๊ง๐‚๐‡๐€๐๐“๐„๐‘ ๐’๐„๐•๐„๐๐“๐„๐„๐โขพโ–‘โ–’

๊ง ๐’๐„๐€๐’๐Ž๐ ๐Ÿ โœข ๐–๐ž๐š๐ค

๐‘๐€๐•๐ˆ๐„๐‘ ๐’๐€๐‹๐€๐™๐€๐‘ ๐๐„๐ˆ๐๐† ๐๐€๐Ž๐Œ๐ˆ ๐„๐•๐€๐๐†๐„๐‹๐ˆ๐’๐“๐€ '๐’๐€๐‹๐€๐™๐€๐‘' |๊ง‚Inilabas ni Madam High Blood ang laptop at isinaksak iyon sa VGA ng TV.

Pinanliitan ko ng tingin ang kableng nakalawit sa glass board. Pumokus ako sa baba niyon, parang predator na naghahanap ng kaniyang mabibiktima.

Luminya ang aking labi. Sana masira iyong VGA para hindi na mag-lesson. Ang sakit kasi sa ulo ng balancing chemical equations, lalo na at hindi ko katabi si Mathway! So that was why I loved inconveniences . . . since online class.

Nakaupo ako sa huling row sa kanan, center-aisle. Katabi ko si Wilson (the nerdy guy) na minamasdan ako.

Binalingan ko rin siya gamit ang nakaaakit at nakatataba ng pusong ekspresyon. Pinapungay ko ang papikit-pikit kong mga mata sabay ngiti na may kaunting tamis. Akala niya tulala ako, ngunit nilalait ko na pala siya.

Katamtaman ang pagiging mapanga niya dahil hinadlangan ng bahid na katabaan. Kung titingnan ko nang pa-side view, kung susuriin ang makapal na salamin at ang may pagkakubang postura, masasabi kong bullyable.

Masama nga siya sa mga katropa ko nang malibang naman. Ang boring niya kasing kausap! Nasa halagang singkuwenta ba ang kaniyang boses kaya tinitipid ang pagsasalita?

Humalukipkip ako. Pagkatapos ay pinasayaw ko ang aking ballpen kasabay ng pag-aligid ng mga ideya. Hindi naman ako masamang impluwensiya. Pagalitan pa ako ng mama niyang overprotective. Hindi kasi pinalalabas kaya shy type.

Nang muling makaharap sa teacher's table, nagtama ang paningin namin ni madam!

Masyado namang malayo ang tingin niya. Parang galing sa bundok ng Antipolo nang matanaw ang Metro Manila. Sa dami-dami ba naman ng estudyanteng nasa harapan, ako pa ang napagdiskitahan.

Bakit parang ako pa iyong may kasalanan? Umatras ang aking leeg at saka nangangasim na ngumiwi.

Weird! Parang first-time lang makakita ng anak ng may-ari ng school.

Inayos niya ang hinge ng salamin bago magsalita.

Nang makabalik ang lahat sa kani-kanilang puwesto, tumikhim si madam. "Good afternoon, class."

"Good afternoon po, ma'am," bati pabalik ng mga kaklase ko sa harap bago mag-bow.

But since my tardiness did not even dare to fetch a bow, I heaved a sigh. "Evening!" bati ko sa nahihikab na pamamaraan. Pabagsak at nanunubig na rin ang aking mga mata, nahawa sa nakalalamlam na vibe na dala ni Wilson.

Nag-unat ako pagkatapos ay inunahan sila sa pag-upo. Parang bigat na bigat ako sa sarili kong bayag. At saka, nakaaantok kasing magturo si madam kaya evening na lang. Para diretso talukbong goodnight sleep agad!

Napalingon ang lahat sa akin. Umugong ang mga upuan, nakipagkiskisan sa magagaspang na puting tiles.

Ipinagtaasan ko sila ng manipis kong kilay. Bakit? May problema kayo?

Pero since I did not give a damn, dumekuwatrong panlalaki ako. Parang walang buhay ang aking mga braso para hayaan iyong malawlaw sa ere.

Ang mga iba ay nagbulungan. Ang katabi ko naman, pasimpleng nagpaaliwalas ng mala-kremang ngiti.

Ang cute pala ng nerdy guy na iyon. Jowable.

Ngumiti rin ako at pumalumbaba, hindi apektado kahit nakatutok na ang sandata ng tensiyon.

My eyes were just thrilled seeing Madam High Blood's coconut face revolving into a tomato one. Pinasayaw ko ang daliri ng aking mga paa.

Mula sa kaiisip, umiling siya para makatuon sa reyalidad. Lumapit na lang siya sa laptopโ€”ngunit! Akala ko ay hahayaan niya ang panunuksong ipinukol ko. Lumingon muli siya sa akin para ako iyong sermonan.

Ako ang kaniyang nilapitan. Ang ekspresyon niya ay mapaglaro, pagalaw-galaw ang nguso. Nakaangat pa ang mga mata kung saan mababasa ang kaniyang intensiyon.

Inalingawngawan ako ng kaniyang babala. "Isa pa, Salazar." Noong una ay kalmado, ngunit nang tumagal, saka doon na sumilakbo ang apoy sa kaniyang mga mata. "You are super disrespectful!" She gritted her teeth, intensifying fury. "Ganiyan ba ang itinuro sa 'yo ng mga magulang mo?"

I pressed my arms' weight against the armrest, gathering vigor for retaliation. Alam ba ninyo kung ano ang itinuro at hinampas sa akin ng mga magulang ko?

Heto ang mga sumusunod!

Ang maging takot!

Itago ang tunay na nararamdaman alang-alang sa pananaw ng ibang tao sa iyo!

Lapastangang ipagtabuyan palayas ang anak kapag naging bakla!

Unahin ang pride!

Kapag may umiyak, pa-depress-in mo pa!

Iyon po ba ang gusto ninyong malaman, madam?

They should have done better! I should have deserved better!

Napailing ako para mawaglit ang mga dumapong toksin sa takbo ng aking pag-iisip. Pagkasalita, unti-unting nagpakilala ang mapait kong ngiti sa kaniya.

"Getting mad at me is just the same as talking to the wall, not making you productive, dear. So, why don't you try to focus on the lesson so that we can start, right?" I raised my brow, yielding amusement in my eyes. "My ears are waiting," I said in a whispering touch, crossing my legs and wiggling the other feet.

Inflamed anger arose in her veins, reaching it clear in her broadening eyes. Everyone whispered. Some even chuckled to conceal their nervousness.

Well, why was madam so amused? So, I gave her my charming look to calm her up, but she shrugged it off.

My mouth molded daggers of murmurs, wreathed by resentment! Sa pagkakaalam ko, nanguplet daw iyan ng pera ng may pera sa faculty. Tapos, feeling leader pa raw?

Hindi ba dapat pinatalsik na iyan ni Mama sa school gaya ng pagpapalayas niya sa akin?

Kaso nga lang, huwag na. Pareho pala silang kurakot! Ang mga ibong magkakatulad pa naman ng pakpak ay nagsasama-sama.

Pinandilatan ko siya ng mata. "Hmm . . . Ang kapal naman ng mukha mong bata ka." Habang umiiling sa prustrasyon, pinagpapalo-palo niya ang hawak na patpat sa isang palad. Ngunit agad na napatigil! Itinuro ang kisame! "Sandali!" Parang may bombilyang nagpatiyak sa kaniyang ideya. May balak! Kaya naman ay itinuro niya ako sa ilong na parang bata! "May foundation ka yata sa mukha? (bakit hindi ka sure?) Hindi ba, bawal iyan dito? (o, bakit hindi ka rin sure na bawal?)"

Ipinatunog niya pa ang sariling sapatos na worth fifty-thousand. Papitik-pitik iyong nagdududutdot sa katahimikan.

Itinakpan ko ang sariling bibig gamit ng panyo.

Aba, sarcastic din!

Pinatulan ngunit mala-Selena kung makaganti! Nilalabas lang ang kabahuan sa mga ayaw nila! And I almost forgot, high blood pala siya. Ako pa ang makasuhan kapag iyan natuluyan.

Napataas ang kanang kilay ko, nakilahok ang fierceness! "Oh." While touching my chest, I looked at her in pity. "Sorry, masyado po kasi akong maganda, madam, na akala ng ibang tao ay may makeup ako," I said, as if it was truth-be-told. Tumingin ako sa gilid habang humihithit ng hagikgik!

"Ano'ng wala-wala riyan?" Itinutok niya sa akin ang hawak na patpat. Kulang na lang ay isubo niya na sa bibig ko iyon. Tinumbasan pa ng paggiit, "E, may makeup nga talagaโ€”"

I shushed! Nakipagtalo pa, ay! "Ayaw mong maniwala, madam? Ito, o."

Bilang patunay, binuhusan ko ng tubig ang aking mukha!

The cold was hydrating, freezing even the littlest of one's movement. The chills of ice turned me into a wet chick. I closed my eyes from the droplets that stroked me. Then my palm searched for a handkerchief that could wipe Naomi. My fingers conformed to the waving motion of my hair, reducing its moistness.

Mabuti na lang at waterproof si Mister Jacket. Kaya naman ay hindi nabasa ang uniporme ko. And I almost forgot that I received a mic drop, so I stared at her and winked. O, ano ka ngayon?

Parang sinaniban ng demonyo, sumilay ang mga ngipin sa nakanganga kong ngiti. "You want . . . huwater?" Inalog-alog ko pa ang walang lamang tumbler sa kaniya.

Naghari ang hagalpakan sa buong silid. Pati rin si Nerdy, natawa na rin. Nginitian ko ang grupo ng mga kababaihan na kung makaasta, e, parang kinikiliti ng kakiligan.

Tumagal ang ingayan. Pagkahupa ng tawanan, nagtining ang nakaaalarmang katahimikan!

Nang mahagilap ang pagdilim ng mga mata ni Madam, mukhang sinipot ako ng kapahamakan! Nakaipon na siya ng lakas na nais pakawalan!

Ang mga balahibo ko ay nagsitayuan! Ang mga palad ko ay nagdikitan! Pumikit ako para ipagdasal ang kaniyang kalagayan.

Kasabay ng paglundag ng pusong kinabahan, salitang lagot ang bumaril sa isipan!

Sapagkat ginatungan, sumiklab ang init sa kaniyang kalooban! Namula na ang kaniyang mukha, nagpanting ang tainga, at umusok ang ilong; mga produktong dala ng isang pagsabog!

Ang mga nakaawang na labi ng aking mga kaklase, nilamon ng pangamba! Iyong isa nga ay sinubukang patayin ang lamok na papasok sana sa bibig ng katabi niya.

Pero mabuti na lang, nakayanan ni Madam! Napahinga kami nang maluwag paghinga niya rin nang maluwag. Tila binasbasan kami ng ginhawa sa pangalawang buhay na iyon!

Bilang redemption arc, ano, babawi na ako sa kaniya!

Magre-recite na ako!

Kinapa ko aking dibdib bilang paggalang, at saka ako nag-bow. "Okay, let us start the lesson, madam. Ako na ang unang magre-recite. Nakakahiya naman po sa inyo." I pressed my arms' weight against the armrest, as if may awtomรกtikรณng naglaan ng katanungan. "What have we discussed yesterday? We discussed chemical reaction. What about chemical reaction? Chemical reaction is a process where one or more reactants yield one or more products. What are we going to discuss today? Aba, ni-rehearse n'yo na iyan kagabi. I-discuss na ninyo, madam, hangga't maaga pa!" I answered without taking a deep breath. Iyon naman kasi ang lagi niyang tinatanong, e.

Umupo na ako. My classmates applauded in joy. I kept moving my legs and painted a poker face, uninterested in her words. Pagod na ako sa madali niyang pa-quiz at sa pa-out-of-this-world niyang exam.

Bumalik na si Madam High Blood sa teacher's table para asikasuhin ang naiwang laptop na naka-sleeping mode. Kaya naman ay nag-sleeping mode din ako. Pumalumbaba ako at saka isinuot ang eyeglasses. Teknik ko iyon hanggang sa matapos ang nakaaantok na klase!

Pagkagising, nag-unat ako sabay hikab na ikinatawa ng marami.

Iyong katabi kong nerdy ay hindi magkandaugaga sa pagsasagot ng Math problem. Napakasipag ng isang ito! Ang paningin ay hindi mapirmi sa graphing paper notebook na hawak.

Napasinghap ako at napasapo sa noo. "Huwag mong abusuhin iyang utak mo. Sa panahon ngayon, hindi kailangan ng talino lagi. Dapat, mayroon din something out of the comfort zone! Tulad ng pagiging masaya sa buhay kasama ang mga kaibigan mo," diretsahan ko na ikinaangat ng tingin niya.

Natigilan siyang natulala sa kawalan, ngunit nakatikom nga lang ang bibig. Itinago niya ang notebook sa bag. Bet kong ayaw niyang ipahalata ang pagiging grade-conscious. Siya lang naman kasi ang ganoon sa section na iyon.

"Sumama ka sa akin," I commanded na ikinatalbog ng katawan niya. Gaano ba ako ka-chaka para magulantang ito?

Kumunot ang noo niya. "Hindi ako nakapagpaalamโ€”"

"Alam ko," pinutol ko siya sa blangkong ekspresyon. I was enough with that excuse, I know. "Baka nakakalimutan mong prominente ang pamilya ko." Tumaas ang kilay ko at saka hinaplos ang kaniyang balikat. "Ako na raw ang bahala sa iyo sabi ng mama mo," palusot ko, kahit hindi ko talaga siya pinagpaalam.

I pitched an exhalation while stretching the bottom of my jacket. Basta, ako na ang bahala! I would convince him.

Hinawi niya ang berdeng kurtina sa kanan. "Hush!" Itinuro niya ang masilaw na araw sa dungawan. Matatanaw rin doon ang mga mamamayang nakapayong sa bayan. "Tingnan mo nga. Mainit. Marami din akong gawainโ€”"

"Hopia!" I faced my palm in front of his face. "Walang assignment! Ano ang gagawin mo? Magpapakabaliw sa pag-aaral at sa pagdye-Genshin? Baka mabaliw ang Converge ninyo." Napasimangot akong nag-iiiling. "Oh come on, Wilson. Sayang naman ang potensiyal ng kaguwapuhan mo kung hindi mo maipagmamalaki sa labas." Sumalamin ang pagsamo sa aking mga mata.

Ayan na naman ang nakatulala niyang imahe; nakatitig lang sa ere! Mistulang ibinakod siya sa ngalan ng pagdadalawang-isip.

Aba, e, tingnan mo ito! Kaya pala matalino, e, dalawa ang isip.

I curved a smile as wide as the crescent, relishing a delightful mien. When he looked at me like a spell, his gawk warped into shimmering fascination, making him smile and say a yes!

My feet soared for joy, successful in alluring through a charm. Gusto ko lang kasi ng isa pang kaibigan! Ayaw kong mapagaya siya sa akin na dati ay inaapi. That innocent nerd was a bully-magnet!

"Sabay na tayo." Ipinulupot ko ang aking braso sa kaniya dahilan para mamula siya.

Ang guwapong koreano naman ng isang ito!

Kaya naman ay ipinisil ko ang pisngi niya habang nagsasalansan ng kagamitan.

Wilson was a nerd. Since my classmate blended into the nerds' ecosystem, most people would stereotype him as a booklover. Just like any other nerds, he was wearing eyeglasses with a slightly faded checkered waistcoat.

His rare eyes were distinctive to behold. The hue of greenery mirrored those. He kind of reminded me of an alien portrayer like Kim Soo-Hyun(na nakasalamin nga lang).

Baby-face siya. Ang kaniyang kakinisan at kaputian ay niningning sa tuwing hahalikan ng sinag ng araw. Sa katabaan ng kaniyang pisngi, sumiksik sa singkit naman ang kaniyang mga mata.

Pero kahit bunot ang buhok, masasabi ko pa ring pogi! Mas guwapo pa kay Jaxoโ€”ay este, He Who Must Not Be Named!

Isinukbit na namin ang sariling backpack. Init na init ako paglabas. Malamang, e, galing ka sa air-conditioned room, stupid. Pero nakamamatay talaga ang pagyakap ng init! Makapal kasi ang suot kong jacket. Idagdag pang nakatalukbong ako sa mabalahibong hoodie.

"Mainit." Sa aking peripheral view, nginusuan ni Wilson ang laylayan ng jacket ko. "Ayaw mong tanggalin?" pagsye-share niya lang.

Akmang tatanggalin niya na ang jacket ko, pero agad akong umiwas at itinampal ang kamay niya.

Kumunot-noo ako dahil bakit ba siya nangingialam?

"Don't you ever touch me, nerdy! I use this to hide from someone." Pinanlisikan ko siya ng mata. Nang dahil sa pag-usbong ng sindak, napaangat ang magkabilang balikat niya!

"Huwag mo akong tingnan nang ganiyan." I dully perceived his widening eyes. "Hindi ako si Chakadoll!" bulalas ko bago bagtasin ang pasilyo.

Nang malaman niyang nagbibiro ako, saka lang siya nabuhusan ng kapayapaan.

Tulad ng magpaparadang sasakyan, bumagal ang usad niya hanggang sa pumreno para panliitan ako ng tingin. "Matigas ang ulo mo," pang-oobserba niya, ngunit nilagpasan ko na lang.

Nang tahakin ang daanan, sumalubong ang kumpulan ng tao! Nagtutulakan pa nga na animo'y deboto ng Nazareno. Iyong iba, may hawak na cellphone. Parang mga newscaster na pinagkakaguluhan ang artistang gusto nilang kausapin!

Okay, who was the center of attraction there?

Sina Amelia, Christel at Bella, naroon din sa ganap! Since napaalerto, sumilip ako out of curiosity, nilulusob ang nagbabangayang ingay.

Natigilan ako paglapit! Tila hinatak ako sa presensiya ng isang babaeng kaakit-akit! Sa isyu nila ako napakapit!

Tulad ng anino, nagtago ako sa malalapad na balikat. "S-Selena, you are unreasonable! I can still grab that chance, can't I?" sabi ni Jaxon(na naluluhang nakaluhod sa tapat ng mapuputing binti ni Selena). "Heck!" Tumalsik ang kaniyang pawis at luha pagkailing niya nang wagas. "You didn't even know shit about him! H-How did youโ€”"

How desperate were you, Selena? It was a major turnoff for our liking.

Naparolyo ang aking mga mata . . . hanggang sa mapadpad ang tingin sa kisame.

How weak you can be, Jaxon? Get up there! Stop seasoning your knees with salt. People were enjoying seeing you fail!

"Ano ba 'yang magjowang 'yan! Malandi pala 'yang si Selena! Ang guwapo na nga ng boyfriend, pinakawalan pa!"

"Omsim, parang coke. Jaxon kasi, tigilan mo na si Selena. Ako na lang pleaseโ€”"

I shushed before throwing them dagger looks! "Ang ingay," bulong ko sa mga tsismosa.

Napamulagat sila na awtomatiko rin nilang ikinatungo, nagsisisi. Siyempre, ako ang may-ari ng school. Namukhaan nila akong nagtatago sa hoodie na iyon.

Gumuho ang mundo ni Lalaki pagkapadyak ni Selena! "Jaxon!" dabog ng huli. "Paolo is a fantastic guy. It is just . . . I felt the urge we deserve better, and I am saving you today from an opposite direction." Pilit siyang kumawala sa mga mahihigpit nitong pagkakahawak.

On the second thought, she should also be over as well. My throat stretched itself, squealing at how disloyal their relationship was! Kung nakahanap ng mas better in any aspect, hihiwalayan agad.

Pinanliitan ko ng mata ang eksena hanggang sa mahigit ang wrist ni Nerdy Guy.

Lumayo na kami . . . lumakwartsa papalabas!

Basta, bahala na sila sa buhay nila. I did not want to get involved with that Jaxon anymore.

Tulad ng bampirang sensitibo sa aninag ng liwanag, sa jeepney, tumungo ako at tumalukbong para mas maprotektahan ang pagkakakilanlan.

Matapos sumampa, pinaglaruan ko ang naipit na bente sa aking mga daliri. "Manong, dito na lang po," para ko kay Kuyang Jeepney Driver at ipinaabot ang bayad.

Bumaba na kami. Katabi lang ng tambayan namin ang Muvazo Residences na pag-aari ko rin. Those tall condominiums could unite as a city, isolating our tiny area.

"Hush!" Napalingon ako sa lalaking nagkamot ng malagong buhok. "Bukirin 'to, 'di tinatambay."

Napangiti ako at saka napailing. Akala niya siguro ay naligaw kami. Just wait and see, nerdy. I knew the way out through that middle of nowhere.

Unang beses pa lang ni Wilson tumambad sa medyo alanganing lugar. Noong hapong iyon, maaliwalas ang panahon. Sa pagpatak ng alas-tres y medya, mistulang kumulo ang dugo ng haring araw para pagbuntungan kami ng nag-aalab niyang impyerno.

Sa aming paningin, mistulang walang hanggang naglatag ang tanawin ng mapatag na lupain. Pinagitnaan pa nga kami ng mga damong nagsayawan. Kung ang nakasasagabal ang panunulak ng hangin, mas wala kaming mapagkakapitan ng anumang mapagsasaklolohan.

Para naman ay iwas-disgrasya, itinaas ni Nerdy ang sariling laylayan ng pantalon bago kamutin ang mabalbong binti. Pinalinaw niya rin ang nanlabong eyeglasses; suot niyang checkered polo ang ginamit pamunas.

Tiningnan ko siya sa mabibintog niyang pisngi. Namula iyon, masasabing maseselan iyong hinulma. Napailing na lang ako hanggang sa maipagpatuloy ang paglalakad, dinededma ang pagtusok ng malalagong palayan.

"Now we are here!" Ngumiti akong mas masigla sa alas kuwatro! "Welcome to Area Eight!" I spread my arms widely on our tambayan, flying through the freedom bestowed upon its ambiance.

It was a junk shop with a squatter housing; Bordered around by tall blue buildings. Doon kami madalas makipagsapalaran ng mga katropa ko.

We were the Eight Guardians, also known as the heroes of that street! Heroes that shoved off the violence we encountered!

I beckoned my fingers. "Let us come." Binuksan ko ang nangalawang na gate. "Ipapakilala kita sa mga co-guardians ko." Pumasok na kaming dalawa para ilagay ang mga bag sa lamesang bumungad sa hintayan.

"Yow, Naoms!" bati ni Philip sa akin sa loob, my co-guardian.

Kasinliwanag ng umaga ang naipakita kong mukha. Ang aga niya naman! Kainis!

Pilyo ko siyang nginitian sabay pilantik ng kilay.

Parang batang natututo pa lang maglakad, lumapit ako . . . dahan-dahan hanggang sa maabot siya . . . para yakapin. Imbes na makulong sa kaniyang bisig, nangangatog niya akong iniwasan! Natisod pa nang tuluyan akong atrasan!

"The ef is wrong with you?" Kinamot ko ang aking anit sa kahihiyan. I even stomped my feet like a child, lessening the awkwardness while lavishing the glimpse of friendliness.

Nanulis ang kaniyang tingin sa aking likuran, gayon din ang nguso. Kaya naman ay lumingon ako.

"Baka magselos ang boyfriend mo, o." Itinuro niya si Wilso'ng nakatungo, nahihiya.

Nyi! Mahinhin akong tumawa sa sinabi niya.

"Well." Pinalo ko siya sa braso. "He is not my boyfriend. He is our new boy friend!" Ikinumpas ko ang aking palad patungo kay Wilson.

Tumabi ang tatlo ko pang mga kaibigan kina William(sina Jerome, Rachelle, at Brandon), mga bago kong katropang nandoon din pala!

After a few milliseconds, nanghimasok sina Amelia, Christel, at Bella sa nagbabagang impormasyon. Kararating pa lang nila, hingal na nauuhaw. Inuna pa kasi ang tsismis imbes na makauwi nang maaga.

Since the JS rejection scandal, dapat alam na nilang may atraso sa amin si Jaxon! Pero bakit pa ba sila patuloy naghalungkat ng paki sa mga iyon?

"Heto ang new m-mong b-boyfie?"

"Siya ang boyfriend mo, tama? Naomibabes?"

Sabay na nagtanong nina Bella at Christel.

Tumaas ang manipis na kilay ni Amelia. "So, sinasabi mo na 'yong guwapong nakasalamin 'yong boyfriend mo?" Itinuro ng payat niyang hintuturo si Wilson. "Bakit gano'n?" Nginiwian niya ito. Luh? May problema ka kung kami man? "Dapat kung mamimili ka, dapat mas better pa kay Lucas, to be honest." Sinikuhan niya ako sa braso. "Ikaw ang bida rito, okay ka lang? Dapat kasingguwapo ni Oppa Paolo Everette, the Superman, ang leading man mo rito!" Halos mapaduwal ako sa sinabi niya. Was it really requisite to flex his name for reference? "You deserve more, pero bakit ka nagpaka-settle agad sa ganiyan?" Pumamaywang siya. "'Di ba, mataas ang i-standard mo pagdating sa mga lalaki? Hindi lang basta-basta misteryosong nerd na mas cute pala kapag inayusan. Clichรฉ na 'yon para sa mga unique na katulad mo!" Nagsalubong ang kaniyang kilay, pahayag ng kaniyang pagiging dismayado.

Napailing na lang ako at maasiwang humalaklak, hindi apektado sa sinabi niyang palpak!

Do not worry, Amelia. Platonic was better than the romance you had been thinking of.

"Bingi kayo?" pagtataray ko. "I said, boy na friend." Masakit kong ipinitik ang aking mga daliri, ginigising ang mga lutang kong kausap. "Well, guys, this is Wilson Adam Harrison. My nerdy classmate na magiging kaibigan na natin ngayon!" Halos tumalon ang manipis kong boses sa sigla!

Umakbay ako kay Wilso'ng tinanggal ang sariling eyeglasses. Doon lumitaw ang birhen niyang kutis!

Ginala ko ang aking paningin isa-isa sa mga gusto kong ipakilala. "Wilson, meet Philip, Jerome, Rachelle, Brandon, Rhea, Christel," pagpapakilala ko sa kanila hanggang saโ€”"And uh . . . B-Bella, what is wrong?" Nagtataka kong binalingan si Bella. Nakatulala kasi siya sa kawalan, parang may saranggolang tinitigan.

A hesitant noise ran through the silence. "Hi po!" Wilson greeted, as if there was a gun pointed at him. Kumaway pa siyang nahihiya bago magbanat ng ipit na ngiti.

Naghandog ng makabuluhang ngisi si Jerome nang lapitan ito. "Don't worry, bro. Hindi ka namin kakainin." At saka niya ibinaon ang palad sa bunot nitong buhok, balak iyong hagurin.

Brandon smirked then waved na parang pamilyar na sila sa isa't isa.

A flight of uneasiness was what I envisioned. The urge of putting an introvert back in his cocoon gushed down my palms, firming up a stimulus that could grab his wrist!

Sa kasamaang palad, naudlot ang mahigpit na pagkakahawak! Muling umusbong ang tatak niyang singhal naโ€”"Hush!" Umalerto ang tainga ko pagkatabig ni Wilson ng aking kamay. Humingi siya ng permiso, "Puwede bang magtagal pa?" At saka niya iyon ginamitan ng oportunidad para masulyapan si Bella.

Tumabingi ang aking ulo pagkatapos ay pinanlakihan siya ng mata.

Sa nakabanat kong labi, sumilip ang aking pangil, nangunguwestiyon! "A-Akala ko ba ay hindi ka tatagal dito?" sabi ko.

Bukas-palad namin siyang hinainan ng nanunuring tingin, pagtataka ang binigyang-pansin.

Nagpaliwanag siya, "May kilala ako dito." Hinila niya ang laylayan ng aking manggas, parang batang nangungulit mabilhan ng aiskrim! "Kaya ikaw na bahala. 'Yon din naman promise mo." Hindi nagtagal, ninakawan niya muli ng tingin ang nakatungong si Bella.

Napaigtad ako. Bella pala ang hanap ng nerd na iyon. Tita, o, sabi niya aral-aral lang daw, pero bakit sinamahan ng landi?

Amelia and Christel were like nightmares of the darkness, sharpening a brighter grin.

Someone tapped her leather shoe on the cement. "So, what is the purpose of the sudden change of character?" tanong ni Bella.

Agad naman siyang binatuhan pabalik ni Wilson ng tugong, "Nakita kasi ulit kita."

Kami ay nagpahila sa balisa! Pumalo sa dibdib ang malalang kaba! Parang nakipagtalastasan sila gamit ang mahihiwagang mata. Nagpakawala ang aking damdamin ng hangos ng gitla! Nabakas tuloy ang pagkalat niyon sa aking mukha!

"Uh, okay. But there are times that friends turn into strangers. And we have to deal with that." Nirolyo ni Bella ang kaniyang mga mata, nabuburyo sa usapang walang kakuwenta-kuwenta. "Kaya, Naomi, you really have to fetch him na." Matapos niyon, nawalan ng sustansiya ang asul niyang mga mata.

Binulabog ang aking isipan ng sandamakmak na katanungan. Ako ay naguluhan. Nilakbay ko ang kulay abong daanan, binabalikan ang nakaraan, pinapakiramdaman ang kalungkutang dala ng makitid na tambayan.

Ano kaya ang kanilang napagdaanan bago nila ako turingang kaibigan?ย 

Bแบกn ฤ‘ang ฤ‘แปc truyแป‡n trรชn: AzTruyen.Top