Chapter 12

A/N: Kris & Gail moment. Enjoy reading and keep rockin' :))

This is not yet edited, errors are all mine. And new book cover, ulit.

-17Percent-

****

Kristine Alfaro

(Student's week)

NANGINGITI akong umakbay kay Gail. Wala na kaming klase dahil student's week ngayon. Ang sungit niya nga eh, meron siguro siya. "Gail, anong laman nung box? Bakit ayaw mong sabihin? Anong sabi ni Selene? At bakit ka ba nakasimangot? Ha? Meron ka ba?" Bulong ko sa kanya pero inilayo niya lang ang mukha ko sa kanya. Ang sungit naman.

"H'wag mo kong akbayan. Tsaka bawal mong malaman kung anong nasa loob nun noh."

Problema nitong babaeng 'to? Haha. Ang sungit lang ah! Pero parehas kami ng suot na sapatos ngayon, nangingiti tuloy ako. "Bakit na naman? Anong ginawa ko?" Clueless kong tanong sa kanya. Wala naman akong maalalang inasar ko siya eh.

"Naging isa lang sa Goddesses, kung lumandi, wagas! Psh." Pabulong na ngitngit niya. Hindi ko tuloy narinig.

"Huh? Ano yun, Gail?" Pilit niyang tinatanggal ang pagkakaakbay ko sa kanya pero hindi ko tinatanggal. Gusto ko lang na inaasar siya dahil kahit anong ekspresyon ng mukha niya, ang ganda ganda niya pa rin sa paningin ko. "Hmm. Ang ganda ganda mo, Gail." Sabi ko habang nakatingin ng diretso sa dinadaanan. Nasa loob pa kami ng school hanggang ngayon dahil naglalakad lang kami. Malayo ang gate 1 sa building nila.

Ramdam kong gumalaw siya pero hindi siya nagsalita. Seryoso naman ako sa maganda siya ah? Bakit hindi niya pinansin. Hmp.

"Gail.."

"Gail.."

"Gail.."

Mga ilang ulit ko pa siyang kinalabit at tinawag pero ayun at nakatingin lang sa daanan habang nakasimangot. Problema niya kaya?

"Gail, bili tayo ice cream." Pangungulit ko sa kanya. Tindi niya lang, h'wag mamansin. Tsk.

"Gail.. Pansinin mo na ako.." Titig na titig ako sa mukha niya, ayun lalong kumunot noo niya.

Hmp. "Gail.. Please?" Hindi ko naman alam kasalanan ko eh.

Para akong nakikipag-usap sa pader. Ano ba yan. Kung ibang babae lang to kanina ko pa nilayasan. "Ano bang meron ka at gustong gusto kita." Napabuntong hininga ako. Nauna na akong maglakad sa kanya. Baka sakaling umepekto at pansinin niya na ako.

Kaso nakakaanim na akong hakbang parang wala pa ring nakasunod sa'kin. Ayoko lumingon. Hwag lilingon, Kris. Kaya mo yan. Mapapahiya ka at ayaw mo yun.

Nagbilang pa ako ng ilang hakbang hanggang sa makaanim ulit pero wala pa rin kaya napilitan akong tumingin sa likod. Ayun siya, nakatayo lang dun at ngiting ngiting kausap kung sinumang lalaking yun.

Napasimangot ako. Asar. Sino na naman yung kausap niya? Nakakainis naman siya. Hindi na bago sa'kin tong pakiramdam pero ayoko ng nakakaramdam ng ganito. Ayoko ng pakiramdam na nababalewala ako.

Nagtuloy-tuloy na lang ako ng lakad at pumunta sa parking lot. Hays.

Dumiretso na agad ako sa bahay at gumawa ng plates. Hindi ko kasi alam ang gagawin ko. Alangan namang uminom ako dahil lang dun? Ang corny ko naman kung ganun.

Nakakadalawang plates na ako. Tambak na naman kasi. Hindi ko nagagawa pag weekdays dahil marami rin akong inaasikaso sa school, sa firm ng dad at family business namin. Friday pa naman ngayon. Magkasama sana kami dahil ang usapan namin kakain kami sa Tagaytay ngayon para hanggang bukas nandun kami.

Bumuntong hininga ako tsaka ibinaba yung eraser na hawak ko. Nag inat-inat ako. Naiinis pa rin ako.

Sabagay, friends lang kami. Tsk. Friends..

Pumunta na lang ako sa higaan di kalayuan sa drawing table ko. Dumapa ako at tsaka pinilit matulog.

Gail Barrera

Saang lupalop na naman kaya nagpunta yung babaeng yun?! Bakit bigla na lang siyang nawala.

Ito naman kasing si Carlos kung makapanghila na lang eh akala mo manika ako. Sarap sipain. Hmp.

"Uy Gail, kasi hindi ko talaga alam gagawin ko. Ano ba dapat?" Tanong niya. Nangungulit siya tungkol dun sa babaeng nililigawan niya.

"Aba, bakit ba sa'kin ka nagtatanong? Tignan mo muna kung ano yung mga bagay na naappreciate niya. Sige na bye." Paalam ko sa kanya. Nawawala na kasi si Kris. Saan na kaya nagpunta yun?

"Ano bang meron ka at gustong-gusto kita.."

Eh? Ang landi ng utak ko may pag flashback. Kakasabi lang flashback agad? Haha. Ngumiti ako. Kahit papano, kahit medyo tahimik siya, may asukal din pala sa katawan ang bruha. Hmp.

Babaero siya. Akala niya siguro hindi ko nakita yung pagyakap niya dun sa tennis varsity player kanina! Hmp! Nakakainis naman kasi na naiinis ako.

Kinapa ko yung cellphone ko sa bulsa at itetext ko si Ren para kunin ang phone number ni Kris. Tsk, hanggang ngayon wala pa rin akong phone number ng ugok. Pero bumungad ang 32 missed calls, at 3 messages. Tinignan ko kung sino. Si mama. Anon nangyari dun?!

Binasa ko yung 3 messages. Puro galing kay mama. Kinabahan ako bigla.

Gail, umalis ng bahay papa mo.

Dinala lahat ng pera sa safety box. Hindi ko napigilan.

Gail, pinapaalis ako ng papa mo dito. Asan ka na?

Umahon na nga ako sa galit sa tatay ko pero heto na naman siya. Ano bang gusto niya.

Tinawagan ko si mama at sinabing pauwi na ako ng bahay. Makapag-aantay naman siguro si Kris. Hays! Nakakainis talaga.

****

Kristine Alfaro

(Last day of Student's week)

NIYAYA kong kumain si Gail after ng presentation sa Elysium, pero nireject niya. I haven't seen her for 2 long days pa naman.

Hindi pa rin ako nakakaget over dun sa kausap niyang lalaki. Asar! May mga hahabulin pa raw siyang requirements at project na kailangan niya para sa finals kaya hindi rin siya makakasama.

Binuksan ko na pinto ng bahay at dumiretso sa higaan. Hinubad ko lang yung sapatos ko at padapang bumagsak. Marami pa akong plate na gagawin dahil puro plate na kami ngayon. Tinulungan ako ni John na tapusin yung problema sa isang firm namin sa US kaya parehas kaming pumunta don. Sabi niya, medyo kaclose niya na si Gail. I don't know if that was a good thing or not..

Tsk.. Nat-threatened ako sa sarili kong best friend.. It feels like-- erase erase!

Naidlip ako saglit at paggising ko naligo ako tapos diretso sa harap ng laptop habang nagpupunas ng towel.

Nag-open ako ng FB, instagram at twitter. Finollow ko kasi siya dun at in-add. Malay nyo in-accept na after months of waiting.Di ba?

Pero hindi pa rin kaya nagtype ako ng message sa FB. Wala kasi akong number niya eh. Asa ako sa powerful tool na to. Ilang buwan na kaming friends pero wala pa rin akong number niya. Ganun ako kahina. Hah!

To: Gail Allyson Barrera

Hey, i-accept mo naman ako? Tapos pengeng I.D sa skype? Haha. Salamat ah! Grabe ilang buwan ng pending yung friend request ko sa'yo eh. Bulok na yan kung pagkain yan.

- Kristine Andretti Dione Alfaro

Nakaprivate yung instagram niya pati twitter kaya di ako makapagstalk pero follower ko siya?

Maya-maya pa, bigla na lang tumunog yung notification tone ng FB. Napangiti ako nang in-accept niya. Chineck ko rin yung twitter, okay na. Pati IG, okay na. Haha! Aba..

Gail:

Ang haba ng pangalan mo, Kris. Pero ang ganda ng Andretti at Dione. :)

Natawa ako. Hindi ko kasi ginagamit yung Andretti at Dione ko dahil masyado ng mahaba. Pero Andretti Alfaro gamit ko sa lahat ng account ko.

Ako:

Thanks, Allyson but I prefer Kris. ;) Hindi ka pa ba matutulog? It's a bit late, ya know.

Gail:

Hindi pa. May mga ginagawa nga ako di ba? Ikaw bakit gising ka pa?

Ako:

Sungit. Need help? Gawa pa ako ng 3 plate eh. Pero Friday pa naman deadline. Ano ba yang ginagawa mo?

Gail:

Hmm. Wala naman na akong ginagawa bukod sa report ko. :)  Thanks. Kumusta pala yung US trip ninyo ni John?

Ako:

Mas madami pala sakin eh. Sige na, tapusin mo muna yan... Ayun, we hired high class arki's. Medyo nagkaproblema rin sa ilang clients pero okay na.

Nag-inat muna ako bago tignan yung reply niya.

Gail:

That's good to know. Goodluck sa plate mo. :)

Ako:

Thanks. Ah, Gail?

Gail:

Yes? No problem.

Ako:

Pwede bang mahingi number mo?

Gail:

Bakit liligawan mo na ako noh? Sa tinagal tagal nating magkakilala, ngayon mo lang naisipan hingin number ko!

Gail Barrera

Hmp! Makapagtanong ako ng ganon eh no? Haha. Mamaya supalpalin ako nito ng hindi.

Kris: ...

Ako: Uy! Ayyyiiee.

Kris: Pag sinabi ko bang oo, magiging girlfriend kita?

Natameme ako sa sinabi niya. Loading...

Ako: Babaero ka hindi pwede. Hahaha!

Kris: Ha? Ako?  Hindi ah. :( Grabe!

Ako: Ay ang laking taong childish nito. Babaero ka, babaero.

Kris: Yeah?  Sige, out na nga ako.

Hmp. Dali dali namang mag back out nito.

Gail: Ay! Hahaha. Sige, +639152121330

Offline na siya. Hmp! Hindi na niya nakita yung number ko. Paano niya ako tatawagan? Chos.

Tinext ko si Ren. Tinanong ko address ni Kris. Close daw kasi sila dahil naging classmates sila nung high school.

Tinapos ko lang report ko tapos nagtaxi ako papunta sa isang bahay sa loob ng exclusive subdivision. Nadaan si manong guard sa ganda ko, chos. Buti na lang maganda ako. Haha.

Nagdoor bell ako at ang taray ng tunog hindi ding dong, kung hindi boses ng bata, someone's knocking. Natuwa ako kaya pinindot ko ulit. Ang lakas lakas eh. Haha.

Bumukas yung pinto at iniluwa si Kris na nakashorts at white tee. Hmp. Sexy niya. Sinadya kong dalhin yung unan ko para mukhang makikitulog talaga.

Mukhang nagulat siya. Haha. Eh kasi 12:37 am na pala akong umalis.

"Anong ginagawa mo dito, Gail?"

"Makikitulog!" Ngiti ko sa kanya. "Excuse. Papasok ako." Sabi ko tsaka siya iniwan dun sa labas.

Taray! Pagpasok ko medyo napawow ako dahil ang OC ng dating ng black, white, at gray na combination na kulay sa loob. Sa labas kasi, white and black lang. Dito shades of gray meron din. Maliit lang din yung gate niya, tapos may garage sa gilid na de taas.

Umupo ako sa U-shaped leather couch niyang black. Hmp. Dala ko yung backpack ko at unan tapos nakapj's na ako.

"Dito ako matutulog." Humiga ako sa couch tapos ay binend ang paa ko. Hmm.

"Tayo dyan. Masira yan, Gail. Mahal yan. Ikaw bayad pag nasira." Sabi ng boses sa ulunan ko. Nakatayo pala sya dun? Kapre!

"Okay lang. Iyo naman na ako." Chos. Malandi lang, Gail?

"Ayaw mong matulog sa kwarto ko?"

Ay mas malandi siya sayo, Gail. Charot.

"Ay? Pwede? Sige! Sige. Asan kwarto mo?"

Itinuro nya yung nag-iisang pinto sa left side ng living room. Hindi ganon kalaki tong bahay pero sakto na para sa isang Kristine Alfaro. Kristine Andretti Dione Alfaro pala. Haba ng pangalan.

"Hmm." Pagpasok ko. Ang bango eh. Kaamoy niya buong paligid. Amoy chocolate. Tapos ang linis linis. May pagkaOC nga siguro siya. Wala akong makitang ibang color dito kundi blue at white naman. Ang cute lang. Fan kasi ako ng blue.

"Bango dito, Kris. Dito na lang ako matutulog palagi. Pwede?" Sabi ko sa kanya pagupo ko sa higaan niya. Taray di ba.

"Ha? Pwede naman." Awkward siyang ngumiti. Umupo sa single couch sa gilid malapit sa full glass window. May garden pala siya sa likod at may swimming pool na maliit. Simple lang pero ang ganda.

"Tara nga dito."

Lumapit naman agad siya at tumingin sa'kin. Napansin kong may mga ginagawa pa siya sa drawing table niya dahil may mga gamit pa dun. Yun lang yung area na medyo magulo bukod sa higaan niyang hindi na ayos ang comforter.

"Ano na namang nangyari sa pasa na 'to? Pang apat na pasa mo na 'to na nakita ko.. Napakadisgrasyada mo naman." Tanong ko habang chinecheck yung pasa niya malapit sa mata. Sa puti niya kasi kitang-kita yung pasa niya. Mukha tuloy siyang nakipag-away. Kahit wala sa mukha niya.

"Saan?" Nakakunot noong tanong niya.

Paanong hindi niya alam na may pasa siya? Yung totoo? Amp!

"Ang stiff mo naman. Loosen up, hoy. Ito oh." Sabay dutdot ko sa pasa niya sa mukha.  Hahaha. At makapagstraight body ang bruha eh. Akala mo nasa ROTC kami.

"Ikaw kasi, binabaliw mo ko."

"Huh? Ano namang meron? Baliw ka. May iced pack ka ba dito?" Pambabalewala ko sa banat niya. Hindi ko akalaing marunong bumanat ang babaeng to. Wala sa itsura.

Tumango siya tsaka tumayo at hinila ang kamay ko. "Kuha tayo."

Dinala niya ako sa kusina niyang well, masarap gamitin dahil sa linis. "Hmm.." Masarap-- Aish! Ang landi ko. Binuksan niya yung isa sa pinakamataas na cabinet na well-- hindi ko abot pero siya hindi man lang tumingkayad, pero gosh-- iyong tattoo niya, nakita ko na naman..

"Dito ka matutulog pero lutuan mo ako ng breakfast, lunch at dinner, bukas." Sabi niya na inireready yung iced pack sa kitchen counter.

Nakatayo lang ako sa may dining area at tinitignan siya. Ang tangkad niya talaga. Haha. Kanina ko lang din napansin na ang ganda ng mata niya at ng lips.. Hmm. As in, yung gusto kong mata at lips na sa kanya.

"Okay. Yun lang pala eh. Psh, yung tattoo mo, pwede ka bang makita-- pero teka!" Bigla kong naaalala 'yung biglang pagkawala niya nu'ng magkasama kami habang naglalakad.

"Ano? Bakit ganyan ka tumingin?" Kalmanteng tanong niya habang idinidikit 'yung iced pack sa parteng dinutdot ko kanina.

Lumapit siya at binigay yung bitbit niyang blue'ng iced pack sa'kin, habang tinitignan ako na painosente. Nakatingala na naman tuloy ako sa kanya. Nako! "May kasalanan ka sa'kin."

"Huh? As far as I remember, hindi kita inasar.. Hindi rin-- aray!" Biglang hawak niya sa tagiliran niya. Kinurot ko siya. "Ano 'yun? Ang sakit nun, Gail. Sadista ka na." Nakasimangot na segunda niya.

Kinuha ko yung iced pack sabay dikit sa mukha niya, napangiwi tuloy siya. "Bakit nawala kang parang bula nu'ng nakaraan ha? Tapos Tuesday and Wednesday kang missing in action. Gawain mo na  'yun eh no?! Kainis 'to." Idiniin ko nga lalo. Ngiwi ulit siya. Haha.

"W-what?! Kasalanan ko bang-- Oh.. So did you miss me?" Nangingiting tanong niya sa'kin. Halatang naexcite.

"Hindi no! Nilayasan mo ko bigla kaya ako naiinis." Shiz, ang lapit ng mukha niya. Ngayon ko lang napansin. Nakangiti lang siya. "Parang baliw." Dugtong ko.

Umiling lang siya sabay pout. Aw, parang gusto ko siyang kurutin pero hindi pwede, dapat galit ako. "Sorry. Nakita ko kasi may date ka eh. Nakangiti ka pa nga tapos sinusungitan mo pa ako nun."

"Ahh, babaero ka kasi!"

"Nagseselos ka/Nagseselos ka!" Sabay na sigaw namin.

"Hindi ikaw yung nagseselos!" Sigaw ko.

"Ikaw! Ikaw nagseselos--" Siya.

"Hindi ikaw. Ikaw tong nagwalk out." I hissed.

"Oh ikaw nagsungit. Nagseselos ka. Sinong nakita mo--"

"Hindi ako nagseselos!" Depensa ko. Hindi naman talaga eh. Di ba? Eh, hindi nga ba? Bakit kasi--

"Sus, nagseselos ka Gail kasi gusto mo ko." Ngiti niya, proud na ngiti yun at parang nang-aasar.

"Hindi! Hindi ako nagseselos. Psh."

"Basta ako gusto kita." She said smiling.

I was freezed. Shit naman eh.. "Bakit ba napakaopen mo sa bagay na yan? Tapos bigla mo namang babawiin! Hindi mo naman pinaninindigan! Lagi ka na lang nawawala. Nakakainis ka!"

"Bakit naiinis ka? Gusto mo na ba ako?" Seryosong tanong niya. "Uy gusto niya na ako.."

Bakit nga ba ako naiinis? Eh gusto ko na nga siya! Oo na... "Hindi." Sabay kawit ko ng dalawang kamay ko sa batok niya at kagat sa baba niya.

Automatic namang napahawak siya sa parteng kinagat ko. For sure, masakit. Haha. Ang diin nun eh! "Ang sakit!"

"Parusa mo yan. Lagi kang missing in action."

"Tss. Ang sakit, sadista. Bumakat oh!"

"Maganda naman. Kasalanan mo yan."

"Maganda daw. Bubwit naman."

"Kapre ka kasi."

"Cute naman. Ikaw, dwende. Dwendeng payat." Sabay tawa niya.

"Halika nga dito ulit. Akin na yang pasa mo." Yaya ko sa kanya. Medyo lumayo siya. Natakot siguro na kagatin ko siya ulit.

"Ayoko. Hagis mo na yang iced pack. Akin na." Lumayo pa siya ng kaunti. Aba, haha!

"Isa." Pinandilatan ko siya ng mata. "Dalawa.."

"Tatlo, apat, pito-- oh wait mali, lima, anim, pito, wa--"

"Lalapit ka o kakagatin ulit kita?"

"Ito na nga." Sabay martsa niya papunta sa'kin.

"Ayan naman pala eh. Lalapit din." Dinampi ko ulit yung iced pack sa pasa niya habang chinecheck ko yung kagat ko sa kanya. "Hala, bumakat nga." Natatawang hinawakan ko yung baba niya.

"Salbahe ka eh."

"Kagatin kita ulit."

"Halikan kita."

"Sapakin kita."

"Hahalikan ulit kita." Tapos, ngumiti siya.

"Tapos hahagis kita sa ilog. Papakain kita sa crocodile."

"Ano?!"

"Sabi ko yayakapin kita para di ka na malaglag sa higaan." Sabay tawa niya ng mahina. Ang dami talaga nitong alam.

"Sus, sabi mo kaya--"

"Ano? Anong sinabi ko, baby?" She smiled. A sweet one.

Ugh! Feeling ko namumula ako. "Bakit.. Ugh, Kris eh!" Hinalikan ako sa ilong.. Biglaan. Kainis. Naisahan ako.

"Ano? May sinasabi ka? Gusto mo ko? Alam ko n--"

"Asa ka!"

"Oo, umaasa ako. Kasi sure na akong gusto kita."

Sure na akong gusto kita......

Sure na akong gusto kita......

Sure na akong gusto kita......

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top