๊ง๐‚๐‡๐€๐๐“๐„๐‘ ๐Ÿ๐Ÿ๐โขพโ–‘โ–’

๊ง ๐’๐„๐€๐’๐Ž๐ ๐Ÿ โœข ๐’๐จ๐ซ๐ซ๐ฒ

โ–€โ–„โ–€โ–„โ–€โ–„โ–€โ–„โ–€โ–„โ–€โ–„โ–€โ–„โ–€

Last Chapter 15: Transformation, if you chose option A in the first place, skip reading this part or do not read this chapter and proceed to Chapter 23 instead . . . and so on . . .

If you chose option B, read this chapter and so on . . .

โ–€โ–„โ–€โ–„โ–€โ–„โ–€โ–„โ–€โ–„โ–€โ–„โ–€โ–„โ–€

III Ang paralumang kagandahan ni Elena Ravenita, kabaligtaran ng kadilimang kaniyang pinagdaanan. Pinaligiran siya ng unos ng kalumbayan, masyadong mabait sa mundo ng kapangahasan. Pasalamat na lamang at may naitago siyang talaarawan, maaaring libangan sa kabila ng kaguluhan.

Ang pagsusulat mag-isa sa silid-aralan, kaniyang kinahiligan! Ang matalas niyang plumang tangan-tangan, hinahabi ang mga salitang puno ng kahulugan. Tuminta roon ang basag na boses ng kaniyang kalungkutan.

Si Elena Ravenita ang diyosa ng kabaklaan, tagapagligtas ng sinumang inaapi nang dahil sa kaniyang kasarian.

Nakapupuring kagitingan. Ang kaniyang kabutihan, dapat sana bigyang-pugay at ipamana sa nagmimithing kabataan. Karapat-dapat siyang gantimpalaan ng dalisay na pagmamahalan.

Ngunit kung minamalas nga naman, wala siyang laban. Patas ang daigdig, ngunit hindi ang sangkatauhan!

Ang mahal niyang si Alejandro Velasquez, sangkot ng kahirapan! Ang pangmatagalan nilang ugnayan, ipinagkait ng makapangyarihan niyang angkan. Hindi nagkatuluyan dahil taliwas sa pamantayan ng kataas-taasan.

Nawasak ang puso ng binibini pagsakop ng katahimikan. Ang mga luha sa mata ay matrahedyang nagbagsakan, sumasabay sa pagninilay ng kalumbayan. Sa higaang niluhaan, nakaluhod lang siyang katapat ang durungawan, minamasdan ang takip-silim sa kabukiran.

Kahit turuan ni Elena ang sarili na mahalin pabalik ang pakakasalan, hindi niya ito kailanman matitipuhan!

Kabiguan, isang alamat ng pagmamahal na hindi masusuklian.

Hindi niya pa rin mahagkan ang katotohanan. Para siyang pinabayaan. Ang walang buhay nilang kasalan, mistulang daan pamartsa sa kaniyang libingan!

Nanumbalik ang pinaglumaang nakaraan. "Binibini, kahit isandaang beses mo man akong tanggihan, nandito pa rin akong nag-aabang ng nakapapabor mong kasagutan," turan ng lalaking kaniyang kinaayawan. "Ang alay kong ito'y kumakatawan sa aking pamimitagan sa ginawa mong kabutihan." At saka nito inilabas ang itinagong rosas sa sariling kasuotan.

Nginisihan siya ni Tempiros. Sa nakaliliyo nitong baro, maaamoy ang ugaling nakapapanibago!

Napakabaho! Ano kaya ang plano ng tagapagmana ng Pamilya Virgilio? At bakit may bote ng kemikal na nanilip sa bulsa nito? Hindi ba isa iyong lasong nakabe-vertigo?

Hindi nakapagtataka!

May balak iligaw ang kaluluwa ng diyosa!

Lupaypay na napahinuhod si Elena Ravenita sa kadilimang nakabobola!

Sa nagningning na bolang kristal, mapapanood ang nakahuhumindig na pagtutuos ng bahaghari at kadiliman. Matapos ang pakikibaka, magpapahinga muna ang demonyong nasa likod ng pulang kapa. Sa loob ng katha-kathang kuweba, bumawi ang bagsik niyang nakababahala!

Sumailalim sa preparasyon ang kaniyang diwa. Inantabayanan niya lang doon ang mga eksenang may kaugnayan sa mabibiktimang sina Amelia. Dumako ang kaniyang tingin sa umandar na mga kaganapan sa buhay ni Bella.

Nag-alala nga si Christel Monica. Feeling niya kasi walang nakaalala sa birthday niya! But little did she know, ang mga katropa niya, may hatid palang surpresa!

"AH! Ouch! Na-cut ko ang finger ko!"

Nagupit ni Bella na parang papel ang kaniyang hintuturo! Nagkisay-kisay ang kaniyang mga balahibo! Ang mga nanubig na mata ay sumaklolo, sumasabay sa brutal na pag-eskapo ng nakaaalertong likido!

Marami na siyang inasikaso, pero bakit siya pa ang huling naagrabyado?

Ang nakayeyelong pagdanak ng dugo, banta ng pagsidhi ng kaniyang pagkulo!

Nang dahil sa pag-apoy ng silakbo, ang kaniyang puso ay dumiretso sa yugto ng pagsikdo! Sapagkat nahapo sa galit na nakapapaso, sakto niyang ibinato ang ipo-ipo kay Wilso'ng nakaupo!

"Okay ka langโ€”"

"What do you think, ha? The pain is burning enough for somebody to aid me, duh!" At saka siya humalukipkip at tumalikod dito.

"Wait!" Akmang tatayo si Wilson. "Bibili ako bandaidโ€”"

Halos tumalsik ang laway ni Bella! "Huwag mo akong dinadala sa mga pa-concern mo! I am not a baby anymore! This is far from my guts."

"Pero, my childhood girlโ€”"

Kasabay ng pag-usok ng sariling ilongโ€”"Tigilan mo ang pag-e-endearment mo sa akin nang ganiyan!"โ€”ginantihan niya ang malalamlam nitong mata ng tinging nagbabanta.

Talaga naman! Ang sarap mang-echapuwera! Kapag nakikita niya si Nerdy, ewan niya ba sa sarili niya! Nabubugnot na lang! Kapag dumidikit ang paningin niya sa checkered nitong polo at sa makapal nitong eyeglasses, nang-iinit ang kaniyang ulo! Sa sobrang init ay puwede nang magprito ng adobo!

Well, sino ba naman kasi ang hindi magagalit kapag may taong nang-iiwan na lang bigla, ha?

Tapos biglang babalik na parang walang nangyari, heh! Hindi naman siya espiritista para lang i-ghost nang ganoon, e!

Fucking!

Amid dwelling on their quarrel, someone behaved alive to snap them out like a meandering current.

It was Sebastian, heaving a sigh and freeing the balloon clasped around his fingers.

He asked, relieving weariness from his chest, "Bakit nadadamay pa ako sa kadramahan ninyo?"

Natauhan si Bella. Nakahihiya dahil doon pa talaga sa magkabila nitong tainga ipinarinig ang isyu nila. Maikuwento pa nito kay Christel ang mga hindi pagkakaunawaan, not a good way to welcome an acquaintance.

๐‘๐€๐•๐ˆ๐„๐‘ ๐’๐€๐‹๐€๐™๐€๐‘ ๐๐„๐ˆ๐๐† ๐๐€๐Ž๐Œ๐ˆ ๐„๐•๐€๐๐†๐„๐‹๐ˆ๐’๐“๐€ '๐’๐€๐‹๐€๐™๐€๐‘' |๊ง‚ As I walked upon the scenic school garden, sun rays reigned to frighten the shadows on the surface. My mind slumbered itself in a soliloquy, grasping the jubilee of the icy breeze. Once the air gushed onto my face, I forced my eyes to close, overlooking the giant fireball in the skies.

My heart chained into breathtaking action. The organic smell of swaying dandelions hit me at twelve noon. It complemented the petrichor aroma oozing on cobblestones glued in earthly soil.

While sitting on a wooden bench, the birds that lingered chirped in fine-tune. Nature's orchestra finally sprung ritual, awakening a colorful mythical spirit! I finally respired from the world's cruelty, as if I was waving the halcyon moments of my youth once more!

I left the clouds of my reverie after establishing peace. Hinubad ko na si Mister Jacket at saka h-in-anger iyon sa sandalan ng bench.

Parang ibinabarbikyu ang aking balat sa init. Kung puwede lang sanang mag-bold, dapat ginawa ko na!

I was glad dahil nadala ko ang aking pocketbook. Pasalamat na lamang sa akdang Kismet so Wreathed. Kahit papaano, nabuksan ko ang aking puso sa pagtanggap ng pagkakaiba ng mga Pilipino. Napabuntong-hininga ako, kinokodigo ang salitang pagmamahal sa aking bokabularyo.

Pagmamahal. Ayaw ko sa lahat ay ako iyong unang nagmamahal. Kasi sa huli, ako lang din ang mag-isang magmamahal.

Ineffable tears flowed like a stream down my soft cheeks. Pinunasan ko iyon at hinilamos ang basang noo nang mahimasmasan.

Pinagsisihan ko ang pag-confess kay Jaxon noong JS Prom na mahal ko siya. My time was precious. I should have settled it for more worthy goals.

Kung crush lang ang pag-uusapan, huwag kang umasa. Wala ka sa Wattpad.

Yeah, I learned the same pre-learned lesson, but in a bolder depth. I gained nothing . . . but only his untoward treatment.

I deserved his hatred way back then.

No matter how many eggs I put in one basket, no matter I stood tall to be an embodiment of bravery, no matter I proved my worth like gold, I would never ever earn even a cent of his appreciation!

Doon nag-sink in ang inasta ko kina Bella. Ang biglaang pagsabog ng indignasyon! Para akong naging payapang bulkang matagal nang nagngingitngit, at kapag nag-alburuto, doon magpapadalos-dalos dahil may maaapakang tao.

The debris of pain was like the ink of a pen. Kahit takpan ko ng correction tape, naroon pa rin ang sulat na nakatago sa ilalim niyon.

Aalis na sana ako nang may nag-usap sa kanan doon sa hindi kalayuan!

Their voices that called my earsโ€”familiar, distinctive yet sex-appealing!

Sinundan ng aking instinto ang pinanggalingan ng mga iyon.

Umatras ang nanliwanag kong mukha sa sindak. Mas umalistongkamanl-l-buhol kong ugat!ghel ang aking dugo sa pagdagundong ng aking puso! Mistulang binungaran ako ng mga anghel (na mga demonyo ring nagbabalat-kayo)!

Sina Selena at Paolo, nakaupo!

Ang kanilang kuwento, puno ng pagsuyo!

Bawat isa ay nakangiti habang nagpapalitan ng payo.

Ikinagat ko ang pumait kong labi para ang selos ay masugpo!

Okay lang sana kung nakadekuwatro lang, e! Pero bakit kailangan pang maghawakan ng kamay? Social distancing pa rin dapat!

Sana alam ni Selena na madyikero ang tunay na katauhan ng ka-date niya. Para malaman ko rin kung hanggang fling lang ba sila.

At saka, ano kaya ang dahilan ni Paolo kung bakit si Selena pa ang napagtripan niya?

Especially that his action seemed forced!

I bugged into their privacy as best as I could, leaving Mister Jacket behind.

Paolo was facing towards me. Tutok na tutok ang kaniyang anggulo kay Selena, kinukuwento ang mala-MMK nitong buhay para kaawaan.

He sighed, letting the coolness stroke his lean muscles. That overloading hotness from that tanned man, impeccable! His freckled face with a chiseled jawline even drove my heart to melt that scorching day.

May winika si Paolo. "Selena, kung tatandaan mo, kahit marami ang umaayaw sa atin, okay lang naman sa akin!"

Tila gumuho ang nabuong pantasya pagkarinig ng ipit niyang boses!

Ang pogi-pogi mo tapos ganiyan lang sasalitain mo? Seryoso ka?

Kumunot-noo ako nang hinalikan niya ang kamay ng ka-partner. "Okay na 'yon. Hayaan mo na sila. Huwag mo na silang pansinin. Basta, malapit lang ako sa puso mo," dagdag niya pa at saka mas ipinalapad ang ngiti.

Ano ang ibig sabihin ng malapit lang ako sa puso mo? Luh? Bakit ganoon? Hindi talaga marunong magsalita!

At nangkutos pa nga si Selena dahil kinilig! "Are you kidding me, Paolo? Thank you for making me realize you are always available to me. Even though I am so preoccupied, at least, someone like you made me feel worth the love." Mahinhin niyang ipinunas ang nagsitulong luha.

Kung makapagdrama ay parang refuge! Mukhang masayang-masaya ka nga sa buhay mo, a. Lahat na lang ng pagmamahal na ibinigay nina Jaxon at Paolo, nasa iyo na! Sana huwag mo iyong sayangin!

Pinatahan naman siya ng banayad na hagod ni Paolo. "Shush! Huwag ka ngang ganiyan. Mas papangit ka pa kapag umiyak ka pa, baby."

Napangiwi ako. Ay, wow! Baby pa talaga, a. Baby damulag pala iyang minahal mo. What a pedophile!

Humagikgik si Paolo pagkatapos ay pinisilโ€”ay mean, kinurot ang pisngi ni Selena.

Lumibot ang kanilang paglalandian sa maliit na pabilog na lamesa. Tiningnan na sila ng mga tsismoso at tsismosa. Base sa mga reaksiyon, kapokpokan ni Selena ang kinainisan. Muling nagkaisa ang nakatatakip-taingang pananaw ng mga nakapaligid sa amin.

Tatayo na sana ako ngunit papaano?

Kung noong isang araw, hindi ako pinausad agad ng kantong puno ng engkuwentro. Heto naman ang sumunod. Hindi ako makalalayo sa hardin naman ng mga oregano.

Somebody crept beside! What was I going to do?

Vigilance turned into silence, waiting for the threat to banish. A medley of butterflies froze every coordinating movement but my already deflating heart! It kept speeding up the restless blood inside, begging for some fresh air from the strange still atmosphere.

Like solving a labyrinthine mystery, I sharply asked. Who caused me to slide off that steep anxiety? I looked at the guy sitting right next to me.

At hindi nga ako nagkakamali.

It was him!

Nakasandal siya. Ang masiglang kalangitan ay hindi nakisama sa kaniyang pagdrama. Malinaw pa sa luha ang lungkot sa nagsimugtuan niyang mga mata. Marahil ay saksi sa landian nina Paolo at Selena.

Tinapunan ko lang siya ng tingin at saka nilampasang parang hangin. Hindi ko na kailangan pang mangialam sa buhay niya! Tapos naโ€”

Nandiyan na si Satanas! Kasimbilis ng kidlat niyang idinaklot ang aking palapulsuhan, ngunit ako ay napaiwas. Tumakas ang balisaksak at sa bangis umangkas! Gamit ang dilang-ahas, hinampas ko siya ng tili kong matataas! Bilang pag-aklas, marahas pa sa malakas ang baling na aking ipinatuklas! Ang tensiyong namagitan ay hinayaan naming umalingasngas!

Wala na akong natira pang oras! Umalpas ang aking bibig ng mariing bigkas. "As! As! As! As!" Ako ay napabulalasโ€”"Tanga ka ba? Kakasabi ko pa lang kahapon na hindi ako nagpapahawak sa mga feeling close, e!"โ€”sabay tampal ng kamay niyang nirungisan ang birhen kong kaputian.

Naniningkit ang mga mata niya akong kuwinestiyunan. "You looked familiar."

What? May ka-carbon copy pala si Naomi?

I laughed so gaily! "Familiar your face! The fuckhead seemed to imagine things. Sa pagkakaalam ko, wala nang papantay pa kahit pa sa kaputian pa ng anghit ko!" sabi ko sabay pakita sa kaniya ng kilikili ko.

Wee-hee! Masarap tumira roon, pero hindi welcome ang mabalbon!

"Really?" Sumilip ang kaniyang ngisi. "Hindi ko alam na may pagka-conceited pala ikaw."

Ako ay napahalukipkip. Pero since I wanted to make our conversation shallower, I changed the topic. "But how long have you been pestering here, fuckhead?" Pinandilatan ko siya sa maamong mata.

Tumingin siya sa sariling relo. "Two minutes ago." Abot-tainga pa rin ang malapad niyang ngiti kahit pumalumbaba. "Hmm . . . you two both have very blue eyes. You are Ravi's lost sister, right?"

Naparolyo ako ng mata. "Ay hindi, magkapit-bahay kami! Iyong genes kasi ng nanay niya tapos iyong tatay ko, pinagsama . . . kaya parehong blue ang mga mata namin." Pumamaywang akong timang. "Gets mo na? Science? It just runs in our neighboring blood." Pinagpag ko ang maalikabok kong mga kamay. Pathetic!

Kung alam niya naman ang balita tungkol doon, bakit niya pa itinanong? Ano ako? Human verification?

Inunahan ko siya. I snapped my fingers! "At siya nga pala. Ano ba ang pakay mo?" tanong ko.

Hindi mapirmi ang kaniyang titig sa kawalan. "I just wanted to know if he's okay." Iwinagwag niya ang ipinandekuwatro niyang paa. "He's my classmate since we're fifteen. But after a deluge in the best-worst prom, hindi na nagpakita ang kapatid mong si Ravier," nangangapa niyang kuwento.

Mukhang pinagsisihan niya ang pag-interoga. Ayan tuloy, kailangan niyang makidaloy sa hasik ng aking lagim!

"At talagang may gana ka pang hanapin ang lalaking matagal mo nang pinatay, ano?" Nagmodelo ako sa harapan niya. "Ang kapal naman ng mukha natin."

Pero since lunch time naman, bilang panghimagas, sinampal ko siya nang pagkalakas-lakas! Ang init ng aking palad ay sa pisngi niya bumakas! Ang nakamamalas na banas, matagal kong gustong iparanas! Gusto kong maging patas!

Awtomatikong bumalikwas sa amin ang atensiyon. Sa perpektong pagkakataon, napaaray siya sa nakakukuryenteng sensasyon, mistulang hinampas ng sinturon. Napakapa siya sa pisngi noong panahong iyon, hinihithit sa ulirat ang inis na aking ipinantugon.

Dahan-dahang bumangon ang tingin niyang nanlalamon!

Pagod na pagod na akong tumunton sa hamon, Jaxon.

"I hate you. I really, really, really hate you very much. You disappointed me in an already frustrating reality."

Tears from a crumpled heart trembled with the sadness I had voiced. The evanescence of cries emerged as crescendoing madness!

I hated you, Ravier! Why were you so foolish to love that guy?

Sa maaraw na hardin, nasinagan ng tirik na araw ang kaniyang kayumangging mukha. Nakatingala siya roong tulala, nawiwirduhan sa aking inasta.

Sa gilid ng harding payapa, tumunog ang kampana sa misa. Nagmukha tuloy siyang naparusahang buwaya sa paanan ni Santa Marta.

Kinuha ko ang aking jacket sa bench at ipinalo iyon sa puwetan niya! Napasigaw at naglupasay siya . . . at saka siya masusing minanman nang walang pinapakitang awa!

Padabog akong lumakuwartsa, kuntento na sa nagawang pagpapahiya sa kaniya. Natibag ang iprineserba kong disiplina! Dapat sana hiniling ko na lang kay Amelia na makarma siya!

"What the fuck is wrong with you? Tinatanong lang naman kita tapos bigla-bigla ka lang magagalit diyan?" I stiffened and turned around when he frowningly said, "Have I done something wrong? If there was, e 'di sorry!"

Sorry?

My lips turned into a sarcastic smile. Unbelievable!

Sorry?

Was that how a person redeemed himself when he dropped his brain?

Parang gusto kong humagalpak sa tawa! The sincerest apology I ever heard while filling . . . my emptiness.

Dahan-dahang nagblangko ang aking ekspresyon.

Sorry?

Lumagpas sa buhaghag kong buhok ang simoy ng katamlayan.

Ayon ang salitang matagal ko nang hinintay mula sa kaniya, pero hindi na tatalab sa akin iyan.

Tinalikuran ko ang isandaan niyang katanungan, ngunit nagsalita ako nang kalmado pa sa paraiso.

"Kung magso-sorry ka man, huwag sa akin." Huwag kay Naomi. "Doon ka kay Ravi mag-sorry."




After reading this chapter, proceed to Chapter 23 and its succeeding chapters.

Bแบกn ฤ‘ang ฤ‘แปc truyแป‡n trรชn: AzTruyen.Top