Chapter 3

Kristine Alfaro

"Wala ngang boyfriend. May asawa naman." Iling ko pagharap ko sa salamin.

May pasa ako sa kanang parte ng mukha malapit sa mata. Galing kasi ni Shay magserve ng bola, sa mukha ko tumama. Samantalang nanonood lang ako ng game practice nila kanina.

"Anong binubulong-bulong mo dyan, bakulaw?" Tanong niya na sinundan ako sa salamin. May dala na siyang iced pack.

Idinikit niya ’yun sa mukha ko. Badtrip talaga ako kaya hindi ko siya iniimik. Pagtapos nu’n, sukat akalain mong sukahan ako? Nananadya talaga.

"Sorry na!"

Umupo na lang ako sa couch sa sala at kinuha ko yung iced pack sa kamay niya. "Teka nga, paano siya magkakaro’n ng asawa kung sure akong siya yung nakita kong bin-break nung lalaki? Stupid. Ugh." Biglang bangon ako mula sa prenteng pagsandal sa couch.

Bakit ba hindi ko naisip ’yun? Mahigit isang buwan na tuloy akong nagtatago sa kanya kahit hinahanap niya raw ako. Stupid. Ang tagal ko rin palang nagtago.

"Anong pinagsasabi mo d’yan?"

Sa halip na pansinin si Shay na isa sa may gusto kay John ay umalis na lang ako nang walang paalam. Hawak ko pa yung iced pack habang binabagtas ang daan.

"Bakit di ko naisip agad ’yun?!" It took couple of days huh? No, I’m sure month na and almost a week. Bilang na bilang ko ang araw dahil boring talaga at ang lungkot. Ang tanga ko talaga.

Dinial ko yung number ni Ren na kaklase niya sa last subject nila. Matatapos palang naman daw, kaya bilisan ko na dahil baka umuwi agad si Gail.

"Thanks." Pagkababa ko ng cellphone ko, inilagay ko sa passenger seat at humarurot.

30 minute drive kapag 40km/h ang takbo. Kapag 80 km/h 15 minutes lang. Shit, sana walang traffic di ba? Umayon sana ang tadhana kahit pa magrarush hour na.

Pagdating ko sa highway, tae lang may bungguan pa. So, tinawagan ko na lang si Ren at sinabing h’wag paalisin si Gail. Yayaing kumain o lumabas, basta h’wag niyang pakakawalan hanggang wala ako. Buti na lang daw at pupunta pa ng library. Susundan niya na lang daw.

Pagkarating ko sa school, pinark ko agad yung sasakyan ko sa pinakamalapit sa library at kinontact si Ren. Andun pa rin daw sila kaya sabi ko umuwi na siya.

"Bukas na lang, Ren. Salamat!"

Hinanap ko siya at sa pinakadulong shelf ko siya nakita. Nakaupo sa sahig at nagbabasa. Medyo malamig dito sa part na ’to.

Hmm...

Gail Barrera

May naamoy akong pamilyar na amoy. Hmp! Hindi ko makakalimutan yun kahit isang beses ko lang nakasama.

Si Kris.

"Hello?" Feeling ko, huminto ang daigdig sa boses na ’yun. Chos. Basta, yung pakiramdam na lumukso ang puso ko, ayun! Corny man, wala eh, ang sexy ng boses.

Napatingala ako. Simula sa red van shoes, gray skinny jeans at white v-neck shirt hanggang sa mukha. Wait-- may pasa at may iced pack na dala?

"Titignan mo na lang ba ako? Hindi mo ba ako namiss?" Hmp! May gana siyang magtanong ng ganun pagtapos niyang sabihing keep in touch tapos mawawala ng isang buwan mahigit?!

"Hindi. Isang beses lang tayong nagkita. H’wag malandi. PBB teens lang?" Iritableng sagot ko sa kanya.

Natatawa siyang umupo sa tabi ko at kinuha yung librong binabasa ko. "Postcard Killers? Favorite book ko 'to."

"And so?"

"Masungit ka pala." Natatawang saad niya. "Sige, alis na ako. Nagmadali pa naman akong pumunta dito." Tumayo siya at pinagpag yung pants niya. Halata sa mukha niyang nalulungkot siya.

Tsk, sana kasi marunong siyang magtiyaga.

Humakbang siya palayo habang ako, nakatingin lang sa kanya. Aba, ma pride. Hindi pwedeng sungitan ang isang 'yun? Hmp. Siya ’tong nagtago ng isang buwan, siya pa ganyan. Ugali nu’n!

Hinayaan ko na lang siya. Bahala muna siya. Tatapusin ko pa 'tong binabasa kong libro eh. Pero wait, asan na nga yung book?

Aba tinangay ng maligno! Tumayo ako at hinabol siya. Babaeng ’yun, may pag walk out pa eh, dinala pala yung librong binabasa ko! Gusto talagang hinahabol siya.

Nasita pa ako ng librarian nang bigla ko siyang tawagin ng pagkalakas nang palabas na siya ng library.

"Kris!"

Lumingon siya, di ko muna pinansin si ateng librarian. "Yung book." Tinignan ko siya nang masama pero siya poker face lang. Hmp. Galit lang?

"Hinabol mo ba ako para sa librong 'to o hinabol mo ko dahil gusto mo ko?" Ang taray ng linyahan ng bruha. Saan niya naman kaya hinugot yun?

"Oy OA mo. Akin na yang libro. Tatapusin ko pa yan." Pumunta ako sa harap niya at kinuha sa kamay niya yung libro. Hindi sinita ng librarian? Pagalitan ko kaya? Haha.

Nasesense kong nababadtrip na si Kris. Tinalikuran ko siya. In the first place, hindi ako sure kung anong meron sa kanya at nahahatak niya ako. May mga ganun pala talagang pakiramdam. Connection and such. Ano kaya kami sa past life? Mag-nanay? Mag-lola? Magkapatid?

Isang beses lang kaming nagkausap pero pakiramdam ko gusto ko na siya. I never felt like this before. Pero straight naman ako ah. Alam kong straight ako no.

Siguro kasi, naku-cute-an lang ako sa kanya dati dahil sa mukha niyang kunot noo lagi. Sa malayo ko lang siya nakikita, pag may program. Kapag may assembly ang department nila at kapag natambay kami sa coffee shop sa loob ng school ni Andrea. Madalas siya dun at nakakaapat na kape siya palagi.

Hmm. OA naman kasi na naiisip ko siya kahit ayoko siyang isipin. Na kahit isang beses ko lang siyang nakausap, buong buwan siyang hinahanap-hanap ng sistema ko.

"May tanong ako.." Putol ng boses mula sa likuran ko. Ready na akong lumakad eh, walk out pa siya ha!

"Ano yun?" Nanatili akong nakatalikod sa kanya. Sa totoo lang ang lakas ng kabog ng dibdib ko sa boses niya. Literal kasi na nakapanghihina yun sa sobrang sexy magsalita. Pero sincere naman pakinggan tsaka basta, ang sarap sa tenga.

"Bakit naligo ka sa ulan, after nyong magbreak ng boyfriend mo?"

Napalingon ako sa kanya. Hmm, pano niya naman nalamang nakipagbreak ako sa boyfriend ko? Este, bnreak ako ni Nicolo?

"Para kahit papano, maibsan lahat ng sakit." Nakangiti kong sagot sa kanya. Yun kasi yung araw na nalaman kong may ibang pamilya si papa. Umiiyak ako pagpasok ng school kaya nung umulan sinamantala ko na.

Nagulat ako nang makaramdam ako ng brasong nakayakap sa'kin. Lalong lumakas ang kabog ng dibdib ko. Hindi birong para akong hinihigitan ng hingina at kinukuryente. Masarap sa pakiramdam pero nakakatakot dahil sa kapwa babae ko nararamdaman.

"Yan, okay ka na ba?" Halatang worried na pambabasag niya sa pag aanalyze ko ng nararamdaman ko.

"Sira. Matagal na yun. Pakawalan mo nga ako. Pinagtitinginan tayo."

Pinakawalan niya naman ako at hinarap. Yun bang nakahawak siya sa magkabilang braso ko at titig na titig sa mata ko. "Sure?"

Tumango ako at tsaka ngumiti. Kinikilig ba talaga ako sa paraan ng pagtitig niya? Hmp. Ang landi lang.

Isa lang naman ang gusto kong babae eh. At sure akong hindi siya yun.

Hindi pwedeng maging siya yun.. Malayo. Imposible. Tama, hindi pwede. Nahihibang lang ako.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top