Chapter 9

Gail Barrera

"GAIL. Keep your hands off of me." Isa iyong mahinahong utos matapos kong sabihing halikan niya na lang ako. Pabulog na nga eh. Nakakahiya! As in!

Ako ba talaga iyon? Pakiramdam ko, naanyayahan akong mag ice bucket challenge sa panlalamig ng katawan ko. Gosh, gusto kong lumubog ngayon sa hiya. Para kong ibinenta ang sarili ko at ang masaklap, walang bumili.

"Gail? Hands off. Naclaim mo na." Pukaw niya sa utak kong naglakbay na sa kawalan.

Labag man sa loob ay lumayo ako sa kanya. Bakit ko ba kasi ginawa 'yun? Alam kong magkakaron na ng awkwardness sa pagitan namin. Any minute pwede siyang maturn off dahil sa inasal ko. Masyado akong naging agresibo.

Maturn off? May gusto ba talaga ako sa kanya at nakakapagsabi ako ng ganyan?

Napabuntong hininga ako. Isang napakabigat na dalahin ang sana nailabas din kasabay ng hangin na lumabas sa'kin.

"Are you aware that I'm a lesbian?" Tanong niya pagkatapos ng ilang minutong katahimikan.

Nagulat ako. Bakit tinatanong niya? Ang alam ko bisexual siya. Hindi ako nagsalita. Feeling ko kasi may sasabihin pa siya. Feeling ko dapat ko siyang pakinggan kaysa intrigahin.

Iniabot n'ya iyong bottled water sa center table at tinungga. Tumingin muna siya sa sa'kin bago tumingala at sumandal sa sofa. "I was dating Wilson of Psychology department when I realized that I am a lesbian. Akala ko bisexual lang ako. But I'm tired of dating men para lang mapatunayang interesado pa rin ako sa kanila. So hindi ko na lang pinilit." She added. "Alam ko namang alam mong bisexual ako, Gail. But I'm not here to take anyone for granted. Wala sa bokabolaryo kong manghalik basta ng babaeng hindi ko naman girlfriend." Maya-maya'y tumigil siya at marahang bumuntong hininga. "I respect you. And kissing you is a way of disrespecting." Sinserong saad niya.

Problema ba yun? Make me your girlfriend..

Ganun pala siya? Ganun pala si Kris.Ang babaeng tinititigan ko lang dati mula sa malayo na laging nakakunot ang noo.

Lahat ng panghihinayang. Oo panghihinayang talaga! Ay napalitan ng paghanga. Paghangang alam kong noon pa lang ay nakakapa ko na sa isip at puso ko. Mali lahat ng naririnig ko mula sa kanila. Kesyo hooker, casanova, at womanizer siya.

Isang malalim na buntong hininga na naman ang pumutol sa pag-aanalyze ko ng nararamdaman ko. Kasunod nu'n ay ang pagsasalita niya ng linyang halos hindi naproseso ng utak ko.. "Gusto kita Gail.." She almost whispered. "And I'm afraid that this liking will not last."

"What do you mean?" I asked. Nakaupo lang ako ng diretso sa pinakasulok ng sofa. Nakatingin lang ako sa pader. Ganun din siya, sa kisame nga lang dahil nakatingala.

"Baka ngayon gusto kita, sa susunod na araw hindi na."

Baka ngayon gusto kita, sa susunod na araw hindi na.

Baka ngayon gusto kita, sa susunod na araw hindi na.

Napabalikwas ako ng bangon. Ugh! Bakit ba napanaginipan ko pa yun? Nakakaasar! Nagugutom ako, nauuhaw at nalulungkot.

Minulat ko ang mata ko at ang liwanag. From here, kita ang taal. Medyo malayo nga lang. Napatingin ako sa gilid. Wala na si Kris sa tabi ko.

Tabi pa rin kaming natulog kagabi kahit awkward. Hindi na kasi siya nagsalita pagtapos niyang sabihin yun. Nakatulog na lang din ako dahil sa pagod kahit isip ako nang isip.

Nasan naman kaya yun si Kris? Iniwan na ba ako? Hala. Parang bigla biglang natigil ang pagpapantasya ko sa kanya dahil sa kagabi. Napalitan ng paghanga.

Nahiga ulit ako. Nagmamaktol ang puso ko sa sinabi ni Kris. Bakit kasi ang dami niyang alam?! Pwede naman niya akong ikiss kahit hindi kami eh. Papayag naman kasi ako. Charot.

Nagtakip ako ng unan sa mukha. Hindi maganda ang gising ko. Dahil na rin siguro sa kagabi, gutom pa ako kahit busog ako nu'ng natulog.

Naramdaman kong bumukas yung pinto kaya napabangon ako. Siyempre pa si Kris ang nabungaran ko. Ang nakashort at naka gray v-neck tee na si Kris Alfaro. Ang ganda niya. Amp. Diyosa. As usual, kunot ang noo.

May hawak na naman siyang iced pack. Nakadampi sa kaliwang parte ng mukha niya, sa gilid ng lips kaya napamaang ako.

Nakatingin lang din siya sa'kin, innocently. Taray di ba? Sa dami ng sinabi niya kagabi, ganyan pa siya tumingin sa'kin. Parang walang alam. Parang ang inosente!

"You punched me twice last night." Nakasimangot siyang umupo sa sofa habang idineklarang sinapak ko raw siya. Nakakatuwa yung mukha niya ngayon. Haha.

"Huh?" Is all I can manage to say. Naaaliw kasi ako sa mukha niya. Hindi ko siya pinagpapantasyahan ah, medyo lang.

"You punched my face, twice.." Ulit niya. "..like a pro."

"Huh?! Hindi naman ako nalasing ah." Depensa ko sa sarili. Syempre dapat hindi ko alam. Wala naman akong alam eh. "Kapag nalalasing lang ako, nananapak."

"I was trying to pull you, kasi malalaglag ka na sa higaan. Nu'ng nasa gitna ka na. You punched me. Natamaan ako sa jaw but it didnt hurt that much. Nung patalikod na ako, you hit me again. I tried to talk to you, but you didn't respond. So I assume, you really sleep like Snorlax."

Napanganga ako. Ang haba ng sinabi niya. Sinuntok ko daw siya? Inosente ako ah! "Nilasing mo kasi ako sa kagagahan mo. Dami mo kasing alam." Bulong ko sa sarili ko.


"Huh? Ano iyon Gail?" Inosenteng tanong niya. "Anyway, I'll continue the story.. Maybe 30 minutes after punching me, you said "leave me alone". Nananaginip ka yata. So I slept at the couch na lang. Baka mapuruhan mo ako." Dagdag niya. Ibinaba niya yung iced pack tapos humarap sa'kin. Medyo mukha siyang may pasa sa may gilid ng lips. Nagdugo pa yata yun dahil mukhang may sugat din.

Ang sama ko pag tulog. Amp! Nakokonsensya ako pero hindi ko naman kasi alam yon eh.

"By the way, let's have our breakfast. Fix yourself, payatot."


In-on niya yung TV. Nakanganga lang ako dito. Feeling ko ang awkward pa rin kapag bigla ko siyang lapitan ngayon eh. So maliligo na lang ako. "Saan tayo punta, Kris?"


"Sa Taal. Maglong sleeves ka, meron ka ba dyan? Kung ayaw mong mangitim. Daan tayo ng Robinson kung wala."


"Aakyatin natin?! May katulad ako ng iyo. Yun na lang." Nanlaki mata ko. Never ko pang naranasang magbilad sa araw ng bongga.

"Probably. May payong naman ah? Magpants ka. Bilis na, Gail. Ligo na."


At game na game siya?! Napanganga ako lalo. Papasok na ako ng banyo ng semi sumigaw siya na magbaon ako ng damit.


Pagtapos kong maligo. Kumain kami sa McDonald's tapos ay dumiretso kami sa isang daanang hindi maintindihan. Pababa siya. Tapos minsan pataas, pero pababa. May mga bahay kaming nakita. Sabi niya mainit daw pagbaba namin, kasi nga mababa. Hindi ko pa nararamdaman kasi nakaaircon naman tong sasakyan niya.


Huminto kami sa tapat ng parang bahay pero maraming maliliit na kubo na may lamesa sa loob. Siguro kainan. Matagal din kaming bumiyahe.


"Kain tayo ulit. Gutom ako eh." Habang nilalaro yung keys ng sasakyan niya.

"Sige."


Hinatak niya ako sa isang kubo. May lunapit na babae at umorder si Kris. Ang mahal lang ng 1.5 dito! 100?! Aangal sana ako pero si Kris, hinawakan kamay ko kaya natameme ako. Feeling niya siguro magrereklamo na ako.


Umorder siya ng inihaw na bangus dahil nagccrave daw siya. Siyempre hindi mawala yung bulalo. Mainit na nga, magsasabaw pa ang bruha. Nawala kasi yung simoy ng hangin ng Tagaytay dito nung bumaba kami.

"Ang init." Reklamo ko. Para rin kaming nasa Manila eh. Amp.

"Hubarin mo yang long sleeve at hoodie mo para di mainit."

"Sungit lang ah. Ito na nga eh. Teka, namumula ka. Haha. Ang cute mo." Sabay pisil ko sa pisngi niya.

Taray niya, namumula. Tapos ako mamaya sobrang iitim. Unfair! Charot.

"Ang sakit kasi ng suntok mo. Kung ganyan ka katabi, sa lapag na lang ako matutulog. Ang liit liit mo ang lakas lakas mo manuntok." Nakasimangot na na saad niya.

Hmp. Cute niya.

"Hindi ko naman alam yun eh. Sorry na nga po." Hinuhubad ko na yung hoodie ko, samantalang siya nakikipagtitigan dun sa babae sa kabilang kubo! Kaasar. Amp! Makapagshort shorts si ate, sana hindi na lang siya nagshorts di ba?! Nakakahiya sa kanya. Akala mo eh. Akala mo talaga. Amp!

"Tignan mo siya Gail. Pag nilapitan ko yan, mamaya nasa hotel room na natin yan. Do you have an extra shorts? Ibibigay ko sa kanya." Saad ni Kris na nilaro na lang yung mga tissue sa lamesa. Tinigilan niya na pagtitig dun sa babae.

"Pano mo nalaman? Tsaka excuse ha! Bakit mo ibibigay ang shorts ko sa kanya?" Taas kilay kong tanong.


"Para malaman niyang hindi krisis sa tela. At isa pa, halata.." Natatawang saad niya.


"Tinititigan mo rin kasi. Amp. Ang landi. Pati legs tinitignan."

Tinignan niya akong blangko ang mukha. Hawak yung tissue na ginawa niyang triangle. "Ano yun? Gusto mo ko no?" Nanginigiting saad niya. Halata pa rin yung pasa at sugat niya sa labi.


"Kapal mo. Nakakairita lang kasi siya."


Sakto namang dumating na si ate dala dala ang mga order namin bago pa kami magtalo sa gusto-ko-siya thingy. Yum yum. Mahilig si Kris sa lutong bahay kaya pala trip na trip niya sa Adobo Republic, Adobo Connection, Aristocrat’s at Razon’s. Dun kasi kami laging nakain eh.


Tumayo si Kris at may pinuntahan. Pagbalik niya nakahubad na yung long sleeves niya. At basa na ang kamay. Nangrape? Nirape?


Hindi pwede.

"Kain na tayo Gail." Kinailangan niya pang yumuko. Medyo matangkad. Haha.

Tinanguan ko lang siya. At nilantakan niya na agad yung inihaw na bangus pagtapos humigop ng sabaw. Napanganga ako kasi nakakamay siya tapos nakasubsob mukha niya sa kinakain niya.


"Huy, kain na. Maghugas ka ng kamay mo kung naiinggit ka." Tinitigan ko lang siya. "Ayaw mo? Edi wag."

Pagtapos nun kumuha ako ng bulalo tapos kumain na. Lumingon siya sa'kin. "Try mo to. Himayan kita."

Tapos naglapag na siya ng hinimay na isda. Kinikilig ako. Amp. Buti mainit, may dahilan ako para mamula. Haha.

"Sawsaw mo kasi." Inilapit niya yung sinasawsawan niya sa'kin. Toyo na may kalamansi at sili na may kamatis at sibuyas.

"Good. Eat a lot. Ang payat payat mo. Parang wala ka pang 50 kilos."


"Grabe.. Wait! Oo nga noh. 48 kilos lang ako.."

All this time siya lang nagsasalita. Most of the time para lang akong batang nakikinig sa kanya. Tatango pag kailangan at tatango lang ng tatango.


"Huwag mo ng isipin masyado iyong sinabi ko kagabi Gail. Ang tahimik mo eh." Nakatitig lang siya sa pagkain niya-- ay mali, sa plato niya. Ubos na kasi.


Paanong hindi ko iisipin yun? Mukhang gusto ko na siya. Tapos siya, gusto niya ako pero sinasabi niyang walang kasiguraduhan?

"Paano, ang dami mong alam. Ang sarap mong isako."

"Pasensya ka na, marami akong drama sa buhay. I have lots of rules." Simula na naman niya. Awkward moment na naman.


"Just live your life, Kris. Minsan, you have to break your own rules. Hindi ka mabubuhay ng masaya kung ganyan ka mag-isip parati." Seryosong saad ko na hindi tinatantanan ang gulay na nasa harapan ko. Nagiging kambing ako kapag kasama ko si Kris. Masyado siyang mahilig sa gulay. "You have a lot of boundaries. Hindi maganda iyon. Kasama sa buhay ang madapa't masaktan. Nasa sayo naman kung paano ka babangon.. Kung paano mo haharapin lahat."

Natahimik na naman kami pareho. Ito yung ayoko eh! Amp. Ayoko ng drama sa buhay. Ang ganda ganda ko tapos sasayangin ko ang oras ko sa pagdadrama? No way.

"Tara na nga Gail, simulan na natin." Seryosong saad niya. Halatang umiiwas at ayaw ipasok sa kokote ang words of wisdom ko sa kanya. Nirereject ng sistema niya dahil nga matalino siya't sarili lang ang pinaniniwalaan.


Nagpaalam siyang maghuhugas siya ng kamay. Pagbalik niya may kausap na siyang lalaking kuntodo ang ngiti at halatang komportableng kausap si Kris. Nasa mid 30's iyon, medyo bilugan at moreno. Nakaputing t-shirt at maong pants lang din.


"Mas maganda sana kung marami kayo eh. Wala ba kayong ibang kasama?" Tanong nung mama sa kanya. Nakatingin lang ako sa kanilang dalawa. Mas matangkad si Kris kay kuya kaya medyo nakatingala siya.


"Dalawa lang po kami eh. Okay na yun kuya Nestor. Just make sure na safe na iyong kabayong sasakyan ko pagdating sa Taal."


"Sigurado ka na ba na makakasakay ka na ng bangka?"


"Well-- hindi ko po alam pero nandyan naman iyong kaibigan ko. Okay na po siguro kung itatry ko." Nakangiting saad ni Kris.


Nafriend zoned na naman ako. Huhuhu. Pero takot siya sa tubig? Kambing.. Hahaha. Charot.

"Gail, si mang Nestor pala. Siya yung may-ari ng sasakyan nating bangka." Maya-maya'y pakilala ni Kris. Naisip niya pa palang andito ako. Hmp.


"Hello po kuya. Ako po si Gail." Bati ko kay kuyang smiling face. Mukha naman siyang harmless at mukhang close sila.

"Kumusta ka? Kaya mo ba ang init dito? Ito kasing si Kris sanay na."

"Ayos lang po. Para kay Kris." Ayiiee! Lumalandi na naman ako.


Tumawa si kuya at tinitigan si Kris ng makahulugan. So I assume, close talaga silang dalawa. "Oh sige, tara na kung ganon."

***

"KRIS! Kasalanan mo kung bakit nag-amoy Petrang kabayo ako. Grabe ka!" Asik ko kay Kris. Isinama kami ni mang Nestor sa bahay nila dahil nga parehas naming gustong maligo nitong si Kapre.

Tatawa-tawa siyang nagsalin ng tubig sa baso. Katatapos lang naming maligo. Paalis na rin kami, inaantay na lang si kuya. Higit isang oras din kaming namasyal don. Grabe lang yung init kaya bumaba rin kami agad.

"Eh sabi mo ayaw mong maglakad eh. Tinanong naman kita ah? Tsaka ang cute cute mo nga kanina eh. Lalo na nung muntikan kang malaglag." Sabayan mo ng napakalas na tawa niya na halos umecho sa kusina at iyon! Gosh. OA na yung epekto. Talagang nakakapanglambot. Amp.

"Tantanan mo ko kakatawa dyan ah. Akala mo.. Akala mo ang cute mo?!" Feeling ko kahit nangitim ako ng kaunti, pulang pula ang mukha ko sa inis sa kanya. Kanina niya pa ako iniinis at tinutukso dun sa manong na may hawak nung kabayo habang paakyat kami.

"Bakit hindi ba? Hina--"


"Oh sige, ipagkalat mo pa ha!"

Inis talaga! Buti na lang dumating na si kuya at nakapagpaalam na kaming uuwi na kami. Pupunta pa daw kasi kaming picnic grove.


Pagsakay namin ng sasakyan kumuha si Kris ng chocolate sa lalagyan niya. Ngumangata siya habang nagmamaneho. Amoy chocolate na nga siya mahilig pa siya sa chocolate?

Nakakapagtakang ang sexy niya pa rin, matakaw siya eh. Paano niya namemaintain iyong pigurang kinababaliwan ng mga kaklase kong lalaki? At ang mukha teh! Winner talaga.

"Anong gagawin natin sa picnic grove?"

"Titingin ng baka. May baka doon eh." Natatawang sagot niya.


"Minsan ang dami mo talagang alam. Amp. Nagtatanong ako ng maayos."


"At sumasagot ako ng maayos. May baka doon eh. Yung tumatakbo."

"Kabayo  yun! Ako pa uutuin mo."

Tawa siya nang tawa pagtapos. Halikan ko siya eh! Amp. Salbahe. Ano kayang nakakatawa don sa baka niyang kabayo pala.

"Magzip line tayo, Gail. Tapos mamayang gabi punta tayong Skyranch."

Naexcite ako bigla. "Yung may pinakamalaking ferris wheel? Sige!"

Naiiling siyang tumawa-tawa. Pagtapos nun wala na akong narinig na iba mula sa kanya. Tahimik kaming bumiyahe. Ganon naman na, awkward.

Parang hinalikan lang siya eh, tsk. Dami kasing alam. Amp!

***

"IBILI mo na ako ng hotdog, Gail. Dalawa ah. Dali na. Bago man lang tayo mamayapa."

"Asus! Bakit kasi hindi pa ikaw bumili eh. Ayan lang naman oh."

Papila na sana kami sa pila sa Viking pero heto gusto ng hotdog ng kapreng 'to. Dalawa pa. Amp!

"Samahan mo ko. Bibili rin ako ng akin."

"Pahawak ng kamay, Gail." Pumantay siya sa'kin ng lakad at tsaka akmang hahawakan ang kamay ko pero iniiwas ko. Dalagang Pilipina.

"Kagabi nag-iinarte ka dyan sa kiss ngayon hahawak ka ng kamay ko. Baliw ka." Bulong ko sa sarili ko. "Ayaw ko. H'wag mo ko pagtripan. Kagabi ka pa."

"Parang hahawak lang naman sa kamay eh."

Reklamo niya pa ng makarating kami sa stall ng nagbebenta ng tender juicy hotdog. Sa katabi nun may bibingka kaya inutusan ko siyang bumili. Pagtapos nun sumakay kami kay Thomas, yung train na naglilibot sa buong skyranch. Taray di ba.

"Gail, hindi ako masyadong kasya." Reklamo niya na sikip na sikip. Haha. Ang cute ng babaeng to. Amp. Hawak hawak niya pa rin yung hotdog on stick niya habang ngumunguya.

"Para kang batang nagsusumbong dyan, Kris." Naiiling kong tugon sa kanya.

Nilibot namin buong skyranch, kasabay nu'ng mga batang nakasakay sa unahan. Nakakatuwa dahil parehas kaming nag-eenjoy. Hindi lang daw halata, dahil ganun siya umaappreciate.

"Ang tangos pala talaga ng ilong mo, Kris."

"Huh? Pati ba naman yun. Namana ko kay daddy eh."

"May lahi ka ba? Nagparetoke? O talagang diyosa ka?" Hindi mapigilang tanong ko.

Para naman siyang baliw na tumawa. Abot yun sa mga bata kaya napatingin sa kanya. Ang adik lang. Amp.

"Gail, mukha ba akong  nagparetoke? Hmm.."

"Ganda mo kasi teh!" Natatawang saad ko.

Huminto na si Thomas, train kaya bumaba na kami ni Kris. Naubos niya na rin yung hotdog niya ng di ko namamalayan. Tanging box ng bibingka na lang ang bitbit niya. Ang liit nga tingnan nun  sa kanya eh. Tawa siya ulit. Kinawayan niya yung batang nakatingin sa kanya, tsaka ngumiti.

Gosh.. Hihimatayin na ba ako?

Pumila na kami sa pila ng Viking. Artista tong kasama ko kaya pinagtitinginan siya. May mga nagpapacute pa. Amp!

"Gail, can't bear with these girls.. Will you come closer?" Bulong niya. Para-paraan siya eh. Haha.

"Bakit kailangan pa nun?"

Imbis na sagutin ako, hinila niya ako at inakbayan. Ehhh. Niyakap ko siya sa bandang baywang, at siniksik ulo ko sa kanya. Ang bango amp!

"Amoy chocolate ka talaga." Sininghot singhot ko pa siya. Haha.

"Amoy dough nut ka naman. Ang bango." Sagot niya.

And it's our turn na. Hindi ko na napansin yung mga nakatingin sa kanya. Narinig ko na lang na may nagsabi, "ay girlfriend niya"

Naupo kami sa pinakadulo. Sa gilid si Kris, tapos ako tapos may love birds sa gilid ko. Nagsalita si kuya na magthumbs down daw pag di na keri, para ihinto pero lahat bababa. Katakot naman yun, mamaya sapakin ako ng mga to kapag ganon. Nagstart nang umandar. Nakakahilo! Ang bagal. Nakakaantok, nakakahilo.

"Gail, you okay ba?" Tanong ni Kris with this worried tone of voice.


Taray ko. Ang ganda ganda.

"Oo, kahilo lang. Dapat pala di na muna ako kumain. Baka masuka ako."

"Ako din eh-- ayan na bumibilis na."

Panay tili ko at panay tawa ni Kris. Nasisiksik ko na nga siya dahil kuntodo kapit ako sa kanya. Si ateng katabi ko halos sumiksik din sa'min. Grabe kasi! Parang hindi na hihinto 'to.

"Gail, taas mo paa mo." Sabay tawa niya. Hinawakan niya kamay ko at ehh! Mamaya na ako kikiligin. Nakakatakot kasi.

"Kris, baba na tayoo! Ayoko na!" Sigaw ko.

"Kaya mo yan, Gail. Nasusuka na nga ako eh." Sigaw din siya.

"Hoy, hwag kang sumuka dito ah. Sasapakin kita."

Panay tili at sigaw lang ang naririnig ko. At kung titigan pa kami nung mga tao sa baba akala mo, mamamatay kami dito. Amp. Mararanasan talaga nila to mamaya.


Nahimasmasan ako ng huminto na. Naramdaman kong lumuwag na ang pagkakahawak ni Kris sa kamay ko pero hindi niya binitawan. Inalalayan niya ako hanggang sa makaupo kami sa upuan sa isang gazebo, malapit sa sky eye. Nakatingin lang kaming pareho dun. Malamang, kinakapa niya rin kung masusuka ba siya o hindi.

"Mas matindi pa yan kaysa sa Anchor's away ng Enchanted Kingdom. Sumakit ulo ko. Nasusuka ka ba?"

"Hindi, nahihilo lang ako. Bawal umupo dito. Nirerentahan. Mamaya pagbayarin tayo, Kris."

"Edi bayaran. Okay ka na ba?" Ikot tayo. Lakad lakad. May zipline din dito eh. Try natin?"

Tumayo na siya at nag-inat inat. Ang laki niyang tao. Amp. Itinaas niya ang kamay niya, nakatalikod siya sa'kin. Bahagyang tumaas yung shirt niya kaya naman nakita ko.. OMG. May tattoo siya?!

Sa pinakalower part iyon ng likod niya, bago sa waistline. Nakikita dahil na rin mababa siya magpantalon katulad ng iba, ako kasi, naiilang pag ganon kababa. Halos hindi ako makahinga sa view na yun ah! Electrifying.

"May tattoo ka?" Wala sa huwisyong tanong ko. Napanganga talaga ako. Hindi naman dahil mukhang hindi siya magpapalagay nun pero ang sexy kasi.. Isang linya lang iyon at hindi ko naintindihan dahil kaunti lang naman nakita ko. Maliit pa.

"Yeah. Malalaman mo next time kung bakit meron ako nyan." Nakangiti niyang saad. Oh my gosh! Gangster ba siya? May kulto? Sindikato?

Nakatunganga pa rin ako. Why so sexy.... Gosh! May tribo siya no? Gangster? Ano ba yang mga pinag-iisip ko.

" Tara na. Sky eye's waiting." Ngiti niya sa'kin. Iniabot niya yung kamay niya at ako naman, kinuha iyon at tumayo. Pumunta kami sa sky eye na wala naman masyadong tao. Halos alas diyes na rin kasi. Yung iba nakatambay na lang.

"Piliin mo yung number ngayong araw, Kris! 08." Ngiti ko sa kanya. That means infinity. Hoho.

"Sure. Kuya, number 08 daw." Sabay abot niya ng printed paper na nagsisilbing ticket namin.

Inantay lang namin yung 08 at umakyat na. Pinauna ako ni Kris. Naghabol pa siya dahil medyo mabilis yung andar. Nang makasampa siya eh sinara agad ni kuya. Naramdaman ko yung kakaibang lamig dito dahil nga aircon. May tugtog din.

Natahimik kaming pareho ng pumailanlang ang sunod na kanta. Medyo nasa gitna na kami at mabagal na ang pag-ikot. Lumakas ang kabog ng dibdib ko. Para akong ikakasal bigla ah! (Video lyrics' on the side: If you're not the one by Daniel Bedingfield)

If  you're not the one then why does my soul feel glad, today?

If you're not the one then why does my hand fit yours this way..

Halos kumawala na naman sa rib cage ko ang puso ko dahil sa kilig. Gagang puso to. Hindi marunong lumugar. Tahimik lang si Kris, nakatingin sa labas at nakangiti. Yung ngiting kumikislap ang mata.

If you are not mine then why does your heart return my call?

If you are not mine, would I have the strength to stand at all?

"I never know what the future brings, but I know that you're here with me now..."

Napasinghap pa ako at lalong nanigas sa hindi maipaliwanag na dahilan ng sabayan niya ng bulong ang linyang iyon. Gosh....

"I hope you are the one I share my life with.."

Nanatili akong tahimik. Itong Kris na to, bumubulong bulong pa eh! Nakakainis. Nagiging unfamiliar lahat ng naramdaman ko bigla, parang first time-- parang bago lahat.

Coz I love you whether it's wrong or right..

"Hopefully, iyan ang kantang gusto kong kanta kung ikakasal man ako. Maganda di ba?" Tanong niya na lumingon sa'kin. Napatanga ako. Kasal agad?

"Maganda. Feel na feel ko nga eh." Sagot ko na naiinis. Ewan kung bakit! Amp!

Bigla kong naalala yung sinabi niya kagabi. Parang urong sulong. Masyadong magulo. Sapakin ko siya eh. Dami dami niyang alam sa buhay.

"Alam mo ba yung Kismet na kanta, Kris?" Tanong ko. Naalala ko nung una kong narinig yun, parang gusto kong yakapin yung kumakanta pero bigla siyang nawalang parang bula.. Asar.

Nag-iba na yung kanta. Bigla ring nagbukas yung pinto. Bababa na kami.

"Bakit mo naitanong?" Pagbaba namin.

Palabas na kami, papunta sa parking. Malapit lang yung hotel na tinutuluyan namin mula dito.

"Wala lang.. Gusto ko kasi yun. Pampatulog ko pa nga." Nangiting sabi ko. Simula kasi nang marinig ko yun, yun na talaga ginagawa kong pamparelax.

"Ang cute mo.. Naenjoy mo ba?"

"Hindi. Kasi naman yung kanta. Di ko nakita yung view kanina." Nakasimangot kong tugon sa kanya.

Natatawa siyang binuksan iyong car door sa passenger's side. "Sakay ka na, miss. Hwag ka ng sumimangot, ang cute mo eh."


"Cute ka dyan. Magdrive ka na nga." Iniwas ko na tingin ko sa kanya bago niya pa mapansing namula ako sa compliment na sinabi niya.

"Sana ikaw si Kismet.."  Bulong ko sa sarili ko. And one thing is for sure. "Gusto na kita.."

***

#Not edited. Thank you for reading. :)

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top