Chapter 6
Gail Barrera
"WAHHH, grabe ka Gail. Bakit hindi mo man lang pinansin si Alfaro? Grabe ang ganda ganda niya pa naman!"
"Oo nga, Gail. Nanliligaw ba siya sa'yo? Tell us the story naman! Napakailap niya sa tao. Pano mo siya naging friend?"
"Kahit nga professor natin sa World Lit, crush na crush yun eh! Tapos ginaganun mo lang!"
"Aagawin naman siya sa'yo."
"Pakilala mo naman kami, Gail."
"Magsitigil nga kayo! Dinedate daw nun si Sheena Ramirez. Kalat kaya sa UW, twitter at fb yung pictures nila na pumasok sa movie house."
Napatingin lang ako kay Althea. Sa lahat kasi ng nagsalita siya lang yung may sense ang sinabi. Kanina pa kasi sila reklamo ng reklamo kung bakit daw hindi ko pinansin si Kris. Babaero talaga yun. Hmp.
Nakatunganga lang ako sa bintana. Bad mood ako eh. Mag-away ba naman si mama't papa ng sobrang aga dagdagan pa ng hitad na babaeng yon! Nananadya yata siya. Una si Nicolo ngayon si Kris. Aba!
"Gaga, nakita din sila ni Gail sa park. Sa tapat ng school, sa library at sa gate 1. Mas bongga sila." Bulong ni Faye kay Althea. Naririnig ko din naman. "May pictures din sila oh." Dagdag niya.
"Meron pang pinost si Kris kagabi! Selfie nilang dalawa ni Gail. Bongga ang caption.. 'I had fun with this beauty'" Biglang singit ni Alex na kanina'y tahimik lang.
"Anong pinagsasabi nyo dyan?" Tanong ko.
"Sight mo 'to dali." Halos idikit ni Alex phone niya sa mukha ko. Amp. Abnormal talaga. "Kita mo yan? Napangiti mo talaga siya ng ganyan? Sa dami ng pictures niya, natatanging yan lang ang picture na labas ang pangil niya."
Napangiti ako, ayun yung picture naming dalawa sa park. Ang cute cute niya talaga sa picture na yun.
"Uy, iba yang ngiti mo girl. Siguro nagLQ kayo dahil naspot-an sila nung popular girl from Tourism Department no? Kanina lang halos mapunit yang libro sayo." Pang-aasar ni Alex.
Ang bilis namang kumalat nun? Palibhasa hindi ako active sa mga account ko ngayon. Hindi ko tuloy alam.
"Bakla, yung totoo? Kayo na ba?" Segunda ni Althea.
"Hindi. Kakikilala ko lang kaya sa kanya." Tanggi ko. "Mga baliw kayo."
"Sus, luka. Matagal na nating alam na kilala mo siya. Baka kakikilala lang niya sa'yo." Pambabasag niya sa'kin.
"Alex, ang bait mo talaga sa'kin. Hmp." Number 1 kaaway ko siya dito dahil masyadong straight to the point.
Ganito pala talaga siya kasikat. May pagngiti pa siya dito sa mga bruhilda kong kaklase na akala mo inasinang earthworm kanina. Naiinis ako pag nangiti siya. Amp. Lagi kayang kunot noo niya.
Buti na lang dumating na prof namin at nagsipagtigil na tong mga kaklase ko. Kahit kasi mga lalaki naglabas ng camera para picturan si Kris kanina. Nagtweet agad sila na naligaw daw si Kris sa building namin.
Natapos ang first subject ko na wala akong ganang mag-aral. May dala-dala kaya akong breakfast para sa kapreng yun tapos may nauna ng nagbigay sa kanya. Nakakasama ng loob. Mukha pa namang linta yung babae. Hmp!
Dumiretso ako ng Franco's sa loob ng school. Coffee shop siya na dinarayo dahil sa walong diyosang natambay don palagi. 8 Goddesses ang tawag sa kanila dahil na rin sa mga pangalang galing Greek Mythology.
Pagpasok ko, marami ng estudyante. Nakita ko na din yung mga hanep sa gandang Goddesses. 3 lang sila ngayon.
Dumiretso ako sa bakanteng upuan at tsaka umorder ng cake at kape. Baka sakaling mawala pagkabadmood ko.
"Gail.." Boses from behind. Bigla akong kinabahan. Si Nicolo. Siya yun, hindi ako pwedeng magkamali.
Mabilis akong nakabawi mula sa pagkabigla sa pagtawag niya sa'kin. "Hey." I casually said. Medyo sanay naman na akong break na kami. It's been 2 months.
"Kumusta ka? Can I join you here?" May hawak pala siyang coffee. Malamang black coffee iyon.
"I'm good. Ikaw ba?" Tanong ko. Ano naman kayang kailangan niya ngayon? Nakakainis, dadagdag pa yata siya sa pagkabadtrip ko.
"Mabuti naman. I've heard that you were dating Kristine Alfaro of Architecture Department. Totoo ba iyon? Okay lang ako. Busy din."
9 months kaming nagtagal ni Nicolo. Tapos nakipagbreak siya dahil gusto niya raw makapagconcentrate sa studies niya. Bwisit eh bulakbol lang ang alam niya, may pagganun pa siya. Nabalitaan ko na lang na may girlfriend na siya bago pa kami magbreak ng tuluyan.
"We're good friends." Sagot ko. Totoo naman. Pero maaalala ko, date pala yung sa park. Hmm. "Not exactly dating." Dagdag ko.
"But the two of you caught AE community's attention. Maraming nagsabi sa'kin na bagay kayo but against ako sa bagay na yun."
"Hindi ko naman hinihingi ang approval mo, kung sakali. Alis na ako Nic, may gagawin pa ako."
Tumayo na ako at hindi na siya pinakinggan. Aba, isinumpa ko sa sarili ko na who you siya sa'kin kapag nakamove-on na ako. Pagbayaran niya ang pagtataksil niya. Hmp!
Lalo akong nawala sa mood dahil di ko naubos yung coffee at cake ko. Badtrip kasi, eeksena na nga lang siya, ita-topic pa si Kris. Pwede namang makishare lang siya ng table dahil alam kong punuan dun, kaya nga ginagawan na ng extension pero may pag-usisa pa siya.
Dumiretso akong library. Sa dating pwesto ko ako pumunta. Tahimik kong ginagawa ang journal ko ng mahagip ng mata ko si Nicolo. Na naman. Hmp! Ang tigas ng mukha nitong ugok na to.
"Hi?" Alanganing bati niya na nakatayo sa harap ko.
"Ano na namang kailangan mo?"
Umupo siya sa upuang nasa harap ko. Feeling close masyado. "Makikishare ng table."
"Diretsohin mo nga ako Nicolo. Naiirita na kasi ako." Inirapan ko siya.
Gwapo si Nicolo. Medyo hawig niya si Gerald Anderson. Hindi nga lang ganun kalaki ang katawan niya. Hindi ko nga alam kung bakit sinagot ko ang bwisit na to non. Pinagsisisihan ko tuloy ngayon.
"Ah kasi Gail.." Nalulungkot na saad niya. Akala niya siguro tatablan pa ako nun. Hmp.
"Ano?"
"Ano.. M-mahal pa rin kita."
Natawa ako sa kanya. At tumawa rin ang ugok. Siraulong lalaking to. Hampasin ko nga ng libro habang tumatawa. Tawang-tawa rin siya at ako? Natatawa rin ako sa kanya. Biruin mong mahal niya pa raw ako?
"Bwisit ka. Lumayas ka sa harapan ko." I coldly stared at him. "Hindi ako nakikipaglokohan sayo. Get lost."
"Pero Gail.."
"Kung ayaw mo, ako ang aalis." Tumayo ako at kinuha ang librong binabasa ko. Binitbit ko ang bag ko at tsaka diretsong lumakad.
"Gail!" Tawag niya.
Lumakad lang ako ng lumakad. Hanggang sa nakababa ako at parang natanaw ko si Kris. Usual get up.
"Kris! Wait!"
Hindi na ako nag-aksaya ng panahon at madaling pumunta sa kanya. "Kris.." Tawag ko ulit.
Kunot-noo siyang tumingin sa'kin. "Gail? Akala ko--"
"No. Tara na." Nakangiti kong hinila ang kamay niya. Wala siyang nagawa kahit pa nagtataka mukha niya. Ang cute cute talaga nito. Hmp.
"Asan na yung ex-boyfriend mo?" Tanong niya. "Pasok." Pagbukas niya ng car door sa passenger side ng fortuner niya. Umikot lang siya at nagdrive na.
Nakita ko pa si Nicolo na nakatayo sa may hagdan. "Ayun oh." Tinuro ko.
Nagtataka siyang nagmaniobra at tsaka tinignan si Nicolo.
"Pano mo nalaman na kasama ko siya? Na umeksena siya sa tahimik kong pagbabasa sana. Inistalk mo ko no?" Tanong ko.
Lumabas kami ng university. Saan naman ako dadalhin nito?
"Nakita ko kayo kanina."
"Ang ikli mo sumagot. Wala ka ba sa mood?"
"Hindi ah. Nagugutom ako eh. Kain tayo?"
Naisip ko yung breakfast na ginawa ko para sa kanya. Hmp! Tsaka yung hawak niyang paper bag na for sure pagkain din. "Bakit hindi mo kainin yung binigay nung babae mo kanina?"
Natawa siya. Yung tawang siguradong pagpapantasyahan mo siya pagtapos mong marinig. Ang sexy niya kasi tumawa talaga. "Binigay ko kay John yung three fourths. Baka kasi may gayuma yun." Sagot niya.
Panigurado patuloy siyang guguluhin ng litch na yun! Ganun din ginagawa niya samin ni Nicolo dati eh. May galit siguro sa'kin yun. Hmp.
"Saan mo gustong kumain Gail?" Lumingon siya sa'kin.
"Sa kwarto mo."
Namula ang mukha niya at naiiling na lumiko sa kung saan. Papunta siguro kami ng SM.
"Saan nga?"
Nangingiti akong tumingin sa bintana. "Kahit saan na lang."
* * *
"Next time magpapagawa ako ng resto na kahit saan ang itatawag." Sabi niya ng makalagpas kami sa entrance ng SM.
"Funny." Nagmake face ako.
Kinunot niya lang ang noo niya tsaka ngumuso. Nakakatawa tuloy siya. Haha. "Bakit mo ba ako di pinapansin kanina?"
Lumiko kami sa way ng washroom. Hindi lang magkandaugaga tong mga nakakakita sa kanya. Akala mo nakakita ng artista eh. Pero mukha namang artista tong si Kris kaya kung magkakasama kami lagi, siguro masasanay na akong laging may nakatingin sa kanya. Hindi pala, nakatitig. Hmp!
"Gail? Ano? Saan mo ba gustong kumain?" Kinalabit niya ako sabay akbay.
"Ano ka ba kapre. Ang bigat ng braso mo. Kahit saan nga eh." Kainis, bakit ba kasi may nararamdaman akong kakaiba pag nagdidikit kami ng babaeng 'to.
"Kinikilig ka lang eh." Preskong saad niya. Ang yabang lang. Hmp. "Hawakan ko na lang kamay mo. Pwede?" Sabay hawak niya ng kamay ko.
"Nagpaalam ka pa. Hmp. Tanggalin mo yan, sasapakin kita."
"Sadista mo naman." Natatawang tinanggal niya kamay niya.
Pumasok kami sa washroom at katulad ng inaasahan, nakatingin lahat ng babae sa kanya. Puno pa naman washroom dito. "Kris, ano bang ginagawa natin dito?"
"Nawiwiwi ako eh. Hindi ka naman makapagdecide kung saan kakain. Excuse po ate." Sabi nya sa babaeng nakatingala sa kanya. Haha. Amazing, ang tangkad niya kasi.
"Bilisan mo. Mukhang may balak silang pagkaisahan kang gahasain dito." Natatawang bulong ko sa kanya. Natawa lang siya, at ayan na naman ang tawa niyang literal na nakapanghihina't nakakabaluktot. Haha. Napatitig tuloy lalo sa kanya yung mga babae.
Inantay ko na lang siya sa gilid. May mga naririnig pa akong nagbubulungan. Yung mga babaeng nagtatrabaho sa department store. Paglabas ni Kris, niyaya niya agad akong lumabas. Nagulat daw siya sa babaeng nasa kabilang cubicle dahil inaabot ang phone nito sa kanya at hinihingi ang number niya. Natatawa ako sa hitsura niya dahil hindi daw siya makawiwi ng maayos. Natatakot daw siyang silipin siya ni ate don. Haha.
"Bakit ka natatawa? Wala pang nakakakita sa katawan ko. Kaya pinapahalagahan ko." Seryosong saad niya.
"So you mean, hindi totoong.." Nahiya naman ako. Haha. Baka sabihin nito, tsismosa ako.
"Hindi totoong ano? You know what, I'm not the person who often go to the public places. I hate to be the center of attraction."
"Sa ganda mong yan, ayaw mong irampa ang mukha mo? Malamang talagang pagtitinginan ka, kulang ka na lang ng bodyguard, mukha ka ng artista eh."
Tinitigan niya lang ako. Yung tinging ayaw maniwala pero wala ng magagawa.
"What? Nagsasabi lang ako ng totoo."
"Uwi na lang tayo, Gail. Nahihilo ako. Ang dami ng tao."
"Bakit ba kasi dinala mo ko dito? Pwede naman tayo kela ate Linda ah!"
"Wala lang. Malay mo 'pag ikaw ang kasama, okay lang kahit pagtinginan ako."
Nangiti ako. Para na siyang bumanat. Haha. Ang cute naman niya. Hmp. "Sus, dami mong alam. Tara na nga. Punta tayo kela ate Linda."
"Ayaw, punta tayo Tagaytay. Oy, Gail anong sinasabi mong hindi totoo ang?"
Ay, naalala niya pa. Hmp. "Adik ka. Anong pupunta ng Tagaytay? Hindi pwede. May pasok ka bukas." Ako kasi wala akong pasok, siya meron.
"Tapos na ako sa plates ko. Wala na akong aatupagin. Pwede ko namang ibilin kay Faye yung activities ko. Ano nga sinasabi mo kanina?" Sa pagkakaalam ko, kasama niya sa student council ng department nila yung Faye.
"Ah. Na womanizer ka. He he." Nagpeace sign ako sa kanya. "Narinig ko lang yun ha."
Natawa lang siya. "Pwede naman akong mangrape ng hindi ako naghuhubad."
Natahimik ako. Pwede pala yun? Hmp. Tsk.
"Paalam kita sa mama mo, Gail. Sama ka sa'kin."
"Hindi na kailangan. Pwede naman akong umalis sa bahay kahit walang magpaalam para sakin." Wala namang pakialam tatay ko sa'kin. Si mama, pwede ko namang itext na lang. "Kaso wala akong damit."
"Mas maganda pa rin na nagpapaalam ka. Kuha na tayo? Sasama ka?" Tanong niya.
Binuksan niya car door sa passenger side tapos pinapasok ako. Gentlewoman as always. Haha.
Ilang minuto lang nasa tapat na ako ng bahay. Sabi ko kay Kris antayin na lang ako sa gate ng subdivison. Medyo malapit lang naman kasi bahay namin from there.
Pagtapos ko magpaalam kay mama. Hinabilin ko siya sa kapitbahay namin, in case na mag-away na naman sila ng papa.
After packing ay bumalik na ako sa sasakyan ni Kris. "Bakit ba napapapayag mo ko lagi? Bakit sasama ako sa'yo ngayon? Hmp."
* * *
A/N: Magkasunod na chapters. :) Depende sa demand ng readers ang susunod na update. Haha.
Keeprockin'
-17Percent-
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top