๊ง๐‚๐‡๐€๐๐“๐„๐‘ ๐๐ˆ๐๐„๐“๐„๐„๐โขพโ–‘โ–’

๊ง ๐’๐„๐€๐’๐Ž๐ ๐Ÿ โœข ๐‰๐ž๐ซ๐ค

๐‘๐€๐•๐ˆ๐„๐‘ ๐’๐€๐‹๐€๐™๐€๐‘ ๐๐„๐ˆ๐๐† ๐๐€๐Ž๐Œ๐ˆ ๐„๐•๐€๐๐†๐„๐‹๐ˆ๐’๐“๐€ '๐’๐€๐‹๐€๐™๐€๐‘' |๊ง‚Kahit tapos na ang maaksiyong eksena, dilim pa rin ang siyang kumulay sa atmospera. Ang singaw ng giyera ay kasing-init ng sa simula.

Bulabog ang kumalembang sa aking diwa!

Pagkaalpas ng manghang idinikta, kumabog ang aking puso nang si Jaxon ay makita!

Nakasuot pa rin siya ng damit pang-eskuwela. Pero nang maaninag ang suot niyang denim jacket na ibinurda pa sa kompanyang Nondria, ako ay natulala. Paano niya nagawang dalhin iyong sarili niya?

Sa pambihira niyang karisma, hindi mahahalata ang pisikal na pagdurusa.

Ang makintab niyang buhok ay mistulang nasobrahan sa pamada. Kung tititigan ang basa niyong mga hibla, malayang dudulas doon ang mga pawis hanggang sa muling mantikain ang kaniyang mukha.

Parang nasa action movie kung makalitaw ang artistahin niyang pigura. Kumulo ang aking dugo pagbungad ng matikas niyang aura! Nakahahawa ang intensidad sa pag-igting pa lang ng kaniyang panga. Para akong tinamaan ng pana ni Kupido nang dumiretso sa akin ang sulyap niyang nagbabanta.

Pagbalandra ng tingin sa semento, isang nakaliliyong iskandalo ang nakaratay sa kanto!

Nanganganib ang puso. Tumutulo ang dugo! Si Evelina na dati ay ayos lang, hindi naglaon ay napeligrong naligo sa kulay pulang likido! Halos mayupi ang bungo . . . at nakahandusay na nabitiwan ang kutsilyo!

Nanlaki ang mga mata ko, pumamaywang, pagkatapos ay napatango-tango sa isipan.

Convincing! What a potential fighter! Kung wala siya roon, baka Saint Peter Life Plan na ang abot ko. No doubt, he would be a great fit in our group, but I would disapprove!

Nawala nang two percent ang galit ko sa kaniya. That was because he glided like an angel to save my life. But I could not help but let my bother ask how he set foot on the street of my destination?

Was he the one stalking me earlier? Masyado bang mabango ang footprints ko para masundan ako ng asong ulol na ito? Gosh!

I slapped my head mentally. Baka nagkataon lang, as always!

Napatingin muli ako sa kaniya. Pero that time, matutunog ang maiinit niyang buntong-hininga, napakaseksing kanta sa aking tainga.

Para mabura ang pagpapantasya, napasinghap ako at isiniksik ang mga kamay sa magkabilang bulsa ng dyaket. Nagpinta ako ng blangkong ekspresyon. Kinonsidera ko muna ang ex-crush ko mula sa reyalistikong perspektibo, na kung saan doon mapagtatantong kahit siya pa man ang pinakaguwapo, hindi siya perpekto. Ang kaniyang katangian ay hindi pasado sa standards ko.

Malalamig na pakikitungo ang inilahad ko sa kaniya. "Salamat at binugbog mo iyang mga traydor na iyan." Itinuro ko iyong tatlong natulog doon sa kalsada. "Mauuna na ako. Paalam." At saka ako lumayo-layo sa kalyeng ayaw pa akong pauwiin!

Kailangan ko na siyang iwanan doon. Bahala na siya sa buhay niya kung mapagsuspetyahan pa siya.

"Hey! U-Uh." Hinatak niya ang kanang braso ko para ako iyong pigilan!

My eyes freaked out! Tumaginting ang mga uminit kong tainga, tila magbubuga ng usok ng irita!

Gusto ko na kasing makauwi, e! Since two hours pa! Pero ayaw akong paalisin sa kantong iyon, letse!

Pero since matiisin akong tao, binigyan ko siya muli ng nabo-boring na tingin, nakikinig sa susunod niyang sasabihin. Maaliwalas niya akong tiningnan pabalik na animo'y kinindatan ng bituin.

Pero ang kaniyang pagiging magugulatin, may gusto yatang sabihin! Bakit kaya siya namula at napapikit nang mariin? Babawiin niya ba ang pagpigil sa akin?

Ano ba ang problema niya at parang batang nahihiya? Ang bilis namang mapagod ng lalaking ito. Siya na nga iyong nanuntok, e, siya pa yata itong mauunang mag-fifty-fifty. Ganito pala ang top one sa PE noon.

Bumaba ang titig niya sa kalsadang kinalatan ng basura. Sino kaya iyong sinilip niya roon sa kanal?

"U-U-Uhm," patuloy niya, naguguluhan sa pagpili ng angkop na salita.

Tumaas ang kilay ko, instrumento ng aking pagtataray. Kahit dalawang taon na ang nakalipas, hindi ko pa rin magustuhan ang kaniyang pag-akto!

"Kuya," malumanay kong sabi kahit gusto nang ibulalas ang bukambibig na mura. "Kung wala naman ho kayong importanteng sasabihin, puwede n'yo na po akong lubayan." Kasabay ng pag-ubos ng aking hininga, hindi na rin nakanatili ang aking pasensiya.

Pasimple kong tiningnan ang braso kong kinapitan niya. Nakatulong ang puwersa at tensiyon sa sunod kong gagawin. Hinigit ko iyon pabalik sa akin, ngunit ayaw niya akong palayain!

I puffed out and rolled my eyes heavenward, heaving the rage out of the frame. Damn it! What was his problem? Masyado siyang malakas to the point na hindi ko magawang makipagkumpetensiya roon.

Dumilim ang paningin namin sa isa't isa, ngunit mayroon akong murang isinama kaya lamang ako ng isa.

"Don't ya dare call me Kuya. Feels old for a playful man beating gangsters just to armor ya."

Napaawang ang labi ko sa kaniyang ngiti na sinabayan ng kaunting tingkayad, conceited.

Realizations of my foolishness ran into my thoughts, helping my face twist into grotesque disgust! Knowing that I had a crush on him years ago, parang gusto kong matawa o maduwal sa lababo. Tasteless me!

Inilahad niya ang sariling palad sa akin, balak makipag-shake hands.

Pinasadahan ko ng tingin ang nangalay niyang kamay. Tila nanginginig na lumuhod ang naghintay niyang mga daliri. Sa ganoon naming senaryo, muling gumambala sa aking alaala ang shake hands na iyan.

๊ง Kumunot ang kaniyang noo. "Sino nga ulit siya, Selena?" giit ni Jaxon.

Nagselos ang mahal ko dahil nakasama ko ang mahal niya.

Kung alam mo lang, Jaxon. Kung alam mo lang kung gaano ako nagselos sa inyo.

Ipinagmalaki ni Selena ang mapuputi at makikintab niyang ngipin. "Oh, Jax, 'he' is 'only' from Saint Paul. His name is Ravier," pagpapakilala niya sa akin.

Umaliwalas ang mukha ni Jaxon, tila nabulag sa liwanag na dala ng kaniyang kasintahan. "Oh, I thought you replaced me." Lumipat ang tingin niya sa akin. "Jaxon nga pala, pare!" Inilahad niya sa akin ang kaniyang kamay.

We shook hands, rolling down the static sensation in my veins.

May plemang bumara sa aking lalamunan. Aray naman kasi! Ang sakit pa ng pagkakahawak niya sa kamay ko, a. Namula na! Parang nakipag-tug-of-war ako sa higpit ng pagkakapit! Ano ba ang problema niya, at bakit ang lamig ng tingin niya sa akin? ๊ง‚ Remembering the past, hindi ko tinanggap ang kamay niya.

As payback for his given agony, I impersonated his stony stare . . . just like what he did to me years ago.

Pa-hard to get na ako sa mga pa-hard to get!

That was what he got for treating me like nobody.

Well, sinayang niya lang ang isang baklang katulad ko. When I jumped into puddles, I already laid the stepping stones for him to hop in, but what did he return to me? Ayan tuloy, nabawasan ang nagmamahal sa kaniya.

His loss.

Not mine.

But I hoped time would come where he could grieve realizing that idea.

After augmenting a sullen soliloquy, Jaxon's voice snapped me out from my slumber.

"You can call me uh . . . J-JC. JC!" My brow raised, seeking elaboration. "Jaxon Caleb," he said and shyly scratched his scalp.

Napatirik pataas ang mga mata ko. Tinabingi ko ang aking ulo hanggang sa mapakunot ang noo, kinukuwestiyon nang harapan ang madilim na kalangitan, hinahanapan ng kahulugan ang ganitong kawirduhan.

JC? Why the nightmare would I call him in that nickname? Sino ba ako sa kaniya para tawagin nang ganiyan? E, estranghero lang naman ako sa buhay niya, e!

Pinutol ko ang daloy ng pagtataka sa pamamagitan ng maayos na tugon. "Jaxon na lang, Kuya." Pinagpag ko ang kumapit na alikabok sa aking palda. "Jaxon (ka) na lang."

Nang dahil sa deretsahang sagot kong iyan, sumimangot siya na parang batang pinagdamutan, napaaray sa pag-atake ng nakadidisaprubadong katotohanan.

Dinagdagan ko pa ng rekado ang mapoot na usapan. "Hindi po kasi tayo close para tawagin kita nang ganoonโ€”"

"But I'll open my heart. We'll get closer soon!" nakangising putol niya (Anong soon-soon? SOONugin kita diyan, e) at saka siya maligayang sumaludo sa hangin, nagpapatianod sa mabining daloy ng tadhana.

Napailing ako sa kawalan, itinatabig ang ipinarating na kahibangan.

Napakunot ako ng noo. Kadiri! Bakit naman ako makikipag-close sa taong aking kinamuhian?

Lumabas na ang tunay kong baho. Sapagkat nag-umapaw ang sisidlan ng aking emosyon, nagsalita ako sa mataray na tono, " I am already contented with the people I have. I am fine na . . . with my close friends. So please, kailangan ko nang makaalis bago pa bumangon ang mga iyan." Itinuro ko ang mga nakahandusay na kinalaban K.O. roon sa kanan. Kn-in-ock out ko iyang mga iyan!

Nilagpasan ko siya ng tingin at iniwan doong alipin. Naglakad na ako nang walang pagmamalasakit na diniringgin.

I did not care if someone would accuse him as a suspect of Evelina's injury. Basta, I did not want to let his world affect me. It was a suicide kung ganoon.

Ngunit kung minamalas ba naman, lumapit sa akin ang hagibis ng anino! Nakaninindig-balahibo ang belosidad ng kaniyang pagtakbo! Sa natural niyang pag-akto, sumibol ang sikdo.

Lumingon ako, at dumapo ang aking paningin sa mapuputi niyang siko. Kahit litaw ang pagkamatipuno, kasinggaan ng balahibo ang pagkilos ng taong ito.

Wala akong choice kundi bilisan din ang paglakad. Kailangan ko nang makauwi sa aking unit kaagad-agad. Kahit kaakit-akit ang dala niyang karisma, hindi dapat ako magpaapekto pa.

Ngunit ang nakahihikayat niyang salita, nangungulit na nangalabit sa aking tainga. "We must be livin' near the same city, so I'll hook myself into ya!" Sumabay siya sa akin, nakapokus ang mukha sa kalyeng tatahakin.

Pagkat buhay na buhay ang lamig, hambog akong nagpakawala ng ihip ng hangin. Hay na 'ko, Jaxon! I would not fall again into his icy trap of deception.

Nagpatuloy na lang ako sa paglalakad sa walang katao-taong kalsada. Ang mga tingian at garahe ay unti-unti nang nagsara. Nagbigay naman ng maapoy na kulay ang mga street light sa kalsada. Nang dahil sa aninag ng nagtaasang lampara, umakyat ang mainit na temperatura sa mala-Kastila naming hitsura.

"Saan bahay mo?" tanong niya.

Marahas ko siyang binalingan, tinatanong gamit ang mga nanlaking mata. Bakit niya ba itinanong kung saan ako nakatira, e, hindi naman kami close?

Ibinanat ko ang laylayan ng mabulak kong jacket. "I live somewhere along in Muvazo," I replied while injecting some composure.

"So, you are Naomi, right? The owner of the school?" Our feet glued to the ground. "As far as we all know, you're Ravier's sister hiding in that black jacket, right?" He added a deep furrow so I could touch his curiosity.

My dull eyes narrowed. Yeah, oo nga pala. Noong ako ay naging babae, pinalabas namin na lumayo na si Ravier Salazar . . . at paparating na ang nawawala niyang kapatid na si Naomi Evangelista Salazar (kahit wala naman talaga akong kapatid!). Well, ang pamilya ko at ang mga katropa ko lang ang nakaaalam niyon.

Pero pilit ko pa ring ibinalanse ang kalma para hindi mailang sa kaniyang katanungan. "Ano sa tingin mo?" tugon ko at saka humalukipkip.

Sumilay ang hindi makapitang-dumi niyang ngipin. "Y-Yes?"

"No!"(I'm not only Naomi but a fiercer Ravier!) Umalpas ng pagdedepensa ang aking lalamunan.

Ngunit nagduda pa rin siya. Kaya naman ay sinundot niya ang may katabaan kong tagiliran sabay sabi niya ngโ€”"Weh, Naomi? Hindi ngaโ€”"

Tinampal ko ang kamay niyang nangurot sa akin! "Pusang gala! Ayaw ko sa lahat ay iyong may naghahawak sa akin lalo na at hindi ko ka-close! Hindi mo ba alam na pumapatay ako ng paepal?" buga kong angat ang mga baga.

Naningkit ang aking mga matang binubuo ng nakapapanlisik na enerhiya nang ako ay kaniyang lubayan.

Pagdaan ng mosyon ng bawat kabahayang nilagpasan, hindi niya pa rin ako tinantanan! Magkasabay pa rin kami sa mala-ghost town na lansangan!

Ngunit pasalamat, hindi nagtagal ang pagiging mapag-isa . . . dahil na rin sa may nagpaypay. Pumasok sa aking pang-amoy ang mainit na singaw ng inuling.

May nadatnan akong mga estudyanteng magkakabarkada, kumain ng sinawsaw na kwek-kwek sa bukas na tindahan. Suot-suot pa rin ang puting uniporme kahit alas-singko y medya na. Tututok na sa orasan ang curfew. Kaya kailangan ko nang gastusin ang pagkukumahog sa natitirang minuto.

"Kailangan ko nang magmadali. Paalam, Kuya!" Since ayaw kong maisyu, halos lumipad ako patakbo patungong Muvazo Residences.

Tila yakap ko na ang himpapawid. Oo, madilim, pero natanaw ko na ang kulay abokadong high rise, isa sa matataas na gusali na parte ng aming estate!

"Hey! Wait for meโ€”"

Tumigil ako nang may nadapa! Bulong ng kaluskos! Dinig ang magagaspang na pagkiskisan sa semento. Lumingon ako nang subaybayan ang kalagayan ni Mokong.

Ayon nga! Nakaluhod, halos mabutas ang pantalon, at hawak-hawak ang naginaw na tuhod!

May tumulo sa kalsada, mistulang maliliit na patak na puminta sa tela. Para akong bampirang naglalaway kapag nakakakita ng pulang patak ng likido.

Aw, that was fresh blood!

Pero hinawakan ko ang aking baba, nagde-decide.

Uhm, tutulungan ko ba?

Hindi na siguro . . .

. . . kasi hindi niya rin ako tinulungan noon.

Ang isang pasakit noon, mananatili pa ring pasakit pagtagal.

Hinayaan niya ang sarili niya na ngumiti nang hindi ako kinakailangan.

Kaya hahayaan ko na rin siya para mahalin ko naman ang sarili.

Tumalikod ako para piliin naman ang aking puso, pero iyong kinginang iyak niya talaga ang nagpatigil sa akin!

Sizzling frustrations heated up my core! (rush-shuzz!) The burden inflamed the power vested inside me. I jumped as able as my limits, swiftly releasing the wild wings of hatred through the black skies.

"Ang arte mo!" Ang wagas kong sigaw ay nakabuo ng alon sa ere, makapangyarihang pinasindak ang kaniyang mga mata!

Nakasisira ng mood! Uuwi na nga lang ako, inabot pa ng gabi, punyeta!

Dahan-dahang umitim ang aking paningin, babala sa paparating na unos ng aking pag-aalburuto. "Fuck you, Evelina! Nakakainis kayong lahat! Lalampa-lampa kasi! Letse!" Putangina dugo ko tuloy umakyat na sa batok ko!

Wala na akong pakialam kung sinuman ang nanood sa amin! Gusto ko lang ibasura iyong mga hinanakit ko sa kaniya nang matauhan siya sa mga ginawa niya sa akin noon!

Sinipa ko ang punong-kahoy sa tabi para pakalmahin ang sarili. Hingang malalim, Ravi.

Suminghal ako at saka kasuwal siyang pinamaywangan. "Hindi mo na ako kailangang habulin pa dahil masasaktan ka langโ€”"

Nagsalubong ang kaniyang mga kilay. "What the fuck is wrong with you? Pasalamat ka nga, e, may pusong humahabol sa 'yoโ€”"

Ang matutulungin kong paa ay nilapitan siya para alalayan sa pagtayo.

"Awit!" Pumikit siya at napatingala sa pamimilipit. "It spices like hell!" Nangiyak-ngiyak na bumulyaw pa ang mokong habang kinakawag ang kaliwang kamay.

Sinapo ko ang aking noo. Hindi ko malaman kung nagpipilay-pilayan ba siya o hindi, e.

Masungit na tumaas ang maninipis kong kilay. Tumabingi ang aking ulo hanggang sa pilit makalusot sa malaman niyang bisig. Umakbay siya sa akin pansuporta.

Nanlalait kong inirapan ang kaniyang katangkaran. "Okay ka lang?"

Nagpakataray siya. "What do ya think?" taas-kilay niyang tanong pabalik.

Napailing ako at kumawala ng haha! "Tunay na bakla ka talaga, ano?" I squeezed my lips inward. "Hmm, mabitiwan ngaโ€”"

"No! Ayoko sa lahat ay iyong binibitawan ako," nakatungong putol niya sa akin.

Aba, e, humuhugot pa talaga ang gago. Si Selena na naman pinariringgan mo, ha!

"Umayos ka! Kaskasin kita diyan, e!" aking banta. Kasabay ng pamumuo ng reyalisasyon, bumakas ang init sa aking mukha.

Ako nga hindi kita binitiwan, e. Ikaw mismo ang bumitiw. Ay, mali! Napatakip ako ng bibig. Wala ka palang balak kumapit sa akin dati . . . dahil noong una pa lang, nakakapit ka na sa iba.

"B-Bakit ba ang sadistic mo?" Napasimangot ako sa itinanong niya.

Bakit ako sadista?

Dahil sa iyo!

Dahil sa panre-reject mo sa akin sa maling pamamaraan! Bakla lang naman ako sa paningin mo, hindi ba? Lagi naman ako ang talo sa mas magandang Selena mo!

Bumaha ng kumukulong putik ang aking galit. Hinatak ko siya sa braso at nagpakalusob sa milyones ng hanging molekula sa atmospera!

Napatili siya pagsulong ng aking potensiyal. Oh, come on! Kailangan ko na talagang uminom ng malamig na tubig pampaginhawa!

Pagkapadpad sa tambayan, hinagis ko ang bigat niya papunta roon sa sofa.

"Ouch! Grabe ka namang makatulak!"

Brown ang sandalan. Matigas iyon, at parang kinain na ng daga ang telang leather kaya sira-sira. Nakatakas ang mga berdeng foam.

Kaming dalawa lang ang naroon. Busy kasi silang lahat sa school.

Wrong timing pa talaga! Ang bukas na fluorescent lamp na lang ang bahala sa akin.

Tumahol sa kabilugan ng buwan ang reklamador. "Bakit ka naman ganiyan?" aniya sa pahiyaw na bolyum habang bine-baby ang tuhod.

Ibinaba ko ang backpack ko. Pumasok ako sa mala-squatter na shelter namin para kumuha ng wound gauge, agua oxigenada, betadine, cotton at micropore tape. Malaki ang sugat niya kaya kailangang takpan ng hilom.

Lumapit ako sa kaniya. Ang nagbadya kong anino ang nagpatingala sa kaniya. Nanlaki ang nagdelusyon niyang mga mata sa agua oxigenada kong dala. Tila mikroskopyo niyang sinuri ang puting bote.

Umangat ang mapanlaro kong labi at maotoridad na tiningnan ang napasakamay na kemikal! Pasalamat siya at hindi alcohol iyong ipinambuhos ko sa kaniya!

Nakabibiyak-bato ang hindi pangkaraniwan niyang hiyaw nang paliparin sa himpapawid ang boses ng kaba. "Ano'ng ibig sabihin nito?" tili niya sabay hablot ng unan sa sofa. Para siyang inosenteng nakatalukbong kaharap ang mga sungay ng kadiliman. "Throw that agua chemical away from me, please!" nanginginig niyang pagpapakitang-takot.

Ngunit humalukipkip lang ako at pinatapik-tapik sa sahig ang sariling sapatos. Nakatatawa sa mga mata. Hindi siya cute sa pinaggagawa niya!

Sa totoo lang, ako ang naaawa sa nagasgasan niyang pantalon. Nabutas dahil sinapok ng kalupaan. Nginusuan ko ang khaki pants niyang mistulang inulingan ng sariwang sugat.

"Ayaw mo na bang magamot iyang sugat mo?"

"G-Gusto ko . . . " Tumango siya kasabay ng pagkibot ng ibabang labi. Namumugtong naluha na rin ang kuminang niyang mga mata.

My head hunted for relieving air. That guy seemed godly perfect, but I could smell his imperfections when I came to dig down into his depths . . . where my mind could ponder a realization.

We were not meant to be.

Awit ka talaga, Ravier! Bakit mo ba siya nagustuhan?

"Ilabas mo na iyang tuhod mo imbes na matakot ka diyang parang bata." Patikim pa lang iyon ng matabil kong dila! "Hindi tayo matatapos dito kung hindi ikaw ang una kong tatapusin, isadalawadalawadalawadalawadalawa!"

Hindi ko napigilan ang pagtaas ng boses. Parang ako iyong nanay roon, a. Anak ng bungangera!

"Ayoko nga sa chemical na 'yan!" Itinuro niya ang agua oxigenada nang nakapikit.

"Tatlotatlotatlotatlotatlo!" pagbibilang ko pa.

"Just really need cuddle right nowโ€”"

"Kung hindi ka aayos ng upo, papatayin kita! Hutaaa~ "

Kinuha ko ang matalas na kutsilyong nakapatong sa lamesa. Mala-pirata ko iyong inilabas sa leather knife holder. Its stainless steel stood out, unveiling a gleaming sheen of metal! Ready to cut more than paper! Parang mahal ako ng peligro para hayaang sumirko iyon sa mga daliri ko.

I sprinted, running wilder at the expense of my stamina! Sinuntok ko ang unan na kapit niya! Tinibag ko ang pader ng kaniyang kaligtasan! Matapos suntukin, ibinato ko ang unan sa mga nakatambak na trash bag at saka ipinadikit ang kutsilyo sa leeg niya! Mayelo ang paglapit ng hiwa!

"Alright! Alright! I'll go for it!" naiinis niyang pagsuko. "Magpapagamot na nga, hindi ba? Nakakatakot magpakahayop 'to, a!" Umigting ang galaiti sa nairita niyang mga mata. Bilang pagsunod, inangat niya ang sariling pantalon sabay pakita ng tuhod.

Nasilaw ang aking mukha pagkakita ng i-fl-in-aunt niyang kayamanan. "Wow legs!" sipol ko na kaniyang ikinatawa.

Namula na naman ang mokong. "Don't ya build your own fantasies up there, huh!" He sneered, boasted, and pointed fingers . . . as if his charm truly allured me.

Kung gayon, mas ang pangit niya lang.

Umiling na lang ako, napangiwi, at saka i-d-in-ouble check ang nakaririmarim na sugat.

Pero since nagpakalagim ako sa nakaraan, nagpalamon din ako sa poot. Wala akong maibahaging puso. Kaya naman ay binuhusan ko ng agua oxigenada ang buong tuhod niya!

Poker face ko siyang tiningnan, walang pakialam sa aking kaharap. Nagwala siyang sinakop ang sofa. Kahit istorbohin man ako ng boses ng aking konsensiya, inuna ko pa rin ang pagiging mapagsamantala.

Iyan ay karma. Nakasasakit-ulo man ang kaniyang pagpaparatang na may kasamang mura, hindi ko na iyon inalintana pa. He deserved to endure the hellish pain! Kulang pa nga iyon para tumbasin ang kadilimang pumatay sa akin.

Tiningnan niyang mabuti ang namagang tuhod. "B-Bakit kumukulo?" pagtatahol niya. "Aw! Ouch! Shit! I trusted you, but how come you're not good at this!" Nanggigigil niya akong dinuro, ipinahahayag ang sumpa ng kaniyang disappointment.

Ngumisi ako sa tagumpay. "Pasalamat ka nga, e, may nagtangkang magpakadoktor sa iyo. Kung wala ako, e, baka sa manhole ang hulog mo."

"Can't ya thank me for saving ya from that flyin' knife? Without company, baka nasaksak na alkansiya mo." Ngumisi siya sabay iwas-tingin.

Pero bilang taong walang pakialam, dinampian ko na lang siya ng Betadine gamit ang malalambot na bulak. Binalutan ko iyon ng wound gauge bago parolyohin ang tape.

When the wound erupted into a boiling swell, his neck stretched high, resembling a restless wolf silhouette, an archetype of growl in the moonlight.

Napangiwi ako. Ang OA, a! First-time magkasugat?

Heh! Nagpagpag na ako dahil tapos na rin ang pagma-manicure. "Umalis na tayoโ€”"

"Yow, Naoms!"

Napaangat ang tingin ko sa nagsalita. Umentra sa bukana ang nakangiting si Phillip. Galing school practice. Sa pagkakuba ng kaniyang likod dahil sa bagaheng karga-karga, akala ko nga ay kababalik niya pa lang mula abroad na may Toblero'ng dala-dala.

Masyado siyang late! Dapat siya na lang iyong nanghilom para mauna na ako!

"Huy! Thank God dahil it's time to rant at you for being late." Nakangangang ngumiti ako hanggang sa maakbayan siya.

Ngunit natuliro ang kaniyang mga mata. "Sino iyang kasama mo?" tanong niya muna bago ituro si Jaxo'ng nakasimangot.

Huminga akong malalim. "Uh. Philip, meet Jaxon. Jaxon, meet Philip," pagpapakilala ko sa kanila.

Nag-alok naman ng shake hands si Philip, pero hindi iyon tinanggap ni Jaxon.

Napaawang ang aking labi. Luh? Porke't hindi ko tinanggap kamay niya noon, ganoon din iyong gagawin niya sa iba? Pairap akong bumuga ng hangin.

"Thanks, I'm leavin' . . . have a good time with your partner Philippines." Tumayo siya at isinukbit ang bag.

"It's Philip, not Philippines!" maangas na hiyaw ng kasama kong si Phillip.

"Sure, see ya next time!" Sumaludo si Jaxon sa akin bago ako kindatan sa kaniyang pagpapaalam.

Humalukipkip ako at isinentro ang atensiyon sa kanan; doon sa silungan ng aming tambayan. Mabuti na lang at aalis na siya. Makatutulog na ako nang mahimbing sa condo!

Palukso-lukso akong umalis ng tambayan at dumiretso na sa condo. Pagkaawang ng glass doors, maaliwalas na bumungad sa akin ang lobby. As usual, hinipan ako ng nakagiginaw na aircon at hindi ko maiwasang purihin ang kalinisan ng makikintab na seramikong sahig.

Hindi man nakapasa ang kaluskos ng iilang bulungan sa aking pagkabahala, ngunit nakagagambala sa batok ang kakaibang enerhiya. Sa atmosperang hindi mapalagay, pakiramdam ko tuloy ay may nakamasid sa akin!

Ikinibit-balikat ko ang mga umali-aligid na guni-guni. Nagpatuloy na lang ako sa paglakad.

Ting! Nang bumukas ang elevator, pumasok ako.

Hinubad ko si Mister Jacket. Matapang na aroma ng aking pabangong Voyena ang yumabong sa espasyo. As expected, nilingunan ako ng mga naroon, pinararangalan ang pagbabalik ng karespe-respetong reyna ng Muvazo Residences!

Pinalibutan ako ng mga Koreano at Tsino. Ang mga kalalakihan, lalo na ang nakasalaming mas matatanda, ay humanga habang ang mga kababaihan ay tinitingnan ako mula ulo hanggang leeg.

Mula sa pagiging maangas, maarte akong nagsalita sa mala-Donyang boses. "Fifth floor, please," utos ko at saka dahan-dahang ibinalot ang dyaket sa braso.

It was time to show glamor. I bloomed like a flower, ready to slow down the scene. My gentle fingers groomed my hair resembling heavenly waterfalls.

But as I combed each hair strand, a hand warmed upon my shoulder, provoking shock-wave in the pipes I kept inside me!

His lips caressed my neck, sending shivers on my porcelain flesh, which was pure and untouched! Before I dodged away from temptation, a seductive gentleman whispered.

"How stunning are we, Miss Naomi?"

Napalingon ako kung sino ang lalaking nabighani ko.

Once my vision captured a close view of his pointed nose and captivated eyes, I blurted out of nowhere! "J-JCโ€”a-ay mean, Jaxon?"

Nanlaki ang mga mata ko. Pinagsabihan ko rin ang aking sarili gamit ang katanungang bakit ko ba siya tinawag sa nickname na JC niyang iyan!

All this time, Jaxon Caleb was my stalking shadow!

"Can't believe that we are on the same roof holding ya," tugon niya at saka seksing humalaklak na tila sinaniban ng anghel ng musika.

Itinaas niya nang sabay ang dalawang kilay bago muling ipundar ang mapanuksong ngisi. Sa kilos niyang iyan, mapapahiwatig ang gagawin niyang katarantaduhan!

Butโ€”"Oh, okay"โ€”I acted casually by simply nodding. "So, dito ka rin nakatira?" Itinuro ko ang baba ng elevator.

"Yeah!" Mas sumigla ang kaniyang ngiti. Sapat na iyon para mapakinggan ang namamaos niyang buntong-hininga. "And I hope ya won't mind mingling with me this time?" Inilapit niya ang mukha ko sa kaniya. Ilang pulgada na lamang ang distansiya ng matatangos naming ilong.

Oh, come on! Mariin akong napapikit para makapag-isip-isip! 'Ano ba ang trip niya? Pinaglalaruan niya ba ako?' Iyon lang ang mga naipiga kong katanungan para makabuo ng solusyong kasagutan.

That close-up scene was not new to me. Recapping our retreat moments, when he was wet and shirtless, and then he cornered me in our room because I seemed to fantasize about his built!

And as the past returned, a familiar emotion sashed in my chest!

Naguluhan ako! Sumisinsin ang pagtambol ng pasaway kong puso! Hindi pa pala umawat ang kakaiba niyang epekto!

Hindi ko rin naman natutuhang mahalin si Paolo . . . kaya ganoon siguro! Napabuntong-hininga ako sa reyalidad na kinabuhayan ko.

Naghagilap ako ng paraan para hindi niya ako mahagkan! Ang hindi mabilang kong kabiguan, hindi ko malilimutan. Sariwa pa rin ang sugat ng aking nakaraan. Noong ako ay kaniyang tinanggihan, sunod-sunod akong nagpakabugbog sa haligi ng kadiliman.

"Don't you dare to hurt my girl! Wala kang karapatan! Isa ka pang traydor! Magsama kayo ng mga kaibigan ninyong plastik! Masaya na kami sa buhay namin. Huwag n'yo na kaming gambalain pa!"

There were two questions that night: fear rejection as protection or if I would treat rejection as frustration.

But in my case, since my kismet was wreathed, rejection was revision.

From the weak Ravier . . . to a complex Evangelista!

Ang paghihiganting hindi palalampasin, karapat-dapat niyang hamunin. Ang matagal kong pagtitiis, pinakamalaki niyang bayarin!

Ibinanat ko ang aking kamay at ipinaigting ang buto sa makapal kong palad. Mapuwersa iyong sumahimpapawid sa hangin . . . sinundan iyon ng tingin ng mga nakapaligid sa amin . . . hanggang sa umabot iyon sa kaniyang ngipin.

Sinampal ko siya nang pagkalakas-lakas! Malakas at marahas! A maddening crisp of strength sounded around, letting him endure the reddening while facing sideward.

Ang aking tainga, umusok na nang tuluyan. Kung gusto mo akong halikan, parang pinili mo na rin ang iyong kamatayan. Harapin mo ang ibabalik kong kahihiyan.

Dama ko ang labi niyang nais magpakawala ng kataga. Umigting ang kaniyang panga sabay kuyom ng kamao.

Aba, balak din siguro akong pagbuhatan ng kamay, e, siya naman iyong unang nang-flirt! Sige, subukan mo lang gumanti. Hindi ko na alam ang gagawin ko sa iyong, hayop ka!

Pagbukas ng elevator, hinakbangan ko na ang ruta papunta sa unit ko.

Sinabunutan ko ang mahaba kong buhok.

"Excuse me!" sigaw ko sa mga nakatingin at paharang-harang sa daanan.

What he did cringes me, so I must sayโ€”

"Jerk!" I yelled at him before we separated.

Bแบกn ฤ‘ang ฤ‘แปc truyแป‡n trรชn: AzTruyen.Top