Chapter 13

Kristine Alfaro

NAKAKAGULAT 'tong babaeng 'to, bigla na lang sumulpot sa harap ng bahay ko at ngayon, ang sarap na ng tulog sa higaan ko.

"What a space eater." Naiiling na sita ko sa kanya habang nakaupo sa may ulunan niya. Sakop niya na kasi buong higaan ko to think na malaki pa iyon at kasya talaga kaming dalawa. "Buti na lang hindi ako natuturn off sa paraan ng pagtulog mo." Nakangiting inayos kong 'yung unan na napunta na sa tagiliran niya.

Wala akong choice kundi matulog sa couch. Nakakatuwa kasi, ang cute niya matulog. Parang bata. With a height of 5 foot and 3 inches, I think-- nagmumukha siyang ilang taon lang. Baby face kasi masyado.

Kinuha ko yung phone ko sa ibabaw ng study table ko, at pinicturan siya. Nakadapa siya at nakaspread ang kamay na parang ayaw talagang magpatabi, nakaside din yung mukha niya at mabuti na lang nakabun ang buhok niya. I closed her mouth. Wala talaga siyang pakialam kahit anong itsura niya. Tsk. Babae ba talaga 'to?

Naalala ko na naman tuloy nu'ng natulog kami sa Tagaytay nang magkatabi, hindi siya marerape dahil kahit tulog, kaunting galaw mo lang sa kanya, nananapak na. Tsk tsk. She really punched me like a pro, that time. Para akong nakakita ng stars pagkasapak niya sa'kin.

"Goodnight, Gail." Yumuko ako para sana ikiss siya sa forehead pero,  nakaawang na naman ang nang iimbita niyang labi, kaya napatitig ako sa direksyon na 'yun.

Tempting..

"No," I shook my head, "Hindi pwede." I decided to stand up and made my way to the couch pero, wala pang ilang hakbang, napahinto ako dahil sa pagtawag niya sa'kin.

"Kris..." Almost whispering..

Gising? Oh damn, nahuli na ako. Pag-iisipan niya na akong manyak!

Paglingon ko nang dahan-dahan na para bang nahuli ako ng nanay ko na tatakas sa dapat sana'y pagtulog ko sa tanghali, nadatnan kong nakapikit siya at ganun pa rin ang pwesto. She's sleep talking. Napangiti ako. "Crazy."

Bumalik ulit ako at naupo sa carpeted floor ng kwarto ko, pinagmasdan ko lang siyang matulog. Napaka peaceful ng mukha niya kahit pa napakadisturbing ng pwesto niya. Para siyang batang paikot ikot sa higaan eh. "You're really adorable in your own little ways. Hindi na ako magtataka kung bakit pati si Selene, Eos at Enyo, gusto ka.." Nilaro ko yung strands ng buhok niya na nalaglag mula sa pagkakabun ng buhok niya.

Selene and Eos was asking things about Gail last time after ng presentation sa Elysium. Si Enyo naman, dineklara na crush niya si Gail. Nakita niya raw kasi 'yung pictures nito sa underground website at page ng school at nacute-an siya.

"But you'll be mine..." Nababaliw na saad ko sa pagitan ng malalim na paghinga niya. "Goodnight," I kissed her hand. Buti na lang hindi ako sinapak o kaya sinampal. Wala siyang sapi ngayon. Haha.

Tumayo na ako at niligpit na yung mga gamit ko sa drawing table. Pagtapos ay nahiga na ako sa couch. "Hindi ako kasya..Ugh," Geez, bakit ba hindi ko naisipang mas lakihan yung couch dito sa kwarto ko. Kainis, hindi ako kasya.

Magpapasa lang ako ng plate bukas. So free ako. Nag-iwan ako ng note sa ibabaw ng side table ko. Siya ang bubulabugin ng regalo ni John sa'kin bukas ng umaga. Aha!

****

"Coz you, make me feel like I'm intoxicated.. To the sky, flying high take you to the moon. Day all night, we don't have to say a word.."

"Damn, how could this girl, sleep like a monster." Tumayo ako, with this smug on my face at kinuha ang alarm clock ko, "To hell, with that guy who invented this thing." Nginitian ko yung alarm clock para tumigil na sa pagkoconcert. "Shit, why don't you stop-- ugh!" Ngumiti ulit ako, a genuine smile. Then it stopped. "Choosy."

Paglapag ko ng alarm clock, kumuha ako ng towel at naligo na. Inaalala ko yung mga recent topic namin sa isa kong subject dahil may isang exam pala ngayon.

After my morning routine, pinuntahan ko siya. Gusot gusot na yung cover ng higaan ko. Tsk. Natanggal pa yung sa kaliwang part.

"Gail, uy. Gising na." Inalog ko siya ng kaunti. Ayaw magising. "Bubwit, gising." Sabay alog ulit sa kanya. Ayaw talaga. "Dwende, payat,"

"Ang sama ng pakiramdam ko, Kris. Nasusuka ako na ewan na nahihilo." Bungad niya sa'kin paggising ko sa kanya. Ang tindi niya matulog dahil hindi man lang siya nagising sa lakas ng ingay ni Zion-- yung alarm clock ko.

"Ha? Teka, buntis ka ba? Isang buwan lang akong nawala, nabuntis ka na agad? Sinong ama? Pogi ba? Asan siya--" Napatigil ako sa pagtatanong dahil tinakpan niya bibig ko. Tinignan ko siya ng kunot noo, maya-maya inalis niya rin. "Buntis ka nga? Morning sickness. Wala namang nangyari sa'tin kagabi ah!"

Umiling siya at tsaka ako tinampal ng mahina. Badtrip tong babaeng to, medyo nagiging sadista na. "Aray ko."

"Ay OA mo. Gusto ko kumain."

"Anong pagkain?" Mukhang ako pa magluluto ah. Iniisahan ata ako nito eh.

"Ikaw.."

Napakunot ako ng noo. I honestly hate the thought. "Ano nga kasi? Mga diskarte mo, Gail. Bumenta na yan nung panahon ng lolo ng lola ko."

"Hmm, daming alam. Gusto ko ng pizza, burger, fries, roasted chicken, lumpia, jco donuts, milk tea, m&m, sneakers, kitkat, red velvet cake, coffee, ice cream--"

Bigla akong napasimangot. "Ang takaw mo. Nasusuka tapos gusto kumain ng marami?"

She chuckled. Ang cute ng tawa niya. Pambata. "Hmp. Sige na nga. Gusto ko ng lugaw! Tara kain tayo kela ate Linda." Yaya niya sa'kin.

Seriously? Ang dami niyang sinabi tapos bumagsak sa lugaw. At ang aga naman naming susugod dun? "Seryoso? Kanina yung mga gusto mo, kakaiba pero sige, toothbrush ka na muna."

"Ay, sorry. He he."  Tumayo siya at kumuha ng toothbrush sa bag niya tapos dumiretso sa shower room. Tsk, bakit ang cute niya pa rin kahit bagong gising? Ang pungay ng mata eh. Kahit gulo gulo buhok, hindi nabawasan ang cuteness niya.

Kumuha ako ng jacket sa closet at isinuot. Buti na lang nakaligo na ako bago ko pa siya bulabugin. Ang hirap niya kasing gisingin eh. Tulog mantika yung babaeng yun.

"Bilisan mo dyan, Gail. May klase ka ba ngayon?" Tanong ko. Tuesday eh. Baka wala. Usually kasi di ko siya mahagilap pag gantong araw.

"Huh? Wa-la. Magpapasa lang ako ng kurang ko." Malunok niya sana yung toothpaste.

"Ah. Labas tayo. Sama mo si Andrea." Si Andrea yung bestfriend ni Gail na nagmamasteral na. Gusto ko lang mameet. I've heard na sobrang dedicated nun sa pag-aaral at crush niya si Enyo.

"H-huh? May klase pa yun eh." Nagpupunas na siya ng towel sa bibig at mukha. Nakapagpalit na rin siya ng damit. Hindi ganun kaikling shorts at yellow v-neck tee ang suot niya. Plain but simple.

"Ah. Yayain mo na lang sa Saturday. Pwede ba siya?"

"Busy yun everyday. Magpapakamatay na eh."

Umupo siya sa tabi ko at nagsuklay. Walang ligo ligo yan oh. Haha! "Di ka na maliligo? Ligo ka na kaya?"

"Ah ganun? Kakain lang naman tayo ah! Tsaka mabango ako."

"Wala naman akong sinasabing mabaho ka. Ang payat mo pala talaga." Hahaha! Kinurot niya ako sa tagiliran. Hindi naman masakit pero nakiliti ako.

"Grabe ka." Napipikon na turan niya sa pagpansin kong payat siya. Totoo naman eh. Kayang kaya ko siyang buhatin ng walang hirap. Parang ang gaan gaan niya.

"Patpatin. Kung may magtangkang manrape sayo di na sila mahihirapang bitbitin ka." Natatawa akong hinila siya pahiga. Haha. Tinalikuran ako ng patpatin.

Napangiti ako sa kasungitan niya. Nakokontento ako sa mga ganitong bagay ngayon pagdating sa kanya.

"Hwag mo kong kausapin dyan."

Pumikit ako. Inaantok na naman ako. Hindi na ako sanay gumising ng maaga. Sumakit lang kasi katawan ko sa couch dahil hindi ako kasya. Sana pala dun ako sa living room natulog.

Gail Barerra

Sinong tinatawag niyang patpatin? Ang sexy ko kaya. Hmp!

"Patpatin, antok ako." Sabi nung tao sa likod ko. Kaya ang tangkad tangkad eh, ang takaw din sa tulog.

Hindi ako nagsalita. Pumikit na lang din ako. Inaantok pa din kasi ako. Lagi ba naman akong puyat. Dami ko ng utang sa sleeping bank. At isa pa, masarap matulog dito dahil walang nag-aaway ng maagang-maaga. Pero ayoko na. Haha. Pagsasamantalahan ko tong babaeng to.Patay siya sakin. Hmp.

"Patpatin pala ha." Bulong ko sa sarili ko.

Inantay ko lang siyang makatulog at bumangon ako ng dahan-dahan. Sabay kuha ng lipstick sa bag at drawing sa buong legs at braso niya. Nag-apply din ako ako ng lipstick sa lips tsaka siya nilagyan ng maraming mark sa mukha.

Hmmm. Hindi siya nagigising. Naghanap ako ng marker sa drawing table niya pero wala, next na tinignan ko ay yung cup na maraming pen, dun may marker.

Dinrowingan ko yung ilong niya at pisngi na parang pusa. Half nga lang dahil nakatagilid siya.

Ang cute cute naman ng babaeng to. Hmp. Nagselfie ako na nakahiga kasama siya sabay upload sa IG at tag sa kanya. Mwahahaha. Ano kayang masasabi ng fan girls ng babaeng to? Baka mabully ako.

Pero anong oras na hindi pa siya nagigising. Nagugutom na ako eh. Hmp. Kaya naman pumunta ako ng kusina at sinalpak ang earphones at nagpatugtog. Naghalungkat ako sa ref niya. Buti na lang may mga stock na gulay at kung anu-ano kaya makakapagluto ako.

Hindi ko siya naisahan kanina. Sayang. Sa huli'y napagdesisyunan kong magluto ng beef steak dahil yun daw ang trip niyang kainin.

Gail, beef steak ah? Yung may nestlé cream. Nakita ko sa commercial eh. Thanks. LY. :) Tsaka pala, yung filipino style steak yung gusto ko! Yumm.

Sa sobrang busy niya, nagagawa pa niyang makapanood ng TV? Yung totoo? At ano kayang LY pinagsasabi nun? Hmp. Nagstart na akong well, imarinate yung beef at maghiwa ng white onions.

Nangingiti talaga ako sa pagkaisip bata niya. Hindi naman kasi halata sa kanya. Malaki siyang tao at talagang halos sambahin siya ng mga tao sa university. Sabi nga nila bagay talaga siyang maging isa sa Goddesses ng AEU. Akala mo nagparetoke dahil wala man lang kahit isang pangit na feature sa mga mukha nila eh. May mga factory defect nga lang. Haha.

"Hoy, Gail.. Anong ginawa mo sa'kin?" Isang Kris Alfaro na mukhang inaantok pa ang nakatayo sa may dining area.

Oh.. Nagising na.

"He he. Good morning, baby. Anong nangyari sa'yo? Sinong may gawa niyan?" Painosenteng humarap ako sa kanya na sinagot niya lang ng kunot na noo.

"Bakit ganto na ayos ko?" Tinitigan niya buong katawan niya, sabay tingin sa'kin na parang nababadtrip.

"Ehr?" Pano ko ipapaliwanag na napagtripan ko siya? Hala, bakit ko nga ba siya pinagtripan? "Eh kasi ikaw--"

"Ano? Burahin mo 'to Gail.. Lahat."

Hala ka, ang dami sa legs nun. Gosh, pano na ang kinabukasan ko kung-- okay, erase! I cleared my throat. At pinaseryoso ko ang boses ko. "Mamaya pagtapos ko magluto." Sabay ngiti ko sa kanya.

"Huh? What.. Oh wait, I have to take this call." Sabay hugot niya ng cellphone niya sa bulsa. Tinanguan ko lang siya at bumalik na ako sa ginagawa ko pero syempre nakikitsismis ako.

"Oh hello, John." Si John pala eh. Si fafa John. Haha. "What? Pakiulit nga? Anong- geez, ano? Okay, itetext kita pag tapos kong icheck. Tapos ano? Viral? Huh? How does it gone viral? Ano ba kasi 'yun?" Nakakunot noo na siya.

Ano kaya yun? Nakucurious na tuloy ako. Base kasi sa reaksyon ni Kris, medyo hindi nakakatuwa yun. Oh- baka may scandal siya? Hala.

"Okay bye." Sabay kalikot niya sa phone niya. Ano kaya yun? Mukhang seryoso eh.

"Gail, tara dito. You must see this. Someone repost the picture you posted a while ago." Nangingiting saad niya, pagtapos niyang maghalungkat sa cellphone niya. Iniharap niya pa sa'kin yun. At, OMG, ngayon ko lang narealize na yung picture kanina yung sinasabi niya.

Mabilis naman akong nakapunta sa harapan niya. Kinuha ko na agad ang cellphone niya sabay, tingin.

Si Helen Edwards 'yung nagpost  ng  picture sa twitter. Paano niya nagawa yun? Amp.

What should we call this love team? Krisail? Gailine? KrisGail? Come on guys! Retweet this if Kris' cute and Gail's awesomely beautiful. #AEUMostSweetestLoveteam

Tapos clinick ni Kris 'yung hashtag. Ganun talaga siya kasikat! Di ko mareach.

@EosHerreraIX I'll go for Krisail!  I have a crush on the girl who took this selfie. Aww, @JGXII, baby, I'm sorry for having a crush on her! She's really adorable like you, eh.#AEUSweetestLoveteam

@EnyoZackhamII Woah, I envy Kris for having such a wonderful lady beside her. I crush her as well, Eos!

@RCupidLazarusXI Dione really got this cute girl?! Awesome! I'll go for Krisail as well, guys. #AEUSweetestLoveteam

@KleioVillegasXXVI Cool! I'll tell my mom about this. She loves Kris so much, she must be jealous! Another hashtag for the picture, #Krisail #AEUSweetestLoveteam

What the... Tama ba tong iniscroll down ko? Pati sila Andrea nakisali. Halos lahat ng Goddesses nagtweet. Gosh. Puno ng AEU community tong hashtag na to. Oh my gosh talaga.

"John told me that we already have a page, founded by Helen and Cupid. Krisail daw." Natatawang tinignan niya lang ako. Wala na yung pagkabadtrip sa mukha niya.

"Huh? At sa kanila pa talaga nanggaling yun?" Nasashock na tanong ko sa kanya.

Nginitian niya lang ako. "It reached 2,000 plus likes na daw since this morning. They were posting pictures of us, stolens and selfie's. Check the page, later after lunch." She said, still smiling.

"Kris, hindi naman kaya awayin ako ng mga fans mo?" Masyado siyang sikat, hindi naman lahat sila aayon sa'min no. Ehr-- sa'min? Sinabi ko ba talagang sa'min?

"Don't worry the Goddesses can block them." Ngiti niya ulit. Wow, nasan na yung Kris na laging kunot ang noo? "Ano nga pala yang niluluto mo? Yung nirequest ko?"

"Uh-huh. Paniguradong hindi ka dito nakain. Hindi ka ba marunong magluto?" Tanong ko habang pinagpapatuloy ang paghihiwa sa white onion sa chopping board.

"Huh? Hindi ah. Nakikita mo naman yung stocks ko dyan di ba. Nagluluto ako kahit busy ako."

"Weh? Sige nga, patikim ng luto mo."

"Next time na. Ikaw magluluto ngayon eh. Dudugasin mo pa ako kanina. Akala mo ah."

Napahagalpak ako ng tawa. He he. Hindi ko naman siya dudugasin. Hindi naman kasi por que nagculinary ako ngayon, magaling akong magluto noh. Baka maturn off siya sa'kin pag pangit ang lasa ng luto ko.

"Hindi kaya kita dudugasin. Nasusuka talaga ako kanina. Baka ginahasa mo ko nung tulog ako!"

Tumawa siya nang malakas. "Pano kita gagahasahin kung kamag-anak mo si Pacquiao? Grabe ka kaya manuntok!"

Nahiya naman ako bigla sa kanya. Naaalala ko na naman na sinuntok ko siya. Amp. Haha. "Wait-- nasave mo na ba number ko?" Wala eh, bigla na lang pumasok sa isip ko 'yun.

"Hindi pa. Save ko na. Sinend mo ba sa facebook?"

"Yeah. Dun mo na kunin. Di ko kabisado." Sabay irap ko sa kanya. Kung makangiti kasi eh.

Tapos nagkalikot na siya sa phone niya habang nakangiti. Ano kayang nginingiti ng kapreng to? Amp. Baliw na naman siya sa'kin. Chos!

****

"Gail, anong lulutuin mo mamayang dinner?" Tanong ni Kris habang nagmamaneho. Sasamahan ko siya papuntang school at himala! Iba ang sapatos niya ngayon, converse. Haha!

Nag-isip ako sandali. Ano nga bang dapat lutuin ko? Naubos niya halos lahat kanina eh. Halos kalahating kaldero ng kanin din nakain niya. Napakahalimaw kumain! Amp.

"Kakakain mo lang, ulam agad mamaya iniisip mo."

Tumawa na naman siya. Baliw na talaga tong si Kris. Hmp. "Nga pala, nagyayaya sila Helen sa Kingdom Hotel. Next weekend."

Automatic namang naglue ang mata ko sa kanya, sheeet naman oh! Bakit kailangang may hangin effect habang nagmamaneho siya? "H-huh? 'no 'yun?" Hindi ko talaga naintindihan.

"Nagyayaya kako sila Helen. Isama daw kita. Have you met them already? Sabi kasi ni Helen, you're more beautiful in person, so I guess they have noticed your presence at Elysium." Para namang sinabi nitong hindi ako nag-eexist. Amp!

"H'wag mo ko English-in, para kang best friend mo eh. Amp. Sakit talaga sa ulo ng accent mo."  Puna ko na naman sa kanya pero ang totoo nyan, naaakit lang ako sa paraan ng pagsasalita niya lalo na't kapag nag-English na siya. Weakness ko na eversince!

At kung may pagkakapare-parehas sila nong mga Diyosang katulad niya bukod sa ganda eh iyong accent nila. Masyadong mabilis, parang sinoshort cut minsan ang syllables eh. Tunog Briton ang mga loka.

"Ehr-- okay, sige iiwasan ko. Sasama ka ba? Pwede ka ng weekend next week?" Tanong niya na inihinto na ang kotse niya sa parking area ng school malapit sa building nila.

Ganda talaga ng building nila! Walang-wala yung amin eh.

"Nahihiya ako eh."

"First time ko yatang narinig yan sayo. Hindi kasi ako pupunta nang wala ka, so I have to-- okay, nakalimutan ko. Kailangan kong malaman sagot mo ngayon."

"Parang sinabi mong walanghiya ako ha!"

"Oy hindi ah. Ang carefree mo kasi tignan eh. Ah basta. Ano sasama ka ba?"

"Hmm, sige. Sasama na ako." I smiled. Pero nahihiya talaga ako eh. Nakkaconcious naman kasi silang makaharap. Ang gaganda eh. Pero ewan ko ba, bakit komportable ako kay Kris. Soulmate kami? Gosh! Oh my..

"Nga pala, may interview ako from AEU Crimson, later."

"Bakit daw?" Ang alam ko part si Andrea ng AEU Crimson eh. Iyon yung newspaper ng university namin.

"Hindi ko alam. Part din 'yung Goddesses. Sabi AEU community wants to know us more. Ayon sa survey kaya gagawa sila ng brief interview. Medyo kinakabahan ako."

Wow! Uso sa kanya ang kabahan? Sa lahat naman.. Anak ng tinapa! Uso nga talagang kabahan sa Kris Alfaro na 'to na kapag tutuntong ng stage at magsasalita punong-puno ng confidence?

"I-e-air daw kasi sa buong AEU kahit behind the scenes.."

"Ano naman? Eh kilala ka naman ng lahat. Sa dami ng naiuwi mong award at sa dami ng babae-- este sa dami ng mga admirers mo sa school dapat sakto lang. Mamaya mali maisagot mo eh." Aabangan ko nga yon. Haha! Ieair pala sa buong AEU eh. May malaking screen kasi na akala mo sa mga highway sa EDSA sa tatlong parte ng AEU, kaya malamang ieere yon. Bonus pa yung buong school may mga speakers na talagang gamit na gamit parati pag may mga ganyang moment, at may umiikot na interviewer para kumuha ng feedback sa mga estudyante.

Lalong lumawak ang ngiti ko ng mapansing ngumiti siya. "Aabangan ko nga. Kaya mo yan, baby. Haha!"

****

"GRABE! Grabe teh!" Tili ni Althea sa tabi ko na nababakla na naman sa mga diyosa. Hindi ba dapat mainggit sila sa ganda ng mga yun? Pero hindi eh! Naman oh. Si Cupid at Kleio pa lang kinikilig na sila eh!

"Actually, I like her the way I like my Sunny before... But I'm certain, I'm not going to court her. She's a walking disaster. And may I add, she's a cursing and eating machine with a lot of harsh words in her mind. I really don't want to court Helen Edwards. That's all I wanted to clear right now."

Iyon ang sagot ng nakangiting si Cupid habang iniinterview. Grabe, hindi ako aware na naiissue sila ni Helen Edwards na sa pagkalaalam ko, straight. Kaya pala lagi silang magkasama. Showbiz lang sumagot noh? Chos.

"Grabe talagaaa! Bakit ang cute ni Kleio?! Kyaah!" Tili na naman ng bruhildang si Althea na may pagkalampag pa sa mesang nasa harap namin. Tsitsinelasin ko na tong babaeng to eh! Napakaingay. Amp.

"Ingay mo teh. Pasalamat ka at hindi masyadong in demand yang gusto mo dahil parati namang wala dito, kung hindi kinuyog ka na ng mga babae non sa kaechosan mo!" Sita ni Alex sa kanya. Para silang aso't pusa.

"FYI! Hindi nga siya babaero katulad ng Cupid mo noh!" Depensa naman ng isa.

"Asus! Kaya pala, may sex--"

"Bruha! Halata namang hindi siya yon! Ginaya lang yung tattoo niya."

"Ows." Nanghahamong sagot naman ni Alex.

"Pag-uumpugin ko na kayong dalawa. Hindi ko maintindihan yung sinasabi ni Cupid dahil sa ingay ninyo eh!"

"Ehr-- inaabangan mo lang si Kris eh." Si Althea na sinundan ng sabay nilang, Ayiieee!"

Inirapan ko lang sila sabay tutok ulit ng mga mata sa big screen. Nasa lake park kami kung saan clean and green ang tema dahil sa mga puno, at lawang nasa di kalayuan lang. Kasalukuyan kaming nakatambay sa isa sa mga kubo. Halos lahat ng estudyante nandito ngayon kaya lahat ng kubo occupied ng iba't-ibang grupo.

"Grabe teh. Ano yung sinabi niya? Wala akong naintindihan. English speaking naman kasi!" Reklamo ni Althea sabay yugyog sa balikat ni Alex na seryosong nakatingin sa screen.

"Nako Althea, tantanan mo nga ako. Kung hindi hihilain ang damit ko, mang aalog ng balikat! Isa pa tutulak kita dyan sa lawa!" Naiiritang inialis ni Alex ang kamay ni Althea na nakasimangot na.

"Ang ingay!" Hirit ko na naman.

"Ay tehhh! Si ano na! Si wait, si Eos Herreraa! Oh my gosh! Quote, I've never been in love like this in my whole life, and for the chances I wasted, I learned a lot. This time, I would never ever let Janna go, unquote. Homaygadd!" Tili ni Althea na pati style ng pagsasalita ni Eos ginaya. Bruhang to! Nako.

"Hwag kang maingay. May packaging tape akong dala dyan, baka gusto mong sayo ko gamitin imbis na sa mga gamit ko." Seryosong saway ni Alex.

Tiglilimang questions lang naman sila na sinasagot galing mismo sa mga AEU students na pagala gala. May mga interviewer din na nagala ngayon dito sa lake park, at sa iba pang part sa loob ng school para humingi ng feedback sa mga sagot nila.

Isa pa lang film director si Eos. Taray di ba! Mismong sa United Kingdom siya gumagawa ng films before na maraming hinahakot na award.

"Yes, I'm going to marry before the year 2014 ends."

Whaaat?! Ikakasal na siya? At the age of 24? Wow!

"Hala ehhh! Isa na ikakasal sa kanila! Pano na akoooo Eoooos?! Nabuntis mo koo! Pano na ang kinabukasan ng anak natin?!"

Parehas kaming napalingon ni Alex sa nakatayong si Althea habang makapapagbagbagdamdaming iwinawagayway ang mga kamay niya sa ere habang itinuturo ang tiyan niya.

"Tsk, malala na."

"Sinabi mo pa. Hayaan mo na lang." Pailing-iling na sang ayon ko kay Alex.

Parehas kaming nakapangalumbaba  habang nakatunganga sa big screen at pinagmamasdan ang mukha ni Eos. Siya raw ang pinakamatanda sa kanila pero ang mukha parang kasing edad lang nila Cupid.

"Grabe! Ang gwapo ni Enyo noh? Pikutin ko kaya? Tapos ang ganda ganda ni Helen! Naiinggit ako sa kanya." Si Althea.

"Shh!" Saway namin. Feedbacks from AEU community para sa interview kay Enyo. Siya pinakamaraming fans sa kanilang siyam, sunod si Cupid.

"Uy sunod na si Kris! Taray siya pinakahuli! Pang finale ang beauty ng loves mo, bakla!" Tili ni Althea.

Tinitigan namin siya ng masama ni Alex. Alam kong parehas silang fan ni Kris pero mas matindi si Alex dahil gusto niya talagang mag Arki, pero hindi kaya ng parents niya na pag-aralin siya sa ganong course.

"The long wait is over, guys!"

Ayan na nasa screen na si Kris. Same get up, unbuttoned long sleeved polo, white printed shirt, nakabun ang buhok at sheeeet lang, bakit ang ganda niya pa rin sa screen! Kainis.

"Teh, kinikilig oh. Mga ngitian eh." Sita ni Althea sa'kin.

"Manahimik ka na, Althea. Ayan na eh."  Saway ni Alex.

"How was it to be one of the Goddesses of Ashton Edwards, miss Alfaro?"  Tanong ng interviewer na mula sa Mass Communications Department. "Hindi lingid sa kaalaman ng AEU community na isa ka sa pinakatahimik na sikat sa buong university. Ngayong mas sikat ka na at official ka nang kasali sa pinakasikat na grupo sa campus, anong nararamdaman mo?"

"Actually, that was one of the things I neglected since first year high school at Ashton Edwards High for some personal reasons. And I can tell that it was fun to be one of them but too complicated at the same time. In my case, isa ako sa pinakalate na sumama sa gang after high school. And by the way we call ourselves a gang way back then."

Sabay flash sa screen ng pictures nila sa Franco's habang nagtatawanan.

Wow, kompleto sila. Sino ba namang hindi tatambay dun kung ganyan kagagandang babae ang makikita mo?

"According to Ashton Edwards community, you were exclusively dating Gail Barrera from Culinary School of this university. Is it true that she is your girlfriend?"

Oh my god. Bakit hindi ko naisip na magtatanong sila tungkol sa mga pictures namin!? Gosh. Dapat pala nag-ingat ako! Ano ba... Kainis! Biglang nagflash yong pictures namin sa screen. Yung last na picture namin na tulog siya at ako ang kumuha ng selfie ay yung pinakamatagal na nagstay. Ugh!

"Taray teh! Ang ganda nyong tignan! Bagay na bagay!" Tili ni Althea.

Nakarinig na kami ng mga opinyon ng mga tao. Feedback na galing sa AEU community ang nasa screen.

Pagtapos ng sagot ng babaeng tila kinikilig pa kay Kris, nagbalik na sa set kung saan ginaganap yung interview.

"Actually, I don't know if we were dating friendly or romantically. Ahh, we dated once, and that is an official date but after that, we were still going out and decided not to call it a date or anything.. Well, all I can say about that now is I like her and that liking is serious enough to make her my girl. The feeling isn't mutual yet, but we are good friends."

"Teh! Good friends daw! Hindi mo ba sinasabing gusto mo siya? Kailan mo pa siya friniend zoned?!" Usisa ni Althea na nakakapit sa braso ko habang nag-aantay ng sagot.

Ehr! Kinikilig pa ako. Kinikilig ako! Nakakainis!

"Bigyan mo ng moment, kinikilig pa." Saway ni Alex kay Althea sabay kuha ng milk tea sa ibabaw ng mesa at inom.

"Woah. What an honest answer from our future world class Architect.. Ano naman kayang masasabi ng AEU community about that.."

Gusto niya na talaga ako? Gosh!

Tumawa si Kris. Asdfghjkl! Bakit pinaparinig niya sa lahat yang tawang yan! Kainis. Naging dalawa ang nakaset na camera sa screen, yung isa maliit na at yun yung kela Kris at interviewer niya. Yung malaki naman eh, yung umiikot sa AEU campus.

Pagtapos ng comment ng sa tingin ko isa sa mga fan ni Kris eh, lumaki na ulit yung sa kanila at lumiit na yung sa naglilibot sa campus.

"This is from one of your fans miss Alfaro. The question is, are you not threathened that Enyo Zackham and Eos Herrera likes Gail Barrera? Enyo Zackham tweeted a picture with Gail Barrera at Franco's. She said that, "I really am glad to see my crush here @Franco's. Hope to see more of her!"

Aww. Naalala ko na namang nakasalubong ko si Enyo sa Franco's. Kung dati hindi niya man lang ako tinatapunan ng tingin, kanina nagselfie pa kami at itinweet niya agad. Gosh! Halos mamula ako kanina. Bukod sa mas matangkad pala siya kay Kris, medyo manly siya gumalaw, para siyang lalaking may mukha ng babae.

"Ha ha. I wasn't sure yet if that liking is just a normal like or will lead to something serious. We haven't talk about if we will be having a competition about Gail but I saw their picture earlier before this and I can tell that they look cute together. Anyway, we will see each other on finals if ever."  Seryosong saad nito. Wah! Pakiramdam ko, nagtataksil ako kay Kris ko! Amp.

"Teh, maghire ka na ng body guard. Baka kulampugin ka ng fangerls ng mga yan, haba ng hair mo eh. Nakabalandra na sa EDSA." Biro ni Alex na sinundan na naman ng hampas ni Althea na parang inasinang bulati sa tabi ko.

"Baliw. Alam nyo namang--"

"Si Kris ang gusto mo." Sabay pa sila. Tsk.

AEU community's reaction time. Nagflash ang mukha ni Enyo at Cupid kasama si Eos. Para silang nagkakagulo na ewan na mukhang hiningal dahil parang hinarang pa ang mga camera man at interviewer sa ayos nila. "Aray! Ano ba!" Hinampas ako ni Althea sa braso.

"Kid, she's yours! We'll kill Enyo for you. Walang competition!" Sabay tawa ni Eos na sinundan ni Cupid ng, "Hashtag Krisail for the win! No to hashtag EnGail! Tweet it now guys!"

"Stupid, you like her too and you Cupid, don't meddle here! And for our Ni, I'll kill this oldy for you as well, Dione. Don't worry, she's all yours. Hi pala Gail! I still crush you!" Sabay ngiti ni Enyo. Killer smile lang!

"Tehh! Ikaw na talaga! Teeeh! Pusang gala ka! Pahingi namang ganda kahit katiting!" Tili ni Althea na niyuyugyog pa ako.

"Grabe Gail. Magpinsan yun ah! Di ba? Magpinsan yung may gusto sayo! Tapos isama mo pa si Eos.. Grabe bakla! Ikaw na!" Segunda ni Alex.

"Shh! Ayan na ayan na!" Saway ko sa kanilang dalawa.

"I'm still thinking about it, actually.. Last year ko naman na dito so baka itry ko na din. And besides, the offer is good."

Yung tanong niya tungkol sa band na pinamumunuan ni Cupid?! Gosh! May talent siya sa music? "Nice.." I said.

"We're down to the last question.. And that question would be from the Goddesses.Yung interviewer.

Napunta sa Goddesses iyong camerang nakatutok kanina kela Kris. Halos lahat sila nagkakape. Ang kukulit lang nila lalo na si Cupid dahil panay ang kiliti kay Helen. Kaya sila naiissue eh. Haha.

"Si Selene ang magtatanong di ba?"  Eos asked them sabay tingin kay miss Villamor.

"Ako nga. Hm, hey kid. The question would be.... Are you ready to fall in love again?"

Hindi ko alam kung bakit bigla akong kinabahan. Pero biglang nanahimik sila Cupid at mukhang seryoso si miss Villamor. Bigla ring rumehistro ang mukha ng gulat na si Kris. Kunot ang noo at mukhang naging uneasy ang pakiramdam.

"Shit, Selene... The question's too serious.."

"Hindi natin nireview lahat ng tanong. Fair enough. She needs to answer that."

"Kris, come on speak up. You can answer that. Relax."

****

A/N: So far, anong bagay ang natatandaan nyo kay Kris? :) At syempre kay Gail?

Sorry for the long wait guys! Masyado akong naging busy kaya hindi ko naipublish ito agad nong Monday. Occupied masyado ang schedule at utak ko. :)

Not yet edited. Maraming grammatical errors. Kung may mapansin let me know.

Thanks for reading guys! *Hugs*

-17Percent-

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top