꧁𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 π„πˆπ†π‡π“π„π„πβ’Ύβ–‘β–’

꧁ π’π„π€π’πŽπ 𝟐 ✒ π€π€πšπ₯𝐚

III A text message leaped through the air until it landed on Bella's phone!

Heartbeats reverberated. Her mouth molded surprise from the grayish boredom, letting the enlightenment glow upon her fair skin.

The message was from her boyfriend, William James, who was asking her for a date. Of course, that was their first anniversary. But since her so-called soulmate kneeled with a request, she must have prioritized it with a giggle of excitement!

While cherishing the growling eagerness, a meteor of anxiousness crashed into her mind! She was a curious cat, searching for possibilities about what would happen in the night!

Bella's parents applauded with eyes sparkling, proud of their daughter having an ideal man. If Bella owned William, she would not ask for anything.

Kaya naman ay pinag-isipan niya talaga iyong susuotin at nagpaganda nang bonggang-bongga! Masyado kasing guwapo ang jowa. Kaya dapat ay maganda rin siya para may manalo na!

Totoo nga pala ang forever!

Sabi iyon ng isang taong clever . . . na hindi scammer!

In love at 'feeling' ni Bella meant to be sila, so huwag nang kontrahin if ever!

Ang mga paruparong bukid ay nagliparan sa kaniyang sikmura!

Sa kalagitnaan ng paglalakad sa kalsada, ni-retouch niya ang kaniyang mukha!

At oo nga pala, may payneta pa siya!

Nagsuklay pa man din!

Ang jowang si William, may nais lokohin!

Haharap sa altar, at mananalamin!

Para siyang tanga na nangangarap nang gising!

Gumuho ang pundasyon ng kaniyang pagpapantasya, resulta ng kawalan ng pag-asa. Tumulo ang patak ng luha mula sa kaniyang mga mata para pintahin ang kabiguang nadarama.

Kawawang, Bella. Sumabay sa kadiliman ang maemosyonal niyang pag-iisa. Ang mga inilarawang pangarap ay nakaniningning sa mata! Ngunit kung padadaluyin ang malungkot na musika, maglalahong parang usok ang ilusyong pansamantala. Ang sigla sa mukha ay unti-unting nawala . . . dala na rin ng maling pag-aakala. Namulat siya sa pagiging ideyalista!

Sa reyalidad na kinahantungan ni Bella, madarama ang hindi mahulaang hatol ni Tadhana.

Sapagkat nabihag sa alindog ng pagsinta, may mga bagay na pakiramdam niya ay kaniya na.

Jigsaw puzzle ang tema ng kanilang istorya. Ang kaniyang nakuhang piraso ay mukhang kasya, pero kung ilalapat sa puso ng isang obra maestra, saka doon mamamalayang hindi sila para sa isa't isa.

Kaya walang magagawa kundi ang magpaubaya . . . para bigyan ng mas karapat-dapat na tiyansa ang iba.

When she entered the said restaurant, the grounds stopped her steps!

She froze. The maiden's shocking stares bulged into resentment!

That connection between William and a random girl was unbreakable, making it pleasuring enough to dazzle an intimate kiss!

Bella's dreams were like glass walls of the place, shattering into shreds of tears!

An ache started deep in her stomach when she noticed the smile on their faces!

The girl was flirty and showier than her. Litaw na litaw ang hita nitong hindi pa narurungisan! Nang dahil sa pekpek short nitong suot, na-insecure si Bella! Napatingin pa nga sa sariling hita na kinukubli ng itim na palda! Wala nang natira sa kaniya! Nakakita lang ng mas hipon, pinagsawaan na!

Sinugod niya ang mga ito; Kinuha ang bungkos ng rosas na nakapatong sa lamesa! Kasintimbang ng matinding galit, mabigat niya iyong hinampas sa mga manlolokong nadatnan niya.

Napaigtad ang dalawang naghalikan, nangangamba sa nangangapoy niyang kabagsikan. Malalandi kayo! Animal! Die, bitches! Umasik siya sa isipan. Mistulang naging mabangis na tigreng makikipaglaban.

Si William ay may pangakong kinalimutan. Sinabi niya pa nga na si Bella lang ang hihintayin hanggang sa dulo ng walang hanggan. Nagpauto naman ang babae sa mga salitang pinahiran ng katamisan. Ngunit sa tagal man ng pagmamahalan, mauuwi lang din sa miserableng luhaan. Sa pagsampal ng katotohanan, para siyang kinoronahan ng tinik ng kamalasan. At doon mari-realize na ang napakong pangako ay kasapi ng kalokohan!

Akala niya naman ay si William na ang the one! Pinagtawanan niya na lang ang imahinasyong pinaniwalaan!

Hindi siya talaga deserve nito! "Sige, maghanap ka ng iba, William! Basta, I am best, so let us break up!"

Bella left them without letting her boyfriend offer an explanation. Basta, babaero daw iyon.

Basta, tama si Naomi o Ravi! Huwag na munang magjowa. Ayaw niya na munang pumasok sa ganiyang larangan. Nakatatakot mapagtripan at masaktan. Imbes makabunga nang masagana sa mga produktibong bagay, nauwi pa tuloy sa nakapeperwisyong lumbay!

Nakasisilaw ang kagarbohan ng restawran. Subalit, hindi iyon namasdan dahil tutok sa pangyayaring hindi inasahan. Kahit sila na iyong pinagtitinginan, hindi niya na iyon pinakialaman. Her pain was more valid than her pride kung sakali man.

Ang pintuan sa magandang kinabukasan ay matutunguhan sa masikot munang daanan. Mas mahirap mag-move on sa taong pinagkunan ng kaligayahan. Ang pagmamahalan ay nagbibigayan, ngunit kapag ang isa lang iyong naubusan, maaaring humantong ang lahat sa kapalpakan!

Ayaw niyang magpagamit! Ayaw niya iyong tine-take advantage siya! But why did she end up like that?

Why was she hurting again? Hindi ba, sa CR, humiling na siya kay Amelia na magiging manhid na siya pagdating kay Jaxonβ€”ay, kay Jaxon lang pala tatalab iyon. Oo, hindi niya na ito mahal dahil may iba na siyang natutuhang mahalin(ngunit sa maling tao lang din). Napabuntong-hininga siya sa panghihinayang.

She could have wished better!

She cried on a bench, alone. Her eyes welled up with tears. Matapos ang insidente, noong gabing iyon, pumunta muna siya sa playground ng Market-Market para makapagmuni-muni. Pinanood niya ang makukulit na bata na patalon-talon sa ball pool.

Ang mga iba naman ay paulit-ulit na nagsa-slide tapos sasaluhin ng kanilang daddy.

She remembered her dad. Takot na takot siya dati sa matataas na slide. Pero ang sabi ng daddy niya, sasaluhin daw siya nito.

Tiwalang-tiwala naman siya kaya naisipan niyang maki-slide. But, sadly, hindi siya nito sinalo. Nasugatan tuloy tuhod niya!

Natakot daw ang tatay niya kasi ang bigat daw niya noon. Kaya umiyak na lang siyang nasasaktan.

Lesson learned: huwag magpapautong may magsasalo mula sa pagkakahulog. Baka sa huli ay pagsisihan lang. She would end up sliding down, get tripped, and cry again.

"Hush!" May tumabi sa dalaga.

Her eyes squinted! Wait a second . . .

Reiterating memories of the past overlapped in her senses. That word mannerism and firm voice sounded familiar, helping her recall the last time she heard those!

She lifted her chin to confirm who that man was. She knew it was him, but his nerdy look shocked her on the edge of the seat!

It had been a long time!

"W-Wilson?" Napahawak siya sa dibdib niya. Napakaliit talaga ng mundo at talagang doon pa sila pinagbangga ng tadhana!

Wilson Adam Harrison, her childhood friend who left her last year telling no explanation!

Nagtitigan ang dalawa. Ang eksena ay tumigil sa bolang kristal na dala ni Tempiros Vigilio, dating asawa ni Elena Ravenita.

Mayroong kuwebang siya lang ang makakakita. Habang talukbong ang kapang pula, sa pagbabantay siya abala. Magpapahinga muna siya bago umamba, ngunit hindi niya palalampasin ang istorya ni Ravier sa likod ng maskara ni Naomi Evangelista!

π‘π€π•πˆπ„π‘ 𝐒𝐀𝐋𝐀𝐙𝐀𝐑 ππ„πˆππ† ππ€πŽπŒπˆ π„π•π€ππ†π„π‹πˆπ’π“π€ '𝐒𝐀𝐋𝐀𝐙𝐀𝐑' |κ§‚Rehearsal namin sa choir for the first Friday mass. Puwede ko nang maibahagi ang talento ko sa pagkanta nang hindi bina-bash. Matapos ma-reject noong JS, mas dumami ang oportunidad.

Madalas, ako ang pinapakanta sa tuwing may morning assembly. Marami ang napahanga. Ganoon ako katindi noong panahong iyan! Hindi naman sa pagmamayabang, pero parang ganoon na nga, I became the school's songbird. Meaning, dinaig ko si Selena sa kantahan.

Our moderator asked me kung allowed ba akong sumali sa dance troupe ng school. I liked to, but I refused.

Naroon kasi sina Selena at Jaxon. But unfortunately, kahit ano ang iwas ko, kasama si Jaxon sa singing rehearsal!

Nakaiinit-ulo ang pagiging talented niya! At ako pa ang presidente ng club na iyon, so I had no choice but to act professionally.

Bago mag-general practice, kailangang mag-warm-up muna ang mga lalamunan namin sa pamamagitan ng Bahay Kubo. Kinanta namin iyon nang mababa . . . hanggang sa tumaas ang tono! To the point na ang matitirang matibay ay ang mga babaeng high-pitched.

Kasabay ng paninikip ng bawat baga, nakagigimbal naman ang pagtitig ng aming moderator! Napakaseryoso at istrikto! Ang matataba niyang daliri ay nagtinikling sa hilera ng mga tiklado.

Tuwing maghihimig kaming kabataan, maayos kaming igrinupo upang magkaisa ang iba't ibang musika. Para nga kaming anghel na bumaba sa langit. Ang kabuuang silid ay ubod ng vibrato, pinalilibutan ng pag-indayog ng tono.

Matapos mag-warm-up, kinuha ko ang attendance para sa mga hindi pa nakapirma. Isa na roon si Jaxon. Actually, siya lang ang wala sa attendance. Siya kasi ang huling pumasok.

Sumingkit ang aking mga mata, palihim siyang pinagsasabihan!

Pasaway, laging late!

Napakairesponsable rin nina Bella. Vice president siya, ngunit hindi man lang pinapirma iyong ka-strand niya!

Lumapit ako sa kumpulan ng mga lalaki sa kanan. If I was not mistaken, that J-guy was tenor.

Kunwari wala akong alam. Tatanungin ko kung sino iyong mga hindi pa nakakapirma sa attendance. Ayaw kong mapaghalataang sabik na sabik ako sa kaniya, ano. My sight would just treat him like someone random.

Iwinagayway kong parang bandera ang bond paper na hawak. "Guys!" Umangat ang maraming ulo pagkaangat ko ng attendance. Nagtanong ako nang nakalutang ang paningin sa kawalan, eye-contact ang iniiwasan, "Sino iyong hindi pa nakaka-fill-up dito?"

Sa peripheral view, nakaaagaw-pansin ang pagtaas ng isang kamay!

"Ako!" sagot ni Jaxon, isang tao.

Tuluyan kong hinayaan ang sarili na mapabaling sa kaniya. Sa kaloob-looban ko, ako ay napangiwi sa kaniyang tindig! Wala iyong bahid na pagkapropesyonal; Nakabukaka at bukang-buka ang inangat na palad. Para tuloy siyang grade one na desperadong makasagot sa teacher, isang kadustaan sa mamahalin kong pagkatao!

My lower lip twitched, so I bit it and hid it with a solemn nod. "Ah, Kuya, ito, o." Inabot ko sa kaniya ang G-Tech.

Umalerto ang kaniyang mga kilay noong hinarap ko siya. Pero nawaglit iyon dahil nakahalukipkip na akong naghihintay.

Pinatapik-pitik ko ang aking leather shoes sa kahoy na flooring, pampahaba-pasensiya. Pinakiramdaman ko ang pagkilos ng oras, pinapayagan si Jaxo'ng pag-iskeytingin sa papel ang panulat na itim.

Ngunit nang maglaon, nagbanggaan ang dalawa kong kilay sa pagtataka. Bakit ang tagal niya? Ano kaya ang problema?

Nagtanong ang lalaking nakaupo, "Uhm . . . anong oras na ba?" Binasa niya ang kaniyang labi gamit ng dila habang pinapasayaw ang ballpen sa daliri. Napatungo ako sa wrist niya.

I crossed my legs. "Kuya, may relo po kayo. Sira na po ba iyong sa inyo?" Napasalita akong mahinahon pa sa hangin. Parang saleslady sa SM.

Do not tell me na siya ang may sira? Suot niya pa nga ang pinagmayabang niyang Fossil!

Well, ako may G-Tech. Nagawa ko siyang i-shock kaya wala siya sa aking G-Shock!

Pero hindi siya sumagot, pinamumukha akong tuod doon. Kaya naman ay ako na iyong nag-adjust . . .

. . . kasi ako ang president! Dapat . . . the customer was always right!

Sumilip ako sa cellphone ng club moderator sa wooden table. "Kuya, four-thirty na po. Meaning, four-twenty-five ang time-in ninyo," sagot ko nang matapos na iyon.

Wala na rin akong ganang makipagbakbakan sa baklang ito.

"Okie," tugon niya sabay sulat ng four o'clock.

Halos mapaungot ako, muntikan nang maisatinig ang mura ng irita! Hinaplos ko na lang ang aking noo, facepalm alternative para hindi obvious. Hinawi ko rin ang buhaghag kong buhok(na dapat sana ay kinamot ko na!). Pumintig na nga ang ugat ko dahil sa katigasan ng kaniyang ulo!

I exhaled. Iko-correction tape ko na lang. Ano ba kasi ang ine-expect ko sa mga buwisit na katulad niya?

Enough with that drama! Presidente ako, dapat professional!

"Tapos ka na, Kuya?"

Hindi ko na nilagyan ng 'po' dahil gustong-gusto ko na siyang tarayan, sabunutan, o patayin! But, thank God, unique self-control was beside to choke me up.

Ngumiti siya at tumango, pahiwatig na tapos na siya. Kinuha ko ang G-Tech at papel mula sa kaniya at saka ipinatong iyon sa teacher's table doon sa gitna.

Tinalikuran ko na ang nakaaasar niyang ismid. Pumaroon na ako sa aking upuan. Basta, ang importante, tapos na ako sa kaniya. Tinanggap ko na last two years na hindi niya ako magugustuhan kahit ako pa si Naomi Evangelista. Pero, I guess, I was the one who broke our simple relationship with each other. Kaklase lang ang turingan namin noon.

Noong nag-open up ako, maraming negatibong pagbabago. But because of Amelia, I ran away from the dark clouds at last! Akala nila siguro ay patay na si Ravier Salazar. Gusto kong humagalpak sa tawa!

Si Ravier Salazar ay nasa tabi-tabi lang. Well, ako lang naman ang kaluluwang kinamuhian dahil sa kaniyang pagkukulang. Na ang tanging responsibilidad ay ipagpatuloy ang kagandahang matagal na ring sinayang.

Ang bunsod ng piano ay maalong nagwika. Ipinagpatuloy na lang namin ang pag-aabot sa mga nota. Lumagablab ang aking pasyon sa pagkanta. Nakahahamon man sa paghinga ngunit sa puso ay nakagiginhawa. Masaya!

Lumipas ang dalawang oras ng paghahasa. Nahapo na rin ang diaphragm ko sa mabibigat na paghinga. Pabuga-buga! Paulit-ulit na rin kami from the top dahil hindi maayos-ayos ng iba ang pagkanta! Dapat sustained talaga ang iilang mga litanya. Nangimay na rin ang magkabila kong panga. Ang nangiliting enerhiya roon ay makakapa, senyales na tama ang aking ginawa.

Ngunit akala ko . . . tapos na.

Nangulit sa aking tainga ang hagulgol ng problema!

"Na-remember ko again siya, Naomi," pagra-rant ni Bella. "Binati ko siya noong birthday niya tapos ako, dinedma lang kahit mag-post pa ako ng birthday ko sa FB Myday."

Pinatahan siya ng dalawa naming co-officer. Tungkol na naman iyon sa ex niyang manloloko na lumipat na sa ibang school.

Naparolyo ako ng mata. Takot ang baklang iyon sa confrontation. Tinakasan. Puwede namang lunukin ang pride, mag-sorry, mag-explain ng POV, at idaan sa maayos na closure pero wala!

Nag-impake na ang iba ng gamit. Uwian na.

Bayanihan nang binuhat ng mga lalaki ang piano. Ibabalik na iyon sa music room. Si Jaxon naman, nakipag-asaran at nakipaghagalpakan pa sa kagrupo niyang boylet.

That obnoxious smile was getting on my nerves! "Feeling close," I whispered inside my mouth.

Ibinunton ko na lang ang galit kay Bella. Hinanap ko ang bag niyang Gucci pagkatapos ay i-gr-in-ab doon ang bote ng Absolute water.

"Tubig, o," nanunurok kong dikta.

Inilahad ko ang bote na pawang robot. Tinanggap niya iyon at inubos ang three-fifty milliliter nito, dehydrated sa pagkanta.

"Umayos ka. Magligpit na tayo ng gamit." At saka ko dinaklot ang sariling knapsack nang makauwi na.

"Don't be like that, Naomi!" Ikinuyom niya ang parehong kamao. "K-Kasi, na-remember ko na naman dati na hindi niya ako gr-in-eet sa birthday ko. I thought kasi mare-remember niya ang happiest day ko. He saw my myday ko, pero he does not care. Nakakahiya naman kung ipipilit ko siyang i-love iyon." Uminom siya kahit wala namang laman iyong bote.

Pumamaywang ako at napasinghal, kinaaayawan ang kaniyang katangahan.

Umangat ang labi ko sa kapestehan ng maling akala. Kaya ayaw ko nang mag-expect. Para saan pa ba ang optimism kung masama naman lagi ang nangyayari?

Tumaas ang kilay ko hanggang sa mapagbuntungan muli si Bella ng galit. "Walang magagawa iyang pag-e-emote mo towards him. Kung gusto ka talaga niya, dapat interesadong-interesado siya sa iyo, hindi ba?" huling turan ko bago lumakuwartsa papalabas.

Kahit cold, hindi ko pa rin maiwasang masaktan para sa kaniya. Pero ayaw ko nang ipakita sa iba ang kahinaan kong iyon dahil walang sinuman ang kakayaning tanggapin iyon.

Sorry, friend, but Distance was the solution.

That fluffy jacket still covered my snowy skin. I did not even give my uniform a second to glimpse through the light. Be it indoors and outdoors, my body just attached itself to that exclusive garment. Nilabhan ko naman kaya wala dapat ipag-alala.

Sa mapayapang lobby, sa pagbilis ng aking hakbang, tila may laser na nakatutok sa aking gilid!

May nakatitig!

Humipo sa akin ang init ng kaniyang titig. Ngunit nanatiling diretso ang aking ulo sa harapan ng pintuan. Para akong kinakalabit sa peripheral nang ang i-stalker ay mabalingan. Ang atmospera sa kanan ay mistulang nagpaliban. Grabe namang magpaapekto ang presensiyang iyan!

An unlikeable familiar feeling. I wanted to stop walking, but my feet kept going. Baka isipin pa ng stalker ko na affected ako sa lihim niyang pagtingin. Kaya I ignored it and gave him a chance.

Nakalabas na ako sa senior high building. Tumigil ako sa street corner, looking sideways wearing shades.

I needed to maintain my hourglass figure by walking instead of taking an expensive commute.

"Well, look who's here!" May umepal.

Inawangan ko ng labi ang nagsalita. Oh come on, huwag naman doon!

Well, they were Evelina with her two big boy alipores, blocking my path. They were one of our group's rivals. Sila iyong mga pina-kick out ko sa school dahil numero-unong pasaway at bully.

Gustong kong kumawala ng mura dahil sa inis kay Bella! Dapat kasi may kasama ako noong panahong iyan, hindi ba? E, inuna pa ang pag-iyak sa jowa!

Tinaasan ko sila ng kilay. Ang mga kamay ko ay nakaipit sa magkabilang bulsa ng aking palda. Gamit ang malalamlam na mata, blangkong ekspresyon ang ipinantapon ko sa kanila.

Huminga akong malalim nang maapula ang nag-alab na damdamin. Humalukipkip ako at naglakad pakaliwa at pakanan, isa-isang sinusuri ang makakalaban.

Dumako ang aking atensiyon sa suot nila. Nakaputing T-shirt with printed quote ang balingkinitang babae sa gitna . . . samantalang nakasandong itim, naka-tattoo, at nakahikaw naman iyong mga panot na lalaki sa likod. Mga sanggano!

I said in a gentle voice, "Sa dami-dami ba naman ng panahong puwede ninyo akong harapin, bakit ngayon pa?" Nakakunot-noo akong ngumiti, may tiwalang maipagmamalaki. "Kaya please." Umiling ako at ikinumpas ang kamay papalayo. "Get off my way, bitches! Hindi ko kailangan ng mga epal sa oras ng lagim. Marami pa akong aatupagin." At saka ko sila nilagpasan nang agaran, tinratong parang hanging dumaan.

Sa kasawiang palad, a combo of two big boys united before my destination, confronting me with bravery! With that clenching intensity, they both grabbed my wrists as expected.

The vehemence of aggressiveness fueled up the nerves of my iris! So, I had no choice but to pull the trigger! I released the bowstring of dynamisms in my foot, making it reach and hit their balls.

Sapagkat napinsala ang pinakainingatang bahagi, napaluhod silang nagmakaawa sa parusa ni Haring Aray! Pagbalugtot ng kanilang likod, mas umaliwalas ang aking tanawin!

Kaya naman ay hangga't may tiyansa, tumakbo muli ang mga paa ko patungo sa likuran nila. Madali ko silang na-target-an dahil malalaki ang kanilang katawan. Sa tagumpay ay parang ini-score-an ako ng dalawang daan!

Tumingkayad ako; Masiglang pinataas-baba pa nga ang takong dahil hindi nakuntento. Pero since sumugal-talon ako sa bangin ng engkuwentro, tinakpan ko ang mukha ng kalaban at dinuraan.

Para manatili pa ring makinis sa mga susunod na araw, walang kapawis-pawis kong iniwasan ang nakadudunggol nilang suntok.

I smirked. Despite intimidating forces, none of their punches perched against my cheeks.

At sumapit na nga ang tunay na patimpalak! Winaldas ko ang mga naitagong baraha. Habang nagdurusa ang dalawang mokong, mabilis akong tumakbo paikot kay Evelina. Lumapit ako sa likuran niya. Ang nakalilipana kong pagsugod ay kasimbilis ng mandirigma. Bawat dagundong na nilikha ng aking mga paa, sisibol ang paghuhuramentado ng mga alikabok sa kalsada!

Parang mahikero kung makaasta, pinagpag ko ang binaong panyo at ipinahaba iyon pansakal sa kaniya!

Nasa likuran ko siya, hila-hila patungo sa gilid ng kalsada. Mabuti na lang at may konsensiyang natira! Nagawa naming mailayo ang isa't isa mula sa walang prenong Toyota.

Pagkahuli sa kaniya, hinigpitan ko ang aking mga kamay na parang ayaw ko siyang pakawalan sa aking buhay!

Nanlisik ang kaniyang mga mata. "How dare you!" asik niya sa harap. Pilit niya akong nilingunan para makita ang aking mukha. Kaso nga lang, tao siya, hindi Lego. Alangan namang mag-265 degrees paikot ang kaniyang leeg.

Pero since hindi kami nagkasundo, nagmistulang naghihilahang-lubid ang nagtaasan naming pride! Napamulagat ang pulang ilaw ng alerto. Sumirena ang gulat sa paghangos ko! Sasakalin niya rin kasi ako!

Her shoe was about to hit my knee backwards, pero agad akong pinatalon ng kaliksihan. Sinuntok-suntok ko siya habang buhat pa ako ng ere.

Nang makalapag muli sa semento, sumuot ako sa gitna ng hita niya.

Para akong naligo niyan sa pagod! Kaya ipinagpalagay ko na lang na dumaang ambon ang pagtalsik ng butil ng aking pawis.

Hindi ko na alam ang aking ginawa. Para akong sinaniban ng espiritu sa dami ng naakit na enerhiya.

I sighed and wiped my face. Pahinging hangin! Basta, ang importante, pinalakbay ko sa kawalan ang kabaklaan ng aking mga kasukasuan.

Ang malalaya naming galawan ay kasinggaan ng amihan. Noong kami ay nagsakalan, nasipa ko ang tiyan ng balingkinitan! Tulad ng nangyari sa naunang kalaban, napadapa rin siya nang tuluyan. Dumapo ang sugat sa daanan! Mas nabutas ang ripped jeans niyang kasuotan. Naapula na ang liyab ng laban.

Para makaahon, pahingal-hingal akong huminga at i-b-in-end ang nanlambot na tuhod. "Bakit ayaw mong pagalawin ang mga kamay mo? Ang tatamad talaga!" Ngumisi ako kay Evelina'ng nakahawak sa tuhod. "Chance mo na iyon, e." Sinapo ko ang nabinat kong tiyan pagtayo.

Sa aking pandinig, gumambala sa tabi ang singaw ng singhal.

Malalaki at mabibigat ang anino. Nakaliliyo! Pinigilan tuloy ako ng grabidad ng pagod at katamaran. Kaya lumingon ako para muling makita ang dalawang kasama ni Evelina.

Hindi pa pala ako makatatakas! Muling umatake ang pagkagitla sa aking dibdib, ngunit hindi pa oras para pugnawin ang aking lakas!

That was unfair! Ako lang ang mag-isang lalaban. Wala akong kakampi. Naghumiyaw ang aking kalooban sa kadayaan!

Mahahawakan nila sana ako sa braso, ngunit inunahan ko na sila. My palm squeezed their wrists, then I turned those around like I was opening a doorknob. Their throats stretched, groaning out the pain.

I gritted my teeth to where Anger would crush those into bits! "Do not mess with the bitch! Uuwi na ako." Pagbayo ng huli kong ganti, itinulak ko sila papuntang lansangan.

Tumalikod na ako para magpaganda. Ngumiti ako sa batong pader.

Bawal umihi rito.

Habang nagme-makeup at sinusuklay ang buhaghag na buhok, napakumento ako sa kokote.

Ang gagaan naman ng matatabang iyon! Hindi ko na kasalanan kung masagasaan sila. It was their regretful choice.

Ngunit nang magtagal, naudlot ang pagparito ng katahimikan!

Ako ay natigilan. Namilog ang aking mga mata sa kamatayang nangalabit sa likuran.

Wala muna akong nilingunan bagkus ay nanatili sa kinatayuan.

Pag-alis ng kamalasan ang aking inantabayanan. Ni paghinga nga na kinakailangan ng nananabik kong puso ay hindi ko man lang matugunan.

Pait, kawalang-katiyakan, at pangamba ang aking natikman.

Oo, nagpadawit ako sa kaguluhan.

Humahagulgol na nagmakaawa ang aking kalooban nang matuklasan ang silweta ng suntukan!

Kadiliman, puwede mo na ba akong lubayan?

Tila nananalamin lang akong inosente sa tapat ng 'Bawal Umihi Rito'. Pero mabuti na lang at walang nagtangkang manaksak sa akin. Nabunutan ako ng karayom doon. Ano ba kasi ang ginagawa mo, Evelina? Kaya naman ay pinabaling ko na lang ang sarili sa hagibis ng kabayolentehan.

But when I revolved my attention to an exceptional stature, a riot thundered inside my stomach!

I gulped as the fall of misery breezed around, asking . . . why was the world so small?

BαΊ‘n Δ‘ang đọc truyện trΓͺn: AzTruyen.Top