𝕮𝖍𝖆𝖕𝖙𝖊𝖗 𝟑𝟎

┅┅┅┅┅┅┅┅┅┅┅┅┅┅

TITLE: RETURN

┅┅┅┅┅┅┅┅┅┅┅┅┅┅

III | "Salamat, Hyung—Ay este, Oppa Paolo pala . . . sa pagtulong mo sa 'kin sa misyong ito. The mortal world is becoming dangerous than I thought. Aba-aba, feeling ko hindi ko magagawa 'to kung wala ka sa tabi ko kanina," sabi ni Amelia sa Kuya Everette niya.

"Don't be so modest, Amelia. You're the one who's carrying this mission. I'm just a lovesick extra," tugon naman ni Everette nang nakaangat ang labi. As he drove the car, the cold air reminded him of the fantasy world he belonged to. They had to return to the academy through the bumpy road and dark skies of dawn.

Napangiwi si Amelia sa kinaupuan. "Aba-aba, panay English ka na ngayon, timang, a. Nagpe-flex ka ba? Pasalamat ka wish granter ang kapatid mong si ako. Makukuha mo agad sa isang iglap ang mga kagustuhan mo. No'ng una, nag-wish ka pa sa akin no'n na baluktutin ang dila mo kapag mag-i-English ka na. No'ng una nagtaka 'ko kung bakit gano'n ang hiling mo kasi sayang naman ang pagiging English literate mo. Pero 'yon naiintindihan ko na. Para sa tuwing may maro-wrong grammar, ikaw ang unang maiisip ni Ravier, tama ba ako?"

Napangiti si Everette dahil sa sinabi ng kapatid niya. Kahit Naomi na si Ravier, hindi pa nila nakalilimutan ang kaibigan nilang minsa'y naging lalaki rin.

Masigasig siyang nagmaneho sa bako-bakong daanan. "Kahit babae na siya, Ravi pa rin ang tawag natin sa kaniya, 'no?" sabi niya.

"Sa totoo lang, Oppa Paolo . . . "

"Oh?" Habang nagmamaneho, sandaling napasulyap muna siya sa kapatid niya sa pagbago ng tono ng boses nito.

"Habang malayo tayo sa kanila, masisigurado 'kong sina Bella at Christel na ang bahala kay Naomi. Pero, si Jaxon . . . " Humigpit ang kapit ni Everette sa manubela pagkasabi ni Amelia ng pangalang iyon. "Mapagkakatiwalaan kaya natin ang taong minsang sinaktan si Naomi?"

Naparolyo ng mata si Everette, natawa, at napailing. "No, obviously."

Pumalakpak sa tawa si Amelia at saka sinuntok ang kapatid sa mamasel na braso nito. "Sa dami-dami ba naman ng tao, bakit ko pala sa 'yo itinanong? Karibal mo pala 'yon. Siyempre 'di ka sasang-ayon. Aba-aba, ang timang ko talaga!" aniya pagkatapos ay nabubugnot na kinamot ang ulo.

"Tsk! I'm just better at calling him Ravier that Jaxon can't even do."

Paglipas ng nakabibinging katahimakan, nagkuwento muli si Amelia sa kalagitnaan ng byahe. "Si Selena nga pala? Kumusta na 'yon, Oppa? Have you checked her out before we leave this mortal world nang pansamantala?" Napabuntong-hininga ang dalaga. "Noong pinapanood pa natin siya sa bolang kristal, she is becoming an interesting case. Bago tayo isalang sa RV Magical Academy, hindi ko akalaing may negosyo ang pamilya natin sa mortal world? At ang pamilya niya 'yong naghahawak pero pumalpak."

Dumilim ang paningin ni Everette at nagsalita sa mababang boses. "Dad, before they left with us, entrusted the company to his closest colleague, Selena's father. Basta-basta na lang nagtiwala at nang-iwan si Dad kasi alam niyang wala na tayong trabaho rito sa mortal na mundo. Selena's family doesn't like the cybersecurity business, so they aren't enthusiastic with it. It's doomed to fail."

Everette really grown matured.

Hinawakan ni Amelia ang broad shoulders ng kuya niya. "Salamat, Oppa, dahil nasa tabi mo si Selena kahit mahirap pakisamahan ang ugali n'on. Nakakaawa 'yong babaeng 'yon. Gustuhin mo man siyang gawing anghel pero ginagawa naman siyang demonyo ng pamilya niya. She ended up pleasing the people that are so far away, overlooking those who are near and true to her. Aba-aba't nakakasakit na siya ng iba. Hindi niya na natitingnan kung tama pa ba ang ginagawa niya para sa sarili niya," nangingiyak niyang wika.

"Si Selena, gusto man niyang sumama sa 'kin ngayon, pero ayaw ko." Ngumuso si Everette. "Ayaw ko siyang paupuin diyan sa front seat katabi ako, 'no?" tukoy niya sa inuupuan ni Amelia. "Ikaw lang gusto kong paupuin diyan."

Napangiwing humarap si Amelia rito. "Nakakapanduda? Parang may halong kaplastikan yata ang sinabi mo, Kuya, a? Mukhang 'di ganiyan ang sasabihin mo kapag si Ravier na pag-uusapan natin? Baka nga pasamahin mo nga 'yon ta's dito mo siya paupuin ta's ako, maa-out of place sa backseat dahil nagla-loving-loving kayo." Humalukipkip siya at iniwas ang tingin.

"Kahit si Ravier pa 'yan, 'di ko siya hahayaang paupuin diyan sa inuupuan mo. Sa 'yo nga lang 'yan, e, kulit!"

"Ha? Aba-aba, bakit naman? Akala ko ba priority mo 'yon? Dapat paupuin mo siya dito. Kaya ko namang mag-adjust, e, alang-alang sa inyo!"

"Ayoko nga siya paupuin diyan. Uupo siya sa akin mismo." At saka kinindatan ni Everette ang nakababatang kapatid.

Namula naman si Amelia sa kilig hanggang sa hindi makahinga sa kaniyang seatbelt. "Ikaw talaga, Hyung—ay este, Oppa! Hindi ko ine-expect 'yang mga banatan mo, e. Pauupuin lang sa yo, a. Walang kaldagan. Ang kalat. Kasingkalat n'yo kanina! Ay, nako! Kung kaysa sa makasakay lang si Ravi sa sasakyan mo, sa 'yo na talaga sasakay, aba."

"Sana . . . " At saka sila nagtawanan para punan ang nakababagot na katahimikan.

Labag man sa kalooban, iniwan nila ang kanilang mga kaibigan para ipagpatuloy ang misyong kanilang sinimulan. Ayan ang masaklap na katotohanan ng mga magician, magsasakripisyo alang-alang sa kaligtasan. Gagampanan nila ang delikadong misyon para may maialay kay Elena Ravenita, ang diyosa ng kaliwanagan. Tutol nga si Amelia sa ideyang iyan. Ang pagsamba sa diyos ay hindi dapat umaabot sa linya ng kamatayan.

Hindi nila inaasahang mapapamahal sila na mortal na simpleng naninirahan. Nasaksihan nila ang talambuhay ni Ravier na may malungkot na pinagdaraanan. Sinagot nina Amelia at Everette ang kaniyang kahilingang maging parte ng kababaihan. Tinanggal nila ang dilim sa kaniyang buhay at kinulayan ito nang makabuluhan. Maraming nagbago sa kanilang kapalaran. Marami rin silang natutuhan.

Ayon sa kataas-taasan, hindi magtatagal ang magicians sa mundo ng kamortalan. Sa kasalukuyan, hindi pa nila kayang iwanan si Ravier, ang mortal nilang kaibigan. Pero kung sakaling naging normal na ang lahat at dumating ang panahong iyan, siguradong may ispesiyal na lugar ito sa kanilang puso't isipan. Ang makapangyarihan nilang pagsasamahan, magiging alaala na lamang tatatak na lamang sa kawalan.

Napatulala si Amelia sa umuulang kalangitan. People were like balloons fleeting to the sky. They might come and leave, but their existence would be remembered and be part of history. And not even magic could ever replace that since life was bound to happen.

Minanman naman ng makisig na si Everette ang bako-bakong daanan. Akselerasyon ng mga nakasisilaw na kotse sa labas ang mapakikinggan. Kailangan na nilang makabalik sa mahiwagang paaralan upang wakasan ang kadiliman.

Binuksan ni Amelia ang radyo para hindi makatulog ang kuya niyang nagmaneho ng sasakyan.

"Valitang valita sa radyo ni vaklang Hidalgo! Isang pangyayaring nakasisindak lalo! Malaking bahagi ng Metro Manila ang niyanig ng magnitude five point five na lindol kaninang alas otso. Naitala ang epicenter sa Oriental Mindoro. Maraming mga gusali ang gumuho. Isa na room ang H2O Resorts and Casino. Labimpito ang natagpuang namatay habang bente-kuwatro naman ang nawawala sa puntong ito. Inaasahan ang mga aftershocks sa sentro—"

Umakyat ang dugo sa utak ni Amelia hanggang sa napahawak sa rosaryo. Hindi siya mapalagay sa kaniyang puwesto. Diyos ko! Kay layo pa naman ng tatahakin nila papunta sa talampas ng Arciago!

Si Everette Paolo, hindi maasikaso ang kapatid niyang nakahawak na sa sentido. Nasa highway na kasi siyang nagmamaneho, hindi puwedeng pumreno. Kaya pinatulog niya na lang ito at inabutan ng Katinko.

Sa mortal na mundo, talagang naparito na ang peligrong dala ni Tempiros Virgilio. Maraming taong tatakbo at sasaklolo sa nag-aalimpuyong delubyo. Kasamaan, hindi malalarawan ng kahit anong adberbyo ang kalupitan mo.

"Dongsaeng, nandito na tayo," gising ni Everette kay Amelia. Inangat ng dalaga ang mahahabang talukap ng kaniyang mga mata. Bumungad sa ibabaw niya ang panda near na kayakap niya pala. Tahimik kaya maririnig lang ang dausdos ng wiper ng kotse nila.

Nagpalinga-linga siya. Nang mapansing may kakaiba, saka siya sumilip sa mahalumigmig na bintana para makumpirma kung nasaan na sila. Nasa madilim na entrance na sila ng akademya.

Napabuntong-hininga si Amelia. Kita ang kaniyang paghinga sa malamig na klima. Nakapaninibago ang nakagiginaw na hamog dahil kay tagal nilang tumira sa Manila.

Nakapaninibago naman ang hitsura ng kaniyang kuya. Magulo ang kulay kapeng buhok at namumugto ang mga mata. Kawawang oppa, napuyat kaka-drive sa kalsada.

Kinusot ni Amelia ang kaniyang mata para tanggalin ang muta. "Aba-aba, Kuya, sinasabi ko na nga ba!" Hinampas niya ang honk ng kotse. "Por que may elemental energy ka, hindi ibig sabihin n'on ay hindi ka na mapapagod. Kaya mag-ingat-ingat ka. Alamin mo limitasyon mo. Puwede ka namang mag-park sa pinakamalapit na Shell gasoline station at doon ka umidlip-idlip! Hay, na 'ko! Okay, pagdating mo sa school, dumiretso ka sa dorm mo."

Humikab si Everette habang patango-tango. "Yes, Ma."

"Pero pasalamat at ang tibay mo, Kuya. Buti hindi tayo naubusan ng gas kahit malayo ang lungsod ng Arciago. Aba-aba, kung naubusan tayo baka ma-stranded tayo rito," nangingiyak na sabi ni Amelia. "Kaya buti na lang ang ganda ng kotse mo, matagal malobat!" At saka niya hinampas ang panganay sa balikat.

"AH!" Napa-face palm si Everette "Amelia! Ang daldal mo. Inaantok na nga 'yong tao," nakabusangot nitong reklamo pagkatapos ay padabog na inapakan ang brake para ipagpatuloy ang kanilang landas.

Everette skillfully avoided the dangerous cliffs and rocks in the plateaus of Arciago. The ride was stiff, carefully not to crash amidst the destructive waves below.

As their journey progressed, an old Victorian gate emerged from the shroud of mist and lifeless trees. The wrought iron, as dark as the deepest coal, stood as a testament to the darkness enveloping them. At the top, a majestic letter 'R' was proudly engraved, signifying the Ravenita clan, who owned that place.

Nothing had changed since they last set foot there.

Maririnig ang boses ng isang propesyonal na babae sa intercom na makikita sa mabatong gilid ng gate.

"Greetings and a splendid morn to you! You have ventured upon the hallowed grounds of the esteemed academy, where our beloved Elena Ravenita's rainbowing lights grace every stone. Ere you step into the sanctum of Arciago, pray tell, what codename do thy family bear, bestowed upon you by the twists of kismet and fantasy?"

Kailangan lang ng codename para tuluyang makapasok sila sa mundo ng mga magician. May voice detector naman ang intercom para makumpirmang sina Amelia at Everette ang nagsasalita roon at hindi impostor.

Binuksan ni Kuya ang bintana sa kaniyang gilid para makapagsalita. "DS1000000," tugon niya na may kasamang hikab na ibig sabihin ay Delos Santos(DS). Pan-one million siya sa mga estudyanteng nag-enroll.

Napaigtad siya nang sumabat ang kapatid niya. "DS one zero zero zero zero zero one. DS. Ang ibig sabihin po niyon ay Delos Santos, apelyido namin. Para po hindi ninyo masabing trespasser po kami, ako po si Amelia Jacintha Delos Santos. Labinwalong taong gulang. At kasama ko po ang kapatid kong si Everette Paolo Delos Santos. Twenty years old na po siya. Kami po ay nakabalik na at kumakatok sa mahiwaga ninyong pintuan dahil sa importanteng planong aming gagawin. Parte na rin dito ang misyon naming tulungan ang kabiyak ng kuya ko na si Ravier Delos Santos—ay este, Ravier Moore."

Napapitik si Everette para pagsabihan nang harapan si Amelia. "Puwede mo namang sabihing DS one-million one na lang? Buong talambuhay pa talaga sinabi, e." At saka ito dumekuwatro.

"Aba-aba, timang, hayaan mo akong magsalita! Sayang naman ang dila na binigay sa 'kin ng diyos kung 'di ko susulitin. Sa totoo lang, blessing in disguise nga ito, e. Dahil dito, isa ako sa mga estudyanteng kayang makapagsulat ng two-thousand word count essay kahit one word lang naman ang topic! Kuya, no'ng online class, word count ang meta. 'Di mo ba alam?" taas-kilay niyang turan.

Napabuga na lang si Everette ng hangin bago muling paandarin ang makina.

The gate creaked open, revealing a blinding entrance to behold. As the siblings approached the portal, the car they had been dwelling in dispelled into oblivion, leaving them floating weightlessly in a galactic void. No gravity felt, their limbs were spread out across that ethereal space.

Colorful and lively, shooting stars and fleeting comets traversed the intergalactic void like trailblazers. And amidst all, the purple smoke and the radiant planets beckoned the adventurous hearts of the newcomers.

It was a pinnacle for a man to step foot on that land. Isang prestihiyosong akademiyang nakatayo sa kaibuturan ng masukal na kagubatan. Kapag napuntahan, mala-pantasyang paraiso ang madadatnan.

Pinamumunuan nina Elena at Tempiros na makapangyarihan, napagtagumpayan nilang itong ingatan. At kilala na bilang isang tagong kahariang hindi marereplika ng sandaigdigan.

Ang magkakapatid, tuluyan nang nakalabas ng lagusan. Iniwan sila roong nakatayo sa maingay na lansangan ng Floridian, isang Britished-styled na urban. Karamihan ng nandiyan, mga estudyanteng nagpapalipas-oras bago atupagin ang module na kanilang pinabayaan.

Matatanaw sa kaluyuan ang nagtataasang tore at kastilyo na pinalilibutan ng kaulapan. Kaluskos ng mga kabayo sa bricks pavement ang mapakikinggan. Nagtitingkarang tindahan, magarbong restawran, at fountain na hilig tambayan, mga kombinasyon ng masiglang pasyalan. Napabili na lang si Amelia ng kendi sa isang stall para maibsan ang kagutuman. Ang dami ring nagsulputang Gothic-styled signboards na nakadagdag-aliw sa kapaligiran.

Pinagbubulungan na nga sila ng mga estudyante dahil sa kakaiba nilang kasuotan. Sila lang kasi ang naka-T-shirt sa bayan. White baggy pants with long-sleeved green embroidered shirts ang uniporme ng kalalakihan. Long cream skirt naman with green embroidered shirts ang para sa kababaihan.

Samantalang may ibang mag-aaral na nakaasul na balabal upang maitago ang pagkakakilanlan matapos takasan ang klaseng kanilang inayawan.

Nakasuot ang lahat ng berdeng cap sa kanilang ulunan. Nakalagay roon ang elemental visions na itinakda nilang kapangyarihan. Ang elemental visions ay ipinagkaloob sa kanila ni Elena Ravenita, ang diyos ng kaliwanagan.

There were seven elemental visions: Aero(wind), Pyro(fire), Cryo(ice), Electro(lightning), Dendro(plant), Hydro(water), and Geo(earth). Everette possessed an Electro elemental vision that could create a shield that counters incoming attacks. His vision was to protect her sister.

Meanwhile, Amelia had a wish-granting power based on the hydro element. Like water, she showered hope and wishes to plants dying inside. And Ravier Moore was like that miserable plant she gave light with.

There were a lot of shops around the realm, with each facade flaunting a tapestry of vibrant hues. It was an epitome of a wonderland.

An arch bridge adorned with banners and aromatic shrubs stretched across the artificial waterway. As the siblings strolled, the doves startled and flew with their wide wings when they sensed their magical presence.

The bridge stones were sturdy enough to make a canal underneath. The brackish rippling waters allowed boats to import cargo of artifacts and vast knowledge. Everything in that area, even the streetlamps, had to function well since the city was the center of the population.

Papunta na sila sa Gotikang Palasyo Entrada. Doon nila ikukumpirma na nakabalik na sila sa akademya. May mga guwardiyang nakasuot ng gintong kapa. Yumuko sila bilang pagrespeto sa kababalik pa lang na sina Amelia.

Tahimik at sibil silang pinapasok na parang maharlikang prinsesa. Kapuwa nagmarta sila sa karpet na pula. Sa royal palace, hindi mawawala ang mga gintong chandelier at mahahabang bintana. Makikita sa kisame ang obra maestrang mural ng mga Virgilio at Ravenita. Bumagal ang hakbang nina Everette nang makita sa altar ang mala-diyosang rebulto ni Elena Ravenita na kanilang inusisa.

"Mabuti at nakabalik na kayo, hijo at hija! Maganda ang pagdating ninyo dahil may tournament na magaganap bukas ng umaga. Tamang-tama! Inaanyayahan kayong lahat na manood kasama ang inyong mama't papa," nakangiting sambit ng tagapaglingkod na si Remulla. Umalingawngaw sa bawat sulok ng palasyo ang kaniyang salita.

Pumikit-pikit si Amelia. "R-Remulla? Aba-aba, ikaw na ba iyan?" Lumapit siya para kapain ang gray wizard robe na suot nito. "Hala! Ikaw nga!" At saka sila patalon-talong nagyakapan. "Ang daming nagbago sa 'yo no'ng huli tayong nagkita. Dati mas maliit ka pa sa 'kin, pero ngayon, magkasing-height na tayo! Maganda pa rin ang ilong mo at singkit pa rin ang mata mo as ever. Dati may bangs ka, pero ngayon, may rebonded na. Aba-aba't tara at kumain tayo sa Pizzeria. Ang dami kong ikukuwento sa 'yo. Grabe, Remulla. Halo-halong emosyon ang naramdaman ko nang makapasok ako sa buhay ng isang mortal sa kabilang mundo," nahihingal niyang kuwento.

Umiling si Remulla at nakangiting hinawakan ang malalambot na kamay nito, binabalik ang dati nilang koneksyon. "Hay na 'ko. Ikaw pa rin talaga ang Amelia na nakilala ko, ang taong palaging maraming sinasabi." Umangat ang tingin niya sa lalaking nakahalukipkip at may eyebags na. "Kayo naman, Kuya Paolo. Kumusta na po kayo?"

Sapagkat pagod ang binata, si Amelia na ang nagsalita para dito. "Aba-aba, Remulla. Alam mo bang may crush 'yan? Kakaiba 'yong crush niyan! Nagiging lalaki, nagiging binabae, at nagiging legit na babae. Three-in-one. Parang kape. Walang ganiyan sa mundo natin—"

Tila nawala agad ang antok ni Everette kaya napamulagat siya para lapitan ito. Gamit ang magaspang niyang kamay, itinakip niya ang makapal nitong labi. "T-Tumahimik ka! Huwag kayong maniwala diyan!" aniya nang namumula ang mukha habang nagpapanting ang tainga.

"Grabe talaga ang dynamic ninyong dalawa." Natawa na lang si Remulla pagkatapos ay inayos ang sariling hairnet. "Sige na nga. Halina at ako na ang gagabay sa inyo, Binibini at Ginoo," patuloy niya bago yumuko. She already led the way to the office to meet with their parents.

Everything was a work of art. The pillars, erecting from the glossy, polished marble floor, reached up to the ceilings intricately carved on gold. The crimson walls, covered with royal patterns, added prestige to those who entered. There were also glass cases to exhibit weaponry, artifacts, and lore preserved by past and future generations.

"Muli, maligayang pagbabalik sa inyo." sabi ni Remulla.

Nakapasok na sila sa opisina. Mga puting sofa at malaking aranya ang bumungad sa kanila. May mainit-init na fireplace din at piano na nakagagaan sa mata.

Sa gitna, may bolang kristal na pinalibutan ng malalambot na tela. Mga kapana-panabik na pangyayari sa buhay ni Naomi Evangelista ang makikita.

Lumapit si Amelia roon at pinanood ang takbo ng buhay ng kaibigan niya. Makikita sina Naomi at Jaxon na masayang magkasama.

"Sa una lang iyan, pero tingnan natin kung magtatagal sila," ani Everette na may bahid ng pait na tumimpla sa mukha.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top