Chapter 7

Gail Barrera

"ANONG oras na, Kris?" tanong ko kay Kris. Hapon na din ng makaalis kami ng Manila. Papunta na kami ngayon sa Tagaytay. Yey!

"6:31 pm. Pagdating na tayo kumain. Okay lang? Gutom ka na ba?"

Umiling ako. Medyo province na tong dinadaanan namin pero hindi, city of Dasmariñas eh. Cavite na. Sabi niya malapit na daw kami kapag nadaanan namin SM. Kabisado niya no? Ilang babae na kaya nadala niya dito? Haha.

"Gail.."

"Bakit?" Ang sarap sa pakiramdam na tinatawag niya ako. Haha. Landi ko. Amp.

"You know what I hate the most?" Seryosong tanong niya. Weird din pala tong babaeng to minsan.

"Attaching myself to anyone." Diretso lang ang tingin niyang saad. Ano namang ibig niyang sabihin dun?

"Huh? Bakit naman?" May abandonment issue ba siya? Hmm.

"I have Athazagoraphobia."

"Ano naman yun?" Hindi ko naman alam yun. Hmp!

"Search mo sa google." Malditang sagot niya.

"Salbahe ka talaga."

Siguro nga may abandonment issue tong babaeng to. Base na rin sa nakikita kong personality nya. Wala akong nakikitang company niya bukod sa lalaking lagi niyang kasama. Yung rumored boyfriend niya pero best friend niya lang daw.

"Kaya ba, wala kang circle of friends?"

"Obviously." Boring na sagot niya. Mas nacucurious tuloy ako sa kanya ngayon. Mukhang marami siyang issue sa buhay. Ilag siya sa mga tao. And chuvachuchu. Chos.

"Wait, sino yung kasama mo lagi?"

"You mean, John? Best friend ko and at the same time, childhood sweetheart." Pagak na tumawa siya after. Halata naman sa kislap ng mata niya na talagang close sila nung lalaki. "Ikaw, Gail? Bakit wala ka laging kasama?"

"Hmm, baka hindi mo lang talaga ako nakikitang may kasama. I have friends naman. Si Alex, Althea and Andrea." Puro A pala sila.

"Oh I see. Yung Andrea ba yung Mighty Princess ng AEU?"

May mga title talaga sila. Haha. Sikat din si best friend. Amp. "Yeah. The one who stole Cupid's arrow, last foundation day." Isa sa 8 Goddesses ng Ashton Edwards si Cupid.

"Kaya siya binansagang mighty princess. Cute." Nakangiti niyang saad. Mahirap kasing agawin kay Cupid yung arrow. Naissue pa nga na dahil maganda si Andrea at masungit kaya nakuha niya kay Cupid yun. Part ng foundation day yung game.

"Ikaw.. Alam mo ba kung ano ang tawag sa'yo ng mga kaklase ko?" Tanong ko sa kanya.

Napakunot ang noo niya. "Huh? Ang alam ko lang isa akong ordinaryong  estudyanteng lagi na lang napagtitripan ng mga camera ng school mates natin." Natatawang saad niya pero halata namang aware siya na sikat siya. Hmp.

"Ewan ko sa'yo.. Pero ikaw daw ang silent casanova ng department ninyo. Ang baduy nga eh, silent casanova. Haha."

Nakangiti siyang tumingin sa'kin. Well, isa iyong ngiting nagsasabing oo na lang. "I'm so used to that title. Pero never akong nakipagdate sa kahit sinong babaeng nag-aaral sa Ashton Edwards, Gail." Bumaling na ulit siya sa daanan.

Hindi ko pa nararamdaman iyong lamig ng simoy ng hangin dito dahil hindi pa naman kami lumalabas ng sasakyan niya.

Natahimik ako. Dati naman kasi'y hindi ko pinapansin yung mga sinasabi ng kaklase ko eh. Yung tipong naririnig ko lang pero wala akong pakialam. Hmp. Ngayon bawat marinig ko yata na may kalakip na Kris, halos hindi ako magkandaugagang makinig.

"Minsan, hindi ko maintindihan. Parang against lahat ng sinasabi sa'yo eh. Babaero ka daw, mukha naman pero sabi mo hindi. Hmp. Ganun ba talaga pag sikat?" Naiinis na tanong ko. Marami-rami ring tsismis tungkol sa kanya no. Buti nga puro babae eh. Kapag kasi nakikipagdate daw siya sa lalaki, akbayan lang siya, uuwi ng injured.

"Hindi naman ako sikat eh. Si John lang. Sumabit lang ako sa kasikatan niya." Natatawang saad niya. Sikat daw? Eh hindi ko nga kilala yun. Hmp.

"Pahumble pa to. Baka hindi mo nakikita sa gate ng Ashton Edwards iyong mga banner mo?" Isa pa sa dahilan kung bakit sikat siya, pag aalis ng school, laging may naiuuwing karangalan.

"Nangopya ako kay John."

"Ewan ko sayo. Kwentuhan mo na nga lang ako."

"Ano namang gusto mong ikwento ko? Gagawin mo pa akong si lola Basyang."

"Kahit ano.. Hmm, lovelife mo! Tama. Napakamysterious mo eh. Puro date lang alam ko sa'yo."

"Stalker kita no? Haha."

"Ang kapal mo!" Hinampas ko siya sa braso. "Magkwento ka na dali."

"Hmm. Wala ako nun eh. Zero. Kwentuhan na lang kita ng fairytale."

Sumimangot ako at tsaka binuksan yung bintana sa side ko. Malamig na eh. Tagaytay na to. "Hmm. Nakalayo rin sa polluted na Maynila."

"Akala mo ang layo ng inilayo mo dun ah." Nakabukas na pala lahat ng car window ng sasakyan niya. Taray hinahangin hangin buhok niya. Haha. Parang music video lang ah.

"Atleast, nakalayo." Hmp. Basag trip.

"Gail, dito na tayo. Hwag mo masyadong namnamin yang hangin.." Kinalabit niya ako. Bakit ang bilis naman?!

"Aish!" Naiirita akong tiningnan siya. Pero seryosong mukha niya lang ang nakatitig sakin. Lagi naman. Haha.

"Ano? Baba na."

Tinignan ko yung paligid. Nakakatuwa, nasa harap kami ng isang bahay na gawa sa kahoy. Puro kahoy pero ang ganda eh! Haha. Basta maganda siya. Along the high way.. Ay maingay dito. Hmp.

Medyo maliit lang at walang parking area pero may garden. Ang ganda talaga. Hmp.

"Dito na tayo? Bahay mo ba to?" Excited akong bumaba at kinuha ang backpack ko.

"Oo." Sagot niya na hindi pa bumababa. Bakit hindi pa siya bumaba?

"Wait lang, Gail. May kukunin lang ako." Paalam niya tsaka yumuko. Bahala siya, basta ieenjoy ko hangin dito. Minsan lang ako makalayas sa Manila ng hindi bakasyon eh. Haha.

Tinignan ko din kabuuan ng bahay. Siguro siya nagpagawa nito. Ang liit kasi. Hindi mukhang bahay bakasyunan. Parang isang tambayan lang na pag trip mong mag-isa pwede mong puntahan.

"Kris, pwede na ba akong pumasok?"

"Ahh. Eh! Hindi. Wait lang." Bakit kaya nakayuko siya?

Tinignan ko siya from the driver's side. Saktong pag-angat niya na may mga papel sa kamay. Hmp.

"Gail, pasok ka na ulit. Ipapark ko to."

"Aba, bakit kailangan pa ako dyan sa loob?" Naiinis na tanong ko. Pictures pala yung nasa kamay niya. Pero may mga papel. "Patingin naman nyan."

"Hindi pwede. Pasok na. Hindi tayo tutuloy dyan. Sa hotel tayo."

"Huh? Eh bakit pinababa mo pa ako?" Kunot noo akong pumunta sa passenger's side. Binuksan niya naman agad ang car door at humarurot paalis sa harap ng kahoy na bahay.

"Wala lang. Para malinis ko yung kalat ni John." Kibit balikat niya.

Tinignan ko siyang maigi. Hindi ako pwedeng magkamali na may something sa kanya. Hindi niya lang sinasabi. Hmp. Ano kaya yun?

"Saang hotel naman tayo, Kris? Baka mamaya motel yan ah." Biro ko sa kanya. Mukhang malalim iniisip eh.

"Hindi kita dadalhin dun. Baka mamaya sabihin, pumapatol ako sa dwendeng patpatin." Nanunudyong sagot niya.

Pang-asar talaga kahit kailan. Amp. "Tse. Hwag na hwag mo kong kakausapin ha! Sasabihin ko kinidnap mo ko."

"Wala namang maniniwala sa'yo." Cool na saad niya.

Nanahimik na lang ako hanggang makarating kami sa hotel. Pumasok kami at kinausap ni Kris yung receptionist. Nagbigay siya ng card. May binigay na card na black yung babae. Pagtapos nun ay dumiretso kami sa isang maliit na elevator. Dalawa lang kami na nandon.

"Hwag kang tatakas Gail, kasi hindi ka makakabalik. Isa lang tong card na hawak ko oh."

Pinindot niya yung 12 sa elavator buttons at tsaka ininsert yung black card. Taray. Haha. Pangmayayaman lang yan.

"Bakit naman ako tatakas? May balak ka bang gahasain ako?" Inirapan ko siya.

Natawa siya ng mahina. Juice colored. Baka ako pa ang gumahasa sa kanya kung ganyang para siyang nang-aagaw ng lakas kapag tumatawa. Hmp! Hindi! Babae ako eh! Straight ako no!

"Hindi ko kaya type yang mga ganyang kaliliit na babae." Nang-aasar na turan niya. Sikmuraan ko kaya tong bakulaw na to? Amp!

Hindi ako nagsalita. Marunong siyang mang-asar at pangiti-ngiti pa siyang umiiling. Iumpog ko ulo niya sa ulo ko eh. Makita niya kung gaano ako kaganda. Chos.

Tumunog na ang ting at lumabas kami ng elevator. Maganda din yung hotel na tinuluyan namin. Ano pa bang inaasahan ko sa Kris Alfaro? Anak mayaman eh, malamang magandang hotel ang pipiliin.

Sa kaliwang bahagi kami pumunta at lumiko ulit kami sa kanan. Amoy hotel. Haha. Huminto kami sa itim na pinto at isang malaking kwarto ang bumungad sa'min.

Para ng bahay. Kumpleto, may sala set, isang malaking kama at kitchen. May mini bar, may flat screen TV at syempre air-conditioned.

Pumasok kami sa loob at naghubad ng sapatos si Kris. Nakatayo lang ako dito. Full glass window, magandang view sa labas at masarap sa ilong na amoy ng hotel room.

"Gail, magpahinga ka na muna. Take a bath if you would love to. Kakain tayo." Pambabasag ni Kris sa pagmamasid ko.

Nakarating naman na ako sa mga hotel pero syempre inoobserbahan ko pa rin lahat ng nakikita ko kapag sa bagong hotel naman. Pare-parehas lang ang karamihan sa interior eh. Eh itong hotel room na to, mas comfy at mas modern.

"Ligo na ako." Sabi ko na lang kay Kris.

"No, magpahinga ka muna. Itatali kita kung magpupumilit ka." Straight face na saad niya.

Nakaopen na yung buttons ng polo long sleeves niya. Kita na yung white shirt na may ARKI print. Nakapikit din siya at nakaspread ang mga kamay sa higaan.

Teka, isa lang higaan? Gosh! Mukhang sa sofa ako patutulugin ng kapreng 'to ah!

"Gail, Sunday night tayo uwi ha. Punta tayo sa Puzzle Mansion."

"Okay. Pero saan ako matutulog?"

"Dito syempre. Saan mo ba gusto? Kung gusto mo sa lapag, dun ka matulog. Kung saan ka komportable." Salbaheng sagot niya.

Hindi ko maintindihan ugali nito eh. Minsan sweet, minsan ganyan. Lakas lang ng topak?

"Dyan ako sa higaan. Maging gentlewoman ka naman!"

"Sinabi ko na ngang dito ka matutulog eh. Option lang yung iba. Syempre tatabi ako sayo. Hwag mong balaking hawakan ako ha?" Bumangon na siya ng higaan at hinubad ang polo long sleeves niya. Isinampay niya sa single sofa sa gilid.

"Ang kapal talaga ng mukha mo. Meron naman ako nyan no! Ikaw tong nang-aakbay at nanghahawak ng kamay dyan kaya ako ang h'wag mong hawakan."

Umupo na ako sa higaan. Ang bangooo. Kaamoy na ni Kris yung higaan. Gosh, OA. Agad agad?

"Don't worry. I respect you the most."

Hoo! Kung totoo lang talaga na kumakawala ang puso mula sa rib cage, baka sumasayaw na mag-isa ang puso ko sa harap ng nilalang na bumabanat ng palihim.

Pinilit kong itago ang pamumula ng mukha ko. Bakit ba ako nagkakaganito? Umayos ka nga Gail. Hmp!

Dumiretso na siya ng bathroom at syempre naligo. Sabi niya magready na daw ako at maligo kung maliligo.

After naming magready parehas ay lumabas kami ng hotel room. Lumabas kami ng hotel. Sandaling nagdrive at huminto rin sa isang kainan.

Ayoko namang magtanong bakit hindi na lang sa resto sa hotel kumain. Nagpark lang siya at lumabas. Binuksan niya rin agad yung car door sa side ko. Feeling prinsesa tuloy ako. Charot.

"Matagal ko ng gustong kumain ng ganto. Unli rice dito, Gail. Paramihan tayo." Nakangiti niyang binuksan yung glass door at pinauna ako.

Marami-raming tao. Tapos nakatingin lahat kay Kris. Artistahin talaga tong kapreng to. Laging agaw atensyon.

"Ano? Ayoko! Masisira diet ko. Chos. Sa laki mong yan, talo ako no." Nako, sa tangkad niya sobrang lakas niyang kumain. Para kaya siyang eating machine. Haha.

"Okay partida.. 2 rice sayo katumbas nun sa'kin 1. Payag ka na?"

"Make it three." Biro ko. Naupo na kami sa bakanteng table tapos may dumating na babaeng sobrang lagkit ng tingin kay Kris. Dukutin ko mata nito eh.

"The best din yung sisig dito Gail! Try natin?" Tanong niya. Tumango lang ako. Matakaw talaga tong kapreng to. Haha.

"Miss, bulalo, sisig tapos sprite. Tsaka, buko pandan? If Im not mistaken."

"Yes mam. Ulitin ko lang po order nyo. Bulalo, sisig, buko pandan and 1 pitcher sprite."

"Yes. Thanks."

Pagtapos nilang magkuhaan ng order, napasimangot si Kris. Yung itsura eh. "Gail, tabi tayo sa upuan." Sabi niya pagkatapos tignan yung nasa kabilang table.

Grupo ng mga babae. Mukhang kaedaran lang namin. Halos lahat sila nakatingin kay Kris. Awkward din siguro pag tinitignan ka palagi. Medyo kawawa rin pala si Kris. Haha.

"Oh tumabi ka. H'wag kang malikot ah." Pinat ko yung tabi ko. Agad naman siyang umupo.

Humarap siya sa'kin at cornered ako dito sa sulok. Sa tabi kasi kami ng glass window umupo. Sobrang lapit lang niya. Haha. Isang mahabang upuan lang din kasi inuupuan namin.

"Amoy chocolate ka Kris. Ang bango. Iba kesa nung nakita kita sa waiting shed."

"Pati ikaw napapansin yun? Ito kasi talaga gamit kong perfume. Ang sweet ba masyado ng amoy?"

Hindi ko nga alam na totoo palang may amoy chocolate na tao eh. Haha. Basta amoy sweet chocolate na medyo matapang.

"Hindi. Ang bango nga eh. Paamoy nga ng malapitan." Charot. Halos irapan ako ng mga babaeng kanina pa dito nakatingin. Gawin bang ulam tong si Kris?!

Lumapit naman siya lalo. Inamoy ko lang siya para asarin yung mga babaeng halos maglaway sa kanya. May mangilan-ngilan ding lalaki pero nasa date siguro kaya di sila makatingin. Haha.

"Okay na. Ineenjoy mo naman masyado, kapre."

Lumayo siya ulit. Pero parang naiwan sa ilong ko yung amoy niya. Mukha siyang inosenteng batang madaling mauto ngayon. Ang cute cute. Haha.

"Anong nginingiti-ngiti mo Gail? Hinuhubaran mo na ba ako sa isip mo?"

"Ay ang kapal talaga. Baka gusto mong totohanin ko yan. Haha. Halikan kita dito, makita mo." Wala naman sa'kin yung pagkiss sa kanya. Swerte pa nga ako eh. Girl crush ko kaya siya. Haha.

"H'wag PDA Gail. Pagbalik na lang sa room." Natatawa na naman siyang umayos ng upo. Dumating na ang order naming may apoy sa ilalim. Haha. Yung sisig mukhang masarap. Parang tumakaw ako bigla.

Grabe daming gulay. Pakiramdam ko, magiging kambing na naman ako. Ay hindi! Isang herbivore na nilalang. Chos. Hindi ko nga pala alam meaning nun. Hmp. Pinagsasabi ko na naman.

"Tuloy pa ba game natin, Gail? You know.. Hindi tayo kumain simula lunch?" Hindi ba ako kumain? Oo nga. Hindi ko man lang naubos yung cake na inorder ko dahil sa istorbong si Nicolo.

"Hmm, sige! Anong premyo?" Excited na tanong ko. Feeling ko namimilog ang mata ko sa sobrang excitement nang maisip ko yung prize.

"Hmmm.. Kung anong gusto mo." Hindi ko alam na marunong siyang mag-smirk. Pero utang na loob, parang nalaglag yata ang underwear ko kahit nakaupo ako. Bakit ba ang hot niya?! At bakit ba paunti-unti'y mas lalo kong naaappreciate ang lahat ng kilos niya? Oh my..

Napapikit ako ng mariin. I deleted the thought. Mahirap magkaron ng malisya sa pagitan namin. Wala siyang gusto sayo Gail. Wala ka ring gusto sa kanya. Iyon yun! Tsaka anong sasabihin mo sa nanay mo kapag--

"Hoy, ano bang gusto mo?"

"Maka hoy. Namumutol ka ng moment." Umirap ako at sandaling nag-isip. "Gusto ko? Kiss! Torrid." Bigla akong napatawa sa sinabi ko.

Bwisit ka Gail! Kasasabi mo lang na wala kang gusto sa kanya ah!

Gusto kong tumakbo palayo dito sa hiya sa kanya. O di kaya lumusot ako dito sa glass window ng kainan na 'to. Kung anu-ano ng lumalabas sa bibig ko. Nakakahiya!

"I told you-- I respect you the most b--"

"Shut up. Iyon ang gusto ko. Kaya pag natalo kita, kikiss mo ko. Okay?!" Pinandilatan ko siya ng mata. Bahala siyang mag-isip kung pinagnanasahan o pinagpapantasyahan ko siya. Paninindigan ko na lang yon.

"Okay." Kibit balikat niya. "Hindi mo ba itatanong kung anong gusto ko kapag natalo kita?"

"Ay! Ano nga ba?" Tanong ko. Nangiti ako. Para akong manyak ngayon sa mga naiisip ko. Hindi ako nandidiri eh, so ibig sabihin, grabe gusto ko talaga?! Goshh. Hindi na ako babae.. Oh my gulay.

"Hmm, payakap ako pag natulog na tayo.Hanggang bukas." Ngiti niya. "Let's start this. Excited ako sa magiging result." If I know, parehong benipisyo niya yung mga premyo eh. Crush niya kaya ako. Chos!

Pero, ano nga bang feeling ng mayakap niya? Sandali kong nirecall.. Hindi ko pwedeng makalimutan yun dahil sobrang sumagad sa buto yung epekto. Hindi kaya pag first time lang yun? Hay nako!

Nagsimula na kaming kumain. Nag-away pa kami. Pano dinuduga ko daw siya eh nanghiram na nga siya ng papel para ilalagay namin dun kung ilan na nakakain naming kanin.

"Kris! Busog na busog na ako. Feeling ko nasisira ang figure ko." Nag-iinarteng reklamo ko sa kanya.

Tumawa lang siya.

Rape! Iyon na naman ang tawa niyang akala mo nang-aakit palagi eh. Sisipain ko na to pag tumawa pa siya.

"Busog na rin ako. Feeling ko panalo ako. Di ba ate?" Tanong niya sa kaharap namin. Nagtawag pa ng server dito para icount lang yung mga cup of rice na nakain namin.

Sana panalo..

Pero ano bang mas masarap? Yakap o halik? Malandi lang talaga Gail?

Pero ano nga kasi? Halik o yakap?

***

A/N: Ano daw bang mas masarap oh? Haha. Natatawa ako habang ginagawa ko 'to. Sinisipag tuloy akong mag UD dahil sa cute na progress nilang dalawa.

Nacu-cute-an ako kay Gail. Nagiging crush ko tuloy siya. Haha. </3

Keep rockin'

-17Percent-

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top