Chapter 2
Kristine Alfaro
Andito na ako sa bench sa ilalim ng acacia. Nagditch ako sa huling klase ko at minadaling gawin yung plates ni John na siguradong ikinauusok na ng ilong niya.
Iniwan ko na rin sa sasakyan ko yung mga gamit para wala ng abala habang naglalakad. Dala ko naman yung SLR kaya pwede akong kumuha ng iba pang magagandang mukha. Natuwa ako kasi, nakita ko ulit siya.
Inilihim ko pa nga kay John na makikipagkita ako ngayon kaya siguradong pag nalaman niya eh, magtatampo na naman yun.
Nauna akong pumunta dito dahil excited ako. Marami na ring naglalabasang estudyante kaya baka hindi ko siya makita agad. Tumingin ako sa wristwatch ko. 5:37. Late na siya. Pero okay lang.
Ugh! Anong okay dun kung kapag lumampas lang ng isang minuto eh umaalis na ako kapag hindi dumating. Asar. Ginayuma ata ako ng babaeng yun?
"Hmm?" Isang pamilyar na boses ang nanggaling sa tabi ko. Humahalimuyak sa amoy donut na pabango. Vanilla flavor to be speficic.
Napangiti ako ng pag-angat ko ng tingin, siya na pala. Worth it ang 2 minutes na pagkalate niya dahil mas maganda na siya.
"Hello!"
Kung merong mas mukhang tanga sa'kin dito itaas ang paa. Lakas ng kabog ng dibdib ko, pigil ang hiningang ngumiti sa kanya. What's happening anyway?
"Nanghahalik ako ng tulala." Nagising ako sa katotohanang mas lalong nagpakabog ng dibdib ko? Ewan. Ang landi ko naman yata.
Nagulat ako ng may dumampi sa labi ko. Malambot at ang bango? Ugh? Napaawang ang bibig ko ng makitang nakabend siyang nakangiti sa'kin.
So, hinalikan niya ako?
Gail Barrera
Nakakatuwang pagmasdan ang mukha ng babaeng nasa harap ko. Sinong hindi matutuwa sa kanya? Napakainosente ng mukha niya ngayon na nung nakaraan lang eh gusot na gusot.
Uulitin ko pa sana yung paghalik sa kanya dahil tulala pa rin pero iniiwas niya ang mukha niya na ikinatawa ko. Ang cute!
Tinignan ko ang suot niya at tama ako. Isang arki ang babaeng to. Obvious naman sa shirt niyang ARCHITECTURE ang nakalagay. Naka jeans siya at vans na black. Simple lang pero umaapaw ang appeal. Kaloka, may ganun pala talaga.
"Hmm, huy!" Tulala pa rin siya? Ano ba to. "Halikan kita ulit dyan." Natatawa talaga ako sa hitsura niya. First time yatang mahalikan ng magandang babae nito? Chos.
"Ah eh--"
"Ih oh uh? Tara na nga." Hinila ko yung kamay niya palabas ng gate. Maraming estudyanteng nag-aabang ng sasakyan. Tatanungin ko sana siya kung saan niya gustong kumain pero naunahan ako.
"Yung sasakyan ko naiwan sa loob. Commute tayo?" Susyal may sasakyan. Tumango ako pero on the second thought, gusto kong sumama sa kanya.
"Hmm, sama na lang ako sa'yo. Saan ka ba dapat pupunta?" Ayoko kasing umuwi sa'min at siguradong nag-aaway na naman ang nanay at tatay ko. Mababadtrip lang ako.
"Uuwi? Pero gusto mo bang kumain na lang tayo?" Tanong nito na okay, mas maganda nga naman. Baka marape pa kasi ako. Haha.
"Sige. Dun tayo sa maraming street foods!" Yaya ko. May sasakyan eh, siguradong mayaman to kaya dun ko siya dadalhin.
"Ha?!" As expexted, gulat siya. At ang mukha niya hindi maipinta.
"Rich kid huh? Tara, dun tayo." Hinila ko siya ng sumenyas ang traffic enforcer na pwede ng tumawid. Dun kami sa kabilang side dahil maraming kung anu-anong street foods dun. Mukha naman siyang matakaw dahil sa height niyang 5"9. Oh di ba? Ang laki lang niya.
"Hindi. Kasi naman nagulat ako. Kumakain ka pala nun?" Sabi niya habang kinakaladkad ko siya. At ako pa talaga kumaladkad sa kanya sa laki niyang to.
Halos pagtinginan kami ng mga estudyante galing sa iba't-ibang school dahil sa kasama ko. Sinong hindi? Eh mukha siyang artista.
Nang makita ko yung paborito kong kainan dito eh nangiti ako at kumaway kay ate Linda-- yung nagluluto ng lugaw at goto na hindi ko alam kung anong pinagkaiba. Haha. Basta alam ko masarap siyang magluto. Bukod dun may kwek-kwek at ibang street foods. Sure akong safe at malinis lahat dahil na rin sa nakapasok na ako sa loob ng lutuan nila.
"Hello, ate!" Bati ko pagpasok namin. Kinurot ko naman si-- ay hindi ko alam pangalan niya. Hmp! Alfaro lang alam ko.
"Hello po." Bati niya dito at nagmano pa? Haha! Aba. Hmm. Mabait. Matanda na kasi si ate Linda. Nasa 60's na kaya siguro siya nagmano.
"Napakaganda naman ng kasama mo hija, parehas kayo. Magkapatid ba kayo?" Tanong nito na ikinatawa ko at ikinangiti nitong katabi ko.
"Naku, hindi po nay. Ang liit niya po oh!" Sagot niya na hmp. Ano daw?! Maliit ako?!
Natawa naman si ate Linda. Sinabihan niya kaming maupo na kami dun sa may malapit sa electricfan para hindi kami mainitan. Special treatment ako dito dahil maganda ako. Chos.
"Hm, hindi ko pa pala alam pangalan mo." Nakatingin lang siya sakin na lihim kong ikinangingiti. Iba pala siya eh? Akala ko kasi monster to katulad ng sabi ng mga kaklase ko. Haha!
"Hmm. Gail. Gail ang pangalan ko. Gail Barrera." Nginitian ko siya at inabot ang kamay ko. Hmm.
"Ah. Nice to meet you Gail. Kris Alfaro." Inabot niya ang kamay ko at ewan, nakaramdam ako ng static? Tama, kuryente kaya napabitaw agad ako.
"Nice to meet you, Kris."
Habang kumakain kami panay ang puri niya dun sa orange daw na itlog. Jusko. First time niya ngang makakain ng ganto! Confirmed na mayaman ang bruha. "Hindi nga orange na itlog to. Kwek-kwek!" Sabi ko na pangatlong ulit ko nabibirahan niya ng..
"I want to call this orange egg." Ngiti niya. Susme! Okay lang sana kung walang nakakarinig at walang tumatawa bukod sa'min ni ate Linda eh. Natatawa sa kanya yung mga nasa table na kalapit namin.
"Ano ngang course mo, Gail?" Tanong niya. Ewan ko kung alam niyang kalat na bisexual siya. Haha. Sino ba namang hindi makakaalam? Eh, sikat na repre ng arki itong kausap ko. Kaso, Alfaro lang alam kong tawag sa kanya.
"Hm? Culinary. Second course. And just so you know, I'm older than you."
"Yeah? But Im taller than you." Pamatay lang niya yun no? "So ilang taon ka na?"
"Hm? Biologically 23? Haha. Looking, 19?" Natatawa kong sagot sa kanya. Tumango tango naman siya.
"Height pang elementary. Tsk."
"Ah ganun?" Ewan ko pero komportable ako sa kanya na kahit ayokong kausapin siya eh ito ako? Nagbago naman kasi yung tingin ko nung tinawag niya ako kanina.
"Hmm? Yep. Penge pa akong itlog na orange." Tinusok niya ng tinidor yung kwek-kwek ko. Aba.
"Huy! Akin yan." Nakasimangot kong inaagaw sa kanya yung tinidor niya.
"Kiss na lang kita para bayad." Ngisi niya.
Natawa naman ako sa kanya. Kiss ibabayad niya? Hmm. "Sige, yung totoong kiss ah! Dito mismo." Alam kong maraming nakakarinig sa'min. Haha. Akala mo ah!
She leaned closer, close enough to smell her hmm. "Asan na?" Nakatingin ako sa kanya, specifically sa lips niya. Hmm.
"Iyo na lang tong orange egg." Iniharang niya sa pagitan namin yung nakatusok ng kwek-kwek. Hmp. Akala ko pa naman may kiss na ako.
"Akin na ngaaa!" Kinuha ko yun at agad na inilayo ang mukha. Pansin ko kasing nag-iinit na yung pisngi ko at nag-iiba na pakiramdam ko sa pwestong yun.
Pagtapos namin kumain, bumalik kami sa school para kunin yung sasakyan niya. Ang susyal dahil BMW i8 yun, protonic blue.
"Saan tayo? Hatid na kita?" Tanong niya na ikinawalang bahala ko. Umiling lang ako. Ayoko namang madatnan niyang nag-aaway sila mama sa bahay. Nakakahiya.
"Eh? Ayaw mo umuwi? o ayaw mo magpahatid? Come on, para sa panlilibre mo oh." Nilalaro niya yung susi ng sasakyan niya na humarap sa akin.
Tumikhim ako at tsaka nagsalita. "Parehas."
Tumawa siya na parang ipinaparating na napaka imposible ko. Ewan ko ba naman kasi eh. Hmp. Ngumiti na lang ako. "Ehh. Sige uwi na ako."
"Maya na."
"Bakit?"
Kumamot siya sa batok na pansin kong mannerism niya, tapos ay ngumiti. "Ayaw mo kasi magpahatid."
Ang kulit niya rin eh no? "Ayaw ko nga kasi makikita ka ng asawa ko. Mamaya, ipagpalit pa ako sayo."
"Ha?! Ah. Sige. Antayin na lang kita makasakay." Ewan, pero parang nagbago timpla niya na ewan. Namutla? Haha. Ang cute ng babaeng to.
"Sige. Pero ayan na oh. Pa Tayuman." Ngumiti ako tapos nginitian niya lang din ako.
Pumara siya tapos ay ginulo niya ang buhok ko. "Go on. Keep yourself safe, Gail." And a genuine smile formed across her face.
Lihim akong natuwa sa ngiting yun. Ngiting galing sa babaeng laging nakakunot ang noo. Nakakatuwa di ba?
Ngumiti lang ako at sumakay na sa jeep. Nakita ko pa sa salamin na nakatayo pa rin siya hanggang lumiko na ang sinasakyan ko.
Imposibleng nakakaramdam ako ng kakaiba towards her.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top