꧁𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 π“π–π„ππ“π˜ πŽππ„β’Ύβ–‘β–’

꧁ π’π„π€π’πŽπ 𝟐 ✒ π•·π–”π–›π–Š π•·π–Šπ–™π–™π–Šπ–—

π‘π€π•πˆπ„π‘ 𝐒𝐀𝐋𝐀𝐙𝐀𝐑 ππ„πˆππ† ππ€πŽπŒπˆ π„π•π€ππ†π„π‹πˆπ’π“π€ '𝐒𝐀𝐋𝐀𝐙𝐀𝐑' |꧂One day after Mama apologized, I returned to the Riverdale Botanical Garden near our school. Everything was far away from serendipity . . . it was a deepening solitude . . . not until I stumbled upon that natural greenery. Despite being outpoured by storms, the nature of beauty would still glimpse with a silver lining. The warm sunshine greeted after breaking the dawn, which highlighted yellows to saturated leaves.

That ambiance was also the last time when everyone's naked eyes could perceive me as Ravi.

Hindi ko pa napapatawad si Mama sa ginawa niya. Banishing and despising me for just being gay was not valid in morality's judgements. Since no family was available to get in touch with, my ears depended on fresh winds so someone could tell me a more convincing reason!

My presence was a head-turner, infatuating them with Naomi's beauty posing in a stone fountain. Once their gazes absorbed my porcelain skin, gaping mouths of awe would foray as an effect of a blinding ethereal.

Feeling of being sophisticated as it was. Heart-embiggening. An appearance garnering luxury in a naΓ―ve like me.

I texted Rhea to come there. We needed to argue about something important. Kailangan ko ng eksplanasyon dahil ginawa niya akong Naomi.

Amelia Jacintha.

Sinabi ko rin sa kaniya na hindi niya dapat muna isama sina Bella at Christel, pero nagpumilit siyang harapin ang mga ito. Ibunyag sa nakapang-iinit nilang mga mata ang tunay niyang identidad. Matapang as is. Wala naman daw kasing masama kung sasabihin ang totoo. And I was grateful for that, setting aside my heart-wrenching status quo.

Napaisip din ako. What if kung naging babae ako noong pagkasilang pa lang? Magiging mas masaya ba ako? Magbabago ba ang mindset ng mga tao sa lipunang iyon? I wanted to know how that feels and happens.

Yeah, curiosity consumed me up. Ano kaya ang mangyayari kung iyon na lang ang hiniling ko kay Amelia? Instead of merely being magically transformed into a woman after the past rejection?

Well, those did not matter. I had to shake off the wreckage and uplift myself. The most important thing was that Naomi was a revision of Ravi.

Unrequited love, a month of cruelty wrapped with pending opportunity.

I was now a woman engraving the name Naomi Evangelista. Rhea set me free, but it was time to prove a buried worth through a badass!

+++

Tumunog ang bell. "That is all for today. I will resume our last topic in Calculus tomorrow. Prayer leader, please stand up in front," announcement ni madam.

Tumayo ang isa kong kaklase sa platform para i-lead ang 'Glory Be to The Father'.

"In the name of the Father, and of the Son and of the Holy Spirit. Amen!" sabi ni Classmate at saka ipinagdikit ang dalawang palad.

May nanggaya pa! "Amen!" Sarkastikong humiyaw ang mga lalaking nasa sulok. Hinalikan pa ang kamay sabay angat pagkatapos.

Ay, wow! Bakit masyado namang siniglahan ang pag-Amen? Pero ang pag-good morning sa teacher lalantu-lantutay!

Mali iyon!

Pinagsabihan ni madam ang mga ito, "Mga sir! Kayo diyan, a. Numero uno na kayo sa akin." Nginusuan niya ang grupo ng kalalakihang nakasandal sa sulok; doon sa bandang kaliwa na katabi ng sliding window. "Nagdarasal tayo tapos ganiyan lang gagawin ninyo? Bastos! Who is the president here?" tanong ni madam at saka pinamaywangan ang matitinong babae sa kanan.

"Ako po, ma'am!" Nagtaas ng kamay ang isa naming feelingera, ang bida-bidang president. "Ano po ba ang gagawin ko sa kanila?" Mahinhin siyang lumapit kay madam, parang Dalagang Filipinang nakalapat ang parehong kamay sa lap sabay bow.

Umangat ang ibaba kong labi pagkatapos ay napaurong. Ay, wow! Kunwari disente pero deep-inside kumukulo na iyan. Noong isang araw nga, e, sa Math, nilaglag kami niyan! Sinumbong pa kami noong online class na nagkopyahan lang kami sa exam kasi mas mataas pa kami kaysa sa kaniya! Nakasisinghal! Wala tuloy ako sa honors!

Nagsalita na naman siya sa nakakukumbinsing tono, iyong parang may maipagmamalaking handaan sa Nochebuena. "Ma'am, as a president, ako na rin po magsusumbong sa guidance office at magma-minus sa kanilaβ€”"

"Ay! Hindi pala president, hija." Napatakip ng bibig si madam sabay tingin sa tiles. "Sorry, secretary pala ang dapat gumawa nito kasi siya iyong magsusulat. Sino pala secretary ninyo?" pagbawi niya.

Pero since suki ako ng whiteboard, itinaas ko ang aking kamay, winagayway! "Ako po, madam." Ngumiti ako bago tangkaing magrampa sa eksena.

Pagtayo ko pa lang, dinumog na ng saya ang paligid, tila naabot ang liwanag ng tagumpay. Napahagalpak kami sa tawa maliban sa nasabutaheng feelingera. Ayan tuloy, na-outcast. She had no choice but to shield herself in her own bubble, a black sheep amid the jeering mockers.

Maganda na nga ako, maganda pa ang sulat ko. I sighed. Lord, masyado n'yo naman akong binuhusan ng samot-saring talento! Pati iyong iba ay nagmalimos na sa akin ng katiting na biyaya.

Pinandilatan ako ni Feelingera ng mata, a type of cheapness who liked to spread insecurities! Oh, come on! Do not mess with the school owner, or else I would kick you out!

Itinuro ni madam sa akin ang nakatihayang logbook sa wooden table. Ibinuklat ko iyon. Nakaaaliwalas sa mukhang bumungad sa akin ang listahan ng mga nagkakaso.

"Ilagay mo sa deficiency ang tatlong 'yon. Nasa catholic school pero hindi tinuruan ng respeto!" Umiling si madam at saka pinanliitan ng mata ang mga lalaking nasa sulok, tumatawa pa habang napapahawak sa bilbil.

"Sige po, madam. Masusunod." Napangiti akong nangingislap ang mga mata pagkakita ng aking deficiency na kasinlinis ng Tide! Na para bang sinadya lang iyon para punan ng nag-iisa kong pangalan.

Oo, isang kaso ang pagna-knock down ko kina Evelina, pero hindi naman ako nahuli.

Matapos niyon, kinuha ko na ang aking wallet, iPod Touch at gintong shades bago takasan ang classroom.

My feet urged in rushing, pacing, and having lunch with my friends. Mahirap nang mahuli ako ni Jaxon! Siya nga itong iniwasan ko matapos ang nakadidiring c-in-orner-an scene sa elevator. Nasusuka lang ako sa tuwing tatatak muli iyon sa isipan ko.

"Hush!"

A vigor slid down my veins, interrupting my headway! But heck! Since the pain strengthened me, I held my head high, dodged the distracting energy, and marched to my goal.

"Hush! Uy!"

Napaalerto ang nanlaki kong mga mata. Halos nag-umapaw ang nagsitipong enerhiya! Hindi mapirmi ang takbo ng aking pag-iisip sa kung sino ba kasi ang sumitsit sa akin niyan!

Lumingon ako sa desperadong naghangad ng atensiyon, kinukumpirma kung sa kaniya nga ba talaga galing ang boses.

Naglakad siya nang mas matulin nang makatabi ako. "Sabay tayo." Lumapit sa pandinig ang boses-batang pag-aya, tila ginugunita sa aking isipan ang kaniyang kasiglahan pagdating kay Bella.

Well, kung gayon, ipinagkibit-balikat ko na lang at inunahan siya sa paglakad. "Okay." Bagay naman sila, e. Bagay pag-untugin!

It was Wilson, the nerdy guy, who did not look the nerdiest anymore. Hindi niya na kasi suot ang nakalolokang salamin na limandaan ang grado. Pinormahan niya siguro ang future kauntugan.

Dissolving that bitter taste of kismet, my heart was proud. Thankful because he kept fresh and cool as dashing ice! Just a sight of Bella, his vibe would be magical!

Sa pasilyong pinaligiran ng mga puting locker, siya lang ang inobserba ng aking mga mata. Ang kaniyang polo, kupas na checkered pa rin. Nakapamulsa lang siyang naglakad at hinuni ang kantang Twinkle, Twinkle, Little Star.

Oo, isip-bata, pero at least, cute at sweet na alien naman. Nilingunan siya ng mga kababaihan na walang ginawa kundi kalabitin ang kanilang mga kumare.

Our paths crossed at the cafeteria, celebrating within the hectic day. I ignored the swishing noises but treated them like mellifluous harmony. Since my eyes were sharp as a tack, I raced up to Bella and Amelia chitchatting behind the spitting fountain.

Tumingin ako sa right. Natawa nga ako sa katabi ko kasi nag-struggle ang malalabo niyang mata kahahanap kina Bella. E, hindi niya sinuot salamin niya para lang pormahan ito. And I found it cheesy.

Lumapit ako kina Amelia, pero bumagal ang mundo pagkaharap sa amin ni Sebastian doon!

Natigilan ako, napadaan sa haka-haka. Mistulang pinaglaruan ako ng kamalasan sa suot kong kuwintas.

Well, hindi na nakapagtataka. Siya naman ang may pakana ng surprise anniversary nila ni Christel.

Si Wilson naman ay mahinhing kumaway sa kanila, pero nakupas ang tipid ding ngiti nang madatnan si Sebastian . . . na katabi ni Bella.

Siniyasat ko ang nakakalat sa lamesa. Gusto kong ipiring ang aking mga mata nang hindi makita ang kanilang pinagkakaabalahan. Busy sila sa pag-aayos ng walang kakuwenta-kuwentang explosion box para kay Christel. Si Bella, nakapokus sa paggupit. One smart move to avoid her gaze at Wilson's.

Sebastian looked up, eyes trailing from my straight hair up to the forehead. Obtrusive as a crook, his shock flashed into vivid fascination, making me look like a chilling lady in white.

Maligoy ang pahayag ng kaniyang mga mata. Inubos ako ng aking diwa. Akala ko kasi namukhaan niya ako bilang Ravi. Pagkat ako ay nasa katauhan ni Naomi, may resemblance ako sa mukha ng dating ako.

He cleared his throat and laid a hefty hand upon the desk. "Hi, newcomers! I am Sebastian, Jaxon's twin!"

Tumango na lang ako sa pagpapakilala niya. Grabe naman ang spinal cord niya kung makasandal doon sa metal bench. Halos nakataya ang kabigatan ng betlog sa kawawang upuan.

Mas lalong natigang na parang disyerto ang aking katinuan. Si Jaxon na kaniyang kakambal, hindi man lang pinagsabihan ang nakagagalaiti nitong kamalian bagkus ay hinayaan! Iniringan ko siya sa isipan. Walang pananagutan!

"Where is your girlfriend Christel?" Sa lamesa, tumunog na parang alarma ang ibinagsak kong palad. "O, magkakaklase kayo, hindi ba? Bakit iniwan mo lang siya sa classroom nang walang pasabi?" tanong ko sa boyfriend niya, hinahanapan ng butas ang relasyon.

Nandilim ang paningin ni Bella. Pinabayaan niya ang kamay niyang may sariling buhay sa paggunting. "Christel is busy on her group projects," sagot niya habang hinahati ang puting wrapper.

Umusbong ang ginhawa sa isang pikit lamang! Nanghimasok ang simoy ng menthol sa daluyan ng aking baga.

Mabuti naman . . .Β 

. . . pero mas mabuti kung sila ay magwawatakan bago pa maglokohan.

Sinilip ko ang explosion box na d-in-ecorate nila. The buoyant balloons, blinking illuminations, and paper flowers were grander than a romantic exhilaration. They also tossed photographs of Christel and Sebastian (attired in a fluffy sweater). Both were undeniably photogenic.

Since I was wearing dark glasses, my light source could not extend its way further . . . and I envied them. A wine-like bitterness when it lasted!

Iyang pakana nila, so childish! Gagawa-gawa pa ng ganiyan kung itatapon lang din naman ng nanay nila.

Dumako ang pamumuna ko sa maiksing buhok ng babaitang si Amelia. Ang makapal na pulang labi ay nakanguso. Seryosong-seryoso ang mga nakapokus na mata. Kinumpol-kumpol ng maseselan niyang kamay ang mga rosas hanggang sa mag-anyong bouquet. Lahat ng iyon ay pa-surprise kay Christel . . . lamang.

Napailing ako, nilulustay sa kawalan ang paninilip ng kabiguan. Kailanman, ang maregaluhan ng explosion box ay hindi ko man lang naranasan . . . bagkus ay nanatiling kagustuhang pinagdamutan.

Dumiretso na lang ako sa counter para maka-order na. Nasira lang ang aking mood sa kaekekan nila!

Nagtago ang kabutihan sa aking puso. Sa pagmamahal ako lumayo. Dahil nagpadarang ako sa nag-alab na banas, nagbunga iyon ng sama ng loob.

Dama ang pagkulog ng aking bituka. Sinuong ko tuloy ang umambong ingay ng mga tao. The dining hall was crowded to the point where I could not unstiffen my arms. Some gasped at me as if a stunning miraculous phenomenon took place, but my spirit passed it away. I cared less. I managed that school, at sa isang pilantik lang ng kamay ko, puwede ko silang ipatalsik doong parang salamangkero.

Beef ang in-order ko. Pagkabalik sa table namin, inilapag ko na ang tray ng pagkain. Kinuha ko ang AirPods para makinig sa mga nauusong kanta.

Chasing Pavements

Bakit Nga Ba Mahal Kita Kahit Na May Mahal Ka Nang Iba

Creep

Mahal Naman Kita

Crush Paasa T.A.N.G.A.

Nakatingin sa akin si Sebastian habang ako ay ngumangata nang nakabukaka.

"Uh, is she that boyish?" bulong niya kina Bella bago ko i-max volume ang AirPods.

"Yeah! Just let her. She has her own world." Ginupit ni Bella isa-isa ang mga colored paper strip at i-tw-in-ist iyon sa blade para makahulma ng confetti.

Nandidiri kong kinuha ang plastic envelope na lalagyan ng mga bond paper nila. Ang dami naman nilang sinayang na art materials.

Parang ako lang, sinayang niya!

Pero mabuti pa art materials, mas kinailangan niya!

Hindi nagtagal, umalpas ng salita ang bibig ni Sebastianβ€”"Guys, okay na ba 'to?"β€”sabay pakita ng love letter.

Ay, wow! "Hindi pa ba kayo kakain?" tanong kong tiwangwang ang natimang na noo.

Tumawa siya. Nang dahil sa hindi napigilan, iwinagwag niya ang magulo niyang buhok. Ang ibinigkas na halakhak ay puwede nang ipangharana kay Christel.

"Mamaya na lang. I'll take care of it," sabi niya sa gitna ng kaniyang kabaliwan. "Doon naman sa BGC tayo after class, e. Basta, para kay Christel Monica, it will be worth it."

I rolled my eyes. Corny n'yong magjowa! Napakadaya talaga ng mundo!

"So, okay lang ba itong love letter ko for her?" tanong niya sabay pakita muli ng isinulat niyang love letter.

I looked at the bigger picture first. Ang haba kasi ng paragraph.

Pero pagkabasa ko pa lang ng dear pangit, umasim ang aking mukha. Not cool, though . . . and cheaply overused.

"Laos na iyan," hindi ko pagsang-ayon. "Kung gagawa ka lang naman ng love letter, dapat sana i-pr-in-int mo na lang. Tahoma size eleven, double space dapat. Puwede ka ring gumamit ng Grammarly o ProWritingAid para hindi sumakit ang mata ng kung sinumang magbabasa niyan. Libre lang ang commodities para mas gumanda ang ating mensahe." At saka ako ngumuya nang tirik ang kilay.

Ipinutol na ni Sebastian ang pagtawa, namilit na ang bituka. "This is not a thesis, pero puwede bang pa-critique na lang iyong mismong content?" kaniyang pakiusap.

Bilang tugon, mataman ko na lang binasa ang love letter, tinitiis ang gumagaralgal niyang sulat-kamay.

happy birthday, panget! maraming salamat kasi dumating ka sa buhay ko. when I was alone, when I was hopeless, when I was hurt, you are the one who gives the light in my morning.

Napangiwi ako. Who gives me the light in my morning? Hindi ba dapat ang haring araw, alarm clock, nanay mo, o Meralco ang pinasasalamatan mo? Pagbayarin kita ng 10k bill namin sa kuryente, e!

Ipinagpatuloy ko ang pagbabasa.

your my everything.

Gago, you're iyon!

khit may mga ups and downs ako, hndi mo ko iniwanan. kahit may misunderstandings, gumagawa ka nang paraan para maging matatag tayo sa isa't-isa. Dahil don, mas lalo kang gumaganda. Mas napapamahal ako sayo. Lamat dhil ikaw ang sumusuporta saken. Natutuwa ako kapag nag-aasaran tayo tas ikaw lagi yung cute na napipikon. Sorri kasi hndi kita sinabayan kanina nong lunch pero dahil mahal na mahal kita, gagawin ko ang lahat para makabawi sayo. Itong date naten ang regalo ko. Thank you for the memorable moments!!! Most of all, magpasalamat ka kay God dahil siya ang rason kung bakit ka nagpupursue sa buhay. Huwag mong kalimutang magdasal sa kan'ya ah. continue to grow and inspire!!! I love you very much, Happy Anniversary din saten!!!!! Wishing you an awesome birthday. Excited na rin ako sa hinaharap.

Your one and only, Baby Basti!!!

"Okie ba?" Inangatan niya ako ng tingin. Hinimas ng kaniyang mga daliri ang manipis na love letter.

Tumango ako. "Okay naman, pero linisin mo pa pagkakasulat," suhestiyon ko. "Ang sakit sa mata at ulo!" Natangay ang karamihan ng aking brain cells. Kaya naman inalalayan ng aking kamay ang nagpuyos kong sentido.

Buti na lang at sinama niya si God doon sa love letter niya. Kung hindi, e, baka binigwasan ko na sila tulad ng ginawa kina Adan at Eba!

Lumagok ako ng iced tea matapos magkanin. Tinanggal ko na ang aking AirPods pagkapaso ng baterya.

"Aba-aba, timang," Amelia called me. "Um-attend ka sa birthday, a. Be professional and don't forget to join, hit the bell button, and subscribe. At saka ano pala, inimbita ko na rin 'yong iba pa nating katambayan sa TGI Fridays sa BGC after ng mall surprise sa SM. Isama na rin natin sina Wilson, Lucas, at si Jaxon dahil free naman sila at libre na rin ni Sebastian. Sana okay lang sa 'yo. Ako'ng bahala!"

I tilted my head, thinking of the boy devil who almost kissed me! "Hindi ako sasama. Aalis na ako." Tumayo na ako, pero may nanghawak sa palapulsuhan ko!

Lumingon ako! Nag-ibayo ang intensidad ng aking mga mata! Lumigalig ang atmospera sa sidhi ng aking galit.

"Hush! Sama ka please," panghihimok ni Wilson na parang sanggol na kating-kati nang makapunta sa palaruan.

Ako ay napabuntong-hininga, inilalabas ang hapong nagpabagot sa aking sistema. Kalma! Kalma! Ngunit huli na. Ang aking limitasyon ay napinsala. May palusot man akong naisalba, ngunit hindi ko iyon idinikta.Β 

Ang ikinimkim kong problema, ang galit ko kay tadhana, malayang nagpakawala patakas sa dispensang inahas ng kadena!

Isang pagtumba ng pakikiusap ang aking ibinuga! "No! Sa ibang lugar at panahon na lang, please!" Ayaw ko nang makita si Jaxon. Ako na mismo ang lalayo, pero bakit ninyo ako pinababalik sa piit ng aking nakaraan?

"Birthday ng best friend natin, Naomi, pero you will not attend because he is there?" Bumusangot si Bella sabay bitiw sa gunting. "Monica is going to be sad if you won't come!" Nakahihila-atensiyon ang ibinagsak niyang kamao.

Nagsalita naman si Rhea, "Aba-aba, treat na nga ni Sebastian, timang. Kung ayaw mo talaga, e 'di huwag pilitin! Simple lang. Pero ang sa akin lang, huwag mong ginugutom ang sarili mo. Hindi kasi nakakasustansiya iyang pananatili mo sa tinutungga at inuugali mo lang na ampalayaβ€”"

Kinalabit ni Sebastian si Bella. "Who's that man she's up to, Bella? What's the purpose of staying away fromβ€”"

"It is none of your business!" I cut him off! "Ni hindi nga ninyo ako niregaluhan ng ganiyan, e!" Itinuro ko ang pinaghirapang explosion at saka umalis nang walang pasabi.

Mahiwaga ang aking pagwawala! Para akong explosion box na pumutok sa harapan pa ng maling tao!

I bravely fought hardships, but unfortunately, no one gave me the appreciation that my worth deserved!

Binagtas ko ang pasilyo! Nakayayanig ang mala-dambuhala kong paghakbang.

Masidhing nagpatrol ang hagibis ng aking damdamin. Ang mga taong nakapaligid sa akin, nais kong sindakin. Hindi ko na inalintana ang nakapambubulag nilang tingin. Dumiretso na lang ako sa garden para makalanghap ng sariwang hangin.

Every gesture made an impact. Inner darkness would not set me free. I had hardened my heart once more, a perfect desolation to armor against the lack of love.


BαΊ‘n Δ‘ang đọc truyện trΓͺn: AzTruyen.Top