Chapter 14


Gail Barrera

"Come on kid, we all know that you can answer that." Si Eos na halatang natetense sa tinanong ni miss Villamor kay Kris. Hawak niya iyong mug ng coffee na iniinom niya, at panay ang punas niya sa noo gamit ang likod ng kanang palad niya. Ngayon ko lang napansin, left handed din siya katulad ni Kris.

Parang mali talaga ang tanong nila. Tsk. Nagbulungan na rin ’tong dalawang bruhang nasa tabi ko. Hindi man lang ako sinali. Amp.

"To be honest with you guys, hindi ko alam... But I'm starting to live my life and Gail is one of the reasons."

"Sister, ilang buwan na nga kayong magkakilala?"

"Sabihin mo nga, anong pinakain mo sa kanya? Bakla, yong totoo ha? Mag-usap tayo ng matino. Ginayuma mo ba siya?"

"Gaga ka Althea. Nakita mo yang gandang yan ha? Mukha bang manggagayuma siya?"

Hindi ko alam kung nabibingi ako o nababaliw. Ang lakas ng pintig ng puso ko. Para akong sasabog. This feeling’s always from her! Gawa niya ito parati. Kung bakit bigla na lang akong parang kakabahan.

Shit, hindi na ako talaga straight. Confirmed na confirmed na.

"Bakla wag magpanggap na straight. Noon pa man, may lihim kang pagnanasa este paghanga kay Kris." Biglang hirit ni Althea sabay hampas na naman sa'kin. Napakasadista talaga ng babaeng to.

Nakatunganga lang ako sa screen. Grabe naman kasing ganda Kris! Grabe ring pagka-mysterious type. Hays! Gusto ko na nga siya eh. Oo na. Alam ko naman yun! Bakit lagi na lang pinapapaalala?

"Teh, ang lalim nun ha. Don't tell us, naguguluhan ka? Gusto mo sa'min na lang siya?" Hirit na naman ni Althea.

"Saksakin kaya kita ng ballpen na hawak ko. Gusto mo?" Sabay tutok ko sa kanya ng G-Tec ko.

"Nako teh. Iwasan na nating pagnasahan si baby Kris." Bulong ni Althea kay Alex. "Delikado! Mukhang itong bruhildang to ay makakapatay nang wala sa oras."

"Tss. Idadamay mo pa ako sa gawain mo."

Nag-away lang sila nang nag-away hanggang matapos ang interview. Nakakainis. Iba pa rin pakiramdam ko. Ano pa bang bago? Hmp!

"Bakla!" Tili ni Althea, "Iyan na ang mga Diyosa! Nahihibang na ba ako?! Iyan na sila! Iyan naaa!"

"Teh, hinay-hinay baka malaglag panty mo dyan." Natatawang asar ni Alex kay Althea.

Tumingin ako sa direksyon kung saan papalapit ang mga babaeng kinahuhumalingan ng mga estudyante ng AEU. Halos pare-pareho sila manamit. Naiba lang si Helen na naka summer yellow dress na mayrong puti sa dulo, si prof Selene na naka pencil cut skirt at long sleeves, si  Kleio na naka shirt parati na may kinalaman sa pagtulog ang print at si Enyo na trademark ang unbuttoned polo shirt na mukhang maggo-golf parati. Simpleng-simple silang lahat, kahit suotan mo yata ng tagbebente pesos na damit sa ukay-ukay, eh magmumukhang mamahalin pa rin ang mga damit.

"Shet! Totoo ba talaga to?" Kulang na lang magkapuso sa mga mata ng bruhang si Althea. Para siyang na hypnotized. Magkadikit ang mga palad na nakatingin sa mga babaeng papunta sa direksyon namin.

Sabagay first time naming makita sila ng buo. Sino ba kami para hindi malaglagan ng panga sa mga mukhang iyan?

Natatawa naman si Alex na tinapik-tapik ang balikat ni Althea at tsaka tumingin sa'kin. Napatingin ako kay Kris na nakangiti. AEU Goddesses are coming.

"Hi girls. Invite namin kayo mag-dinner kung okay lang?" Si Cupid na kay Alex nakatingin.

"Oo nga. But kayong dalawa lang. Hindi ba Kris?" Segunda naman ni Eos.

"Ha? Sure!" Gulat na sagot ni Kris. Parang bigla siyang naging bata. Tsk. Asan na yung astig at kunot noo na si Alfaro?

"So.. Ayan pwede na kaming mauna." Ngiting ngiti si Cupid.

Napansin kong nakasimangot si Helen kaya naman napangiti ako ng lihim. Napatingin ako sa dalawa na napaawang ang bibig sa imbitasyon ng mga diyosa. Sino ba namang hindi maloloka kung bigla kang aayain ng ganto kagagandang babae?

Inalalayan na ni Cupid si Alex, samantalang si Eos naman kay Althea. Parang hihimatayin yung dalawa na nagpaalam, pulang-pula ang mga mukha. Natatawa kami ni Kris na nag-wave sa kanila.

"Babye!"

Naiwan kaming dalawa na nakatayo sa tabi ng kubo. Walang imik. Parang nahihiya pa siya pero bigla na lang akong hinawakan sa kamay. Hindi ko na sinaway dahil gusto ko rin naman ang pakiramdam na nandyan siya at malapit sa’kin.

Sinundo ako ni Kris na parang wala siyang sinabing gusto niya ako. Wala kasing nagbago. Hindi awkward sa part niya, at parang mas komportable pa siya ngayon dahil sa ngiti niya. Tsk. Tapos ako, ang unfair! Parang nalulon ko na kaya dila ko dahil hindi ako makapagsalita. Kainis talaga!

"Dinner ko ah.." Ngiti niya sa’kin.

Patay malisya tong kapreng to. Kainis. Inirapan ko lang siya. Kainis talaga na babae to. Hindi man lang matense sa pinagsasabi niya kanina? Saan niya kinuha ang lakas ng loob? Saan? Nakakainis!

Nakarating kami sa bahay niya nang tahimik. Baka nakakapa na ng kaba sa dibdib niya. Dumiretso siya kaagad sa kwarto niya, ako naman sunod lang sa kanya. Hinubad niya na yung long sleeved polo niya kaya ang natira ay ang Arki shirt niya.

Sa lalagyan niya siya ng book pumunta. Nagulat ako nang bigla na lang niyang itulak paside yon, may lumitaw na something square. Tapos pinindot niya yun at may umangat. Naging passage. Gosh, may secret room?

Pasok siya. Ako nakatunganga dito. Arki nga pala tong si Kris kaya malamang eh, maraming alam sa gan'tong bagay.

"Gail.. Tara dali." Yaya niya sa'kin sa loob.

Pumasok ako sa hallway na medyo maiksi lang. May mga pictures na nakadikit na walang frame. Black and white lahat. Isang hilera yon sa magkabilaang side. Kung bibilangin siguro ay mga nasa 30 plus. Katulad ng sa labas, black and white lang ang kulay dito. Lumiko ako. Ang saya. Ano to? May mga secret passage katulad sa movies ng mga mysterious heroes?

May kalakihan din yung kwarto. Kita yong pool area at garden dito dahil sa full glass window din katulad sa kwarto niya. Puro musical instruments. Shet, kaya pala sinasali siya sa AVENUE. Sinasabi ko na nga ba eh. May violin, drum set, guitars-- electric, base at acoustic, may keyboard, saxophone at iba pang instruments.

Meron pang daanan sa kabila kaya doon naman ako pumunta. Andon si Kris, nakaluhod at parang may nilalaro. Nakatalikod siya sa'kin kaya hindi niya alam na nandito na ako.

"Arf!" Sabay wiggle wiggle nung aso. Chos. "Arf! Arf!"

Napalingon si Kris nong tumingin yung malaking aso niya sa'kin. Labrador na kamukha ni bantatay sa palabas dati sa GMA 7. Haha. Eh labrador nga yon. K, nonsense.

"Arf arf daw. Baka kagatin ako nyan."

"Oo nga eh. Mukha ka pa namang buto." Sabay tawa niya.

Hmp salbaheng kapre. "Salbahe. Siya ba si Athos?"

"Oo. Aso siya ng kuya ko. Ako na nag-aalaga sa kanya." Tumayo siya mula sa pagkakaluhod at pumunta sa pwesto ko. Sumunod sa kanya yung aso.

Kwarto pala nung aso tong nandito. Maliit lang tapos may comfort room. Taray nung aso may espasyo dito. Haha.

"Hi Athos." Sabay tungo ko at hawak sa ulo niya. Wagwag naman siya ng buntot niya. Wiggle wiggle daw. Haha! Tumahol siya tapos umikot ikot. Nice! Ang cute niya.

"Come on, Athos. We'll be out for a minute." Sabay labas niya sa kwarto. Sa lalaki ng hakbang niya, dalawa pa lang, akin apat na yata. Nako!

"Arf arf!" Tahol nung aso niya sabay labas din.

"Oy pano ako? Dito lang ako?"

"Sumunod ka."

"Sabi ko nga eh."

Sumunod ako sa nakapamulsang bulto ni Kris. Sa isang playground kami nagpunta di kalayuan sa bahay niya. Wala ng tao. Naupo kami sa tig-isang duyan ni Kris habang si Athos naman ay paikot-ikot sa playground na tila natutuwa.

Nakangiti lang si Kris na para bang akala mo talaga walang nangyari kanina lang. Tsk. Abnormal. Ako naman nakatingin lang sa side niya.

"Kris, may tanong ako.." Nahihiyang simula ko nang ilang minuto na’y wala pang nagsalita sa’min.

Lumingon siya sa’kin. "Ano yun?"

Huminga ako nang malalim bago siya matiim na tinitigan sa mga mata. "N-nasan ang family mo?"

Parang biglang nagbago ang ekspresyon ng mga mata niya. Nawala ang kanina lang ay parang mga bituin na kumikinang. Bigla iyong lumungkot.

Napalunok ako sa nakitang marahang pagpikit ng mga mata niya na tila may malungkot na pangyayaring inaalala. Wala akong nagawa kung hindi lumapit sa kanya nang may makita akong butil ng mga luha sa pisngi niya. Nabigla ako, pero mas nabigla ako nang niyakap niya ako sa baywang ko at doon sa ay tahimik niyang isiniksik ang mukha niya. "Stay the night please."

Marahan akong tumango at sumagot ng oo. Tumayo siya at niyakap ako ng mahigpit.

Hay, Kris. Gusto kong kiligin pero mas nananaig na yakapin kita ng mahigpit bilang ate mo ngayon.

Pagtapos niyang umiyak ay nanghingi lang siya ng ice cream, tapos nag-shower at natulog na. Hindi na siya nagsalita pagtapos nun. Hindi niya rin sinagot. Sa mga sandaling ’yun, pakiramdam ko, nakita ko na kung gaano siya kahina at kung ano ang kahinaan niya.

Nahiga ako sa tabi niya, nakaharap siya sa’kin kaya malaya kong natititigan ang mukha niya. Kung tutuusin, ito ’yung gandang tipikal pero may something na distinct sa mukha niya. Bukod sa appeal at charm eh nakakadagdag din ’yung pagiging mysterious niya.

"Freshman siya?" Tanong ko kay Andrea na nasa tabi ko, nagkakape kami sa Franco’s. Bagong bukas na coffee shop dito sa loob ng campus.

"Oo! Mukhang masungit no?"

"Oo. Consistent ang kunot noo eh." Natatawang saad ko.

Kanina pa namin pinagmamasdan ’yung babae sa dulong table nitong coffee shop. Nagbabasa siya ng libro at nagsusulat. Mayron din siyang pencil at sketchpad sa kaliwang parte ng lamesa. Nakakunot noo. Dalawang tasang kape na rin ang nasa harapan niya at mukhang nagre-review yata siya para sa midterm exams.

"Andrea, I feel something about her.." Tinapik ko si Andrea. "..parang matagal ko na siyang kilala."

Humagalpak ng tawa si Andrea. "Hoy girl, ikaw ah. Tigilan mo na yang panonood mo ng mga telenovela. Napo-pollute na yang utak mo."

Inirapan ko siya. Hindi ako nagbibiro dahil iba talaga ang pakiramdam ko. Para talagang matagal ko na siyang kilala.

Napangiti ako. Ganon naman talaga ang naramdaman ko nu’ng una ko siyang nakita. "Biruin mo, pagtapos ng ilang taon, magiging katabi pa kita sa higaan." I pinched her cheek.

Ngumiti ako at hinalikan siya sa noo, "Goodnight Kris." Natulog na rin ako at niyakap siya nang mahigpit.

***

Kinaumagahan nagising akong wala na siya sa tabi ko. May nakita akong note sa bedside table niya kaya kinuha ko at binasa.

Good morning, beautiful. Alam kong wala kang klase ngayon. Nakita mo ba yung paperbag sa couch dyan sa kwarto? Maligo ka. I’ll fetch you before dinner. Huwag kang aalis dyan sa bahay. May breakfast na dun sa kitchen counter. :) Ubusin mo.

-Collge of Architecture & Engineering’s President

Napangiti ako, napaka-thoughtful naman talaga ng babaeng yun! Biruin mong beautiful ang itawag sa’kin, hay nako. Alam ko namang maganda ako eh. Kailangan bang i-stress? Nakakaloka naman.

Hinanap ko ang cellphone ko at nag-compose ng SMS para kay Kris. Pwede niyang ituring na energizer niya ’yun dahil alam kong marami siyang hinahabol ngayon dahil sa mga absent niya.

To: Kris Kapre :)

Good morning, Kristine Andretti Dionne Zackham Alfaro! :) Thanks for being so thoughtful. Mwa. Ingat! Haba ng pangalan mo, nakakainis.

Inihagis ko sa kama ang phone ko at agad na nagpagulong-gulong. "Hmm. Amoy Kris talaga. Ang bango!" Tili ko. I grabbed her pillow and hugged it tightly.

Oh wait, niyakap ko siya kagabi. Nakita niya kaya paggising? Ano na lang sasabihin ng kapreng yun! Tsinatsansingan ko siya? No way!

Tumayo ako at natatarantang humarap sa salamin. "Gail, tsinansingan mo si Alfaro? Hindi di ba?" Inayos ko ang sarili ko at nginitian ang sariling reflection sa salamin. "Tama, niyakap mo siya bilang ate niya. Yun yun!"

Ate niya? Tsk.

Naiiling na nagpunta ako ng kitchen at hinanap yung breakfast na sinasabi niya. Pagtingin ko, egg, hotdog and bacon. Hindi uso sa kanyang damihan yung lutuin no? Talagang tag-iisang piraso lang. Tinusok ko yung hotdog at pinapak. Sinunod ko yung itlog at hinuli ko yung bacon. Nagtimpla na rin ako ng coffee pagtapos ay nagpahinga lang bago maligo.

Tinignan ko kung nagreply na si Kris. Tatlong messages at puro sa kanya galing.

From: Kris Kapre :)
Sino ba naman kasing nagsabing buo-in mo ang pangalan ko?

From: Kris Kapre :)

Hugasan mo ’yung pinggan, wala akong kasambahay. Paki-ayos na rin ng higaan. Matanda ka na.

From: Kris Kapre :)

Hindi na pala before dinner, mga 3 P.M andyan na ako. Tinatapos ko lang meeting sa org. para sa event this week. Kumusta ka dyan?

Kakaiba talaga yung taong yun! Neat-freak talaga. Eh iisang piraso lang naman yung pinggan dun. Hinugasan ko na nga pagtapos ko siyang replyan.

To: Kris Kapre :)

Kapre ka, ba’t ang neat-freak mo? Inayos ko na higaan mo, nahugasan ko na rin pinggan. Maliligo na ako. Cute pa rin at mine-message ako ng mga fans mo sa facebook. Mas bagay daw sa’yo si mam Selene eh. Ha ha ha. May affair pala kayo ah. Ha ha. Mwa. Ingat.

Naligo na ako. Mga 2:30 ay ready na akong humarap sa salamin at nag-ayos. Nag-iwan siya ng blue and white dress tapos high heels at undergarments. I-de-date siguro niya ako no? Chos!

To: Kris Kapre :)

Kapre, ready na ako. Cute ng dress, babayaran ko ’to. Okay? Thank youu. Mwa.

From: Kris Kapre :)

See you, gorgeous. Sige, bayaran mo ng kiss. :)

Ang salbahe. Sasamantalahin pa ako nitong kapreng ’to por que mahina ako at walang laban? Hindi niya ako pwedeng gahasain. Wala akong laban!

Nakakaloka, gagahasain niya ako por que ba gusto ko siya? "Hay, ang OA ko mag-isip." Natatawang sinuklay ko ang buhok ko nang biglang tumunog ang cellphone ko. Tumatawag pala si Kris.

"Hello Gail. Labas ka na dyan. Bye."

Chineck ko lang ang itsura ko sa salamin tapos lumabas na ako. Paglabas ko ng pinto, rumampa ako mula sa porch ng bahay niya hanggang sa gate. Nakasandal siya sa sasakyan niya, naka sun glasses, arms folded, usual attire pero parang may bago ngayon. Sinipat ko siyang mabuti, simula ulo, hindi naman siya nagpagupit o nagpastraight ng buhok, wavy pa rin iyon at ganon pa rin ang kulay, anyway naka-bun iyon. Ang damit niya, fitted long sleeved polo na kulay puti na may polka dots na blue  na ngayon ay nakatuck-in sa brown shorts niyang hindi naman ganon kaikli, bukod do’n sarado lahat ng butones ng damit niya. Wala siguro siyang shirt.At hindi siya naka Vans, Converse o Nike shoes. Seriously? Napangiti ako. Naka-army boots siya. Ang cute lang.

"Gorgeous." Sabi niya, "Shall we go?"

***

At Kingdom Hotel

Pagpasok namin sa magarang Hotel, kumanan kami sa may commercial center na kabilang building pala, extended sa mismong Hotel. Nang umakyat kami sa second floor using the escalator, hindi magkamayaw sa pagyuko ’yung mga nakikita naming empleyado kay Kris na sinasagot niya lang ng ngiti at hello.

Never ko pang napasok ’tong Kingdom kahit na lagi akong inaaya nila Althea na magrelax man lang kaming tatlo dito. At totoo ngang world class ang ganda ng Hotel. Parang walang mali. Lahat nasa lugar. Miski yung mga nadadaanan naming botique ngayon ay malinis kahit maraming tao na halatang mga aristokrat dahil sa paraan ng pagkilos at sa pananamit. Hindi ako nanliliit dahil mga tao lang din siyang kagaya ko. Ang kaso lang, mayaman sila. Mas confident, ganon.

Lumiko pa kami pakanan, pumasok kami sa isang restaurant na pakiramdam ko’y Filipino dishes ang isineserve base na rin sa mga picture around the resto. Pinagdugtong-dugtong na mahabang mesa ang occupied ng mga tao sa loob. Mukhang ipinasara pa eh.

Pagpasok namin, kanya-kanyang bati sila kay Kris at beso sa’kin..Nangunguna na si Cupid at Helen.

"Hello Gail. Let’s go, we’ll introduce you to the other members of the family." Yaya ni Helen na inilagay na ang mga kamay ko sa braso niya.

Nakangiti lang si Kris na kumaway sa’kin habang nakikipag-usap kay Eos at Cupid na nakasunod din naman sa’min.

Hindi pa ako nakakabawi ay nasa harapan na kami ng ubod ng mga gaganda’t gugwapong nilalang na parang mga model sa isang sikat na clothing line. May dalawang batang lalaki rin at isa pang batang babae ang nakatingin sa’kin. Kung eestimahin ay mga nasa labingpito ang tao bukod pa sa’min ni Kris.

"I’d like to introduce Dione’s future girlfriend to everyone." All smile na saad ni Helen. "Gail Allyson Barrera, guys. Isn’t she lovely?"

"Poli omorfi." Accented na saad ng isang lalaking sa tingin ko ay yung lalaking nakita ko sa Elysium. Kung hindi ako nagkakamali siya ’yung tinawag na kuya Eros ng kapatid ni Cupid.

"Gail, this is Jana my soon-to-be wifey. And our little angel, Nikki." Si Eos na nakangiti sa gawi namin.

Ang ganda naman ng future wife niya, magkamukha yung mag-ina. Never kong narinig na may anak na sila. Nginitian ko sila at kinawayan.

Si Enyo naman ang nagtaas ng kamay para magsalita. Seriously? "Gail, ito si Yuan at Uno." Turo niya sa dalawang bata na poker face pero biglang ngumiti ng ngitian ko. Siguradong kambal yung dalawa dahil magkamukha. May eyeglasses yung Yuan at mukhang hyper si Uno.

"Hi tita Gail!" Sabay na bati nilang dalawa.

"Eros Franco, Nike Franco’s sibling." Inabot nung nagsalita sa ibang lenggwahe ang kamay niya sa’kin.

Tapos itinuro nila ang isang babaeng mukhang sobrang bait at harmless sa dulo. "Echo Villarin, Kingdom’s future CEO." Pakilala ni Eos sa kanya.

Nag-hi siya sa’kin at ganon din ako. Si Helen naman ay inaya ako sa upuan sa tabi niya. Yung totoo, naiilang ako dahil ang ganda niya.

Nagsimula nang magserve ng pagkain at tama ngang Filipino dishes ang sineserve nila. Katabi ko si Kris sa left side samantalang katabi niya naman si Cupid at katabi ni Cupid sila Eos. Nasa harap namin si Enyo at yung dalawang batang.kambal, sa tabi ng kambal si Eros at Nike na kasama yung secretary niya na inaasar nila Eos na may gusto raw si Nike don. Tsk. Si Kleio naman at yung tinawag nilang Echo na may-ari ng Kingdom, magkatabi. Napansin kong siya lang yung wala sa interview noon.

Nagsalita si Eos. "Gail, pansin mo ba? Naliligaw si Cupid sa 9 Goddesses?"

"Oo nga. Bakit pala 9 Goddesses ang tawag sa inyo?" Nacucurious na tanong ko. Bukod sa magaganda sila, okay ano pang meron? "I mean, bukod sa lahat kayo maihahalintulad sa Diyosa."

"Gail, ihanda mo na ang sarili mo dahil makakaranas ka ng information overload mula sa kanilang lahat." Mahinhing saad ng future wife ni Eos na Jana ang pangalan kung hindi ako nagkakamali.

"Hun?" Bumaling si Eos sa babae at nginitian. Bakit ang sweet nila? Kainis. "Ah Gail, to begin this weird thing, this is our first step to properly introduce everyone to a future member of the family. You ready?"

Medyo nabigla ako sa future.member of the family. Tumango na lang ako at ngumiti nang makabawi."Go on, I’m listening."

Ngumiti si Cupid. "Wala naman talagang pangalan ang group namin. Whenever we hang out, gang lang ang tawag namin sa group nung high school."

Sinundan ni Enyo na umayos sa pagkakaupo. "But someone knows a lot of things about us, it’s a bit creepy na marami siyang alam samantalang hindi pwedeng malaman ng mga tao ang maraming bagay sa’ming siyam. Anyway, she made an article about the gang. She even noticed our crest kaya napansin niyang lahat kami blood related.Ganito yon eh. Bawat generation, may category ang pangalan. Like us, Greek Gods and Goddesses ang isa sa mahahaba naming first name. When we reached seven years young, doon kami pinapangalanan base sa kung anong nakikita sa’min ng mga magulang namin. We were being monitored."

Napanganga ako? Ano palang tinatawag sa kanila bago sila mag seven?

"Eos, goddess of dawn. Daughter of Helios, the sun god. And some were saying that Helios and Selene are her siblings pero sa’min magpipinsan naman iyon. There’s this Eos’ ritual whenever she has a big chop, sa’min kasi ang parusa sa bawat kasalanan, big chop ang tawag. Lagi siyang nagigising ng madaling araw kapag may nagagawang mali. Silly and funny pero nakikita na lang siya sa harap ng anim na monitor sa library nila na gumagawa ng mga formula ng mga gamot para sa kompanyang pagmamay-ari ng tatay niya. They were selling those drugs today after proving na mabisa at mainam iyon sa mga tao." Natatawang saad ni Enyo.

Sinundan ni Kris ng ngiti at, "Down to Enyo, goddess of war, specifically known for sacking cities and towns of the enemy. Confused kami kung daughter, mother or sister ba siya ng war god na si Ares. Enyo was also known for her terrifying war cry sa Greek Myth. Ito namang Enyo namin, magsalita lang himala na. Grumpy kasi siya masyado. One more thing, nananapak na lang bigla yan nu’ng bata. Naitumba niya si Eros at ang isa pang kapatid ni Cupid dahil sa inis."

Natawa kaming lahat pati si Enyo. Nag-counter si Eros. "Binantaan pa ako nyan na papatayin niya ako kapag hindi ko tinigilan ang older sister niya."

Sinegundahan iyon nila Cupid ng tawa. Naeengganyo akong mas makinig dahil sa sinaabi nila.

"Captain yan sa New York Police District, USA. Big time di ba. At a very young age, nalampasan niya yung mga matitinik na pulis sa US." Tumataas-taas ang kilay na saad ni Cupid. "Anyway, we have your Kris. Dione’s an obscure, ancient divinity of prehistoric Greece. Scholars point out that her name is a feminine form of the name Zeus. Nanay nga raw siya ni Aphrodite sabi ni Homer. Eh si Helen si Aphrodite sa’min." Natatawang saad ni Cupid. "Ito namang magandang babaeng to, dahil lang sa ganda kaya Helen. Iyon lang, kakaiba raw kasi ang ganda sabi ng mga tao. Hindi ko nga alam kung anong maganda sa kanya eh sobra kayang takaw at ingay niya."

Tawa nang tawa si Cupid pagkasabi ng takaw at ingay. Natawa rin kami. Hinawakan ni Kris ang kamay ko na nasa ilalim ng mesa kaya napatingin ako sa kanya ng masama. Hindi naman kasi pwedeng kiligin ako dahil attentive akong nakikinig sa mga kaibigan niya na mga pinsan niya pala.

"Cupid, manahimik ka!" Naiinis na utos ni Helen kay Cupid na umaray. Natawa ako, baka kasi kinurot o inapakan siya. Tumingin naman sa’kin si Helen. "Kaya pa Gail?" Tanong nito na ngumiti, "..there’s more."

Cupid continued, "Ito namang Kris mo, kaya Dione dahil sa pagiging exact replica ng great great grand lolo namin na isa mga world class Architect noong panahon nila. Eh si lolo Alexandros ay isa sa mga mababagsik noong panahon na yon dahil sa pagiging isa sa pinaka eldest member ng Empire. Grand Duke siya noon, magkaugali sila ni Kris eh. Hindi pa ba nasasabi sa’yo ni Kris na..."

"Oops. Hindi na pwede yan eh!" Angal ni Kris na sinenyasan si Cupid na tama na.

Tumango lang ako kahit bitin explanation. Si Kleio naman ang nagsalita dahil tinapik na ni Echo ang mukha. Mukha kasing inaantok. "Ah. We’re down to Helen, the cause of the Trojan war. Itinuring na pinakamagandang babae sa balat ng lupa. Inihahalintulad ng mga lolo’t lola namin si Helen sa isang napakagandang bato na may sumpa. Alam mo ba kung anong curse nyan?" Naaaliw na tanong ni Kleio, nakatawa ang mga mapupungay na mga mata, "Sa sobrang ganda, lahat ng magmamay-ari sa kanya, maaaring mamatay dahil sa mga hari, prinsipe, presidente at mayayamang personalidad na may gusto sa kanya. Gusto siyang pakasalan ng isa sa mga kilalang terorista, bata pa lang yan. Nai-exposed kasi ng maaga sa buong mundo. Muntik pa nga siyang i-hostage eh."

"Kaya nga, sinasabi namin kay Cupid na h’wag didikit kay Helen." Natatawang counter ni Eos. "Baka mapatay ng terorista eh."

Halos patayin naman ng tingin ni Helen sila Kleio at ang iba pang tumatawa. Paglingon ko sa kanya, pulang-pula ang mukha niya. Nangingiti ako pero pinipigilan ko lang talagang matawa. Mukhang si.Helen at Cupid lang ang madalas asarin dito sa kanila.

"Sun of Ceylon iyong batong may sumpa na inihalintulad sa ganda ni Helen." Segunda ni Nike. Sabi ni Kris siya ang may ari ng Franco’s. Mahilig daw kasi silang lahat sa kape kaya nagpatayo ito sa school. "Actually medyo mahaba yung introduction kay Helen eh. Tanungin mo na lang siya kasi baka ako ang pagbuntungan niyan kapag napikon." Natatawang dugtong niya.

Inambahan ni Helen si Nike ng tinidor. Inawat naman siya ng mga kaibigan niya dahil may mga bata. "Pero pakiramdam namin siya talaga ang papatay sa mapapangasawa nyan." Si Eos na naman.

"Tanda ikaw nagka-love life ka lang, ang sama na naman ng ugali mo." Sita ni Helen na pulang-pula na ang mukha.

Natawa naman yung katabi ni Eos na future wife niya at kinausap yung anak nila.

"Si Kleio naman..."

Naputol ang page-explain sana ni Helen nang bigla kaming napalingon sa komosyon sa labas. May anim na babaeng nagpupumilit pumasok at humarap sa lamesang inoukupa namin. ’yung totoo? Anong meron?

"Let them in." Utos ni Eos sa mga nakabantay na lalaki sa bungad ng resto.

Kalmanteng rumampa ang mg babaeng makalaglag panga. Parang mga rumampa sa fashion show kung manamit eh. Napa-wow si Cupid na maya-maya ay umaray na naman.

"Anong kailangan ninyo?" Si professor Selene Villamor.

"We want Kristine Alfaro."

****

Note: There you go! Isang 4143 words update para sa matagal kong pagkawala. May readers pa kaya itong Kismet? Pakiramdam ko isang taon akong walang update eh.

Medyo nahirapan akong gawan ulit ng panibagong outline ang book na ’to dahil nawala ang phone ko several months ago. Good thing is, naiayos ko na at magiging sunod-sunod na ang update pati sa Stranger Has Disconnected dahil naiayos ko na ang mga dapat iayos.

Hope you’ll like this chapter. Sino yung anim na babaeng sumulpot sa dulo? Ha ha. Ano kayang reaksyon ni Gail sa mga iyon? Pero gutom na ako kaya babye na. 5:16 AM, published.

Hi muna pala kay @sinner000, @snov_forest at sa mga nag-aabang, nag-ppm sa’kin tungkol sa update. :)

Rockin the world of words,
-AlphaDeltaXII (Jae)

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top