𝕮𝖍𝖆𝖕𝖙𝖊𝖗 𝟐𝟓
Book Cover made by ashesofmadness
❝ A rainbow concealed by a masquerade
His kismet was so wreathed by love and the lights of fantasy ❞
●━━━━━━━━━━━━─╮
SEASON 3: TRAPPED
╰─━━━━━━━━━━━━○
III Kumawala sa maputlang labi ni Naomi ang mga liriko ng kantang Huling El Bimbo. Humataw-sayaw pa to the left and to the right ang matatambok niyang baywang. Sa mala-squatter nilang tambayan, may ibinuo silang bonfire na kung saan ang apoy ay humataw rin sa maaliwalas na gabi.
Pa-concave ang seating arrangement. Monobloc ang props.
Ang katropang si Philip, nakangiting suwabeng itinapik ang tambourine sa tabi. Napakaastig ng pag-beatbox, tila niyayanig ang katahimikan ng gabi! Ang walang ganang sina Jerome at Brandon, mabagal na tinungga ang root beer. Ang nakasandal nilang mga katawan, tamad na tamad sa buhay na parang umimpis nang gulong.
Kung girls naman ang pag-uusapan, parang nasa kubeta lang kung makipagkuwentuhan. Paos na paos na sumigaw—ay este, nakikanta sina Bella at ang malapad na bunganga ni Amelia. Ang katropa naman nilang si Rachelle Ann Go—ay este, si Rachelle lang pala, napa-lipsync na lang sa hiya.
Naroon silang lahat para makisaya at magkaisa! Plano rin ni Naomi magpalipas-oras bilang parte ng pagmu-move on.
Hayun daw ang kaniyang therapy, ang pag-melt ng marshmallow sa campfire. Charot.
Mag-e-eighteen na rin siya sa November 2022, so dapat wala na siyang love life problem niyan na wala naman daw kakuwenta-kuwenta! Wala naman siyang mapapala sa crush-love-love, e, so why bother?
"Wala bang masigabong palak-palakan diyan?" Napakalakas ng tiwalang ipinasilay niya ang kaniyang ngiti!
Abot-tainga ang ngiti nila sa ka-crescent-an ng buwan. Dapat sana Buwan na lang pala ang kinanta niya!
Kaso nga lang baka may pumiyok sa high notes kaya huwag na lang. I-alak na lang iyan para 'matic 'high per' na. Hindi ba, Jerome at Brando'ng mga palainom na nawawalan na ng tino riyan?
"O, sino susunod na kakanta?" Ay, may gusto pa palang itanong si Naomi!
Nagkatinginan tuloy ang bawat isa, tinatanong kung sino ang susunod. Siniko at ipuwinersa pa talaga ni Amelia si Christel para patayuin.
Binuksan ni Naomi, the host, ang Bluetooth microphone at in-adjust ang echo niyon. "The Bluetooth device is koniktiduh successfoleh!"
So ayon, since walang gustong mag-participate . . . ay isa na namang episode of natuloy ang party pero hindi napagplanuhan parati.
So, nganga? Sa katahimikan ay napangisi si Naomi. "Wala man lang magbo-volunteer? Hindi ba ang mga Pilipino, magagaling kumanta? Talented. Bakit kayo nahihiya?"
"What is she saying? Is she Filipino? Oh, mehel ne mehel koh kehyo. Could you please translate that into English? I'm not talented, e, therefore, I'm not Pinoy." untag ni Jerome kay Brandon na parehong naluwagan ng turnilyo.
Napabuntong-hininga na lang si Naomi'ng pabida. Bumaling siya kay Amelia na kinulit si Christel na kumanta.
Hala! Bakit si Christel pa ang niyayang kumanta? Imbes na si Tempiros iyong magbalot ng kadiliman, e, baka ito pa magpa-brown out sa buong Metro Manila!
O, ha! "Amelia, since ikaw iyong namimilit ng iba, e 'di ikaw na lang ang kumanta." Pinasa ni Naomi rito ang mikropono.
"Aba-aba, timang! So, sinasabi mo na ako na lang ang dapat kumanta kasi magandang pakinggan ang boses ko?"
Tumango si Naomi na ikinangiti nito.
"O, aba-aba, timang! Salamat naman kung ganiyan! Kung boses ko lang naman 'yong papakinggan, sana nagyaya ka na lang ng tsismisan! Tingnan mo sina Brandon at Jerome, o! Lasing at unconscious na 'yang mga lalaking iyan! Puro mga hinanakit sa pedophile ang nababalitaan. Grade seven and eleven daw naglaplapan!"
Pumunta na siya sa gitna para ang konsiyerto ay masimulan!
Hinila niya na ang isang monobloc para maupuan. Nakangingiwi nga sa pagtataka dahil may pag-emote-emote pang nalalaman!
Tumabingi ang kaniyang ulunan! "S-Salamat sa pagpunta rito sa concert ko." Dumekuwatro siya sabay takip ng ninerbyos na bibig. "Gusto ko na sanang maging walk out queen ngayong gabing 'to, pero 'di ko na natuloy kasi nakaka-disappoint naman sa mga kaunting dumalo. At saka buti naman at may bonfire pampaaliw papa'no." Suminghot siya, nanghihingi ng tissue. "Ang nakakaiyak lang kasi, ang audience ay paubos, ako ay namamaos, nalalaos! Pero buti na lang mabait ang diyos. May ilong pa akong matangos."
Sinakop ng katatawanan ang kalawakan sa pagsingit ng kabiruan!
"Don't worry. Feeling ka talaga! Na-feel-litan lang talaga kami para at least may supporter ka man lang," panira ng nakahalukipkip na si Bella. May parolyo-rolyo pa ng mata!
Tumaas naman ang kilay ni Amelia. "Ay, aba-aba! Hindi ko alam kung nagpapakatotoo ka ba, o, naiinggit ka lang, timang, e!" Napabalikwas tuloy siya sa kaniyang monobloc at inilahad ang mic sa kaibigang nam-bash. "O, mic! 'Yan na! Puwede mo namang sabihing magbo-volunter ka, e, since choir singer ka rin naman na."
Agad naman iyong tinanggap ng katropa. "Thank you!" Ngumiti si Bella nang tagumpay. Bilang songerist ay tumayo siyang galak na galak dahil nakatutok na sa kaniya ang limelight.
"Okay!" Dumekuwatro siya sa monobloc na katabi ng bonfire. "So, ito na nga," aniya pagkatapos ay hinawi ang buhok. "We tend to find the endgame person who would forever love us back. Especially if single ka, 'di ba feeling mo napaka-lonely at napaka-ugly mo kasi lahat may boyfriend na but ikaw na lang iyong wala? Ang song na ito ay nakakasakit even though wala namang nananakit."
Nagpalakpakan sina Naomi sa pa-intro spiel ng kanilang lola!
"Ako na maggigitara!" pagprisinta ni Brandon the guitarist. Tamad niyang idinaklot ang gitarang nakasandal sa pader para magpahimig ng i-strum.
Nagtanong si Rachelle na halos napatayo pa. "Kanino mo pinaparating iyan?"
Ngumiti naman si Bella at nag-Dalagang Filipina pose. "I dedicate this to my friends na single at may feeling of missing out."
Napatingin ang lahat kina Amelia at Christel na namula, iyong mga may jowa! Pinaunlakan tuloy sila ng samo't saring tuksuhan at impit na sigawan.
"Sana all may jowa! Sana all mahal! Sana all pinili 'di na feeling missing out!"
Napasapo sa noo at napailing na lang si Naomi'ng bitter. Tumingala siya sa mga nagsikurapang bituin hanggang sa bumaba iyon sa lumutang na usok ng masiglang campfire.
Kahit papaano, kahit malamig ang pag-iisa, binalot naman siya ng mainit na hulab nang pansamantala.
Sana apoy na lang ang nagmahal sa kaniya.
Kaso huwag na lang pala, dahil ang apoy ay naaapula. Nawawala. Nang-iiwan na lang nang walang paalala.
Abusuhin man niya ang gabing masaya pero luluha lang din sa umaga.
Nasa'n ka na ba? Maghihintay nga ba?
Para 'kong tangang nalulungkot sa wala
Kahit sa'n tumingin, ang daming nahuhulog sa isa't isa
Ba't sa 'kin ay wala?
Sina Amelia at Christel ay dinama ang lamig ng asento ng kumantang si Bella. Si Naomi naman, nakatuon sa linya ng kantang binigyang-diin. Ang kantang boses ng kaniyang damdamin.
Familiar quotes and librettos hit her. Ravi's heart paid a lot in the name of Jaxon's pricey charm. But, unfortunately, the lucky man was not willing to return the change of his lover. Perhaps, Ravi might be too expensive for Jaxon, who was unwilling to return the excess love.
Or maybe, at the heights of insecurity, Ravi's flaws might be hard to love, making it a deal-breaker for a man who preferred a better one.
Another burst of sigh, while opening a weary blue eye. Bihira na talaga ang mga lalaking kagaya ng sa panaginip niya. May mga bagay ring hindi dapat ipagpilitan kung ayaw namang mag-work ang isa. Para ang pagmamahal ay maipakita pa, kailangang pakawalan na lang para parehong maging maligaya.
Naputol ang pagkanta ni Bella pagkaugong ng nangangalawang na gate.
"Late na ba 'ko?"
Napalingon sila sa bungad at ibinuking iyon ang isang nerdy'ng dala-dala ang plastic bag ng Greenwich. Ipinatong niya ang kilong bigat niyon sa table lobby.
Wilson arrived with his new vibrant shades! Randy Santiago ka, girl?
"Yow, Kuya Wil!" pagwe-welcome ni Rachelle bago ito maghandog ng isang mainit na yakap.
Maasiwang natawa naman ang nerd na naka-polo. "Miss kita, Rachelle," ganti ni Wilson bago guluhin ang kulot salot nitong buhok.
"Iyong forever mo, Conyo, nandiyan na!" Mahinhing hinampas ni Naomi si Bella sa braso.
Umungot naman ito bago makaalpas ng reklamo. "Why is he here? Nakipag-hug pa kay Rachelle. They are not close, 'no!" Nang mapagtagumpayan ang pagmamaktol, saka siya umiwas ng tingin sa namulang ex-best friend na si Wilson.
"Aba-aba, mga timang! Alalayan n'yo muna 'yan." Nanduro si Amelia'ng nasa likuran. "Mukhang pagod o nabinat o na-fatigue na yata 'yan maghapon sa mall, o. Para pa ngang nakainom dahil wala na sa sarili."
Si Rachelle na pinakamalapit sa mako-collapse nang bisita, nag-alala ang mga mata. Kaya naman ay pinaupo niya agad si Wilson sa tabi ni Bella.
Samantalang ang mga hindi pa nakapaggabihan, thankful naman. Napangiti pa nga at pinagdiskitahan ang pasalubong na Greenwich! Salamat sa Diyos at may nagkusa rin.
Inalis at ibinato nila ang mga plastik sa ere!
Binuksan ni Phillip ang pizza box. Sapagkat kumalam na ang sikmura, siya na ang naunang lumamon.
Sabik na sabik ang gutom. Kaya no choice, marahas siyang binatukan ni Naomi. Inuna pa kasing patulan ang Hawaiian Overload sa halip na tulungan ang lasing.
Kinausap ni Naomi si Wilson. "Thank you nga pala, Wilson, sa pagpunta. Akala ko hindi ka na makakarating. Sige na, mukhang . . . uhm . . . hapong-hapo ka, e." Nakakunot-noo niya itong minasdan mula sa magulo nitong buhok . . . hanggang sa dark blue nitong sneakers. "Pikit ka muna."
"Sige, pikit ako." Ngumiting matamis si Wilson. "Para siya ang mapanaginipan." At saka niya nilingunan ang seating pretty'ng tigil na si Bella.
Nilayo ni Bella nang bahagya ang kaniyang upuan na ikinaigtad ng pahikab-hikab na lasing. Aso't pusa pa rin ang pakikitungo nila niyan. Bawat pride ay umaabot hanggang planetang Mars.
Kumuha na rin si Naomi ng pizza. Mayroon ding carbonara na may kasamang toasted garlic bread na nakalagay sa paper meal boxes.
Bago makasandok ng makremang pasta, napalingon sila kay Wilson.
"Bella, papaypay." Niyugyog ng binata ang balikat ni Bella.
Nakapagtataka! Noong hindi pa iyan nai-in love, hindi naman siya ganiyang kawirdong umasta!
"H-Ha?" Napapilantik ang kilay ni Bella bago harapin sina Amelia na nagtaka ang mga mata. "A-Ano ba! People are looking at you—uh—us!" Hinampas niya si Wilson gamit ang pamaypay. "You look so drunk and sweaty exhausted!"
"Iuwi mo na iyan, Bella. Umuwi na kayong dalawa." Walang emosyong tumunton si Naomi roon. "Hindi nakaka-entertain."
Si Phillip at Jerome, napaungot dahil aakayin nila si Wilson. Akala kasi nila wala na silang aatupagin lalo na at magre-relax na lang sa bonfire. Ang dismaya ay rumehistro sa kanilang mga balikat. Pagewang-gewang ang dalawang nagbuhat, kay Wilso'ng pagod bigat na bigat!
Napabuntong-hininga si Bella at napapalatak. "Pahiram key ng car mo!" asik niya kay Naomi. "Ano ba kasi ang trip ng crazy na baliw na iyon kaya nagpakapagod kakagala?"
Hinagis ni Naomi ang susi rito at saka ito lumabas.
Napatingin ang naiwang dalaga sa bonfire. Nawalan siya ng balanse noong humangin nang malakas na ikinapatay ng maliwanag na apoy.
Kasabay ng pagrolyo ng mga kahoy na panggatong, naglaro naman sa kaniyang tainga ang misteryosong wika.
"La oscuridad matará la luz." (Kadiliman ang siyang papatay sa munting liwanag.)
Sa labas ng gate ng umpakan, namimilipit na nagsalita ang tagabuhat na si Jerome. "Ang bigat mo, Wilson! A-Aray! Ang dami sigurong nakain nito," nakangiwing niyang reklamo, kubang-kuba at nakatungo sa kanilang anino.
Binuksan ni Bella ang pintuan ng van ni Naomi para maiuwi na ang tulog.
Ipinasok na ang hapong si Wilson. "B-Bella?" Kahit nanlalabong nanibago ang paningin, pilit niyang inaninag ang seryosong si Bella.
Nang makanakaw ng sulyap, tuluyan nang bumagsak ang mga bughaw niyang mata. Kasabay ng pamamayapa ay ang pamumugto ng mga iyon.
Umiling si Bella. "You look weary and dreary. You really have to pahinga na in your mansion." Matapos maubusan ng salita ng pasensiya, napatingin tuloy siya sa nakahimlay sa shotgun seat.
Pagdaan ng pagninilay, isang puwersa ang kumaripas na kasimbilis ng kisap-mata!
Humangin.
Tumigil ang pagpintig ng kaniyang puso pagkahagibis ng malakas na hangin! Sapat na para makatupok ng apoy ng liwanag!
Natigilan na lang siyang sinara ang pintuan. Mayroon pa nga siyang naramdamang hindi pangkaraniwan!
Mas naging matunog ang banta ng engkuwentro!
Umalerto ang mga mata ng tatlo!
Sumilakbong gulantang! May nabasag! Lumagapak sa daanan ang maseselang bubog ng bintanang pangkotse. Umanyaya ang amoy ng kapahamakan doon sa luggage compartment!
Nagpalipad ng mura si Bella. Lagot! Hindi pa nga natatangan ang manibela, nauna agad masira!
Naomi's given van! Bakit hindi man lang kasi shatterproof ang iniregalong kotse? Anong klaseng nanay na gastadora ang bibili ng ganiyang kapalpakan? Lalo na at mayaman sila, sikat! Maraming masasamang loob na mapagdidiskitahan siya!
"Who is there?" Lumapit sina Bella, Phillip, at Jerome sa likuran ng itim na van, ang pinanggalingan ng basagan.
Namilog ang kanilang mga mata sa pagkabog ng kaba! Ang mga paa, kusang napaatras! Sandaling naghumindig!
Sino ang mga nadatnan nila?
E 'di walang iba kundi sina Yvonne at Michaela, dating mga kinaibigan ni Selena, ang numero-uno nilang kalaban!
Mahigpit ang hawak ni Yvonne sa baseball bat niya! May pa-melee weapon pang assistant!
Handang-handa na siyang umamba ng giyera! Pati nga iyong itim na van ni Naomi, dinamay sa pananabik niyang nakapipinsala!
Imbes na maghamon pabalik, ipinagdaop na lang ni Bella ang kaniyang mga kamay at saka mahinahong lumapit sa dalawang dalagitang siga.
"What are you two doing there? We have to get going kasi magku-curfew na. Do not you dare to waste your time if you do not want to go dead on arrival."
Hindi sila matinag sa pakikipagtitigan. Walang pipikit! Steady! Pero dapat may taktika nang iniisip!
Hingang malalim. Papirmihin ang katawan. Ihanda na ang enerhiyang paggagamitan.
Jerome, Bella, and Brandon . . . facing Yvonne and Michaella: Three versus two! Idagdag pa sina Naomi at Amelia'ng naka-standby sa loob. Aba! Matindi!
"Come on. We just wanted to be fair here," pagdiin ni Michaella'ng mabagal rumampa. "Gusto lang kasi naming ibalik sa kaibigan ninyo 'yong ginawa niya sa amin. Iyong pag-kick-out niya sa amin sa Education Center!" Ikinuyom niya ang kaniyang kamao, tila handa nang bigwasin ang anumang kahaharapin!
"Ano ang nangyayari dito? Bakit hindi pa kayo umaalis?"
Mula sa umingit na tarangkahan, napalingon sila sa presensiya ni Naomi. Nakadi-distract! Nagtatakang nakakunot-noo ito nang makasugapa ang naghamon.
Ngunit kung sa liksi ba naman ng kalaban, sa pagsanib ng kaliksihan, sumugod na si Michaella—"Ouch!"—patungo kay Bella!
Matapang! Walang ka-warning-warning! Binigwas agad sa panga! Pamula-mula tuloy hanggang sa namanhid sa makapangyarihang puwersa. Dumagundong ang kalooban ng babaeng walang kalaban-laban, nasuntok nang hindi namamalayan!
Naunang nakapuntos tuloy sina Michaella! Mandaraya! Ang malambuting si Bella, napasandal na lang sa hollow blocks ng kanilang tambayan. Nahihingal na napabuntong-hininga siya at pumikit, hindi maka-recover sa suntok na iyon.
Mabuti na lang at may kasama siya: sina Naomi, Jerome, at Phillip. May pam-back-up. Sumiklab na ang tensiyon sa mga alikmata. Tila magkakaibang lakas at enerhiya ang nagsitipon bago nila puntiryahin si Michaela!
Napakadaya nga nitong lumaban! Bawat pagsulong ni Phillip ng suntok, agad nitong iilagan. Magaling ding mag-execute ng buwelo!
Consistent na nagsalitan ang suntok, buwelo, at ilag. Pero noong nagpasilay nga lang ang kahinaan, natumba sina Phillip at Jerome bago magpakitang-gilas sa pag-stunt. Tumalsik sa magaspang na lapag! Nauntog at napatalbog pa nga! Muli silang naunahan ni Michaela!
"Jerome! Phillip!" Ang umiyak na si Bella naman, hawak pa rin ang panga! Walang ginawa kundi ngumawa. "Oh no, help!" Hindi naman kasi siya ganoong ka-physically skillful para maka-recover agad.
Inararo ng katahimikan ang kaguluhan. Oras na munang magpahinga.
Wagas na kumunot-noo si Naomi. Nagpaunlak siya ng sipol sa hangin nang matawagan ang ibang kakampi sa loob.
"Don't you taunt to hurt my best friend," banta niyang nandedemonyo ang paningin sabay sugal sa suntukan.
Focus! Wala nang momentum para tumigil! Mapapaapak ang lahat sa maligalig na damuhan. Kaya dapat simultaneous ang pagtakbo ng kamalayan at ng paanan. Tila umaalburotong galit ang bubuhat sa stability ng lalaban.
Hinawakan ni Yvonne, ang may-ari ng baseball bat, si Naomi sa kaliwang kamay. Kasinlikot ng halimaw man siyang umikot, pero kaya naman ni Naomi makipagsabayan sa reflexes nito.
Habang kampante si Yvonne makipag-ikutan dito, pagkakataon na ni Naomi na dakmain ang bat. Gayunman, pinigilan siya nito sa kaliwang kamay! Mabuti at hindi sinunggab ang kanan, malaya pa rin niyang mapapasakamay ang bat! Inilayo niya agad iyon kay Yvonne.
Abrupt ang pagtigil ng kanilang pag-ikot. "T-That b-baseball bat is mine!" ani Yvonne na nakabawi agad sa bigla. Itinabig niya ang bat para mabitiwan na lang Naomi at makuha niya iyon.
Magaling din siya. Bawat atakeng lalapit, kaniyang lulukuban ng pagpigil. Kahit medyo nahilo ay tinangka niya pa ring tamaan ng bat ang kalaban! Ibabato pa lang niya iyon nang biglang gumanti si Naomi!
Hindi nagpatinag ang mapanghimagsik niyang kalikasan! Para hindi mabagok sa ulo, sinikmuraan niya si Yvonne. Napasapo tuloy ito sa sariling tiyan na nangangalit ang hilab.
Noong aksidente nitong nabitiwan ang bat, nasagip iyon ni Naomi para mayurakan ang anumang buto ng kalaban. Lahat ng aksiyon ay naglaro sa loob ng sampung segundo.
Napatakip si Bella ng bibig, tinamaan ng reyalisasyon. Kahit hindi biniyayaan ng self-defense, kailangan niyang kumilos para naman may ambag siya! Si Naomi na lang palagi ang nagligtas sa kanila!
Pagkat nahulog ang bakal na pinansandata ng dalawang nabugbog na sina Jerome at Phillip, napasakamay iyon ni Bella. Hinawakan niya iyon nang mahigpit gamit ang nanginginig na dalawang kamay. So glass canon.
Pasakang-sakang sana niyang susugurin si Michaela ngunit natigilan pagkasabi nito ng—
"Your best friend is fucking fake! Alam mo ba that she is just using Amelia kasi may power of authority raw siya?"
Muling napanganga si Bella na tila nabuhusan ng tubig. Sinong tsismosa ba naman kasi ang nakapagkalat ng sikretong balita? Nakasisingaw ng tambutso!
Sa kaloob-looban, nag-alburoto ang kulo sa namula niyang mukha! "What are you saying! You cannot brainwash me sa mga ganiyan! Fight as one!" Ipuwinersa ni Bella pa-forward ang bakal para mapaigtad ang kalaban. Nang tumagal ay natuliro naman ang mga mata at ipinatong muna ang bakal sa campervan. "But how did you know?"
"It is all because of me, Bells." Nakalayag na mula sa pier ang nagpasimuno ng kaguluhan.
Sino kaya ang malditang iyon? Si Bella, patay na! Tumingala siya, dinarama ang otoridad ng yumapak na silweta!
Napahangos siyang tulala! "S-Selena?"
Nanginig ang kaniyang daliri sa sindak at galit! Gusto niya nang kagatin iyon gamit ang mga ngiping ngilong-ngilo!
Oo nga pala! Nadamay pala si Selena sa kumprontasyon noong birthday ni Christel! Napakinggan niya ang nakamamatay na sikretong naibulalas ni Amelia.
"Watch yourself, Bella. Babangon iyan!"
Nakagigitlang pinadunggol ni Naomi si Michaella gamit ang iisang sipa. Bali ang bungo! Kung kailang babangon ang kalaban, saka pa roon nawalan ng malay.
Nakapupuwing ang paglipana ng dahas. Halos naghumindig ang kalamnan ni Bella! Para kasing patay na nakahandusay ang kaharap niya! Sa labas ay mahimbing na natutulog, pero naglulupasay na ang mga bituka sa loob!
"Ano'ng gusto mo?" nakapamulsang tanong ni Naomi kay Selena. Kung susundin ang bakas ng kaniyang tono, masasabing nagmamadali siya at handa nang lumaban ng isa pang round. "Kayo na lang kaya siguro ang magbayad nitong kotse ko, ano?"
"Aba-aba, mga timang! Hayop na mga paa at bungguang hindi matahimik! Anong kaguluhan at kinababaliwan n'yo diyan sa labas at naririndi na kami—"
"Si Wilso'ng malakas ang amats, unconsciously na hinahamon kayo, tama, tama—"
Sabay na napaestatuwa sina Amelia at Christel pagkaapak sa labas. Tumigil ang paglakad. Napamulagat kay Selena! Hindi sila makapaniwalang napahangos, hindi maipahayag ang katunungang 'ano'ng-nangyayari'!
Ngunit si Amelia, wagas na iniling ang ulo. Kailangang iwaglit ang pagtataka sa isipan para mapalitan ng kaalertuhan. "Rachelle! Brandon! Security!" Itinuro niya ang mga kasamahan sa loob at labas ng tambayan. "Sabay n'yong pagalingin 'yang dalawang Jerome at Brando'ng 'yan sa damuhan. Kami na'ng bahala ritong apat nina Ravi, Bella, at Christel!" napuputol ang litid niyang sigaw hanggang sa mapabulong. "Walanghiyang gulong 'to. Nang-istorbo pa."
Namaos tuloy siya. Dumilim ang paningin, sumama ang loob.
Nakatungo siyang naglakad papalapit kay Naomi pagtakbo ng dalawang manghihilom galing sa loob.
Napahawak si Bella sa dibdib pagkaaninag ng hindi inaasahang opisyal sa paligid! Mistulang kumanlong ang mga taong iyon sa dilim ng gabi. Nakabalot ang mga ito ng maiitim na uniporme, tila mga ninja ng sandatahang lakas!
Sa dibdib, nakadaop ang nagkikislapang mga tsapa o police badge! Nakaaagaw-pansin ang ganoong pagtawag!
Mga hired bodyguard ni Selena, lightening a grin of a devil!
Ano kaya ang gagawin nila sa kaisa-isang kaluluwa ni Naomi Evangelista?
"Magpakatapang ka, Bella. Kami na ang bahala sa buhay natin," bulong ni Amelia sa tabi ni Bella.
Ang mga mata niya, direktang nakatutok sa matatalim na tingin ng mga kalabang nakapalibot. Pinalaki na siyang sanay sa mga ganoong sitwasyon.
Pagkat hindi mapakali ang malambuting si Bella, inakbayan siya ni Christel. Kailangang suportahan ng nakakakalmang haptics. Pilit niyang ikinontrol ang kaniyang pagnginig at paghikbi. Tumungo siya, tinanggihang masaksihan ang kahahantungan ng eksena. Labis nag-alala ang kaniyang diwa.
Naomi was cold yet stern, but she was still human after all. May limitasyon din siya!
Humalukipkip si Naomi at saka sumandal sa kaniyang Toyota Grandia. "Stop being unfair, Selena. Baka magamit ko pa ang kotse ko para masagasaan ko kayo." Napangisi siya, walang atrasan. "Sayang naman ang petrolyo kung gagamitin lang din naman sa mga bruhang katulad ninyo."
Isang paghihiganti ang pumutok sa gitna ng bukirin! Nakahandang punglo ang susugod sa ulo ng sinumang matatamaan!
Napatili sina Bella! Walang pakundangan nilang inalingawngaw ang kanilang pagbabanta. Tila hihiwalay na nga ang kaniyang mga mata. Ang bibig ng baril, nakatutok na! Sa loob ng bulsa ni Selena, nakatahimik ang pangkasa!
Si Naomi, ang target, nanganganib na!
"Aba-aba, itong mga timang na 'to. Nagsimula lang naman 'to sa unrequited love! Ang bababaw at talagang kailangan pang humantong sa gan'tong kalaking problema. Ba't ang daming nadadamay? Nagkakamatayan pa ng buhay, putik—" Paingit-ingit sa poot si Amelia, samantalang ang maemosyonal na si Christel, nangangatog na hinila ang siko ni Naomi. Ang magkakaibigan, kailangang magkumpulan. Walang katiyakan kung kailan ang katapusan!
Napiping nakiramdam na ang lahat, ngunit prenteng itinaas ni Naomi ang dalawa niyang kamay! Tila presko pa rin sa lamig ng kaniyang kaastigan! Siyempre, tinuruan ni Amelia ng katapangan!
"Barilin n'yo na ako, Selena. Huwag lang sila."
Napangiti siyang mapait habang tinitingnan isa-isa ang mga kinabahang kaibigan. Lahat ay pinigilan munang huminga upang hindi magpadalos-dalos.
Sa reyalidad, hindi lahat ay nagbabago. Siguro, hindi naging uso ang matuto.
Kung sino ang mananakit, mananakit at mananakit pa rin. Kung sino ang unang magpapalaya, siya pa rin ang magpapakawala sa huli.
Oras na para maging bayani. Wala na munang tatakbo. May isang hindi tutuloy sa dula ng kaniyang buhay.
"No!" Bella shouted at the top of her lungs. "Oh please, Naomi, what the hell are you even thinking?" Napailing siyang napamulagat.
Well, no one could blame Bella for blurting out; that abrupt martyrish act embodies insanity! Bata pa lang sila. Setting aside the love, they had hundreds of aspiring dreams worth pursuing for. They deserve people worth living for.
Naomi, always choose to stay.
"My only Ravi, ano ka ba! Hindi mo naman kami sasayangin, tama? Tama! Hindi mo kailangang gawin ito! Tama na!" pagmamakaawa ni Christel. Halos ipiniga niya na ang naipong luha ng pighati!
Nauwi ang lahat ng damdamin sa iisang sirkulo ng pagyakap. Naghihigpitan ang braso. Hindi mapaghihiwalay! Si Amelia naman, diretso pa rin ang tingin ng nakakukuryenteng mga mata, nakikisakay sa tadhanang walang kaawa-awa.
Sumibol ang puyos sa ngipin ni Bella! Nagngangalit na! Si Amelia naman kasi! Nagkakandaleche-leche na ang lahat, pero bakit iyong mukha niya napaka-chill pa rin?
"Hindi ako takot mamatay." Sumindi ang hasik pagkapunan ni Naomi ng katahimikan. "Pagkatapos n'yo akong barilin, mumultuhin ko kayo panghabambuhay sa bilangguan." Umangat ang kanang labi niya habang tumatango. "Haven't you, guys, forgotten that I am a complex person~"
Napapadyak tuloy si Bella sa prustrasyon! Bumuhos ang mga salita ng pagmumuni. Hindi niya na mapigilan ang inis sa kahibangan ni Naomi! Nagyugyugan, nagsigawan, at nagyakapan na ang lahat, pero sila ni Amelia, simpleng pinanood lang si Selena!
Napabuntong-hininga si Bella. Dinuro niya ang sarili dahil napakawalang kuwenta niyang kaibigan! As a friend, she could have done something, but she felt so dirty instead because of her weakness!
Pusong maemosyonal ang tanging ibinuga niya. "I cannot take it anymore! Ako na lang! Sa 'kin na lang i-point ang gun!"
Dahan-dahang mala-robot na humarap si Naomi sa kaniya. Sa ekspresyon nito, mahahalata ang sakit at pagod na nakatago sa makapal nitong maskara.
Subalit napakunot-noo lang ito at seryosong bumaling muli kay Selena. Hmm. Bakit parang wala lang kay Naomi ang pagtataranta ni Bella? Masyado naman siyang pina-out of place sa tensiyong nagmistulang kasuwal.
Isinulong ni Naomi ang usapan. Ang bingit ng kamatayan ay nilustay ng kutyaan! "Ang bagal n'yo namang bumaril! Mga pagong!" pangungutya niya. Iniliyab niya na ang unos ng asik bago tadyaking parang bato ang kotse!
Sa baba pala ng sasakyan, nakadikit ang plano!
Sina Bella, napaalerto!
Ang pulang pindutan doon, umilaw at umalingawngaw! Bumangon na nga ang kagipitan na magpapabaligtad sa sitwasyon nina Ravier at Selena.
"E-Emergency ang ibig sabihin ng sensor na iyon, t-tama?" tanong ni Christel habang umiiling.
"I-I don't know," ani Bella'ng nakatitig lang sa baba ng Grandia.
"Hintayin n'yo na lang, mga timang. Manood. Si Batman na ang magpapakita ng kalalabasan." Napanganga ang karamihan sa bumalandrang kongklusyon!
Nang mag-activate ang button, sa itaas, sa mga condominium, doon sa bakanteng mga veranda, nananahimik palang nakalambitin ang mga tali!
Madilim ang gabi. Madamo rin ang kalupaan. Kaya hindi napansin.
Kung tali naman ang pag-uusapan, oras na siguro para udlutin ang kamatayan! Buhay ni Naomi, kaniyang pahahabain . . . gamit ang patibong!
Ang mga naglipang net traps, nagpaaninag na sa mga balkonahe!
At one kick, she can hit multiple bullseyes.
Umiling nang umiling si Bella hanggang sa maliyo. Nabaliw na ang kaniyang reaksiyon. Crazy na baliw ika nga niya!
"I am more than meets the eye. Now we are even," bulong ni Naomi'ng nakahalukipkip. Kaagapay niya ang kadiliman ng gabi.
"Umalis na tayo!" sabi niya pa bago talikuran sina Bella'ng aligaga.
Paano kaya nagawa ni Naomi iyon?
Para lang siyang naghahanap ng karayom sa damuhan lalo na at hindi madaling hanapin ang sagot sa kaniyang katanungan. Si Naomi naman kasi, hindi madaling hulaan. Parang secret agent na maraming ibinabagaheng adyenda.
Naabutan sina Selena at ang kaniyang mga bodyguard ng mga net trap. Tila may ipo-ipong hinatak sila paitaas. Sumigaw man ng iba't ibang pakiusap, ngunit pare-parehong nag-aasam ng matulunging kamay. Nabitiwan tuloy nilang lahat ang mga hawak na baril. Nagkandahulog ang mga iyong parang piso sa damuhan.
"Tulong! Please help! Somebody! Saklolo!" sigaw ni Selena nang nakakapit sa ere. "These people are criminals!" Inginudngod niya ang sariling mukha sa net trap, tila loka-lokang nakarehas! "Look what they have done to me! P-Please, maawa kayo sa akin! Ako na lang ang breadwinner ng family—"
"Aba-aba, timang, ang OA mong manahimik ka! Breadwinner ng pamilya ang puta! Buwusit! Nakulong na nga may breadwinner pang nalalaman. Gusto mo ba'ng batuhin kita ng peanut butter ta's isalpak ko sa tinapay mong nanalo, ha?" panggigigil ni Amelia sabay kamot ng ulo. "Bumili ka ng Gardenia mo, loko!"
Poor Selena, treated like a thirsty fish baited by Naomi's deceptive catch.
Si Bella, napadpad ang tingin ay Naomi. Nakaupo ito sa gitna ng daanan.
"Jackpot loot!" sabi niya na kumikinang pa ang mga mata bago kolektahin ang mga nabitiwang baril ng mga kalaban. "I got a dull knife, a fast extended mag, a nine mm ammo, and an AK117-C-H-0-U-R—ay este, baseball bat lang pala!"
Napabuntong-hininga si Bella at inirolyo ang mga asul na mata. Halos amoy putok na siya sa pagod at pawis na isipsip ng masikip niyang puting T-shirt. Ang hirap ba naman kasing ispellingin ni Naomi. Kumuha pa ng melee weapons, e. Pahamak! What if kung magkakaso pa sila riyan?
Kaya no choice, bumangon ang pagiging palaban ni Bella! Sinampal niya ito na ikinatunog ng hangin.
"Ano na naman ba, babae?" nakakunot-noo nitong tanong.
"What is the meaning of this?" Pumamaywang siya sa pagkutos ng kapikunan. "May pinagsasasabi ka pa na ikaw ang unang made-deads last minutes ago, a! Don't you know that we are also hurting?"
Nabagot naman ang ekspresyon ng kausap. "Hindi ba dapat magpasalamat ka kasi niligtas ko kayo sa mga pahamak na iyon?" Doon sa upper veranda, itinuro nito si Selena'ng patuloy na naghi-hysterical sa sariling net trap.
Natigilan naman si Bella at napasinghal. Yeah, her badass friend did a huge part in that picture. Kaya bilang utang na loob—
"Anyways." She shrugged. "Thank you. Sorry kasi, I am just worried!" Napalukso ang kaniyang mga paa. "Hindi ko maiwasang mag-overthink. I-I'm scared! H-Hindi ko alam ang gagawin ko if we will lost you, Ravi." Kahit nanginginig sa trauma, sinubukan niya pa rin itong yakapin.
Humarap ang katawan nito sa kaniya. Kumalas naman siya sa pagkakayakap para maihatid ang makahulugang ngiti. Everything would be alright, bes. We were still behind when you felt alone.
Naomi hissed. "Umalis na tayo. I hate this drama of yours! Masyado nang mapanganib." Pumasok na siya sa likod ng van. "Didiretso na tayo sa bahay nina Wilson. Kawawa ang pagod. Ano na kaya ang nangyari doon?"
Oo nga pala! Iniwan pala nila si Wilson doon sa loob. Kaya naman ay tinakbuhan ni Bella ang front seat para malaman kung okay lang ito.
#concernednasiya
Bago kumustahin ang lalaking namumugto ang mga mata, napatingala muna siya sa labas. May nakadi-distract kasi.
"Arnold, toss that scissor to me! I cannot reach it—ouch!" Napaangil si Selena sa pamimilipit. "I'll stretch my legs slowly, or else mahuhulog tayong lahat dito." Halos masira na ang kaniyang mga masel kakaabot ng gunting sa himpapawid.
Mukhang makakagawa na sila ng paraan para makalabas doon sa mga individual net trap nila, a?
Pumasok na si Bella sa sasakyan. What would await them in Wilson's white mansion? It had been two years noong huli niyang makita ang pamilya nito.
Start of season 3. The author may not use some of his writing styles to avoid the disastrous narration of the previous chapters. He might change his writing style for better readability.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top