꧁𝟏𝟓.𝟔⢾░▒
꧁ 𝐒𝐄𝐀𝐒𝐎𝐍 𝟐 ✢ 𝕱𝖆𝖎𝖙𝖍 𝕺𝖛𝖊𝖗 𝕱𝖊𝖆𝖗
𝐑𝐀𝐕𝐈𝐄𝐑 𝐒𝐀𝐋𝐀𝐙𝐀𝐑 𝐁𝐄𝐈𝐍𝐆 𝐍𝐀𝐎𝐌𝐈 𝐄𝐕𝐀𝐍𝐆𝐄𝐋𝐈𝐒𝐓𝐀 '𝐌𝐎𝐎𝐑𝐄' |꧂Business Math bored me. Most eyelids were drooping, craving for good night's rest.
Professor's words boomed in the face of weariness. His red laser pointed on the new glass board, turning all heads towards the television.
"Juan Dela Cruz opened a bank account for his business," he said, reading the texts written on the bright white PowerPoint.
But I was not interested in his problems. Kaya naman ay ginala ko ang paningin sa kabuuan ng silid-aralan.
Nangibabaw ang katahimikan. Dalawang lalaki ang aking nakatabihan. Si Paolo ay nasa kaliwa samantalang si Wilson ay nakaupo sa kanan. Nang mapagtagumpayan ang kainipan, sarili nilang ballpen ay nagtunugan, pinaglaruan gamit ng mga daliring nagbaluktutan.
Bawat pulang upuang gawa sa fiber ay tinapalan ng mga pangalan, apelyido ng mga may-ari ng upuan, pinalalagay para sa kaayusan.
Since mayaman ang paaralan, solong lamesa sa tapat namin ay ginastusan. Tulad ng mga upuan, pula rin iyong pininturahan. Ayon sa sarili kong kaalaman, nagkakahalaga raw iyon ng six-thousand!
Ang mga hugis-triangulong lamesa ay nagdugtungan. Kapag nagdikitan, makalilikha ang mga iyon ng panibagong hugis sa anumang paraan.
Sa ibaba ng akin ay nagsiksikan ang mga aklat na magsisilbi kong sanggunian. Nakapatong din doon ang aking pencil case at whiteboard, dalawa sa mahahalaga kong kagamitan.
Sapagkat kami ay nasa likuran, ang aircon ay hininaan. Maraming balahibong nagsitayuan at kili-kiling nagsituyuan. Mas lalo rin akong pinahirapan ng kumulo kong tiyan. Kulang na lang ng pasta para naman ay mayroon iyong matunawan.
Tumingala ako sa mga LED light na nagsilawan. Ang kabagutang nanirahan sa aming katawan ay hindi matatanggal kailanman.
Dinig sa lakas ang buntong-hininga kong dumaan pa sa lalamunan. Mayroong sumaging reyalisasyon sa aking isipan. Kahit naka-e-entertain ang pagtuturo ni Sir Guzman, mayroon pa ring estudyanteng mababagot diyan. We could not please everyone.
My butt, sitting on my plastic chair, burned for one hour. When our lecturer lasered the number two, the bell rang for the third time, reverberating through the halls just to say . . . 'kainan-naAa'!
Sumabay sa alingawngaw na iyon ang maotoridad na boses ni Sir Math. "Classed dismissed. Ipagpatuloy na lang natin ito next meeting. Isasabay ko na lang sa next lesson natin na which is more about Principles pa rin," aniya bago dalhin ang tambak na papeles para makalabas.
Habang sinasalansan ko ang aklat na Math, tumalon-talon ang mga daliri ni Wilson sa aking balikat.
Nilingunan ko siya nang ang mga mata ay walang gana. "Ano ba kasi iyon? Magpapautos ka na naman ba na bilhan kita ng turon sa baba?" Humupa ang iritang iyon noong dumako ang aking tingin sa inilahad niyang flyer.
My mouth molded a bigger 'O' from its original form. As my glossy eyes had spoken interest, I grasped the printed sheet.
"Oh!" Pictures of band instruments bordered the leaflet. The musicians' silhouette in the rear and the singer in the center made me envy, igniting the flames of my passion for melody!
Noong ako pa ay si Ravier, may mga taong nagpumigil sa aking kumanta sa publiko. Pambabae kasi ang boses ko. Ikinahiya ko tuloy ang aking talento.
Pero since nakayapak na ako sa mas malayang mundo, puwede ko nang tuparin ang aking mga gusto! Kaya naman ay napalitan ng lugod ang namayaning takot sa aking puso.
"Uh, gusto mo sama banda?" Umamo ang ekspresyon niya kasabay ng pandidilat ng kaniyang mga mata. Epic fail naman ang pagpa-puppy eyes!
Pinasadahan ko muli ng tingin ang flyer. Faith over Fear o FoF ang grupong inalok niya. Actually, nagustuhan ko ang template ng ginawa nilang advertisement.
Nakatatakaw-mata! Galon ng ink ang naaksaya! Pero nakitaan ko ng pagsisikap sa pagka-Canva ng tema!
Naka-Golden Youth font style ang salitang Faith over Fear. Ang background naman ay in-aesthetic-an ng nagkikindatang bituin, alon ng liriko, at malulusog na ulap sa maasul na kalawakan.
"Sino ang members, and what is your . . . uh?" I looked up, thinking. "Ano ang ano mo? Drummerist ka ba? Pianist? Or what?" Kung ikaw, Wilson, ang singerist, malamang lulugi tayo riyan. Chour!
"Drummer. Ta's Jaxon singer, ta's 'di ko alam sino kasama niya. Best friend kapatid yata. Basta 'di Bella," he said, stiffening me from folding the flyer into half.
Tumingala ako. Blangkong ekspresyon lang ang pambati niya sa akin.
Hindi nagtagal, may tumabi! Napatayo ako mula sa pagkakasalampak nang madama ang presensiya ni Everette. Nakalikha ng tunog ang pagtapik niya ng sariling sapatos na gawa sa katad.
Tumikhim siya. "If Jaxon's are there, being with my own 'Char' is beterrer."
I gasped with my tongue rolling, refusing me to speak. A kaleidoscope of butterflies rambled the insides of me!
Extreme uneasiness rose when his bulky hand flew upon the treads of my sleeves—Oh no! Then it landed on my curved waistline! Chancing ka! T.I!
Pero since marupok ako, ipinagpalagay ko na lang na kasama ko si Daniel Padilla sa pag-photo shoot. Kaya naman ay bilang 'fan-gay', mas lumapit ako sa abs niya para ma-cherish ang moment.
Ngumiti kami sa isa at isa. Nagtagpo ang nagkislapan naming mga mata. Love team, kumbaga. Wala na akong pakialam kahit i-bash man ako ng mga walang jowa. Bahala silang ma-overdose sa kakakain ng ampalaya. Chour!
"Sama 'ko sa banda n'yo, Wil. Dapat kaming tatlo ang singer. Gusto ko ng may katapat!"
Bakit parang nanghahamon ka? Kaloka!
Tumimpla ang nakadududang aura sa kaniyang ngiti. Marahil ay sumilip ang matatalim niyang ngiping puti. Nakahalukipkip pa na parang sinasabing, 'challenge accepted, be-the-best-man-standing!'
Sinamaan ko siya ng tingin, ngunit mukhang may bibig ang kaniyang madamdaming baling na parang sinasabing, 'ayaw-mo-niyon? May ka-third party ka? Char!'.
"Sure, uh." Lumandi ang aking pananalita, mistulang nase-seduce. "Sure, I like to. Everette will always have a." Tumingin ako sa kaniya, natatawa awkwardly. "Will always have a special place in my heart, and I wanted to give him opportunities . . . a spotlight with me," sabi ko kay Wilson.
Napakagat-labi ako para mapigilan ang mas lalong pagtamis ng ligaya.
Siniko ko si Everette para naman ay humupa ang kilig. "Kung sasali ka, marunong ka bang kumanta?" bulong ko sa kaniya.
Hindi man lang nawarak ang kaniyang mukha sa lawak ng ngiti. "Huwag kang mag-alala. Mas lalaki pa boses ko kaysa sa bading na 'yon." Sumaludo siya sabay suntok sa dibdib. "Itaga mo sa bato, baka magulat ka na lang kasi nang dahil sa 'yo . . . mas gagaling ako!" Parehong nagtaasan ang kilay niya, siguradong-sigurado sa itinuran.
Napaatras ako, hindi makapaniwala. Aba, talaga lang, a? Kapag kakanta ka, si Shawn Mendes ba ang unang kong maaalala? O si Shawn the sheep?
Tumawa na lang ako nang 'pabebe'. "Thank you, ha. At least mayroon akong taong makakausap para lang maiwasan si Jaxon." And then we shadowed Wilson's trail.
Dumiretso kami sa Cafeteria de Casso, inspired by our company, Muvazo. Sa pader na tanaw sa malayo, nagtipon ang mga card boarded condo para magmukhang moderno.
Sinalubong muna kami ng karpet na kulay abo. Sa gilid niyon ay nakatayo ang bilihan ng buko. Amoy agad ang mga bagong lutong may toyo malapit sa pinto. Dinig ko ang pangungumbinse sa amin ng mga tindera na bumili na raw kami ng hamonado.
Marami na ring estudyanteng nakaupo. Kahit nga ang balkonaheng second floor ay sobrang idinayo. Nakadamit ang mga babae ng formal attire samantalang ang kalalakihan ay nakasuot ng puting polo.
Umabot sa aking tainga ang paksa ng mga guro. Sa kaliwa namin ay nakanatili ang mga lamesang rektanggulo, ang bahaging kung saan laging may engkuwentro sa pagitan ng mga pabibo.
Ang nagsisilakihang bintanang ikinabit sa facade ay mala-palasyo, samantalang ang ibang nakalambiting ilaw naman ay pundido. Pero since tanghalian at maaraw naman ano, hindi na kailangang magreklamo.
Nang tumingala ako, doon ko nakitaan ng pagkamalikhain ang mga inhenyero. Ang pabilog-bilog na disenyo ay pulidong inukit at kinulayan pa ng ginto.
Umupo kami sa sentro, ang aming trono. "Oy!" Kinalabit ko si Everette. "Wilson, ano ang mga kantang i-pr-in-int mo?" Humalukipkip ako paharap kay Wilson, katapat namin.
Nagkumpulan sa kaniyang daliri ang dose-dosenang music sheet. "Beautiful Name, Salamat, True Colors, Susunod Habang Buhay, Ez Mil, Million Dreams—"
"Hoy!" Kinumpas ko ang aking kamay para putulan siya. "'Di ba sabi mo, Everette, mas gagaling kang mag-English kapag kakanta ka ng English?" Kinuha ko ang nilahad na piyesa ni Wilson. "O, heto kantahin mo, iyong i-pr-in-int ni Wilson, Neneng B . . . chour! A Million Dreams pala." Humagikgik ako noong sumimangot ito.
"Wala 'ko lagay Ninang B. Ninang Betty nasa Amerika tira." Pinunasan ni Wilson ang kaniyang salamin pagkasabi niyon.
What! What the?
Tinakpan ko ang aking bibig saka pinadyak ang sapatos niya. "O-Obvious namang joke lang iyon, i!" maktol ko sa natataeng tono.
Kinompronta ko naman ang mapekas na pagmumukha ng aking katabi. "Heto, A Million Dreams." Ipinasa ko sa kaniya ang kakantahin niya.
Nagsalubong ang kaniyang kilay, palipat-lipat ang tingin sa mga line note. "Hindi ko maintindihan ang gagawin ko. What's are the meaning of everything of this G-Clef?" Lumapit ako sa bruskong katawan niya para mabasa ang mga nasa papel.
Kumapit ako sa kaniyang braso. "Lyrics na lang sa taas iyong kantahin mo. Balewalain mo na lang iyang mga music symbols sa baba." Itinuro ko ang lyrics.
Since may na-outcast, tumabi na lang din si Wilson kay Everette sa kaliwa.
"Kanta na. Inip na 'ko. Wag ka kaba. Basa kili-kili. Nipis uniform. Kita buhok. Asim-dumi. Cologne pa more." Natawa ako sa pamumuna niya rito.
O, hala kabahan ka na! Sali-sali ka pa, ha? Palibhasa, patay na patay ka sa akin, e. Chour!
"B-Bakit kasi pambabae?" Tumikhim siya, nanginginig ang masel sa lalamunan.
Nang humimig ang kaniyang bibig, of course, hindi na ako nagtaka kung bakit hindi ko mapikit ang aking mga mata. May kopya na nga ng lyrics, mali-mali pa.
Muntikan na rin akong mapapikit, e. Imbes na si Shawn Mendes ang humelele sa akin, si Shawn the sheep!
Sa Mars pa yata nanggaling ang tonong napulot niya. Hindi alam ang kanta. Ano ka? Wattpader? Imbentor? Gawa-gawa ng tono?
"Tigil." I zipped his mouth. "Bilang judge, may potensiyal ang boses mo. Maganda ang quality kasi naramdaman ko iyong lamig." Hinaplos ko ang mga ugat kong nanginig sa Iceland para mas ramdam. "Kaso nga lang, sintunado ka. Marami akong narinig na sharps and flats at dapat sana ay tinaasan mo man lang nang kaunti iyong ilan. Just saying," I said with my legs crossed.
Kumunot ang noo niya kasabay ng pag-tilt ng kaniyang ulo. "A-Ano? 'Di kita gets."
Wilson's monotone voice dominated our dialogue. "Sabi niya, pangit boses mo kasi . . . 'di taas. Da't taas mo raw," aniya rito.
Hindi ko alam ang gagawin. Hindi iyon ang ibig kong sabihin. Wilson, ang sarap mong sakalin! Iyang pagta-translate mo ay baka kaniyang masamain! Matu-turn off siya sa akin! Ako pa naman ay manenerbyosin!
Nagsilutangan sa isipan ang aking mga saloobin. Tila humigop ang baga ko ng sandamakmak na hangin, nag-iisip nang malalim habang sinasamaan si Wilson ng tingin.
Kumalat ang init sa aking pisngi! Kahit kailan talaga, hindi marunong umintindi! Ang pagsasama ko sa kaniya ay lubos kong ikinasisi!
Tumayo akong muli. "A-Ano? Hoy! Mali pagpa-paraphrase niya." Dinuro ko si Wilson. "Hindi n'yo ako naiintindihan—"
Umasik si Everette, "Tanga, e, mababa iyong boses ko. Iba ang tono mo sa akin. Mate-turn off ka sa 'kin kapag bumirit ako!"
"Hindi naman por que't mataas, birit agad. Mag-research kasi muna kayo." Napanguso ako at saka inayos ang pagkakaupo. "Noong napakinggan ko talaga, legit na sintunado, e. Tapos, bakit ang lyrics mo sa chorus, Sweet Dreams—hoy! A Million Dreams iyon—" Mistulang kinapos ako sa bokabularyo nang mapansin ang kanilang pagkapipi.
Nakapagtatakang malayo ang kanilang tingin sa bilihan ng chicharrón. Kaya naman ay sinubukan kong lumingon. Para akong nasa telebisyon dahil kada kilos ko ay may pagka-slow motion.
May matipunong lalaki na sa amin pumaroon! Nasa amin tuloy ang sentro ng atensiyon! Halata ang pagka-panic sa aking ekspresyon. Humarap muli ako sa lamesa ngunit walang nakahaing pagkain panlamon! Gusto kong humiling sa balon para mawalay sa ganoong sitwasyon!
Oh my goodness! Papalapit sa amin si Jaxon, ang nagpaasa sa akin noon!
"Char, bili na muna ako ng lunch. Ililibre na lang kita. Ano'ng gusto mo, Char?" untag sa akin ni Everette noong ako pa ay nakatulala.
"Ikaw ang bahala."
But before he dashed afar, he followed up, "Okay, Char! Babalikan kita!"
My fist tightened as my teeth gnashed when Everette flung those words, making it enough to slap Jaxon's face!
Tumingin ako sa nagdala ng anino. Pumamulsa siya at saka hinarap ang pangangatawang nagpakabog sa aking puso.
Pagkatikhim niya, tila nag-anyo akong tunaw na keso. Since mapapawisin ako, ang butil ng malalamig na likido ay tumulo mula sa aking noo.
Gumuhit siya ng ngiting nakaaangat ng dugo! "Ciao, I heard my fiance is joining my band. Great choice. I'll teach ya. Since matao, e, mamaya ko na lang kayo ililibre ng lunch at uwian. What do you want, Naomi?" His mellow greetings frenzied every of my gland, quivering my soul.
Jaxon approached us. His ageless presence pondered my memories with him. As our destiny crossed over, he noticed me. The light glistening in his almond eyes recalled about his blissful moments with someone. Those were the days when I could smile for him despite my diminishing soul.
In the past, two dimples carved on his cheeks would always captivate every human eye. He was beautiful in my imagination. His quiff hairstyle brushed in charcoal embodied a magnum opus, along with his well-crafted nose.
Like before, even the minutest of his movements would always reiterate in my mind. His deluxe aroma from Voyena bounded me, blocking the voice that I knew was reliable.
I froze when his head aligned in front of mine. "N-Naomi? I just said, what do you want. My treat." To mend from our tangled thoughts, he unveiled the smile staying on his lips.
Ililibre niya raw ako? Hindi ba nanlibre na si Everette? Bakit hindi niya alam?
I gulped while my sight wandered the cafeteria's corners, searching for someone just to avert my gaze from him. Still, I ended up seeing him.
"Uh . . . nilibre na ako ni Everette. Naunahan ka na."
His eyes and mouth widened, shouting in shock. "Everette? Who the hell is he?" he asked with a clenched jaw.
"M-My best friend." The phrase I released stuttered when Selena's alluring aura paced behind.
His head gestured a nod. "Oh, I see. Well, I might spend it for myself." He sat at our table, then roamed his vision around the boisterous crowds.
My arms crossed, looking down at our silvery table while my loose hair hides my face. "By the way, si Wilson na lang ang ilibre mo," I replied in a snobbish attitude.
The smile plastered on his face was different, like he was forcing in gritting his teeth. "If that's your bid, okay then. Wil, gimme your handouts."
Habang nagtatransaksiyon sila, sinilip ko si Selena sa aking likuran.
Napakunot ako ng noo dahil hindi ko malaman kung sino ang hinanap niya noon.
Naudlot ang pagsubaybay nang may naglapag ng tray, si Everette!
Tiningnan ko ang mga in-order niya. Pagewang-gewang ang likido ng coke sa dalawang baso. Dumako ang tingin ko sa aming viand: baked sushi. Langhap ng aking ilong ang usok na nilabas ng nakapapasong putahe.
Lumundag ang puso ko dahil nilibre niya sina Jaxon at Wilson ng mozzarella cheese at saka pesto.
Tila naglaway si Jaxon sa inilapag. "Hey, bro. Thanks, but you don't need to do this cuz I have a lot of errands to work on." Tumayo siya, nagpagpag sa harapan ni Everette na kasintangkad niya. "Matanong nga lang, are you Everette—"
Pinutol siya nito, binasa ang labi gamit ang sariling dila.
"Ano'ng ginagawa mo sa binabae ko? I'm her a friend, but you're only fried, not a friend. So I give you only fried foods, not a bake one as in bake sushi."
Napaiwas ng tingin si Jaxon nang magtama ang paningin nila.
Dahil doon, napakagat-labi si Everette pagkatapos ay umiling.
Kinabahan ako.
Seryoso na ang tingin ng mga tao! Tila pumuwesto na si Haring Katahimikan sa kaniyang trono! Mahigpit kong hinawakan ang metal na bangko. Ang pagkilos ng aking sistema ay muling umaktibo!
Bumilis ang tibok ng aking puso! Ang tensiyon sa nanlisik nilang mga mata ay nagmando! Base sa tingin nilang nangungutsilyo, ang determinasyong makipag-away ay nabasa ko!
Pinigilan ko ang tumigas na braso ni Paolo. Ang nag-alab nilang tingin ay dahan-dahang umamo. Huwag ninyong ituloy ito, aking pagsamo.
Naestatwa ako nang gumanti si Jaxon. "Dude, if you don't know me, ako na lang magpapakilala." Napaurong siya dahil sobrang lapit nila sa isa at isa. "I am her fiance that I should take care of." Inalok niya itong makipagkamay. "Nice to meet you, Everette? I am Jaxon Van, owner of Voyena."
Sa kasamaang palad, tinapunan lamang siya nito ng ngiwi. "Tinatanong ko ba at feeling mo naman, e, paki ko?" pagsusuplado nito, na tila mayroon siyang nakahahawang sakit para iwasan.
Jaxon's skull tilted as his brows touched his forehead. "Bro, I am 'trying' to be nice here!" He bowed bit by bit, like a gentleman.
But Everette still wore a skeptical expression, furrowing while his head moving backward.
"Trying hard amp! Sabi mo trying! Practice lang, gano'n?"
He swung his fist through the air, then his feet stamped the sturdy grounds in vexation!
"Bro—"
"Huwag mo nga 'kong bino-bro-bro diyan, bading naman! Trying nga, hindi ba?" putol ni Everette dito nang nakaigting ang panga.
Napamura si Jaxon at saka napailing. Hindi naging produktibo ang pag-uusap nila bagkus ay pinagdudahan ang isa at isa.
Tumirik muna ang kaniyang mata bago pumikit, nanggigigil! "You are really getting on my nerves! Puwede bang . . . huwag kang masyadong malapit sa fiance ko lalo na at hindi ako nagtitiwala sa mga lalaki?" Nangitim ang kaniyang paningin, tuluyang nawalan ng pasensiya!
Natawa si Everette, nagtagumpay sa pambubuko. "Ulol! Bakla talaga! Hindi ka nagtitiwala sa lalaki kasi baka perahan ka nila sa kabadingan mo." At saka siya humalukipkip na mukhang isang proud basketball player.
I was pissed off! My mouth could not handle the groans of my frustration! Ni hindi na nga ako makakain sa pagtatalo nila! Mga isip-bata! Before the rage worsened, I dropped the cutleries then stuck myself between them!
"Enough! Just let Everette stay, Jaxon." Pinamaywangan ko naman ang lalaking may mapekas na pagmumukha. "At ikaw naman, you did not even fully no each other kaya please . . . iwasan ang pagiging judgemental." I shushed them, then turned my path to the metal seat.
Hindi naglaon, napaigtad ako. Tumunog kasi ang relo ni Jaxon bago makalapit si Selena.
He shared a feeble smile with me. "If you want your best friend to stay, I will grant it for this day." He buried his wallet in his pocket. "Everette, kung hindi ka malalason sa lunch mo, let's talk."
Napatayo si Everette nang umuusok ang ilong, ayaw magpatinag! "Oh, so sinasabi mo bang magsuntukan tayo maya? Huwag na! Kung ayaw mong mamatay—"
Jaxon chuckled, relaxed in straightening his broad back. "Don't be silly. Gagawin ko ba iyon bilang mapagkakatiwalaang tao? Kasama natin si Sir Delacruz." May ipinakita siyang kraft paper. Nakaprinta roon ang kanilang permit bilang patunay. "He is the manager of FoF. You are needed in the AVR later since . . . ka-member ka naman." He looked at me. "Oh, Naomi, I've gotta go." Bineso niya ako bago umalis at lagpasan ang nakatayong si Selena.
Nang lumuwag-luwag, lumapit naman si Selena sa amin. Hawak-hawak niya ang sariling baunang pinaglagyan ng sandwich. Noong dumapo ang kamay niya sa monobloc, napansin ko ang bandaid na nakatago sa buhaghag niyang buhok.
"Is someone sitting here?" Umiling ako para makaupo na siya.
"Napaano iyan? Inuntog ka ba ng nanay mo sa tigas ng ulo mo?" Ngumuso ako sa noo niyang nasugatan.
Ipinagtaasan niya naman ako ng manipis niyang kilay, as if normal na sa kaniyang magkaganoon. "Hayun pa talaga ang una mong napuna sa akin, ano? Kahit kailan talaga." Bumaling siya kay Wilson para iwasan ang tanong ko. "I am here for Wilson, and what is all that fuss between you and Jaxon?" pang-uusisa niya kay Everette nang nakataas pa rin ang kilay.
Ikuwinento na lang nito ang mga naganap. Bawat kilos, berbatim, at reaksiyon ay pinaulit-ulit, hindi maka-move on sa pag-uusap. Matapos itong matunawan, sinunod nito iyong sinabi ni Jaxon, ang pumunta sa AVR.
Tulad ng ginawa ng huli, nagpaalam ito sa akin. Wala nga lang iyong kasamang beso. Kaya ingat na lang talaga sa lalaking iyon.
And since hindi pala kinain ni Jaxon ang libre sa kaniya nito, ibinigay ko na lang kay Selena iyon.
Kung kailang ten minutes before the time, saka ko lang naisipang mag-interview. Kinalabit ko siya. "Pakuwento naman ng past life ninyo ni Bella—"
She slapped me, then pointed to my left. "Are you kidding me? Gaano ka kalutang para sabihin kong nandiyan lang sa tabi-tabi iyang Bella'ng iyan?"
I turned around, and a woman with a touch of flabbiness stood near the empty stalls. My heart skipped a beat when I perceived Bella! Her fierce eyes scrutinized every inch of an entity, while her thick lips would criticize the vulnerable.
One aspect that made her exclusive was her brown hair. When kissed by the sun and breeze, it would turn into a roaring fire of violence!
Selena told a story while watching our ex-best friend, "To be frank, I envied her, but at the same time, I hated. Kasi feeling ko mas itinuring ni Ate Nirvanna na ginto si Bella instead of me. And when she knows that . . . we are friends, her plan becomes more successful. She slandered me." Darkness comprised the depths of her sentiments. "And used me! Para lang kampihan siya ni Bella. Para may tiyansa and chance siyang gamitin ito for the money." Her eyes conveyed a glimpse of loathing at what her elder sister did.
"Ang sama ate mo, Selena. Da't ako na lang ate mo."
Nagpaudyok sa aking humagalpak ang pagnguso ni Wilson. Kaya pala malapit ang loob ni Selena rito. Parang alagang kambing niya kung makapagsalita. Chour!
Pero since I was nosy, I asked, "Bakit hindi mo iniwasan si Bella kung alam mo namang pangit ang kahihinatnan?" Yikes! My lip stretched a mile wide, afraid that I might say the wrong words.
She straightened her posture, facing me. "Like what I said before, hindi naman ako iyong tipong tao na papabayaan lang ang lahat. Bella was the one who shed light after the sadness. As a thank you, of course, I have to make friends with her," she answered with her left elbow overlapping the table surface.
My brows furrowed, and my eyes narrowed, needing enlightenment. "Pero hindi ba, kaano ninyo si Jaxon? Karelasyon daw ninyo pareho?"
Nakakunot-noo siyang nakatitig sa akin, inoobserba ang kalagayan ng walang habas kong bibig.
"Are you kidding me? You are an idiot kung sasabihin mong karelasyon ni Jax si Bells! At ikaw pa nga ang nagsabi noon na hindi kailanman magiging kaniya si Jaxon, e!" May bahid ng pagtawa ang pagkakasabi niya.
Nanlaki ang mata ko kasabay ng pagtaas ng aking kilay, nagtataka. "Ay, weh? Sorry naman! Nakalimutan ko na." Kinamot ko ang sariling anit. "Iba na kasi ang focus ko sa buhay. At saka, hindi naman umiikot ang buhay ko sa kaniya so why bother—"
"If I were you, I would insist Jaxon in staying by your side alone. Tao rin siya, worth instructing for, like Bella—"
"You are gossiping about me because?"
Tumunog na ang bell. Hudyat iyon na tapos na ang lunch break. Subalit, kung kailang ending na, saka lang sumingit itong nakapamaywang na si Kris Aquin—ay este, Bella.
Wrong timing naman siya. Parang tanga. Chour!
Pinagpag ni Selena ang kaniyang palda nang kami ay tumayo. "It could have been better if you are early, though. But, it could have been best if you are not pestering here," bulong niya, nagtitimpi sa humiliation na inabot niya.
Rumampa si Babae sa tapat. "So, nagmu-murmur ka because?" ani Bella habang tinatapunan kami ng mala-maldita niyang tingin.
Humarap ako kay Wilson, ina-outcast ito. Kinalabit ko siya. "Sino kaya ang kausap niya, ano? Minumulto na yata siya, e. Palibhasa, late na sa CL. Mi-ni-nus-an na yata nang ten sa langit kaya nagparamdam ang mga demonyo," sabi ko at saka pinandilatan si Conyo Girl ng tingin.
"I got minus sa heaven and stalked by the demonyos because?"
Humakbang pasulong si Wilson, pam-Bong Go ang dating. "Bella, balik ka na classroom. Aral na lang. Para happy si God sa 'yo." Pinunasan niyang muli ang kaniyang salamin na ikinangiti ko.
Ngumiti nang hilaw si Bella, mistulang lumambot ang ekspresyon, inantok siguro. "Oh, Wilson. You are not in the position to say that. Do you forget na I am also the may-ari of this school?" she asked, as if naman na curious kami sa pa-trivia niya. "'Fa-leave-hasa', puro kayo drama-drama kaya afraid!" Halos mawalan siya ng poise dahil sa malikot niyang dila!
I also stepped forward to prove if plain drama nga! "Drama? Afraid? Why?" Nagsalubong ang kilay ko, hindi kumbinsido sa kaniyang pangangatwiran. "Hindi ba puwedeng emosyonal lang kaming tao at saka, marunong magsimpatya?" sabi ko at saka ginantihan siya ng ngiting malaman na hinaluan ng pagtaas ng kilay!
"Enough of that. Weak is weak. Drama is drama. Afraid is afraid, mga crazy na baliw! But I am telling you, this is the only start of the catastrophe, Naomi." Inirolyo niya ang kaniyang mata bago kami lisanin pa.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top