Chapter 10


Gail Barrera

"BESPREN, masama na 'yang mga linya mo. Ano bang nakain mo at ang corny mo?" Tinignan ako ni Andrea na akala mo, sobrang corny talaga ng sinabi ko. Samantalang, nirephrase ko lang yung love is blind niya.

Tinawanan ko siya kahit halata namang pilit lang. Tatlong linggo na matapos ang huli naming pagkikita ni Kris, at oo gano'n katagal, parang buwan na nga. Simula pa yu'n nang pag-uwi namin galing sa Tagaytay. Nakakalungkot. Nakakamiss din siya..

Saturday ngayon, wala masyadong klase. Andito kami ni Andrea sa Franco's-- isang coffee shop sa loob ng school. Ngayon lang kami nakapagkita dahil madalas siyang magkulong kasama ang nerd niyang book buddy sa library, plus medyo strict ang parents niya kaya hindi siya makasama sa'kin kapag may lakad kami. Kailangan yata itatakas pa anak nila. Amp.

"The last time I checked, ibang-iba ka pa bespren." Tuloy niya pagtapos sumimsim sa kape niya. "At ganyan ka naman, magpaparamdam lang 'pag broken hearted, o kaya 'pag lumayas kayo ng mama mo sa bahay ninyo. Nakakainis ka. Hindi ko man lang alam na nakikipagdate ka du'n sa hottie ng Architecture Department kung di ko pa nakita sa instagram at twitter niya! Kumusta naman kayo?"

"Crush mo si Kris?! Akin siya eh.." Nawawala sa sariling saad ko habang nakatingin sa labas. "Akin lang siya, Andrea." Amp. Frustrated na talaga ako, tinataguan niya na naman yata ako! Hindi ko siya makita parati. Hindi ko makita kahit yung fortuner o yung BMW o yung Swift niya. No trace of her for more than, 3 weeks..

"Uy, over ka teh. Edi iyo, hindi ko  naman inaangkin. Ang hot nun eh. Kita mo ba pictures niya nito lang naiupload? Winner talaga bespren. Kasama niya iyong 8 Diyosa ng university sa picture at nakakagulat na isa siya don! Lahat sila naka two piece tapos ang hair ni baby Enyo, nakakaloka.... Basta ang hot nila!" Nagniningning ang mata na saad niya na ibinababa pa ang glasses niya. Pinagsasabi nito? Nakuha pang tsumismis habang nag-aaral ng Law? Required ba yun?

Naguguluhang tinignan ko siya ng masama. Tanungin mo siya kung kumusta kuya niya, ang isasagot hindi alam. Pero ano to? Gosh, naloka ako bigla. Kahapon pa ako ng umaga huling nagcheck ng mga accounts ko, na ginagawa ko lang dahil nga nagsstalk ako kay Kris.

"Anong two piece?" Ano kayang nangyari sa babaeng to. Akala mo lalaki pinag-uusapan namin eh. Kulang na lang maglaway siya. Amp.

"Tingnan mo iyang wallpaper ko. Crush ko yan! Mantakin mong nagtwo-piece si miss Selene Villamor. Gosh, naloloka na talaga ako. Ang sexy niya." Iyong tinutukoy niya ay isa sa mga Goddesses ng AEU. Bata at magaling na professor nila Kris. "Tignan mo si Helen Edwards at Cupid Lazarus diyan, bespren! Dali. Ang cute nila."

"Hinay-hinay nga Andrea.. Isang babaeng nakatalikod lang  tong wallpaper mo! Mukhang si Enyo pa. Crush mo siya."

Pero wait-- may tattoo rin si Enyo sa pinakalower part ng likod niya bago magwaistline at ang nakakagulat pa meron din sa line ng vertebrae, pababa. Isa ring linya katulad kay Kris iyong sa lower part. Roman numerals.

"Kanji symbol iyang tattoo niya sa upper part ng likod niya. Lahat sila meron." Sagot ni Andrea sa tanong ko sa sarili. Napatingin tuloy ako sa kanya, at muling tinignan iyong tattoo ni Enyo Zackham. Ako na rin ang nagbrowse ng pictures na sinasabi niya. Loading nga lang. Amp.

"Hindi ko alam kung bakit may ganyan sila. Sabi ng iba, dahil daw top 9 billionaire sila sa Pilipinas at pang-ilan sa buong mundo kaya ganyan, they're all connected. And you know what, naresearch ko na, pangalawa ang pamilya ni Kris mo sa pinakamayaman sa Pilipinas. Yung tattoo nila sa pinakalower part, yung date of birth nila sa baba non, may maliit na initials nila. Sabi sa interview ng 8 Goddesses, last month, no'ng may charity event ang Kingdom, kapag tumuntong lang ng 18 sila magkakaroon niyan. Laser heat dapat ang gagamitin but the Magnate which is the head of their so called Empire ordered that the tattoo must be hurtful." Mahabang paliwanag niya.

Naiopen ko na ang underground website at page ng school, pati twitter ni Kris kaso wala kaya nagpunta ako sa twitter ni Helen Edwards-- iyong nag-iisang straight sa kanila, pati IG. Inisa-isa ko. Hindi yata kinakaya ng utak ko yung mga information na alam nitong si Andrea.

"Weekend getaway with them! ♡"

Iyon ang caption-- bongga ang likes, sobrang daming comments.. At sobrang sexy nilang walo-- mali eh, siyam sila.. Nasa beach sila. White sand beach na parang ekslusibo lang para sa kanilang siyam dahil walang tao at sobrang ganda pa. Tipong hindi pa masyadong napupuntahan ng mga turista.

Halos pantay-pantay lang sila ng height. Pwera kay Eos Herrera na mas matangkad ng kaunti sa kanila. Lahat sila nakabun ang buhok, nakatalikod, at magkakaakbay. Asan si Kris ko?

"Si Kris iyong panlima from left, katabi ni Cupid." Kahit hindi ko hinihingi paliwanag ni Andrea, sinagot niya na. "See those tattoo's? They made it perfect. Kris has nice curves din. Pwede ng model no?"

Titig na titig lang ako sa picture. Grabe, anong meron sa kanila? Lalo na kay Kris.. Gosh. Nag-iinit ang tainga at pisngi ko sa nakikita ko. Hindi na normal...

"Bespren, laway mo ha? Nakakahiya dito. Gusto mo ng close up picture ni Kris na nakaharap at nakatalikod. Meron pang nakatagilid."

"Nasan? Patingin."

Nangingiti siyang kinuha ang cellphone niya at may itinype. FinPerkins iyong account sa IG. Parehas kaming tutok ang mata sa cellphone niya.

"The reason why so hot in here.. #weekendgetaway @andrettiIIX."

Ganon rin, daming feedbacks at likes. Picture ni Kris na nakatayo lang habang nagbubuhos ng bottled water sa ibabaw ng mukha. Pakiramdam ko, lalong uminit ang pakiramdam ko. Ehr! Aircon naman tong Franco's eh!  Okay, semi nakatagilid siya tapos nakashades. Dark gray iyong two piece niya.

"Bespren, laway sinabi eh! Iyong nakatalikod naman, ang tingnan mo. Para makita mo na yong tattoo niya." Excited na pambabasag ni Andrea sa lihim kong pagnanasa kay Kris.

Inilipat niya yon. Di ko alam kung kaninong account dahil mata lang ang kita sa display picture. Kulay gray pa nga eh.

"At last, she decided to join the trip. And I must add, she's so drop-dead gorgeous without her Arki shirt. Ha ha ha. What can you say, about this stunner, guys? She's now an official member of the gang.Welcome back, @andrettiIIX."

Hindi nagmistulang baduy basahin iyong gang dahil sa miyembro ng 8 Goddesses ang nagsabi na ngayon, 9 Goddesses na. Shet, mas tumaas ang level ni Kris ko! Huhu. Edi lagi niya ng kasama iyong mga iyon?! Huhu talaga. Kaya pala hindi niya na ako pinagpapakitaan--

"Explain ko na yung nakalagay sa likod niya ha! Bruhilda ka, tagal mo magday dream." Reklamo ni Andrea. Hitsurang naiinip na at ready nang magwalk out.

"Sige. Ano yang pababa na iyan?" Turo ko sa tattoo ni Kris sa upper part ng likod niya.

"Iyong una, ni, meaning two. Dahil hawak ng pamilya nila 'yong pagiging pangalawa sa you know, kailangan niya at ng kapatid niyang panatilihin iyon kaya nakadikit na sa balat niya. Yung pangalawa, Chikara, meaning power, yung next,  Seikou-- success, tapos, Shouri, victory. Iyang huli, Ai, Kenkyo at Sonkei, love, humility and respect. Sa kabila ng pagiging mayaman at maimpluwensya nila dapat alam nila iyang huli." Parang minaster na paliwanag niya.

Nakalagay sa lower part ng likod ni Kris, XIIIXMCMXCV. Tapos sa baba, hiwa-hiwalay na K.A.D.Z.A. Napahawak ako sa ulo ko. Nahilo ako, huhu. Ayoko ng math at roman numerals.

"November 08, 1995. Keri na bespren? Zackham siya, bespren! Kaya hindi nakakapagtakang hot siya.. Pinsan niya si Enyo ko."

Naalala ko bigla yung mga explanation niya tungkol sa 8 Goddesses. "Pwede ka ng mind reader. Ikuha mo ko ng kopya ng naka two piece pictures ni Kris. Ididisplay ko sa kwarto. Babayaran kita ng libreng machiatto." Utos ko kay Andrea na kunot noong umiling-iling.

"Sure ka? Tindi mo girl."

"Ikaw nga dyan eh. Gusto mong maikama ni Enyo ano? Balita ko, magaling daw siya." Ngisi ko sa kanya na napanganga at maya mayang namula. Narinig ko lang dun sa kaklase ko na babae. Fan girl ata ni Enyo.

"Normal na lang iyon no! Crush ko siya eh."

At anong normal ang pinagsasabi niya? Nanlaki ang mata ko. "Bespren, ready ka na? Gosh, naaalala ko pa no'ng pinipilit mo kong ibaba yang under--"

"Bruha ka!" Pinandilatan niya ako ng mata.

Tatawa-tawa akong ngumiti ng matamis sa kanya. Joke lang naman yung sinabi ko. Nakakatawa lang mukha niya.

"Busy sa kompanya nila si Kris kaya hindi mo na nakikita. Nagpapasa na lang ng plates yung tao kapag pupunta ng school. Pero sabi lang ng kaklase ko yun, Gail. Lagi siyang may jetlag, bru kasi pupunta siya ng US tapos halos dalawang araw lang siya dun then babalik dito. Siya halos naghahandle ng firms at business nila dahil nagkaproblema. Don't worry, magkikita rin kayo." Mahaba na namang eksplanasyon niya na akala mo sigurado pero narinig lang naman pala sa mga kaklase niya.

"Nagtataka na ako sa dami ng alam mo sa kanila, Andrea. Anong klaseng stalker ka ha?" Naiinis ako. Mas marami pa siyang alam kay Kris eh! Amp! Hindi naman kasi mukhang ganun kayaman yung kapreng yun. Parang ang baba baba niya parati.

"Lagi kasing laman ng mga bibig ng mga kaklase kong may gusto sa kanila. Naririnig ko lang." Bored na sagot niya. "Ano pa bang information gusto mong malaman? Na ipakukulam ka daw ng classmate ko sa isang subject dahil nakakadate mo si Kris?"

"Wala na. Okay na 'yon. Mas maganda kung sa kanya manggagaling. Tsaka, hindi kami nagdedate. H'wag ka.. Edi sana hindi ako nagmumukmok kasi dapat nagpapaalam siya."

"Taray mo, girl. Sige na nga, baka hinahanap na ako ni mang Felix, sabihin nu'n saan saan ako nagsususuot." Paalam niya na ang tinutukoy ay ang driver niyang naghahatid at sundo sa kanya. 23 na si Andrea pero hatid sundo pa rin dahil nag-iisang anak at medyo childish kung minsan kaya ganyan-- "Sabay ka na bespren?"

"Ayaw. Ingat ka." Sabay yakap at kiss ko sa kanya. "See you when I see you. Salamat sa loads of terrible information."

****

ONE WEEK na naman ang lumipas. Bale, 1 month and 2 days na. Grabe ng tagal. Huhu. I was hoping to see her today, dahil nakita ko sa tweet ni Eos Herrera na kasama niyang uuwi si Kris from London.

Patapos na ang klase ko at isang subject na lang uuwi na ako. Ganu'n na lang lagi ang ginagawa ko, gigising sa umaga, papasok, uuwi-- ganu'n ulit kinabukasan. Minsan dadaan ako kela manang Linda para kumustahin siya o di kaya'y tatambay sa Franco's.

Feeling ko ang tagal-tagal ko na siyang hindi nakikita. Nakakamiss din eh. Namimiss ko na talaga siya. Amp!

Nagdismissed na ang prof kaya lumabas na ako ng classroom. Nakipag-unahan pa ako sa kaklase kong alam kong magtatanong na naman kung paano manligaw. Amp.

Diretso ako sa 3rd floor para pumasok sa last class ko. Nasalubong ko pa si Nicolo na may kaakbay na babae. 'Yan ang tinatawag niyang mahal niya pa ako, pagtapos mareject, ilang araw lang may kasama na namang ibang babae. Unggoy talaga.

Papasok na sana ako ng classroom nang may tumawag sa'kin. Boses ng babae pero hindi pamilyar. "Miss Barrera!"

Napalingon ako pati yung ibang estudyante. Baka Barrera rin sila. Haha. Isang babaeng lampas lang ng kaunti ang buhok sa balikat, probably, nasa mid 20's, naka sharp charcoal suit, white long sleeves sa ilalim non, skirt, eye glasses at 3 inches high heels ang pawisang nakatingin sa'kin. Sa hitsura niya, mukhang naglakad siya ng medyo malayo. Anyway, maganda siya. Cute ng mukha.

"Miss Barrera. Ipinabibigay po 'to ni ma'am Dione-- este ni ma'am Andretti." Isang maliit na baby blue enveloped ang iniabot niya sa'kin.

Magtatanong sana ako na kung sino yun, kung hindi  ko naalalang Andretti ang mga nakatagged sa pictures ni Kris sa IG. Dione? May Dione pa siya?

"S-salamat. Sorry mukhang hinabol mo pa ako." Ngumiti ako.

She smiled back. "Okay lang po. Pinapasabi niya nga po pala na, siya ang susundo sa inyo mamaya."

Hindi ko mapigiligang hindi maexcite. "Pakisabi rin na lagot siya sa'kin." Ngiti ko ulit kay ate.

"Makakarating po." Iyon lang ay nagpaalam na siya.

Patay ka sa'kin Kris. Ngayon mo lang ako naalala. Hindi makatarungan 'yun no! Dahil buong buwan kang tumatakbo sa isip ko. Hindi pwedeng hindi totoo iyong psychological fact na nabasa ko dahil kinilig ako dun!

Itinago ko na yung eneveloped na binigay sa'kin ni ate at pumasok sa last na klase ko. Excited akong matapos dahil naexcite ako. Madali rin natapos ang isa't kalahating oras kaya naman dali-dali akong lumabas at bumaba. Saan ako susunduin ni Kris? Amp.

Bumaba ako. Baka nandito lang siya sa tabi-tabi. Oras na rin ng uwian ng ibang estudyante kaya maraming pakalat-kalat. Chos.

Naupo ako sa bench sa may lilim. Marami ring bench dito kasi nga pakalat-kalat estudyante. Haha. Baka aantayin ko na lang siyang hanapin niya ako tapos sasapakin ko siya!

Lagot talaga siya sa'kin, hihilain ko kwelyo ng Arki shirt niya at hahalikan ko siya sabay sampal tapos tadyak! Tapos haha--

"Miss, pinapasundo ka ni Kris." Isang baritonong boses ang pumutol sa plano kong torture-in si Kris.

Napatingin ako, simula sa well uhm, sa pants niya pataas sa checkered na dark blue long sleeved polo na hindi ganon kafitted, bukas ang 3 buttons at sa mukhang mas winner kay Paulo Avelino.. Ehem.. Ang gwapo.

"Ikaw si Gail, right?" Putol na naman niya sa well, pagchecheck ko sa kagwapuhan niya. Kung hindi ako nagkakamali ito yung kasama ni Kris lagi. Iyong gwapong heartrob ng school. Medyo magkamukha sila... Siguro kasi lagi silang magkasama. He has this penetrating stare din, katulad kay Kris. Hazel brown ang mata at ang kapal ng eyelashes.

"Yes. Nasan ang kapreng yon? Sasampalin ko pa siya."

He let out a small chuckle. Sexy rin siyang tumawa and I'm telling you girls, pang close up ang set ng mga ipin. Gravity! Babae talaga ako eh. Naiinggit lang ako kay Kris. Di ba di ba?

"Will you stop checkin' me out, miss? It's pretty awkward on my part. My best friend likes you. And if ever she's not telling you yet, she's missing you like crazy." Mahabang litanya niya na malalim ang kunot ng noo. Parang badtrip pero gwapo pa rin.

"Mag best friend nga kayo. Normal na titigan kayo ng katulad kong ordinaryong nilalang dahil parehas kayong mukhang artista. H'wag kang feeling.. I'm into girls ya know!" I raised my brow. "Salamat pala. Asan si Kris?"

"Hindi naman nalalayo 'yang ganda mo kay Kris. By the way, we should get going. It would be a long drive."

Compliment. Compliment mula sa gwapong best friend ni Kris. Uh, medyo straight pa ako.. Hindi, straight ako. Namimiss ko lang si Kris kasi ano. Kasi...

Ugh! Couldn't find any reason.

Nairita akong tumayo. "Huh? I won't be going with you! Mamaya may balak kang gahasain ako.. Baka magang rape pa ako. Mahirap na."

He laughed like seriously parang baliw! Halos wala ng mata, at kita ang dimple niya sa right side ng cheek. Aww. He's cute.

"I told you, stop checkin me out. Kung ganyan ka parati, paano ka ihaharap ni Kris sa buong angkan niya?" Tanong nito na itinaas ang susi ng kotse niya at sumenyas na maglakad na kami.

Sumunod ako sa kanyang napapaisip. Masyadong mabilis no. Anong pinagsasabi niya? Angkan. Alam kong maganda ang lahi niya, kaya nga lagi ko ring tinititigan si Kris mula sa malayo dati. Amp.

"See? Hop in." Sabi nito na binuksan iyong car door sa passenger's side ng silver Ford pick up na siyempre sasakyan niya. Taray. Amoy bubble gum! Kaparehas ng amoy ng sasakyan ni Kris.

Puro ako Kris. Amp!

"We'll be going to Elysium, Gail. Hindi kasi siya makakapunta dahil nagpatawag ng emergency meeting ang magnate. Kris was Alfaro's representative." Paliwanag niya.

Yun ba ang role ng mga best friend namin dito? Bigyang linaw ang mga bagay na  tinatanong ko lang sa sarili ko? I've heard about Elysium a hundred times. Iyon yung parang Burj Khalifa ng Pinas. Lagi kasing na-pi-feature sa mga magazine, television programs at kung anu-ano pa. So, I assumed, iyon ang EMPIRE na sinasabi ni Andrea. Yung puro mayayaman lang ang nakakapasok dahil nasa loob ito ng secluded city.

Empire, iyong city na may boundaries.

"Pano kayo nagkakilala ni Kris? Kris wasn't answering my questions about you. Too private. Ikaw na lang sumagot." He asked when we reached CAVITEX.

"Ayaw niyang sagutin? Edi ayaw ko rin."

Umiling siya at tumawa. It's as if he's telling me that I'm impossible. Akala niya ah. Hah!

"Ang alam ko lang ikaw yung girlfriend ni Nicolo. Ikaw yu'ng nakita namin ni Kris ng parehas na araw." Halos pabulong na lang iyong huli niyang sinabi kaya hindi ko narinig.

"Ano yun? Pakiulit."

"Nevermind. May gusto akong babae. Paano ko sasabihing gusto ko siya nan2g hindi niya masyadong iisipin yung sasabihin ko?" He asked.

Nangunot ang noo kong tumitig sa kanya but to my surprise, seryosong diretso lang ang tingin niya sa daan. Magbest friend talaga sila ni Kris. Parang napakaraming dinaramdam sa buhay. Halata namang mas palangiti itong si John kay Kris, at mas mukhang babaero pero this time, seryoso ang mukha niyang nag-aabang ng sagot.

"Adik ka ba? Sa gwapo mong 'yan, sa tingin mo pag sinabi mo sa kahit sino na gusto mo siya, hindi niya iisipin yu'n?"

He let out this small chuckle na nagpaawang sa bibig ko. Irereto ko nga kay Andrea to! Baka sakaling tigilan nun ang pagpapantasya kay Enyo Zackham at magpakababae na siya kahit babae naman talaga siya.

"Tama ka nga naman. So sa tingin mo ba, may pag-asa ako sa babaeng gusto ko?" Nakangiti nang tanong niya.

Napaisip ako. Gwapo siya eh, sino bang may ayaw ng boyfriend na gwapo, mayaman, matalino at mukha namang mabait? Unless si Kris iyon at wala talagang interes sa lalaki.

"Depende na lang kung hindi interesado sa lalaki yong trip mo."

"Well, she told me already that she's into girls but I can see that she's not really.."

"Edi sabihin mo na. Ayun naman pala eh."

Nanahimik na siya pagtapos. Mahaba pala talaga ang biyahe. Medyo natraffic pa kami at saktong pagtingin ko sa labas, may dalawang lalaking nagtutukaan sa kabilang kotse. Taray nila. Hindi sila pangit tingnan, actually they look sweet.

Naalala ko tuloy bago ako makapasok sa Ashton Edwards University, may interview about LGBTQ, kung anong view ko do'n at kung anong tingin ko sa mga homophobic. Yu'ng mga nakasabay ko, kahit galing sa magagandang school, hindi nakapasa, mukha kasing anti sila. Haha. Nu'ng una hindi ko alam kung anong purpose nila bakit, pero nu'ng may makita akong rainbow flag sa mismong office ng Dean, nalaman ko na. The school was supporting Gays, Lesbians, Bisexuals & Transgenders. Bawal ang homophobic at isa ang AEU sa nagsusulong ng equality. Good thing, right?

Lahat yata ng mga nanghahamak sa kasama sa LGBTQ ay nakikick out. So bawal talaga ang mga bully don. Kaya pala halos lahat out & proud. Now I know.

"Alam mo ba, Gail, Kris never wanted to be the Alfaro's representative. Ayaw niya kasi ng komplikadong buhay. Ayaw niyang maging mayaman."

What's up with this dude? Binibuild up nila lagi sa'kin si kapre. Halata naman kaya yun kay Kris.

"She doesn't like the idea of being a member of the 8 Goddesses, originally,  9 Goddesses, that's why Eos-- the eldest, let her have this quiet life she wants for the first 3 years of being the Alfaro's heiress, pero it's time to face her responsibilities. She'll be 20 soon kaya kinailangan niya ng mas maging responsable. I was hoping that you will understand her situation. Nangangapa pa si Kris." Diretsong saad na naman niya.

Naiinformation overload na ako pero parang ipinararating nilang kailangan kong idigest lahat. Ayoko namang tanungin sila, 7 buwan palang kaming magkakilala ni Kris. Baka sabihin naman nila, masyado akong feeling close. Amp.

"Bakit ba parang napakakomplikado naman ng buhay niya.."

"Kaya nga inaayawan niya." Natatawang saad niya. "If only I could shoulder every responsibility of that girl... Anyway, do you like her?"

Wala akong maaalalang sinabihan kong gusto ko na si Kris. Wala nga ba? Wala naman eh! Amp. Nataranta tuloy ako sa tanong niya at parang pinagpawisan ng malamig.

"Ha... Ah, eh-- hindi ko alam." Namumulang sagot ko. Alam ko sarili kong gusto ko na siya pero bakit parang hindi pa ako sigurado kapag tinatanong ako?

"Namimiss mo ba siya? Iexplain mo nga sa'kin kung gaano mo siya namimiss.."

"Namimiss ko siya ng sobra. Parang gusto ko na lang siyang yakapin pagkakita ko sa kanya.."

"Then that explains everything.. You like her."

"Teka, makapagconclude ka dyan, wala ka ng ibang itatanong?"

"Wala na. Nakikita ko rin naman sa mata mo kung gaano mo siya kagusto. Kailangan mo lang tanggapin at aminin sa sarili mo."

Napanganga ako. Ilang buwan pa lang ba? 6 buwan, tapos isang buwan at dalawang araw na hindi ko siya nakikita. Ilang buwan nang siya lang ang laman ng journal ko. Ilang buwan na siya lang parati naiisip ko. My gosh..

"See? Iniisip mo yu'ng sinasabi ko. Madali lang basahin ang emosyon ng babae, Gail. Kay Kris lang ako nahihirapan. Masyadong mahirap basahin."

"Ang dami mo ring alam. Para kang si Kris."

"I'm different. She's too unique to be compared with me."

Buong biyahe yata kaming ganun. Ko-corner-in niya lang ako tapos ipagdidiinang gusto ko si Kris at lalampas pa iyon dun. Grabe siya. Torture-in daw ba ang ganda ko? Chos. Ang saya saya niya.

"Gail, you must see every corner of Empire. Isa si Kris sa nag design nito, 8 years ago. The magnate likes her uniqueness so much." Nakangiting saad niya.

Napatingin ako sa nakababa ng bintana, Sa tingin ko malapit na kami sa Empire. Isang bukid muna ang dinaanan namin pero hindi naman malubak ang daan. May mangilan ngilang puno. Tapos, puro puno na, fresh air! Haha. Tapos isang mataas na gate ang bumungad sa'min pagkaraan ng ilang minuto. Iyon na siguro ang gate ng Empire.

OA na kung OA pero sobrang tataas ng bakod dito at protektado pa raw ng bongga. Bigla na nga lang bumukas yun ng walang nagbubukas. Automatic pala.

Napanganga ako ng makapasok kami sa itim na gate. May mga lalaking nakasuit & tie sa pangalawang gate. Take note, pangalawang gate.  Pero hindi katulad ng unang gate, mababa iyon at kita na ang loob. Black ang kulay at kakaiba ang design, sa ibabaw nu'n may nakalagay na EMPIRE.

Ang weird..

"They were here to usher outsiders." Sabi ni John na sa tingin ko ang tinutukoy ay yung mga foreigner na papalapit. "Clark, Mr. Agoncillo will visit Kleio Villegas later at Imperial Heights, please fetch him when I call you." Sabi ni John du'n sa lalaking mukhang Irish, matangkad at may hazel brown na mata.

Tumango lang iyong lalaki. May chineck yung mga kasamahan niya sa loob ng sasakyan, at sa baba. Understood naman daw kahit pa mismong sa Empire ka nakatira.

"You may go now, sir." Sabi nung tinawag ni John na Clark tapos ay may iniabot na card at folder si John du'n.

Umandar na kami at kusa na namang bumukas yung gate. Medyo weird, pero super linis ng daan dito. May mga halaman na may mga pula at yelo na bulaklak sa gilid ng daan, isa lang yu'ng lane dahil wala naman masyadong sasakyan.

Diretso lang kami hanggang makarating sa circle na may fountain na may mga statue na hula ko ay Roman o Greek Goddesses. Nakaangat lahat ng kamay nila tapos may hawak silang malaking bilog sa taas. Apat silang babaeng Goddesses.

Ilang minuto lang, nasa tapat na kami ng isang napakataas na building. Shit, ang ganda ng Elysium. Parang building sa ibang bansa.

"Welcome to Elysium, Gail. Tara?" Basag ng boses ni John sa matinding pagtitig ko sa naturang building.

****

A/N: Hindi ko alam kung tama bang ipasok ko na agad siya sa Goddesses. Mas magiging komplikado na ang buhay niya. But since nagawa ko na 'to. I have to hear some feedbacks about this chapter.

Nakilala na ni Gail si John. What do you think about it guys? The tattoo, the Elysium & Empire? (Picture of Empire at the side)

Thank you for reading!

Ang letrang ipinagdamot sa Periodic table,
J(ae)

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top