๊ง๐‚๐‡๐€๐๐“๐„๐‘ ๐’๐ˆ๐—๐“๐„๐„๐โขพโ–‘โ–’

๊ง ๐’๐„๐€๐’๐Ž๐ ๐Ÿ โœขย ๐•ฟ๐–œ๐–Ž๐–˜๐–™ ๐–”๐–‹ ๐•ฑ๐–†๐–™๐–Š

๐‘๐€๐•๐ˆ๐„๐‘ ๐’๐€๐‹๐€๐™๐€๐‘ ๐๐„๐ˆ๐๐† ๐๐€๐Ž๐Œ๐ˆ ๐„๐•๐€๐๐†๐„๐‹๐ˆ๐’๐“๐€ '๐’๐€๐‹๐€๐™๐€๐‘' |๊ง‚Pinadilat ako ng katatakutan!

Ginising ako ng nakaaalarmang bangungot sa aking higaan!

Para akong nalunod sa malalim na karagatan kaya agaran akong bumangon sabay hangos sa gitna ng katahimikan.

Sinuri ko ang aking katawan, doon sa kamay kong nangingisay! Binalot ng aking tili at hangos ang apat na sulok ng kuwarto. Sapat na iyon para tagos kong maidikta ang dalawang katanungan; kung ano ba ang nangyari sa aking kapalaran? At bakit iyon binago nang biglaan?

Muntikan akong nalagutan ng hininga. Para tuloy may sumpang nanirahan para atakihin ako ng asthma. Ako ay napamura! Nang walang pag-aalinlangan, napayakap ako sa malambot na unan! Itinuring ko pa ngang tagapagligtas para iyon ay kapitan. Dahil sa mga emosyon kong nagsagupaan, ayaw ko na iyong pakawalan!

Bukas-sara ang napamulagat kong mga mata, sinisiguradong hindi na ako nilukob ng paranoia! Akala ko nga, e, oras ko na!

Nang kumalma ang niyayanig kong sistema, lumarawan sa isipan ko ang mukha ng isang babae.

I believe na malaki ang labi niya, bagay na bagay sa pagkamadaldal niya!

I believe na siya ang puno't dulo ng pagbabago ko!

I believe na hindi siya napapagod sa pambubuwelta!

At iyon ay si Rhea!

Umigting ang aking panga. Naghari sa aking imahinasyon ang positibo niyang aura. Ang sarap sabunutan ng buhok niya na may katamtamang haba!

Dumaing ako sa inis. "R-Rhea?" Ay, hindi! Hindi iyon ang tunay niyang pangalan! Pinagloloko lang ako niyan! Umasik akong buhat-buhat ang dalawang baga, "Amelia! Ano ang ginawa mo sa akin?" sigaw ko sa walang katao-taong kuwarto.

And a word struck in my head; Amelia's mission!

Did she have a magic power that transformed me? That was unbelievable! I knew everything in just a glimpse of a dream! Kaya pala tinanong niya kung ano ang gusto kong mangyari sa buhay ko! Naghanap lang pala siya ng kasagutan para maisulong ang aking kahilingan!

Pero since nagpabingwit ako sa bigla, muling umalingawngaw ang matarik kong pagsigaw!

"AH!" AT natigilan ang aking tensiyon pagkarinig ng kakaibang tinig.

Dahan-dahan akong sumimangot. Parang hindi kasi galing sa akin iyong boses.

Hinimas ko ang sariling lalamunan, pinapakiramdaman ang kondisyon niyon.

Lumunok ako bago humagod ng mensahe. "Laaahhh. Huwalaaahhh. Walaaahhh kaaaaanggg~"

Sa pagtataka, nadamay ko tuloy sa paninigas ang aking panga. Nang bumukas ang liwanag ng reyalisasyon, umawang ang labi ko.

May mali talaga! Kaya naman ay sinubukan ko muling kumanta!

"Do, Re, Mi, Fa, Sol, La, Ti, Do~"

Nang kumupas sa pandinig ang daluyong ng musika, napailing na lang ako sa napakinggang huni!

May potensiyal iyong makabasag ng baso. Kung mataas na ang boses ko, mas lumagpas pa sa kaulapan naman iyong kay Naomi!

Malamang! Ano ba ang ine-expect ko sa isang diyosang babae? Ni hindi ko na nga magawang magtunog-lalaki! Tila binatismuhan ako sa kaharian ni Mariah Carey para pagkalooban ng boses na maipagmamalaki.

Totoo pala ang mahika! Pilit ko pa ring ibinaon sa utak ang kapangyarihang taglay ng aking kaibigan. Habang napapraning nang hindi makapaniwala, bumaba ang tingin ko sa bandang pantog.

Sinilip ko ang aking ari. Ini-stretch ko ang garter ng aking brief.

Tulad ng inaasahan, kagubatan ang aking nahawakan! Ngunit nawawala yata ang bahaging may kahabaan! Ni wala nga akong paninigas na naramdaman!

Tumulo ang hinagpis sa lumuwa kong mga mata! Sinabayan ng katahimikan ang postura kong natigilan.

Holy . . . smokes.

Even my private parts changed! Kailangan ko tuloy bumili ng bra at napkin!

Napasilip naman ako sa dede.

Huminga muna akong malalim bago iyon kalikutin.

Pagkakita pa lang ng mga iyon, agad akong napahawak doon!

Fluffy! Patalbog-talbog! Nakisama sa mabilis na pagtambol ng aking dibdib!

Sumilip din ang matatambok niyong pisngi, nagpapaaninag tulad ng haring araw.

Nabiyak ang aking puso na siyang ikinabaha ng depresyong kinikimkim!

Pumikit ako, tinatanggap ang mapait na pangyayari.

Ang aking didi, lumaki.

Ang utang namin, lumaki.

Ganon din yung utong ko, lumaki!

Paulit-ulit akong napailing habang napapahawak sa ulo. Hindi ko kakayanin!

Ano na lang ang gagawin ko kapag may regla ako? Napaluha ako kasi . . . mahirap daw iyon. Monthly menstruation! Oh my god.

Gumapang ang nakapapangilabot na balisa. Nakatutusok ng balat ang ipinamahaging sensasyon niyong dala.

And I swear! Sinabi ng nagmatigas kong coping mechanism na hindi iyon ang aking katawan! Ang paglipat ng aking kaluluwa sa ibang laman ay isang kawirduhan!

Akala ko sa mga pelikula lang tulad ng Harry Potter nakikita ang mga mahika. Ang kaibigan ko ang nagpatunay sa mga iyon. Kaya pala may tinago rin sa akin si Gilbert!

Amelia at Paolo pala ang tunay nilang pangalan, a! Hindi ako maka-recover sa panaginip ko. When I travelled around the palace of surreal, overwhelmingness filled my emptiness!

Humarap ako sa salamin na nakapatong sa kaliwang bedside table. Napahawak ako sa magkabilang panga.

Ipinagtaasan ko sa mundo ang aking mangha! Ipinadapo ko sa hintuturo ang pa-oval shaped kong mukha; doon sa makinis na baba. Ipina-slide ko iyon pataas sa ilong na inukit nang pa-sixty degrees hanggang sa makapa ang silky kong buhok.

Ang kalambutan niyon ay masarap hagurin. Instant sh-in-ampoo-han, kumbaga. Ang wavy pa, parang hinulma ayon sa kagustuhan ng mga alon sa Pacific Ocean.

Nilakihan ko naman ang mga bughaw na mata. Sa sobrang linaw at sigla ay hindi ko na feel kumain ng kalabasa. Bumagay iyon sa balat kong mala-porselana. Kumurba ang labi kong mapula, nararahuyo sa isang diyosa. Nakapapanibago man sa sistema, but at least, nakagiginhawang makita ang pagganda ng isang bakla!

Pero since baliw ako, agad akong ipinamulat ng katotohanan! Marami kasing mga kahihinatnan!

Hindi ko deserve iyan! Nang masaniban ng pagkamasokista, inuntog ko ang sarili sa headboard ng kama.

Sa kawalan ako napamura. "N-Nasaan nga pala iyong dating katawan ko? Nahihibang na ako," humihikbing bulong ko. Kinamot ko rin ang aking batok, hinimok ng balisang nakasusulasok!

Bilang pakikipaglaban sa katatakutan, pinaghahampas-hampas ko ang mga unan sa kama sabay palo sa pisngi.ย 

Para akong nakidlatan dahil hindi ko na makontrol ang aking sarili! Pero since hindi ko makontrol ang ligalig, may hinablot akong rektanggulong kagamitan. Ibabato ko pa iyon sa bintanaโ€”pero sandali!

Napamulagat ako, tinamaan ng reyalisasyon at katinuan! Mistulang pinigilan ako ng hawak-hawak kong rectangular picture frame para kaawaan. Bumaba ang tingin ko, dahan-dahan, doon sa pamilyang nakatayo sa larawan.

So that was why! That was our most precious family picture frame! Hinawakan ko iyon nang dalawang kamay, like it was fragile crystal.

Naka-blue polo shirt at maong kami lahat doon! Pero bakit naroon iyon sa kuwarto nina Rhea? Nilagpasan ko muna ng tingin iyong litrato para makapokus sa sumayaw na berdeng kurtina.

Nilibot ko ng tingin ang apat na sulok ng kuwarto. Muling nagsalubong ang kilay ko sa pagkulimlim ng aking kalagayan.

Humugis ng pagtataka ang bibig ko. Hindi naman ganoon iyong tinulugan ko matapos akong palayasin, a! Na kina Rhea kaya ako!

At doon ko napagtantong pinabalik na ako sa asul kong kuwarto! But who sent me there?

Do not tell me na nananaginip ako sa isang panaginip? Pagkalobo ng aking isipan, nakabuo ako ng konklusyon.

Kaya pala hindi bino-broadcast ni Mama Sofie sa buong school na malaking parte ako ng kanilang mayamang angkan! Mukhang alam niya na ang konsikuwensiya ng aking kabaklaan! Kapag nangyari iyan, pakiramdam nila marurungisan ang kanilang pangalan!

Gusto ko na lang munang lapitan sina Tito Susan at Tito Ryan. Puwede nila akong matulungan. Sa lahat ng tita at tito, sila lang iyong maaasahan.

And come on! Ano ang masama sa pagkakaroon ng future baklang CEO? Hindi naman ako ang mag-e-endorse ng Nondria Company. Sina Liza at Catriona iyon. They were more than enough to convince shoppers.

A screeching sound greeted silence. I turned around to see who opened the door.

It was Mama Sofie, wearing an off-shoulder white dress! Korean style. When blown by the ceiling fan, its thin cloth could freely dance through and reach the invisible specks of dust.

Tumungo ako dahil ang awkward. Pumasok siya at sinara ang pinto. Lumapit siya sa akin, padilim nang padilim ang anino sa headboard ng kama. Hindi ko agad siya napatawad sa ginawa niya, at hindi pa ako handang harapin ang mga taong nanakit sa akin.

Naghintay ako nang ilang segundo, ngunit hindi ko madama ang intensidad ng yabag. Kaya naman ay tumingala ako.

Kasabay ng aking pag-irap, pumilantik na tumaas ang pareho kong kilay. Anong klaseng reaksiyon iyan?

Nagulat siyang malala. Ipinuwersa niya ang sarili paatras hanggang sa makasandal sa pinto. Pagtakbo ng pawis ng nerbiyos, nilamukos niya ang kaniyang dibdib, mistulang inatake ng hingal! Napaos at nabitak pa nga ang boses nang tumili!

"R-Ra-Ra-Ra-R-R-Rav-v-v-vier. B-Ba't baba-baba-babae?" Nilamukot niya ang asul na wallpaper na pinaghirapan ko pang dikitin.

Nang maka-recover, lumapit siya sa akin.

Umupo siya sa kama. "A-Anak! A-Ano ang nangyari?" Pakapa-kapa siya sa puting comforter. "I thought you are in comatose. O-Okay ka lang ba?"

Dahan-dahan niya akong pinagmasdan, hinahalungkat ang nagtatagong sentimyento.

I zipped my mouth. Hindi ko siya pinansin. Asar ang bumulabog sa aking puso! Palihim ko na lang siyang inatake ng mga asik ng kasamaan.

So, nangongonsensiya ka na, Mama?

Sa tingin mo, Mama, okay lang ako?

Ako ay napamura!

Nirolyo ko ang aking mga mata sa walang kuwentang tanong niya! Halos mamatay ako sa pagod at gutom dahil sa parusa niya. Parusa na hindi karapat-dapat sa mga unique, amazing na katulad ko!

Gusto ko siyang bulyawin nang pasalita pero baka maubusan ako ng bait.

Okay lang ako, Mama. Nang ako po ay lumadlad, pinalayas lang naman ako para makapag-field trip sa lansangan nang mag-isa. Napakasaya dahil ang daming challenges noong gabing iyon. Mabuti na lang, may mga kaibigang marunong tumanggap at sumuporta maging sinuman ako. Humalo ang pait sa aking ngiti.

Sa dami-dami ng tao sa mundo na puwede kong ipam-vent out ng problema, iyong kadugo ko pa ang hindi makaintindi!

Kung sino pa ang taong inasahan kong maa-appreciate ako, sila pala iyong kakaligtaan lamang ako.

Nilunok ko ang humadlang na plema bago magsalita.

"Who sent me here?" Pinanlisikan ko siya ng mata, binabalungan ang hugis-peras niyang pagmumukha.

From the widening of her eyes, she expressed mind-blowingness, which trembled the atmosphere!

Natibag ang pinakainiingatan niyang tindig!

"Ay, putsa rat tinidor!" sigaw niya sa tabi at lumuhod paharap sa altar. "M-May magic!" Ibinanat niya ang kaniyang braso. "Ang ganda!" Sabay tingala, may kislap na dala ang mga mata! "May perrytale!" Nanginginig niyang ipinagdaop ang mga kamay. "Diyos ko, p-patawarin mo kami." Dahan-dahan pa siyang tumayo na parang sinaniban ng espiritu! "S-Sana . . . hindi na ako ang susunod na mabiktima ng mga perrytale! Ayaw kong maging lalaki! Hindi kakayanin ni Justine!" Humagulgol pa siya. "M-Magic! P-Pantasyyy! Harry Potter! Hindi! Diyos ko! Diyos ko! Iyong mga Holy Spirit, nagpapakita na!"

Namamangha niyang inilibot ang tingin sa buong kuwarto. Mistulang pinagbuksan ng third eye para makakita ng multo!

Sumigaw muli siya, "Patawarin mo ako at naging sirena ka! Pero bakit may paa?" At saka siya nagtatatalon bago ituro ang malilikot kong paa. "Darna! Huwag mo kaming lisanin muna!" Para ngang may ritwal na nangyayari dahil may paimbentong lengguwahe!

Well, sino ba naman ang hindi magugulat kapag nakakita ng baklang nag-anyong babae?

Isang nakabibinging katahimikan ang nangibabaw. Sa gilid nga, e, akala ko ay may humihigop ng sabaw. Singhot pala! Kaya hinayaan ko muna siya. Hindi naglaon, sinundan ko ang pinagmulan ng kaniyang pagtikhim.

Nagsalita siya, "'S-Sabi ng p-papa mo." Hawak-hawak niya ang puting panyo pagkatapos ay guilty'ng napapikit. "Iyong kaibigan mo raw na si Amelia ang naghatid sa 'yo rito. Galing kasi akong Nondria."

Nakisiksik ang katarayan na siyang ikinataas ng kilay ko. So, my friend revealed her true identity? A round of applause expressed my fulfillment. Proud of that bitch! Even so, I was thankful. I already had a gorgeous face that could punch Jaxon and Selena on their faces!

But how did Amelia send me? Paano niya nalaman ang address ng bahay ko? Masyado niya naman akong kilala!

Magtatanong na sana ako ngunit inudlot ng paumanhin ni Mama!

"S-Sorry, Ravier anak. Dahil sa amin, nagkaganiyan ka." Lumukot ang kaniyang baba. "Nag-anyong perrytale ka," ungot niyang parang bata.

Suminghot muli siya para maipakitang naluluha. Napangiwi ako sa ka-cringey-han!

Nag-sorry ba talaga siya dahil hindi makakailang mali ang ginawa niya, o nag-sorry dahil dinaig ko ang kagandahan niya? Pero since mukhang straight at maganda na ako, hindi na ako maaapi. Ang suwerte ko hindi ba, Mama?

"Hindi ko kailangan ng sorry mo. Hindi kita mapapatawad. Por que't naging babae ako, naging attractive, saka ka nagkakaganiyan?"

A smile lighted on my face. Hilarious!

Naging babae ako real quick. Imbes magpa-opera, kahilingan lang ni Amelia ang tanging lunas sa problema.

Nagbuntong-hininga ako. Para akong naging takot. Napaka-unfair! Samantalang iyong iba, higit isang milyon pa ang ginagastos para baguhin ang katawan.

+++

"Aba-aba, mga timang! Hindi naman sa pagmamayang pero . . . oh my gidness lang kasi!" Kinamot ni Amelia a.k.a. Rhea ang medium-length niyang buhok, nanggigigil sa hindi makontrol na kilig! "Hindi man ako nakabili ng a-hundred-dress, pero at least!" Pinitik niya ang sariling mga daliri. "Binigyan naman ako ni Lucas Watson ng bouquet of roses and Hershey's at saka hala!" Hinawakan niya ang magkabilang panga. "Kinikilig na nga ako kasi first time ko pa lang magpakawirdo sa pagmamahal na 'yan! 'Yong pick-up line niya kasi, e!" Inakbayan niya ako. "Kaya pasensiya na, a, kung hindi na ako masyadong magla-lunch kasama kayo. Sa pagmamahal, hindi talaga maiiwasan ang bebe time sa Google Meet." Sumilay ang kinang sa kaniyang mga ngipin. "Kaya suportahan n'yo 'ko, a! Baka may mai-suggest kayong topic pampahaba-usapan."

Not again! She had been desperate for Lucas, the man who confessed to her months ago. My best friend was in love. Bella and Christel released an endless laugh, habang ako naman ay napailing na lang at nagbasa ng libro.

Dati ko na siyang pinagbawalang lumapit sa lalaking iyon, pero ayaw niyang makinig! Si Paolo naman ay mas lalong naging protective sa nakababatang kapatid. We were insisting her to stop their relationshit! Hiwalayan ang kahahantungan niyan sa hulihan!

Kaso nga lang, oo nga pala. I almost forgot na may utang na loob pala ako sa kaniya. (Ginawa niya akong babae, e) So, I had no choice but to let Amelia follow the so-called man of her dreams. Bahala siya sa buhay niya! But all I could imagine was that she would end up crying with us comforting her.

Our friendship circle babbled through the halls of the Education Center Senior High Cafeteria! Actually, I did not even engage in the conversation lying under my nose. I had my own world.

Katabi ko si Bella sa lamesa. Sina Christel at Amelia naman, nasa front namin. Their mouths chomped barbeques in a bowl as I sipped a milk tea. Of course, I would never forget the mouth-watering vibe of the fries standing beside me.

Waves of laughter with brief whispers dwelled in the crowded place. Everyone killed the silence. All just went with the flow, allowing the noise to pass through. To ignite the triggers of frustration, I pitched a hiss at the officials for being so irresponsible!

Mabuti na lang ay may aircon at higanteng ceiling fan. Malamig. May dahilan ako para suotin ang aking maroon jacket na may fuzzy hood.

I needed something to wrap my identity. So, my mama gave me that nine hundred-dollar garment as my sixteenth birthday gift. Pinaghirapan niyang ipagawa ang jacket. Iyon daw ang kapalit ng mga pagdurusa ko. Mukhang bumawi siya sa akin.

May maipagmamalaki na kasing 'magandang' tagapagmana ng kompanya. Kasi kung bakla pa rin ako sa paningin nila, siyempre, may audacity silang tumahol sa kapangitan ko! Peeping through that concept of biasedness, my teeth gnashed in anger!

"Naomi, let us go! Classes are gonna start!" Iwinaksi ko ang mga isipin sa tawag ni Bella. Pumalakpak siya malapit sa pagmumukha ko. Kung makaasta, e, parang nagtatawag ng kalapati!

I rolled my eyes. Kung walang pakialam ang minahal ko, mas wala na po akong pakialam sa lahat! Nilagpasan ko ang pagdaluhong ng hangin pagkalakad nang mabilis sa hallway.

Isinukbit ko ang bag at dumiretso na sa room ng STEM. Ang mga kaibigan ko naman, iba ng section at strand.

Actually, dapat sana ay ABM ako since we were handling a business! But, nauwi na lang sa STEM kasi nasa ABM ang pesteng si Jaxon.

Pero since the authority was on my hand, I could kick anyone out in my Alma Mater! Tulad na lang ng ginawa ko kina Yvonne at Michaela, mayayabang na kaibigan ng bitchesang si Selena. I wanted to give them a clap on how dumb they are.

Speaking of Jaxon, I could not kick him out. Solid as a rock ang koneksiyon ng pamilya niya sa amin.

Si Selena, hindi ko rin magawang ipatalsik! Bago ako maging si Naomi, matapos ang trahedya sa JS Prom, kumalat ang balitang hinalikan ako ni Paolo nang walang pahintulot sa isang waiting shed.

Akala ko fake news. Iyon pala, totoong nag-commit ang aking kaibigan ng sexual assault! So, bilang utang na loob, I let Selena. But it would not change the perception that she was still a bitch, though.

Samakatuwid, nagsinungaling sa akin ang mahikerong magkakapatid. At first, there was anger and creeps! But as time made a difference, I forgave the sincere Amelia, but I avoided the manlolokong Paolo. Nang tumagal kasi ay si Selena pala ang bet niya!

I puffed, then shook my head in hatred!

Hiwalay na pala sina Jaxon at Selena nang dahil sa Paolo na iyon.

In love na in love 'daw' si Paolo at nagpalandi naman ang bitchesa. Kaya ayon, na-depress si Jaxon na walang ginawa kundi umiyak sa harapan nila. But Selena rejected him. Tumitibok na raw ang puso niya kay Paolo.

Gusto kong humagalpak sa tawa! Malibog! Poor, Jaxon. Ikaw pala ang tunay na bakla sa atin. Mahinang nilalang!

Umugong ang pinto. Nagpatahimik sa lahat ang lakas ng balibag! Nakaaagaw-tensiyon ang pagdarabog ko pagkapasok ng classroom. Napalingon sila sa akin, nangunguwestiyon ang tingin.

Wala pa si Madam High Blood. Pati ako, high blood din!

Sa gilid ay nakasandal ang isang lalaki sa hanay ng mga lamesa. Ibinahagi ko sa kaniya ang kapiranggot na atensiyon. Itinabingi ko ang aking ulo na nagpagulo sa maalon kong buhok.

Sayang ka! Oo, mapekas man ang iyong mukha, pero parang nakakita pa rin ako ng obra-maestra. Bumagay naman ang maliliit na detalyeng iyan sa hitsura mo.

Tumingala ako sa kape niyang buhok habang siya naman ay nakatutok agad sa aking mga mata.

What was inside those weary eyes?

"W-Whats are the problems, Char?" tanong ni Paolo, ang nagbabalatkayo bilang si Gilbert.

He never changed.

Humalukipkip ako at saka ngumisi, sarkastiko. "Why do you care?" Malapit man kami sa isa't isa, pero malamig na tingin ang kaya kong ipantapat sa kaniya.

Pinangunahan ko siya. "Alis na ho diyaan." Ang utos ko ay ikinatipon ng nakaaalertong otoridad.

Itinulak ko ang balikat niya dahil paharang-harang sa daanan. Ganito kami lagi magpansinan. Ako ang siga, habang siya naman ang pader na walang pakialam.

"Doon ka sa seal ina mo."

Kumunot ang noo niya sa aking pang-aasar. Mukha kasing pinagsamang hayop at mura ang pangalan ni Selena, e.

Napangisi ako. If he hated me, I would hate him thrice. From the praising of his uniqueness, my face dragged into a glare.

Akmang uupo na ako sa likuran nang hinigit niya ako sa kanang braso! Napalapit muli ako sa kaniya.

Tumugon siya, agresibo ang bibig, bawat salita ay tinutukan ng diin! "Ano'ng sabi mo?"

Umusok man ang kaniyang ilong, hindi ako affected. Hindi ko kasi siya maintindihan! Noong ako ang kaniyang tinalikuran, si Selena na ang kaniyang binalingan. Iniwasan lang ako nang walang hinaing dahilan!

As a reply, I devilishly smirked at that gorgeous man, showering me some blossoms of blessing.

Gusto niya si Selena, pero masisisi niya ba ako na 'muntikan' ko na siyang nagustuhan?

Pinanliitan ko siya ng mata. Walang bahid na panginginig ang aking boses, diretsahan at mabilisan. "Hindi mo bibitiwan ang kamay ko?" Numipis ang aking labi sa pagtitimpi. "Hindi ka titigil?" Pero since hindi niya pa rin ako pinakawalan, nandilim ang aking paningin pababa sa mahihigpit naming palapulsuhan. "Kung ayaw mong magpatinag, puwes . . . "

Sinipa ko siya sa tuhod!

Napanganga ang witnesses. Mabilis magpatalo ang malalandi! Magmamahal na nga lang, sa hindi pa deserving!

Tumahol si Paolo, hawak-hawak ang tuhod habang patalon-talon na parang kangaroo. Labas ang dila at kunot ang ekspresyon. Pahingal-hingal pa sa nakaaanghang na aray.

Masyado naman akong malakas. Hindi ba, fighter siya?

Umiling ako sa disappointment. He would have the same fate as my friends, made-depress nang dahil sa pagmamahal na iyan!

Most relationships were temporary. Most fell into the bitterness of unrequited!

Wala akong pakialam sa mga titig ng mga kaklase ko. I did not give a fuck if they would rebuke me because of hurting a good-looking man. Actually, I was more good-looking than him.

Ibinato ko ang lunch bag ko sa ibabaw ng table. Kinuha ko ang Airpods at nagbuklat ng aklat. Wala pa naman si madam, so why bother?

"Pahingi bubblegum," turan ko kay Wilson the nerdy guy na nakatutok ang tingin sa binabasang Wimpy Kid.

Pero since takot siya sa akin, binigyan niya kaagad ako ng isang bubble gum. Napangiwi ako sa liit nito. Tinaasan ko siya ng kilay, pahiwatig na kulang iyong binigay niya. Kaya dumagundong ang aking inip! Ibinagsak ko ang nakakuyom na kamao sa kaniyang orange desk.

I grumbled. Ayaw ko sa lahat ay iyong ako pa iyong nag-a-adjust!

Dapat sana ginawa niya nang tatlo. Para . . . I, hate, you?

Since his mind was slowly loading, my two fingers stood out, so he gave me two more.

"Salamat. Humanda ka na lang sa akin kapag lason ito, a," binalaan ko siya sabay hagis ng tatlong bubblegum sa ere. Pina-shoot ko iyon lahat sa bunganga ko . . . sabay sandal sa upuan at bukaka.

Magbabasa na nga lang ako ng mga crush-crush one-sided love.

Ang sarap lang pagtawanan iyong mga tatanga-tanga at assumera sa mundo.

Kumuha ako ng salamin para makita ang sariling repleksiyon. At doon ko pinagtawanan ang sarili.





Bแบกn ฤ‘ang ฤ‘แปc truyแป‡n trรชn: AzTruyen.Top