꧁𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 𝐅𝐈𝐅𝐓𝐄𝐄𝐍⢾░▒

꧁ 𝐒𝐄𝐀𝐒𝐎𝐍 𝟐 ✢ 𝕿𝖗𝖆𝖓𝖘𝖋𝖔𝖗𝖒𝖆𝖙𝖎𝖔𝖓

𝐑𝐀𝐕𝐈𝐄𝐑 𝐒𝐀𝐋𝐀𝐙𝐀𝐑 |꧂ Pumasok ako ng school. Dapat sana ay hindi na lang ako pumasok for the sake of my mental health. Pero kailangan kong maka-perfect attendance, e. Iyon lang kasi ang kaya kong mapatunayan kay Mama noon.

Many nattering scenes had been spawning in my mind. I hoped that my body would act naturally as if nothing happened.

Lumanghap ako ng hangin pampatatag. Crowds of students hid me behind kaya hindi ako nakita ng mga trouble seeker. Tumungo na lang ako at isinuot ang itim na hoodie para mas maitago ang sarili.

Walang katapusang yapak at yabag ang nailikha ng aking mga paang nangati. Handa na ako sa mga bibitiwang salita ng mga nakasaksi. There would be bullies against me. Ang mas masaklap pa ay galit sina Selena at Jaxon na sobra kong ikinasisi.

Nadamay pa ang mga kaibigan kong dalaga. With the sea of anxiety I had, hindi ko na rin nagawang magtagal pa sa bahay nina Rhea. Nang dahil sa akin, nasira ang reputasyon nila!

My feet limped when I loomed the Saint Francis Room. Nauna si Gilbert na pumasok sa room ng section two. Hiniram ko pala ang isa sa mga uniporme niya. Noong una, nagpumilit siyang protektahan ako sa mga judgemental pero tinanggihan ko. I could handle myself, 'no. At saka, hindi ako ang baby niya, and a knight in shining armor was not requisite, still.

Naunang pumasok si Rhea. May vlog pa siyang inasikaso kasama ang crush niyang si Lucas.

Nagpa-late ako nang kaunti. Kaya naman ay hindi na rin ako nakarinig gaano ng mga criticisms about sa akin noong prom.

Ang naipon kong enerhiya ay naaksaya pagkapihit pa lang ng doorknob!

Humupa ang nakabibinging ingay sa loob!

All mirrors of the soul darted on mine. Para hindi mahalatang apektado, my back straightened up, I walked to my chair and sat there.

Tumayo paiwas ang mga katabi ko.

Well, hindi ba ako ang dapat maging conscious doon? Kung makatitig kasi sila ay parang may dumi ako sa mukha.

Thankfully, most of my classmates were not narrow-minded threats. They just continued what they were doing.

Pero kinain ko iyong sinabi ko.

Tinakpan nila ang kanilang bibig at tumingin sa akin habang kinakalabit ang sariling katabi. Mas mabuti na iyon kaysa sa may makapal na mukhang diretsahan pang sinabing 'ganito-raw-ako-ganiyan, et cera'. Messing up someone's day was rude.

Nag-ayos ako ng gamit. Nilagay ko ang bag sa ilalim at ipinatong ang notebook at pencil case sa ibabaw ng lamesa. Buti at katapat ko si Christel. She was more aware of every action of her seatmates and mine.

Hindi naglaon, dumating si Madam Garcia. The attention was on her. My adviser's vision was touring around the classroom as if someone was missing. But when her sight landed on mine, her head shook.

Was that pity or disappointment? But I guessed both. That night was almost perfect until I made a mortifying scene that made me put in danger.

Hindi ko siya masisisi. Nakahihiya kasi. Isa na namang problemang malaki! May mga guest galing pang ibang bansa pero kaguluhan lang ang nasaksihan sa huli. Sana ay patawarin nila kami—patawarin kami sa aming naging ugali.

Sina Selena at ang kaniyang mga nagbulungang kaibigan ay nasa sulok—magkakatabi, nakangiti, at walang paki.

Napanganga ako nang may napansing mali! Hindi ko akalaing si Jaxon ay naging absentee! Malalim na pag-iisip sa naging eksena ang maaaring sanhi.

Si Rhea naman sa likod ay hindi mapakali, kating-kati ang malikot na labi.

Kasabay ng bilis ng tibok ng aking puso ay ang kagustuhan ko nang umihi.

Ang katangahan ko ay bukod-tangi! Dapat sana ang ginawa ko na lang dati ay ang magtimpi! Confessing to Jaxon was not very worthy!

Pero iyon na ang nangyari, e. Ano ba iyan! Hindi ko na nabago ang kapalaran. Hindi na ako nakabalik pa sa nakaraan. Pinanindigan ko na lang ang aking kahihinatnan—mga pamumunang hindi maiiwasan. Ang komplikadong isyung iyon ay hindi tiyak kung kailan masosolusyunan.

"Salazar, may I talk to you? For a while lang naman."

Napamulagat ako nang matawag ni madam ang aking pangalan. Para akong ginisa sa sariling upuan!

Doon nagsimula ang bulungan! Nanririmarim akong tiningnan ng karamihan! Binigo muli ako ng lipunan dahil sa labis nitong kalupitan!

Si Christel ay nilingunan akong naluluha pero napatungo na lang at napaiwas ng tingin. Siguro ay nag-isip nang malalim sa puwede kong sapitin.

Sa kabila ng sakit na naramdaman, tumayo ako!

Nang tumayo, inilayo ng aking mga kaklase ang kanilang mga gamit sa akin!

Lumabas si Madam Garcia. Pahiwatig iyon na intimate ang pag-uusapan. Para akong tumakbo ng kilometro dahil sa kapos sa paghinga at sa lamig ng pawis.

Humarap ako sa kaniya pagkalabas. Gayon din siya. Sinara niya ang pintuan at saka kunot-noo akong pinagmasdan.

Namayani ang katahimikan.

Tumikhim siya. "I'm so sorry for what happened last Saturday night. Your situation is concerning kasi marami ang against sa iyo. Pinag-uusapan ka na rin sa faculty. Iba't ibang pananaw ang narinig ko. Most of them ay naaawa sa iyo. We respect maging sino ka man. Kami na ang bahala sa mga nanlabag ng school rules. Pero mag-iingat ka sa mga sa—"

"Miss Garcia."

Isang pamilyar na boses sa maotoridad na tono ang aking narinig.

Napalingon kami.

Halos bumagsak ang panga ko sa sahig nang makita siya!

Mama?

What was she doing there?

"Oh, madam. Kayo po pala." Nag-bow si Madam Garcia rito. "Pasensiya na po at naabutan n'yo po kami sa hallway. We have been discussing some important matters—"

"Hindi ba dapat sinu-suspend n'yo 'yan?" putol ni Mama rito. "Ibu-bully lang iyan kung pinapasok pa ninyo!" aniya sabay turo sa akin na parang isa akong tupa.

Palipat-lipat ang tingin ko sa kanila.

Bakit ipinagdamot na nila sa akin ang kayamanan nila? Iyong kagustuhan kong sumikap para makapasa ay hindi man lang ako napagbigyan!

Bagkus ay pina-suspend lang nila ako para maudlot ang pangarap kong maging CEO at singer! Maraming hindi mapapalad ang gustong abutin ang magiging tagumpay ko. Subalit, nasayang lang iyon dahil sa pagiging ignorante ng aking angkan.

Sabi niya nga dati, 'Wala siyang anak . . . na babading-bading'.

How dare she!

Mahal mo ba talaga ako, Mama?

Sometimes, I was jealous of those LGBTQ+ members whose parents still supported them despite their preference.

Unfortunately, my family possessed the wrong mindset. Ang sakit na iyon ay hindi ko nahanapan ng panlunas. Gusto ko siyang sigawan sa kaniyang pagiging mapagmataas! Ngunit tila may mga taling humila sa akin nang paatras!

"S-Sige po, Madam. M-Masusunod po," sambit ni Madam Garcia pagkatapos ay kinuha ang attendance. "Anak, you can now fix your things," aniya.

Bumalik ako sa classroom.

Dumaan si Selena sa harapan ko para kausapin si Madam Garcia.

Nagsalubong ang kilay ko.

Ano kaya ang pinag-usapan nila?

Rambulan, murahan, at akusahan—mga bagay na aking inasahan. Ang pagkaplastik ng mga kaklase sa akin ay muli kong naranasan.

Mga tunay nilang kulay ay nagsilabasan nang tuluyan. Bawat pulgada ng aking katawan ay kanilang pinag-aralan.

"He is rich, but why is he still gold-digging?"

"Bakla nga naman! Pera lang ang habol! Kaya pineperahan din sila ng mga lalaki. Dapat lang sa kanila!"

"Malandi! Kaya pala hindi ka nagustuhan ni Jaxon."

Hindi ako nakailag!

Ipinagpatuloy ko na lang ang paglakad papalapit sa aking bag.

May umiyak! Tila may kuryenteng nagpangisay sa akin!

Sa makalat na likuran, naroon sina Rhea, Christel, at Bella, nakalugmok habang binabatuhan ng samo at saring lait!

"Hayop! Rhea madaldal pero sinungaling pala! Mapagpanggap na magkakaibigan!"

Napaatras ako. "Ano ba ang nangyari noong wala ako?" mahina pa sa bulong na sabi ko.

Hinablot ng aking kamay ang JanSport bago ko sila lapitan.

Kung minamalas nga naman, may mga palad na dumapo sa aking braso para maitulak ako!

Napalingon ako sa kung sino ang gumawa niyon.

Sebastian at Lucas!

Nandilim ang paningin ko at sinugod sila. Nanlaki ang mga mata nila sa aking inasta kaya pagkakataon ko nang masakal sila!

"Ano ang ginawa ninyo sa kaibigan ko?" tanong ko at saka ikinagat ang aking mga ngipin. Kulang na lamang ay mabasag ang mga iyon sa gigil!

Natigilan ako nang may tumulak sa akin!

Napaurong ako at napahawak sa glassboard para maibalanse ang sarili.

Pinanlisikan ko ng tingin ang sinumang gumawa niyon.

Selena!

She devilishly smirked. Nakahalukipkip pa ang kaniyang mga walang-awang alipores na sina Yvonne at Michaela sa akin!

How could they?

Hindi ko alam ang gagawin! Wala akong laban! Kinalaban ako ng mga mahal ng taong minahal ko!

Palipat-lipat ang tingin ko sa kanila. Sa tulong ng natulong pawis, naiwagwag ko ang aking mga kamay.

"Aba-aba, mga timang! H-Huwag kayong maniniwala sa demonyang iyan at ako ang mismong nakakita! Ako ang kapatid! Ako ang karapat-dapat paniwalaan kasi mas malapit sa 'kin kaysa sa gagang 'yan ang nagpasimuno! Edited lang 'yan kasi madilim ang mukha at baka nga kahawig nga lang ng anino—"

Ngumuso si Selena. "I got evidence, my dear. This is a raw footage kasi, walang watermark. No need to explain using a hundred words because God knows that this is unedited," putol niya kay Rhea sabay wagayway ng i-pr-in-int niya.

"God knows? A-Aba-aba at may gana ka pang idamay ang Panginoon sa kasinungalingan mo—"

"Kasasabi pa ngang raw or unedited, e! Paulit-ulit? Siguro ang filtered na mukha ni Bells sa bago niyang profile picture ang edited!"

Sumigaw si Bella na magkakrus ang mga paa, "'Somosobra' ka na, Selena, ha! I hate you, and I will never be your 'Bells'! So sad that your parents and Jaxon have taught you the bad way! Always remember, I left you for a reason—"

"I took revenge, too! For a reason, bitch! And my reason may be more logical than yours! Painosente—"

Inagaw ko ang papel kay Selena at napaluha sa nakita.

Dalawang litratong ako ang involved!

Ni hindi ko alam na ginawa ko iyon!

Puro sigawan at asik nila sa akin ang narinig ko habang nakatulala sa litrato. Tungkol iyon sa kabahuan ng aking ugali na hindi naman totoo!

Fake news! Nagpapatol sila sa pekeng ebidensiya! With that, they kept on jumping to conclusions.

Mas pinaniwalaan pa nila sina Selena kaysa kay Rhea na mismong nakakita ng pangyayari!

Nanginig akong hinawakan ang papel. Tears filled one of my senses as I asked why? Why was life so unfair?

Namula ang aking mukha sa galit. Nais kong pumatay! Gustong-gusto ko nang sumabog na parang bomba!

Seek the truth, people! "H-Hindi ito totoo! Maniwala kayo!" sambit ko sa kanila at saka nag-bow, bowing like a peasant in front of the prideful.

May buwiset pang nagbato sa akin ng crumpled paper sa batok!

Litrato iyon! Litratong nakipaghalikan daw ako kay Gilbert habang tulog at ipinasok niya ako sa kotse nila!

Iyon iyong nasa waiting shed ako! Hayun iyong nahanap nila ako sa kadiliman matapos akong palayasin!

Ang alam ko . . . hindi ako hinalikan ni Gilbert.

Akala nila sa dalawang picture na iyon ay nakipaglandian ako sa ibang lalaki matapos ang prom! No way Rhea would let her brother commit that immorality!

Malaki ang utang na loob ko kina Gilbert at sa ate niyang si Rhea. Tapos sisiraan lang nila?

Maninira ka, Selena! Papaano niya naman kami na-picture-an lalo na at madilim ang gabi saka maulan? Ang alam ko bawal mag-curfew si Selena, so never siya magpapagabi para lang diyan. Masasabi ko talagang edited lang iyan! Halos anino lang iyan na kahawig lang namin! And ang alam ko ay walang sasakyan sina Rhea at Gilbert, so papaanong may sasakyan diyan?

Umigting ang panga ko at nagpanting ang tainga. Halos kumulubot sa tanda ang aking noo dahil sa pagkakakunot, sa matinding galit sa mapanghusgang mundo!

Nakalilito! Nakahihilo! Nakatutuliro! Umikot nang kusa ang mga mata ko. "H-Hindi ito totoo!" sambit ko muna bago umiling.

"E, ba't ka nauutal? Guilty?" nakangising sambit nina Yvonne at Michaela, mga bagong kaibigan ni Selena.

Hindi ako nakapagpigil!

I gnashed my teeth!

Kulang na lang ay mag-anyong punyal ang mga mata ko sa kagustuhang saktan sila!

Para iyong isang bangungot!

Nakagigigil makita ang mga pagmumukha nila!

Ipinilas-pilas ko ang ebidensiya! Ibinato ko iyon sa mga mag-aaral na walang ginawa kung hindi husgahan ako nang hindi nalalaman ang buong istorya!

Tulad ng mga Pilipinong nagmamarunong, hindi nila alam na nagkakamali sila! Hindi dapat nila ako sinamantala! Nakauumay na ang kanilang ginawa! Ang mga ipinilas ko ay gusto kong ipakain sa kanila!

Kahit nanlabo ang mata, inisa-isa ko ng titig ang mga isip-bata para mapasinghap sila. Tapos na ako sa kanila! Ayaw ko na silang makasama!

Napamura ako sa irita!

Susugurin ko na sana si Selena nang may nagsalita. Her commanding voice resonated throughout the entire area.

"Ano ang sabi mo, ha? Nakakapagtaka!"

Napaigtad ako nang pumasok si Madam Garcia!

Hala!

Bumalik ang lahat sa kani-kaniyang puwesto maliban sa akin. Umiiyak na nakiusap si Bella sa likuran habang ako naman ay bitbit ang bag sa platform.

"Dapat ka nga pala ma-suspend according to your Mommy. You have just disappointed me! Ipinagtanggol kita sa mga teachers sa faculty! But the pictures and your actions ang nagpatunay that you are guilty! Pinilas mo pa nga, i!" asik niya.

Nasaan ang hustisya?

Mabuti at may natira pang bait sa akin. Nakontrol ko ang aking emosyon. Pero. "Please, madam. Huwag n'yo rin po sana muna akong husgahan—"

Padabog niyang hinampas ang attendance sa teacher's table!

"Pumirma ka na rito," nandidilim ang paningin na utos niya.

Umungot ako at saka lumapit sa plastik na lamesa.

"Bilisan mo na, Salazar! Mahirap para sa akin ito!" patuloy niya pagkatapos ay tumikhim.

Napabilis ang kilos ko noong bumungisngis ang ilan!

"Quiet, class! Hindi pa tayo tapos!" sambit ni madam habang naluluhang hinanap ko ang sariling pangalan sa attendance.

Salazar, Ravier Delacruz

Nanginig akong pumirma roon. Suspended na ako kaya isinukbit ko ang bag palabas. Dumiretso ako sa Riverdale Botanical Garden na malapit sa school.

Habang nagmumuni-muni sa mga nangyari sa akin, pinagmasdan ko ang lawak ng hardin. May malaking fountain sa gitna at may palaruan din. Sa monkey climber na nasa kanan ay may sandong nakalambitin. Nakalilibang ang huni ng mga ibon na parang sinabi na ang problema ko ay dapat munang limutin. Ang payapang lugar na iyon ay pag-aari namin.

Huminga ako nang malalim, pinakiramdaman ang sariwang hangin. Sa gilid ng daanan, sumayaw ang mga nagtitingkarang bulaklak na pinaligiran ng mga halaman. Iyon ay ang amoy lupang daisies, lavenders, at roses na madalas diligan. Sa pagkakaalam ko ay inalagaan pa ang mga iyon sa Bulacan.

Parang niluto ako ni Satanas sa pakuluan. Mainit na kasi sa bayan kapag oras na ng tanghalian.

I was there. Sitting on a bench while observing a soothing environment was one of my stress-relievers. Suffering in that trouble was a tough nut to crack.

Hinintay ko si Rhea na umuwi. Wala naman kasi akong susi ng bahay nila. Nakahihiya naman kung ako pa ang unang papasok kaysa sa may-ari. Namahay lang naman ako.

Kumain ako sa Mcdonalds. Doon ko ginastos ang five-thousand na ibinaon sa akin ni Mama. Pasalamat kasi may natirhan ako kahit papaano. Abot hanggang tainga ang aking ngiti kasi mas marami akong nagastos na pagkain.

Pero kailangan ko pa ring magtipid kasi hindi naman habang-panahon ay aasa na lang ako sa kayamanan ng magulang ko.

Hindi na makatarungan ang pinaggagawa nila. Teachers should not tolerate bullying! Gusto kong gumanti pero wala palang magandang naidulot iyon sa akin.

"Aba-aba, timang!"

"Ay! Bungol!"

Napatayo ako at napahawak sa dibdib!

Bakit siya nakatayo roon? Sa lalim ng inisip ay hindi ko namalayang may tumabi na pala sa akin!

"Nakakagulat ka naman, Rhea! Para kang kabuti!" pagmamaktol ko sabay padyak ng kanang paa.

Ngumiti naman siya at inakbayan ako.

Huh? Bakit mag-isa lang siya? Si Gilbert?

"Ang oppa mo, nasaan na? Bakit hindi mo siya kasabay?" tanong ko.

"Aba-aba! Oppa? Ano iyon? Kundol, patola, oppa't kalabasa?"

Mahinhin ako natawa. "Uh, I was referring to your brother." Nag-peace sign ako.

"So, sinasabi mo bang mali ang 'hyung' na pantawag ko minsan kay Kuya?" Tumango ako sa tanong niya. Pumamewang naman siya. "Oppa pala tawag doon? Weh? Luh! Kasi ang pagkakaalam ko, 'yong oppa, pogi ibig sabihin n'on! Kilala mo naman sina Jungkook at Kim Taehyung sa BTS, 'di ba? 'Yon kasi ang alam kong oppa, poging Korean! Tapos 'yong 'hyung', kapatid iyon, e! Hyung ang alam ko kaya nakiuso na lang ako." Ngumuso siya. "Pero 'di bale, puwede namang maging oppa si Kuya since pogi naman siya."

Natawa na lang ako sa explanation niya. Pinalo ko siya sa braso. Kinulang ka naman sa research, 'ateng'! Lalaki ang puwedeng gumamit ng hyung, tomboy na 'to!

"By the way, nasaan na pala ang kuya mo?" kuwestiyon ko naman sa kaniya. "Gusto ko lang naman kasi siya—"

"Are you finding about me?"

I gasped! "Oh, my gosh!" And I turned around.

A man wearing a unique face filled with freckles on the cheeks greeted me! My gaze dashed on his frosted blue eyes that made me froze for a while. When a cute smile formed on his pinkish lips, I watched straight at his tidy brunette hair since I was very uncomfortable being intimate with this creature!

May tumalon. Pagkatapos niyon ay impit itong sumigaw! "Ayi! Aba-aba wala munang rape, ha!" Tumawa si Rhea at saka pumalakpak.

"Hoy!" Hinampas ko siya sa balakang. "May nalalaman ka pang ganoon, a! Hindi magandang biro iyang rape-rape na iyan! Kahapon ka pa!" sigaw ko ngunit humagalpak lang siya sa tawa. She was getting weird! Por que't simpleng kilig lang, ni-label-an na as rape? Nakaloloka! "Mag-research ka sa susunod, ha!" Dinuro ko siya.

Marahas akong bumaling sa katabi ko. "Ikaw naman, ha! Nakakainis ka! Kaya hinahanap kita kasi gusto kong malaman kung hinalikan mo ba talaga ako!" Palihim kong ikinuyom ang aking kamao para ready na!

Nagsalubong ang kaniyang kilay. "H-Huh?" Tumingin siya sa kanan, nagtataka sa itinanong ko. "Ano ang hinalikan? Bakit naman kita hahalikan sa sea turtle mong iyan? Sa'n mo naman nasagap—"

Sumingit si Rhea, "Aba-aba! 'Di ba, 'di ba, di ba, timang? Sabi na nga ba at marami ang mga nagpapatol sa fake news ng Selena'ng 'yan! Hindi ko nga akalaing halos lahat ng mga tao roon sa school natin ay sobrang sama kasi hindi man lang tayo kinampihan, 'no? Hindi pa huli ang lahat para makaganti!"

These two witnesses proved it. Base sa ekspresyon ni Gilbert ay nangibabaw ang pagtataka niya. Hindi iyong mala-guilty na nagulat, ganoon. Ibig sabihin lang niyon ay edited lang ang ebidensiya!

Sabi na nga ba, e! He was not also aware of that!

Lumapit si Rhea sa kaniyang Oppa. "May kuwento kasi ako sa 'yo, Kuya, kaya ka nagtataka kanina bakit ang sama ng tingin sa iyo ng iba. Siniraan kasi kami ni Selena. Nagkaguluhan sa classroom kasi nag-print siya na kung saan ay nag-tsup-tsup-an kayo nitong si Ravier." Itinuro niya ako. "Hindi mo naman gagawin iyon, hindi ba? Hindi ba? Kaya pakihanda na lang ang confidence sa guidance bukas. Good luck, our weapon!" Itinaas niya nang sabay ang magkabilang kilay at saka ngumiti nang labas ang maputing ngipin.

Napangiwi ako. "Bakit parang hindi ka takot ma-guidance ang kuya mo? Kung maga-guidance man siya, dapat sabay kami . . . tayo, ano?" Ngumiti ako nang matamis kay Kuyang trespasser. "We will work on this together. Right, Gilbert?" tanong ko sabay akbay sa amoy Johnson's baby cologne na lalaking ito.

Itiniklop niya ang sariling labi para maitago ang ngiti. "Y-Yeah." Tumango siya. "We's going to crush that Selena into bits in pieces!" Inilapit niya ako sa kaniya. "Protect Ravi all for cost!" sambit niya.

That payback was for Bella's justice, too, because she did nothing harmful.

Impit na sumigaw muli si Rhea. "Aba-aba, may crush na agad siya sa Kuya ko! Inakbayan ta's may 'Right-Gilbert'? Ay na 'ko hindi ko na kaya! AH! Parang ang rupok ng approach mo ro'n! Tapos poprotektahan ni Hyung—ay Oppa, si Ravier for all cost? Superman na siya ng buhay nito! Hala! May gusto na sila sa isa't isa! Ang bilis po, ano? Paano na kami ni Lucas? Hanggang pagtingin na lang ba?" panunukso niya sabay sundot sa tagiliran ko. "Hi! I am Rhea, your sister-in—"

Nilayuan ko siya at umiyak na lang.

Nagpakawala ako ng malalim na hininga. Wala na akong panahon para sa mga biro niya! Love na naman? Ayaw ko na!

"Ayaw ko sa mga crush-crush na iyan! Mga paasa! Masasaktan ka lang naman kasi tanga kang naghintay sa wala!" Itinago ko ang aking mukha saka napaupo sa semento.

May humimas sa aking likuran. "Pagod ka na bang umasa, Ravi?" tanong ni Gilbert na ikinatigil ko.

Tumango ako.

It might sound redundant, but that was what I felt. My already shattered heart was wearier physically and emotionally.

I was misunderstood and would continue to be misunderstood. God knew I should be ready for it, for I was born for it.

Huminga ako nang malalim. Baka hindi makayanan ang bigat ng pakiramdam sa aking dibdib.

"Ano ba ang gusto mong mangyari sa buhay mo? Uhm . . . ano na ba ang plano mo sa hinaharap?" Rhea questioned.

Why was she asking me that? Ano ba ang gusto niyang malaman?

I sighed. Well, Rhea and Gilbert were my friends. I just wanted to talk sincerely to someone.

▀▄▀▄▀▄▀▄▀▄▀▄▀▄▀

➽─ Ano nga ba ang gusto kong mangyari sa buhay ko? Isang katanungang kailangan kong pag-isipan. I had to ask myself first for that. ─❥

A. Pakiramdam ko ay wala na akong maipapakitang mukha sa lahat. I wanted to hide again. But how? What if I magically transformed into a beautiful woman tomorrow or later? Ano kaya ang mararamdaman ni Jaxon sa pagbago ng aking anyo?

B. What if kung naging babae ako noong pagkasilang pa lang? Magiging mas masaya ba ako? Magbabago ba ang mindset ng mga tao sa lipunang iyon? I wanted to know how that feels and happens. (highly recommended, especially for first-time readers)

𝕮𝖔𝖓𝖘𝖊𝖖𝖚𝖊𝖓𝖈𝖊𝖘:

➽─ If you chose option A, continue reading this chapter. After that, skip reading or do not read chapters 15.1 to 15.12, then proceed to chapters 16 and above instead. ─❥

➽─ If you chose option B, skip reading this part or stop reading this chapter. Just continue your reading experience at chapters 15.1 to 15.12. After reading those, proceed to chapters 16 and above, then. (highly recommended) ─❥

Be mindful of your choices. Your decisions affect 60% of the story's plot.

▄▀▄▀▄▀▄▀▄▀▄▀▄▀▄

You and 26.78% of readers selected option A:

A. Pakiramdam ko ay wala na akong maipapakitang mukha sa lahat. I wanted to hide again. But how? What if I magically transformed into a beautiful woman tomorrow or later? Ano kaya ang mararamdaman ni Jaxon sa pagbago ng aking anyo?"

"Gusto kong mabuhay nang malaya. Away from discrimination, away from insecurities, and away from bitchy couples! I wanted to live a typical life. Iyong hindi na ako tinutukso kasi bakla ako," sagot ko.

Nanliit ang kaniyang mga mata na parang sinusuri ang aking mga naisip. "Aba-aba! Hmm . . . so, gusto mong mabuhay nang malaya? Ayaw mo ng restrictions. Bawat pilantik na makikita nila sa 'yo, may puna, e. Away from discrimination, away from insecurities, and away from bitchy couples? 'Yong sa pagiging outcast mo, 'yong sa pagiging insecure mo kapag nahyu-humiliate ka ni Selena? Tapos gusto mong mabuhay nang ordinaryo? Iyong hindi ka na tinutukso, kasi bakla kang lakas-loob na nag-confess sa maling tao at lugar, ganoon ba?" saad niya.

Napatingin ako sa langit na sana matupad iyong hiniling ko.

Ano ang mangyayari kung bibigyan ako ng pagkakataong mabuhay sa ibang katawan?

"Your wish are granted!" tugon ni Gilbert.

Napalingon ako sa kaniya. Ano ang ibig niyang sabihin?

Pinairal na naman nila ang kawirduhan nila! Napailing na lang ako at napatawa. Hindi kayo ito.

"You guys are acting crazy—"

Unti-unti akong nahilo.

Umikot ang kapaligiran!

Ang balat ko ay namuti na parang niyebe!

Ang aking mga balahibo ay umatras pabalik doon!

Humaba ang mga pilik-mata at ang buhok ko sa ulo!

Ang namalat kong labi ay kusang tumuklap!

Ang malapad na balikat ay kumitid habang ang dibdib ay lumalaki.

"AH!" Napaaray ako. Ano ang nangyari? Kumuba ang aking katawan, napahawak sa arm rest ng wooden bench at doon napahiga. Hinawakan ko ang sariling sentido sa kirot!

Napahawak ako sa ulo. "R-Rhea? P-Parang . . . lumilindol," sambit ko.

"AH! Oh no, my eyes!" Sumigaw ako noong lumabo ang aking paningin!

Para akong may katarata! Inilibot ko ang paningin sa mahiwagang hardin pero ulap lang ang aking mga nakita!

I focused. My eyelids flickered several times to assure if it was only a dream, but it was not! That foreign feeling was stirring inside me! I did not know the reason!

Iyon ba ang ibig sabihin ni Gilbert na wish granted? Trinaydor ba nila ako? If that was the case, ma-karma sana sila!

Unbelievable! Paulit-ulit akong napailing sa akalang iyon! Hindi naman nila ako pinasukan ng kung ano-ano.

May sumpa siguro sila!

Lumala ang aking kalagayan. Parang may isip ang aking katawan kaya kusang rumolyo iyon sa semento!

Napapikit ako. "AH! Rhea! AY! Tulong! Nahihilo ako! AH! Huwag ninyo akong patayin!" Nagsisigaw ako habang iniinda ang sakit.

An outburst of magic mesmerized me. Black and white spiraling optical illusions deceived my vision. Ano ang ginawa nina Rhea sa akin? Para nila akong binigyan ng lason! Ano ang balak nila? Everything was unrealistic, even when I forgot my name!

Ravier Delacruz Salazar

Rvaier Zdelcrua Slaraza

Rarvir Crudelaz Ralsaza

Vieraz Drueclaz Zarasal

Rhea's five fingers flew to rub Bella's back that made her serene. And there, she cherished the numbness of that cooling sensation. Her lousy attitude changed through positivity, bubbliness, and kindness.

Nabunutan siya ng tinik dahil sa anesthesiang umepekto. Tila walang nangyari sa loob ng limang minuto. Ang napigang puso ay bumalik na sa dating anyo.

Her jaw dropped in wonder. It was an excellent sign to witness a change of heart, but it still weird!

Sino ka ba talaga, Rhea?

Napaurong si Amelia noong lumabas ang nakasisilaw na berdeng ilaw sa kaniyang pulsuhan.

May mga letrang nakaukit!

Galing ang mensaheng iyon sa headmaster. May lumitaw na pangalan doon.

Revella 'Bella' Davis Hansford

Si Bella, bahagi rin ng misyon ng pagbabalatkayo ni Amelia.

"Nagamit ko na ang dalawa para kina Bella at Ravier. Mabibigyang hustisya ko na rin ang maagang pagkamatay nina Elena Ravenita at ng anak niyang si Naomi Evangelista, ang pinakamagandang babaeng dapat bigyang-pugay sa modernong panahon."

Was I entering a portal? Where was I?

Ano nga ba muli ang pangalan ko?

Sino ba ako?

Ano ba ang kasarian ko?

Saan ako lumaki?

Sino ang mga magulang ko?

Umalingawngaw ang baritonong boses ng isang matikas na binata. Gumamit siya ng lengguwaheng galing pang-Espanya! May kausap siyang medyo may kaedaran pa sa kaniya, pero hindi ko mawari kung sino sila!

Ni isang tao ay wala man lang akong nakita!

Puro kadiliman ang bumalot sa aking mga mata!

Sa aking lalamunan ay may bumarang plema! Tila isa akong gansa na hindi marunong magsalita! Ginawa na ng baga ang lahat ngunit ni isang wika ay wala man lang iyong nalikha. Nakatikom lang ang aking bibig na parang abala sa pakikinig sa usapan ng magkasama.

¡Alberto, vamos! ¡Parece que puedo encontrar a otro estudiante en el mapa! (Alberto, halika! Mukhang may mahahanap muli akong estudyante sa mapa!)

May pulang balot na nagpakita!

Nakalutang at nakatalikod lang iyong tela!

Sr. Tempiros! ¡La oscuridad debe conquistar la pequeña luz que ven! (Ginoong Tempiros! Kailangan na pong sakupin ng kadiliman ang mumunting liwanag na kanilang nasisilayan!)

Nawalan ako ng malay hanggang sa mapadpad sa isang panaginip.

One god embodied evil power. Mortal victims could dream his dark chamber dwelling below a vast demesne. Into the dark, there was a throne, one symbol enclosed of two curved glasses. Cerulean smokes of lightning were thickening from its base, strengthening a red-cloaked spirit.

"Nakasusulasok! Buksan mo muna ito, Alberto! Samahan mo akong makarating sa lugar na minarkahan mo sa mapa. Kinakailangan ko ng likidong nitroheno upang makatakas sa aking labaratoryong kulungan. Ano muna ang mga pangalan nila?"

"G-Ginoo! Amelia Jacintha Delos Santos . . . at Paolo Everette Delos Santos ang pangalan ng mga bata. Isang mortal na si Ravier Salazar ang kanilang nabiktima!"

"Kung gayon, humanda na ang lahat sa aking pag-aalsa!"

Siya! Siya si Tempiros, ang diyos ng kadiliman! Isa rin siya sa aking mga napanaginipan! Ang dahilan kung bakit ako nakulong sa apat na sulok ng kalungkutan!

̶I̶p̶i̶n̶a̶n̶g̶a̶n̶a̶k̶ ̶a̶n̶g̶ ̶i̶s̶a̶n̶g̶ ̶l̶a̶l̶a̶k̶i̶n̶g̶ ̶s̶i̶ ̶R̶a̶v̶i̶e̶r̶ ̶S̶a̶l̶a̶z̶a̶r̶ ̶n̶o̶o̶n̶g̶ ̶N̶o̶b̶y̶e̶m̶b̶r̶e̶ ̶2̶5̶,̶ ̶2̶0̶0̶4̶.̶ ̶K̶i̶n̶a̶l̶o̶n̶g̶ ̶s̶i̶y̶a̶ ̶n̶g̶ ̶k̶a̶n̶i̶y̶a̶n̶g̶ ̶i̶n̶a̶n̶g̶ ̶s̶i̶ ̶S̶o̶f̶i̶e̶ ̶S̶a̶l̶a̶z̶a̶r̶.̶ ̶A̶n̶g̶ ̶a̶m̶a̶ ̶n̶a̶m̶a̶n̶g̶ ̶s̶i̶ ̶J̶u̶s̶t̶i̶n̶ ̶a̶y̶ ̶t̶i̶n̶i̶t̶i̶g̶a̶n̶ ̶l̶a̶m̶a̶n̶g̶ ̶a̶n̶g̶ ̶m̶a̶g̶-̶i̶n̶a̶.̶ ̶H̶i̶n̶d̶i̶ ̶k̶a̶s̶i̶ ̶s̶a̶n̶a̶y̶ ̶s̶a̶ ̶p̶a̶g̶-̶a̶a̶l̶a̶g̶a̶.̶

Ipinanganak ang isang lalaking si Ravier Salazar noong Nobyembre 25, 2004. Masaya siyang kinalong ng kaniyang inang si Sofie Salazar. Ang ama namang si Justin ay nakangiting tinitigan ang mag-ina. Very happy kasi masaya rin ang baby!

Nagbago ang takbo ng buhay ni Ravier bilang si Naomi Evangelista. Hindi makapaniwala ang pamilya niya! It shocked them kasi may magic palang nag-exist sa totoong buhay!

They accepted the youngster's identity and its new persona. Pinatira tuloy ni Mama Sofie si Naomi sa isang condominium dahil sa takot. Pumayag naman ang anak. Everything changed for the better with Amelia or Rhea and her brother, Paolo Everette or Gilbert.

̶̶̶S̶̶̶p̶̶̶e̶̶̶a̶̶̶k̶̶̶i̶̶̶n̶̶̶g̶̶̶ ̶̶̶a̶̶̶b̶̶̶o̶̶̶u̶̶̶t̶̶̶ ̶̶̶f̶̶̶a̶̶̶c̶̶̶i̶̶̶a̶̶̶l̶̶̶ ̶̶̶f̶̶̶e̶̶̶a̶̶̶t̶̶̶u̶̶̶r̶̶̶e̶̶̶s̶̶̶,̶̶̶ ̶̶̶s̶̶̶i̶̶̶ ̶̶̶R̶̶̶a̶̶̶v̶̶̶i̶̶̶e̶̶̶r̶̶̶ ̶̶̶a̶̶̶y̶̶̶ ̶̶̶p̶̶̶a̶̶̶b̶̶̶i̶̶̶l̶̶̶o̶̶̶g̶̶̶ ̶̶̶a̶̶̶n̶̶̶g̶̶̶ ̶̶̶m̶̶̶u̶̶̶k̶̶̶h̶̶̶a̶̶̶,̶̶̶ ̶̶̶p̶̶̶a̶̶̶n̶̶̶g̶̶̶o̶̶̶ ̶̶̶a̶̶̶n̶̶̶g̶̶̶ ̶̶̶i̶̶̶l̶̶̶o̶̶̶n̶̶̶g̶̶̶,̶̶̶ ̶̶̶m̶̶̶a̶̶̶l̶̶̶a̶̶̶p̶̶̶a̶̶̶d̶̶̶ ̶̶̶a̶̶̶n̶̶̶g̶̶̶ ̶̶̶n̶̶̶o̶̶̶o̶̶̶ ̶̶̶a̶̶̶t̶̶̶ ̶̶̶b̶̶̶a̶̶̶b̶̶̶a̶̶̶,̶̶̶ ̶̶̶a̶̶̶t̶̶̶ ̶̶̶m̶̶̶a̶̶̶g̶̶̶u̶̶̶l̶̶̶o̶̶̶ ̶̶̶a̶̶̶n̶̶̶g̶̶̶ ̶̶̶b̶̶̶u̶̶̶h̶̶̶o̶̶̶k̶̶̶.̶̶̶ ̶̶̶H̶̶̶e̶̶̶ ̶̶̶h̶̶̶a̶̶̶d̶̶̶ ̶̶̶o̶̶̶v̶̶̶a̶̶̶l̶̶̶-̶̶̶s̶̶̶h̶̶̶a̶̶̶p̶̶̶e̶̶̶d̶̶̶ ̶̶̶e̶̶̶y̶̶̶e̶̶̶s̶̶̶,̶̶̶ ̶̶̶a̶̶̶v̶̶̶e̶̶̶r̶̶̶a̶̶̶g̶̶̶e̶̶̶ ̶̶̶l̶̶̶i̶̶̶p̶̶̶s̶̶̶,̶̶̶ ̶̶̶t̶̶̶a̶̶̶n̶̶̶n̶̶̶e̶̶̶d̶̶̶ ̶̶̶s̶̶̶k̶̶̶i̶̶̶n̶̶̶ ̶̶̶c̶̶̶o̶̶̶l̶̶̶o̶̶̶r̶̶̶,̶̶̶ ̶̶̶a̶̶̶n̶̶̶d̶̶̶ ̶̶̶b̶̶̶l̶̶̶a̶̶̶c̶̶̶k̶̶̶ ̶̶̶h̶̶̶a̶̶̶i̶̶̶r̶̶̶.̶̶̶ ̶̶̶B̶̶̶a̶̶̶s̶̶̶t̶̶̶a̶̶̶,̶̶̶ ̶̶̶m̶̶̶a̶̶̶l̶̶̶a̶̶̶y̶̶̶o̶̶̶n̶̶̶g̶̶̶-̶̶̶m̶̶̶a̶̶̶l̶̶̶a̶̶̶y̶̶̶o̶̶̶ ̶̶̶s̶̶̶a̶̶̶ ̶̶̶k̶̶̶a̶̶̶g̶̶̶a̶̶̶n̶̶̶d̶̶̶a̶̶̶h̶̶̶a̶̶̶n̶̶̶ ̶̶̶n̶̶̶i̶̶̶ ̶̶̶S̶̶̶e̶̶̶l̶̶̶e̶̶̶n̶̶̶a̶̶̶ ̶̶̶a̶̶̶n̶̶̶g̶̶̶ ̶̶̶k̶̶̶a̶̶̶n̶̶̶i̶̶̶y̶̶̶a̶̶̶n̶̶̶g̶̶̶ ̶̶̶m̶̶̶u̶̶̶k̶̶̶h̶̶̶a̶̶̶.̶̶̶

Speaking about facial features, si Naomi ay pahabilog ang mukha, matangos ang ilong, tama ang lapad ng noo, makinis ang baba, at maalon ang buhok. She had almond-shaped frosted eyes, white skin color, black hair, arched eyebrows, and long eyelashes.

Sa madaling salita, nakaiinggit ang ganda niya—mas maganda pa kaysa kay Selena! However, she concealed her beauty all by herself. She wanted to live an ordinary life. Iyong hindi na siya ang center of attraction sa nakahihiyang paraan.

N̶a̶n̶g̶ ̶b̶u̶m̶i̶n̶a̶t̶a̶ ̶s̶i̶ ̶R̶a̶v̶i̶e̶r̶,̶ ̶m̶a̶s̶ ̶n̶a̶g̶i̶n̶g̶ ̶b̶a̶b̶a̶e̶ ̶a̶n̶g̶ ̶k̶a̶n̶i̶y̶a̶n̶g̶ ̶p̶u̶s̶o̶.̶ ̶N̶a̶k̶a̶t̶a̶g̶o̶ ̶l̶a̶n̶g̶ ̶i̶y̶o̶n̶ ̶s̶a̶ ̶l̶a̶l̶a̶k̶i̶n̶g̶ ̶k̶a̶t̶a̶w̶a̶n̶.̶ ̶N̶a̶t̶a̶k̶o̶t̶ ̶s̶i̶y̶a̶n̶g̶ ̶l̶u̶m̶a̶d̶l̶a̶d̶.̶ ̶P̶e̶r̶o̶ ̶n̶o̶o̶n̶g̶ ̶u̶m̶a̶m̶i̶n̶ ̶s̶i̶y̶a̶,̶ ̶n̶a̶k̶a̶r̶a̶n̶a̶s̶ ̶s̶i̶y̶a̶ ̶n̶g̶ ̶d̶i̶s̶k̶r̶i̶m̶i̶n̶a̶s̶y̶o̶n̶.̶

Nangnaging dalagang Naomi si Ravier, mas gumanda siya. She had that 'Amazona' attitude, fiercer and crueler, but the better. She could be a goddess with poise lalo na sa business matters ng family niya! A great pretender! But most of the time, she was a badass extroverted girl who hung out with her co-guardians!

Ayaw niyang magkrus muli ang mga landas nila ni Jaxon. Well, sariling buhay niya na ang minahal niya!

Hindi na siya tanga! She was more realistic than before! Ayaw niya nang ma-in love! She was bitter! Taas pa lang ng kilay ay dapat mag-evacuate na sila!

2̶0̶2̶0̶
R̶a̶v̶i̶e̶r̶ ̶D̶e̶l̶a̶c̶r̶u̶z̶ ̶S̶a̶l̶a̶z̶a̶r̶
1̶5̶ ̶y̶e̶a̶r̶s̶ ̶o̶l̶d̶

Two years later. . .

2022
Naomi Evangelista Delacruz Salazar
17 years old

Napabangon ako mula sa pagkakatulog. Everything was calm. Ano ang nangyari sa akin? Binangungot na naman ako!

Tiningnan kong maigi ang bawat parte ng aking katawan. Everything had changed since two-thousand twenty.

Isa na akong ganap na babae. Ako na talaga si Naomi Evangelista!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top