꧁𝟏𝟓.𝟏⢾░▒

꧁ 𝐒𝐄𝐀𝐒𝐎𝐍 𝟐 ✢ 𝕱𝖆𝖙𝖊 𝖘𝖔 𝕰𝖓𝖙𝖜𝖎𝖓𝖊𝖉

𝐑𝐀𝐕𝐈𝐄𝐑 𝐒𝐀𝐋𝐀𝐙𝐀𝐑 |꧂Tinanong ako ni Rhea kung ano nga ba ang gusto kong mangyari sa buhay ko.

You and 73.22% of readers selected option B:

B. What if kung naging babae ako noong pagkasilang pa lang? Magiging mas masaya ba ako? Magbabago ba ang mindset ng mga tao sa lipunang iyon? I wanted to know how that feels and happens.

"Gusto kong mabuhay nang malaya, malayo sa kasaklapan ng reyalidad. I wanted to live again—a place where no more clouds of sadness could envelop me," sagot ko.

Sumingkit ang kaniyang mga mata na parang sinuri ang aking mga naisip. "Aba-aba! Hmm . . . so, gusto mong mabuhay nang malaya? Malayo sa mundo na kung saan ay komplikado ang p-pagmamahal ba?" Dumekuwatro siya. "Relate din ako sa sinabi mo kasi, iyong crush kong si Lucas, itinulak ka kanina n'on. Kaya medyo na-turn-off ako. Ang saklap kasi ikaw, na kaibigan ko, iyong inipon ng galit niya. Pero hindi ko siya masisisi, e. Kung ako siya, baka m-maniwala rin ako. Malungkot man, pero kailangan din nating intindihin iyong nararamdaman din ng iba. Wala naman kasi tayo sa sapatos nila, e," saad niya.

I replied, "Do you mean . . . we should empathize and not hate?"

Umangat nang kaunti ang labi ko. Hindi naman sa masaya ako na may karamay ako, pero first-time ko lang kasi siyang narinig magkuwento nang heart-to-heart tungkol sa buhay niya.

"Parang gano'n nga." Lumingon siya sa akin. "Pero iyong pangalawang sentence. Ano'ng sabi mo? I wanted to live again?"

My eyebrows nodded at her question.

"Timang! Estupido! Dapat magpasalamat ka kay God kasi binigyan ka ng buhay e, para maging masaya!" Binatukan niya ako.

Napahawak ako sa batok. "Aray! Masakit, a!" reklamo ko saka sinulyapan si Gilbert. "O, ikaw! May maisye-share ka ba sa amin?" tanong ko at tumawa.

Tumingin siya sa langit, baka sakaling may masumpungan. O, hindi kaya ako ay tawagin. Malalaman ko na kahit kailan. Hawak-kamay. Hindi ko siya iiwan sa paglakbay.

Chour! Naalala ko lang iyong first duet namin sa orphanage!

His Adam's apple moved. "Alam mo, Ravi. Maraming nagm-mamahal sa 'yo."

Our stares met each other. Na-touch ang puso ko sa nakaeestatuwa niyang tingin.

Napadpad ang kamay niya sa kaniyang anit. "Kami ng mga kaibigan mo, we's always be right your side. Kaya magkahawak-kamay tayo kahapon dahil minsan lang naman tayong magkita. Tulad nga ng sabi ko, let us makes the most on it. Hawak-kamay!" Ngumiti siya nang malaki, ngiting tagumpay sa pag-recite sa teacher.

Chour!

My face enlivened and said, "Thank you." For loving me, guys.

Pero ano kaya ang mangyayari kung . . . hayun nga . . . kung naging babae ako biologically?

"We's granted your wish!" tugon ni Gilbert.

Napalingon ako sa kaniya. What did he mean?

Pinairal na naman nila ang ka-weirdo-han nila! Napailing na lang ako at napatawa.

Wish? Were they magicians or future bullies?

I stood up. Kaya pala nagbago ang vibes nila!

"You guys are acting crazy—"

Unti-unti akong nahilo.

Umikot ang kapaligiran!

Ang balat ko ay namuti na parang niyebe!

Ang aking mga balahibo ay umatras pabalik doon!

Humaba ang mga pilik-mata at ang buhok ko sa ulo!

Ang namalat kong labi ay kusang tumuklap!

Ang malapad na balikat ay kumitid habang ang dibdib ay lumalaki.

"AH!" Napaaray ako. Ano ang nangyari? Kumuba ang aking katawan, napahawak ako sa arm rest ng wooden bench at doon napahiga. Hinawakan ko ang sariling sentido sa kirot!

Napahawak ako sa ulo. "R-Rhea? P-Parang . . . lumilindol," sambit ko.

"AH! Oh no, my eyes!" hiyaw ko noong lumabo ang aking paningin!

Para akong may katarata! Inilibot ko ang paningin sa mahiwagang hardin pero ulap lang ang aking mga nakita!

I focused. My eyelids flickered several times to assure if it was only a dream, but it was not! That foreign feeling was stirring inside me! I did not know the cause!

Iyon ba ang ibig sabihin ni Gilbert na wish granted? Trinaydor ba nila ako? If that was the case, ma-karma sana sila!

Unbelievable! Paulit-ulit akong napailing sa akalang iyon! Hindi naman nila ako pinasukan ng kung ano-ano.

May sumpa siguro sila!

Lumala ang aking kalagayan. Parang may sariling isip ang aking katawan kaya kusang rumolyo iyon sa bricks na daanan!

Napapikit ako. "AH! Rhea! AY! Tulong! Nahihilo ako! AH! Huwag ninyo akong patayin!" pagmamakaawa ko habang iniinda ang sakit.

An upsurge of magic mesmerized me. Black and white spiraling optical illusions deceived my vision.

Ano ang ginawa nina Rhea sa akin? Para nila akong binigyan ng lason dahil unti-unti kong nakalimutan ang aking pangalan! Ano ang balak nila? Everything was unrealistic when my physique floated in another dimension.

Ravier Delacruz Salazar

Rvaier Zdelcrua Slaraza

Rarvir Crudelaz Ralsaza

Vieraz Drueclaz Zarasal

Rhea's five fingers flew to rub Bella's back that made her serene. And there, she cherished the numbness of that cooling sensation. Her lousy attitude changed through positivity, bubbliness, and kindness.

Nabunutan siya ng tinik dahil sa anesthesiang umepekto. Tila walang nangyari sa loob ng limang minuto. Ang napigang puso ay bumalik na sa dating anyo.

Her jaw dropped in wonder. It was an excellent sign to witness a change of heart, but it still weird!

Sino ka ba talaga, Rhea?

Napaurong si Amelia noong lumabas ang nakasisilaw na berdeng ilaw sa kaniyang pulsuhan.

May mga letrang nakaukit!

Galing ang mensaheng iyon sa headteacher. May lumitaw na pangalan doon.

Revella 'Bella' Davis Hansford

Si Bella, bahagi rin ng misyon ng pagbabalatkayo ni Amelia!

"Nagamit ko na ang dalawa para kina Bella at Ravier. Mabibigyang hustisya ko na rin ang maagang pagkamatay nina Elena Ravenita at ng anak niyang si Naomi Evangelista, ang pinakamagandang babaeng dapat bigyang-pugay sa modernong panahon."

Was I entering a portal? Where was I?

Ano nga ba muli ang pangalan ko?

Sino ba ako?

Ano ba ang kasarian ko?

Saan ako lumaki?

Sino ang mga magulang ko?

Umalingawngaw ang baritonong boses ng isang matikas na binata. Gumamit siya ng lengguwaheng galing pang-Espanya! May kausap siyang medyo may kaedaran pa sa kaniya, pero hindi ko mawari kung sino sila!

Ni isang tao ay wala man lang akong nakita!

Puro kadiliman ang bumalot sa aking mga mata!

Sa aking lalamunan ay may bumarang plema! Tila isa akong gansang hindi makapagsalita! Ginawa na ng baga ang lahat ngunit ni isang wika ay wala man lang iyong nalikha. Nakatikom lang ang aking bibig na parang abala sa pakikinig sa usapan ng magkasama.

¡Alberto, vamos! ¡Parece que puedo encontrar a otro estudiante en el mapa! (Alberto, halika! Mukhang may mahahanap muli akong estudyante sa mapa!)

May pulang balot na nagpakita!

Nakalutang at nakatalikod lang iyong tela!

Sr. Tempiros! ¡La oscuridad debe conquistar la pequeña luz que ven! (Ginoong Tempiros! Kailangan na pong sakupin ng kadiliman ang mumunting liwanag na kanilang nasisilayan!)

Nawalan ako ng malay hanggang sa mapadpad sa isang panaginip.

One god embodied evil power. Mortal victims could hear reverie about his dark chamber dwelling below a vast demesne. Into the dark, there was a throne—an exceptional throne where deities could wield a power to stand. There was once a colossal symbol enclosed of countless lead crystals. Spirits of a captive man strengthened as blue smokes of lightning risen from its base.

"Nakasusulasok! Buksan mo muna ito, Alberto! Samahan mo akong makarating sa lugar na minarkahan mo sa mapa. Kinakailangan ko ng likidong nitroheno upang makatakas sa aking labaratoryong kulungan. Ano muna ang mga pangalan nila?"

"G-Ginoo! Amelia Jacintha Delos Santos at Paolo Everette Delos Santos ang pangalan ng mga bata. Isang mortal na si Ravier Salazar ang kanilang nabiktima!"

"Kung gayon, humanda na ang lahat sa aking pag-aalsa!"

Siya! Siya si Tempiros, ang diyos ng kadiliman! Isa rin siya sa aking mga napanaginipan! Ang dahilan kung bakit ako nakulong sa apat na sulok ng kalungkutan!

I̶p̶i̶n̶a̶n̶g̶a̶n̶a̶k̶ ̶a̶n̶g̶ ̶i̶s̶a̶n̶g̶ ̶l̶a̶l̶a̶k̶i̶n̶g̶ ̶s̶i̶ ̶R̶a̶v̶i̶e̶r̶ ̶S̶a̶l̶a̶z̶a̶r̶ ̶n̶o̶o̶n̶g̶ ̶N̶o̶b̶y̶e̶m̶b̶r̶e̶ ̶2̶5̶,̶ ̶2̶0̶0̶4̶.̶ ̶K̶i̶n̶a̶l̶o̶n̶g̶ ̶s̶i̶y̶a̶ ̶n̶g̶ ̶k̶a̶n̶i̶y̶a̶n̶g̶ ̶i̶n̶a̶n̶g̶ ̶s̶i̶ ̶S̶o̶f̶i̶e̶ ̶S̶a̶l̶a̶z̶a̶r̶.̶ ̶A̶n̶g̶ ̶a̶m̶a̶ ̶n̶a̶m̶a̶n̶g̶ ̶s̶i̶ ̶J̶u̶s̶t̶i̶n̶ ̶a̶y̶ ̶t̶i̶n̶i̶t̶i̶g̶a̶n̶ ̶l̶a̶m̶a̶n̶g̶ ̶a̶n̶g̶ ̶m̶a̶g̶-̶i̶n̶a̶.̶ ̶H̶i̶n̶d̶i̶ ̶k̶a̶s̶i̶ ̶s̶a̶n̶a̶y̶ ̶s̶a̶ ̶p̶a̶g̶-̶a̶a̶l̶a̶g̶a̶.̶

Ipinanganak ang isang babaeng si Naomi Evangelista noong Nobyembre 25, 2004. Masaya siyang ikinalong ng kaniyang mommy na si Susan Mori. Ang daddy namang si Ryan Moore ay nakangiting tinitigan ang mag-mommy. Very happy kasi masaya rin ang baby!

̶̶̶S̶̶̶p̶̶̶e̶̶̶a̶̶̶k̶̶̶i̶̶̶n̶̶̶g̶̶̶ ̶̶̶a̶̶̶b̶̶̶o̶̶̶u̶̶̶t̶̶̶ ̶̶̶f̶̶̶a̶̶̶c̶̶̶i̶̶̶a̶̶̶l̶̶̶ ̶̶̶f̶̶̶e̶̶̶a̶̶̶t̶̶̶u̶̶̶r̶̶̶e̶̶̶s̶̶̶,̶̶̶ ̶̶̶s̶̶̶i̶̶̶ ̶̶̶R̶̶̶a̶̶̶v̶̶̶i̶̶̶e̶̶̶r̶̶̶ ̶̶̶a̶̶̶y̶̶̶ ̶̶̶p̶̶̶a̶̶̶b̶̶̶i̶̶̶l̶̶̶o̶̶̶g̶̶̶ ̶̶̶a̶̶̶n̶̶̶g̶̶̶ ̶̶̶m̶̶̶u̶̶̶k̶̶̶h̶̶̶a̶̶̶,̶̶̶ ̶̶̶p̶̶̶a̶̶̶n̶̶̶g̶̶̶o̶̶̶ ̶̶̶a̶̶̶n̶̶̶g̶̶̶ ̶̶̶i̶̶̶l̶̶̶o̶̶̶n̶̶̶g̶̶̶,̶̶̶ ̶̶̶m̶̶̶a̶̶̶l̶̶̶a̶̶̶p̶̶̶a̶̶̶d̶̶̶ ̶̶̶a̶̶̶n̶̶̶g̶̶̶ ̶̶̶n̶̶̶o̶̶̶o̶̶̶ ̶̶̶a̶̶̶t̶̶̶ ̶̶̶b̶̶̶a̶̶̶b̶̶̶a̶̶̶,̶̶̶ ̶̶̶a̶̶̶t̶̶̶ ̶̶̶m̶̶̶a̶̶̶g̶̶̶u̶̶̶l̶̶̶o̶̶̶ ̶̶̶a̶̶̶n̶̶̶g̶̶̶ ̶̶̶b̶̶̶u̶̶̶h̶̶̶o̶̶̶k̶̶̶.̶̶̶ ̶̶̶H̶̶̶e̶̶̶ ̶̶̶h̶̶̶a̶̶̶d̶̶̶ ̶̶̶o̶̶̶v̶̶̶a̶̶̶l̶̶̶-̶̶̶s̶̶̶h̶̶̶a̶̶̶p̶̶̶e̶̶̶d̶̶̶ ̶̶̶e̶̶̶y̶̶̶e̶̶̶s̶̶̶,̶̶̶ ̶̶̶a̶̶̶v̶̶̶e̶̶̶r̶̶̶a̶̶̶g̶̶̶e̶̶̶ ̶̶̶l̶̶̶i̶̶̶p̶̶̶s̶̶̶,̶̶̶ ̶̶̶t̶̶̶a̶̶̶n̶̶̶n̶̶̶e̶̶̶d̶̶̶ ̶̶̶s̶̶̶k̶̶̶i̶̶̶n̶̶̶ ̶̶̶c̶̶̶o̶̶̶l̶̶̶o̶̶̶r̶̶̶,̶̶̶ ̶̶̶a̶̶̶n̶̶̶d̶̶̶ ̶̶̶b̶̶̶l̶̶̶a̶̶̶c̶̶̶k̶̶̶ ̶̶̶h̶̶̶a̶̶̶i̶̶̶r̶̶̶.̶̶̶ ̶̶̶B̶̶̶a̶̶̶s̶̶̶t̶̶̶a̶̶̶,̶̶̶ ̶̶̶m̶̶̶a̶̶̶l̶̶̶a̶̶̶y̶̶̶o̶̶̶n̶̶̶g̶̶̶-̶̶̶m̶̶̶a̶̶̶l̶̶̶a̶̶̶y̶̶̶o̶̶̶ ̶̶̶s̶̶̶a̶̶̶ ̶̶̶k̶̶̶a̶̶̶g̶̶̶a̶̶̶n̶̶̶d̶̶̶a̶̶̶h̶̶̶a̶̶̶n̶̶̶ ̶̶̶n̶̶̶i̶̶̶ ̶̶̶S̶̶̶e̶̶̶l̶̶̶e̶̶̶n̶̶̶a̶̶̶ ̶̶̶a̶̶̶n̶̶̶g̶̶̶ ̶̶̶k̶̶̶a̶̶̶n̶̶̶i̶̶̶y̶̶̶a̶̶̶n̶̶̶g̶̶̶ ̶̶̶p̶a̶n̶g̶i̶t̶ ̶n̶a̶ ̶m̶̶̶u̶̶̶k̶̶̶h̶̶̶a̶̶̶.̶̶̶

Speaking about facial features, si Naomi ay pahabilog ang mukha, matangos ang ilong, tama ang lapad ng noo, makinis ang baba, at maalon ang buhok.

She had almond-shaped frosted eyes, white skin color, black hair, arched eyebrows, and long eyelashes. Sa madaling salita, nakaiinggit ang ganda niya—mas maganda pa kaysa kay Selena!

2̶0̶2̶0̶
R̶a̶v̶i̶e̶r̶ ̶D̶e̶l̶a̶c̶r̶u̶z̶ ̶S̶a̶l̶a̶z̶a̶r̶
1̶5̶ ̶y̶e̶a̶r̶s̶ ̶o̶l̶d̶

Two years later . . .

2022
Naomi Evangelista Delacruz ̶S̶a̶l̶a̶z̶a̶r̶ ̶Moore
17 years old

Napamulagat ako mula sa pagkakatulog. Everything was calm. Ano ang nangyari sa akin? Binangungot na naman ako!

"Your wish is granted!"

Lumuwa ang aking mga mata nang marinig ang makapal niyang boses na kasingkapal ng mukha niya!

Like a sea turtle, I looked slowly to the left, making sure na hindi ako magkaka-stiff neck sa bigla.

"Welcome to your alternate reality!" Humalaklak siya na may bahid ng kaba.

Sinampal ko siya, tinanong kung paano niya iyon nagawa! Nang dahil sa mga imahinasyon ay napaniwala ako sa mga lihim nila at mahika!

Well, my assumption was correct! Rhea and Gilbert were magicians from the other realm!

Unbelievable! Incredible! Bizarre as chour! Nakaaasar!

Paano nila nagawang itago sa akin ang mga iyan? Akala ko ba ay magkaibigan kami at simpleng nagtutulungan. E, nagawa ko ngang sabihin ang lihim ko sa kanila na kami ay mayaman. But it turned out na nagsayang lang ako ng laway kasi noon na pala nila alam ang aking pagkakakilanlan!

Ang pagiging ignorante nila tungkol sa akin ay kasinungalingan! Ngumawa ako na parang sanggol kasi grabe akong nasaktan sa kanilang kalokohan!

Lord, huwag mo akong pabayaan! My hands held each other so I could pray. Kahit may mga spiritual powers na nagparamdam, lagi pa rin akong maniniwala sa holy spirit mo! Amen! Huminga ako nang malalim bago magbuntong-hininga. Tulungan ninyo akong makasama itong mga outsiders na ito. Baka sa susunod ay gawin nila akong homo erectus at ayaw ko nang ganoon! Nag-sign of the cross ako.

Sumigaw ako kalaunan, "AH! Mga liar kayo! No, no, no, no! Hindi ito totoo! P-Paano nagkaroon ng mga magician sa mundo? Litong-lito na ako! Paano ninyo nagawang itago sa amin nina Bella at Christel ang mga abilidad ninyo!" Binatuhan ko siya ng mga pink na unan.

Sinalo niya naman iyon. "Aba-aba, timang! Maririnig tayo, e! Bibigyan naman kita ng pinakamatinong dahilan sa mundo kaya wala ka dapat ipag-alal—"

"Tigilan mo ako! Tanggapin mo ang lahat ng mga hinanakit! Sa dami-dami talaga ng puwedeng mapag-trip-an ng mga kapangyarihan ninyo ay ako pa talaga, ha!" Bawat pulgada ng aking katawan ay matiyagang isinuri ng aking matalas na mata.

My heart raced when my plump breasts kissed the sexy white sleepwear I was wearing!

Ipinakita ko iyon sa pagmumukha niya. "Crap this 'shems' out of me! How did these happen? Ano ang ginawa mo sa katawan ko at bakit iyong monay ko . . ." Pinagewang-gewang ko iyon kasi hindi ako komportable. " . . . lumaki? Tingnan mo, o! Joga ko! Iyong kulay maroon na utong ko, lumaki na rin! Mahihirapan ako nito, 'ateng'! I need to think para maka-sink-in sa akin ang lahat ng ito!" Kinalmot ko ang aking ulo.

Halos maputulan ako ng litid kasisigaw. Kasabay ng pagtalsik ng aking laway ay ang pagtalon din ng mga luha sa aking mata.

"Aba-aba, timang! Baka nakakalimutan mong magkaka-period ka pa? Pero wala ka dapat ipag-alala dahil tutulungan naman kita kung pa'no maglabas ng type O!" Itinaas niya ang kaniyang manipis na kilay. Ang naniguro niyang ngiti ang siyang nagpatigil sa akin.

Halo-halo ang aking naramdaman. Tila pinakulo sa palayok ang hindi kanais-nais na lason sa aking isipan! Para akong nagkahika sa katotohanang ang kapalaran ko at katawan ay napalitan. Itinago ko ang sariling mukha gamit ang unan.

I was a fifteen-year-old gay-hearted soul living in a seventeen-year-old goddess-like body! Nasa panahong two-thousand twenty-two ako! Thankfully, the way I talk, breathe, feel, and think was still the same!

May tumikhim. "Aba-aba—"

"Hoy! Manahimik ka! Pagpahingahin mo muna ako!" asik ko sa kaniya saka siya dinuro. "Painumin mo muna ako ng tubig bago ka magkuwento! Nanuyo ang lalamunan ko, letse!" I gulped. "Kayong magkapatid, ako pa talaga biniktima ninyo sa mga Disney-Disney, Harry Potter, at saka sa fantasy-fantasy world na iyan, ha!" sabi ko habang iniikot-ikot ang aking mata at ulo pa-one hundred eighty degrees.

Nakababaliw ang mga nangyari sa akin!

Lintik na buhay, oh my golly!

Sunod-sunod ang mga nakapapanabik na pangyayari. Nasiraan tuloy ako ng bait sa sarili.

Ang impact ng turning point na iyon sa buhay ko ay sobrang laki. Hingang malalim, Ravi.

Tumayo si Rhea sa tabi. "Aba-aba, okay sige. Kalma ka lang, bakla!" She shushed. "Walang mawawala! Sinasabi ko lang sa iyo na nasa bahay ka ni Tita Susan at hindi sa iyong mama—"

"Alam ko! Napanaginipan ko na! Kahit iyong mga oras na bago kayo makapunta sa mundong ito, nalaman ko! Pati nga kalaban ninyo, alam ko! Kaya nga alternate reality e, random ang mga outcomes!" putol ko at ipinakita sa kaniya ang aking repleksiyon.

Dumapo ang aking paningin doon. Iginuhit ng aking mga daliri ang mga tampok na bahagi ng kagandahan ni Naomi.

Napahangos ako sa pa-oval-shaped kong mukha at matangos na ilong. Nakapapanibago kung papaanong manubig ang bughaw na mata na iyon! Kahit magalit man ang aking damdamin ay wala itong bahid na pagkapula sa iritasyon. Para ding ipinaglihi ang buhok ko sa yero dahil sa pagkamaalon niyon.

Hayun ang panibago kong repleksiyon! Imbes na bakla ang aking matunton, isang diyosa ang naroon! Kasabay ng pagtakbo ng kabayo ang bilis ng tibok ng aking pusong mamon!

Oo, naisip ko rin na what if kung naging babae ako pagkasilang pa lang. Pero hindi ko akalaing literal! Ginawa talaga nilang madistansiya ako sa dati kong buhay—sa buhay na kinasanayan ko na, sa buhay na hindi ko alam kung maibabalik pa!

My throat hit a sustained G#5 note at her! "Kuhanin mo muna ako ng tubig! Ang bagal mo!" sigaw ko.

Tumango siya nang mabilis na tila naggi-glitch ang ulo niya. "O-Oo na! Aba-aba at relax, timang! Maririnig ka nina Susanna at Ryan sa baba! Buti na lang at soundproof itong kuwartong ito kasi ang sakit mo talaga sa tainga! Marami talaga akong ikukuwento sa iyo na maiintindihan mo! Okay! Bye!" Isinara niya ang pintuan.

Akala niya siguro ay sisigawan ko muli siya.

Pero hindi ko iyon ginawa, e. Mas naging conscious kasi ako sa . . . boses ko.

I sang, "Do, Re, Mi, Fa, So, La, Ti, Do~" My hand acted like a tape, sealing my mouth.

Bakit pambabae ang boses ko?

Oo, noong ako pa ay si Ravier ay pambabae rin, pero mas feminine iyong nasa katawan ni Naomi!

Napailing ako! Guide me, Lord, in those fantasies! My organs were freaking out like wild Goliaths!

"Bakit sobrang taas?" I shrieked as my finger pointed to the white ceiling, telling how high my voice was.

My vocals modulated, pretending that my mini-Adam's apple was still in there. Sana ay nagawa ko pa ring maging tunog-lalaki.

I cleared my throat.

Pinalugay ko muna ang mahaba kong buhok, ano.

Kunwari liligawan ko si Christelandi.

Focus! Be a man, a woman, to be exact. Chour!

I acted manly using a feminine throat. But heck, my voice cracked as it surrendered with a white flag! Imbes na mababa e parang umuungol na Mickey Mouse ang narinig ko!

Hala!

I even sounded like a hoarse horse!

One of my strengths was gone! Ang masculine voice kong nagsilbing pampanggap ay nawala nang parang bula! Lintik!

"Oh, my baklaakoperonagingbabaeliteralthroughmagicpanoyon!" Alienated words came out of my weird mouth. And how did the world of physics bring to life that sorcery? Nakaloloka!

Oh my gosh! My lungs stretched out to take gargantuan numbers of oxygen bits I needed.

Pinasadahan ko ng tingin ang hinigaan. Sa puting bintana ay binati ako ng Grand Hyatt sa BGC na may kataasan. Katulad ng sa dati kong tirahan, ang semento ay hindi pininturahan, bagkus ay tinapalan na lang iyon ng royal wallpaper na may touch of cyan.

Ang mga antigong muwebles ay may kamahalan. Kahit lumipas ang maraming panahon ay may gana pang magpaligsahan sa pakintaban. Nakapatong na rin doon ang mga litrato nina Tita Susan at Tito Ryan.

May malikot ding dalawang orbit fan. Para silang tagabantay na maingay sa gitna ng katahimikan. Paikot-ikot ang kanilang ulunan, kabuuan ng maespasyong silid ang tiningnan.

Mahalimuyak ang paligid dahil mabango rin ang aking bagong katawan—fresh na fresh kahit kailan.

I raised my hairless kili-kili saka iyon nilanghap.

Sniff to the left! Sniff to the right!

Mabango! Amoy lavender na pabango ng Voyena na may halong Rexona!

Hinampas ko ang aking virgin legs at hinipo iyon pababa patungo sa aking maliit na paa.

I was conscious at first because that white sleepwear showed a lot of my snowy skin. Feeling ko ang showy ko na! My mother tongue cried out in a shiver.

Umawang ang pintuan. Bumungad doon si Rhea o Amelia, the wish granter!

She slightly matured. Her seventeen-year-old skin wrapped around her younger soul. When her slim figure drew closer, my perspective measured that her height might be in a five-five range!

Since years had passed, her thin hair lengthened that could trace her snowy back. While her other features, ganoon pa rin. She and Gilbert both inherited crystal clear cobalt eyes and lips inspired by twenty-four shades of roses.

Ano kaya ang hitsura ni Gilbert pagkakita ko sa kaniya? Gumuwapo ba? Nawala ba ang mga freckles niya sa ilalim ng mata?

Ngumuso ako. Gusto ko na siyang makita!

"Nasaan si Gilbert or Paolo?" my opening remark to her. "Nasaan din si Mama?"

Hawak-hawak niya ang tray na may tubig at pandesal. Ipinatong niya iyon sa bedside table.

"Aba-aba! Huwag mo munang isipin ang kuya ko dahil nasa Education Center siya na pag-aari din namin. At ang mama mo ay hindi mo na mama, tita mo na! Pero wala ka dapat ipag-alala. Nasa Nondria pa rin silang nagtatrabaho." Dinaganan ng kaniyang puwetan ang puting kamang gawa sa polyester. "Ang mga taong makakasalamuha mo ay pareho pa rin. Sina Bella, Christel, Selena, Jaxon, at Lucas, tumanda nang kaunti kasi mga nasa seventeen na rin sila. Ang dapat mo lang ikabagabag ay iyong kapalaran. Dahil ang kapalaran mo ay nakadepende sa ugaling maipapakita nila."

Uminit ang aking mata sa kaniyang eksplanasyon. Makababalik lang ako sa dating reyalidad kung humiling muli ako sa kaniya na makabalik pa roon. Pero kung humiling pa ako, para ko na rin silang pinakawalan.

Amelia said that she needed two more wishes from me para makabalik na sila sa kanilang kinagisnan. At ayaw kong maghiwalay kami. Huwag muna!

Nagbuga ako ng hangin. That was hard for both of us.

"Iyong about sa parents ko?" Lumingon siya pero hindi nagsalita, hinintay muna ang aking saloobin. "Bakit sina Tita Susan at Tito Ryan ang biological parents ni Naomi rito? At bakit hindi si Mama Sofie?" tanong ko pagkatapos ay uminom.

Kumunot ang aking noo noong napahagalpak siya sa tawa. "Aba-aba, timang! Buti at naitanong mo at heto na 'yon! Kung school ang RV Magical Academy, may DepEd din kami malamang!" dahilan niya.

Nanlaki ang aking mata! Sakop sila ng DepEd?

How come na. "Weh? Kahit nasa ibang mundo kayo, sakop pa rin kayo ng DepEd—"

Hinarap niya sa akin ang hawak niyang slippers. "Timang! Patapusin mo muna kasi ako!" aniya habang inaangat-baba ang baba.

Sige na nga, ikaw na!

"May sarili kasi kaming DepEd! Sarili! Gawa namin!" Ipinilantik niya ang kaniyang mga kamay. "Hindi katulad lahat ng mga schools dito sa Pilipinas, plagiarized na! Sa 'min, may originality!" pagmamalaki niya, pumamewang, at saka taas-noong tumayo. "Ang DepEd ang nagdye-generate ng mga alternate realities para sa mga wish granters na katulad namin. Pero depende pa rin iyon kung gagamitin namin ang na-generate nilang alternate realities. Malay ba namin kung alternate reality ba ang wish mo? Abra kadabra!" Hinagis niya ang pinalutang niyang unan sa akin.

My opened mouth gasped as I shouted out loud, "Wow! How did you do that, magician?" My mouth smiled a mile wide in enthrallment! Magicians from the other world!

But still, I had doubts kung posible nga ba ang mga iyon sa contemporary world. O baka puro nonsense lang ang mga nakita ko.

"E, since may DepEd kami, may secretary, syempre! Kilala mo ba kung sino ang secretary ng DepEd ninyo?" nakangising untag niya.

My index finger kept tapping my jaw as I looked up, thinking. "Hindi ko alam, e," nakasimangot kong turan. "Sino nga ba?"

Kumunot-noo siya. "Ang bobo mo. Hindi mo alam? Sarap mong batukan ulit! Yaman-yaman mo! Palibhasa, nakalugmok ka lang sa mansiyon 'tsaka puro ka Jaxon kaya 'di ka aware. E 'di si Briones!" tugon niya sabay kumpas ng dalawang kamay.

"O, ano ang gagawin ko sa kaniya?" Tumaas ang aking kilay. Hindi ko alam kung ano ang connect ng secretary ng DepEd sa hiling ko.

Tinampal niya ang kaniyang noo. "Ay, na 'ko! Hindi naman sa pagmamayabang pero parang gano'n na nga, kung may secretary kayo ng DepEd, may secretary rin 'yong sa 'min." Itinuro niya ang kaniyang sarili. "At tulad nga ng sabi ko, sila lang ang may karapatang mag-generate ng mga random reality para sa mga mortal na hihiling n'on! Kaya tanungin mo ang Briones namin kung ba't nagbago nanay mo, ha!" nanlalaki ang ilong na asik niya sa akin.

Nakaloloka ka, DepEd! Ano ang ginawa ninyo sa buhay ko?

Nagpatuloy ang pagbabangayan namin ni Rhea—ay este, Amelia sa panibago kong kuwarto. Thankfully, I had a friend like her to teach me. She was rare!

What a relief! Okay na rin ako sa ideyang sina Tita Susan at Tito Ryan muna ang maging magulang ko. Actually, they treated me better than my real mom. Matapos akong palayasin ni Mama Sofie, I lost my respect to her dahil may napakalaki siyang pagkukulang bilang ina sa akin.

Isa lang ang nasa isip ko noon. My fate was so entwined, not through love, but that was because of my friends. Akala ko nga noong una ay tatraydorin nila ako, but it turned out na tinulungan nila akong malayo sa kalupitan ng reyalidad.

Pakiramdam ko ay naging takot ako. Many people were risk-takers. Samantalang ako, heto, living in a beautiful body where lots of men tried to please me!

Pero nang tumagal, nawala ang pakiramdam na iyon.

As I approached the cafeteria, an unbelievable risk was born!

Bella, being the bitch, and Selena being bullied!

Sanay na ako sa kanilang kumprontasyon. Dalawang buwan na rin ang nakalipas matapos ang aking transformation. Two-thousand twenty-two na pero hindi pa rin ako naka-move on.

Kinain ko na ang aking baon. Ang kagandahan ng modernong cafeteria ay napahalagahan mula noon. Araw-araw ay hindi naiwasan ang mga komosyon! Parang may selebrasyon dahil ang kisame ay dinesenyuhan ng mga artipisyal na dahon.

Nakasisigla sa mata ang puting pintura niyon. Mas nabigyang-buhay pa ang kalinisang iyon dala ng magandang panahon. Sa apat na sulok ng kuwarto ay dinig ang marahas na pagragasa ng tubig sa man-made na talon.

Walang awa ang mga tao roon. Kahit ang eksena ay maaksiyon, may mga walang pakialam na walang ginawa kundi lumamon. Nasabik kasi sila sa turon.

Basta lamang nilang pinanood si Selena'ng hindi makahamon. Si Bella, ang sentro ng atensiyon, ay ibinunton na lang sa dating kaibigan ang galit na naipon.

Nag-interchange ang ugali ng dalawa. Dati kasi mabait si Bella, e. Hindi siya ganiyan noon. Simpleng conyo-conyo lang siya. At heto namang si Selena, bitch!

Pero in my alternate reality, it was the other way around. Of course, without Amelia's wish-granting power, hindi magbabago ang tunay na kulay ni Bella!

Napaka-depressing malamang dati na pala akong plinastikan ng babaeng iyan! How dare that Phil-Am!

The modest Selena pleaded under a Lifetime-branded foldable table. With Bella's tantrums, white tables and monoblocs scattered on the wooden flooring.

Selena begged using her puppy almond eyes, "Bells, do not leave me and please! This is our chance to talk! A-Alam kong kahit kaunti lang ay may kahit isang kapiranggot na bait pa man lang diyang natitira sa puso mo!" Her voice trembled, struggling on how to weave her words. "My Ate Nirvanna did her best to break me! God knows that she wants your phone, your money—"

"Pero want lang iyon. Iba ang wants sa love, Selena! I once loved Jaxon, but you took him away from me—"

Since pabibo 'akesh', umusok ang tainga ko. "Hoy!" tawag ko. Pagkalingon niya pa lamang ay pinanlisikan niya ako ng tingin.

Ipinagtaasan niya lang ako ng kilay pagkatapos ay sinipa ang isang monobloc. Napaurong pa nga ako at napangiwi nang tumama iyon sa nakayukong ulo ni Selena.

"Oh, si crazy na baliw," Bella murmured while approaching me near the doorway. "Feeling close you lang ba, Naomi?" Her hands landed on her waist at pakembot-kembot pa siya to the left and to the right. Plastik ka!

She did not know that I was Ravi because there was no Ravi existed in that world. Of course, my soul was dwelling in Naomi's body, though. I was the chosen one to continue her life.

My arms crossed in frustration. "You once loved Jaxon, but Selena take him away from you?" I stepped rearwards before these words reverberated. "Assumerang bakla! Jaxon has never been yours! Minahal mo siya pero hindi ka naman niya mahal kasi pabebe ka masyado! Puweh!" I shouted, and I flipped my hair back and forth. "Mag-research 'you' 'mona', ha!" Dinuro ko siya.

Chour lang iyon!

The crowds went wild! O, ano ka ngayon, ha? I was one of the school shareholders, same as her, so she had no right to eat me and my bacteria!

May babaeng dumaluhong para magmakaawa.

Selena!

Naudlot ang pagngisi ko dahil nawala ako sa momentum! Kawindang! Sa kabaklaan kong iyon, hindi man lang siya affected sa presensiya ko?

Tigilan mo na iyan, 'ateng'! Napapagod ka lang mag-sorry sa ignoranteng iyan!

Kapag nakikita ko na iyang si Bella, ang sarap niyang i-shoot sa hoop ng basketball! Bilog na nga mata, bilog pa mukha, ugali rin hugis-itlog—zero!

Chour!

Selena's sweaty hands shakily pressed the chocolate floor. "P-Please, Bells. You are my only hope, and my sister is going to kill me kung wala kayo roon sa birthday ko—"

"Enough!" putol ni Bella rito.

Hinablot niya ang kamay nito palabas samantalang ako naman ay nagmukhang audience lang. Buwisit nga dahil lalampasan na nga lang ako, sinanggi pa ang balikat ko!

Tumigil sila sa dilaw na hallway. "Do not call me 'Bells', because you are a brat and pera-pera lang naman ang fina-find sa akin! Past is past so let us forget na lang and unforgive! Kahit 'anomang' reason iyan, I don't care!"

"Pero our memories! Our promises! My eighteenth birthday! My happiness! If you do not go, para ko na ring na-disappoint si mom and that is deadly—"

"Mas mabuti nga iyon e, ang ma-deads ka na lang!"

Napanganga ako sa sinabi ni Bella. Katulad ng isang walang kuwentang bagay, binitiwan niya ang kamay nito at tinalikuran.

She left Selena hanging who wore a stoic expression. Her downcast eyes reminded me of my old self, monologuing how harsh our society was.

Repetitions of memories swirled in my mind.

Sa prom, ni-reject ako at iniwan ni Jaxon nang ako ay nag-iskandalo. Katulad ng nangyari kay Selena, she stood helpless then left behind. Her agony was contagious!

May paniniwala ako dati. Kung sino ang taong inasahang matutulungan ako ay siya palang kakaligtaan ako.

Si Bella ang taong inasahan ni Selena na matutulungan siya, pero ito pala iyong mismong taong kakaligtaan lamang siya.

Isa pa. Iyong noong nangyari sa orphanage. Binigyan kong kalinga ang mga batang ampon—isang pagmamahal na hindi kailanman ibinigay sa akin ng aking kaklase.

A bulb flickered over my head!

I offered support to unexpected people.

Unexpected people like Amelia cherished me.

I provided love without expecting something!

It was time to help Selena, my former rival.      

꧁|𝐑𝐀𝐕𝐈𝐄𝐑 𝐒𝐀𝐋𝐀𝐙𝐀𝐑 𝐁𝐄𝐈𝐍𝐆 𝐍𝐀𝐎𝐌𝐈 𝐄𝐕𝐀𝐍𝐆𝐄𝐋𝐈𝐒𝐓𝐀 '𝐌𝐎𝐎𝐑𝐄'

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top