꧁𝟏𝟓.𝟐⢾░▒
꧁ 𝐒𝐄𝐀𝐒𝐎𝐍 𝟐 ✢ 𝕸𝖆𝖐𝖊 𝖆 𝖂𝖎𝖘𝖍 𝖆𝖓𝖉 𝕭𝖑𝖔𝖜 𝖙𝖍𝖊 𝕮𝖆𝖓𝖉𝖑𝖊!
𝐑𝐀𝐕𝐈𝐄𝐑 𝐒𝐀𝐋𝐀𝐙𝐀𝐑 𝐁𝐄𝐈𝐍𝐆 𝐍𝐀𝐎𝐌𝐈 𝐄𝐕𝐀𝐍𝐆𝐄𝐋𝐈𝐒𝐓𝐀 '𝐌𝐎𝐎𝐑𝐄' |꧂"Okay, i-assume natin na ang principal amount ay one-thousand pesos."
Isinulat ni sir sa glass board ang mga letrang hindi makita-kita. Pinanliitan ko pa nga iyon ng mata. Nasa pinakalikod at pinakagilid kasi ang aking silya at lamesa. Kung makikipagpalitan pa ako ay nakahihiya. Sinugod ng aking daliri ang balikat ng katabi kong binata.
Sumitsit 'akesh'. "Pakopya ng notes." Pabebe akong tumawa bago niya mailapit sa akin ang kaniyang notebook.
Naomi-Singer
Principal Amount = P1,000
Time =
Rate =
I = prt
"Tapos ang time kunwari, eight. Ta's iyong rate, zero point zero two or two percent!" Isinulat niya iyon sa board. "Ang formula ng compound interest ay A is equal to principal amount times one plus rate over—"
"Sir, pan-simple interest po iyong given—"
Babagsak sana ang mata ko nang nag-gong ang electric bell.
"Class dismissed. We will recall all of this next meeting," anunsiyo ni Sir Business Mathematics.
Sinuklay ko ang aking buhok at naunang tumayo para makapagdasal na!
Amen.
Inayos namin ang sariling kagamitan. Matapos niyon, hinintay ko si Wilson, isa sa mga ex-best friend ni Bella na kaibigan ko na! Syempre, dapat curious ako sa mga connection ng demonyang iyon!
Pinagmasdan ko ang hinintay ko. Humalukipkip ako dahil ang bagal niyang maglagay ng notebook! "Bilisan mo na riyang mag-ayos, Wilson. May kailangan pa tayong sundan. Alam mo namang maagang umuwi iyon," bulong ko kasabay ng pagkurba ng kaniyang postura.
Wilson was a nerd. Since my friend blended in the nerd's ecosphere, most people would stereotype him as a bookworm. Just like any other nerds, he was wearing eyeglasses with a slightly faded checkered waistcoat.
His stares conveyed boredom. Of course, nakabo-bored para sa akin ang subject na Math. Pero that was our work, e—to handle an extensive business!
One thing that made him distinctive was his rare eyes. Sa pagka-green niyon akala ko ay alien na siya!
Walang katigitigidig ang kaniyang balat. Naihalintulad ko ang kaputiang iyon sa balat ng isang diwata—sa diwatang nangangalang Ravier.
Chour!
"Naomi, punta tayo labas." Nagising ang diwa ko sa walang kaemo-emosyong tawag ni Wilson.
Ngumiti ako. "Sige, labas tayo. Punta tayo Selena bahay niya," panggagaya ko sa kaniya sabay turo sa pinto gamit ang hinlalaki.
Hindi naglaon, sa pasilyo kami pumaroon. Tinapik ng bawat leather shoe ang karpet na kulay crimson. Since uwian na, expected ang hindi mabilang sa kamay na populasyon. Hindi nakatulong ang effort ng ceiling fan dahil sa dami ng nakitipon. Kulang na lang ay maging babae itong si Nerdy dahil halos magpalitan na kami ng mukha roon!
Ni hindi kami puwedeng tumigil muna sa paglakad dahil marami ring papunta sa aming direksiyon. Hindi na rin makasintas si Wilson.
"Ako na riyan, Wilson," turan ko pagkatapos ay ibinitbit ang kaniyang laptop bag at karton.
Kawawa naman. Masyado kasi siyang masipag magdala ng books at jotters kahit hindi naman kailangan ang ilan.
Iginala ng aking paningin ang hallway na inarawan. Sa kabila ng mga aninong nagsulputan, nagawang sinagan ng araw ang dilaw na pader na aming nilagpasan. Ang ihip ng hangin ay may kalakasan. Dahil diyan, sinayawan kami ng mahahalimuyak na halaman sa malapad na dungawan.
Kahit sinakop ang koridor ng mga bulungan, may mga tunog ng instrumento akong napakinggan. Ang ritmong iyon ay sumagi sa aking isipan.
Ang pag-i-strum ng gitara, paghampas ng maraca, at pagpindot ng piyanista—ang nag-apoy pa lalo sa aking pag-ibig sa musika!
"O, si ano . . . ay! Iyong gitara daw pala na kay madam? Punta tayo sa bahay nila! Weh? Sagot mo, ha! Masikip ba ro'n? Hanapin na ninyo! Nasaan na sila?"
Pagkabaling pa lang sa harapan ay may tumambad na kumpulan.
Umawang ang aking labi. Banda—isa sa mga pangarap kong salihan habang nabubuhay pa ako!
Tumikhim ako. "Excuse me po," bulong ko sa mga nakaharang na may dala-dalang gig bag.
Sumibol sa kanilang mukha ang pagkagulat. Napahangos pa nga ang isang maputing babaeng tigyawatin. Tila nakakita siya ng hot air balloon nang malamang ako si Naomi, ang may-ari ng kolehiyong paaralang iyon!
"Gosh! Si Naomi." Gamit ang paanan nila, ang mga instrumento ay pawang otomatikong luminya para bigyang-daan ang reyna.
Ngumiti ako ngunit nakatingin sila kay Wilson.
Oh, a goddess with a nerd.
Nakako-conscious! Bumaling na lang ako sa katabi kong pinahaba ang strap ng backpack.
"Puwede libre mo 'ko Conti's maya? Kasi libre mo sabi mo," request niya.
"Ikaw, ha! Sa susunod, ikaw na manlilibre. Sa Vikings, ha. Kaya ihanda mo na ang wallet mo dahil sigurado akong ikaw ang top one sa first quarter! Parang gusto mo na ngang i-perfect iyong Math, e!" Pinilantik ko ang aking kamay. "Remember, thirty-nine ako noon samantalang ikaw—sixty na keri mo pang i-sixty-one."
Ngumiting umiling siya. "Hindi ako review bahay. D-Dito ako review kasama ka," aniya saka tumungo.
Since may pagka-introvert ako way back then, the same interests formed our bond.
Wilson was fond of speaking the Pidgin language. Allergic siya sa paggamit ng pang-ugnay. Siguro, Bella, the artificial, might intimidate him.
"Bakit isip mo sundan Selena?" untag niya nang maabutan ng aming landas ang makitid na hagdanan.
Inayos ko ang nakatabingi niyang salamin. "Birthday niya kasi ngayon. Kaya I decided na ano, sundan siya. Kasi hindi ba, nabu-bully siya lagi rito?" sabi ko.
Tiningnan niya ako. "Okay," tugon niya sabay angat ng magkabilang balikat. "Kawawa naman Selena. Bait ganda siya pero bakit away-away Bella?"
I whispered, "Bella. Gaano ba kasama si Bella sa iyo?"
Namula ang kaniyang pinalobong pisngi. "Inis ako kaniya. Kausap ko siya dati. Kulit ko lang siya na suot bulaklak tainga niya pero high blood sa 'kin at iwan ako," sagot niya saka ngumuso.
"Aw, do not worry." My hand flew on his right shoulder. "I will review with you na lang," sabi ko bago itaas nang sabay ang mga kilay. "Smile ka na, cutie!" Pinisil ko ang pisngi niyang puto!
Hinawakan niya naman iyon. "Ayaw! Ayaw ko pisil-pisil pisngi ko! Kasi alam ko Bella lang karapatan pisil ako kasi mas close kami. Sunod ka na," kuwento niya nang makaapak sa tapat ng entrance.
Tumalon ako nang mababa. "Kasi naman, kahawig mo si Kim Soo-hyun, e!" panggigigil ko sabay alog ng kaniyang balikat.
"S-Sino Kim Soo-hyun? Sino siya? 'Di ko alam siya." Bumaling siya sa ekspresyon kong nakangiti.
"Iyong nasa My Love from the Star. Role niya roon ay iyong alien. Parang ikaw, alien magsalita. Nood ka kasi Netflix sa susunod, ha." Tinampal ko ang matamlay niyang kamay. "Nabo-boring kasi ako sa mga binabasa mo, e." Bumusangot ako pagkatapos ay kinamot ang anit sa inis.
Binungad kami ng kapaligiran. Dumiretso kami sa silungan para hindi kami mainitan.
Sa waiting shed ay may magjowang hindi napigilang magharutan! Bawat magkakaibigan ay nag-ingayan. May mga ilan pang bumili ng kwek-kwek o hindi kaya ay nag-araan! Dahil sa dalang kasiyahan, isa kami sa mga nausukan.
Katulad ng nakasanayan, kulay berde ang tuyong damuhan. Matapos namin iyong apakan ay may nakatayong simbahan sa kanan. Pinaganapan iyon ng mga kasalan.
Ang dinaanan namin ay sinakop ng mga tindero sa milk-tea-han. Since sikipan na rin sa parking-an sa labasan, ang mga bumusinang tricycle drivers at ilang sasakyan ay hindi na napagbigyan.
Parang walang COVID noong nakaraan!
Namilog ang mata ng aking kaibigan. Matapos niyon ay ako ang kaniyang kinalabitan. "Sino babae banggit mo?" tanong niya saka itinaas ang backpack strap dahil nabigatan.
"Si Selena. Kung minamalas ka nga naman e ano, ang daming tao rito. Baka hindi na natin siya mahanap. Bulag pa naman ako," sabi ko at ibinagsak ang magkabilang balikat sa bigat ng dala-dalang kagamitan.
Ngumuso siya. "Babae hanap ko."
My brows touched my nasal bridge when I glanced at him. "Malamang babae ang hanap mo kasi straight ka." E ako, bakla ako kaya matso guwapito ang hanap ko—oops, muntikan ko nang nasabi! Chour!
Nakaloloka kasing kausap si Nerdy! Alangan namang lalaki ang hanap niya kung straight naman siya!
Pinadyak niya ang kaniyang kaliwang paa. "Kulit mo, grabe. Ito, o. Babae nga hanap natin. Siya Selena, 'di ba? Kung maganda, siya na 'yon."
Por que't may maganda, si Selena kaagad? Hindi ako?
Pawang kasinungalingan!
Tumuwid ang kaniyang daliri paturo sa babaeng papalabas ng main gate.
Tinampal ko ang kamay niya. "Hoy! Masamang magturo," bulong ko nang nanlalaki ang ilong.
Pero iyong babaeng nasa malayo—nakatalikod!
Pamilyar! Sumingkit ang aking mga mata noong maaninag ang bag niyang Hawk. Siya iyon! Ang kaniyang hita ay mala-porselana! Naging kayumanggi naman ang kaniyang rebonded na buhok sa tuwing tatamaan ng araw!
Hinila ng aking kamay ang pulsuhan ni Wilson. "Tara na. Kung lalapit tayo sa kaniya, huwag nating ipahalata na may tao sa likuran niya. Huwag tayong masyadong malapit. Magtago tayo kapag lilingon siya. Huwag kang maingay, ha," saad ko kay Nerdy.
Tumango siya nang mabagal. "Alam ko. Ikaw lang ingay sa 'tin dalawa. Sarili mo damay mo, tange." Napangiwi ako sa panunumbat niya.
Grabe ka namang nerdy ka. Kung makatangengot, wagas! Ni-remind lang naman kita kasi concern ako sa plano natin pero bakit ako pa ang kina-karma mong bakla ka?
Pero at the second thought, ako lang pala ang madaldal sa amin. Chour!
Since ma-pride ako nang slight, nagtaray muna ako. "Tse! Ang weird mo." Inipit ko ang maalon kong buhok pagkatapos ay inirolyo ang aking mata. "Tara na nga! Nasa labas na siya!" sabi ko pa bago ihanda ang enerhiya upang madapa!
Chour! Para tumakbo, I mean.
Nagtago kami sa isang car trunk para makapagbuntong-hininga. "Kapagod," turan ko sa gitna ng pagpapahinga. "Wilson." Nagtipon ang mga butil ng pawis sa kaniyang maputing noo. Hindi kasi siya sanay sa initan.
Binuksan ko ang zipper ng bag. "Magbimpo ka muna, o. Heto." Kumuha ako ng bimpo at tumbler doon. Namaos ang aking boses matapos ang isang kilometrong paglakbay. "Heto, tubig," sambit ko para may sumalong tubig sa init na naramdaman niya.
Hinipo ko ang puwet ni Kotseng Ford para masilayan ang isang mansiyon.
That micro-mansion was simple. In front, palm trees laid around as a barrier to the house's blue and white colors. Below the top windows dwelled a garage with an entrance door raised beside it. The gate was open guardless. My upper lip showed my teeth when the friendlier sunrays shone over its boxy facade.
Yes, we limped through Selena's house near San Joaquin. Ang tanga ko nga kasi we did not even drive using my bodyguard's service for that! Baka hinintay na ako nito.
Bahala na talaga si Tita Susan sa akin. Hindi niya naman siguro ako iga-ground for weeks dahil mabait naman siya at hindi gaanong ka-judgemental. Chour!
Hinarap ko si Wilson. "Huwag muna tayong magsalita, okay?" salita ko bago hawakan ang kaniyang magkabilang balikat.
Binigyan niya lang ako ng walang kaamor-amor na ekspresyon. Ang mga mata niya ay walang gana, habang ang mga kamay ay nakabagsak na ginagawa rin ng mga zombie. Nakalimutan yata siyang painumin ni Tita ng Appebon Kid kaya walang appetite. Chour!
" . . . "
Magaling! Hindi siya nagsalita. Masunuring bata. "Hanggang monologue muna tayo for the meantime." Tumayo na kami at ipinagpag ang damit pang-ibaba.
Tumawid kami sa kulay abong kalsada. Kumaripas muli ang aming mga paa sapagkat amoy basura. Dumiretso kami sa bintana ng bahay ni Selena. Gusto ko ring kumustahin ang lagay ng kaniyang pamilya.
Thankfully, the gate was open a mile wide while someone locked the entrance door. We headed to the mansion's left. Bushes protruded on the leafy soil leaned over the blue-painted cement. Our spines arched to hide there.
Wilson's fist turned into tight balls. His knuckles clustered on the condensed window that had been blocking the view. My sight observed the interior despite the blurry panel.
Selena's sister, Nirvanna, rambled to the living room. "Selena? Where are you?" Her thin voice echoed.
"I am here!" Selena's steps were like fast heartbeats vibrating on the reflecting flight of stairs.
Pinanliitan ko ng mata ang dalawa. Parang nangamoy . . . nangangamoy isda. Bakit kaya? Siguro ipinagtaasan lang siya ni 'ateng' Nirvanna ng kilay saka pinamewangan?
Hala! Mataray rin pala ang ate niya!
Inilagay ni Selena ang pareho niyang kamay sa baywang. "What do you need from me again, Ate? Kung pera lang naman ang habol mo, please . . . wala kang maaasahan sa akin. Matatalino at mahihirap nang utuin ang mga tao ngayon," she supposed, raising both eyebrows.
I gasped. Money? Why did they need cash from elites kung may-kaya naman sila? Were not they contented with what they had?
Nirvanna's head tilted, then her right eye squinted, skeptical. "Really? Are you now underestimating yourself kaya mo nasabing matatalino na sila? You are smarter than those people trying to be smart, Selena!" she said while her neck forwarded.
The steam came out in their ears. "Fuck, Ate! Bakit ba ako ang dinadamay ninyo sa putik ninyong plano? Pinamumukha ninyo akong desperada para kina Bella, e!" Pinalipad ni Selena ang isang libro sa ere. "Kayo ang gumawa para malaman ninyo kung gaano kahirap magpasimple ng nakaw!" Ihinagis niya pabagsak ang nakakuyom niyang palad sa tapat ng sariling balakang.
Nagmando ang ngitngit!
Dumagundong ang kanilang padyak sa makahoy na palapag!
"Wala ka bang bibig para makapagsabi ng 'classmate, could you please give me one peso, 'hehe?'. This is urgent," turan ni Nirvanna sabay lahad ng kamay. "Paano na ang ating business? Lalo na't you, breaking up with Jaxon, pissed me off!"
"Ate, hindi ako iyong tipong taong basta-basta lang hinahayaan ang lahat! Pinakawalan ko siya dahil ayaw ko siyang madamay sa kaputikang ito—"
"Aba, pasalamat ka at mahal ka namin! Mahal namin ang reputasyon mo!" asik niya bago ito hawakan sa magkabilang balikat. Lumapit pa siya, nakalabas ang ugat sa leeg. "Bakit ba kasi napaka-concern ni Mama at hindi ka na lang niya ipinag-porn live sa labas para magkapera agad tayo?" Lumandi ang pananalita! "Ang ganda mo . . . pero sayang! Hindi pinag-porn." Nilagpasan niya ang nakababatang kapatid.
"Takpan mo ang mata mo, Wilson! Porn daw," sambit ko sa katabi kong nakisilip. "Tainga mo pala!"
Oh my gosh! Napahawak ako sa parehong pisngi nang nakanganga. Si Selena, balak daw ipag-porn nang live?
May pagsigaw. "I would rather die rather than existing in those impurities! Ayaw ko na rito—"
"Alalayan mo ako, Wilson. Nahihimatay ako!" sabi ko sabay sandal sa malapad niyang dibdib. "Thank you." Umidlip ako pagkatapos.
"Ano nangyari sa 'yo? Tapos na palabas," aniya.
Napamulat ako. "Alam ko, pero kasi iyong salitang ano . . . porn!" Walang preno sa pagngisay ang aking katawan sa kilabot. My virgin mind was shaking! Oh my goodness!
"Katawan mo kalma. Tigil na, please," utos ni Wilson saka hinawakan ang aking braso.
"Ih, nakikiliti ako!" reklamo ko sa kalagitnaan ng pagre-reflect.
Totoo ang sinabi ni Amelia, ang kapalaran ko ay nakadepende sa ugaling maipapakita ng mga tao.
"What the hell are you doing there, idiots?"
My eyes narrowed when a sighing voice flew into the air! She looked down at the moving shadows. Her daring yet serene eyes spoke mysteriousness that I could only see in fiction.
That dangling hair was comparable to Sadako because her provoking aura was terrifying me!
Kumaway ako. "Ay! A e, S-Selena, kumusta—"
"Do not pretend that you did not hear something!" Itinaas niya ang manipis niyang kilay. "Again, bakit sinundan ninyo ako? May gusto ba kayong kuhanin sa akin? Huwag na kung ganoon!"
Napaurong ako habang si Wilson ay humakbang pasulong. "Selena, bakit gano'n ate mo? Kawawa tayo. Iwan tayo Bella. Lungkot ako sa 'tin," saad niya sa tuwid na katawan.
Napapikit-mulat si Selena. Biglang umamo ang kaniyang mata nang makita ito. "W-Wilson?" Kusang kumapit ang kaniyang mga kamay rito. Nag-aalala niya itong tiningnan.
"Are you guys related to each other—"
"We do not have the same blood, but Wilson is very important to me because he is innocent. Gaga lang ang sinumang mamamlastik dito!" Her brows met in anger like she was forming thunder. "Alam mo namang walang kamuwang-muwang ang nerd na ito! Bakit mo naisipang samahan siya sa mga plano mo?"
Binalingan ko si Nerdy. Bakit hindi mo sinabi sa aking magkakilala kayo? Well, since pareho silang mag-ex-best friend ni Bella, that made sense.
"Selena, huwag ka galit." Kumalma ang mukha ni Selena rito. "Kalimot mo ba birthday mo ngayon?" tanong nito saka ibinaba ang tingin sa dismaya. "Lagi ko celebrate birthday mo. Cake bili ko kahit sa Amerika ako."
Nanubig ang kaniyang mga mata sa sinabi nito, pero agad na umiling. Natigilan. "Hindi uso ang birthday sa amin." Lumunok siya. "Sa mga pagsubok ako nakapokus at hindi sa mga kasiyahang ito. Ayaw ko nang maging masaya, may karma."
My heart softened while I walked towards her. Para siyang babaeng naka-hoodie na itim, nakinig gamit ang earphone, nakayuko habang ang mga patak ng ulan ay tumatama sa transparent niyang payong. Nakalulungkot. Smokes of darkness enslaved her, which was her family!
Lumobo ang pisngi ni Wilson. "Selena, hindi ka pa yata kain. Kain tayo. Gutom ako." Inalog niya ang kanang balikat nito. "Tubig lang inom sa 'kin Naomi. Pinatakbo ako. Pagod niya ako. Hayop siya." Itinuro niya ako na parang naging pabaya akong ina sa kaniya!
Itinuro ko ang aking sarili. Bakit parang kasalanan ko? Pasalamat ka at may nakapapanabik na eksena tayong napanood, e! Puweh! Hindi kita ililibre!
"Is that true, Naomi? Alam mo namang hindi exposed itong lalaking ito sa labas, but you did not take care of him!" she yelled at the top of her lungs.
Nag-piece sign ako. "Uhm." Hindi rin naman ako exposed, e. "Ah, ako na lang pala manlilibre sa iyo—sa inyo, I mean," turan ko.
Ang sarap mang-karma, e. Ako pa talaga ang sinisi niya e pumayag din naman siyang i-i-stalk si Selena.
I smelled something sardines! Chour!
Pero sige na nga. Since kailangan kong magbait-baitan, sige, pakainin na sa Conti's! Paraan na rin iyon para makausap ang good side ng demonyang ito.
"Thank this guy. You do not need to impress me with your money. Hindi ako nadadala sa mga libre na iyan," ani Selena sabay halukipkip at tingala sa palm tree.
Luh? Tumugon ako, "Pero pera naman ang gusto mo, hindi ba—"
"Are you kidding me?" Pumamewang siya. "Nakinig ka ba talaga sa usapan namin? Wala akong sinabing gusto ko ng pera. Aanhin ko ang pera kung sa iba naman mapupunta?" Lumingon siya kay Wilson na hawak-hawak ang kumalam na sikmura. "Oh." Ipinagtaasan niya ako ng kilay. "You really have to thank him joining with you. Kung ikaw lang siguro ang mag-isa, baka hinambalos na kita papalabas kasama ang mga pulis. Trespasser," bulong niya saka ako nilagpasan kasama si Wilson.
Nagsalubong ang kilay ko. Bakit ako pa ang pinagmukhang masama kung sa tingin ko naman ay tama ako? Buwisit!
Umupo kami sa table number one ng Conti's bakeshop. Nasa pagitan nila ako. Katabi ko si Wilson sa kaliwa habang ang birthday celebrant ay nasa tapat namin.
"Kanta tayo Gilbert—Wilson pala." Natawa ako. Iba kasing boy ang nasa isip ko. "One, two, three, go! Happy birthday to you!" Palakpak!
"Happy birthday. Happy birthday. Happy birthday toyo," walang kaemo-emong kanta ni Wilson.
Umangat ang kaliwang labi ko. Eh?
Amoy toyo ba si Selena?
Chour!
"Make a wish and blow the candle!" I commanded, then my hands gripped the knife!
Hinipan ni Wilson ang nakasinding kandila.
Tinampal ko ang kamay niya. "Hoy! Hindi ikaw ang birthday celebrant!" Dinuro ko siya. "Mag-research ka muna, ha!" sabi ko nang nanlalaki ang ilong.
"It is okay that Wilson blew that." Dumekuwatro si Selena saka napabuntong-hininga. "I do not need a childish wish! Hindi naman lahat ng wish ay nagkakatotoo. And ang paghipan-hipan na iyan?" Itinuro niya ang color pink na candle gamit ang tinidor. "Pang-maarte! Hindi rin naman ako maarte katulad mo," saad niya pagkatapos ay inirolyo ang mata.
Ulol ka rin, e! Sasabihin ko na sanang maarte rin siya pero iba pala ang maarte sa mataray, ano.
"Curious lang ako." We formed a conversation as I placed my crossed arms on the table. "Uhm, paano mo naman nasabing maarte ako? Hindi ba dapat nagpasalamat ka na lang?"
"Puwede naman kasing mag-Red Ribbon ka na lang imbes sa mag-Conti's. Hindi naman tayo close para bilhan mo ako ng Mango Bravo." Pinasadahan ko ng tingin ang best-selling cake na nagkakahalaga lamang ng one-five.
"Ako naman ang bumili." Natawa ako. "Ako na ang bahalang mag-take-out kung hindi mo kayang ubusin lahat."
Gumuhit ang ngiti sa kaniyang labi. "Ano ang tingin mo sa akin? Matakaw? No way!" She waved both of her hands in disagreement.
"Slice mo 'ko cake," utos ni Wilson sa akin. Kaya naman ay ipinag-slice ko si Baby Demanding. Chour!
"Maarte ka rin naman, 'ateng'," tukoy ko kay Selena habang naghihiwa. "Hindi ka tuloy nakapag-wish one-'o'-seven-five."
Tao rin naman siya. May karapatan din siyang mangarap nang libre at kumain ng masasarap.
"I do not need a wish. That is for idiots like you and Bella." She allowed her throat to sip water. "I am contented with what I have. And I always thought myself to focus on my parent's current plans for me," she claimed.
Baligtad kami. Kaya hindi ako maka-move on, masyado ko kasing b-in-ayby ang sugat kong galing pa sa nakaraan. Dahil diyan, nakulong ako sa apat na sulok ng kalungkutan.
Then my logic sorted jigsaw pieces to form conclusions. Selena was not a villain after all. She was thoughtless.
Bitchy people could also have a golden heart!
Nainggit ako dati sa kaniya. Binalot din ako ng negativity na siyang ikina-insecure ko. Nasa kaniya na ang lahat, e—from her looks, qualities, and strikingness to Jaxon. Puro mga success niya lang at ang mga failure ko ang madalas kong makita noon.
But below that iceberg was something massive!
Sa maskara ng kaniyang tagumpay, nakaimbak ang mga kabiguan niya sa buhay.
Kabiguang ma-impress ang kaniyang nanay.
Si Ate Nirvanna rin ang inasahan niyang maging karamay, ngunit maling payo lamang ang ibinigay.
Bawat ngiti ay katumbas ng luha ng lumbay. Gusto kong bigyang-kulay ang madilim na parte ng kaniyang buhay. Nakausap namin siya nang malumanay. Hindi ko akalaing may malaking pinagdaanan din ang dati kong kaaway. Makasariling utos lang ang nakasanayan niyang sundin sa bahay. Kaya naman ay suporta muna ang aking naialay. Naniwala akong ang katatagan ni Selena ay dapat bigyang-pugay.
Ang puso ko ay napuno ng simpatya. Hindi ko inasahang gahaman sa pera ang pamilya niya. Wala siyang nagawa kundi sundin ang mga demand sa kaniya—ang manguha ng pera at ibigay sa iba. Ang galit ko sa kaniya ay tuluyang nawala dahil naintindihan ko na kung bakit ganoon ang ugali niya.
Isa iyong patunay na laging may dahilan ang mga ganoong problema.
"F-Friends?" I asked with fingers rested upon her shoulder.
Sumilay naman ang ngiti sa mukha ni Wilson. "Yes, friends!"
Napaurong si Selena. "Are you kidding me again? Katulad ng sinabi ko, hindi mo ako madadala sa pa-cake mong iyan." Ngumuso siya sa Mango Bravo na kalahati na. "I still do not like you, though," aniya sabay lamon ng cake.
But at least we were on good terms.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top