𝕮𝖍𝖆𝖕𝖙𝖊𝖗 𝟐𝟔
●━━━━━━━━━━━━─╮
SEASON 3: BIRTH CERTIFICATE
╰─━━━━━━━━━━━━○
III When Naomi parted from the crime scene, Selena hung in there, finding ways to cross to freedom. Nagmistulan siyang sardinas na pagewang-gewang sa sariling net trap, as if a sticky spider web wrapped her whole entity.
In the meantime, I lightbulb flickered in her mind. Hindi niya na kailangang lumukso pabalik sa step one para makahanap ng panibagong solusyon sa problema. Ang gunting lang pala ng bodyguard ni Selena na si Arnold ang susi sa kanilang pagkalaya!
Makatatakas na sila palusong sa kanilang bilangguan!
Ginupit ni Arnold ang kaniyang net trap, sinusubukang makaalis para matulungan sina Selena.
Selena's bodyguards were Armed Forces-worthy trainers, so she put her faithful hands on those troops, for they had arsenals that could bear the ravages of war. But, unfortunately, natalo sila dahil sa hindi inaasahang patibong ni Naomi sa campervan nito. Akala nila ang pag-ambush ay isang pagtiyempo, ngunit ang pag-execute ng plano ay nauwi lamang sa bagyo.
Selena clenched her jaw, irritated at how Naomi was unbelievably that smartass! Everything, even the systematic strategies, just went down in flames. Dapat pinindot na nila kaagad iyong trigger ng baril para mabaril na kaagad si Naomi! Bakit kailangan pa kasing magpaka-suspense? Nakabubugnot! If she could only turn back time, she would do it recklessly.
Kahit diyosang babae na ito, bakla pa rin ito sa paningin niya! Peke ba naman kasi at hindi innate ang kagandahan. Napangiwi tuloy ang heart-shaped niyang lips before feasting her dreamy eyes to the flashing stars of the night sky.
Tumungo siya at mariing napapikit sa inis. Bakit ba naman kasi napakadesperada ni Ravier na baguhin ang sarili para lang kay Jaxon?
Dati-rati ba naman kasi, Selena was head and shoulders above that gay, but look at how the tables turned.
Selena was competitive, always wanting to press her heels on every winner's pedestal. If someone stole her thunder, she would lead her way against that person with a slicing vengeance!
Mayroon siyang naisip na magandang plano. Her will to fight back was so strong as her ambition. Maiintindihan naman siya ni Paolo Everrette kung ipupursige niya ang kaniyang balak.
If Paolo Everette pretended to be an ordinary mortal Gilbert, Selena should also be hiding plans from him. That was what she called being fair in a relationship.
Kailangan niya ng pera para makapag-aral sa RV Academy. Hindi niya nga alam kung ano ang pinapasukan niya, e, pero nevermind. Loneliness made her blind. As long as she was Everette's responsibility, she could somehow fleet from the wrenches of hate she dealt with her family!
Her grin extended to the roots of her intentions from the steaming wildness. Mukhang mabubutas ang bulsa ng kaniyang na-bankrupt na pamilya kung mag-e-enroll siya sa ganoong kaprestihiyoso sa pinakaprestihiyosong unibersidad.
Five-hundred eighty-seven million pa ang kailangan niya, and Jaxon's wallet could satisfy that!
Fine! Then be it! No one could help her, so her lips stayed sealed, and she did the rest of the work on the sly.
She sighed as her delicate shoulders drooped down in discontent. Akala niya kasi yayaman na siya sa mga expired na ari-arian ni Paolo. Sumakabilang-mundo na kasi ang inheritors nina Amelia.
Sa kalagitnaan ng pagtatala ng mga saloobin, naalintana ang kaniyang pag-iisip sa nakauudyok na sigaw. Puro malulutong na mura at nanggigigil na reklamo ang ipinukol nito sa mahamog na hangin.
Doon sa nabiyak na kalupaan, kaniyang nadatnan si Arnold, namimilipit, umiingit, at hinihimas ang puwet. Base sa magkasalubong nitong kulay-kapeng kilay, tila desperado na itong makatayo.
But, unfortunately, the chance was stripped away from him because he was under the weather. His movements were stiff as a brick, as if he was frozen in ice.
"A-Awchie!" Patahol itong napaaray hanggang sa mapakurap para matiis ang sakit sa sistema. Tumingala pa ito kay Selena at napalunok. Pagkatapos niyon, ininat nito ang halos nabaling tuhod para maginhawang makaupo at maka-recover. Talo niya pa ang pusa na nabuslot sa bubong.
Hmm . . . mukhang mapapabusangot ang mukha ni Selena sa nakahihiyang kamalasang nangyari sa kanila. Nakapanghihinayang!
Nakaaawa, lalo na at masikip ang night suit ng mga assistant niya. Ang mamahal pa naman ng mga iyon para lamang mamantsahan ng putik.
Nangangatog na kinapitan ni Selena ang net trap para masilip ang natumba sa damuhan.
"Are you kidding me, Arnold?" Matulin niyang itinaas ang manipis niyang kilay. "Give me that scissor para maputol ko na ito!" At saka niya inalukan si Arnold ng nanghihinging kamay.
Ipinabot naman sa kaniya ng bodyguard ang gunting. Pasalamat at mababa ang pagkakalambitin ng net traps; kasintaas lang naman ng second floor ng katapat na condo.
Ginupit niya na ang pesteng net trap na dumakip ng makutis niyang pangangatawan, pero mas peste pa rin ang gunting na Joy kasi napakapurol!
Nanlaki ang madidilim niyang mata. Ang mga kamay, nangangatal dahil naasar sa kunat ng net trap. Parang kasintigas ng gilingang bato! Ang hirap putulin!
Hayst! After that, she gave up and then took it on the chin like a strong, independent woman.
Tumaas na namang ang kaniyang kilay. "Are you kidding me, Arnold? What kind of scissor is this. It barely cuts something. Duller than your shiny gun," kaniyang angal bago muling ipagpilitang i-murder ang net trap gamit ang gunting. "Oh, you, scissor! I have low expectations on you, and you only have one freaking job!"
"If you can't do the job, don't blame it on the tool, Miss Gonzales." Naglakad si Arnold patungo rito. "Make it work the smart way." Tumigil siya sa tapat ng anino ng dalaga.
Pagkatapos niyon, tumingala siya at doon matatambad sa maayos na anggulo ang maumbok na puwet ng dalagang nakalambitin pa rin sa net trap.
Blangkong ekspresyon niyang itinuro ang gunting. "Kung alam mo naman pong mapurol, dapat binubuka mo iyan nang todo kasi . . . ang pinakamatalas na bahagi niyan ay iyong dulo ng blade," madiin niyang sambit na tila isang artikulador.
Ngunit hindi nakinig si Selena. "Ah! Whatever! Basta sisirain ko na itong scissors na ito!" Ginamit ni Selena ang buong puwersa sa paggupit ng makapal na tali hanggang sa maputol ang—
"Mahuhulog yata 'ko—Oh no!"
She looked under her trap to witness the fate that lay in her. She fell dangerously, slowly, like a comet mid-flight that was about to strike the rugged lands.
Shocked by the icy air, her yearning eyes shut as her wide nostrils viciously huffed! The pile of mishap she coped with was the icing on the perfect storm. The freezing fur on her porcelain body breezed along with the plunging speed of the wind.
It was extreme. Fast to decipher. Forceful! Heartless as gravity! That she must anticipate the taste of her impending injury.
But that did not happen!
In a blink of an eye, a knight in shining armor ran his way toward the helpless damsel in distress. So determined . . . that the urgency must have been too willing to save her. He sprinted like a smooth criminal while releasing the elegance of an angel.
And then he mocked, manly, "It takes two to take tango."
Nagmulat si Selena, at bumungad sa kaniya ang isang anghel na sumalo ng mamahalin niyang katawan. Ang nakao-awkward pa ay nakaangkla ang kamay niya sa leeg nito.
Buhat-buhat siya nito, pa-bridal style. "A-Arnold?" tanong niya rito.
Ngumiti ito nang saglit. "Ako nga po ito, Ma'am Gonzales."
Nagpakawala ang mga paruparo sa kaniyang bituka. "Y-You saved me!" bulalas niya. Namamangha siyang napasinghal to the point na nalanghap niya tuloy ang matapang nitong pabango.
Arnold was like a perfume model in disguise. His suit and serious temperament could paint him as a mature and mysterious man. Selena's senses left no stone unturned. She indulged her curiosity about the meaning of his grumpy face!
Her knuckles tightened from their stiffening position while calming herself from Arnold's narrow brown face, symmetrical, slightly dark lips, and prominent jaw. The scenery seemed dark as night, unexpected as silver linings, but the fervent gazes were romantic as matrimony.
"Thank you, comrade." Selena patted him, which made him smug.
"Hah!"
Kasingmarahan ng ginoo siyang ibinaba nito mula sa pagkakabuhat.
Her fragile face pitifully looked at her dirty, embroidered floral dress. "Nasira tuloy," ungot niya. "Ugh! Naomi! Mananagot ka rito!"
She sighed. Napakahirap talaga ng pinagdaanan niya noon lalo na at pinakawalan niya agad si Jaxon. When Selena needed his wallet the most, he vanished.
Dati-rati kasi, napaka-blooming niya sa tuwing kasama niya ito. Her ex-boyfriend was so so rich!
Mabuti na lang at nilapitan siya ni Paolo Everette upang masuportahan siya sa landas na tatahakin. Napaluha siya. Kahit papaano ay may nagmahal pala sa kaniya!
Bumaling ang dalaga sa nakahandusay na sina Yvonne at Michaella. Magkatabi ang mga ito na natutulog nang mahimbing, hindi alintana ang dugong nagsituluan! Marahil ay napinsala sa mga salit-salitang suntukan.
Nakaaawang masaksihan ang pulang likidong gumuguhit sa kanilang pisnging may kaputian. Tila binitak-bitak talaga ni Naomi ang pinagmulan ng kanilang kagandahan.
Selena gritted her teeth in anger at mahinhing sinipa ang mga ito na parang bolang sinulid. "Arnold!" tawag niya rito bago ito lapitan. "Ito na iyong gunting, o. You have to wake up your co-bodyguards that are still sleeping in their trap slumber. Kayo na rin bahala kung ano ang gagawin ninyo sa . . . dalawang iyan," dagdag niya pa habang nandidiring itinuro sina Yvonne at Michaella na tila mga nakahahawang salot.
At talagang ipinasa niya kay Arnold ang mabibigat na tungkulin. "Mauuna na 'ko." At saka niya ito nilagpasan na parang hangin—
Arnold blocked her way, opposing Selena's spilled decisions. "Not so fast, Ma'am. Do not leave your things unattended." Ang madilim at taimtim niyang mga mata, niyayaya itong samahan muna sila. "Baka kung ano pa mangyari sa 'yo kung wala kami sa tabi mo. Don't let us leave you."
Sa taranta ay napapiglas si Selena sa pagkakahawak nito sa kaniya sa braso. "A-Are you kidding me?" Pataray niyang itinaas ang maninipis na kilay. "What do you mean? I'm old enough and I can look out for myself, so kaya ko nang unahin ang sarili ko—"
"Ma'am Selena, kahit huwag n'yo na pong unahin ang sarili ninyo. Obligasyon ko 'yan na unahin ka."
Sumaludo na siya nang nakakunot-noo, sumisimbolo sa isang matikas at overprotective na bodyguard. He wanted to be an image of loyalty, so he had to act like one.
"Eww! What the hell are you saying?" Napangiwi si Selena sa sinabi nito sa kaniya.
"Nonetheless." She grunted in a grumpy face. "There's no need to treat me like your queen. I don't deserve it." Hinawi niya ang gulo-gulo niyang buhok. "By the way, call me Selena na lang. Seven months lang ang agwat natin. Kung makatawag ka ng ma'am ay parang ako 'yong Science teacher mo. Nakakagurang!" naaasar niyang wika.
Namula ang pisngi ni Arnold sabay kamot sa malaking tainga, nahihiyang ewan. Mukhang c-in-areer ang pagiging concerned. "Sige, S-Selena. Sorry nga pala kanina, I just got carried away by the cold evening," turan nito na ikinakunot ng noo ni Selena.
She rolled her eyes mentally. "Weird." At padabog na siyang umalis.
Sinubukan pa nga siyang pigilan ni Arnold, pero nagmatigas siya. Ayaw niyang sumabay sa kanila.
"Naomi, you will soon get a taste of your own medicine," she whispered while her eyes flamed with anger, ready to threaten someone to hell! It was the wrath that could almost split a rock open.
She would prove anything for her mom . . . no matter what . . . even if it would cost her own rights!
No pain, no gain!
"Sinasabi ko sa iyo, Selena. Makipagbalikan ka kay Jaxon. Ayusin ninyo iyong relasyon ninyo! Kahit gusto mo man ang Paolo'ng iyan, hiwalayan mo siya! We need to revive our company! We need money! We need you! Nondria stole our spotlight! If we couldn't beat them, join them." Selena's mom pressured her, turning her daughter into a manipulated puppet.
Since those were the words injected into her, okay, Selena would follow it! Just to please them . . . to win her family's hearts and bliss . . . forevermore.
|Naomi Evangelista|
Sa malawak na imahinasyon na aking nabuo, binantayan ko ang niluto kong adobo. Sa halimuyak pa lang na ibinuga ng toyo, masasabi kong masarap at masarsa ang aking niluto. Heto na ba ang magiging future ko?
Tumalikod na ako at iniwan ang kaldero . . . para mamulat sa reyalidad ng mundo.
Ginala ng aking paningin ang kulay dugong kuwarto. Wala man lang nag-abalang maglagay ng muwebles dito. Pakiramdam ko ay para lang akong tigang na nakatulala sa pasilyo . . . na kasim-boring ng blangkong espasyo!
Sapagkat iba ang kutob ko sa atmospera, naging masidhi ang aking paghinga. Ang mga bughaw kong mata, nag-aantabay sa kaba.
Ano kaya ang ibig sabihin nito?
Dahil sa nerbyos, tila hinihiwa ng kadiliman ang aking espina sa likuran. May nais iyong patunayan. Ipinararamdam muli nito ang kalungkutang na dati kong pinasan.
Intruding into the dull dimension, it showed me a clear . . . transparent object on a table, as if it was reflecting my fragile soul.
It was a vase! Abandoned. Lacked purpose and worth.
It looked flawless outside, but it was empty inside . . . like the emptiness I felt that I might continue to carry on.
Dullness could empty my heart, but it had to be free from worrying pain. With that, I would be filled.
"AHHH! I feel good. Tenenenenenenen!"
At doon halos bumalikwas ang nananahimik kong puso sa tindi ng aking bagabag. Napabangon ako. Napakunot-noo sa alerto. Anong klaseng panaginip iyon at bakit napakawirdo? Sobrang nanibago ang mekanismo ng aking katawan na tila na-comatose nang dalawang linggo. Huminga akong malalim para kahit papaano ay mahimasmasan ako.
Sa gilid ng puti kong bed sheet, nakatihaya ang aking cellphone na pausog-usog sa bedside table.
Syet!
"AHHH! I feel good. Tenenenenenenen!"
Pinigilan ko ang aking hininga sabay dakma sa dibdib. Akala ko nagkatotoo ang bangungot ko! Phew!
"Sorry na, self." Masyado lang akong nag-aalala sa panaginip na lumakbay sa aking isipan. Hindi ko na naalintana na kanina pa tumutunog ang alarm ng aking cellphone. Kaya naman ay itinabig ko ang pink na kumot na pumulupot sa namawis kong puting balat. Pagkatapos niyon ay kating-kati ko nang ini-stop ang ringtone.
Nanatili akong nakaupo sa kama at itinakpan ang mga tainga gamit ang magkabilang kamay. Oh, Naomi, get your wits together, and don't let that dream drive you like a fool!
As I was collecting my thoughts, my peripheral noticed a line of light under my door. My watery eyes followed it like a trace until I heard footsteps that got heavier than ever as seconds passed by.
What was that? It sounded quick . . . continuous . . . like someone was anxious!
I had to force my strength to stand up. Despite my body being under the weather, my moist hands pressed down against my stiff knees so I could somehow move my joints.
Rustling and knocking reverberations bulged the snow-painted door. I limped towards the noise while sensing the cozy fur rug under my ticklish feet.
Before I could greet the person ay napatirik ang aking eyes sa nag-alala kong yaya!
"Bat ang ingay at parang may sunug?" tanong ni Manang habang kinukuskos ko ang aking mata dahil sa mutang nanagabal. "Nasaan ang sunug? Dali para i-fire ikstinguishir ku na!" patuloy niya nang ginugulo ang nakaipit niyang namuting buhok. Nasa singkuwenta'y kuwatro na rin siya kaya napapaganiyan na ang aksint. "Nasaan ang sunug at ba't ang lakas ng iyung sigaw, ha?" dagdag niya pa.
Pilit ko siyang ihinarap sa kaniya. "Wala pu iyun, Manang. Sumigaw lang ako sa gulat, aba, e, kay ingay kasi ng alarm," panggagaya ko sa aksint niya para maintindihan niya.
Natauhan naman siya dahil hindi tutuu na may aksidinting nangyari sa akin. "Ipinag-aalala mo talaga akung bata ka, a!"
Huminga siya nang maluwag, pahiwatig na unti-unting napawi ang umatakeng daga sa kaniyang dibdib.
Halos gusto niya na akong batukan! "Susmiyu, akala ku talaga may sunug na." Busangot siyang pumamaywang at tinuro ako. "Mapapagalitan ako ng Mama Sofie mu kapag nagkataung napahamak ang bahay niya!"
Malambing na tawag aking ginanti. "Manang . . . " Pumunta ako sa malapad niyang likod para mahimasmasan ko siya. "Magpahinga na ho kayo. Ako na ang bahalang mag-asikaso sa baba." Ngumiti ako sabay tungo. Parang gusto niya na ngang sabunutin sarili niya dahil sa pagkawindang, e.
"Owki lang aku." Hinawakan niyang mabuti ang aking braso. "Alam mu ba na ayaw ng Mama Sofie na pumapasuk kami sa kuwartu mu?" Napakunot-noo ako sa kuwento niya. "Gustu niya, siya lang ang maglilinis ditu!"
"A-Ano—bakit naman? Ano po ang meron?"
Kinamot niya ang sariling ulo. "Aba'y ewan ku." Uminit ang aking pisngi sa pambihirang pagtataka. Bakas doon ang desperasyon kong mahanap ang sagot na bubunyag sa palaisipan!
"O siya, bumaba ka na't kumain, may bisita sa baba."
"B-Buwisita? Sino?"
Nagkibit-balikat siya at sinabing mauuna na siyang lumabas.
"What the hell?" Napaawang ang aking labi at blangko na lang na napatingin sa aparador.
So that was the reason I woke up due to those . . . undesirable circumstances. Guess who would be the unwanted guest na manggugulo sa akin pagbaba ko sa first floor?
I sighed. I returned for my mom. We were under the same roof, so dealing with her affiliations was necessary. Inevitable it seemed, I had to bite the bullet fired against me.
Inayos ko muna ang kama. Sinadya kong bagalan ang aking pag-iikot na tila ayaw kong umalis sa comfort zone na iyon.
Five months ago, after Christel's birthday, dumiretso ako sa mansiyon ng parents ko. Kahit labag sa kalooban, nanatili ako roon para makalimutan ang kapatid ni Sebastian na si Jaxo—ay este, si J.
Na-miss ko na rin ang presensya ni Mama. Kahit sinaktan niya man ako, kapamilya ko pa rin siya na nasa dugo ko na ring mahalin. But still, that did not mean we would be already two peas in the same pod. Kung anuman ang desisyon niya para palayasin ako nang walang patawad, I don't buy it!
Pagkasara ko ng pintuan ay bumungad sa akin sina Yaya One, Yaya Two, Yaya Three, Yaya Four at Yaya Five. Bawat isa ay may dala-dalang kahong galing pang Nondria.
Tinaasan ko sila ng kilay. "What are you, five, doing here?"
"Miss Naomi, nandoon na po sina Ma'am Sofie at Ma'am Odessa sa baba. Hinihintay na po nila kayo," sabay nilang wika nang may paggalang.
Ang bigat naman ng kaliwa kong labi at iyong kanan lang ang nagawa kong itaas para ngitian sila. Hindi ko alam kung dahil ba sa suplada ako or dahil sa may masamang damo.
Tumikhim ako. Ma'am Odessa, did they mean . . . Ninang Toxic?
"Ito po, ma'am, ang susuotin ninyo mamaya. Ilalagay na lang po namin ito sa loob ng kuwarto ninyo," sambit ni Yaya One.
"Huh? Akala ko ba pinagbabawalan kayo ni Mama Sofie na pumasok? Kakasabi pa lang sa akin iyon kanina ni Manang, e. Parang ang gulo naman."
That was kinda contradicting!
"Iyon na po ang bilin ni Ma'am Sofie kanina matapos niya pong kuhanin ang mga naiwang papeles sa loob kagabi. Mukhang kami pa lang ang unang sinabihan niya."
"Bakit mo sinabi?" Siniko ni Yaya Two si Yaya One sa tagiliran.
Kumuyom ang kamao ko at medyo nagpanting ang aking tainga. Tiningnan ko sila isa-isa. From their eyes up to their mouth, I did not leave any of those unseen!
"Mayroon ba akong hindi nalalaman dito?" my suspicious yet honest question.
"W-Wala naman." Nahiyang ngumiti si Yaya Three pagkatapos ay nag-peace sign.
Hindi na ako nagpaka-stubborn pa for that nonsense! Giving someone a benefit of a doubt from a mere maid would not injure me. Mas curious ako sa kung anumang laman ng puting box na hawak nila at bakit parang pangkasal?
"I wanna see what I'm gonna wear," mahinahon kong utos at doon na nila tinanggal ang cover ng mga puting box.
The box offered a shiny V-neck white dress with a detachable white skirt. The sequins on the cleavages twinkled to blend with the elegance of the white clothing.
Ang mga ibang kahon naman, mga accessories ang laman. Mga Dolce&Gabanna at mga golden jewelries ang nakasalansan. Ang amoy ay may katapangan.
Here we go again! Pagagandahin ko na naman ang sarili ko. Ano kaya ang pag-uusapan sa meeting? Kung . . . meeting nga ba talaga ang ganap.
Since I was satisfied—"Okay, sige, ipasok n'yo na iyan. Bababa na ako for breakfast," sambit ko at hinayaan silang papasukin sa kuwarto.
Habang naglalakad patungo sa engrandeng hagdanan, hindi ko maiwasang ma-overwhelm sa laki ng hallway. It always looked new to the eyes, as if it awed me to seeing more.
The white pillars stood and aligned near ceramic walls. They seemed firm as a contract, making them strikingly superior!
My head held high, then beheld up. The peach hue glazed the ceilings while the glittering gold embellished the cornices.
Umabot nang tatlong taon ang pagpapatayo ng aming mansiyon. Hayun daw ang pinakamahal na mansiyon sa Pilipinas dahil nagkakahalaga pa ng bilyon.
Isang libong empleyado ang naroon. Kaya naman ang pag-arkila sa mga staffs ay binonggahan. Kailangan ko na talagang mag-adjust sa panibagong kapaligiran.
Bawat daang maaapakan, may nakaantabay na mga bodyguards na hindi ko nagustuhan! Kung may galaan kasama ang kaibigan, hindi ko sila pinapayagan. Ang pagiging feeling protected ay hindi ko naman nakasanayan. Nakaiilang naman talaga kapag may nanonood sa akin sa bawat kong kinaaabalahan.
Bawat empleyadong aking nalapitan, may magsasambit ng aking pangalan.
"Good morning po, Miss Naomi," mga yaya ang tumuran. Tulad ng kinaugalian, sila ay nagyukuan bilang paggalang sa magiging tagapagmana ng mga mamahaling ari-arian.
Bumaba na ako papunta sa hapagkainan. As usual, muling mabubusog sa kasaganaan ang aking tiyan!
Ang twenty-seater antique dining table ay dinesenyuhan ng prutas. Turkey, beef broccoli, mozzarella, and Japanese rice were my breakfast! Ihinanda na ng mga manang ang Conti's Mango Bravo bilang panghimagas! Ang mga i-c-in-ellophane na mansanas, inilabas para sa lababo ihugas.
Sina Mama at Ninang Toxic—ay este, Odessa ay nakaupo sa twenty-seater oval dining table. Nakasuot sila ng short white formal dress. White nga talaga ang color-coding.
I stood statuesque when their keen gazes focused on me. Ninang Odessa looked like a devil in disguise. I would not be surprised, especially kung si Mama Sofie naman ang kaniyang partner in crime.
Ikinuyom ko na parang nag-aalab na bola ang aking kamao. Muling pumasok sa isipan ko iyong panahong suportado siya sa desisyon ni Mama na palayasin ako dahil lang sa bakla ako!
Padabog akong lumapit sa dining table para magmano.
Nakaupo si Ninang Toxic, but I still looked at her from head to toe and cringed when I observed something new to her.
Bagong rebond siya, aba! Dati ay kulot iyan! But at least the undue prejudice that lingered on her curly old hair like dandruff did not last.
"Oh, ang siga ng anak mo, Sofie, a! 'Yan ang gusto ko! Matapang!" puri ni Ninang Toxic sabay kudlit ng mango bravo cake.
Si Mama naman ay marahang ngumiti dahil sa papuri. Hindi ko siya pinansin, bagkus ay umupo na lang para magdasal bago kumain. Baka makagawa na naman ako ng kasalanan kung hindi ako makapagpigil. It was not the time to blow up the mist of anger, especially when it was boiling hot!
Inayos ko ang sariling postura. Napabuntonghininga para huminahon ang nagngingitngit kong mukha. Ramdam ko ang mala-thermal scanner na titig sa akin ni Mama. Ipinagpatuloy ko na lang ang pagsasandok ng java rice gamit ang napakalaking kutsara.
"Naomi anak, we will be having a meeting later. Pinadala ko na sa 'yo 'yong mga damit mo sa kuwarto," ani Mama.
Nanlabot na parang papel ang mga kamay ko. Nabitiwan ko tuloy ang kutsara't tinidor.
Dumekuwatro ako at tinaasan siya ang kilay. "According to my Yaya, you are now allowing them to enter inside my room because . . . may kinuha ka raw na papeles? At ano ang papeles na iyon?"
Nagkatinginan sina Ninang Odessa at Mama Sofie, hindi alam ang sasagutin sa tanong ko. Tumikhim si Mama. "Uh, anak, iyon kasi ang mga kakailanganing papeles mamayang meeting."
"That's all?" I rolled my eyes until they stopped at Mom's trembling hands.
Implausible! It had to be very important to her, but I doubt it would be helpful to me, so why bother?
"Kasama rin ba ang cousins ko na sina Kuya Erwin at Amelin sa planned meeting?" Binalingan ko si Ninang Toxic para siya ang tanungin.
Ngumiti siya at tumango-tango na tila asong maamong binigyan ng buto. Pasuklay-suklay pa siya para ipagmayabang ang bago niyang rebond, which was kinda an outdated style for me.
Napasimangot na lang ako dahil hindi ko tanggap ang pagtrato nila sa akin.
Their attitude towards Ravier and Naomi was indeed . . . night and day. My family definitely was meant to love Naomi more than me. As business people, hindi naman siguro sila magse-settle for less.
Understandable.
Naomi was more attractive than Ravi; therefore, she should be a better pick.
My eyes twitched at that slapping thought!
"N-Nasaan si Papa?" tanong ko sa kanila. "Nagyoyosi na naman ba?"
Wala lang. Sa lansa ba naman ng amoy ni Ninang Toxic ay naalala ko lang din ang mabantot na sigarilyo ni Papa. Para tuloy pinasisilip sa akin ang gateway to hell!
Napataas ang kilay ko noong humangos si Mama. "Oo nga pala! Bakit hindi pa iyon gumigising?"
E, aba, malay namin? Ikaw ang asawa, e. Katabi mo siya!
Si Ninang naman, napatayo sabay takip sa bibig. "Hala, oo nga! Si Justin nga pala!" Tumingala siya sa puting kisame, as if nandoon talaga sa taas ang tatay ko. "Hindi pa siya gumigising anong oras na! Lagi 'yong maaga, a. Ano kaya ang nangyari do'n?" nakagigimbal niyang wika!
An alarming bell reverberated in my head, implying something would go wrong. Drowned by anxiety, I scanned the area around me as if my hunch was telling me something. There was a feeling of responsibility that I should accomplish.
Mukhang kailangan kong i-tsek ang kalagayan ni Papa sa taas!
Kumaripas kami ng takbo papunta sa kuwarto nina Mama at Papa. Habang papalapit sa destinasyon, maririnig ang singhal ng saklolo! Sa tono ng boses ay mararamdaman ko nang nahahapo ito. Marinig ko lang siyang namamatay ay talagang nakapapanindig-balahibo!
Pati ang takbo namin ay nakisabay sa mabilis na pagtibok ng puso! Sana hindi tama ang hinala ko!
"Huwag naman sana," nakapikit na panalangin ni Ninang sa tabi ko habang umiiling na nakatungo sa hagdanan. Nagyoyosi kasi si Papa at umiinom pa!
Pagkabukas ng pintuan, halos nadurog ang aking kaibuturan sa nakita!
"Papa!" sigaw ko, ngunit hindi ko nagawang lumapit sa takot! Para akong nauubos kapag nauubos din siya. I just wanted to turn a blind eye because he knew we should not be seeing him like that!
Nakabulagta siya sa sahig at hawak-hawak ang dibdib—nahihirapang huminga! Mariing papikit-pikit ang kaniyang mga mata sa pagdedeliryo. Napansin ko ring bumakat ang tumagaktak na pawis sa pink na kobre-kama at sa pulang kumot.
Wala akong magawa kundi mag-panic sa limitado niyang lakas! The sense of urgency ran into my veins! Napasabunot ako sa buhok at nagpalinga-linga sa paligid. Hindi ko alam ang gagawin lalo na at tumatakbo ang oras! Bawat segundo, mahalagang pagtuunan ng kilos!
"Justin Galvarez!" tumatangis na sigaw ni Mama. Pati ako ay nanikip na rin ang dibdib. Si Ninang Odessa naman, napaluhod sa nakita!
In my very blue eyes, I saw the consequence my father fought in that painful reality. My heart did not feel a certain emotion because my mind was telling me to do something! Shocking as force, I panicked like a headless chicken randomly wandering the room!
"Naomi, tulungan mo kami!" sambit ni Mama na kinakapa ang sumasakit na bahagi ng katawan ni Papa. Si Ninang Odessa naman, inangat ang batok ni Papa para akayin.
Binigyan nila ako ng nang-uutos na sulyap. Inaasahan nila ako.
Tumungo ako sa bedside table.
Kinuha ko ang telepono at i-d-in-ial ang numero ng medical center. Ni hindi ko alintana ang numerong kinapa ko sa pagmamadali. Mahigpit ngunit nanginginig ang pagkakahawak ko sa telepono.
"Oh, it's you again, Mr. and Mrs. Salazar. Good morning and this is Saint Luke's calling—"
"Kailangan na namin ng ambulance! May sakit si Papa! Please. Pakibilisan!" tawag ko habang papalit-palit ng tingin sa telepono at sa binagyong kama.
Sina Mama, lumabas na ng kuwarto upang salubungin ang mga kasambahay. At ako namang tatanga-tanga, pinagpawisan sa kaba. Na parang ako pa yata iyong makikitilan ng buhay imbes na si Papa. Wala kasing katiyakan kung ang mga susunod na umaga ay ikagiginhawa ba namin o ikaluluha.
"Ay, gano'n po ba, Miss Naomi. Sige, sige po! The ambulance will be heading on its way to save your daddy—"
Ibinaba ko na ang tawag. Baka mabitiwan ko pa ang telepono sa panginginig. Idinakma ko ang aking dibdib dahil sa samo't-saring emosyon. Nakagugulantang! Hindi ako handa para doon.
Tinulungan ko pa rin ang taong pinabayaan ako, si Papa.
He could feed me; of course, we had the money. Did he make me happy? Somehow! I sighed and reminisced the outdated events of my old self with my father.
Tumingin ako sa dilaw na dingding. Sa tabi ng pintuan, I looked at our family collage. Those were the times we biked while my mom took us a picture with her beloved polaroid. I breathed heavily and leaned against the resilient wall until I slowly descended to sit on the floor.
I closed my eyes to relieve my agitated soul. My flaky lips kept sighing the smithereens of anxiety, but my prayers would clearly express the thing I yearned for the most.
Lord, madalas kong hinihiling na sana tanggapin ako ng pamilya ko sa totoong pagkatao ni Ravi. He still needs the love he deserves, ngunit sa ngayon ay isasantabi ko muna iyon. Prayoridad ko po ang kalagayan ni Papa.
Please stabilize his health. He lacks it. He needs it the most! Please don't let my father surrender yet. Marami pa siyang kailangang maunawaan sa mundong ito. Even in this turbulence, magtutulungan kami, and I would not let this chance into waste—
I stopped to awoke my consciousness. Fast as an expeditious falcon, harsh winds suddenly arrived at the left. The gush that blew was so powerful as a scream, enough to burst the windows open!
It deliberately approached me as if it was delivering a message from a god.
Once again, I heard a familiar whisper calling me to wallow in the four corners of my antagonism. I gasped my fears out at that sudden disruption!
"La oscuridad será envuelta por el hombre detrás de la capa roja." (Ang kadilima'y babalot sa pamamagitan ng lalaking nakabalot sa pulang balabal.)
Ayan ang bulong sa akin ng kadiliman. Sino na naman ba ito at ano ang dahilan kung bakit siya nakikipag-usap sa akin?
Ang pulang kurtina, nag-ala hayop na mabangis! Parang gusto na itong kumawala sa kaniyang puwesto dahil sa balyenteng hangin!
Hindi ko maiwasang mapakunot ng noo at lumapit doon.
Ano ang mayroon at bakit parang susuko ang mundo? May paparating kayang bagyo?
I gripped the window knob para masuri kung may umaakyat-bahay ba. Dumungaw ako roon pakaliwa at pakanan, ngunit buhol-buhol na wire ng kuryente lang ang tumambad sa akin.
Pagkatalikod, naramdaman kong may naapakan ako! Bumaba ang aking tingin sa lumang carpet.
Malapit sa bintana ang wooden table na patungan ng mga gamit. Mabuti na lang at hindi ako nabubog dahil walang babasagin. Mga gintong alahas na galing pang Hong Kong ang nahulog. Kasinggaan ng mga iyon ang turnilyo.
Pagkasara ng bintana, nakapagtataka ang pambihirang pagkalma ng kapaligiran na parang walang bangungot na nangyari! Mataman kong inimbestigahan ang paligid bago ayusin ang itinangay ng hangin.
Nandidiri kong kinuha ang mga nahulog na singsing, but I found something that was odd man out in the picture. Binitiwan ko ang alahas at hinablot na lang muna ang papeles na nahulog din pala!
Suspicious! Ayan siguro ang kinuha ni Mama sa kuwarto ko!
Pero kahit sa dami-dami ng papeles, isang dilaw na papel ang pumukaw ng atensiyon ko sa malayo! May kulay blue na tatak iyon sa upper right. Mukhang importanteng source of information!
Bago ako makakilos, umabot sa tainga ko ang sirena ng ambulansiya!
Napangiti ako habang palakas nang palakas at palapit nang palapit ang alingawngaw niyon! I sighed in relief. Thank goodness at nakarating agad! Maisusugod na si tatay sa ospital in no time!
Ibinalik ko ang tingin sa nahulog na papel. Napa-huh pa nga ako dahil mukhang certificate iyon! Kinuha ko iyon at lumabas ng kuwarto para basahin ang nilalaman.
Ayaw ko namang paghintayin sina Mama at Ninang sa kabagalan ko na naman!
Habang bumababa, hindi ako nag-atubiling ieksamina ang nilalaman ng birth certificate.
Tinamaan ng gulat ang aking bughaw na mata sa nakalap na impormasyon!
Pagkatapak ko sa unang palapag, doon na ako napahawak sa sentido! Palumpo-lumpo muna akong naglakad. Ano ang nangyayari sa paningin ko at p a r a n g umiikot ang mundo?
Habang tinatagalan kong titigan ang birth certificate ko, nakaramdam ako ng hilo.
Ravi Salazar
Name of Mother: S—
No.
No! No! No!
"AH! Jesus, this can't be . . . t-the truth!" pailing-iling kong asik habang nilulukot ang papel. "N-Nalilito ako." At saka nangilid ang aking luha. "Ano 'yon?"
Lumuhod ako para i-relax ang nakakuyom kong kamao. Bumigat ang aking ulo sa aking nabisto! Para akong magbabagong-anyo! Pakiramdam ko ay nalulusaw ako sa paningin ng mga walang pusong tao!
Ang buong kaluluwa ko ay tila pinipiga. Binalot na talaga ako ng kadiliman!
As much as I wanted to stand up, I could not . . . fucking . . . tolerate . . . what they hid from me.
I felt betrayed.
Where did I go wrong? I bit my lip to taste my disgust at that humanity!
Nabitiwan ko ang aking birth certificate dahil lumabo na ang aking paningin.
Sama ng loob ang nanalatay sa sistema kong nahihimatay! Paikot-ikot na parang trumpo ang lahat ng mga nakikita kong bagay-bagay . . . hanggang sa ako ay natatawang humandusay.
Ayaw ko munang harapin ang katotohanan. Hindi ko makakayanan. Sorry, if I had to rest first. I had to build a barrier to shelter myself. My eyes closed to visit the darkness . . . to recall the conglomeration of my happier childhood days.
I smiled silently because I saw my friends unwinding in that realm, where we could achieve a state of worthiness rather than weariness.
Amelia, Bella, Christel, kailangan ko kayo ngayon!
Naluluha akong tumingala para makita ang lalaking nakapulang kapa sa madilim niyang silid.
"Who are you?" I whispered.
"La oscuridad cubrirá la poca luz que ves." (Sasakupin ng kadiliman ang mumunting liwanag na iyong nasisilayan.)
Nasaan na ba ang liwanag, ang liwanag ng aking buhay? Akala ko ba ay tuluyan nitong tatalunin ang kadilimang aking nakagisnan. Pero kung hindi naman sumasang-ayon ang inasam kong liwanag sa tadhanang nakatakda sa akin, siguro nga ay hindi sapat upang takasan ang kadiliman.
MYTH!!! DEBUNKED!!! I̶p̶i̶n̶a̶n̶g̶a̶n̶a̶k̶ ̶a̶n̶g̶ ̶i̶s̶a̶n̶g̶ ̶l̶a̶l̶a̶k̶i̶n̶g̶ ̶s̶i̶ ̶R̶a̶v̶i̶e̶r̶ ̶S̶a̶l̶a̶z̶a̶r̶ ̶n̶o̶o̶n̶g̶ ̶N̶o̶b̶y̶e̶m̶b̶r̶e̶ ̶2̶5̶,̶ ̶2̶0̶0̶4̶.̶ ̶K̶i̶n̶a̶l̶o̶n̶g̶ ̶s̶i̶y̶a̶ ̶n̶g̶ ̶k̶a̶n̶i̶y̶a̶n̶g̶ ̶i̶n̶a̶n̶g̶ ̶s̶i̶ ̶S̶o̶f̶i̶e̶ ̶S̶a̶l̶a̶z̶a̶r̶.̶ ̶A̶n̶g̶ ̶a̶m̶a̶ ̶n̶a̶m̶a̶n̶g̶ ̶s̶i̶ ̶J̶u̶s̶t̶i̶n̶ ̶a̶y̶ ̶t̶i̶n̶i̶t̶i̶g̶a̶n̶ ̶l̶a̶m̶a̶n̶g̶ ̶a̶n̶g̶ ̶m̶a̶g̶-̶i̶n̶a̶.̶ ̶H̶i̶n̶d̶i̶ ̶k̶a̶s̶i̶ ̶s̶a̶n̶a̶y̶ ̶s̶a̶ ̶p̶a̶g̶-̶a̶a̶l̶a̶g̶a̶.̶
⁺ ˚. * ✦ . ⁺ .⁺ ˚. * ✦ . ⁺ .. ⁺⁺⁺ ˚. * ✦ . ⁺ .⁺
˚. * ✦ . ⁺
.. ⁺ ⁺
"Sofie 'yong anak mo, walang malay na nangingisay sa sahig!"
●
"Susmaryosep! Bakit hawak niya 'yong papel na matagal na nating tinatago . . . "
●
"Diyos ko! Paano na 'yan at nalaman niya na yata? Patatawarin kaya niya tayo . . . "
●
FALSE!!! FAKE!!! : ̶N̶o̶o̶n̶g̶ ̶i̶k̶a̶-̶2̶5̶ ̶n̶g̶ ̶N̶o̶b̶y̶e̶m̶b̶r̶e̶ ̶t̶a̶o̶n̶g̶ ̶2̶0̶0̶4̶,̶ ̶i̶p̶i̶n̶a̶n̶g̶a̶n̶a̶k̶ ̶s̶i̶ ̶R̶a̶v̶i̶e̶r̶ ̶D̶e̶l̶a̶c̶r̶u̶z̶ ̶S̶a̶l̶a̶z̶a̶r̶.̶ ̶M̶a̶s̶a̶y̶a̶ ̶s̶i̶y̶a̶n̶g̶ ̶i̶k̶i̶n̶a̶l̶o̶n̶g̶ ̶n̶g̶ ̶k̶a̶n̶i̶y̶a̶n̶g̶ ̶i̶n̶a̶ ̶n̶a̶ ̶s̶i̶ ̶S̶o̶f̶i̶e̶ ̶A̶l̶b̶a̶c̶i̶t̶e̶ ̶S̶a̶l̶a̶z̶a̶r̶.̶ ̶A̶n̶g̶ ̶a̶m̶a̶n̶g̶ ̶n̶a̶n̶g̶a̶n̶g̶a̶l̶a̶n̶g̶ ̶J̶u̶s̶t̶i̶n̶e̶ ̶G̶a̶l̶v̶e̶z̶ ̶S̶a̶l̶a̶z̶a̶r̶,̶ ̶n̶a̶k̶a̶n̶g̶i̶t̶i̶n̶g̶ ̶t̶i̶n̶i̶n̶g̶n̶a̶n̶ ̶a̶n̶g̶ ̶m̶a̶g̶-̶i̶n̶a̶.̶ ̶M̶a̶r̶a̶h̶i̶l̶ ̶a̶y̶ ̶m̶a̶s̶a̶y̶a̶ ̶s̶i̶y̶a̶ ̶d̶a̶h̶i̶l̶ ̶m̶a̶s̶a̶y̶a̶ ̶a̶n̶g̶ ̶k̶a̶n̶i̶y̶a̶n̶g̶ ̶k̶a̶b̶i̶y̶a̶k̶.̶
Noong ika-25 ng Nobyembre taong 2004, ipinanganak si Ravier Delacruz Moore. Masaya siyang kinakalong ng kaniyang ina na si Susan Taylor Moore. Ang amang nangangalang Ryan Comrad Moore, nakangiting tiningnan ang mag-ina. Marahil ay masaya siya dahil masaya ang kaniyang kabiyak.
●
"Sofie, please take care of my son. I will be kind to him," sambit ni Tita Susan sa kalsada at may kinakalong na sanggol.
And then my world shambled. My life was a motion picture of lies, enough to overlook the love in that world.
So, that was the meaning of my last dream. My eyes were like a fragile vase, so blurred but empty.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top