan. Ako na nga iyong nasa pangangatwiran, pero bakit ako pa ang naaawa sa kaniyang kalagayan kahit siya na nga iyong may kamalian?
"Tumahan at uminom ka muna, Ravier, anak." At saka niya inabot sa akin ang alok niyang . . . juice.
Juice ko, Lord.
━━━━━━━━━━━━
"Magpagaling ka, Papa, ha," sambit ko bago siya hinalikan sa noo. Isang linggo na siyang naka-confine sa ospital. Since unconscious pa rin siya, nangangarag na himig ng aircon ang mapakikinggan.
Ang mga kaganapan sa loob ng isang linggong iyan, kasindami rin ng taong aking iniyakan. Hindi pa ako sanay na tawaging Mama at Papa sina Tita Susan at Tito Ryan. Sa oras na nagdaan, unti-unting binunot ng panahon ang tinik ng galit sa aking kaibuturan.
Pumunta ako sa kanilang tirahan. Gaya ng nakaugalian, pinaglingkuran nila ako nang may respeto at unawa para mapakisamahan. Hayun ang hindi ko gaano naramdaman kay Mama Sofie noong ako pa ang anak na kaniyang inalagaan.
Pinagmasdan ko ang minimalist gallery wall sa dingding ng kuwartong aking tinuluyan. Blangko kong tiningnan ang random na larawan. Naglalaman iyon ng pamilyang nakangiting nagyayakapan sa kanilang tahanan. Maiuugnay ko iyon sa aking karanasan. Kahit panay galit ang aking inilaan kina Tita Susan, pagtanggap lang din ang kahahantungan para makapag-move on sa 'di na mababagong nakaraan.
Inayos ko ang purse shoulder bag ko bago lumakwartsa sa Nondria building. At all costs, the meeting would still happen as planned, even without Papa.
A big bird told me that the meeting would revolve around Nondria and an exclusive perfume brand company named Voyena. Voyena was known for its first-rate products. They were pretty underrated, though, because Voyena perfumes were elite-friendlier, making them less accessible to the masses.
Kaya if Voyena would invest and unite with Nondria, magbe-benefit ang dalawang kumpanya because they would help each other's resources, which was a double-edged sword. If they shared their strengths, they would also have to share their weaknesses.
Pero malay namin baka worth the shot kung guwapo naman yata ang future tagapagmana ng makaka-collab naming kumpanya? Siguradong ka-peers ko lang iyon.
Sumilay ang ngiti sa aking labi pagbaba ng aking tingin sa wooden bedside table na kung saan nakalagay ang pink na packaging ng Nondria perfume. Diyos ko, pagdating sa mga tagapagmana ay guwapo na agad ang naiisip ko.
Umiling na lang ako sabay ayos sa aking purse bag. Nakalimutan kong nasa pribadong ospital room pa pala ako! Sheesh! Hinaplos ko ang namula kong pisngi nang mahimasmasan.
Hinawakan ko ang mauugat niyang mga kamay na matatamlay. Tila dextros ang sumusuplay ng gulay para umalalay sa nanganganib niyang buhay.
"I have to go, Papa. Huwag kang bibitaw, ha. Kapag okay ka na, don't worry, makakapagyosi ka na ulit sa tindahan ni Aling Sally. May purpose ka pa sa mundo. Kailangan mawala ang supply ng sigarilyo sa Pilipinas dahil nakakasira ito sa health ng mararaming Pilipino at naniniwala akong ikaw ang uubos ng mga ito!"
I closed the door at naglakad na sa busy'ng hospital hallway. Tutok ang mga nurse sa mga pasyenteng nakahiga sa stretcher. The sound of the stretcher's rolling wheels coordinated with the beeps of the heart rate monitors.
"I'll be monitoring your vital signs, ma'am."
"Lia, huwag kang susuko, ha. Lumaban ka."
"Please don't worry, ma'am, we'll take good care of your daughter."
Saludo ako sa kanila. They were healthcare professionals in crisp white uniforms, dedicating their lives to healing their neighbors.
Nakatungo kong hinakbang ang lukob na pasilyo, sinasabayan ang mabilis na kilos ng mga trabahador.
Napatingin sa akin ang mga taong nakaupo sa lobby. Hindi kasi angkop ang dresscode ko sa lugar na iyon.
Kaya pinatungan ko na lang ng jacket para maitago ang tunay kong suot. Pinalitan ko na rin ang damit ayon sa kagustuhan ko. The forest green cocktail dress that embraced my body conveyed enchantment. Its green hue embodied the richness of ancient woodland. It showed a lot of my skin to symbolize my youthful and carefree era.
Youthful and carefree. I achieved those by accepting the past and forgiving the present, unleashing a carefree future.
Bumuntong-hininga ako nang sumagi sa isipan ang kuwento nina Mommy Susan at Daddy Ryan.
"Kaya ibinigay ka namin kay Sofie dahil may nangyari sa amin ng Dad mo noong college pa kami. Strikto ang Lola Helena ko. Nasa Amerika si Lola noong nangyari ang lahat ng iyon. Ihihiwalay niya kami ni Ryan kapag nalaman niyang may anak kami, e, eighteen pa lang kami niyon. Pero mahal na mahal ko si Ryan. Mabait ako to the point na hindi ko kayang mawala kayo sa akin. Kaya ibinigay kita kina Sofie at Justin dahil kasal na sila noon, and they are older than us. That was our excuse para magkaroon na rin ng apo si Lola bukod kay Kuya Erwin mo. And Sofie's personality was so hostile, and I wanted to change her . . . by having a carefree child like you." Tiningnan niya ako nang matagal. "Pero mukhang nagkakamali ako."
Iniwas niya ang kaniyang tingin sa akin. Bumagsak ang paga niyang mga mata, hiyang-hiya. I also caught the cry of her voice that was similar to mine.
Naintindihan ko ang dahilan ni Mommy Susan. Since pareho silang mataba ni Mama Sofie, puwede nilang ipamukha kay Lola na matakaw si Mommy Susan habang si Mama Sofie naman iyong pagmukhaing buntis.
Madalang din magkita noon sina Mommy Susan at Lola dahil sa pagnenegosyo. Kaya puwedeng makapag-bebe time at makipagbayuhan sina Mommy Susan at Daddy Ryan Moore isa't isa 24/7 nang hindi nabubuking.
Pagkalabas ko, naestatwa ang matitigas kong stilletos sa bumulagang simoy ng hangin! The aggressive icy breeze and the dry, dead leaves travelled on my pale white skin. The weight of nervousness coursed heavily in my almost lifeless vein.
Sa kanang tainga ay tila may pagbabadya iyong ibinulong sa akin. Nagsalita na naman iyon sa hindi malamang lengguwahe kung Espanyol ba o Latin.
"Mortales compasivos, el mundo que reclamáis, lo devoraré también. (Mga mortal na mahahabagin, ang mundong inyong inaangkin, aking lalamunin gayundin!)"
Oh my God! Umatras ako at naging matanglawin. Ang mas nakababagbag-damdamin, pati ang mga taong nasa paligid ko ay nakaramdam din.
"Darrin, may kakaiba ka bang napansin?" Kinalabit ng katabi kong babae ang kasamang lalaking nakasalamin. Nakakunot-noo silang palinga-linga sa tanawin na parang may hinahanap na salarin.
It led me to overthink the darkness that lurks within. Nanginig akong huminga para ang kaba ay kalabanin. Using my fragile nose to breathe in, I smelled the comforting scent of the coffee bean. I returned to reality to witness the noisy car horns of Street Eighteen.
Tatlong beses ko nang naranasan ang hindi pangkaraniwang phenomenang iyon kung tutuusin!
Ang una, nangyari sa campfire matapos naming mag-usap. Napatay ng kakaibang bulong na iyon ang apoy sa isang iglap! Bago ko linlangin ang mga bodyguards ni Selena gamit ang aking secret net trap!
Ang pangalawa, naramdaman ko sa kuwarto nina Papa noong siya pa ay hirap na hirap huminga kaya mabuti na lang dumating ang ambulansiyang mas maagap pa sa kulisap!
At ang ikatlo naman ay ngayon naganap. Hindi ko namalayang may naka-park nang sasakyang halos nakalaplap na sa aking harap.
A golden limousine awaited me. Its shining, shimmering exterior reflects the sun's rays like liquid gold. Miniature flags with the Nondria logo fluttered on the front car, symbolizing our eminence.
As the doors swung open awkwardly with a creak, a procession of bodyguards appeared in their sleek black suits. They formed two parallel lines with utmost poise, creating a regal pathway for me to enter.
"Bebe Darrin, kaya pala ang lakas ng hangin kanina kasi may paparating palang reyna," tukoy sa akin ng pamilyar na babaeng estranghero na sinampal-sampal ang poker face niyang boyfriend. Inismiran ko na lang sila at saka nirolyohan ng mata. Oh, people.
Siyempre, exposed na exposed ang pagiging royalty ko roon. E, baka nga kahit sa simpleng pag-spray ko ng alcohol sa face mask, e, isyu na agad.
Since parang Great Wall of China ang aking security bodyguards sa pagiging mahigpit, walang anumang paparazzi o sasaeng na nagbalak lapitan ang tagapagmana ng Nondria, which was me.
Ngumiti ako at tumango sa makikisig na bodyguards na nakatingin lang sa kawalan.
Inalis ko na ang aking Rayban pagpasok ng limousine. From the gray atmosphere, I was greeted by the aesthetic LED lights on the ceiling, shifting from blue to purple shades. The instrumental background music added a layer of tranquility as if danger was absent. A mere ride turned into a luxurious journey 'cause of the limousine's array of features and amenities.
Dumekuwatro na ako at kumuha ng magasin sa tabi ng mahabang itim na sofa.
Within the pages of the magazine, one could explore a plethora of information about successful enterprises in the world. We were one of them. Ang autobiography nina Mama Sofie ay isa na rin sa mga nakapaskil doon. Kaming magpinsan o kaya'y mga ka-peers ko ay hindi disclosed doon since bata pa lang kami para hawakan ang isang malaking responsibilidad.
Pero nahanap ko na ang hinahanap ko.
Voyena Perfumes, future partners ng Nondria company.
As my fingers perused the firm pages of the magazine, my eyes fell upon the owners' names, leaving me gasping in disbelief at the revelations I encountered.
Napatitig ako sa malawak na bintana ng tumatakbong sasakyan.
The Ramirez family was the owner!
I closed my eyes tightly as I closed the magazine, shaking my head in frustration, denying the truth before me. I had never felt how small the world was, and the thought of meeting with the man I did not want to see anymore—I sighed in defeat. Para akong pinagtatawanan.
Binuklat ko muli ang magazine.. Napakamot ako sa ulo. Aisht! Bakit nawala ang angas ko? Basta ano . . . uhm . . . wala iyon. Naging kaklase ko lang din noon iyong makakasama namin sa meeting.
Nakalimutan ko na nga iyon kasi nakapag-move on na yata ako.
I turned the page once more at kumiliti ang aking puso sa nakitang litrato.
Siya ang isa sa mga bagong model ng kumpanya namin?
Naka-topless lang siyang nakapamulsa sa magazine photoshoot na iyon, ine-endorse ang military-styled jeans and jacket ng Nondria. Nakasuot siya ng silver chain necklace, pero hindi ko mawari ang pangalang nakalagay roon.
Sa murang edad, woah.
Kinapa ko ang aking labi, and then my fingers caressed the hot pages of the magazine.
The tanned man flaunted a lean and muscular body. His body glistened with a light sheen of oil that contoured his abdominal definition more. Although muscle training was rigorous, he still balanced his muscles in a way that did not look skinny or bulky. That body seemed to taunt me—
Napailing ako at napasinghap. Dagli kong iniwas ang tingin sa magasin bago pa ako sapian ng kalibugan.
Kahit maganda ang kaniyang pangangatawan, isa pa rin siyang freak!
Nakangiti pa si freak na labas ang nagkikintabang mga ngipin na tila may kino-commercial na toothpick. His charcoal hair changed aside his physique. It was curlier than ever at nakapulupot doon ang sweatband na may motto'ng 'Nondria Aesthetic is Magic'!
Dapat hindi na ninyo i-pr-in-int iyang shirtless pose ni freak! Sayang ang ink! Full page pa iyong pagkaka-print ng pic! Para naman silang sabik na sabik sa walang kuwentang pandesal ni adik! Otomatik, maraming kababaihan at kabaklaan ang mapahahagikgik!
Kung alam lang ninyo ang totoong ugali ni freak, baka hindi na ninyo siya matangkilik!
But still, curious ako. Binuksan ko ulit iyong magazine para mag-math. May bibilangin lang ako, wait!
One.
Two.
Three.
Four.
Five.
Six!
I went wild, simping in the vast wilderness of attraction.
Ang hindi ko maintindihan . . . bakit pinagpapawisan ang aking katawan? Nangilabot ang mga kalamnan ko sa puwetan at likuran. Tinanggal ko ang itim jacket na kumubli sa magara kong kasuotan nang mahimasmasan. Para ayaw ko nang um-attend sa lugar ng pagmi-meeting-an. Lalo na't baka bumigay pa ako kapag naaalala ang nakaraan. Baka bumalik pa ang dati kong nararamdamang pilit kong kinalilimutan.
"Uy! Ano 'yan?" There was a bulky guy who sat beside me. "Who's that handsome guy?"
Napahangos ako sa pinsan kong nagsalita. Si Erwin, anak nina Ninang Odessa at Tito Victorico.
Sinara ko ang magazine at agad na ibinato iyon sa ilalim ng lamesa.
Humalukipkip ako sabay tingin sa ibang direksiyon para iparating na hindi ako affected or interested sa nakita kong freak sa magazine. Wala lang iyon, Naomi, wala lang iyo—
"I wanna see the guy!" Niyugyog niya ang magaan kong balikat.
"A-Aray." Umungot ako at saka nababagot siyang tiningnan. Erwin, hindi mo ako madadala sa mga pa-puppy eye mong 'yan. Jaxon prefers straight women!
Tinampal ko siya nang mahina sa pisngi. "Kuya Erwin, may mata at kamay ka para maghanap. Ikaw ang bahala kung titingnan mo ang guwapong nilalang na iyon o hindi. Basta, sinasabi ko lang sa iyo, hanggang tingin ka lang, okay?" Ngumiti ako pagkatapos ay kinuha ang aking cp.
"Ikaw, a!" Lumapit pa siya sa akin. "Gine-gatekeep mo 'ko sa fafang 'yon! Porket naging diyosa ka, hindi ibig sabihin n'on kukunin mo na ang lahat ng mga fafa sa mundo!" At saka niya sinundot-sundot ang aking tagiliran.
"E, think whatever you want. Basta, may girlfriend na iyon." Umasim ang aking mukha.
"Sino? Tell me!" Nagpanting ang tainga niya. "Dali, sabihin mo para nakawin ko mga panty ng girlalu na 'yon!" tugon niya habang inaalog ang magkabila kong balikat.
"Stop being desperate, Erwin. Did you know the meaning of privacy?" tanong ko.
"Ows, maniwala? Baka namern sinosolo mo lang siya? Ikaw yata girlfriend niya, e! Kung nakawin ko kaya panty mo, girlalu?" sumpong niya pagkatapos ay batukan ba naman ako? Nakakainis!
Kinuha niya ang magasin na itinago ko. Inalis niya ang suot na leather shoes at itinaas ang mga paa sa sofa nang naka-socks. He was also wearing formal business suit for the meeting.
Hinaplos niya ang magasin.
"EME!" napapaos niyang sigaw. "Ang wafuuu! So hot! Nalalaglag 'yong panty ko! He's smiling at me!" Turo niya sa abs ni freak. "I wonder what's inside his brief? May cute siyang bulge tingnan mo, o."
I rolled my eyes heavenward. Baka ma-minus points pa ako sa heaven kung papatulan ko ang pagkamakalat niya.
Kung dati ganiyan din ako ka-down bad, pero ngayon, hindi na.
"Basta ako, Erwin, I don't freaking care."
Nandududa siyang ngumiti. "E, bakit parang interesadong-interesado ka sa kaniya? Naglalaway ka nga kanina, e. Labas pa ang dila. Nagba-blush pa ngang parang tomato!" Tumigil ang mundo ko sa kaniyang sinabi. Para akong pinagtutulungan ng kadiliman.
Napapikit ako at napasabunot. Itinakip ko ang aking mukha gamit ng unan sa kahihiyan.
Nakita niya pala lahat ng iyon. Mukhang wala na akong kawala!
"A-Ano? Uy! Hindi, a! Gagong 'to! Baka ikaw nga iyong naglalaway diyan, e." Tumikhim ako at inayos ang pagkakaupo. "Actually, kaya ako naglalaway at nakangiti kasi . . . I love reading and learning! Nagke-crave ako sa info." Nakangiti akong labas ang ngipin. "That magazine has some information about our company's whereabouts. And as a heiress, dapat maging knowledgeable ako riyan since maaaring i-brought out ang information na iyon sa meeting mamaya," pangungumbinsi ko pa.
Basta binuklat ko iyong magazine na iyon for educational purposes only.
Nagke-crave ako sa information at hindi sa abs ni Jaxon! And malinaw na intensiyon iyon!
"Talaga ba? E 'di anong page 'yong binasa mo kung sa'n nagke-crave ka ng info?"
"Page 6," confident kong tugon.
At saka nakangisi niyang ipinakita sa akin ang page six na kung saan makikita ang six-pack abs pose ni Jaxo—
Napamura ako nang malutong sabay bato ng unan sa kaniya. "Ayoko na!" Padabog ko siyang iniwan sa lobby ng sasakyan.
Ako na naman ang talo pagdating sa asaran!
Dumiretso ako sa living room ng limousine na may bra na nakasalansan. Mula roon ay rinig ko pa rin ang malakas na pagtawa ng bakla kong pinsan!
Bumaling na lang ako sa puting pintuang nasa harapan.
Nagha-humming si Amelin sa loob, nagbibihis lang naman.
Hindi naglaon, bumusina ang limousine na ikinagewang naman ng chandelier na magaan.
"Amelin, we're here. Bilisan mo na riyang babae ka!" tawag ko sa aking pinsan.
The meeting would start soon. That would be the longest ten minutes of my life. I wonder what would unfold during the meeting?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top